Passport to Lurve (Love) [Com...

By MsQarlaDiokno

97.6K 1.3K 159

Ang "Passport to Lurve (Love)" ay isang original "contemporary novel" tungkol sa isang babae from Cainta, Riz... More

INTRODUCTION
STAR IN LOVE
CHAPTER 1 of 15: "Passport"
CHAPTER 2 of 15: "Behind Bars?"
CHAPTER 3 of 15: "Coffee Please"
CHAPTER 4 of 15: "Contract"
CHAPTER 5 of 15: "Love Team"
CHAPTER 6 of 15: "The Concert"
CHAPTER 7 of 15: "Fans and Haters"
CHAPTER 9 of 15: "Torn"
CHAPTER 10 of 15: "The Ball"
CHAPTER 11 of 15: "Personal Assistant"
CHAPTER 12 of 15: "Family"
CHAPTER 13 of 15: "White Lie"
CHAPTER 14 of 15: "Arrival Area"
CHAPTER 15 of 15: "Dexter" (Finale)
EXTRA CHAPTER: "Si Francis Suarez at si Melody Fagar" (New Book)
EXTRA CHAPTER: "Miss Ganda Sarmiento Lang" (New Book)

CHAPTER 8 of 15: "Big Night"

4K 56 10
By MsQarlaDiokno

Nakaupo pa rin kaming tatlo sa kitchen, nagtitinginan, at nagpakiramdaman kung sino ang sasalubong sa bisitang tinitilian ng mga kapit bahay namin sa labas. 

After one minute ng titigan, eh may kumatok ng dalawang beses sa pintuan. 

Si Mang Jojo, isang tanod sa barangay namin. 

Nakabukas naman yung pinto, naiwan ata ni nanay kanina pagkatapos niyang magsampay ng damit. 

"Manang Jovita, pumasok na ko. Pasensya na, andyan kasi si Dexter -- yung artista -- sa tapat ng bahay niyo. Nakasakay siya sa itim na kotse." Pagbabalita ni Mang Jojo na halatang hinihingal pa, siguro dahil madami nanamang sinuway na tao sa tapat ng bahay namin.

At mukhang hindi na rin nagtataka si Mang Jojo na nasa labas ng bahay namin si Dexter. 

Kamakailan lang, si Daryl ang bumisita. Isa si Mang Jojo sa mga tumulong sakanya na hindi makuyog ng tao. 

Lumabas agad si nanay, ako naman tumakbo sa CR.

"Oy saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya.

"Sa CR lang, natatae ako." Sagot ko naman. 

Nagsinungaling ako. Well. Ewan ko.

Natatae ba ako? 

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko kasi nasa tapat ng bahay si Dexter. Parang nahihiya kasi akong harapin siya dahil dun sa nangyari kanina. 

Binuhat niya ako! Isang malaking O-M-G yun! 

Maya-maya pa, narinig ko na may pumasok na sa bahay, pero hindi ko naman narinig boses ni Dexter. Pero may narinig akong boses ng lalaki na may edad na, at saka isang babae.

"Asan kapatid mo?" Tanong ni Nanay kay kuya na nakaupo pa rin sa kitchen. Medyo malapit lang ang kitchen namin dito sa CR kaya naririnig ko usapan nila.

"Nasa CR nay, ume-erna daw (tumatae)." Sagot naman ni Kuya.

Maya-maya pa eh narinig ko na binati na rin ni kuya ang mga kararating naming bisita.

"Tok Tok.."

Kumakatok si nanay sa pintuan ng CR, mga naka limang katok siya bago nagsalita."Anak bilisan mo, andiyan ang tatay saka kapatid ni Dexter. Nakakahiya. Nag hihintay sila, hinahanap ka."

Ano daw? Tatay at saka kapatid ni Dexter? 

After five minutes, lumabas na rin ako. By the way, hindi ako tumae. Nag hilamos lang at saka nag toothbrush.

"Hello Ed." Bati ng lalaki. Nag ngitian kami. 

