If we fall in-luv

By SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 34

904 1 0
By SirIncredible

Masayang umaga. 



Pagkatapos maliwanagan sa inalay na 'Love Story' ng Manager, gustong maging positibo ni Janice na "Walang imposible kung magtitiwala lang!". Naroroon pa rin ang sakit pero hindi na kagaya ng dati na pinapabayaan na rin ang sarili. Bitbit ang bag, tinapos ng dalaga ang pag-inom ng kapeng may halong 'Coffee Mate' at humalik sa lolang nag-aalmusal pa upang lumisan. Sa pagbukas ng kanilang gate ay mapapansin niya sa labas na may nakaipit na namang sobre sa mailbox. Pagkatapos isara ang gate ay kinuha niya ang sobre at dahan-dahang binuksan...magugulat siya sa naka-Engineering Lettering na note:

KASI HINDI KUMPLETO ANG LUGAW KO KUNG WALA KA

Maririnig ang malakas na pagtawa ng isang babae mula sa cubicle na pinagtatrabahuhan ni Janice.

"So... Corny Sis ah! Ano ito? Boy Pick-up ang peg? Ha! ha!", sambit ni Rubie habang hawak sa kanang kamay ang kakukuhang note ni Janice at sa kabila naman noong gabing umuwi ito sa bahay:

TUWALYA KA BA?

Tititigan din ito maigi ni Rhyna at magsasalita, "Wala akong nakikitang senyales ng death threat dito hindi katulad nung nakaraang papel sa ilalim ng keyboard mo Sis..."

"Oo nga eh! Pero sa tingin niyo, hindi kaya bagong pakulo ito ni Julius?", sabi ni Janice habang kumakain ng puto sa kanilang breaktime

"Ano ka ba naman Sis! move-on na! Sa sobrang gwapo at talino nung Julius na yun... magpapaka-jologs pa ba siya sa mga ganyang note?", sambit ni Rubie

"Tsaka Sis... ikaw na rin ang nagsabing walang return address ang mga sulat sa iyo, paano mo malalaman na sa ibang bansa galing ' yan? Hello!", paduling na wika ni Rhyna

"I don't know... malay mo nandito na pala siya sa tabi-tabi at gusto lang niya akong isoprays... yung parang kina Manager at fiancee niya! Alam niyo ba yun?", sabi ni Janice na tuwang-tuwa

"Haay naku Sis! Hibang ka na nga... bukas na bukas pa-check up tayo dun sa Trece Martires ah... tapos pa-admit ka namin, dadalawin ka naman namin ni Rhyna dun kapag days-off eh!", sambit ni Rubie na ibabalik ang dalawang note kay Janice

"Tsaka Sister... hindi po nagpapadala ng note si Papa Julius nang walang kalakip na special gift o any stuffs sa'yo nuh! Second Hello!", paduling na wika ni Rhyna

"Kayong dalawa lagi kayong kontrabida eh! Ayaw niyo ba akong maging masaya ulit? Yung nakikijoin sa mga funny little chorva moments ninyo... tsaka, malay mo pagkatapos ako niyang mapanuod sa tv, nanumbalik yung care niya tulad noong una kaming nag-date sa Shangri-La!", positibong ganti ni Janice na titingin kay Rubie, "Di ba?", at titingin kay Rhyna sa kabila niya, "Di ba?"

"Haay Ewan! Kung sa bagay masaya ka naman diyan and at first na nakita ko ito ay talagang lumaf out loud ako to the highest level", paikot ang ulong wika ni Rhyna

"And Et. al., quote unquote... nagutom ako ng husto nung nabasa ko yung lugaw na may tuwalya... Na-miss ko tuloy mag-goto! Tara mga Sis!", yaya ni Rubie na titingin sa relos, "May two minutes pa!"

"Two minutes? as if naman makahigop ka agad ng isang kutsara dun eh sa pagbaba pa lang ng elevator aabutin ka na ng lampas 2 minutes! Ano daw?! ",taas-kilay na wika ni Rhyna

"Tama na nga 'yan! Bago pa dumanak ang dugo rito... Hintayin natin ang iba pang darating na sulat. Malay niyo sa mga susunod eh meron nang note na magli-lead sa akin to walk down the isle... ", banggit ni Janice na dahan-dahang pipikit, "Hmmm... my true love!"

Itutulak ni Rhyna ang kaibigan upang magising, "Huy! Sis... pwede ba ako muna ang maikasal sana kasi ako naman ang pinakamatanda sa inyo at gusto ko na ring magka-baby bago man lang ako mag-singkuwenta!"

"Ha ha! Eto talagang si Rhyna Alcantara... mahusay mag-joke! Kape pa teh! Yung walang tubig...", sambit ni Rubie na titingin muli sa relos

"Kayong dalawa talaga... ang importante naman rito eh nabigyan ako ng pag-asa nung nakipag-usap sa akin si Manager at niyakap. At least, naniniwala akong puwede pa rin ang kagaya ko na ma-in love...", banggit ng nakangiting si Janice

"Well... Well... Well... if that so, sige! Papayagan ka na namin ni Rubie sa trip mo Sis! Anyways, kami naman ang mapapahiya kung sa huli eh yung mga iniisip mo pala ang magiging ending ng love story mo! Just enjoy life and dito lang kami ng kapatid mong lokaret...", wika ni Rhyna na matatapos sa pagtingin kay Rubie

"Whatever! I'll go to my desk na! Marami pa akong gagawin...", sambit ni Rubie at yayao

"... na masasandalan mo kung may problema ha!", dugtong ni Rhyna kay Janice at makikibeso rito, "Be cheerful... Strive to be happy!"

