The Pianist's Last Song Piece

By Ekstra_Terrestrial

3.1K 109 107

Pano pag yung kaisa-isang bagay na meron ka eh mawala sayo? More

Prologue
0.
Chapter I. Little Red Riding Hood meets "The Chief" band
Chapter II: Cinderella Off The Wall
Chapter III. Sleeping Beauty and her little prince
Chapter IV. Snow White and the Seven Goons ft. the three Musketeers
Chapter V. Peter Pan and his song entitled "wendy"
Chapter VI : Alice in wonderland-studio?
Chapter VI.II.
Chapter VI.III .
Chapter VII. Beauty at her Best
Chapter VIII. Little Mermaid: A memory of the past [part I]
[part II]
[part III]
[part IV]
[part V]
EC: END OF THE MONTH
EC: Basta akin si Tami
EC: nawawala si Lio
Chapter IX.Take my hand, and let's run away like Romeo and Juliet..
DAY 1
DAY 2
DAY 3
DAY 4
DAY 5
IX.II SPECIAL CHAPTER
MISSING PART

Chapter X. End of the Fairytale

71 5 2
By Ekstra_Terrestrial

Sabi nga nila ang lahat ng bagay ay may kapalit.

Ang lahat ng kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan.. 

And vice versa..

...

Nagmulat na yung mga mata ko. 

Umaga na pala. 

Monday ngayon kailangan ko nang pumasok sa school.

Bumangon ako sa higaan ko saka ko tinignan yung orasan sa side table ko.

8:03 am

Late na pala ako.Hindi ako nagising sa alarm. 

P.E. class yung una naming subject pag monday. 8 o'clock siya nagsisimula.

Dumiretso na ko sa banyo para maligo. Bahala na kung pagalitan ako ng teacher.

Pagtapos kong magbasta ng sarili ko papasok ng school lumabas na ko ng kwarto. Hindi na ako dumaan ng dining room para mag-almusal. Wala akong ganang kumain.

Sinalubong na ako ni manong driver at kinuha yung bitbit kong bag. Pinagbuksan na nya ako ng pinto tapos pumasok na ko sa loob ng sasakyan.

Nakadungaw lang ako sa bintana buong byahe. Umuulan ngayon. May bagyo ata...

Bumalik sa ala-ala ko yung mga nangyare pag uwi ko galing sa ball..

"bye Sofia.. "

"bye Spear.. salamat sa paghatid"

"wala yun, syempre ako nagsundo sayo dapat ako rin ang maghatid.. para ka naman others eh"

"hahaha.. osha sige na uwi ka na madaling araw na oh"

"sige.. ahm.. may bibigay pala ko sayo"

"ano yun?"

"eto oh.."

"hourglass?? para san naman?"

"hmmn.. sabi kasi ng lola ko ibigay ko daw yan sa taong mahal ko eh"

"tss.. andame naman alam ng lola mo"

"haha.. kinilig ka lang eh"

"hahah.. osige na salamat"

"sige bye.. i lov--"

"SOfia!"

"daddy...?" 

PAK!

"daddy... why did you..."

"get inside the house!"

"but.. "

"no but's.. i said GET INSIDE."

...

"daddy why did you do that to me... in front of Spear??"

"Im just trying to protect to.. "

"but dad Spear's no harm to me.. and.."

"SHUT UP SOFIA!.. you don't know what's happening to you.. "

"i know everything dad!.. Im not a child anymore.. you don't have to take control of me!!"

Hindi ko na kinaya.. Sobrang umiiyak na ko nun. Pumanik ako sa kwarto ko. 

Sa kauna-unahang pagkakataon.. sumagot ako kay Daddy. Pakiramdam ko sobrang sama kong anak.

My Dad have always been there for me... We may not be that close as what you usually see in typical families but I still love him very much and I know that he loves me too. 

Umiyak lang ako ng umiyak.. hanggang sa makatulog ako.

Pagdating sa school dumiretso na ako sa office. Magpapapirma pa ako ng late slip. 