In fairness ha, Ed ang sinabi ni Dexter na pangalan ko sa tatay at kapatid niya. 

Tawagin ko na lang daw siyang Tito Boy. Siya daw ang tatay ni Dexter. 

Of course, alam kong siya ang tatay ni Dexter. Fan ako ni Dexter noh, well, dating fan.. Ay, siguro medyo fan na lang.. Or, in between siguro?

Yung tatay ni Dexter ang original na may "Boy" na palayaw. At sigurado akong ginaya lang yon ni Dexter.

"Ah, Tito Boy, bakit po kayo napadaan dito sa bahay?" Tanong ko, napatingin din ako sa babaeng kasama niya, kapatid ni Dexter.

Kilala ko si Zonya, kapatid ni Dexter. Naka follow ako sa social media accounts niya. Pinag-aaral na siya ni Dexter sa Amerika. 

Lagi kong ni-rere-tweet ang mga posts niya sa Twitter, at nila-like ang pictures niya sa Instagram saka Facebook. Fashionista kasi tong batang to eh. 

Espesyal si Dexter, madali siyang nakakuha ng U.S. "green card thingy" dahil sikat siya hindi lang dito sa Pilipinas, kundi pati na rin sa Amerika. "Self petition" daw, saka "extraordinary ability" ang ginamit niyang daan para makuha ang green card. Gi-noogle (Google search) ko nun.

"Sabi ni Dexter, sasamahan mo daw kami sa concert." Paliwanag ni Tito Boy. 

"Ah ganun po ba? Kasi po P.A. ako ni Dexter.. Pero sige po kung yun ang utos ni Sir." Sagot ko naman.

Ayaw na siguro ako makasama ni Dexter kaya gusto niya na samahan ko na lang kapatid saka tatay niya. Well, ayaw ko din siya makasama.. As if naman.

"Hi I'm Zonya." Bati naman ng kapatid ni Dexter na mas bata sa kanya, 17 pa lang. Inabot ni Zonya ang kamay niya para kamayan ako. Kinamayan ko naman siya, at nginitian. Nagbalik naman siya ng ngiti sa'kin.

Kinamayan din ni Tito Boy at ni Zonya si nanay at si kuya Royal. 

"Ang ganda ng batang ito!" Pagpuri ni kuya kay Zonya. Nginitian naman siya ni Zonya sabay hawi sa buhok nito na animo'y isang modelo ng shampoo.

Naisip ko tuloy -- "naku, magkakasundo tong dalawang to."

Matapos ang maikling pag uusap, eh tinanong ako ng tatay ni Dexter.

"So, panu? Tara na ba?" 

Sinabi ko agad na hindi pa ako nakakapag ayos. Ayaw ko naman silang pag antayin kaya sinabi ko na mauna na sila sa Pasig, sa condo ni Dexter. At sinabi ko na susunod na lang ako dun. 

Pumayag naman si Tito Boy. 

Binigay ni Tito ang number niya, kinuha din ni Zonya ang number ko. Makalipas ang ilang minuto eh umalis na sila.

Paglabas nila ng pinto eh agad kong tinanong si nanay -- kung nasaan si Dexter.

Ang sabi ni nanay, umalis din agad si Dexter bago pa pumasok ng bahay ang tatay at ang kapatid niya. 

"Itutuloy ko lang labada ko," sabi ni nanay. 

"Bilisan mo, nakakahiya sa tatay ni Dexter," dagdag pa niya bago dumeretso sa likod kung saan siya naglalaba. 

Umupo ako sa dining table, sa kitchen. Nakaupo pa rin si kuya.

"Matutulog na ako. Hindi na ako sasabay mamaya, mukhang maaga ka aalis today." Sabi ni Kuya. 

Umo-o na lang ako. 

Magiging chaperon ako ng family ni Dexter today. Kaya kailangan maaga ako umalis -- and this time, dadalhin ko na ang sasakyan ko para hindi ko na kailangang maki angkas kay Dexter, kay Daryl, or even kay Tita Baby.

