FooIish Heart [COMPLETE]

By AKOSICRAZYGIRL

44.8K 1.1K 159

[NO SOFT COPIES] "Don't hold on to the past too tight, the future may never come." Lagi nakatatak sa isip ko... More

Prologue:
Foolish Heart [1]
Foolish Heart [2]
Foolish Heart [3]
Foolish Heart [4]
Foolish Heart [5]
Foolish Heart [6]
Foolish Heart [7]
Foolish Heart [8]
Foolish Heart [9]
Foolish Heart [10]
Foolish Heart [11]
Foolish Heart [12]
Foolish Heart [13]
Foolish Heart [14]
Foolish Heart [16]
Foolish Heart [17]
Foolish Heart [18]
Foolish Heart [19]
Foolish Heart [20]
Foolish Heart [21]
Foolish Heart [22]
Foolish Heart [23]
Foolish Heart [24]
Foolish Heart [25]
Foolish Heart [26]
Foolish Heart [27]
Foolish Heart [28]
Foolish Heart [29]
Foolish Heart [30]
"Jerome Cruz: Prinsesa Ko."
Foolish Heart [31]
Foolish Heart [32]
Foolish Heart [33]
Foolish Heart [34]
Foolish Heart [35]
"Zen Reyes: One last chance.."
Foolish Heart [36]
Foolish Heart [37]
Foolish Heart [38]
Foolish Heart [39]
Foolish Heart [40]
EPILOGUE:
Special Chapter : Ash & Dez
Special Chapter: Jerome & Mikaela
[PROMOTE!!!] MY NAME IS HEARTBREAKER * Teaser *
[PROMOTE!!!] ANG BOYFRIEND KONG BADING
[PROMOTE!!!] BLACK & WHITE UNIVERSITY
[PROMOTE] MY BOYFRIEND IS GAY ON DREAME

Foolish Heart [15]

837 29 1
By AKOSICRAZYGIRL



Foolish Heart [15]



            Isa lang ang masasabi ko ngayon sa prom namin, napaka engrande ngayong gabi at halatang pinaghandaan ng iba ang suot nila. Na-eexcite tuloy ako~ Nasaan na kaya si Jerome?



"Mika-Mika, bakit ikaw lang mag-isa pumunta dito? Hindi ka sinundo ni Jerome sainyo?" Napanguso ako sa sinabi ni Deziree.


"Hindi eh, hindi nga din siya nagtxt-txt sa akin."


"Ano na nangyari doon, magsisimula na yung event ha."


"Dadating din yun, nasaan si Ash pala?"


"Kinuhaan niya lang ako ng inumin, tara hanapin na natin yung lamesa natin." edi ayun sumunod ako kay Deziree at naghanap ng lamesa pero di ako mapakali tingnan ang phone ko, nagbabakasali kasi ako na baka tumawag siya bigla o magtxt.


"Ladies and gentlemen, Good evening before we start our main event  let us start this night with a prayer....." Hala, mag-iistart na nasaan ka na ba Jerome? Pagkatapos magdasal ay sinubukan kong tawagan siya pero hindi niya sinasagot. 


"Hindi parin ba sumasagot sa tawag mo?" Tanong ni Ash.


"Hindi pa rin." Naiiyak ko ng sabi.


"Oh, wag kang iiyak. Sayang ang make-up mo." Awat ni Deziree.


"Baka kasi mamaya trip nanaman yung date , katulad ng dati." Hinawakan ni Deziree yung kamay ko.


"Mika-mika, hindi na ulit mangyayari yun. Tiwala lang dadating siya, magtiwala ka sa amin ni Ash. Kahit alam ko medyo malabo pero sinasabi ko sayo dadating yun." Tiningnan ko silang dalawa na nakangiti kaya pinilit kong pigilan ang pag-iyak ko at naghintay ako sa pagdating ni Jerome.



                 Nakinig ako sa speech ni Suzy dahil isa nga siyang president ng student government at nagulat ako nung makita ko si Zen na nanonood. Lokong yun, bakit nandito siya sa prom ng school namin? Sira talaga yun.


