FooIish Heart [COMPLETE]

By AKOSICRAZYGIRL

44.8K 1.1K 159

[NO SOFT COPIES] "Don't hold on to the past too tight, the future may never come." Lagi nakatatak sa isip ko... More

Prologue:
Foolish Heart [1]
Foolish Heart [2]
Foolish Heart [3]
Foolish Heart [4]
Foolish Heart [5]
Foolish Heart [6]
Foolish Heart [7]
Foolish Heart [8]
Foolish Heart [9]
Foolish Heart [10]
Foolish Heart [11]
Foolish Heart [12]
Foolish Heart [13]
Foolish Heart [14]
Foolish Heart [15]
Foolish Heart [16]
Foolish Heart [18]
Foolish Heart [19]
Foolish Heart [20]
Foolish Heart [21]
Foolish Heart [22]
Foolish Heart [23]
Foolish Heart [24]
Foolish Heart [25]
Foolish Heart [26]
Foolish Heart [27]
Foolish Heart [28]
Foolish Heart [29]
Foolish Heart [30]
"Jerome Cruz: Prinsesa Ko."
Foolish Heart [31]
Foolish Heart [32]
Foolish Heart [33]
Foolish Heart [34]
Foolish Heart [35]
"Zen Reyes: One last chance.."
Foolish Heart [36]
Foolish Heart [37]
Foolish Heart [38]
Foolish Heart [39]
Foolish Heart [40]
EPILOGUE:
Special Chapter : Ash & Dez
Special Chapter: Jerome & Mikaela
[PROMOTE!!!] MY NAME IS HEARTBREAKER * Teaser *
[PROMOTE!!!] ANG BOYFRIEND KONG BADING
[PROMOTE!!!] BLACK & WHITE UNIVERSITY
[PROMOTE] MY BOYFRIEND IS GAY ON DREAME

Foolish Heart [17]

845 28 5
By AKOSICRAZYGIRL





Foolish Heart [17]



"Ano ba Zen, mamaya na yung batch party wala ka parin sa wisyon tumgtog. Kung apektado ka parin sa paghihiwalay niyo ni Suzy wag mo naman idala dito! Pare, eto na yung last na tutugtog tayo! Gragraduate na tayo kaya pwede ba gumising gising ka naman!" Inis nasabi ni Reginald, ilang araw na kasi kami nagprapractice at laging nakakalimutan ni Zen ang tutugtugin niya minsan naman nagkakamali siya, kinakausap ko naman siya pero sasabihin niya okay lang siya. Lumapit muna ako kay Jerome na ilang araw na din sumasama sa akin para manood ng band practice namin.


"Nag-aaway nanaman sila." Sabi niya.


"Kaya nga e, nag-aalala ako kay Zen. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan." Hinila niya ako para maka-upo sa tabi niya.


"Ganyan si Zen pag may gumugulo sa utak niya o may pinipigilan siyang gawin.Nawawala siya sa sarili niya."


"Kaibigan mo naman siya di ba, baka pwede mo naman siya kausapin.Mamaya na yung tugtugan namin pero wala pa rin kaming kanta." Ngumiti siya sa akin.


"Pero sa ugali ni Zen ayaw niya yung may makikielam sakanya." Hinawakan ko yung kamay niya.


"Please, para sa akin kausapin mo siya."  Napakmot siya sa ulo niya at napabuntong hininga.


"Sige, kung ayan ang gusto mo." Tumayo siya at lumapit kay Zen.


"Pre." Hinawakan ni Jerome ang balikat ni Zen.


"Kilala mo ako Jerome, alam mong ayaw ko ang makikielam sa sarili ko." Seryosong sabi ni Zen, kaya inalis ni Jerome ang pagkakahawak niya sa balikat. Naninibago talaga ako sa kinikilos ni payatot.


"Alam ko yun pero si Mikaela kasi gusto niya kausapin kita. Nag-aalala siya sayo." Napaiwas ako ng tingin nung tumingin sa direksyon ko si Zen.


"Ganun ba?Pasensya na."


"Magiging okay ang lahat Zen, kaya mo yan." Napangiti naman ako sa sinabi ni Jerome.


"Papahangin lang ako saglit, pagkatapos nun practice na talaga tayo. Pasensya na mga pre." Pero bago lumabas si Zen ay tiningnan ko siya ng masama at tumawa siya sa akin.