Magaling naman ako mag drive, manual or automatic, pero minsan kasi tinotopak yung kotse ko. Sana lang mamaya hindi siya tumirik. 

Naisip ko, "I'm busy, sana makisama si karoo (kotse)."

After 30 minutes, naligo na rin ako. 

Pagkatapos ko isuot yung "staff" shirt ko, eh nagsuklay agad ako at napatingin sa orasan -- mag tatanghali na. I need to hurry.

Maya-maya, may pumasok sa isip ko. 

Alam kaya ng family ni Dexter na nasira ko ang passport ng bread winner nila? 

Sana naman hindi na sinabi ni Dexter na ako ang nakasira, nakaka hiya kasi eh. 

Bago ako sumakay ng sasakyan ko, kinausap ako ni nanay. Alam niyo na, mga kung anu-anong bilin. Mag text daw ako, ganito-ganyan. 

"Anak, masaya ako na natupad na ang pangarap mo na makasama idol mo," sabi ni nanay. "Pero huwag ka masyadong umasa." 

"Umasa, nay? Anu naman aasahan ko?" Tanong ko naman. Siguro iniisip niya na ma-iinlove ako ng todo-todo kay Dexter, at baka umasa lang ako.

"Imposible yang iniisip niyo 'nay, kahit anu pa yan. Hindi ako magugustuhan ni Dexter. Hindi naman ako kasing ganda ni Maureen. At hindi rin ako artista. Langit at lupa nay. Period." Paliwanag ko.

Niyakap ko si nanay bago ako sumakay ng sasakyan, at nagmaneho.

"Mag text ka ha!" Sigaw ni nanay, habang paandar na ang sasakyan ko.

Habang nagmamaneho, eh naisipan kong buksan ang radyo. As expected, naabutan ko nanaman na pinapatugtog ang kanta ni Dexter. 

Maya-maya pa, nagsalita na ang DJ. 

"Alam niyo ba na si Dexter ay napaka bait sa fan. Alam niyo naman na siguro ang kumakalat na video ngayon. Aba, si Dexter, nagiging friendly sa isang fan at ginawa pa niyang P.A." Pagkukwento ng DJ. 

Etong DJ na 'to, andaming alam. Hindi naman siya updated sa buong kuwento -- parang ang bait-bait tuloy ng imahe ni Dexter.. 

"Wow, friendly sa fan! Galing! Wala kayong alam!" Sabi ko sa sarili ko, sabay tawa ng malakas.

Pagdating ko sa baba ng condo, eh binati agad ako ng security guard. Dumeretso ako sa reception, at tinanong kung saan ang condo unit ni Dexter. Hindi ata naniwala yung babae sa reception na kilala ko si Dexter, at ang pamilya nito, kaya tumawag pa siya sa kuwarto.

"You're Ed Mariano?" Tanong ng babae. "Yes po." Sagot ko naman.

Nasa labas ako ng unit ni Dexter nang napansin ko na parang maraming tao sa loob. 

Parang may nag-iinterview. Rinig na rinig ko ang boses ni Tito na nagsasalita. 

Kumatok ako, at pagbukas ng pinto ay agad kong nakita ang tatay ni Dexter na nakaupo sa sofa, at may kaharap na reporter. Hinila ako bigla ni Zonya.

"Come here, sis! Let's go to kuya's room!" Sabi ng dalaga. Nginitian ko siya at hinayaan na hilahin ako.

Andaming tao. May dalawang security guard si Dexter. Pero parang nahihirapan sila sa dami ng media people na nasa loob. Ang sikip na sa sala ng condo unit ni Dexter. 

Yung ibang media personnel, nakaupo na sa kitchen.

"Ang hirap maging artista no?" Pambungad ni Zonya, bago siya humiga sa kama ni Dexter na ayos na ayos, ni wala man lang kahit isang kusot. Yung dalawang unan niya, yung isa kulay blue, yung isa red, tapos may bed sheet na kulay black, at may comforter na grey. 