" Sa mga seniors, fourth year. Sa section four-Afterlife , four-Better, four-Cherish, Four-Debonair at ang four-ever.Sa ilang taon nating pagsasama sa hayskul may malungkot at masaya tayong naranasan pero tandaan niyo isa itong magandang alaala at aral para sa atin ito. Nasaktan man tayo ng ibang tao kailangan matuto tayo sa pagkakamaling iyon.Naging masaya tayo sa lahat ng pagsasama natin bilang magkakaibigan, kaya seniors wag na wag niyong kakalimutan ang alaala natin sa Stateland dahil dito pa lang nakilala na tayo kung  sino tayo. Let's enjoy this night seniors and also juniors. Make this JS promenade memorable, now the dance floor is open.Thank you everyone enjoy." Sabay palakpak ng buong tao, galing talaga magsalita ni Suzy. Pagkatapos niya magsalita ay nagsimula ng magsayawan ang ibang estudyante puro party-party pa ang music.


"Tara sa photobooth muna tayo." Yaya nila Ash, sumama naman ako at pumilia kami sa photobooth hanggang kami na yung sumunod at nagpicture-picture kami pero wala si Jerome.Nasaan na ba kasi yung lalaking yun? 


"Oy maga!" Aalis na sana ako sa photobooth nung bigla ako hinila ni Zen pabalik doon.


"Hindi ka naman estudyante ng Stateland ha, bakit ka nandito?" Nginitian niya lang ako.


"Para may kasayaw si Suzy ko mamaya." Sabay kindat niya, sasabat pa sana ako ng bigla ng pose siya, bwisit sinimulan na pala kami picturan. Kaya ang sumunod ay nagpose na din ako, pagkaprint nung picture tiningnan ko ito. 


"Ang payat mo talaga."


"At ikaw naman maga talaga ang pisngi mo." Tiningnan ko lang siya ng masama.


"Mika-mika!" Tawag sa akin ni Deziree.


"Una na kayo doon, usap muna kami ni Zen." Sabi ko, kaya tumango na lang siya at tumingin ako ulit sakanya.


"Pwede ka naman sumama sakanila kung gusto mo." sabi ni Zen pero nginitian ko lang siya.


"Usap muna tayo."


"Hindi ka ba nagsasawa na makausap ako? Halos gabi-gabi na tayo nag-uusap eh." Tumawa ako sa sinabi niya.


"Hindi tsaka gabi na noh, kaya oras na para mag-usap tayo."  Parehas kaming natawa.


"Teka, nasan yung ka-date mo?"


"Wala pa, hindi ko nga alam kung nasaan si Jerome."


"Ayan, masyado ka kasing excited kagabi. Mukhang yung mga pangarap mo para sa prom night ay mauudlot." Tiningnan ko siya ng masama.


"Wag ka nga negative dyan, dadating rin siya."  Kinurot niya yung pisngi ko at katulad ng ginagawa ko ay pinalo ko ito.


"Naiirita na yan." Sabay tawa niya pa.


"Alam mo na nga, gagawin pa." 


"Alam mo ba pagtuwing nag-uusap tayo sa terrace gustong-gusto ko talaga kurutin yung pisngi mo. Tuwang-tuwa ako." Tiningnan ko lang siya ng masama.


"Doon ka na nga baka hinahanap ka na ni Suzy."


"Mamaya na ako magpapakita sakanya pagslow dance na para sweet."


"May pa-ganun ganun ka pa."


"Ganun kasi yung gawain ng mga gwapo." Kumindat pa siya sa akin kaya ang ginawa ko ay ginulo ko ang buhok niya. Ngayon naman siya naman ang tumingin sa akin ng masama habang inaayos niya yung buhok niya pero nginitian ko lang siya.


"Bumawi lang po." Sabay peace sign ko pa sakanya at tumawa lang ulit pero napatigil ako nung nakatitig lang siya sa akin kaya bigla din akong nahiya.


"Bakit ganyan ka sa akin makatitig?"


"Wala-wala." At umiwas siya ng tingin.


"Hala! Daya, may dumi ba ako sa mukha?" 