Kaso minamalas ata ako. Dahil walang tao sa Office.

Hindi na ako nagsayang ng oras para maghintay.

Pumunta na ako ng gymnasium namin dahil dun ginaganap ang P.E. class kapag umuulan.

Pagpasok ko nakuha ko ang atensyon ng lahat. Dahil bukod sa late ako nabalibag ko yung pinto sa sobrang pagkainis dun sa office.

Tinitigan ako ng lahat hanggang sa makarating ako sa bench sa gilid.Nilapag ko muna yung bag ko. 

Saka ako pumunta sa kung nasaan yung teacher namin.

Inabot ko sa kanya yung late slip ko. Kahit walang pirma.

Kinuha naman niya. Tapos umalis na ko sa harap niya at pumunta ulit sa bench.

Ang tahimik lang sa buong paligid. Masyado ata sila na-istorbo sa presensya ko. 

Nagsimula ako makaramdam ng pagka-irita sa mga titig ng mga kaklase ko saken.

Tinignan ko sila ng masama. Kaya bumalik silang lahat sa pinagkaka abalahan nila.

Kinuha ko yung iphone ko sa bag. nagsaksak ako ng earphones saka ako nagpatugtog.

Kaso sadyang malas ata talaga ako ngayong araw na to.

Ayaw tumunog ng earphones ko.Bat ngayon pa nasira...asar.

Hindi ako nagparticipate sa activity. Wala ako sa mood makisama sa kanila. 

Natapos yung P.E. class na wala naman ng pumansin saken. 

...

Lunch break na... 

Hindi pa rin tumitila yung ulan. Nakadungaw lang ako ulit sa bintana.

Yung iba naming classmate dito sa room kumakaen yung iba naman sa may canteen.

ako?.. ayokong kumaen..

"SOfia?"

"ahmm.. SOfia..??"

Naramdaman ko na may kumalabit saken at pagtingin ko si Spear pala..

"eto oh.. hindi ka pa kase naglulunch kaya binilhan nalang kita ng snack"

Inilapag niya sa desk ko yung hawak niyang sandwich at juice. May sinabi siya pero hindi ko naman masyado naintindihan.

Nginitian niya lang ako tapos umupo na ulit siya sa pwesto niya

Kinuha ko yung sandwich at juice sa desk ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya.

"ayokong kumaen wala akong gana.." 

Sabi ko ng mahina.. tsaka ko iniwan yung binigay nya sa table nya.

BUmalik na ko ulit sa pwesto ko tapos isinubsob ko yung mukha ko sa mga braso kong nakapatong sa desk.. 

Gusto ko nang matapos ang araw na to..

...

"class please pass your essays.. "

Literature class na.. last subject..

Ang bagal ng oras...

Gusto ko ng umuwi..

Gusto ko ng mapag-isa...

"Press?.. where's your essay?.. I can't see your composition. Did you submit one?"

Nakatingin nanaman saken yung mga kaklase ko. 

Center of attention nanaman ako.

Nakatingin nanaman kasi saken yung teacher. 

Hindi kasi ako nagpasa ng essay na pinapagawa niya.

Maya-maya pa. Nilapitan na ako ng teacher namin. Tapos nagsalita ulit sya ng mahina

Magkaharap na kami...

"Can we hear your reason for not doing such an essay?"

Nakataas ang kilay niya habang may sinasabi..

Ang hina ng boses niya. nakakainis. Buti nalang nalilip-read ko yung sinsabi niya.

"the essay I have asked you to make is very easy Ms. Press.. dont you have any idea of what to write on an essay entitled 'What I Don't Wanna Lose'?"

Nagsisimula nanaman akong mairita sa kanya.

"I already lost the things I dont wanna lose.. There's nothing more for me to write"

Sinabi ko yan ng dire-diretso. Kinuha ko yung bag ko tapos lumabas ako ng room.

Alam kong ang bastos nung ginawa ko. pero mas gugustuhin ko ng magmukhang bastos sa paningin nila kaysa manatili dun para matahin ng mga tao sa paligid ko.

