Fate of Love.

By blueballoon19

2M 15.9K 4.6K

Is it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? H... More

Fate of Love.
Chapter 1: Thank God I found you
Chapter 2: NOT him.
Chapter 3: Love Messages???
Chapter 4: Crossing Paths
Chapter 5: Starting my life with you
Chapter 6: Text then Call.
Chapter 7: Not a very lucky day.
Chapter 8: Real side?
Chapter 9: I, Warren Gabriel Villaroel, swears not to give you up
Chapter 10: Plan for Love <3
Chapter 11: Friends yung isa, less than lovers din yung isa?
Chapter 12: Parting Ways :((
Chapter 13: Impatient >.<
Chapter 14 (part1): The Date?!!!
Chapter 14 (part 2): The Date?!!!
Chapter 15: Akin ka na lang ha?
Chapter 16: Right and Left.
Chapter 17: Small kisses
Chapter 18: Its not enough :'(
Chapter 19: Trap in LOVE?!!
Chapter 20: May I?
Chapter 21: Valentine <3
Chapter 22 (Part 1) : Alam kong gago ako. ='(
Chapter 22 (Part 2): Alam kong gago ako ='(
Chapter 23 (part 1): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 2) : Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 3): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 24 : Pendant
Chapter 25: Double Date?
Chapter 26: Patrick's past
Chapter 27: Sorry
Chapter 28: Angry Birds
Chapter 30: Ang kawal.
Chapter 31: Mahal mo ba ako?
Chapter 32: The Answer
Chapter 33: DATI :(
Chapter 34: Patrick's Confession
Chapter 35: Till my heartaches end
Chapter 36 (part 1) : Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 36 (part 2): Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 37: Fireworks
Chapter 38: Hello and Goodbye
Chapter 39: Standing up for you
Patrick's POV (part 1)
Patrick's POV (part 2)
Chapter 40: Kissing Coach
Chapter 41: Mukhang Badtrip. =____=
Chapter 42: Deeply Madly
Chapter 43 (part 1): A Week of Truth.
Chapter 43 (part 2): A Week of Truth.
Chapter 44: His heart.
Warren's POV
Chapter 45: Empty Beginning
Chapter 46: Pasan
Chapter 47 : Key Chain
Chapter 48: No Rainbow After the Rain.
Chapter 49: My turn
Chapter 50: Always You
Chapter 51: Familiar Face
Chapter 52: Loss Memory
Chapter 53: Reconcile
Chapter 54: Letting him go.
Chapter 55: Departure
Chapter 56: Bitaw
Chapter 57: Birthday Wish
Chapter 58: Remember
Chapter 59: *clash*
Chapter 60: Denial
Chapter 61: Advice
Chapter 62: Understanding
Chapter 63: Semestral Break
Chapter 64: [ Time Out ]
Chapter 65: Quarrel
Chapter 66: Flowers
Chapter 67: Puzzle Pieces
Chapter 68: *promise*
Chapter 69: Red Umbrella
Chapter 70: Angel
Chapter 71: Just forget the world
Chapter 72: Jealousy
Chapter 73: My kissing coach is back...
Chapter 74: Race
Chapter 75: Outburst
Chapter 76: Angst
Chapter 77: I do
Chapter 78: Let's Start Again
Chapter 79: Facing Patrick
Chapter 80: What If?
Chapter 81: Ultimatum
Chapter 82: Final Blow
Epilogue: Forever

Chapter 29: Meeting Maxene

21.8K 139 67
By blueballoon19

Napako ako sa kinatatayuan ko ngayon. Ayokong makita tong nasa harapan ko. Ang saya nila. Yung babae at si Warren. Malakas ang kutob ko si Maxene yun. I deserve this right? Wala naman akong karapatang magalit kay Warren kasi mas kagalitgalit yung ginawa ko sa kanya na hanggang ngayon di ko parin maamin.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit ng nararamdaman ko. Kailangan ko ng sariwang hangin.

"Charles, alis muna ako."

"Saan ka pupunta?"

"CR lang"

"Ayun oh" tinuro niya sa akin yung malapit sa stage kung nasan sila Warren at yung girl.

"Ah nauuhaw pala ako"

Binuksan ni Charles yung bag niya at inalok sa akin yung tubig niya "eto oh"

Aish. Kung pwede lang sabihin kay Charles na hindi ko kinakaya yung nakikita ko kaso hindi eh. Umiling ako tapos tumakbo.