"Wala naman."


"e bakit ganun ka makatitig sa akin kanina?"


"Ang ganda mo kasi."  Natahimik ako sa sinabi niya, nagandahan siya sa akin?


"May lagnat ka ba Zen?" Hahawakan ko sana yung noo niya pero lumayo siya ng onti sa akin.


"Wala, masama ka bang purihin? Pasalamat ka nga pinuri ka ng isang gwapong katulad ko." 


"Tss, mayabang na payatot." Ngumiti lang siya sa akin.


"Pero totoo yung sinabi ko, ang ganda mo." Namula ako sa sinabi niya , hindi ko aakalain na sasabihin niya talaga yun sa akin pero nagulat ako nung bigla niya hinawakan ang kamay ko at inikot niya ako na parang ballerina sabay hawak niya sa bewang ko.


"Gusto ko sana ako maging ang first dance mo pero alam ko para kay Jerome iyon." Nagtaka ako sa sinabi niya.


"Ano ba yung sinasabi mo?"


" Wala."


"Ayan ka nanaman sa wala."


"Gusto mo ba talaga malaman?"


"Ano ba kasi yun?"


"Walang magbabago ha." Bigla tuloy ako kinabahan sa pagtitig niya sa akin.


"Kinakabahan  naman ako sayo Zen."  Hinawakan niya yung pisngi ko at ngumiti siya.


"Tsaka na lang, sa tamang panahon ko na lang sasabihin." 


"Ay, ano ba yan?! Pabitin."


"Sasabihin ko sayo sa bago mag-graduation day niyo."


"e daya pa rin."


"Basta hintayin mo yung araw na yun." Napabuntong hininga na lang ako.


"Sige na, nagsimula na ang slow dance mauna ka na doon." Sabi ko na lang.


"Paano ka?" 


"Susunod ako." Tinitigan niya lang ako na para bang magiging okay lang ba ako mag-isa, ngumiti na lang ako sakanya.


"Wag mo na ako isipin, hinahanap ka na ni Suzy panigurado." Hinawakan niya muna ang mukha ko sabay alis. Baliw talaga yung trip na trip hawakan ang mukha ko. Tiningnan ko yung oras 9:15 pm na, nasaan na ba si Jerome, bakit wala pa rin siya? Sinubukan ko ulit tawagan siya pero hindi niya naman sinasagot. Mukhang di na yata siya pupunta sa prom, pinaasa niya nanaman ako. Bumalik na lang ako sa event room kasi yung photobooth ay sa labas ng mismong hall at umupo sa isang sulok.


                    Pinanood ko lang ang mga tao na ngayon ay masaya dahil nakasayaw nila ang mga crush nila at ang karelasyon nila. Ang iba sakanila kitang-kita ko sakanila ang pagmamahalan nila, ang iba naman halatang pinagtritripan lang nila ang kasayaw nila may masabi lang na sumayaw. Sa isang banda, nakita ko si Ash at Deziree na magkayakap habang sumasayaw, napangiti naman ako sa nakita ko. Mukhang totoo nga ang sabi ni Jerome na may gusto na talaga si Deziree kay Ash at sa tingin ko may pag-asa si Ash sakanya at baka nga totoohanin ni Dez yung sinabi niya sa akin na susubukan niya kung totoo talaga ang nararamdaman ni Ash pagcollege na kami kung seryoso talaga siya.


 "excuse me maam." Napatingin naman ako sa waiter.


"yes po?" 


"May nagpapabigay po." Tapos may binigay siya sa akin na envelope kinuha ko naman ito.


"Ahh sino daw po?"


"Hindi niya po sinabi kung sino po siya, sige po maam."


"Sige po, thank you." Sabay alis nung waiter, sino naman ang nagbigay nito? Binuksan ko ito at binasa ko ang nakasulat


                  For my beautiful princess,  I'll be waiting at the dance floor.

Your prince.