Totoo yung sinabi ko. 

Wala ng mawawala saken.. Dahil bago pa mag-umpisa ang lahat. 

WALA NA ANG LAHAT SA AKIN.

Pagdating ko sa gate. Saka ko lang ulit naalala na umuulan nga pala.. 

Buti nalang suot ko yung hoodie ko.

Lumayo sa gate yung guard para pagbuksan yung kotse na papasok sa school. 

Kumuha ako ng tiyempo. tapos tumakbo na ko palabas.

Nababasa na ko ng sobra

pero wala akong pakialam

ayoko na...

nakakasawa..

akala ko kasi...

ayos na.

akala ko...

magiging masaya na ulit ako...

pero hindi..

mali lahat ng akala ko.

...

Tumakbo lang ako ng tumakbo.. 

Hindi ko na inisip kung saan ako mapapadpad. 

basta takbo lang ako ng takbo sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.

habang umiiyak.

"BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!!!!!!!!!!!"

"SOFIAAAA!!!!"

"beeeeeeeeeeep!!!!"

Napapikit ako nang makita yung paparating na bus sa kalsada.

Tapos pagdilat ko rumaragasa na sa harap ko yung katawan ng bus.

Pagkalagpas nito. Napatingin ako sa kamay ko.

May nakahawak saken.

tinignan ko kung sino siya..

at nakita ko 

si ...

Patrick.

Basa din yung buo niyang katawan. 

Mukhang matagal na rin siyang nakababad sa tubig ulan.

Tumalikod siya at naglakad.

Pero dahil hawak niya pa rin yung kamay ko nahila niya ko sa direksyon kung saan man siya papunta.

...

Naka-upo na kame ngayon. 

Nandito kame sa isang maliit na chapel..

Hindi ko alam kay Starfish kung bakit dito kame nagpunta.Kanina pa din siya hindi nagsasalita.

Maya-Maya pa napagdesisyunan ko ng tumayo. 

tinungo ko yung daan papunta sa isang sulok ng chapel.

Meron kasi dung lumang piano..

Binuksan ko yung takip ng mga keys at umupo na sa upuan.

Medyo nadisappoint nga lang ako kase wala ng tunog yung piano.. sira na sya..

Pinagpatuloy ko nalang yung pagtugtog tapos inimagine ko nalang yung tunog.

Lumapit saken si Patrick.

Nakangiti siya..

Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagpindot ng mga nota.

"ang galing mo talaga mag-piano"

"Sana matuto din ako nyan"

"huy.. ansunget mo naman.."

Napatingin ako sa kanya .. para kasing may sinabi siya. Pero hindi ko narinig. 

"Turuan mo ko mag-piano"

Napataas yung kilay ko. hindi ko maintindihan yung sinabi niya..

"sabi ko turuan mo ko mag-piano"

May sinabi ulit siya pero di ko pa rin marinig.. 

At sa hindi ko malamang dahilan..Bigla akong nakaramdam ng kaba.

Sobrang kaba.

Tinigil ko yung pagtugtog. At humarap ako kay Patrick. Pareho kaming confused ang itsura.

Itinaas ni Patrick yung mga kamay nya at hinawakan ako sa magkabilang tenga.

O_O

Walang nagbago.

Inalis niya ulit yung kamay niya sa tenga ko. tapos nagsalita ulit siya..

Pero...

HINDI KO PA RIN SIYA MARINIG..

Nagsisimula ng sumikip yung paghinga ko.

Namumugto na rin yung mga luha ko...

"Sofia... 

your deaf.."

At sa sinabi nyang yun.. tumulo na yung luha ko. 

Hindi ko narinig yung sinabi niya.. pero alam ko kung ano yung eksaktong salita na yun. 

Doon ko lang narealise ang lahat..

Yung hindi ako nagising kahit may alarm clock ako..

Yung earphones ko na walang tunog at inakala kong sira

yung sinasabi saken kanina ng teacher namin sa Literature..

