FOG

By FrancCoy

16 0 0

Dahil sa hamog, natagpuan ni Oliver ang kanyang destiny. Ruby is Oliver's destiny. More

Part 2

Part 1

12 0 0
By FrancCoy

         Hindi naniniwala si Oliver sa kasabihang, 'Love at first sight.'

          Paniwala niya, 'Those who believe that love at first sight is true, are not only blind but are also idiots!'

          Ayon pa sa kanya, 'The mind has to generate enough human memories and emotions before it can power the heart to produce pulses of love. It never happens at first sight... for the first time... but many sights, many times.'

          ... pero nang makita na niya si Ruby sa kanilang unang date, nagbago na ang kanyang pananaw. 

          Is he an idiot too?

           Kuwento ni Oliver...

          I never believe myself to have overwritten what I believe to be a lie – that love at first sight is but a word of mouth and is meaningless to the human minds, and that people who uses this phrase to describe their feelings as love to someone whom they see or meet for the first time are idiots!

          My friend set-up me for a blind date. I swear to God that I really didn't know it. If I have known it, I would have raised my pride and told them, 'I am not yet a desperate man that needs help just to find a girlfriend.'  But seeing Ruby for the first time, changed what I believed to be a lie. I doubted what I believed to be true. I asked myself, if the regular rhythm (and sometimes abnormal) beats of my heart that I felt when I saw Ruby for the first time is not love, what would it be? I lost words and had a foggy mind.

          We dine together. I'm facing her. She's facing me. Face to face. Breath to breath. Energy to energy. My eyes catches every movement she makes. My ears attentive to every word she says.

          It was my first time to see her. It was my first time to be with her. But every movement she made and every word she said have generated enough memories and emotions that powered my heart to produced what I believed to be pulses of love. Am I an idiot too?

          'Yes, I am...' matigas na sabi ni Oliver '... not for loving her, but for trusting that she's the one.'


          Pagkaraan ng isang buwang bakasyon sa Pilipinas ay muling nagbalik si Oliver sa bansang UAE kung saan siya OFW.  Ang plano ay mag-i-extend sana siya ng isa pang buwan dahil magpo-propose na siya ng kasal sa kasintahang si Ruby. 

          Sa katunayan, bago ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas ay nakabili na siya ng engagement ring, nakabuo na siya ng dialogue na sasabihin, at nasa isip na niya ang kanyang gagawin. Yayayain niya si Ruby sa isang class na restaurant at doon gagawin ang kanyang proposal. Bubuksan niya ang box ng engagement ring, titingnan niya ang magiging reaksiyon ni Ruby kapag nakita nito ang 22 karat gold ring with 3 sparkling ruby stones; at tatandaan niya iyon sa diary ng kanyang isipan. Kukuha siya ng buwelo at bibigkasin ang kanyang dialogue habang inaabot ang engagement ring, 'This is not the best thing I a man can give to a woman. This is just the beginning. Love is the best thing. I love you, Ruby. Will you be my wife?'

          Ang planong iyon ay hindi nangyari dahil nagbago ang takbo ng kanyang kapalaran. Walang proposal na nangyari kaya hindi na nag-extend pa ng bakasyon si Oliver.

          Nakasakay si Oliver sa eight seater na van na minamaneho ng driver na Pakistan na sumundo sa kanya sa airport. Frustrated siyang napapailing sa nangyari sa kanila ni Ruby.  Ibinaling niya ang sarili sa pagtingin sa labas habang dahan-dahang tumatakbo ang sinasakyan niyang van.

          Dapat ay kanina pa siya dumating pero dahil sa makapal na hamog sa airport ay halos isang oras na naghintay ang sundong Pakistanong driver dahil na-delayed ang paglapag ng sinakyan niyang eroplano galing Pilipinas.

          Bumuo nang makapal na ulap ang pinung-pinong butil ng tubig na naging hamog. Unang hamog sa unang araw ng linggo ng Nobyembre. Senyales ng pagpasok ng tag-lamig sa bansa.

          Pasado alas-siyete pa lang ng umaga ay nakasindi na ang mga street lights na animo'y lulubog na ang araw gayong nagsisimula pa lamang itong sumikat sa silangan. Ang kanyang sinag ay nagpupumilit na tagusin ang makapal na hamog.