Bigla akong tumayo at hinanap siya, sana totoo nga ang iniisip ko na si Jerome ang nagbigay ng sulat na ito. Hindi ako tumigil kakahanap sakanya ng makita ko ang isang lalaki na nakangiti sa akin at nakasuot ng puting suit at may dalang pulang rosas. Lumapit siya sa akin at binigay niya sa akin ang boquet ng pulang rosas. Pinalo ko siya ng mahina sa balikat niya ,pinunasan niya yung luhang lumabas sa mata ko.


"Kainis ka Jerome." Hinalikan niya ako sa noo.


"Akala mo hindi na ako dadating noh? Sinadya ko talaga magpahuli para kahit papaano maging memorable itong gabi sa atin. " Yumakap ako sakanya.


"Hindi mo naman kailangan gumawa ng ganito para sa akin, masaya na ako na makasama kita."


"Ayaw mo ba yung ginawa ko?" Tiningnan ko siya.


"Hindi naman sa ganun, akala ko kasi talaga hindi ka pupunta." Hinawakan niya ang kamay ko.


"Nandito na ako Mikaela, nandito na ang prince mo." Napangiti ako sa sinabi niya at pinunasan ko yung luhang lumabas sa mata ko at tinitigan ko siya tapos nun yumakap ako ulit sakanya.


"Thank you." Bulong ko sakanya, naramdaman kong ngumiti siya sa akin. Kumawala siya sa yakap ko at nagulat ako nung niluhod niya yung isang paa niya yung tipong magpropose ng kasal pero ang pinagka-iba ay nakalahad ang kamay niya.


"Prinsesa ko, pwede ka bang maisayaw?" Namula ako sa sinabi niya, tiningnan ko siya. Shemay ang gwapo niya. Nilagay ko yung kamay ko sa kamay niya.


"Pwedeng-pwede prinsipe ko,pero paano tong bulaklak na binigay mo sa akin?" Tumayo siya pero hawak niya pa rin ang kamay ko.


"Tapon na natin." Tiningnan ko siya ng masama pero tumawa siya.


"Biro lang prinsesa ko, akin na muna yan at dito ka lang." Kinuha niya sa akin yung bulaklak at tiningnan ko siya kung saan pupunta at kung saan niya ilalagay yung bulaklak. Pinatago niya muna ito sa isang waiter at saka bumalik agad sa akin.Pagkabalik niya ay tinitigan niya ako at ngumiti.


"Ang ganda ng prinsesa ko." Kinilig ako sa sinabi niya.


"Bolero ka talaga kahit kailan." Hinawakan niya lang ang kamay ko at nagsimula na kaming sumayaw.


"Hindi ah, nagsasabi lang ako ng totoo. Tingnan mo nga lahat ng tao nakatingin sayo." Tumingin ako sa paligid namin at meron nga nakatingin sa amin, hindi ako. Kung sa amin mismo.


"Tayo ang pinagtitinginan Jerome." Ngumiti siya sa akin.


"Ay tayo ba? Akala ko ikaw lang e, kasi kung ikaw ang tinitingnan nila magagalit ako. Gusto ko ako lang ang titingin sayo." Waaaa, alam kong namumula na ako ngayon.


"Tse, bolero ka talaga."


"Hindi nga." Seryoso niyang sabi.


"Okay-okay, hindi ka na bolero pero ang gwapo mo ngayon Jerome." Ngumiti siya.


"Syempre, nagpagwapo ako para sayo." Tumawa ako.


"Para sa akin talaga?"


"Oo, kailangan ko maging gwapo sa prinsesa ko."


"Hindi naman na kailangan maging gwapo ng prinsipe ko e, kasi para sa akin matagal ka ng gwapo." Kitang-kita ko ang sagad na sagad na ngiti ni Jerome at ang gwapo niya talaga ngayon gabi. 


"Naks, salamat prinsesa ko." Ngumiti ako sakanya at nakatitig lang ako sa mata niya habang sumasayaw kami.


"Para pala talaga tayong ikakasal noh?" Sabi ko, paano parehas kaming nakaputi.


"Sabi ko naman sayo di ba." Tumawa lang ako.


"Akala ko kasi nagbibiro ka lang nung oras na iyon."


"Ang biro ay may halong totoo."