"Woah! Parang nabasa ko na 'yan ah...", dagdag ng Behosano

"Desiderata! One of the bests..."

"Yeah... thanks for that Rhyna ah!", banggit ni Janice sa paalis na kaibigan ngunit pagtalikod nito ay makakabangga ang nakatayong si Mya

"Ay! Mukhang palaka!", gulat na sambit ni Rhyna. Sisimangot ang nakabanggang babae at dahan-dahang pupunta sa kanyang cubicle si Rhyna, "Sorry po Ma'am!"

"Hmmh... Janice...", mataray na sabi ni Mya sa babae at ibibigay ang itinagong folder sa likod, "Paki-sign na lang itong ibang article na na-copyread na ni Pamela before... Just do it without any mess!"

"O...kay po!", kukunin ni Janice ang papel at maghahanap ng ballpen. Naalala ni Janice na nahiram pala ni Rubie sa malayong cubicle nito ang ballpen na ginagamit kaya magre-request ito kay Mya kung pwedeng mahiram ang sariling gamit.

"Ano ba! Napaka-imbecile naman ng babaeng ito!", nakakainis na sabi ni Mya at ibibigay ang dalang signpen na nakaipit sa bulsahan ng blouse nito, "Here!!!"

Nang makita ni Janice ang ibinigay na signpen ay magugulat ito...

"What the...", banggit ni Janice

"Ano? Para kang nakakita ng bagay na pwedeng magdulot sa iyo ng three stab wounds ah!", dagdag ni Mya

"Hi... hindi naman po!", kinakabahang banggit ng dalaga, "Para lang po kasing pamilyar ang signpen na ito... hindi kasi ganito ang ginagamit ng mga staff na ibinibigay ni Manager sa amin eh!"

"Well... I'm just being different! Ayoko lang na maki-agaw pa ng mga ballpen o markers sa inyo...I could purchase my own things!", wika ni Mya na mas lalong ilalapit ang bibig sa tenga ng kausap, "Because... I am a predator and I want you to be my prey... huwaaarh!", nakakatakot at tatawa ito ng malakas

Bibilisan na ni Janice ang pagpirma sa mga papel at magpapasalamat sa babae, "Salamat Ma'am! Pwede na po kayong umalis..."

Kukunin ni Mya ang ibang papel at hindi mapapansin ang pagkalaglag ng isang papel na lumipad sa ilalim ng CPU ni Janice. Lalayas ito nang nakataas ang isang kilay, "Good job!"

Inabot na naman ng gabi sa pag-uwi si Janice galing sa trabaho nang matiyempuhan niyang nananahi muli ng punit niyang bestida na katatahi lamang ng nakaraan gamit ang kamay ang lola sa sala habang nakaupo sa wheelchair.

"Oh! Lola... ano na namang kalokohan ito? Ang sabi ko sa inyo gawin na nating basahan 'yan eh! Marami pa naman kayong damit 'di ba?"

"Anak... paborito ko kasi itong bestida at...", putol na sambit ng lola

"...Maganda na rin para ma-exercise ang dalawa mong kamay?", patuloy ni Janice na lalapitan ang lola at yayakapin ito, "Lola... nasabi mo na yan sa akin eh!", magrereklamo ang tiyan ni Janice at didiretso sa kusina.

"Ikaw na lang ang kumain Janice kasi sumabay na ako kay Leo kanina"

Magtataka si Janice at magugulat sa mababanggit

"Oh... okay po!", sagot ni Janice na sa ilalim ng isinabit na prutas ay mapapansin ang ibabaw ng lamesang may nakaipit sa plato na saradong sobre.

WHAAAAA!

"Oh!", puna ng matanda at lilingon sa apo sa kusina, "Para kang nakakita ng multo diyan?!"

"Wa... wala po!", banggit ng dalaga na titingin sa kanyang paligid at mapapansing parehas na parehas ang ayos ng lahat ng mga bagay sa dati

Kukunin niya ang sobre... babasahin at tatanungin ang lola, "Si... sino po ang nagbigay nito, Lola?"

"Ah... iyan!", titingin ang lola sa apo, "Siya nga pala! Nakita iyan ni Leo na nakasabit sa mailbox ng gate kanina. Naka-address para sa'yo eh! Ikaw na lang ang magbukas..."

WHAAAAA!

Malaki ang pagtataka at pagkabog ng dibdib ni Janice sa mga naririnig.
















Sinira ni Janice ang sobre sa gilid at kinuha ang maliit na kartong papel sa loob... Manlilisik ang kanyang dalawang mata sa mababasa at mahihimatay na babagsak una-leeg.

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...