          Sa mga daan ay patay sindi ang mga ilaw at panay ang busina ng bawat sasakyan para magbigay babala sa mga nakasunod at parating na mga sasakyan. Hindi kasi halos makita ang daan at daraanan sa kapal ng hamog na nagpapalabo at nagpapalamig sa paligid.

          Maingat ang Pakistanong driver sa kanyang pagmamaneho dahil may kakapalan ang hamog na bumabalot sa paligid. Malabo at madulas ang daan. Malapit ang visibility ng kanyang sinusundang sasakyan. Pinanatili niyang magpatay sindi ang harapan at likurang ilaw ng sasakyan para magbigay signal sa nakasunod at sinusundan nilang sasakyan. Sa harapan ng sasakyan ay kaliwa't-kanan ang wiper sa salamin para panatilihing malinaw ang harapang salamin na pinalalabo ng hamog.  Alerto ang driver dahil ang kaunting pagkakamali ay maaring maging isang malaking aksidente.

          Tahimik si Oliver sa harapang upuan sa tabi ng Pakistanong driver habang patuloy na umuusad ang van. Sa pangalawang row ng mga upuan sa likuran ay naroon ang dala niyang maleta at shoulder bag. Mula sa mahamog na labas ay mababakas ang kanyang mukhang naka-frame sa nagmo-moist na salamin. Sa expression ng kanyang mukha at sa galaw ng kanyang mga mata ay makikita ang mahamog niyang damdamin dahil sa kalungkutang nadarama.

          Inilapit ni Oliver ang kanyang mukha sa salamin ng pintuan ng van para makita ang labas. Halos dumikit ang mukha niya roon. Nakaramdam ng lamig ang kanyang pisngi mula sa nakakapasok na lamig sa bintana. Tumingala siya para tingnan kung gaano kakapal ang hamog sa bandang itaas. May kakapalan ang usok na nilikha ng hamog. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid habang dahan-dahang namang tumatakbo ang sinasakyan niyang van. Malabo ang kanyang tingin sa mausok na paligid. Naalala niya si Ruby.

          Bahagyang bumaba ang magkabilang dulo ng mga labi ni Oliver. Nagsimulang mabasa ng luha ang kanyang mga mata hanggang sa lumabo pa ang kanyang paningin na halos wala na siyang makita sa paligid kundi usok ng malamig na alaala.

          Maraming plano. Magagandang plano. Sa ganito umiikot ang kanilang mundo ni Ruby hanggang sa paghiwalayin sila ng kapalaran nang magdesisyon si Oliver na mag-abroad.

          Mabigat ang loob ni Oliver na iwanan si Ruby noon pero sinasabi niya sa kanyang sarili na kailangan niya itong gawin para na rin sa kanilang dalawa. Sa loob niya, si Ruby na ang pakakasalan niya. Sabi niya sa kanyang sarili, 'There is no perfect thing in this world. Ruby is not the best woman in this world, but she is the best for me.'

          Tama si Oliver. There is no perfect thing in this world na kahit si Ruby ay puwedeng magbago... pag-amin ni Oliver sa kanyang sarili.

          Nabigla si Ruby nang dumating si Oliver sa Pilipinas. Napuna iyon ni Oliver nang mag-usap sila sa telepono. Nag-file siya ng mas maagang schedule ng pag-uwi para sa kanyang nakatakdang annual vacation. Sopresa sana niya ito kay Ruby pero ang nangyari, siya ang sinorpresa ni Ruby.

          Hindi nakipagkita si Ruby kay Oliver. Sa telepono lang sila nag-usap na dalawa. Ayaw ni Ruby na makita si Oliver.

         'Kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo lang' ang mahinahong sinabi ni Oliver. Hindi makasagot si Ruby. Walang narinig na boses si Oliver maliban sa pigil na pag-iyak at pag-singhot ni Ruby.

          'Kasama ka sa mga pangarap ko kaya ako nagtrabaho doon' patuloy ni Oliver para maramdaman ni Ruby na kahit nagkalayo sila ay siya pa rin ang kasama nito sa kanyang mga plano.

          Gusto niyang marinig si Ruby. Walang sagot si Ruby. Mas lalong lumakas ang pag-iyak nito. Lalong naguluhan si Oliver. Bahagyang itinaas nito ang kanyang boses, 'ano ba ang problema?'