Yung bus na hindi ko namalayan yung pagdating..

at yung piano ...

yung piano na hindi ko naririnig yung tunog.

Parang sa isang iglap. Gumuho yung mundo ko.

Naramdaman ko yung panlalambot ng tuhod ko. Pati na rin yung pagbagsak ng katawan ko sa sahig.

Nawalan ako ng malay.

...

SOFIA. ARE YOU OKAY?

Tumango lang ako.

1 month na ang nakalipas simula nung nalaman kong wala na kong pandinig.

Sa totoo lang..

Naawa ako sa sarili ko..

YOU WANNA GO OUTSIDE?

Umiling ako...

Nandito ako sa Hospital ngayon. Check up ko kasi.Kasama ko si Daddy.

Nasa states na kame.

Umalis kame after that day. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. ni-hindi ko nagawang magpaalam sa mga kaibigan ko.

SObrang gulong-gulo ako.

kinuha ko yung white board at nagsulat. 

Simula kase nung wala nakong marinig ganto nalang kame mag usap ni daddy.

DAD, I WANT TO PLAY THE PIANO

Binasa niya yun .. at ngumiti siya

nagsulat din siya sa white board

SURE PRINCESS

Nakakatuwa isipin pero kung kailan hindi na kame nag-uusap ni daddy tsaka kame nagkasundo.

Natapos na yung check up ko.

Nasa kotse na ulit kame..

Pero nagulat ako nang dumiretso kami ni Daddy sa Airport.

"why are we here??"

JUST WAIT PRINCESS

"but dad.. ok.."

Again my dad just gave me a sweet smile. 

...

Ang sarap ng hangin.. ang sarap talaga sa tabing dagat

I HAVE A SURPRISE FOR YOU

Napatingin ako kay Daddy.

At napangiti din ako agad.

Nandito kami ngayon sa Cavite.

Sa rest house namin

Inakbayan ako ni Daddy..

Sobrang sarap sa pakiramdam.. sobrang alaga ako ng daddy ko. 

"THANK YOU DAD!!"

Sobrang natuwa talaga ako sa sorpresa niya..

Yung piano ko.. Nasa tabing dagat.

tumakbo na ko papunta dun..

binuksan ko yun.. tapos nagsimula ng tumugtog.

Pero sa paulit ulit na dahilan. 

nakaramdam nanaman ako ng kalungkutan

Hindi ko na nga pala maririnig yung tugtog ko. 

hindi ko na maririnig ang kahit ano..

GO AHEAD, PLAY

yan yung nabasa ko sa white board. 

sulat yun ni daddy

huminga ako ng malalim

at nagsimula akong igalaw yung mga daliri ko...

nagsimula akong tumugtog.

I played my favorite song on the piano.. with my dad listening to me dearly

Sana maging okay ang lahat ..

Cause I don't want my favorite song be considered as

The pianist's last song piece

I want to play more musical pieces ..

I want to sing more songs.. 

I want to hear a lot more music

I want to idolize more singers

I want to adore more voices

I want to hear the SOUND AGAIN.

...

Sabi ng doctor may pag-asa pa akong makarinig ulit. Pero kailangan kong dumaan sa isang operation

Sa totoo lang, ayokong magpa-opera dahil natatakot ako na kapag natapos na yung operasyon...

Haharapin ko ang katotohanan na hindi pa rin ako bumabalik sa normal.

wala pa ring tunog

wala pa ring tugtog..

Bakit ba sa dinami-dami ng tao ako pa?

At bakit sa dinami-dami ng pwede mawala saken 

iyon pa?

Kakayanin ko ba?... iniisip ko palang sobrang nahihirapan na ko, pano pa kaya pag tuluyan na ‘yung mawala saken. 

Anong mangyayare ?... ang hirap … ang sakit.. hindi ko kayang tanggapin.

Yan yung naiisip ko habang ipinapasok na nila ako dun sa may operating room.

GOD, sana po maging okay ang lahat.. 

please .. kayo na po ang bahala saken

i just wanted to be happy..

please let it happen...

Amen.

~END~

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...