Lalaking lalaki ang kama niya ha. May taste sa kulay.

"Join me here," sabi ni Zonya, sabay pagpag sa kama ng kuya niya na senyas nito na doon ako umupo. 

"Dito na lang ako," sagot ko naman, sabay upo sa harap ng computer table ni Dexter. 

Malaki ang screen ng computer ni Dexter. Apple Mac. May mga music equipments din sa tabi na naka kunekta sa computer. Dito ata nag re-record si Dexter minsan.

"Sabi ni kuya puwede din daw akong mag artista. Pero ayoko, I'd rather cook for other people. That's why I'm taking culinary classes." Kuwento ni Zonya.

"Ay cook din ako. Pero hindi ako sure kung magaling ako. Puwede kitang turuan ng mga inimbento kong putahe." Sagot ko naman. 

Natuwa si Zonya, "really?" Sabay ngiti sa akin. Napag usapan namin na pagkatapos ng concert, at nakapagpahinga kami, eh magluluto kaming dalawa.

Matapos namin mag-kuwentuhan, mga 30 minutes, eh may kumatok sa kuwarto ni Dexter -- si Tito Boy.

"Zonya, maligo ka na. And then let's eat na lang sa mall." 

Lumabas agad si Zonya, tapos ngumiti sa'kin si Tito bago niya sinara yung pinto.

Hindi naman ako niyaya ni Tito na lumabas. Kaya hindi ako gumalaw sa kina-uupuan ko. Napatingin ako sa paligid. Ang linis ng kuwarto ni Dexter.

Dito siya tumutuloy kapag nasa Pilipinas siya. 

Malaki yung unit, apat ang kuwarto, tapos may isang maid's room. Dito siya natutulog sa pangalawang pinaka-malaki, yung Tatay niya siguro dun sa pinakamalaki, tapos yung kapatid niya sa pinaka maliit.

Makalipas ang ilang minuto..

Sinundo ako ng tatay ni Dexter sa kuwarto, tapos bumaba na kami. Mukha talaga akong P.A. kasi ang ganda ng damit ni Zonya, branded. Si Tito naman, susyal na polo din, neat na neat tingnan.

"Magsuklay ka sis," sabay abot sakin ni Zonya ng suklay. 

Napansin yata niya na magulo buhok ko. 

Huminto kami sa parking lot. May inaantay kaming kotse. 

Maya-maya pa ay dumating na ang isang mamahaling kotse, kulay itim. Nakasakay sa harap yung isa sa mga security guards na nakita ko kanina sa taas.

"Ay sige po, susunod na lang ako dun sa mall. May kotse naman po akong dala," paliwanag ko sa dalawa. 

"Ay hindi, sumabay ka na samin Ed. Manghinayang ka sa gasolina. Saka wag ka na mag-contribute sa global warming." Sagot naman ng tatay ni Dexter.

Tumawa naman si Zonya, "global warming talaga, dad?" 

Hindi na ako naka-tanggi. Pinauna ko silang sumakay sa likod ng kotse, tapos sumakay na din ako. 

Magkatabi kami ni Zonya.

"Let's take a selfie." Sabi ni Zonya. Hindi nanaman ako nakatanggi.

Konti lang ang tao sa mall, palibhasa medyo "upscale" 'to. Sa isang buffet restaurant kami kumain. Hindi ako masyadong kumain. Hindi ako sure kung wala akong gana, or kinakabahan lang ako. Excited na rin kasi ako sa concert.

Pagkatapos naming kumain, eh nagyaya na agad ang tatay ni Dexter na umuwi sa condo, kasi daw "may media na darating, for interviews" -- pero biglang nagsalita si Zonya.

"Dad, puwede mauna ka na sa condo? Kasi gusto ko mag window shopping. Pasama ako kay ate Ed." Paliwanag niya.

After 1 minute of arguments, nanalo si Zonya, at umalis na si dad, este yung tatay ni Dexter, at nagsabi na lang na tumawag pag magpapa sundo na kami. 