"Wow, gumaganon ka pa." Parehas kaming tumawa pero patuloy parin kami sa pagsayaw. Bigla ako kinilig ng dahil sa kantang tumutugtog ngayon, Wonderful tonight.Bagay na bagay ngayong gabi.♥


It's late in the evening, she's wondering what clothes to wear.

She puts on her make-up and brushes her long blonde hair.

Oh when she asks me, "Do I look all right?"

And I said, "Yes, you look wonderful tonight."


Ngayon nakatitig lang kaming dalawa sa isa't-isa at dinadama ang kanta, pinakinggan ko din ang boses ni Jerome dahil kinakanta niya din ito. At masa lalo akong kinikilig dahil parang hinaharan niya ako.Ngayon lang din nangyari ang kantahan niya ako :''>

We go to a party and everyone turns to see

This beautiful lady that's walking around with me.

And then she asks me, "Do you feel all right?"

And I say, "Yes, I feel wonderful tonight."


"Mikaela."


"Hmm" Magkayakap na kasi kami ngayon habang sumasayaw.


" Alam mo namang espesyal ka sa akin di ba."


"Oo."


"Mikaela." Kinabahan ako bigla nung huminto kami sa pagsayaw at ngayon nakatingin kami sa isa't-isa.

I feel wonderful because I see

The love light in your eyes.

And the wonder of it all

Is that you just don't realize how much I love you.

It's time to go home now I've got an aching head,

"Ano yun Jerome?Hindi ko narinig yung sinabi mo."May sinabi kasi siya pero mahina e, hindi ko narinig ng maayos.


"Mikaela, gusto kita." 

So I give her the car keys and she helps me to bed.

Oh and then I tell her, as I turn out the light,

I say, "My darling, you were wonderful tonight.

"Gusto mo ako?"

"Oo, may gusto ako sayo."

"HIndi nga?Yung tipong more than friends ang pagkagusto mo sa akin?" 

"Oo, yung more than friends."

Say my darling, you were wonderful..

tonight.. tonight.. tonight...

you were wonderful tonight


"Ibig sabihin pagsinabi kong may gusto ako sayo hindi mo na ako irereject?" Tumawa siya sinabi ko.


"Hindi na po prinsesa ko."Sabay hawak niya ng kamay ko at nilagay niya ito sa leeg niya at humawak siya sa bewang ko at sumayaw ulit.


"Weh seryoso ka talaga?" Tumawa siya.


"Seryoso nga ako pero hindi ibig sabihin nun liligawan na kita ha."


"Ha?"


"Bata pa kasi tayo, higschool pa lang tayo kaya gusto ko muna enjoyin muna natin ito." Ngumiti ako sakanya.


"Masaya na ako na marinig ko sayo na gusto mo ako. Sobrang saya ko na doon." Hinalikan niya ako sa noo at kinikilig talaga ako ng sobra.


"Thank you for making my night special my princess." Waaaaaa :''>


"Correction.Thank you for making OUR night special." Tumawa siya at hinawakan niya ang pisngi ko.


"I like you Mikaela Cervantes." Ngumiti ako sakanya.


"I like you too Jerome Cruz ." Akalain mo yun, yung dati ko lang crush noong gradeschool ako ngayon gusto niya na din ako. FINALLY! ilang taon din ako naghintay para marinig yung salitang iyon, ngayon narinig ko na. Worth it :''> ♥



====================


Vote.Comment.Fan

(C) AKOSICRAZYGIRL ♥ :''> :*

Continue Reading

You'll Also Like

87.1K 2.8K 31
"Don't let this game be your nightmare too!" -------- Sikat ang grupo ng limang mananayaw sa Sanchi High, at kung tawagin sila ay The Matrix Dancers...
2.4K 169 13
Two weeks ago namatay sa isang car accident ang fiancee ni Kath kasama ang alaga nilang pusa na si Perry. Ngunit, nang matagpuan nila ang katawan ni...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
12.3K 593 58
The Chroniqué is a dissolving freedom club formed by rebellious students of Elysian University. Raised to follow immoral rules, bred to bleed stains...