"Ray!" sigaw ni Charles.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makaabot ako dito sa may playground ng school. Umupo ako sa may swing.

"Kainis ka naman Ray eh. Di ka pwedeng umiyak. Lalo na ngayon. Siguro kung eto na nga yung karma ko." Pinunasan ko yung mga mata ko. "Inhale, exhale. Wala naman daw gusto dun si Warren dun diba? Kaso bakit ako nakakaramdam ng selos? Shemai naman. Kailangan ko nang makabalik dun eh"

Nag-swing ako.

"Ang ganda nung babaeng yun. Kung ako lalaki magugustuhan ko din yun eh. Kaso bakit ayaw ni Warren? Malabo ba mata nun? Ako kasi kitang kita ko eh."

Tumahimik ako habang nagswing ng dahan dahan.

"Ang ingay mo tsaka kanina ka pa nakaupo diyan sa swing ko" isang pamilyar na boses bigla tuloy akong napatayo sa kinauupuan ko. 

Si Patrick yun ah?! Kaso hindi ko siya maharap.

"Tsss. Stay. dito na lang ako sa kabilang swing. basta dont look at me kundi you'll break your promise"

"Bakit mo ko pinapansin?" diba sabi niya wala nang pansinan?

"Huh? Look whos talking? Kanina nakita mo akong padating kaya ka naglaro ng angry birds diba? You are lucky at di kita nakita na nakatingin sa akin."

"Ah yung kanina ahm katext ko si Warren nun  talaga at di kita nakita no" Alam kong di ako marunong magsinungaling baka kainin na ako ng lupa dito.

"Yeah right. Umupo ka na. Sabihin mo sakin kung ano ang kinalulungkot mo diyan?"

Umupo ako sa tabi nung swing at hindi makatingin sa kanya.

"Hindi ako malungkot no!"

"Elise, you're not good at lying"

"Ikaw din no. Pano mo nasabing sayo to?"  

"Touch the side of that right chain"

Hinawakan ko nga tapos may naramdaman akong nakaukit nung tinignan ko nakita ko ang name na "Pat G." Eh bakit naman niya pinangalanan yung swing? Aba vandalism to ah?

"This is my secret haven kaso lang parang nasira nung dumating ka ngayon."

"Sorry. Di ko naman sinasadya na mapaupo dito. Aalis na ako"

Humikab siya. "Si Max ba ang dahilan kung bakit ka nagdradrama?"

Lagot narinig niya ata "Huh? Sino yun? Hindi no"

"Wag kang magselos. Max is just like a sister to Warren"

"Hindi ako nagseselos" I am lying again.

Tumawa siya "Kitang-kita kaya sa mukha mo"

"Bahala ka nga. di na lang kita kakausapin" Ganun ba kahalata?

"Oh!" Inabot niya sa akin yung kamay niya

"Ano naman gagawin ko diyan?"

"Ipasa mo sa akin yung selos na nararamdaman mo."

"Paano?" 

"Pisilin mo yung kamay ko kasabay ng selos na nararamdaman mo"

"Eh bakit ko naman gagawin yun?"

"Gawin mo na."

"Ayoko nga"

"Wag mo na kasing itago sa akin. Just do it. Di naman ako masasaktan"

Hinawakan ko yung kamay niya at pinisil ng madiin. Ewan ko ba kasi alam kong nagseselos talaga ako.  Si Warren at si Maxene. What a couple kung sakali eh ako dakilang extra. Hays. Eh di ba sabi ni Warren nagtapat sa kanya si Maxene? Tapos sa school lagi pa silang magkasama eh kami ni Warren tuwing uwian lang tapos minsan sa weekends. 

"Hanggang ngayon wala pa rin akong karapatan. Di naman kami" yan na lang nasabi ko habang huling pisil ko na sa kamay ni Patrick.

Pagkabitaw ko.

"Ang tindi mo pala magselos. Naiwan yung marka ng mga kamay mo sa wrist at palad ko eh"

"Ay sorry. Medyo nadala lang" hindi pa rin ako nakatingin sa kanya

"Mahal mo talaga siya no?" Alam ko natanong niya na sa akin yan. Nung sinayaw niya ako diba. Eh bakit tinatanong niya ulit?

Nag-nod lang ako. "Sobra"

"Then fight for him."

"Eh pero.."

