Love, Written in Blood (GL)

By HidekoLover

70.6K 3.8K 3K

Some write letters, But some leave corpses. Detective x Genius Psychopath x Heiress xxxxx TAGLISH xxxxx More

Author's Note
Main Characters
Prologue
Chapter 1: The Promotion
Chapter 2: The First Chain
Chapter 3: The First Pattern
Chapter 4: A Thread
Chapter 5: The Second Chain
Chapter 6: A Name in Gold
Chapter 7: Evidence of a Heart
Chapter 8: The Third Chain
Chapter 9: Where Pride Bleeds
Chapter 10: Truths with Teeth
Chapter 11: A Veiled Misfortune
Chapter 12: Echoes of an Accident
Chapter 13: Oath of the Badge
Chapter 14: Behind The Sunset
Chapter 15: A Fool's Gambit
Chapter 16: The Breaking Act
Chapter 17: The Soft Undoing
Chapter 18: A Gentle Ruin
Chapter 19: Fate's Little Joke
Chapter 20: Velvet and Deception
Chapter 21: Jealousy: Exhibit A
Chapter 22: The Fourth Chain
Chapter 23: A Taste of Chaos
Chapter 25: Collateral Damage
Chapter 26: Totally Undone
Chapter 27: Truth at Gunpoint
Chapter 28: Hinted Hearts
Chapter 29: Before the Devil
Chapter 30: The Last Chain
Chapter 31: Hidden Faultlines
Chapter 32: Chasing Her Innocence
Chapter 33: Chasing Her Innocence (Part Two)
Chapter 34: A Quiet Disaster
Chapter 35: Her Rules
Chapter 36: Us
Chapter 37: Dancing on the Line
Chapter 38: Held and Unraveled
Chapter 39: The Ripple
Chapter 40: Our Little Escape
Chapter 41: The Real Hunt Begins
Chapter 42: The Strongest Thread
Chapter 43: Taken
Chapter 44: Shadows of the Past
Chapter 45: Pandemonium
Chapter 46: The Truth Behind Her Smiles
Chapter 47: The Golden Chain Killer
Chapter 48: The Reckoning
Chapter 49: Fractured Realities
Chapter 50: What Follows
Chapter 51: The Birth of the Unforgiving
Chapter 52: Forced Proximity
Chapter 53: Annoyingly Charming
Chapter 54: Riddles and Restraints
Chapter 55: Echoes of a Promise
Chapter 56: Truth in Reverse
Chapter 57: The Weight of a Forgotten Promise
Chapter 58: The Illusion of Forever
Chapter 59: The Psychopath
Chapter 60: A Painful Goodbye
Finale

Chapter 24: The Fifth and Sixth Chain

922 58 114
By HidekoLover

Eunomia's POV

Three hours.

Tatlong oras na akong nakatitig sa screen, paulit-ulit pinapakinggan ang boses ni Jacinto. Mga luma niyang interviews, speeches, pati mga random conference talks na kinuha ng media. Kung hindi siya pulitiko, puwede na siyang motivational speaker kasi walang sablay na delivery.

Pero sa ilalim ng bawat salit niya, hinahanap ko yung bitak. Yung posibleng clue.

Kilalang journalist, oo, pero alam ko sa tono pa lang ng boses niya, hindi siya nagtatrabaho para sa katotohanan. Minsan para lang sa pera, minsan naman para sa impluwensiya. Hindi lahat ng sinasabi niya kasinungalingan, pero halatang pinipilipit niya para kumagat sa audience.

Nagsusulat ako habang nanonood:

“2018 panel: exaggerates stats, no source.”

“2019 guesting: same numbers—1, 7, 13. Habit?”

“Body language off kapag tinatanong tungkol sa sponsors.”

Small things. Walang malinaw na sagot, pero maaring clue.

Napahilot ako sa sentido, saka nag-crack ng leeg. Halos dumidikit na yung mukha ko sa screen.

Maya maya pa ay nakarinig na ako ng mga mahihinang yapak. Tapos ang mahinhin na boses ni Celeste, malinaw kahit medyo malayo pa.

Agad kong sinara ng konti yung laptop bilang instinct. Nang tumigil ang tunog ng yapak ay, ayun na siya, nakangiti, may tuwalyang nakasabit sa leeg kahit hindi naman mukhang pawisan. Tahimik lang na nakasunod si Eleanor sa likuran niya na may sariling mundo patungo sa kusina.

“Kung titigan mo pa ng ganyan yung laptop mo, magkakabutas na ’yan. Baka mamaya, ikaw na yung ma-interview kasi baliw ka na.” Celeste chuckles as she approaches me.

Napangiti ako,at saka marahang umiling. “Research lang. You know me.”

“Research, huh?” Umupo siya sa armrest ng couch, sinisilip yung notes sa mesa. Magulo ang handwriting ko kaya okay lang kahit tignan niya, 'di rin naman niya mababasa. “Wala ka talagang kasawa-sawa. Ako kasi, after three hours na staring sa screen? Tulog na ako or binge-watch na ng K-drama.”

“Different wiring,” sagot ko,at nagkibit balikat pa. “Kung ikaw na-e-excite sa happy endings, ako mas nagigising sa inconsistencies.”

Natawa siya habang naiiling ng bahagya. “Kaya pala. Detective brain. Ako hanggang cliffhanger lang.”

Habang nagsasalita siya, napansin ko si Eleanor sa kusina na binuksan yung ref,at saka kumuha ng tubig. Yung ilaw galing sa loob ng ref, nag-frame sa silhouette niya. Damp strands of hair on her cheeks,tapos 'yung pawis niyang naggli-glisten pa sa collarbone niya. At iyong damit niya na dumikit sa kanyang balat.

I looked away immediately, hinigpitan ang hawak sa ballpen na kanina ko pa pala nilalaro.

Nag-stretch muna siya bago muling tumayo . “Anyway, I’ll let you go back to your… whatever serious stuff you’re doing. Baka pati ako ma-brainwash mo d’yan.”

Napatawa ako nang mahina. “Promise, hindi pa ako umaabot sa cult leader level.”

“Goodnight, Detective.” She gave me a mock salute, at naglakad na patungo sa pinto.

“Night.”

Naging tahimik ulit. Except sa mahina at malinis na tunog ng baso ni Eleanor sa kusina.

I stared at the half-closed laptop on the table. 'Yung code na hanggang ngayon ay tila kinukutya ako, mga inconsistencies na hindi ako sigurado, pati na ang mga katanungan na paulit-ulit akong kinakagat.

Makaraan ang ilang saglit,narinig ko ang mahihinang hakbang mula
kusina, at nang itaas ko ang tingin, nasa gilid ko na siya, may hawak na baso ng tubig na kalahati pa ang laman.

“Any progress with the numbers?” tanong niya nang magtama ang mga paningin namin. Pinigilan ko ang sariling mapatingin sa leeg, o sa kung saang parte ng katawan niyang pilit akong inaakit.

Umiling ako, kasabay ng pagbagsak ng balikat ko. “Wala pa rin,” mahina kong sagot bago bumaling uli sa laptop.

Naramdaman ko yung disappointment sa sarili ko. Buong araw na akong nakatutok dito, pero wala pa rin akong nahuhuli. Akala ko mas magaling ako dito, akala ko mabilis ask. Pero eto pa ri ako, tila asong umiikot lang sa sariling buntot.

Muling niyang itinaas ang baso sa bibig, uminom uli ng kaunti, saka dumiretso yung mga mata niya sa akin. “Do you want me to help?” tanong niya, simple lang, pero ramdam ko na seryoso siya.

Automatic ang ulo kong umiling. “No. You should rest. Baka pagod ka na rin from earlier, tapos may trabaho ka pa bukas. Don’t worry about this.”

“Suit yourself,” mahina niyang sambit, sabay lakad palayo.

Nanatili akong nakatitig sa likod niya habang naglalakad siya paakyat sa hagdan. Walang tunog maliban sa pagbukas ng pinto, saka marahang pagsara nito.

I leaned back, staring at the blinking cursor on my laptop screen. Wala pa rin akong lead, pero may sunod-sunod na tanong na umiikot sa ulo ko ng walang humpay.

At ngayon, dagdag pa, yung tono ni Eleanor kanina. Tama lang ba yung pagtanggi ko, o mas lalong nagmumukha akong bulag dahil ayaw kong aminin na baka kailangan ko talaga siya?

Nagpatuloy nalang ako sa panonood, pinipilit labanan yung antok at inis na nagsisimula nang sumiksik sa katawan ko.

Sunod na clip ay isang interview na promotional.

The host beamed at the camera: “Joining us tonight is Mr. Jacinto, to talk about his new book, Exposé of Shadows.”

Napaatras ako sa upuan, at 'di mapigilan ang pagkunot ng noo ko.

Exposé of Shadows. I know that book. Hindi ko makakalimutan yun.

