Araw ng Sabado. CHAMPIONSHIP GAME. Handang-handa na ang lahat.
Bumilog ang kupunan at nag-usap ito. “Alam niyo na ang gagawin ah?” tumingin ang coach kay Amiere. “Ikaw ang inaasahan ng team. Galingan mo!” sabi nito.
Tumango si Amiere. “Opo!” At kumalas na sila. Ngunit bago pa man maka-alis si Amiere, tinawag siya ng papa niya.
“Amiere! Good luck… ANAK.”
Ngumiti si Amiere. “Salamat, dad.” at tumakbo na si Amiere papuntang court.
Sa first Quarter, lamang ang RED BULL Fighters. Namamayagpag ang mga banderang kulay pula. Nagsisihiyawan ang mga tao lalo na ang mga kababaihan kapag si Amiere ang may hawak ng bola.
Nagring ang phone ni Irma.
“Hello?” sagot nito.
“Nasaan ka na?” tanong ni Jane.
“Hindi naman ako pupunta eh.” Sagot naman ni Irma.
“Bakit naman hindi?”
“Tinatamad ako eh. Bahala na..” at ibinaba na nga ni Irma ag phone.
LAST QUARTER. Lamang ang kalaban ng liang puntos. 54 – 59! Pagod na pagod na si Amiere. Hingal na hingal na siya.
ANO BA! BAKIT PARANG ANG HIRAP-HIRAP NILANG HABULIN! Sabi nita sa kanyang sarili.
Pinasa ang bola kay Amiere. Tumatakbo na siya.
Sumenyas ang isang kalaban sa isa. Yung isa naman, ay tinisod si Amiere. Kaya napasubsob ito sa sahig.
PEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPP!!!!
Pumito ang referee! FOUL ang kalaban.
Namimilipit sa sakit si Amiere. Napuruhan ang ballikat niya dahil ito ang unang tumama sa sahig bago siya bumagsak.
“Aaaaaaaah!” sigaw ni Amiere.
Lumapit sa kanya ang mga ka-team niya. “Amiere! Ayos ka lang ba??” tanong ni Calvin.
“Amiere! Anong masakit?” tanong nung isa.
“Amiere!!” Sigaw naman ng papa niya.
Ngunit nakapikit lang si Amiere at hindi sumasagot at nakahawak sa kanyang balikat.
KAYA MO ‘YAN AMIERE! KAYA MO ‘YAN!
Paulit-ilit niyang sinasabi. Maya-maya, nakarinig siya ng isang pamilyar na tugtugin na tanging siya lang ang nakakarinig. Dumilat si Amiere.
”KUYA…” sabi niya. Pero napatigil si Amiere, saka siya umiling. Hindi...Hindi si Kuya ‘yon.
“Amiere ayos ka lang?” tanong ng daddy nito. Bumangon na si Amiere hawak hawak pa din ang nadali sa kanya.
Tumango si Amiere. “Opo. Ayos lang po ako. Kaya ko pa namang mag-laro.”
“Sigurado ka Amiere?” tanog ni Calvin.
Tumingin si Amiere sa oras. 27 seconds to go. “Dad, mananalo tayo dito. Magtiwala kayo.” At naglaro na nga ulit siya at hindi na iniinda ang sakit sa balikat......
***
Tumigil si Irma sa pagtipa ng tiklado ng piano. Bumuntong hininga ito.
“Haaaaaay… sabi ko hindi ko na tutugtugin eh.”
“Alam mo bang… gustong-gusto ko ang musika na tinutugtog mo kanina? Gustong-gusto kong tinutugtog yan sa kin ng kapatid ko dati, lumalakas kasi ang loob ko kapag naririnig ko ang piyesang yun.” Naalala niyang sabi ni Amiere.
Gusto ko din ang tugtugin na 'yan Amiere... Lalo na ngayong alam ko nang gusto mo din pala ito. Kahit malungkot, napapasaya din ako ng tugtugin na 'yan. Pero...
sa pagkakataong 'to, hindi na ako masaya...
Nasabi ni Irma sa kanyang isip. Gusto niyang sabihin iyon kay Amiere pero wala siyang lakas ng loob upang masabi ito sa kausap.
Tumayo si Irma. “Makaalis na nga." Sambit niya at umalis na nga siya.
Pag-uwi niya sa bahay., “Oh Irma! Bakit ang aga mong umuwi? Akala ko—“
Napangiti lang si Irma at saka bumagsak at nawalan ng malay.
Nataranta ang yaya niya. “Irma! Irma! Anong nang yayari??”