          'Buntis ako' sagot ni Ruby.

          Dahan-dahang bumuka ang kamao ni Oliver na nakahawak sa handle ng telepono hanggang sa bumagsak ang handle katulad ng yoyo. Hindi na nakapagsalita si Oliver. Nag-blangko na ang isip niya. Naghalo ang lamig at init sa kanyang mukha. Nanghina ang kanyang tuhod. Napuno ng hangin ang kanyang dibdib. Napahinga siya nang malalim dahil pakiramdam niya ay nilulunod na siya ng hanging naipon sa kanyang dibdib. Ilang minuto... ilang segundo... bago nagkaroon ng reaksiyon ang kanyang puso.

          Napaiyak si Oliver sa sorpresa ni Ruby.

          Sa loob ng isang buwan ni Oliver sa Pilipinas, hindi siya nag-attempt na makita si Ruby. Hindi rin siya nag-attempt na malaman pa ang detalye. Aminado siya sa kanyang sarili na ang pinagsamahan nila ni Ruby sa loob ng dalawang taon has generated wonderful memories and emotions at lahat iyon ay nasa isip at puso lang niya. Takot siyang kapag nakita niyang muli si Ruby ay maramdaman niya muli ang mga emosyong iyon.

          Samantala, nakatutok naman ang Pakistanong driver sa kanyang pagda-drive. Pumila ang van kasama ang ilan pang mga sasakyan nang lumiwanag ang pulang ilaw ng traffic light sa isang intersection. Tahimik na naghintay ang Pakistanong driver. Tahimik din si Oliver na nakatingin sa harapan ng sasakyan. Napapasunod ang kanyang mga mata sa wiper ng salamin na patuloy ang paggalaw para punasan ang hamog na nagpapalabo ng salamin. Kanan. Kaliwa. Kaliwa. Kanan.

          Umilaw ang green light. Gumalaw ang mga sasakyan. Muling tumakbo ang van na sinasakyan ni Oliver.

          Dahil sa kapal ng hamog ay nag-alala si Oliver sa kanilang biyahe. Lumikha ng linya ang pala-imagine na isip ni Oliver sa gitna ng halos mag-crossover niyang kilay. Kinabahan siya. Naisip niya na sa sobrang labo ng paligid. Ang kaunting pagkakamali ng driver ay posibleng maging isang malaking aksidente. Tiningnan niya ang kamay ng Pakistanong driver na nakahawak sa manebela. Alerto naman ang driver sa pagmamaneho niya.

          Marahan ang takbo ng mga sasakyan. Ni-relax ni Oliver ang kanyang sarili at nilibang ito sa pagtingin ng mga pinung-pinong butil ng tubig na bumababa at humahalik sa lupa. Wala siyang halos makita sa paligid kundi ang ulap na likha ng hamog. Napakalabo ng paligid. Ang gilid ng kanilang dinaraanan ang tanging palatandaan niyang nasa tama pa silang puwesto ng daan.

          Napangiti si Oliver pero hindi maitago ng hugis almond niyang mga mata ang mahamog niyang damdamin dahil sa kalungkutang nadarama. Nagbabalik tanaw ang malungkot niyang mga mata. Naalala niya ang unang hamog na nakita at naranasan sa bansang iyon. Sa ganoon ding buwan siya unang dumating doon. Mahamog din ang panahon noon.

          'Nasa abroad na ako... nasa abroad na ako...' ang masayang sinasabi ni Oliver sa kanyang sarili habang nilalaro ng kanyang mga kamay ang makapal na hamog na bumabalot sa kanilang kampo habang nagsi-celebrate ang kanyang damdamin. Binuhay kasi ng lamig ng hamog ang pangarap niyang makapunta sa bansang may snow. Di man snow ang umuulan ng oras na iyon, ang makapal na hamog at lamig nito ang nagparamdam sa kanya na natupad na niya ang kanyang pangarap – ang makapag-abroad.

          Nang maisip ni Oliver iyon ay napailing siya. Natawa sa sarili. Naisip niya na kapag naabot ng tao ang kanyang pangarap, nagsi-celebrate siya... nagsasaya... at kapag nabigo naman, nagdidilim ang kanyang paligid... nagdadalamhati... nalulungkot. Muli ay naalala niya si Ruby. Naisip si Ruby. Naramdaman si Ruby.