Hindi dahil mahilig akong magbasa ng gawa ng mga self-righteous frauds,kundi dahil limang taon na ang nakakalipas, binili ko ‘yon out of spite. Gusto kong makita kung gaano kalaki ang kayang baluktutin ng taong ito at kung paano niya gagawing negosyo ang kasinungalingan.

Pero higit pa dun,dahil bago pa lumabas ang librong ‘yon, siya na ang sumira sa amin. Sa presinto kung saan ako unang nadestino.

Sariwa pa sa ala-ala ko, limang taon na ang nakakaraan. Nasa briefing room kami. Biglang pumasok si Chief, mukhang gutay-gutay.

“May press coverage tayo,” sabi niya. “Marco Dela Vega.”

Para kaming binuhusan ng malamig na tubig. Kilala na namin ang pangalan. Isang binatang lalaki na nahuli sa gulo.

Anak ng isang aspirant politician. Pinilit naming gawin by the book ang lahat. Pero ayun siya, nakasaklay sa TV, at puro sugat daw galing sa amin.

Si Ulysses Jacinto ang naglatag ng kuwento.

“Police brutality,” bold letters sa headline kinabukasan. May pictures pa na halatang staged. Tapos sa interview ng ama nung binata, kunwari sugatan ang anak, victim of oppression daw.

Jacinto’s words flowed like poison, and people ate it up.

Wala siyang pakialam sa kung ano ang totoo. Ang importante, makabenta siya ng kuwento.

At kami? Ang presinto namin halos mabuwag. Tinambakan ng sanctions,at pinahiya pa sa publiko. Ako mismo, ilang linggo akong walang tulog, kinukutya ng media at mga tao sa mga social media platforms.

Parang wala kaming laban kasi mas madaling paniwalaan ang sikat na “truth crusader” kaysa sa mga pulis na tahimik lang gumagawa ng trabaho.

Bumalik ako sa kasalukuyan, nakatingin sa mukha niya sa screen. Proud na proud na hawak niya yung libro, tila hari ng hustisya.

“Truth is not always popular,” ani Jacinto, nayayabangan ako sa tingin niya sa camera. “But it must be told. That’s why I wrote this – Exposé of Shadows.”

“Truth, my ass.” Napahagalpak ako ng mapait na tawa. If people only knew how twisted and bended his principles were.

Kinuha ko ang notebook ko, at nagsulat ng mabilis na halos mabutas pa ang papel:

Exposé of Shadows = propaganda disguised as truth.

First encounter = precinct brutality accusation. Fabricated, orchestrated.

Aspiring politician involved → reputation cleanse via Jacinto.

Jacinto’s MO = twist facts → build narrative → sell it for sympathy.

Napatigil ako, hawak hawak ang ballpen sa hangin.

The irony isn’t lost on me. Kahit patay na si Jacinto, nandito pa rin ako, pinapakinggan ang bawat kasinungalingan niya, hinahanap kung saan siya nadulas,at kung saan ko siya mahuhuli.

At habang nakatingin ako sa screen, sa ngiti niyang parang walang kinatatakutan, ramdam ko ulit yung pait ng nakaraan. Hindi lang ito basta kaso. Hindi lang siya simpleng biktima.

Demonyo siya na nabalutan ng papel at tinta.

Pero kahit gano’n, may kakaibang piraso sa boses niya, isang pattern na parang gustong sumingit sa pagitan ng mga salita.

Isang clue na baka hindi niya sinadyang iwan.

Pinatay ko ang clip. Tumahimik ang buong sala. Napahawak ako sa sentido, para pakalmahin ang utak kong purong puro na sa numero.

Ilang oras na akong gising, pero parang ngayon lang ako tuluyang nagising.

113–1–1–3–4–6–7.

What if the book itself is the key?

Exposé of Shadows.

It can be possible.

Meron pa pala akong kopya no’n, nakatambak lang sa apartment, siguro puro alikabok na ang laman.

“Don’t get your hopes up, Uno,” bulong ko. “Baka isa na namang dead end ‘to.” Sinara ko ang laptop, isinandal ang likod sa upuan. Pinikit sandali ang mga mata.

Sakto namang narinig ko ang mga hakbang mula sa hagdan.

Pagbukas ng mata ko, ayan na naman siya. Nakasuot ng satin pajamas, bitbit ang laptop. Ang buhok niya medyo basa, kakatapos lang sigurong maligo.

Tumingin lang siya sa akin sandali bago umupo sa tabi ko, may ilang dipa ng layo mula sa'kin. As if naman kasi talagang tatabi siya sa'kin. Ayoko din naman no, baka hindi ako makapagfocus sa pag-iisip.

“You’re still awake,” sabi ko, medyo nagulat. “Didn’t think I’d see you again ‘til morning.”

“I can’t sleep,” kalmadong sagot niya. Binuksan niya ang laptop ng hindi ako tinatapunan ni isang tingin. Finance department sent their reports late. I need to review them.”

“Now?” tanong ko, hindi ko mapigilang ngumiti. “You, checking numbers this late? That’s new.”

Nagkibit-balikat lang siya, pero ang tingin nasa screen pa rin. “Deadlines don’t wait. Neither should I.”

Tahimik akong napangiti, pero sa loob ko, may kakaibang kuryenteng dumaloy. Hindi ko alam kung dahil lang sa pagod, o dahil hindi ko sanay na kasama siya sa ganitong oras.

Normally kasi, pag sinara na niya ang pinto sa taas, tapos na rin ang mundo niya para sa gabi.

Pero ngayon...nandito siya. Tahimik na nakaupo sa tabi ko.

“Gusto mo ng coffee?” tanong ko makalipas ang ilang saglit.

Tumango lang siya, and to my surprise, hindi siya nagtanong. Napatitig ako sa kanya nang may bahagyang duda.

Si Eleanor kasi, kahit sa simpleng offer, laging may kasunod na “why” o kaya “for what.” Pero ngayon? Diretso lang.

Parang… ibang Eleanor ’to ha.

Her tone’s still cold syempre, her stare still sharp,pero may kung anong bago sa kanya. Hindi ko lang ma-pinpoint kung ano. Parang may shift sa hangin, subtle man pero ramdam ko.

Pumunta ako sa kusina, sinubukan kong alisin sa isip ko ’yung kakaibang pakiramdam habang nagtitimpla ng kape.

Pagbalik ko, may dalawang mug akong dala. Inilapag ko sa mesa, at agad niyang kinuha ’yung isa.

She took a sip elegantly. At wala akong natanggap  na irap o reklamo ng “too bitter.”

“Okay lang ’yung timpla?” tanong ko, habang nag-aabang ng kahit anong reaksyon. She only shrugged, eyes still fixed on the screen.

That shrug shouldn’t mean much, but it did. Parang may nakatagong yes doon, tipong ayaw lang niyang aminin out loud.

I tried to push the thought away, tried to focus on the case instead. Pero kahit anong pilit kong mag-connect ng dots, ’yung utak ko, may sariling direksyon, palapit nang palapit sa kanya. Kung paano siya huminga nang mabagal habang nagta-type, kung paano bahagyang kumikilos ’yung labi niya kapag may binabasa siyang hindi niya gusto.

For thirty minutes,or maybe more, wala ni isang umimik sa'min. Pero hindi awkward ha. Tahimik lang, pero may rhythm. Tila parehong humihinga sa iisang pace.

Hanggang sa napansin kong tumigil na ’yung pag-tap ng daliri niya sa keyboard. Lumingon ako nang dahan-dahan, at ayun nga... tulog na siya.

Slightly tilted ’yung ulo niya, at may isang hibla ng buhok na nahulog sa pisngi.

Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Dahan-dahan akong lumapit. Hindi ko alam kung bakit, pero parang hinihila ako ng kung anong magnet sa pagitan namin.

The closer I got, the louder my heartbeat went. When my arm brushes hers, a spark shot up my skin, literal na daan-daang boltahe ng kuryente.

Napalunok ako. “Okay, calm down,” bulong ko sa isip ko. “Hindi ’to interrogation. Nakaupo ka lang...sa tabi niya.”

Pero hindi ako makagalaw para sana igaya ang ulo niya sa balikat ko. Hindi na rin ako makalayo kahit na sinisigawan na ako ng utak ko. Sa bawat segundong lumilipas, mas lalo kong nararamdaman ’yung init ng balat niya na dumadampi sa akin.

Then, unti-unti...’yung ulo niya, dahan-dahang bumigat sa baliktad ko.

The world seemed to stop with her breath against my neck.

Oh God!

Alam niya bang ginagawa niya ’to?”

Gusto kong tanungin, gusto kong linawin kung anong ibig sabihin nito kaso biglang nawala ’yung urge.

Maybe it doesn’t matter.

So I let her stay.

At sa bawat segundo na dumadaan, naririnig ko ’yung steady rhythm ng hinga niya. Nakadikit ang balikat namin, at para bang may sariling tibok ng puso ang pagitan namin.