"Bago mag 6 PM nasa condo na kayo, kasi 9 PM yung concert." Sabi naman ni Tito Boy.

Natuwa si Zonya.

Paikot-ikot lang kami ni Zonya. 

Bili dito, bili doon. 

Tinulungan ko naman siyang mag-buhat ng shopping bags. Habang naglalakad, eh tinanong niya ako kung saan ako nakilala ng kuya niya. Ang sinabi ko na lang eh recommendation ako ni Tita Baby.

At habang naglalakad kami, eh biglang napahinto si Zonya. "OMG, andami ko na pala nabili. At dahil nice ka, and you're fun naman na kasama, isha-shopping din kita." Sabi niya.

"Look oh! Oh heto bagay sa'yo." Sabi ni Zonya sabay turo sa dress, tapos bigla siyang pumasok sa store.

Sinubukan kong tumanggi, pero mapilit si bagets. 

Pero naloka ako sa pinapasukat niya sa'kin, parang pang-ball naman -- "Oh, bagay sa'yo sis! Look oh, ganda mo, para kang artista."

Pinaikot niya pa ako. Black dress siya, hindi ko maimagine na isusuot ko 'to. I mean, pang formal parties siya, pang red carpet. 

Binili ni Zonya yung dress. Ka ching, isang swipe lang.

Tapos may binili pa siyang dalawang dress, yung isa type ko kasi puwedeng pag labas, or pang informal party. 

Maya-maya pa, tumawag na si Tito Boy, pinapauwi na kami. 

SA CONDO

"I think you should wear the white one," sabi ni Zonya sa'kin sabay turo sa bag na puno ng pinamili niya for me. 

Maganda yung damit, pero sinabi ko sa'kanya na hindi ako pwedeng mag-palit, dapat kasi alam ng mga tao na one of the staff members ako. Para puwede silang mag-inquire sa akin.

SA LABAS NG ARENA

Andaming tao sa labas ng concert venue. 

Kinilabutan ako kasi ngayon ko lang na-realize (nag sink-in) na isang international superstar si Dexter. After kasi ng punit-passport incident, eh parang nakalimutan ko na sikat siya. 

Dumaan kami sa isang exclusive avenue, yung daanan ng performers and VIPs. 

Pagbaba ko sa kotse, eh inantay ko si Tito saka si Zonya sa isang sulok. 

Nakadikit lang ako sa kanila. Nahihiya kasi ako. Yung mga kasabay kasi naming VIPs, mga sikat talaga. May senator, may network executive, at andaming artista from two rival networks.

"Look who's here!" Sabi ng sumigaw na babae na nasa likod namin.

"Ate Maureen!" Sagot naman ni Zonya. Nag beso-beso sila. Tumingin sakin si Mau, kaya nag fake smile na lang ako. Nag beso-beso din si Tito Boy saka Maureen, and then they hugged. Close talaga sila.. Or feeling close lang si Maureen. 

Natawa tuloy ako.

Napansin ata ni Maureen na natawa ako, kaya tumingin siya sa'kin.

"Hey Edna, nice to see you here." Bati ng Maureen. 

"Hello po, Ma'am Maureen." Bati ko naman, na medyo may halong fake smile.

Nagtanong tuloy si Zonya, "magkakilala pala kayo?" 

"Yup, we are. She's a fan of Dexter na binigyan ni Tita Baby ng privilege na maging staff member ng concert ni Dexter. You know naman the fans.. Gagawin lahat." Sagot naman ni Maureen, sabay tawa.

"Wow ngayon ko lang nalaman na may maganda at determined na fan ang anak ko." Sabi naman ni Tito Boy. 

"I really like you sis," dagdag naman ni Zonya. "For a fan, napaka behave mo and napaka nice, and you're pretty." Dagdag pa niya, sabay hug sa akin from my right.

"Ay, thank you," sagot ko na lang. "Hindi ko rin kasi ma hindi-an si Tita Baby."