"No buts.. Sabi mo mahal mo siya tyaka may edge ka dun kay Maxene"

"Ngeee. Saan banda? Yung babaeng yun eh parang diyosa na nga yun eh"

"Eh ano naman? You have a pure heart. At alam ko yun" 

Pure Heart? eh diba sabi ni Warren yun daw ang nagustuhan niya sa akin. Ay mahal yun daw ang minahal niya sa akin. Bakit ganun din ang sinasabi nitong si Patrick? Gaano ba ka-pure ang heart ko? Mukhang nambobola lang to eh alam niya nga na di ko masabi kay Warren yung nangyari sa amin eh. Tapos si Warren clueless kasi siya kaya nasasabi niya na may pure heart ako. Ang alam ko lang ang sama kong babae ngayon at walang wala ako kay Maxene. Hanga ako sa kanya kasi nasabi niya yung gusto niyang sabihin kay Warren. Eh ako? Hanggang kelan ko to itatago?

"Tumahimik ka diyan? Oh eto kabila kong kamay nagsisimula ka na naman atang makaramdam ng selos. Pisilin mo oh" inabot niya yung kamay niya sa akin

"Wag na ayos na ako"

"Weh di nga? Weird ka kaya alam kong meron pa"

"Wala na sabi eh"

"Eh bakit mukhang napipikon ka na?" tumatawa na naman siya

"Ewan sayo"

Tumawa ng malakas si Patrick. "Weird ka talaga"

"Ray"

Paglingon ko sa right ko nakita ko si Warren. Parang hingal na hingal siya. Napatayo ako.

"Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap"

"Warren" napatayo ako sa swing

"Pare" naramdaman ko ding napatayo si Patrick sa kinauupuan niya at nasa likod ko.

"Pat, andito ka rin pala? Bakit kayo magkasama?"

"Ahm Warren kasi.."

Inakbayan ako bigla ni Patrick "Tino-tour ko lang siya sa school. Diba Elise?"

"Ah Oo tama yun Warren. Ang laki pala ng school niyo tapos may playground pa. Nagpahinga lang kami kasi nakakapagod maglakad" parang ang defensive ko ata.

"Ah ganun ba?" Lumapit sa akin si Warren tapos hinila yung kamay ko "Iuuwi na kita"

Tumingin siya kay Patrick "Dude, dont be so close pero salamat pa rin"

Nung sinabi yun ni Warren parang di siya yung Warren na kakilala ko. Ano ba naman yun? Nagseselos ba siya? pero wala naman kaming ginagawang masama. Ako nga tong nagseselos sa kanila ni Maxene eh.

Naglalakad kami ni Warren papuntang parking lot. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. 

"Warren"

Naglalakad pa rin kami. Lalong humigpit yung hawak niya. Nakakasakit na. Galit ba siya??

"Warren"

Di niya pa rin ako sinasagot patuloy pa rin siya sa paghila sa akin.

Huminto na ako at nagsabi "Someday"

Napahinto siya bigla.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya

Humarap siya sa akin "Bakit parang you always let me go? Diba sabi ko sayo Never let me go kasi Im never letting you go?"

"Ha?" Di ko gets yung sinasabi niya

"Kayo ni Pat, Close pala kayo?"

"Ahm. Di naman masyado"

"Ganun ba?"

"Oo"

"Sorry" binitawan niya yung kamay ko "Narinig ko lang kasi na sinigaw ni Charles yung pangalan mo, nung tinanong kita sa kanya bigla ka na lang daw tumakbo. Hinanap kita sa buong school tapos nung nakita kita kausap mo siya. Dun ko lang narealize na close pala kayo ni Pat. Kaya pala nung sa hard rock cafe, that dance..."

"Wala namang ibig sabihin yun eh" 

"Alam ko pero di ko maiwasang magselos. Dont get me wrong, Pat is my bestfriend kaso Rachel yung lalaki na nakatayo sa harap mo seloso"

Bigla niya akong niyakap.

"Ikaw ba, handa mo pa ba akong mahalin kahit ganito ako kaseloso? Sorry di ko macontrol. Nung nakita ko kayong naguusap parang may kung anong sakit akong naramdaman sa puso ko"

"Warren, ayos lang yun"

Kumalas si Warren sa pagkakayakap sa akin. Kinuha niya yung kamay ko.

"Nasaktan pa tuloy kita. Sorry" bigla niyang hinalikan yung kamay ko.

"Uy, nakakahiya ano ka ba?!" 