Naalala ko bigla ’yung unang beses na nangyari ’to,sa rooftop. Noon, hindi ganito kabilis ang tibok ng puso ko kasi nga in denial pa ako dati.

Pero ngayon… ngayong naamin ko na sa sarili ko. Ang sarap pala sa feeling na ganito siya kalapit.

Sitting here, with her sleeping soundly beside me, her head resting on my shoulder… it felt right. Too right, actually.

Kung pwede lang, gusto kong manatili rito, sa tahimik na sandaling ’to, sa pagitan naming dalawa.

Just us.

Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa ganitong posisyon. Pero kung susukatin ko, siguro mga nasa bente minuto na akong nakatulala rito,habang siya nakahilig pa rin sa balikat ko.

Bawat paghinga niya, ramdam ko. Mabagal, pantay, at somehow… nakaka-relax. Para bang kahit sandali lang, tumigil ’yung mundo sa paligid namin. Hanggang sa bumaba ’yung tingin ko.

Sa kamay niya.

Nakapatong lang ito sa ibabaw ng keyboard ng laptop na nakapatong pa rin sa hita niya. Ang lambot tingnan, maputi, mahahaba ang daliri, well-manicured na mga kuko, at may manipis na ugat na halos kumikislap sa ilalim ng ilaw.

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa kamay ko. Gumalaw ito, dahan-dahan na tila tinatawag ng kung anong instinct, inabot ko ’yung kanya. Hindi para hawakan, kundi para lang… maramdaman kung gaano kalapit.

Inch by inch, hanggang sa halos abot ko na.

Pero huminto ako. Napasinghap ako ng mahina ng matauhan ako bigla.

What the hell am I doing?

Agad kong binawi ang kamay ko, pinilit ngumiti kahit ang awkward tignan. Kasi alam kong kapag tinuloy ko pa ’yon, boundary na ’yon. At ’yun ang huling bagay na gusto kong tawirin.

May linya akong kailangang panatilihin, hindi lang dahil trabaho ko ’to, kundi dahil ayokong masira kung anong tahimik na koneksyon meron kami ngayon. O kung meron man talaga.

So I stayed still. Pinanood ko lang kung paanong bahagyang gumagalaw ’yung buhok niya tuwing humihinga siya.

At nang maisip kong baka makatulog na rin ako sa gano’ng posisyon, bigla siyang gumalaw.

She stirs slowly. Umangat ng konti ’yung balikat niya, sumunod ang ulo. Nang dumilat siya, tumama agad ’yung mga mata niya sa akin.

Parang ilang segundo siyang nag-process. Matapos mag-sink in sakanya ang lahat ay hindi nito naitago ang konting gulat. Subtle lang pero kita ko sa mata niya.

Napakurap siya nang mabilis. Tapos, walang sabi-sabi ay marahan niyang inangat ’yung ulo niya mula sa balikat ko.

“A-ah,” halos hindi ko na alam kung may nasabi ba ako o naisip ko lang.

Tahimik siyang tumingala saglit, parang nag-reorient, tapos dahan-dahang isinara ’yung laptop sa kandungan niya. Isang click lang ng latch, pero ang bigat ng tunog.

Matapos nun ay tumayo na siya. Naglakad diretso paakyat sa hagdan, papunta sa kwarto niya sa ikalawang palapag.

Narinig ko pa ’yung tunog ng hakbang niya hanggang sa mawala.

At naiwan ako dito, nakatingin sa bakanteng upuan sa tabi ko, ’yung mug ng kape niyang wala ng laman, at ’yung tunog ng puso kong parang hindi alam kung babagal o bibilis.

I let out a quiet laugh, one of those bitter, but amused ones.

“She really knows how to leave a room,” mahina kong bulong.

Pero kahit anong pilit kong gawing biro, hindi ko maitago ’yung totoo.

My heart is still racing.

And no matter how many cases I’ve handled, no interrogation ever made it beat this fast.




•••••




The next day, pagkapasok ko pa lang sa apartment, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Diretso ako sa bedroom, papunta sa maliit kong study area kung saan nakahilera ang mga libro ko.

Kinapa ko agad yung shelf. Isa-isa kong hinugot, binuklat ang mga titles, pati yung mga nakaipit pang lumang notes.

Kaso wala.

Sumimangot ako, piniga ang sentido, tapos dinoble-time. Inilabas ko lahat ng libro sa estante, halos bumagsak na yung iba sa sahig. Pero kahit anong tingin ko ay wala pa rin.

“Shi—” Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa inis.

Sige, baka nasa ilalim lang.

Binuksan ko ang lumang storage box kung saan ko tinatambak ang mga gamit na wala na akong oras asikasuhin: mga lumang case files, notebooks, kahit mga gamit pang-academy na hindi ko na dinadala. Nagkalat na ang folders, papel, at mga lumang polaroids ng crime scenes.

Pero wala pa rin.

Lumuhod ako sa sahig, hinihila ang isa pang kahon mula sa ilalim ng kama. Nandoon lahat ng mga bagay na sinasabi kong “itatapon ko na next week” pero hindi ko natutupad: old mugs, shirts, abubot. Inisa-isa ko pa rin, at mukha na akong desperado.

Nang napatingala ako, halos wala nang matitirang maayos na parte ng kwarto ko. The bed is half-covered in books,even the carpet littered with papers and boxes. Para akong naghanap ng kontrabando sa sarili kong bahay.

Pero kahit anong halukay ko, ni anino ng Exposé of Shadows ay wala.

Umupo ako sa gitna ng kaguluhan, pawis na pawis kahit hindi naman mainit. Tumingin ako sa paligid bago napabuntong-hininga, parang ako ang pinagtitripan ng libro. Parang may kamay na bigla na lang nagtanggal nito at itinago kung saan hindi ko maaabot.

“Of course mawawala ka ngayon, when I actually need you.”Pinikit ko mata ko para makapag-focus.

Saan ko ba nilagay yun?

Did I throw it out years ago?

Pwedeng itinapon ko nung nag-declutter ako. Or baka pinahiram ko sa kung sinumang nanghingi ng reference noon.

Kahit anong pilit ko alalahanin, parang black hole. Hindi ko maalala kung saan ko huling hinawakan yung libro.

Napamura ako nang mahina. “Shit.”

Tumingin ako sa paligid, parang binagyo na ang kwarto ko, 'yung kama ko puno ng nakatambak na libro, ang sahig barado ng folders at papel, mga kahon nakabukas na parang niransak.

Hindi na ‘to apartment, crime scene na 'to.

Okay Uno, wag ka magpaka-inutil. Kung wala dito, wala. Move on.

Kung itinapon ko na, fine. Kung pinahiram at hindi na binalik, fine. Pero kung may chance pa na makahanap ako ng kopya, hindi ako pwedeng sumuko.

Bumuntong-hininga ako habang tinititignan uli ang gulo. “Fine. Aayusin ko muna ‘to. Then bookstore hunt na.” mahina kong sabi.

Isa-isa kong inipit ulit ang mga papel sa folder, niligpit ang mga libro,at binalik ang mga kahon sa ilalim ng kama. Mabigat ang kilay ko habang nag-aayos, pero at least may plano. May direksyon kahit gaano pa kahina ang chance.

Pagkababa ko ng huling kahon, napatingala ako sa kisame. Kung may iniwan ka talagang clue dun sa libro mo, Jacinto, it better be worth it. Or else…

Napailing ako at napabuntong-hininga ulit. Hindi na ako umaasa nang malaki, five years is a long time. Baka phased out na rin sa mga shelves. Pero wala na akong choice. Kung may maliit na posibilidad na nandun ang susi, kailangan kong sugalan.

After a while, the bell chimed softly nang buksan namin ang pinto ng bookstore.

Typical, rows and rows of shelves, amoy papel at bagong print,at tahimik maliban sa pag-flip ng mga pahina at mahinang indie music sa background.

Kasabay kong pumasok si Ruiz na halatang hindi kumbinsido. “Sigurado ka ba talaga dito, Uno? Worth it pa bang hanapin ‘tong libro na ‘to?”

I just shrugged, tinago ko ang kaba sa likod ng casual na galaw. “I don’t know. Pero mas okay na may sinusubukan kaysa nakatunganga lang.”

Umikot kami sa fiction, non-fiction, history, journalism. Bawat shelf, bawat gilid, kahit bargain bin sinilip ko. Pero wala pa rin ni anino ng Exposé of Shadows.

“Baka nasa archive section nila,” bulong ni Ruiz.

Nilapitan namin ang isang staff na mukhang bago pa lang. Napakurap lang siya sa amin nung banggitin ko ang title. “Uh… sorry po, first time ko marinig ‘yan.”

Ramdam kong bumigat agad ang balikat ko. “Sino puwede naming makausap? Manager? O in-charge ng archive?”

Nag-antay kami ng halos sampung minuto, hanggang may lumapit na matandang staff, bitbit ang susi ng storage room. Kaso paglapit na paglapit niya: “Ay, phased out na ‘yan, ma’am. Matagal nang wala sa catalog, years ago pa. Kahit back order, hindi na namin kaya.”

