When I Met Thunder (A 'HALF-T...

By LoveNuggets

61 2 0

Alam nyo ba yung feeling na ang taas taas ng gusto mong tao? Yung parang sa gwapo nya at sa pagkapopular nya... More

When I Met Thunder
Part II- Elevator

Part III- Dani, right?

14 0 0
By LoveNuggets

Sobrang bored po ako ngayon. Kaya nagsulat na ko ulit kahit walang nagbabasa :)) Parang tanga lang, parang sarili ko lang din kausap ko? :)) HAHAHAHA Anywaaaaay....

*********************** 

Araw na ng event. Halos busy lahat ng tao. Ang daming natataranta sa pagaayos para sa mga contest. Natatawa nga ko e. Ang sama ko no? Joke. Pero seryoso. Ewan ko kung bakit ako natatawa. Siguro kasi gaya nila, nataranta ako last term nung sumali kami ng mga friends ko sa isang cooking contest.

Ganito pala itsura ko nun. HAHAHAHAHAHA :)))))))

Anyway, excused ako sa class ngayon dahil nga dito sa event na to. Kailangan present kasi lahat ng members sa event na to. 

Sobrang bored na bored na ako. Hindi padin nags-start yung seafod contest.

"Uy, Dani! Bat ka tulala?"

Wew. Akala ko naman kung sino. yung bestfriend ko lang pala na si Selena.

"Uy buti dumating ka! Kanina pa ko super bored dito. Wala ko magawa hindi pa nga nags-start tong contest e. Ang tagal tagal." sabi ko sa kanya.

"Ay nako. Ganyan talaga yan, matagal. " Sabi nya habang lingon ng lingon sa kaliwa't kanan nya na para bang may hinahanap. So tinanong ko sya.

"Eh sino naman ang hinahanap mo? Bat ka nga pala nandito?"

"Si J loves." Sabi nya na parang normal lang. J loves? Oh god. Dont tell me si Chef J yun? Yung Chef namin sa isang cooking subject.

"Oh ano? Gulat ka no? Hay nako, expected ko na yan. Student-Teacher relationship... ayos ba? Parang pang TV lang no?" sabi pa nya.

"Seryoso ka ba?" tanong ko sa kanya. Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Kilala ko tong bestfriend ko. Alam ko na pareho kaming mabilis ma-fall sa isang guy.

"Oo seryoso ako. Nung una nga din parang ayaw ko maniwala sa sarili ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko sya maiwasan. Ang hirap pero wala na kong magagawa. Gusto ko na talaga sya e." Sagot nya sakin.

Kitang kita ko sa mga mata nya na seryoso sya. Sa totoo lang masaya ako para sa kanya. Ibig lang sabihin nun, nakapag move on na sya ex-crush nya na pa-fall.

"Well, you know I have nothing against that kind of relationship. If you like him that much, then go for it. But Im telling you right now, there'd be a lot of consequences... It's not gonna be easy."

"I know, Dans. And thank you. Actually, hindi ko nga to maamin amin sayo. Natatakot kasi ako na baka mag iba tingin mo sakin. Thank goodness, hindi padin nagbago. Looooove you, girl!" Sabi nya sakin at ni-hug nya ako.

Nakakatuwa lang. Ang sarap ng feeling kapag nago-open up sayo yung mga friends mo.

"Eh ikaw wala ka bang gusto ngayon?" tanong nya sakin.

"Ako? Ewan ko. Alam mo naman na ayaw ko na ulit magka-crush. Nahihirapan lang ako." Sabi ko sa kanya.

Totoo naman e. Nahihirapan talaga ako. Natatakot na din ako. Kasi sa tuwing nagkakagusto ako o nagmamahal ako tini-take advantage ako. I mean hindi naman to the point na sobrang lala na yung pag t-take advantage nila. I mean.... virgin pa ako. Haha. K.

"Tara washroom tayo. Parang nac-cr ako." Yaya ko sa kanya. Pero sa totoo lang din gusto ko muna lumabas labas dito sa Events Room. Sobrang boring talaga e.

So lumabas na nga kami.

"Girl. Wag mo pigilan nararamdaman mo. Hindi ba mas mahirap yun?" Sabi ni Selena sakin habang naglalakad kami papuntang Girl's Washroom.

"Alam ko girl mahirap. Pero sa ngayon wala talaga akong...." Hindi ko na natuloy pa yung sasabihin ko.

Alam mo kung bakit? Paano ba naman na-stun nanaman ako. Kahit sobrang labo ng mata ko. Nakita ko ulit yung guy sa may elevator. Well, hindi ganun kalinaw pero nakilala ko lang yung figure nya. May kasama pa syang dalawang guy.

Nung malapit na kami sa kanila, saka ko lang na-confirm na siya nga yun. Yung isa sa mga kasama nya, kilala ko kasi nakasama ko sya sa Community Service namin dati, si Kevin yun. Papasok sila sa isang room

"Ano? Bat ka tumigil?"

Nagising ako sa pagkaka-stun ko ng magsalita ulit si Selena. Shiz. Bakit ba ko nagkakaganito?

"S-sorry. Ano nga ba ulit sinasabi ko?"

Nakatingin padin ako sa kanya. Teka...

O.O

Nakatingin din sya sakin?

Erm, is there a dirt on my face? Napaisip tuloy ako bigla. At bakit hindi pa sya pumapasok? Nakapasok na yung mga friends nya a? Hinold nya yung pinto at nakatingin padin sya sakin.

O.O

Kumaway sya!