"Ano naman? Future kita no? Sorry ha? Di ko gustong saktan ka"

"Alam ko"

"Warren di pa ba tayo aalis?"

Napatingin ako kung saan nanggaling yung boses.

Its her. 

The girl from before.

Yung kausap ni Warren sa stage.

Si Maxene, maybe.

"Max' sabi ni Warren. papalapit na yung babae sa amin. Napansin kong galing siya sa kotse ni Warren.

"Ang tagal mong bumalik ah? Akala ko ba uuwi na tayo?"

"Ahm Max, sinundo ko pa kasi si Rachel Elise Bautista. Ray for short. Future Girlfriend ko. Nakukwento ko na siya sayo diba?"

"So that's her" Yung mga tingin niya alam kong ayaw niya sa akin.

'Ray, si Maxene Sandoval. Siya yung Secretary ng Dance Club. Running for president yan"

"Hi Maxene" bati ko sa kanya. Ngumiti na lang ako kahit alam kong ayaw niya sa akin.

"Max na lang. Ray? pwede bang elise na lang itawag ko sayo? May kakilala na kasi akong Ray"

Siya din? Parang si Mel lang. Ayaw akong tawaging Ray.

'Kaya naman pala. Now I remember. Kapangalan mo si Patricia ni Patrick. Raygine. Ray for short. Yun pala yun. Bat ngayon ko lang napansin?" sabi ni Warren 

"Eh kasi Mallow, Pat ang tawag mo kay Raygine. Inaasar mo pa nga silang Pat-Pat diba?"

Mallow? Kelan pa naging mallow pangalan ni Warren?

"Ah yun pala yun Marsh. Di ko akalaing ngayon ko lang mapapansin"

Marsh? Maxene kaya pangalan niyan.

"Ikaw kasi kung anong mag naiimbento mong tawag kaya gumanti si Patrick. Kaya nga naging tawag ko sayo mallow eh kasi ang asar sa atin ni Patrick dati Marshmallow killers. Kasi mahilig tayo dun."

"Oo nga no. Ikaw kaya mas grabeng kumain kahit anong size at flavor wala kang patawad"

"Anong ako? Ikaw kaya minsan di na nakakapagtoothbrush"

"Hindi ah!"

Okay OP ako! May tawagan pa sila? Marshmallow? Marsh si Maxene tapos Mallow si Warren. Anak ng Shemai, daig pa nila ang magjowa. Totoo bang kapatid lang ang tingin ni Warren dito sa babaeng to? Nako, mukhang kailangan ko ulit yung kamay ni Patrick ah. Nakakaramdam na naman ako ng selos.

Humarap sa akin si Warren.

"Future, Pasesnya na ha? Ang kulit kasi nitong si Maxene" ginulo ni Warren yung buhok ni Maxene "Buti talaga di ko to naging kapatid"

"Ayos lang" ngumiti na naman ako ng isang pekeng ngiti.

"As if gusto kong maging kapatid mo"

'Talaga lang ha?"

"Iba kaya gusto kong maging sa buhay mo" Iniwas ni Maxene yung mata niya kay Warren.

Aray! Grabe naman. Sana di ko to nakikita diba? Ang awkward ng sitwasyon naming tatlo. Lalo na para sa akin diba?

Humarap sa akin si Warren. "Tara na. uwi na tayo. Ihahatid muna natin si Max tapos hatid na kita sa inyo. Ayos lang sayo Ray?"

Whaaaaaaaaaaaaaaaaat?!! Hahaba pa ang oras na kasama ko tong babae na to? eh ang sakit na kaya sa puso.

"Ayos lang." sabi ko

Kinausap ako bigla ni Maxene. "Ahm Elise. Pwede bang sa likod ka? Ahm alam kong may something kayo ni Mallow pero kasi madali akong mahilo sa likod eh"

Aray ulit! Okay parang chaperone ng nagdadate ang role ko ngayon.

"Sige ayos lang" ang tipid ng mga sagot ko.

"Rachel pasensya na ha? Wala kasing sundo si Max eh pero sa susunod di na siya mang-aabala sa atin" ngumiti sa akin si Warren.

Kahit paano naalis yung selos ko kaso binatukan naman siya ni Maxene.

"Abala pala ha?" sabay pasok ni Maxene sa kotse.

Sumakay na kami sa kotse. Ang posisyon namin ngayon, Ayun si Warren nasa drivers seat katabi niya si Maxene tapos ako sa likod. Hays. Matagal pa ba bago magsimula ang biyahe? Gusto ko nang umuwi.