Daig ko pa 'yung tinulak ng malamig na hangin.

Pero hindi kami sumuko. Lumabas kami, lipat sa ibang bookstore. Then another. Pati mga public library pinasok namin. Nag-scroll kami sa catalog, nag-check sa index cards, pero wala. Kahit isang kopya, kahit luma, kahit sirang edition...zero.

Pareho na kaming disheveled ni Ruiz pagsapit ng hapon. Umupo kami sa isang bench sa labas ng isang kilalang public library, hawak niya ang phone niya. “Online man lang kaya?” mabilis niyang tinype sa search bar.

Facebook Marketplace, eBay, online sellers. Pero ang resulta? Dead end pa rin. No copies available.

Napatagilid ng ulo si Ruiz, at ngumisi pero halatang bad trip. Tangina, Uno, parang multo na ‘tong librong ‘to. Baka ikaw na lang ang huling bumili five years ago.”

Napapikit ako, at marahang pinisil ang tulay ng ilong kong nagmamantika na sa maghapong paghahanap. Buong araw pero wala kaming napala. Ni isang lead, wala.

Frustration burned low sa dibdib ko, pero pinilit kong lunukin. Hindi puwedeng dito magtatapos.

“If Jacinto really wanted this book buried… then maybe we’re already digging in the right place.”

Matagal akong nakatulala sa bench habang si Ruiz panay scroll pa rin sa phone niya. Then suddenly, parang may kumalabit sa isip ko.

“What if… what if we’re looking at the wrong place all this time?” lumingon ako sa katabi kong nagbubukas ng panibagong apps.

Napakunot ang noo ni Ruiz, napalingon din siya sa akin. “Ha? Anong ibig mong sabihin? Lahat na halos napuntahan natin ah.”

“We should stop looking sa bookstores or libraries. Kung saan talaga siya nagmula… doon tayo dapat maghanap.”

Sandaling naging blangko ang mukha niya, tapos biglang kumislap ang mata. “Jacinto’s house.”

I gave a small nod. “Yup.”

Napatawa pa siya bago ako binigyan ng mahinang tap sa balikat. Tangina, Uno. You’re really smart, alam mo ba ‘yon? Kung ako lang mag-isa, baka hanggang ngayon nagta-type pa rin ako sa Shopee.”

Nag-angat ako ng kilay. “Don’t flatter me. Tara na.”

Kahit late afternoon na, agad kaming sumakay ng kotse at bumiyahe papunta sa address ni Mr. Jacinto. Kulay abo na ang langit pero hindi nito mapipigilan ang paghahanap namin.

Pagdating ay agad naming pinindot ang doorbell. Ilang segundo lang, bumukas ang pinto at lumabas ang isang babaeng nasa late 40s, pagod ang mga mata, halatang hindi pa nakaka-recover sa pagkawala ng asawa.

Therese Jacinto. Ang asawa ng namayapang journalist.

Hindi na siya nagtaka kung sino kami kasi nakilala niya agad si Ruiz. “Detective Diestro po, ma’am. Pasensya na kung istorbo, pero kailangan lang po sana naming silipin ang ilang gamit ng asawa ninyo na maaaring makatulong sa imbestigasyon.” pakilala ko sa sarili.

Nag-aalangan ang mga mata niya. Kita ko ang pagdadalawang-isip, pati ang bigat ng tanong sa loob niya. Pero in the end, dahan-dahan siyang tumango. “Okay. Come in.”

“Maraming salamat po,” sagot ko agad, at may maliit na ngiti sa labi bilang respeto.

Sinamahan niya kami papunta sa study room ng asawa niya. Ito ang mismong lugar kung saan natagpuan ang katawan ni Mr. Jacinto.

Pagbukas ng pinto, bumungad ang amoy ng lumang papel, tinta, at mahinang alikabok. Shelves na puno ng libro, drawers na tila hindi pa masyadong nagalaw, at isang mabigat na atmosphere na hindi matanggal-tanggal.

Tumayo sa gilid si Therese, at inilapat ang mga braso sa dibdib. “What kind of monster… would do such a horrible thing to my husband?”

Tahimik akong naglakad papunta sa shelf, sinimulang tingnan ang mga titles ng libro, mga nakasalansan na folders, notebooks na nakatambak. Hindi ko siya tinignan agad, pero sumagot ako:

“Someone who knew exactly what he was hiding.”

Ramdam kong nagtagal ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Si Ruiz, nakayuko rin, tumutulong sa paghalukay. Habang si Therese ay nakatitig lang sa sahig, tila kinikilabutan sa kaisipan na may mga sikreto pala ang asawang matagal na niyang kilala.

Dumudulas ang mga daliri ko sa gulugod ng bawat libro, hinahanap ang kahit anong bakas ng Exposé of Shadows.

Halos lahat ng shelf nadaanan na namin. Si Ruiz, nakaluhod pa rin, binubuksan isa-isa ang mga lower cabinets habang umuubo sa alikabok. Tumataas ang inis ko sa tuwing makakakita lang ako ng mga lumang press kits at clippings na walang kinalaman sa hinahanap namin.

Nang mawalan ako ng pasensya sa paghahanap ay hinarap ko ulit si Therese.

“Ma’am,” tawag ko, sinalubong niya ang tingin ko. Naalala niyo po ba ‘yung librong sinulat ng asawa ninyo, mga five years ago? Exposé of Shadows.”

Saglit siyang natigilan, para bang binunot mula sa malalim na memorya. Dahan-dahang nagbukas ang bibig niya. Exposé of Shadows… oo. Hindi siya tumagal. After two months, pinull-out na sa bookstores.” sagot niya.

Napalingon din samin si Ruiz mula sa cabinet, hawak ang isang lumang accordion file. “Two months lang? Bakit po?”

Huminga nang malalim si Therese, at halos mapakagat sa labi bago sumagot. “Sa pagkakatanda ko, sinabi ng publisher, mas mabuti raw na mag-focus si Uly sa iba niyang topics, 'yung mas ‘safe,’ mas tanggap ng publiko. Kasi…” Tumigil siya saglit, tila tinitimbang ang sasabihin. “May ilang influential families na hindi natuwa sa librong ‘yon. Sobra raw delikado.”

Nagtagpo ang mga mata namin ni Ruiz. Nabasa ko mula sa kanya na pareho ang nasa utak namin ngayon.

Si Ruiz ang unang nagsalita, may halong pangungutya sa boses niya na hindi man lang niya sinubukang itago. “So, let me guess. Hindi siya tinanggal kasi walang bumibili… kundi kasi may mga taong ayaw na may makabasa nito.” Hindi umimik si Therese, pero hindi niya rin itinanggi.

I crossed my arms, at bahagyang sumandal sa lamesa habang pinapagalaw ang ideya sa utak ko. Maybe Jacinto didn’t write it for the masses. Maybe he wrote it for the few. The powerful ones.

Hindi ito libro para sa publiko, kundi isa itong signal flare.

A warning shot. A calling card. A dare. Para ipakitang kaya niyang hawakan ang mga sikreto nila, at kaya niyang guluhin ang mga pangalan nilang nakaukit sa bato.

Napangisi ako ng konti, hindi dahil natutuwa, pero dahil mas nagkakaroon ng hugis ang lahat.

“So he pissed off some families…” bulong ko. “Pero in reality, baka iyon mismo ang plano niya. To make them notice him. To scare them.”

Tumayo si Ruiz mula sa pagkakaluhod, at pinapagpag ang kamay na balot ng alikabok. “Parang résumé… pero threat din. Two-in-one.”

Tumango ako. “Precisely. A dirty résumé. At the same time, a warning shot.”

Therese’s eyes hardened. “Hindi ganoon si Uly. He was ambitious, yes, pero hindi siya traydor. Hindi siya mananakot ng tao.”

Pinutol siya ni Ruiz, marahas konti pero hindi bastos. “Ma’am, with all due respect… lahat ng ambitious may dalawang mukha. Isa para sa publiko, at isa para sa mga taong kaya nilang gamitin. Kung totoo ngang nilagay niya sa papel ang mga sikreto ng makapangyarihan, ibig sabihin nun...he wanted them to know exactly what he could do.”

Parang kinurot ang dibdib ni Therese, pero wala na siyang naisagot. Tahimik lang siyang napatingin sa gilid, kita sa mga mata niya ang magkahalong pagod at pagkasawi.

Bumalik ako sa paghahalukay ng mga libro. Hinagod ko ng daliri ang isang parte ng shelf. May maliit na puwang. Isang libro ang nawawala, at hindi iyon aksidente.

“Ruiz, kita mo ‘to?” tawag ko.

Lumapit siya,at tinitigan ang gap na itinuturo ko. “Hmm. Baka may nahulog?”

Umiling ako. “Hindi. May kinuha. Specifically.”