"Hindi ako magyoyosi." Sabay labas ni Zen, mabuti naman nabasa niya yung ganung tingin ko.


"At habang nasa labas yung mokong na yun, mag-isip na tayo ng tutugtugin natin mamaya sa batch party." Salita ni Gunder, kaya tumahimik kami ng ilang minuto para mag-isip.


"Paano kaya kung kumanta kayo ng kakaiba? Yung babagay sa mga emosyon niyo ngayon." Nagulat ako sa sinabi ni Jerome, hindi ko aakalain mag-susuggest siya ng ganito ha.


"May punto ka pre, lagi kasi tayo kumakanta ng mga rock at alam naman natin na di lahat ng estudyante at ng mga ibang gurang na titser ay gusto iyon. Kaya dapat ngayon ibahin natin yung set ng kantahan natin." Pag-sang ayon ni Gunder.


"Tama dahil ang banda natin ay We serenade kailangan natin haranahin ang mga tao mamayang gabi." Masayang sabi ni Vince, speaking of Vince tiningnan ko siya ng masama.


"Oy ikaw!" Sabay turo ko kay Vince.


"Anong meron sa akin?" 


"Bakit tinuruan mo magyosi si Zen?" Napakamot siya sa ulo pero bumawi din siya  at ngumiti sa akin.


"Para doon ilabas ang totoo niyang nararamdaman." Lumapit ako sakanya at pinalo siya.


"Wag ka nga Bad influence sakanya! Wag mo na ulitin yun." Tumawa siya sa akin.


"Kaya pala, ganyan siya sayo." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Vince.


"Ha?"


"Wala, ayun nga para sa kakantahin naiisip ko bakit hindi tayo mag eraserheads na tugtugan? Tutal mga batang 90's tayo. " Pag-iiba ni Vince pero may punto naman yung suggestion niya.


"Gusto ko yun eraserheads." Masaya kong sabi.


"edi kung e-heads ang tugtugan natin anong kanta naman?" Tanong ni Gunder, ilang minuto nanaman kami natahimik at nagulat ako nung biglang tumayo si Vince.


"Simulan muna natin sa Harana, With a smile, Magazin o kahit ano pa sisiw na lang naman kila Mikaela ang kantahin ang iba pero ang pinaka last song natin ay kailan kasi bagay na bagay yun para kay Zen" Nagtaka kami sa sinabi ni Vince.


"Bakit naman?" Tanong ni Reginald.


"Para sa mga taong umaasa yun na magustuhan sila ng taong gusto nila na sana naman sila ang tingnan." 


"Ha?" Lahat kami nagtaka sa sinabi ni Vince.


"Basta, pagdumating si Zen at kinanta niya yun babagay yun sakanya panigurado." Nakangiting sabi ni Vince.


"Magsusuggest pa ba kayo ng ibang kanta?" Tanong ni Gunder, wala na ako maisip na kanta na babagay din para sa boses ko.


"Kailan na lang." Sabi ko.


"Kung ganun, magpipiano ako." Sabi ni Gunder at nag-agree naman kami at ayun nagsimula kaming practisin yung kanta, sakto dumating na din si Zen. Sinabi ko sakanya yung kanta at okay lang naman daw sakanya. Ilang oras kami nagpractice sa music room at totoo nga ang sabi ni Vince bagay sakanya yung kanta at ramdam na ramdam niya yung tugtog maski yung pag interlude niya sa kanta gamit yung gitara niya ang galing. 


*********


kailan mo ako hahagkan

matagal na akong naghihintay

nakadungaw sa bintana

mga dahon lang ang kumakaway


 Nagsimula na kami kumanta para sa batch party at eto na ang huling kanta namin katulad ng sinabi ni Vince.Ito na din ang huling kanta namin bilang isang banda.

kailan ko madaramdaman

pagdampi ng iyong labi

tinatanong ko ang mga bituin

mga luhang humahalik sa aking pisngi

 Tumingin ako kay Zen na ngayon nakapikit habang kumakanta, pinagmasdan ko lang siya. Tama ba talaga ang kutob ko kay Zen? Kaya ka ba ganyan sa akin?

kailan ako tatahan

higpit ng yakap ng dibdib

nakatingin ako sa salamin

may guhit sa noo

mapait ang ngiti

  Nagsimula na akong kumanta at pumikit para kahit papaano maramdaman ko ang pagkanta katulad ng ginagawa ni Zen.