Napatingin din si Selena. At alam kong nagulat din sya dahil sa itsura ng mukha nya ngayon.

A-ako? Tanong ko sa isip ko. Habang  lumingon sa likod para tingnan kung may tao ba sa likod ko.

"A-ako?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Sabi nya sakin. "Hello." Sabi nya ulit habang kumaway ng bahagya.

"H-hi." Sabi ko sa kanya. Ewan ko pero parang nahihiya padin ako sa kanya. Ngumiti lang sya sakin. Nag h-hi na kami't lahat di ko padin alam pangalan nitong taong to. "Ano nga ba ulit name mo?" Tanong ko sa kanya. Shet. Ulit? Para namang nalaman ko na name nya diba. HAHAHAHA. Pa-echos lang.

"Thunder." sagot nya naman sakin. Pero straight face na. Sa gwapo nyang to, hindi ko alam kung bakit hindi ko sya nakilala noon or napansin man lang. Masyado ata akong nakafocus nun sa isang tao kaya hindi ko napapansin ibang tao sa paligid ko.

"Thunder? O-okay." Wow a. Ang ganda lang ng pangalan.

Tumuloy na kami sa paglalakad at napansin ko na humigpit yung hawak sakin ni Selena. Isa lang ibig sabihin nun. Kailangan kong mag kwento pero bago pa kami makalakad nagsalita ulit si Thunder.

"Dani, right?" Tanong nya sakin.

O.O paano nya nalaman ang pangalan ko eh ngayon lang kami nagkausap?! Napatango nalang ulit ako. Ngumiti lang sya sakin at pumasok na ng tuluyan sa room nila.

Pag dating namin sa girl's cr,..

"Dani! Magkwento ka ngayon din. LAHAT LAHAT. Gusto ko full details." Sabi ni Selena sakin. Grabe, mukha pa syang kinikilig na ewan?

"Eh? Ano naman ik-kwento ko? Haha" tanong ko sa kanya. Patay malisya effect.

"Hoy ikaw. Si Thunder yun girl. Thunder Yu! Hindi mo kilala si Thunder Yu? Oh god." sabi nya sakin. Shiz. Ganyan ba talaga sya kasikat. Oh well, gwapo e. Magagawa ko?

"Hindi e. Ngayon ko nga lang sya napansin... I mean, y-yesterday night pa." Sabi ko sakanya

"Yesterday night?! Ano nangyari kwento na dali!"

"Eh kasi nakasabay ko sya sa elevator papuntang storage room. Gulat nga ko kasi ang gwapo nya... Okay! Inamin ko gwapo sya. Dont freak...." Bago ko pa matapos...

"OH SHIT. PAKIULIT NGA? GWAPO DAW? Sa wakas. Narinig ulit kita mag sabi ng gwapo. Shit. So ano nangyari? Kayo na?" Baliw talaga tong bestfriend ko e. Pag pasensyahan nyo na. :))

"Gags, ano ka ba! Nakasabay lang sa elev, kami na? Ano yan pbb? Ew." Sabi ko sa kanya. "So ayun nga, nakasabay ko sya tapos napansin kong may sugat sya.  Kaya tinanong ko kung ano nangyari. Hanggang sa nakababa kami ng elev."

"Wow girl, lakas mo a. Tapos?"

"Tapos ayun nakita ko na may nakaharang sa storage room. Nagulat nalang ako na huminto sya sa paglalakad papunta ng clinic para balikan ako at tulungan." Get ready people for a major freak out.

"OMG! SHIIIIIIIIT! OMG!!!"

Told ya. She'll freak out.

"Woah, girl. Chill okay? Yun lang yun. Walang dapat ika-freak out dun!"

"Anong wala? Si Thunder tinulungan ka girl. Kinausap ka pa. Ang tahimik kaya na tao nun. Well hindi naman super pero piling pili lang na tao ang kinakausap nun!"

"Wow. Okay so...?"

"Ay nako ewan ko sayo! Basta pag kinausap ka nya ulit kwento mo sakin a." Sabi nya sakin. Lumabas na kami ng cr at naglakad pabalik.

At syempre na-stun nanaman ako dahil nakita ko nanaman sya na nasa labas ng room.

Kumaway sya... o.o :"> Bat parang natuwa ako? Eh?

LATER!!! :">  (Eh? bakit ang saya ko?)

*********************** 

Hihi, sorry guys! Super late update. Grabe lang busy sa school ngayon lang nawalan ng pasok e. Bakasyon na so makakapagsulat na ako ng tuloy tuloy. Anyway konti parin ang nagbabasa. Parang wala nga e. Pero thank you! Kung sino man yung nag vote sa story ko! Sobrang thankful ako sayo!

BIG LOVE,xx.

Continue Reading

You'll Also Like

20 0 18
Paano kapag nalaman mong hindi talaga kayo puwede ng taong mahal na mahal mo dahil sa isang katotohan? Kaya mo ba? Matatanggap mo ba?
249 0 11
Ito pala ang story ng badboy at isang nerd na nag aalitan. At na uwian sa pagiging relationship. Hello! Mga readers i hope na magugustuhan nyo tong b...
20 0 9
Naranasan mo na bang magmahal sa taong napaka misteryuso ang pagkatao? Kase ang kwentong ito ay tungkol sa taong nagmahal sa taong hindi masalita, m...
43.2K 1.1K 52
This is the part two of My Ideal Boyfriend. Sana basahin nyo po muna yung una bago ito para mas maintindihan nyo yung story ng part two i hope you l...
Wattpad App - Unlock exclusive features