Nagkibit-balikat si Ruiz. “Kung Exposé of Shadows nga ‘yon, ibig sabihin baka kinuha ni Morwen para itago 'yun.”

Si Therese na halatang naguguluhan na, lumapit ng ilang hakbang sa'kin. “Hindi ko matandaan lahat ng nawala rito. Pero may mga pagkakataon na may dala siyang kopya, parang ipinamimigay.”

Kanino?” tanong ko agad.

Umiling siya. “Hindi ko alam. Mga tao lang na minsan niyang kausap sa telepono, o na-meet niya sa labas. Hindi siya nagkuwento.”

“Kung pinamigay niya, mas mahirap. Baka scattered na sa mga taong hindi natin basta malalapitan.” ani Ruiz, bago sumipol habang nag-iikot sa kwarto.

If Morwen really took it… then maybe the answers are in that book.

And I’m not stopping,  not until I find it.

After almost an hour of rummaging, pagbubukas ng bawat cabinet, paghahalungkat ng bawat drawer, at pagbaligtad ng bawat folder ay tumigil na kami. Parehong kami ni Ruiz na halos mawalan ng hininga sa alikabok at inis.

I sighed, bumagsak ang balikat ko. “Wala, Ruiz. Hindi na tayo uusad dito.”

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod, at hinaplos ang pantalon na puro alikabok. “Yeah. Dead end.”

Napatingin ako kay Therese. Tahimik lang siya sa gilid, halatang pagod na rin sa presensya namin.

“Ma’am… salamat po. I know this wasn’t easy, letting us go through his things habang nagluluksa pa kayo.” sabi ko ng makalapit ako sakanya.

“I just… I just hope all this leads somewhere. Uly deserves justice.” humigpit ang hawak niya sa kanyang braso.

Nagtagpo ang mga mata namin. “We’ll get there, Ma'am.” sagot ko. “I promise.” isa na namang pangako na walang kasiguraduhan kong matutupad nga ba. But there's no harm in giving them hope, kasi 'yun lang naman ang masasandalan nila ngayon.

At hindi ibig sabihin nun na walang laman ang mga pangako ko. Matatagalan lang pero hindi ako susuko.

“Yes, ma’am,” dagdag ni Ruiz. “Hindi namin titigilan ‘to.”

Nagpaalam kami, nagbigay-galang ulit, at tuluyang lumabas ng bahay.  Sa biyahe pabalik ng MCU, nakaidlip ang traffic sa paligid pero sa loob ng kotse, hindi pa rin mapakali ang utak ko. Tahimik lang din si Ruiz, hanggang sa siya na rin ang unang nagsalita.

“Morwen might strike again tonight. Kailangan mong magdoble-ingat.” sabi niya habang naka-focus sa daan.

Napatingin ako sa labas ng bintana, at pinanood ang mga ilaw ng lungsod na tila nanlalabo na.

“And the people on our radar? Sinusundan ba sila?”

Tumango si Ruiz. “Yes. Lahat sila may mata na ngayon. We’ll be on full alert again today. Pero ikaw,lalo na ikaw, don’t drop your guard.”

Napakagat ako sa loob ng pang-ibabang labi ko. Unti unti na namang nabubuhay ang kaba na hindi ko maamin-amin.

Saktong alas-otso ng gabi nang makasakay ako ng elevator paakyat ng penthouse. I shifted on my feet, kunwari relaxed lang, pero sa totoo lang, may kung anong kumikirot na excitement sa dibdib ko. Pagod ako, oo,pero nilalamon ‘yon ng anticipation.

Wala na rin namang saysay na itanggi ko pa. Namimiss ko siya. Palagi.
Lalo na kapag maghihiwalay kami sa umaga, ako papasok sa trabaho; siya, papunta sa kumpanya nila. Parang may parte ng araw na kulang kapag hindi ko siya nakikita.

Ewan ko kung kailan nagsimula ‘to.

Siguro noong nagsayaw kami?

O baka noong pinagsaluhan namin ang ramyeon na niluto ko matapos ang disaster na niluto niya?

O baka noong tinangka kong abutin ang kamay niya pero hindi ko itinuloy?

I don’t know. And honestly, it doesn’t matter.

Basta ang alam ko lang, nare-recharge ako sa tuwing makikita ko siya. Kahit pa magmukha siyang ice queen sa harap ko.

Pagbukas ng elevator, bumungad agad sa akin ‘yung officer na naka-duty sa harap ng pinto ni Eleanor, nakatayo ro’n na parang statue.

“Pwede ka namang maghintay sa loob,” sabi ko habang lumalapit.

Napairap agad siya na may kasamang tawa ng inis. “Detective, I’d rather stand here like an idiot than be inside with her. Mas mabuti pang kausap ko ‘yung pader kaysa siya.”

Napakunot ang noo ko. “Ha? Bakit, ano na naman ang ginawa niya?”

Nagkibit-balikat siya. “Wala naman, Detective. Pero grabe, sobrang sama ng ugali. Hanggang ngayon nga, hindi ko pa rin makalimutan kung paano ako tinitigan nung isang araw. ‘Yung tipong gusto kang sunugin gamit lang ‘yung mata niya.”

Napalingon ako, medyo natawa pero curious. “Isang araw? Anong meron noon?”

Oh wait—baka ‘yun ‘yung araw na pag-uwi ko, ang sama ng timpla niya.

“Ewan ko, Detective. Galing kaming lunch meeting noon. Okay naman siya sa una, maayos kausap. Nag-order pa nga ng takeout na barbecue baby back ribs. Tapos sinabihan ‘yung driver na mag-detour malapit sa MCU. Wala naman siyang binanggit kung bakit.”

“Ha? Anong ginawa niya ro’n?” tanong ko, lalo akong naguluhan. Kasi nung ako ang kasama niya, hindi naman siya nagpapad-detour kung saan-saan.

Umiling siya. “Hindi ko alam. Akala ko may dadaanan lang. Pero pagdating namin sa may park, bigla siyang nagbago ng mood. Pinatigil ‘yung kotse, tapos tinapon ‘yung takeout sa bintana. As in tinapon. Nagulat kami ng driver. Wala siyang paliwanag, pero halatang galit. Tahimik buong biyahe pauwi, pero ‘yung aura… nakakamatay.”

Tahimik lang ako, pero ang utak ko parang binuhusan ng kuryente.

Eleanor. Barbecue ribs. MCU. Park.

Bakit parang—wait.

‘Yun ‘yung araw na nag-lunch ako kasama si Adhika sa park na malapit sa MCU.

My chest tightened a little.

No way.

Nakita niya ba kami?

At kung oo… bakit siya magrereact ng ganun?

Napangiti ako ng kaunti, kahit may halong kaba. Baka naman...baka nagselos siya?

Pero agad ko ring niyugyog ang ulo ko. “Delusional ka na naman, Uno,” bulong ko sa sarili.

Eleanor? Nagselos? Baka mas malaki pa chance kong tumama sa lotto kaysa mangyari ‘yon.

Huminga ako nang malalim at pinilit kalimutan ‘yung ideyang ‘yon. “Alright. Thanks for telling me. Ako na bahala.” Tumango siya at saka nagpaalam.

Pagbukas ko ng pinto, agad akong napahinto. Sumalubong kasi ang tunog galing sa kusina.

At nang sumilip ako, ayun nga siya. Naka-apron at may hawak pang serving spoon.

Oh, no. Kapag siya ang nagluto, parang laging nasa pagitan ng culinary experiment at crime scene ang resulta.

Inilapag ko ‘yung bag ko sa couch, tahimik na lumapit, hindi sigurado kung susugod ako o tatakbo palabas.

Nang mapansin niya ako, agad siyang napalingon. “You’re just getting home now?” tanong niya agad, kalmado pero ‘yung boses niya may bahid pa rin ng lamig. “It’s already late.”

Kailan nga ba kami naging ganito na parang dalawang taong normal lang na nag-uusap sa bahay?

Hindi ko maalala sa totoo lang.

Tumingin ako sa kanya, gustong itanong kung ano ‘yung sinabi ng officer tungkol sa park at sa pagkain. Gusto kong marinig mula sa kanya. Gusto kong malaman kung nakita niya ba ako noon.

Pero pinigilan ko sarili ko.

Alam kong hindi niya sasagutin ‘yon. Alam kong kapag tinanong ko, baka isipin lang niyang nag-aassume ako. O mas masakit kapag nalaman kong baka wala lang talaga ‘yon sa kanya.

Kaya hindi ko na lang uungkatin iyon.

“Yeah. I consumed most of my time looking for something… hindi ko namalayan ang oras.”

Tumingin ako sa mesa. “So… what are you doing?”

“Cooking.” Walang kagatol-gatol ang sagot niya, parang wala siyang nakikitang mali. “Almost done.”

Nilunok ko ang kaba ko, kasi kapag sinabi ni Eleanor na done na, usually ibig sabihin: goodbye, taste buds.

But then, nilapag niya ang dish sa mesa. Natigilan ako.