kailan ko masisilayan

sa araw-araw aking mahal

mula paggising hanggang sa pag-idlip

kagandahan mo'y walang patid

        Pagkamulat ko ay tumingin ako kay Zen na ngayon nakatitig sa akin habang nagigitara siya kaya napaiwas ako at tumingin sa mga tao na nakikisabay sa pagkanta namin ni Zen.


kailan mo ako hahagkan

matagal na akong naghihintay

nakadungaw sa bintana

mga dahon lang ang kumakaway

        Nagulat ako nung kumanta din si Zen sa mic ko kaya napatingin ako sakanya, hindi niya ako ininform na gagawin niya yun sa akin kaya madaming tao tumili dahil sa ginawa ni Zen at ako naman namumula na sa ginawa niya.

kailan ako lalaya

sa anino ng pag-iisa

mga rehas lang ang tanaw

nanginginig sa seldang maginaw


Natapos na ang kanta namin pero hindi parin nawawala kay Zen ang tingin niya, magkalapit ang mukha namin sa isa't-isa.


"Z-zen." 


"Ay sorry." Sabay alis niya sa harap ko at tumingin sa mga tao, nagpasalamat siya sakanila hinawakan ko yung pisngi ko na ngayon alam ko sobrang pula parin. Pagkatapos ng tugtugan namin ay bumababa agad ako kasama sila Zen pero nagulat ako nung makita namin si Suzy naghihintay.


"Congrats sainyo, tsaka thank you." Nakangiting sabi ni Suzy.


"Kami dapat ang magpasalamat sayo Suzy, dahil sayo nabigyan kami ng ganitong oppurtunity. Thank you din dahil naging parte ka ng banda." Sabi ni Gunder.


"Salamat." Lumapit ako kay Suzy.


"Suzy, pwede ba tayo mag-usap?"  Tumingin siya sa akin.


"Wala naman tayo dapat pag-usapan Mikaela." Nakangiting sabi ni Suzy at umalis siya sa harap ko tapos lumapit siya kay Zen.


"Tayo ang dapat mag-usap." Narinig kong sabi ni Suzy, tumingin ako sakanila at tumango sakanya si Zen sabay iniwan kami.


"Paano ba yan Mikaela, punta na kami sa mga klaklase namin. Salamat sa lahat ha, kita kitz na lang tayo sa college." Sabay yakap sa akin ni Gunder , ganun din si Reginald.


"Mamimiss ko kayo guys." Tumawa sila.


"Magkikita pa naman tayo! Sige na." Sabi ni Reginald at umalis na sila. Tumingin ako kay Vince na ngayon nakaupo lang sa sulok.


"Hindi ka ba makikiparty doon?" Tanong ko sakanya.


"Mamaya, hindi makapaghintay."


"Galit ka?" Tumawa siya.


"Hindi, natutuwa lang ako sa nangyayari sainyo." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.


"Ano ba kasi yun?" 


"Alam kong may kutob ka na pero binabalewala mo lang iyon." Lumapit siya sa akin.


"Wala akong alam sa sinasabi mo."


"Ikaw bahala kung babalewalain mo yang kutob mo." Sabay ngiti niya sa akin.


"Bakit may alam ka ba?"


"Alam ko ang lahat Mikaela at ilang araw na ako nagoobserba sainyo ni Zen,kaya alam ko may kutob ka na din sa mga pinagagawa sayo." Tiningnan ko lang siya.


"Magkaibigan kami ni Zen." 


"Para sayo pero sakanya?" Natahimik ako sa sinabi niya, tinapik niya lang ang balikat ko at umalis na siya. Huminga ako ng malalim at natulala ng ilang minuto pero natauhan ako kasi baka mamaya hinahanap na ako ni Jerome. Kaya pumunta ako sa lugar kung saan ginaganap ang batch party namin, grabe ang daming estudyante pinagsama kasi dito sa school namin ang batch party ng Perez Academy at Stateland. Siguro nakiusap nanaman yung perez academy na pag-isahin yung party katulad ng school festival namin noon. Hinanap ko sila Jerome sa buong gynasium, nakita ko sila Deziree pero hindi nila kasama si Jerome.   Pumunta ako sa football field at nagbabakasali na makita siya doon at hindi naman ako nagkamali na nadoon siya.



"Jerome." Tumingin siya sa akin at ngumiti.