          Ipinikit ni Oliver ang kanyang mga mata kasabay nang pagyuko. Gusto niyang kalimutan na si Ruby. Gusto niyang paniwalain muli ang sarili katulad ng dati; Noong hindi pa niya nakilala si Ruby na there is no such thing as love as first sight. That people who use this phrase to describe their feelings as love to someone whom they see for the first time are idiots. That he is not an idiot.

          'Hindi ako idiot'  paalala ni Oliver sa kanyang sarili.  

          Patuloy naman ang takbo ng sinasakyang van ni Oliver. Sumunod ito sa kurbada ng daan sa expressway. Napansin ni Oliver na ang visibility ay lumalayo, nagkakaroon ng linaw ang daan. Unti-unting nakakapasok ang sinag ng araw. Tiningnan niya ang oras sa kanyang relo. Mag-aalas otso ng umaga. Muli niyang ibinalik ang tingin sa harapan ng sasakyan hanggang sa marinig niya ang speed warning tone ng van. Tiningnan niya ang speedometer – 125 km/hour. Bumibilis ang takbo ng kanilang sasakyan sa expressway na daan. Nakaramdam siya ng bahagyang kaba pero hindi siya kumibo dahil kampante siya sa Pakistanong driver na matagal na sa kumpanya. Pero, bigla niyang naalala ang isang aksidente noong nakaraang taon sa expressway ding iyon.

          Mahamog din ang panahon noon. Nagbibiyahe ang kanilang sasakyan nang madaanan nila ang isang aksidente. Tumaob ang isang kotse na nahulog sa bangin ng daan. May ilang mga sasakyang nakahinto . May ilang mga taong bumaba ng kanilang mga sasakyan para makita ang tumaob na kotse. Dalawang kotse ng pulis ang naroon din sa accident site para rumesponde sa aksidente. Hindi man niya nakita nang actual ang pinsalang dinulot ng aksidenteng iyon noon sa namatay na dalawang Arabo na sakay ng kotse, naging headline ito noon sa mga pahayagan.

          Dahil naisip ni Oliver ang aksidenteng iyon, inaayos niya ang kanyang seat-belt na nakabalabal sa kanyang dibdib para siguraduhing tama ang pagkakakabit niya rito for safety. 

          'For you no problem?'  tanong ng Pakistanong driver kay Oliver.

          Natawa si Oliver dahil muli na naman niyang narinig ang dialogue na iyon ng Pakistanong driver. Madalas ay ginagaya niya ito sabay tawa dahil nakakatuwa ang accent niya, 'For you no problem. For me no problem. You too much problem. I too much problem. You speak no problem...'

          May edad na ang pakistanong driver. Camel english ang alam niya. Khan ang kanyang pangalan. Nakatutok ang kanyang tingin sa harapan. Sa side-view, napansin ni Oliver ang matangos na ilong ng Pakistano na hugis tuka ng parrot, ang mga linya sa gilid ng kanyang kulay blue na mata, ang mga puting balbas at bigote, at ang bilog na puting telang nakapatong sa kanyang ulo.

          Nang ibaba ni Oliver ang kanyang tingin sa katawan ng Pakistano, nakita niyang mabilis na kinabig ng driver ang manebela papuntang kaliwa para magbago ng lane sa expressway.

          Iginalaw rin ni Oliver ang kanyang leeg papunta ring kaliwa para tumingin sa side mirror ng van. Doon ay nakita niya ang isang paparating na kotse na humaharurot sa bilis – maliit hanggang sa palaki nang palaki sa kanyang paningin. Palapit nang palapit...

          'Khan!!!'

          Sigaw ni Oliver. Sa isang kisap mata ay nabangga sila ng kotseng iyon.


          (Sundan ang story sa Part 2)


Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 646 23
Hindi lahat ng kasal ay bunga ng pagmamahalan. Minsan, isa lang itong malamig na transaksyon-isang kasunduan ng mga magulang na kailangang panindigan...
171M 5.6M 132
Muling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. Se...
127K 149 9
The following content are compilation of short stories partially based on my own imaginations and some are from what I've seen online or somehow rela...
Wattpad App - Unlock exclusive features