Hindi siya mukhang pang-horror. In fact, it looks… edible. Actually, it looks promising. Parang restaurant-quality na halos hindi ko ma-process.

“Wait…” halos mapabulong ako. “Ikaw gumawa nito?”

Tumaas ang kilay niya agad, mabilis pa ang ngiti ng pang-aasar. “No, Detective. A chef broke into my kitchen and cooked it for me. Of course ako.”

Napakagat ako ng labi, medyo nahihiya sa tanong ko. “I mean… it just looks…”

“Shocking?” putol niya agad, with that signature smugness and coldness. “Do I look like someone who will do the same mistake twice?”

Tinitigan ko siya, medyo skeptical na medyo namamangha. Hindi ko alam kung mas kinakabahan ako sa pagkain ng niluto niya o sa pagharap sa kanya pagkatapos ng buong araw kong pagkamiss sakanya.

“Sit down,” utos niya, tila natural lang na siya ang may-ari ng mesa at ako ang bisita, I can't argue with that kasi totoo naman. At least bisita na, hindi intruder.

Sumunod agad ako, siya naman naupo sa harapan ko. Inilapit niya ang serving dish, at nagsimula kaming maglagay ng pagkain sa plato. Tahimik lang ang kusina, tanging clink ng utensils at mahina niyang paghinga ang naririnig ko. Kumuha ako ng unang subo.

Hmmm,not bad…

Hindi siya pang-Michelin star, pero hindi rin pang–funeral food. Medyo lasang normal, and for Eleanor, this is already a miracle.

Napansin ko agad ang tingin niya. Naka-focus siya sa akin, daig pa 'yung hawk waiting for a kill. Halatang hinihintay niya ang reaksyon ko. Pero ako? Diretso lang sa pagkain, walang comment.

Kita kong kumagat ang pride niya pero pilit pa ring kalmado. Hanggang sa hindi na siya nakatiis.

“So?” tanong niya, tumaas ang kilay,at may kasamang don’t-care tone na alam kong peke.

Pinigilan ko ang pagsungaw ng ngiti ko. “What?”

“You’ve been eating for almost a minute. Either masarap ‘yan o lasang kahoy. Which is it?”

Umirap ako, kunwari chill lang. “It’s food. Edible. You won’t kill anyone with this.”

Bahagyang kumunot ang noo niya, tapos kumislot ang labi, parang gusto na niya akong sabuyan ng sauce. Bigla niyang inabot ang plato ko nang mabilis para agawin.

Agad kong inilayo ang plato ko. “Don’t you dare.”

“Then say it,” sagot niya nang may nakakamatay na tingin.

Natawa ako, halos malaglag pa nga yung kutsara ko. “Okay, fine. Eleanor Montemar...Congratulations. You just cooked something that didn’t make me want to call 911.”

Napapikit siya, at napahinga nang malalim. “That’s the most backhanded compliment I’ve ever heard.”

“Still a compliment. Coming from me? That’s premium.”

“You should get an award for being impossible.” sabay iwas ng tingin.

“Mm-hmm,” sagot ko habang kumukuha pa ng isa pang subo. “But admit it...you wanted me to like it.”

Napatingin siya sa akin, mabilis, parang gusto niyang magdeny pero hindi niya magawa. “In your dreams.”

“Already dreaming,” sabi ko sabay tawa, kunwari relax lang. Pero sa loob-loob ko, hindi ko alam kung mas busog ba ako sa pagkain o sa paraan ng pagkakatingin niya, tipong ayaw niyang ipakita pero halata.

“By the way,” tanong ko habang patuloy pa rin sa pagsubo. Grabe, heaven ang dish na 'to. “anong dish ba ‘to? Hindi siya mukhang typical.”

Tumuwid siya ng upo, proud na akala mo chef na magpe-present ng obra. “It’s a Provençal-style stew. Vegetables, herbs, light broth. Healthy, balanced. Basically, the kind of food you wouldn’t expect me to cook.”

“Balanced, huh? Sounds suspicious already.” Nagtaas ako ng kilay, kunwari skeptical.

She rolled her eyes, and I chuckled. The tension is soft now, warm even. Until my mouth decided to ruin it.

“So…” sabi ko, medyo nagdadalawang-isip pero tuloy pa rin, “the other day, my guy told me you had a lunch meeting. He mentioned you ordered extra food to go. Then you took a detour malapit sa MCU.”
Saglit akong tumigil, at tinitigan siya. “Pero sa daan, tinapon mo raw. Out the window.”

For a split second, nanigas siya. Yung kamay niyang may hawak ng kutsara, huminto bago siya agad bumawi.

“Oh, that.” Walang gaanong effort ang boses niya. “The food didn’t taste good after a few hours. Cold takeout isn’t my thing. So… it had to go.”

That’s it? I was expecting denial, or at least a flicker of guilt, kahit konti lang para mapaniwala ko ang sarili ko.

Pero wala.

Tumango na lang ako, kunwari satisfied, at nagpatuloy sa pagkain. Kung napigilan ko lang ‘tong dila ko, buo pa sana ang ilusyon ko ngayon.

Napaka–imposible naman kasi na magseselos siya. In my dreams.

“Pero next time,” sabi ko, at ngumisi konti, “you could’ve just given it to your bodyguard. He looked pretty offended.”

Nag-roll siya ng eyes. “Please. That man would eat cement if it came with sauce.”

Natawa ako, umiling, sabay nagpatuloy sa pagkain. “Okay, point taken.”

Tahimik kami sandali, hanggang sa siya naman ang bumanat. “And you? You're supposed to be here 2 hours ago. What kind of thing consumed your time that you didn't notice the time.”

“Book,” sagot ko, diretso.

Umangat ang kilay niya, at halatang curious. “Book? You mean… you wasted your day hunting for some paperback?”

“Not just any book,” sagot ko, pero hindi ko na idinagdag kung alin.

“Don’t tell me it’s relevant to your case.” Seryoso siya, pero halatang interesado.

“Maybe,” sagot ko, nagpatuloy sa pagkain.

“‘Maybe,’” ginaya niya ako, sabay irap. “You realize you’re the worst person to have a conversation with, right?”

Ngumiti ako. “Difference is, your stew is edible. My book could ruin someone’s life.”

Saglit siyang tumigil, nakatitig lang, bago siya nagsalita ulit. “Then it is relevant. And I want to know why.”

“Nope.” Umiling ako, half-smiling. “Classified.”

“Unbelievable.” Tumusok siya ng gulay na parang ako ang sinisisi. “I let you eat my food and you can’t even give me a hint?”

“Already told you,” sagot ko, casual. “Need-to-know basis.”

“Next time I’ll make it inedible again.” Nagkibit-balikat siya, pero halata yung spark of curiosity sa mga mata niya.

“Try me,” sagot ko, sabay subo ulit ng stew.

Eleanor leaned back sa upuan, arms crossed, gaze sharp like she was dissecting me. “Come on. Don’t be vague, Detective. I know you wouldn’t waste your whole day chasing something unless it mattered.”

Napapikit ako sandali, pinipigilan ang sarili kong sumagot agad. Kilala ko siya, at hindi siya titigil hangga’t hindi niya nahuhukay ang sagot.

It was published about five years ago,” sagot ko, iniikot ang baso na hawak ko na ngayon. “But I can’t find a single copy anywhere. Not in bookstores. Not even in the author’s house.”

“That rare?” Her brow arched.

“More like… buried,”

“Then tell me the title,” pilit niya pa, at naningkit konti ang mga mata, halatang nawawalan na ng pasensya. “I don’t like riddles. You should know that by now.”

Huminga ako nang malalim. Alam kong delikado, pero hindi na ako makakatakas sa titig niya. Kung may kopya ang pamilya niya, kailangan kong malaman.

Exposé of Shadows,” sabi ko finally.

Napakurap siya, hanggang sa unti-unting nagsalubong ang kilay niya. Exposé of Shadows?” She tilted her head slightly. Napahawak pa siya saglit sa baba. “No. Doesn’t sound familiar. If I ever came across it, it clearly wasn’t worth my attention.”

Napatingin ako sa kanya, sinusukat ang bawat twitch ng mukha niya. Straight lang ang sagot, walang flinch,at walang pag-iwas.

So she’s clean. But her family? I doubt it.

Napabuntong-hininga ako at umiling. “Forget it. Just drop the subject.”

But Eleanor leaned forward, chin resting on her palm, and her lips started curling. “No. I’ll help you find it.”

“You’ll what?” Napakunot ang noo ko.

“We have a massive library at home. Maybe it’s there. And if not…” she waved her hand like it was nothing, “I know people. I can ask around.”

I froze for half a second, then quickly looked down at my plate. Pero alam kong kumislap ang mata ko, and damn it, she noticed.

Her smirk widened like a predator catching weakness. “Oh. So I did see that. The unshakable Detective Diestro… surprised.”

I scooped another bite of food bago sumagot ng parang wala lang, “You’re imagining things.”