Pinaandar na ni Warren yung engine ng sasakyan nung may nagtap sa window ni Warren.

Pagbukas ni Warren si Patrick. Yinuko ko agad yung ulo ko. Naka-motor siya.

"Pare naiwan daw ni Elise yung bag niya sabi sa akin ni Charles nung kinuha ko yung motor ko"

"Ah ganun ba? Dala mo?"

"Hindi eh. Kailangan siya ang kumuha, baka mapagkamalan ako ng guard na ninakaw ko yung bag niya"

"Ah sige kukunin namin" pinatay ni Warren yung engine ng sasakyan tapos kinausap ako "Ray, kunin muna natin yung bag mo"

Bababa na sana kami kaso hinawakan ni Maxene yung kamay ni Warren.

"Mallow, ipahatid mo na lang si Elise kay Pat. Malalate na ako sa dinner ko with mom and dad. Alam mo naman kung gaano ka-strict sa oras si Daddy diba?"

"Pero maxene.." sabi ni Warren

Lumingon sa akin si Maxene "Ayos lang naman diba Elise? Please. Mapapagalitan talaga ako at ngayon lang naman to eh."

"Warren ayos lang. Ihatid mo na siya baka magalit pa yung papa niya" habang sinasabi ko yun parang kung may anong matulis na bagay na tumutusok sa puso ko."Bye, Ingat kayo"

Bumaba ako ng kotse. Alam kong nasa harapan ko si Patrick pero di ko siya pwedeng makita at ayokong ipakita sa kanya yung papaluha kong mata. Nagsimula na akong maglakad nang bumukas yung pinto nung kotse tapos may bumaba...

"Wait... Ray"

Lumapit sa akin si Warren tapos pumunta sa unahan ko.

"Sorry ha? Wrong timing ang nagyari. Promise pagkahatid na pagkahatid ko kay Max pupunta ako sa bahay niyo."

"Wag na. May pasok pa bukas diba? Tyaka pagod ka na nun"

"Pero Ray.."

"Wag kang magalala. Makakauwi naman ako no. Itetext na lang kita"

"Sorry talaga. Ieexplain ko din to sayo" Hinalikan niya yung noo ko.

Humarap si Warren kay Patrick.

"Pare, pakihatid ng ayos si Rachel ha? And please sinabi ko na sayo. Dont be so close"

"Oo Pre. Akong bahala"

"Sige una na ako."

Humarap si Warren sa akin "Future. Ingat ka ha?"

Nagnod lang ako

Nakita kong pumasok si Warren dun sa kotse. Inantay ko rin yung pagandar nun. Nung nakita ko na papalayo sa akin yung kotse na alam ko na nandun sa loob si Warren kasama si Maxene napatalikod ako sa sakit na nararamdaman ko. Kaso pagkatalikod ko nakita ko na nakatingin sa akin si Patrick. Nagkatinginan kami sa mata. Patay. Wala akong nagawa kundi iiwas yung mata ko na napapaluha na.

Bakit niya pa kasi nakita?

Lagot ako..

Una dahil ayokong tawanan niya ako o kaawaan

Pangalawa kasi I broke my promise.

So that means...

He'll never leave my side again?

_______________________________________________________________________________

COMMENTS PLEASE.

Ayun. Sorry nga pala at ngayon lang nagupdate. Sobrang busy sa school. College na naman kasi ako diba? HAHAHA. Ahm salamat sa lahat ng nagcocomment , like at vote diyan. Please wag kayong tumigil dahil sa aking pagka-tumal. :((( Rereplayan ko yan kaya magreact lang kayo :')

Dahil wagas ang aking pagsosorry maguupdate ako ng sat ng gabi pati sun ng gabi. Para naman makabawi. Tapos gagawin ko na rin ang chapter 1 ng Perfect Match <3 

Hinabaan ko rin tong update :')

SORRY NA. :'<

Comment kayo.

(Mabawasan na sana ang silent readers)

MUCH LOVE,

Rain . :') 

Continue Reading

You'll Also Like

624K 13.9K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
200K 3K 47
"Hindi naman masamang maghintay." Ang famous line ng isang babaeng ayaw mapadikit sa kahit kaninong lalaki kaya nagkulong sa kumbento.. Pero, pano ku...
3.2K 223 83
Torn between her bestfriend and first love. Will she be able to choose who's best fit for her or just let faith get in the way...