"Dito ka sa tabi ko." Tumabi naman ako sakanya at inakbayan niya agad ako pagka-upo ko.


"Bakit nandito ka mag-isa?"


"Nagpahangin lang." Tumingin ako sakanya.


"Bakit naman?"


"Nagselos ako sainyo." Sabay tingin niya sa akin.


"Magkaibigan nga lang kami ni Zen." 


"Sana nga kaibigan ang turing sayo." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.


"Pwede ba Jerome,wag na lang natin siya pag-usapan." Hinawakan niya ang mukha ko.


"Onga dapat hindi natin siya pag-usapan dapat tayong dalawa." Napangiti ako sa sinabi.


"Hindi naman tayo di ba?" At hinawakan ko ang kamay niya.


"Pero parehas naman natin gusto ang isa't-isa."


"Oo nga."


"Kaya mo ba maghintay hanggang college tayo?" Humiga ako sa damuhan at tumingin sa mga bituin pero hawak niya ang kamay ko, alam ko humiga din siya sa tabi ko pero nakatingin siya sa mukha ko.


"Kakayanin ko Jerome, sana lang di ako makakita ng iba." Sabay tingin ko sakanya.


"At sana ako din hindi makakita ng iba." Tumingin ako sakanya ng masama.


"Tse, baka pag ako makita mo pagcollege na tulo laway ka na."


"Bakit anong balak mo?"


"Iba na ako pagcollege, ayoko na maulit sa akin ang nangyari sa akin dito."


"Hindi mo kailangan magbago Mikaela, may mga tao na magugustuhan ka bilang ikaw."


"Hindi naman ako magbabago ang gusto ko lang makita nila kung ano ang kaya kong gawin na hindi ko nagawa ngayon highschool."


"Ay ganun ba?Aabangan ko yan ha."


"Teka, saan ka ba kasi magcocollege?" Bumangon ako at pinunasan niya yung likod ko.


"Secret." Sabay kindat niya sa akin at nagulat ako nung inayos niya yung buhok ko , mukhang tinitirintas niya yung buhok ko.


"Kailan ka pa natuto magtirintas?"


"Ngayon ko lang itry-try sayo. Lagi ko kasi nakikita sa mga babae ang pagtitirintas kaya itry-try ko sayo." Tumawa ako sa sinabi niya.


"Wag kang malikot." Hindi ko mapigilan tumawa sa ginagawa niya kaya hindi niya tinuloy ang ginagawa niya sa buhok ko kaya humarap ako sakanya.


"Ang cute talaga ng prinsipe ko." 


"Prinsesa ko, gragraduate na tayo." Sabay hawak niya sa kamay ko.


"Mamimiss mo ba ako?" 


"Oo sobra." Bigla ako napakunot sa asal niya na prang bata.


"Wag ka nga ganyan, di ako sanay."


"Di ba sabi mo cute ako prinsesa ko?" Sabay pout niya pa, tumawa ako sa ginawa niya.


"Bakit ka ba ganyan?"


"Cute kasi ako." Tapos nagpacute pa siya sa akin lalo kaya tumawa ako pero napatigil ako nung hinalikan niya ako sa pisngi.


"Sa susunod na kita hahalikan sa labi." Bigla ako namula sa sinabi niya at napayuko. Nahiya ako sa sinabi niya, di ko aakalaing sasabihin niya yun.


"Tsaka pagnaging tayo na, pag nasa tamang edad na tayo doon ko sasabihin sayo na mahal kita." Napatingin ako sakanya at kita ko sakanya na seryoso siya sa sinasabi niya kaya hindi ko maiwasan na kiligin sa sinabi niya.



"Bakit ganun? Crush lang kita dati hindi ko naman inieexpect na aabot tayo sa ganito." Naiiyak kong sabi at pinunasan niya ito.


"expect the unexpected, my princess." Ngumiti siya sa akin at hinawakan ko ang mukha niya.


" Hindi ito panaginip di ba?" Umiling siya.


"Hindi po at kung panaginip man ito prinsesa ko ayaw ko ng magising." Tumawa ako sa sinabi niya at siya din.  Humiga kami ulit at parehas namin tinitigan ang mga bituin sa langit na magkahawak ang aming kamay. 



My Prince Jerome ♥



=================

Vote.Comment.Fan

(C) AKOSICRAZYGIRL ♥ :''> :*

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
3.5M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
28.1M 711K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...