At nairita ata si Maureen sa reaksyon ni Zonya saka ni Tito, kaya nagpaalam ito na mauna na.

"So, magkita-kita na lang tayo sa loob? Naiinip na kasi mga kasama kong friends." Pagpapa alam ni Maureen sabay turo sa mga kaibigan nito na halata ngang naiinip na.

"By the way, Edna, galingan mo sa loob ha? Do your best na mapakalma yung mga kapwa mo fans sa loob, para hindi magulo." Sabi ni Maureen, sabay alis. 

"Edna.. ay Ed, you know the love story of me and yung mother ni Dexter?" Tanong sa'kin ni Tito.

"Ay Tito hindi po. Hindi naman po publicized yun di'ba?" Sagot ka naman.

"You're truly a fan. I'm happy na someone like you eh mahal ang anak ko." Sagot ni Tito.

Kinabahan ako. Mahal na agad? Oh well, baka ibig sabihin ni Tito eh love as a fan. And not.. you know?

Pagdating namin sa loob, dumeretso agad kami sa VIP room ni Dexter. Naabutan namin siya na parang ni-rerehearse yung first song niya.

Nakita ko na nagyakapan si Dexter and si Tito. 

Ramdam ko ang love. 

Nakakatuwa. Yung yakap ni Tito, ramdam mo na masaya siya.. Na proud na proud siya sa achievements ni Dexter, including this concert na jam-packed to the highest level.

Yumakap din si Zonya. "I'm very proud of you kuya. Another sold-out concert."

Habang magkayakap ang magkapatid eh biglang tumingin sa'kin si Dexter.

"Thanks for accompanying my dad and my sis," sabi ni Dexter, sabay ngiti. 

Wow, first time niya ata akong nginitian. May kilig akong naramdaman.

Maya-maya pa kinuha ni Dexter yung bouquet of flowers na nasa harap ng kanyang make up mirror with lights.

Binigay ni Dexter kay Zonya. "This one is for you, bigay ng fan. I think you should keep it." Sabi ni Dexter sa kapatid niya.

Biglang tumingin sa'kin si Zonya na hawak-hawak ang flowers.

"Alam mo kuya, mas deserve ni ate Edna 'tong flowers na to, para sa lahat ng efforts niya sa'yo." Sabi ni Zonya. 

Inabot sakin ni Zonya yung flowers.

"Ay hindi, sa'yo na yan Zonya, hehe.. Mas bagay sa'yo yung flowers." Sabi ko naman.

Inabot ko pabalik kay Zonya yung flowers .. Tapos inabot naman ni Zonya pabalik sa akin.

Mga naka tatlong balik yung bouquet. 

Maya-maya, biglang sumingit si Dexter. "Akin na nga yan," sabi niya.

Tumalikod siya, tapos, after 10 seconds, humarap siya sa amin, tapos tumingin siya sa'kin.

Kinabahan ako.

Tapos, bigla niyang binigay yung bulaklak.. Sa akin. 

"Ang arte mo. Keep it." Sabi ni Dexter, sabay talikod ulit. Tapos nag lakad na siya papunta sa make up mirror. 

"Uyy.. kinikilig si ate!" Pang aasar ni Zonya. 

Pero totoo yung sinabi ni Zonya, kinilig ako. 

Siyete! 

Lord, bakit niyo ginagawa sa'kin to. Alam ko namang mauuwi sa "nganga" at hopya (paasa) ang lahat ng 'to. Bakit may ganito pang moments?

Biglang kumalabog yung pinto ng VIP room. Si Tita Baby, hinihingal.

"Dexter, may problema. May biglang nag-play na video sa big screen.." Pagbabalita ni Tita Baby na halatang katatapos lang tumakbo.

"What video?" Tanong ni Dexter.

"Video ni Maureen at Daryl, nag hahalikan. Sa isang hotel room. Nakita ng lahat ng tao." Sagot ni Tita Baby.





Continue Reading

You'll Also Like

8M 481K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
391K 11.3K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
2.2M 98.6K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...