“Hmm.” She tilted her head, enjoying herself far too much. “You should see your face. Adorable. You light up when you don’t mean to. I should make you look like that more often.”

Napangisi ako, trying hard na maging cool at casual pa rin. Kaysa naman aminin kong tama siya, duh. “Keep cooking like this, and maybe you will.”

Eleanor scoffed, rolling her eyes, but I caught the twitch of a smile tugging at her lips. “That was not flattery, that was manipulation. And it won’t work.”

“Didn’t say it was supposed to,” sagot ko, leaning back with a smug look. “But you smiled.”

“I did not.”

“You did.”

“I. Did. Not.” tumalim ng konti ang boses niya, but her cheeks gave her away with the faintest tint of pink.

Oh, ang cute niya ha.

“Relax. I’m not putting that in my report.” natatawang sabi ko habang naiiling.

Bahagya siyang tumagilid sa upuan, narrowing her eyes at me like she's bored. “You really don’t know when to stop talking, do you?”

Ngumiti ako. “I will never shut up. Besides gusto mo din naman kasi you're still sitting here, across from me. Voluntarily pa.”

“Maybe out of pity.”

“Pity?” tumaas ang kilay ko. “That doesn’t sound like pity to me.”

She tilted her head, curious, like she wanted to see where I was going with this. “Oh? Then what does it sound like?”

“Interest,” sagot ko, diretso, walang paligoy.

Tumahimik siya saglit. Her eyes lingered on me, she's assessing me, a little too long to be casual. Ramdam ko agad ‘yung shift sa hangin. Parang biglang nabuhay 'yung tension sa pagitan namin.

Kumurba ang labi niya. “Careful, now. I might start thinking you really enjoy my company now.”

Ngumisi din ako pabalik, refusing to break eye contact. “Who says I don’t?”

Unti-unting nawala ang ngisi niya. The silence that followed isn’t awkward at all. Kung tutuusin, mas nakakatakot pa nga. ‘Yung tipong tahimik na may pinipigilang sumabog.

Nagtagal ang tinginan namin. As in matagal. Tila hinahamon ang isa’t isa kung sino ang unang bibitaw.

Pero syempre, ako ‘yung natalo. Kailan pa ba ako mananalo sakanya?

I cleared my throat, kunwari walang nangyari. “Food’s getting cold,” sabi ko, sabay turo sa plato ko.

Inside, I am cursing myself. Stupid. Bakit ko  ba sinabi ‘yon? Hindi dapat ako nagiging transparent. Hindi dito, hindi sa harap niya.

I focused on chewing, kahit halos wala na akong malasahan.

Across the table, Eleanor leaned back, watching me like she could peel me apart layer by layer. Hindi siya nagsalita, pero I could feel it, 'yung smirk na nasa sulok lang ng bibig niya, threatening to show.

Keep it together, Uno. She’s not supposed to know.

Pero kahit anong pilit kong ibalik ang rhythm sa pagkain, ramdam ko pa rin ang init ng mga mata niya sa akin.

Kung anu-ano nalang kasi sinasabi ng bunganga ko.

Fucking moron...


•••••



The street is a total chaos. Sumasabog ang flashbulbs sa mukha ko the second I stepped out of the car, microphones shoved so close na halos mabunggo sa dibdib ko. Reporters fired questions all at once—

“Detective Diestro, is it true Morwen struck again?”

“May lead na ba kayo?”

“Why can’t the MCU stop him?”

“Is it true na may witness this time?”

...witness.

Yes, meron, but it's not that simple.

Halos madurog ang mga ngipin ko sa higpit ng pagkakakagat ko. This isn’t just another body.

This time, a child was involved. A boy too young to carry a memory this bloody. Nakita niya. He watched his own parents get mutilated like spectacles, and now that image would never leave him.

Bumigat lalo ang dibdib ko habang sinusubukan kong maglakad papasok, pero parang pader ang media. Cameras blocked my path, questions raining like bullets. I could already feel the burn in my temples.

“Detective, sino ang susunod na target?”

“Is the city still safe?”

“Can the MCU really handle this?”

Napatigil ako, tuluyang naputol ang pasensya ko na parang marupok na alambre. “Kung hindi kayo magbibigay daan ngayon din—” Itinuro ko ‘yung pader ng mga camera, sinipat ko isa-isa ‘yung mga reporter sa harap ko., “—I swear, ipahuhuli ko kayong lahat. Handcuffs. Isang pila. At lahat kayo, diretso kulungan. Naiintindihan niyo ba ako?!” hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko. They knew me as the composed one, pero ngayon… ewan ko, gusto ko na lang talaga sumabog.

Natahimik silang lahat. Ang tanging tunog na lang ay ‘yung paulit-ulit na click ng mga camera, pilit hinahabol ang galit ko. Pero wala nang naglakas-loob humarang. Kusang nagbigay daan ang mga tao, tila tubig na umiiwas sa talim.

Dumaan ako sa gitna, taas-noo, bawat hakbang pinapaalalahanan ako ng mga mata ng batang ‘yon, hungkag, at puno ng takot. Hindi lang para sa mga reporter ang galit ko… kundi para sa katotohanang, gaya ng dati, ginawa na namang palabas ni Morwen ang buhay ng iba, at wala kaming nagawa kundi ang panoorin 'yun.

The moment I ducked under the yellow barricade, para akong binuhusan ng yelo. The air inside is different, ang mabigat, para bang bawat paghinga ay may halong pighati.

Sinalubong ako ni Ruiz. Hindi ko na kailangang hulaan kung ano ang iniisip niya kasi nasa mukha na niya ang lahat: galit, lungkot, at pagkasuklam.

“Where’s the boy?” tanong ko agad.

“Hospital. Kasama ng tita niya. Eight years old, Uno. He's not talking, so we're suspecting na nakita niya talaga.” sagot niya.

Kinagat ko ang loob ng pisngi ko. Kung kinaya ng bata, wala akong karapatang gumuho rito.

Pumasok ako ng tuluyan, kasunod si Ruiz. The moment my eyes landed on the victims lifeless bodies, tila may sumuntok sa sikmura ko.

The corpses knelt side by side, posed like lovers taking their vows. Pero hindi ito vows, no...ito ay parusa. Their chests are split open, hollow cavities displaying grotesque trophies: a burnt ledger page blackened against the husband’s ribs, and a single house key buried in the wife’s chest.

Ang mga bibig nila ay tinahi gamit ang gintong kadena na kumikinang sa ilaw. A gamit ng forensics. Ang mga kamay naman nila ay nakalahad, at iginapos gamit din ang signature ng demonyong 'yun. Nakabukas ang kanilang palad, and resting there, cradled like cursed relics, are their own hearts.

Umikot ang sikmura ko. Nalasahan ko agad ang pait na umakyat sa lalamunan ko, pero pinilit kong ibalik iyon. Kung kaya ng batang walong taong gulang lang na tingnan ang bangungot na ito habang nangyayari, wala akong karapatang manghina o umatras.

“Chest cavities… objects for sins. Ledger, house key. He’s now making a sermon, Uno.” ani Ruiz.

“Morwen’s staging his own damn morality play again.” sagot ko habang nakatitig sa gold chain na itinahi sa bibig nila.

“Every time… mas lumalalim ang performance niya. Hindi na lang katawan ang binabasag niya. He’s dissecting their lives. And now, he made the kid his unwilling witness.” I can sense the strong bitterness of his voice.

Napakuyom ang mga kamao ko. Halos madurog na rin ang eardrums ko sa tindi ng pagpulso ng mga ito dahil sa galit na nararamdaman ko. “Kung gusto niyang magpatawa ng Diyos, fine. Pero this—” sabay turo ko sa mga bangkay gamit ang baba ko. “This isn’t justice. This is a fucking sick theater. And I’m done being his audience.”

Lumapit ako, at pinilit ang sariling pag-aralan ang mga bangkay ng hindi nasusuka o naduduwal. The chains, the hollow chests, the burnt page and the key, lahat iyon tila humihigop ng hangin sa paligid. Nanatili ng mas matagal ang tingin ko sa mga mukha nila pagkatapos.

And that’s when it hit me.

Halos takasan ako ng hininga. Kilala ko sila. Too well actually. Umatras ako ng isang hakbang, dahil sa bigat ng realisasyon na dumagan sa dibdib ko.

“They’re…” nanuyo ang lalamunan ko. “Shit.”

Agad na nahuli ni Ruiz ang kakaibang reaksyon ko. “What?”

I hesitated, fighting the urge to swallow it down. Pero hindi ko na maitago. “I know them. These two, they’re loan sharks. Known for preying on small businesses, lalo na ‘yong mga walang ibang choice kundi umutang sa kanila. I’ve dealt with them plenty of times sa dati kong precinct. Almost every complaint I handled had their names attached to it.”

Bahagyang tumalim ang tingin niya sa'kin. “So you knew them personally?”

“I wouldn’t say personally,” tugon ko, at umigting konti ang panga. “But familiar? Oo. Sobrang pamilyar.”

Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin, tila isang nagbabadyang bagyo. Nagsalita uli siya pero this time bumaba na ang boses. “Uno… is this still a coincidence? Na halos lahat ng victims since the start, kilala mo in one way or another?”

The words hit harder than I expected. My mouth opened, ready to argue, handa nang ibato sa kanya ang matalim na “oo.” Pero bago pa ako makapagsalita, may isa pang alaala ang biglang sumingit… si Darrio Flores, at ang anak niyang si Atty. Darren.

Napakurap ako,“No. Not all. Mr. Flores and his son, I didn’t know them.”

Lumambot agad ang tingin niya sa'kin, nawala ang pagdududa niya. “Then maybe it’s just coincidence. Morwen’s hunting patterns… they’re not exactly linear.”

Pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagsikip ng dibdib ko. Coincidence or not, bakit parang may koneksyon si Morwen sa bawat hakbang ko?

I forced myself to shake it off and asked, “Were they on our radar at all? This couple?”

Umiling siya. “No. Tinignan ko na. Wala silang direct link sa Montemar family. No business ties, no political trail, nothing that connects them back.”

“So what the hell are they doing here? Why them?” halos gusto ko nalang magmura.

Napahinga siya nang malalim, pinadaan niya ang palad sa mukha. “That’s what makes this worse. Every time we think we’re closer, Morwen pulls us further. It’s like she’s feeding us riddles with no answers.”

Muli akong napatingin sa mga bangkay. Ang mga puso nila ay kumikislap pa rin sa nakakadiring paraan sa mga palad nilang nakagapos .

Coincidence or not… bakit lagi akong nasa gitna?

“Miss, hindi ka puwede diyan!” sigaw ng isang officer. Lahat ng ulo napalingon sa entrance.

Agad na nanikip ang dibdib ko ng mapagtanto ko kung sino 'yun.

It's Eleanor.

What the hell is she doing here?!

Diretso siyang naglalakad papunta sa amin, ang takong niya ay tumutunog na parang putok ng baril sa sahig. Maayos ang tindig niya, at ang baba niya ay bahagyang nakataas, like she owned the damn place.

“Shit,” napamura ako, agad akong lumabas sa yellow barricade. I walked fast, almost running hanggang sa maabutan ko siya. Hinawakan ko agad ang magkabilaan niyang braso at inikot siya paharap sa akin, making sure na ang likod niya ang nakaharap sa mga bangkay.

“What the hell are you doing here, Miss Montemar?”  hindi ko sinadyang ganun kalakas ang pagkakabitaw ko sa tanong.

Agad na tumaas ang isang kilay niya, clearly not expecting my reaction. I'm just worried, ayoko kasing bumaon sa utak niya ang imahe ng dalawang bangkay na pinaglaruan ng taong gusto din siyang patumbahin.

“Good morning to you too, Detective. You sound almost… worried.”

“This isn’t a place for you,” sabi ko, binitawan ko siya.

“Relax. I didn’t come here to sightsee corpses. I followed you because…”  aniya, at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. She reached into her handbag, then paused, her eyes narrowing on my face. “…why do you look so pale? What happened?”

I’m pale not because of the corpses. But because of the thought that she might see them.

Nang hindi siya nakakuha ng sagot, binalak niyang lingunin ang likuran niya.

“Don’t.” Hinawakan ko ulit siya sa braso, mas mahigpit ngayon.

For once, hindi siya nakipag talo. She just nodded, though her gaze stayed locked on mine.

“So? What did you think I came here for, coffee delivery?”

Napabuntong-hinanga ako,“Fine. Bakit ka ba nandito?”

She finally pulled it out of her handbag and handed it to me. A book.

The book. Exposé of Shadows.

“No way…” hindi makapaniwalang sabi ko, habang kinukuha ito mula sakanya gamit ng mga nanginginig kong kamay.

“You’re welcome, by the way.” kumurba ang labi niya, pero hindi ngiti, kundi 'yung nakasanayan kong mayabang na ngisi na para bang gusto niyang sabihing, You owe me.

I definitely do owe her.

Hindi ko siya pinansin. Binuksan ko agad ang libro, mabilis na inisa-isa ang mga pahina, parang hinahabol ng mga mata ko ang mga multo.

“What’s that?” Biglang sumulpot si Ruiz sa tabi ko, tinitingnan kaming dalawa na parang naabutan niya lang kami sa isang kaduda-dudang bagay.

Hindi na muna ako sumagot.

“Are you seriously going to stand here, in front of mutilated corpses, reading like it’s story time?” humilig pa siya papalapit, kunwari curious kahit na punong puno naman ng pang-iinis ang boses.

I shot her a look. Kita ng busy ako sa paghahanap ng clue sa sequence eh. Ngumisi lang uli siya.

Patuloy lang ako sa paglipat ng mga pahina, mukha ng nababaliw sa kakahanap. Sinusundan ng daliri ko ang kung anu-anong talata habang pabulong kong inuusal, “113-1-1-3-4-6-7… 113-1-1-3-4-6-7…” paulit-ulit, na parang pag inulit ko nang sapat, bigla na lang lalabas sa pahina yung sagot.

Dates, locations, statistics, lahat nandito. Pero wala ‘yung hinahanap ko. Nothing matched the damn sequence.

Agh, Fuc—!” mura ko, at malakas na isinara ang libro. “This doesn’t make sense. Numbers everywhere, but not those numbers.”

“Maybe it’s a dead end?” tanong ni Ruiz.

Walang dead end kay Morwen,” frustrated na sabi ko.

Nagsalita si Eleanor dahilan para mabasag ang namumuong tensyon, “113-1-1-3-4,6-7,” ulit niya sa sequence, parang tinikman lang niya 'yung mga numero. Tapos, tumingin siya sa akin nang nakatagilid ang ulo. “Isn’t it strange that there’s only one big number? The rest are smaller.”

Binalingan ko siya ng tingin. “…What the hell are you getting at?”

“If I were to think like your precious Morwen, then the big number would be a page. The rest?” She gestured lazily at the book. “Lines. Words. Maybe line then word. Elementary, really.”

I blinked. Naisip ko na 'yan kahapon, and I'm so fucking stupid para makalimutan. Siguro dala na rin ito ng stress ko dahil hindi lang iisa ang naging biktima ngayon.

“…Shit. Tama siya. That actually makes sense.” ani Ruiz.

Huminga ako nang malalim, biglang bumigat ang mga daliri ko habang binuklat ko ulit ang libro. Page 113. Lumakas pa lalo ang tibok ng pulso ko sa mga tenga ko.

“Okay…” bulong ko habang nagsscan. “First line. First word.”

My finger landed on it.

I.

“Next,” halos hindi ko na mabuo ang salita ko. “Third line. Fourth word.”

Miss.

Halos malaglag ang sikmura ko. Unti-unti na ring naninikip ang lalamunan ko.

“Last one,” Bulong ko. Nanginginig ang kamay ko habang sinundan ko pababa sa pang-anim na linya, tapos isa-isa kong binilang nang maigi ang bawat salita, ramdam ko ang panginginig ng bibig ko habang sinasabi 'yung mga numero. “…Seventh word.”

You.

That's it. Tuluyan na akong tinakasan ng hangin sa baga.

Halos madulas ang libro mula sa kamay ko. Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay nagdilim ang paningin ko. Napamura ako nang napakalakas na halos punitin nito ang katahimikan sa loob ng silid.

“FUCKING SON OF A BITCH!”

Lahat ng ulo napalingon. Ang mga forensic techs, mga officer, si Ruiz, pati si Eleanor. Pero hindi ko sila kayang tingnan pabalik.

Kasi sa isip ko, paulit-ulit lang ang tatlong salitang ‘yon.

I. Miss. You.

Fucking I MISS YOU.

That psycho used a corpse to say “I miss you.”

Hindi na ito basta taong gumagawa ng kasamaan.

Because right here and now, I realized...

She isn’t human anymore.

She’s the devil herself.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 326 20
Castlevania Carmilla / Female Character
1K 44 30
Ahi Sen is 25, striking, and dangerous. But she's not just any killer-she's an intersex XO, and she kills those who refuse her love. Before the blade...
28.3K 1.1K 46
𝙋𝙧𝙚𝙫𝙞𝙚𝙬: "𝘼𝙙𝙢𝙞𝙩 𝙞𝙩," 𝙨𝙝𝙚 𝙬𝙝𝙞𝙨𝙥𝙚𝙧𝙚𝙙. "𝙔𝙤𝙪 𝙡𝙞𝙠𝙚 𝙩𝙝𝙞𝙨." "𝙄 𝙙𝙤𝙣'𝙩," 𝙄 𝙨𝙖𝙞𝙙 𝙦𝙪𝙞𝙘𝙠𝙡𝙮, 𝙩𝙝𝙤𝙪𝙜�...
Wattpad App - Unlock exclusive features