Way Back To 1898 ✓

By WhiteGelPen

20.7K 1K 655

C O M P L E T E D Nang yayain si Thalia ng kanyang mga kaibigan na sumama sa isang road trip, buong pag-aakal... More

Pagtatatuwa
Sinopsis
Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Quince
Dieciséis
Diecisiete
Dieciocho
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
Veintidos
Veintitrés
Veinticuatro
Maikling Mensahe
Veinticinco
Veintiséis
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve
Treinta
Treinta y uno
Treinta y dos
Treinta y tres
Treinta y cinco
Treinta y séis
Treinta y siete
Treinta y ocho
Treinta y nueve
Cuarenta
Wakas
Mensahe mula sa awtor

Treinta y cuatro

237 11 23
By WhiteGelPen


╭────── · · ୨୧ · · ──────╮
Ang Talaarawan
╰────── · · ୨୧ · · ──────╯

• • •

Nathalia Miracle Villa Flores



Mula sa prenteng pagkakaupo ay dahan-dahang tumayo si Padre Silang at paika-ikang humakbang papalapit sa akin. Hindi ko naman maiwasang magulat at magtaka kung bakit paika-ika siya ngayon. Mahaba ang kanyang suot na sotanang itim kaya bigo akong makita ang kanyang paa.

"A-Ano pong nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ko.

"Wala ito, hija. Tama lamang ng baril na lumagpas sa kalamnan ng aking binti," paliwanag ni Padre Silang na tila ba isang simpleng bagay lamang ang nangyari.

Binundol ng kaba ang aking dibdib at hindi magawang tumingin nang diretso kay Padre Silang. Gusto ko sanang umatras sapagkat hindi pa rin ako kumbensido sa mga impormasyong aking nalaman patungkol sa kanya, subalit tila dumikit na yata sa sahig na kahoy ang aking mga paa.

"P-Padre..." Napalunok pa ako nang sunod-sunod dahil tila nanuyo yata ang aking lalamunan.

Binalingan ko ng tingin si Senyora Midena at nakangiti naman itong nakamasid sa akin habang pasimpleng hinahawi ang luha sa kanyang mga mata.

Mariin ko na lamang na naipikit ang aking mga mata nang makitang umangat ang kamay nito papalapit sa akin. Napaigtad pa ako nang maramdaman ang marahang paglapat ng palad niya sa ibabaw ng aking ulo. Sa kabila nang kabang aking nararamdaman, may kung anong humaplos sa puso ko kahit sa simpleng pagpatong lamang ng kanyang kamay sa ulo ko.

"Kaawaan ka nawa ng Poong Maykapal, hija. Batid kong marami ka pa ring hindi nalalaman sa iyong paligid. Mga bagay na posibleng magdulot ng kasiyahan at kabiguan sa iyong buhay. Alalahanin mo sana na hindi lahat ng taong nagpapakita sayo ng kabutihan ay siyang kakampi mo sa laban. Maraming mapagbalatkayo sa mundo na handang linlangin ang iyong isipan upang bulagin ka kung sino ang tunay mong kaaway!"

Tahimik lamang kaming nakikinig sa sermon ni Padre Silang. Dahan-dahan ang ginawa nitong pagtalikod sa amin at lumapit sa isang nakasaradong bintana sabay hawi ng kulay kremang kurtina na halos sumayad sa sahig ang haba.

Iika-ikang namintana. Bagamat binuksan niya nang bahagya ang bintana, hindi pa rin iyon naging sapat upang tuluyan naming makita ang mga kaganapan sa labas.

"Hindi ko alam kung ano ang mga bagay na inyong napag-usapan ni Padre Federino, subalit nababatid kong walang kabuluhan ang kanyang mga salita!" Lumingon siya sa direksiyon namin at kahit medyo may kalayuan, kitang-kita namin ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa kanyang mukha.

"Isa siya sa mga dahilan kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Isa si Padre Federino sa mga sumulat sa amerika upang humingi ng tulong militar noong kasagsagan ng pananakop ng mga prayle sa kagustuhang ipaghiganti ang nangyari sa kanyang anak na dalaga," seryosong pahayag ni Padre Silang.

Humugot ito ng malalim na buntong-hininga na tila ba isang napakahirap banggitin ng mga binibitawan niyang salita.

Natigilan ako at nagtatanong ang matang napatitig sa kura. "Ano pong ibig niyong sabihin? Paanong kakampi si Padre Federino sa mga dayuhan kung mga dayuhan rin mismo ang pumatay sa kanyang anak?" nagtatakang tanong ko.

"Disculpe si interrumpo su conversación, senyorita. Subalit tama ang mga sinabi ni Padre Silang! Hindi kailan man magiging tapat sa kanyang bayan ang isang pusong may kinikimkim na galit sa kanyang kinagisnan!" sabat naman ni Felicio na kanina ay tahimik lamang na nakikinig sa sinasabi ni Padre Silang.

"Ang mga dayuhang tinutukoy niya ay ang mga prayle. Ipinalabas lamang niya na galit rin siya sa mga amerikano ngunit sa kabila no'n ay may sekretong ugnayan siya sa mga ito," paliwanag ulit ni Padre Silang.

Doon lamang ako napaatras at salubong ang kilay na tinapunan sila ng tingin. Maging si Senyora Midena ay tahimik rin habang pinagmamasdan ang aking mga kilos.

"Nagkakamali kayo! Hindi ba't ayaw mismo ni Padre Federino na papasukin sa kumbento ang mga dayuhan sapagkat kinapopootan niya ang mga ito? Galit rin sa kanya ang mga amerikano dahil maski siya ay kasamang ikinulong!" pangangatwiran ko.

Kung tama ang kanilang sinasabi, ibig sabihin ay walang katuturan ang lahat ng mga sinabi ni Sorayda sa akin patungkol kay Padre Federino? Subalit naisip ko, sino nga ba ako upang kuwestyunin sila sa mga bagay na mas sila ang nakababatid?

Kung sa pamilya, isa lamang akong sampid na walang tunay na pagkakakilanlan sa lugar na ito. Kung ano ang mga nangyari noon bago pa man ako mapadpad dito, hindi ko alam ang mga iyon.

"Galit siya sa mga kalahi ng mga taong kumitil sa buhay ng kanyang anak. Ano nga ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ang Simbahang Katoliko sa Sentro ng Silingan gayong sumasalungat naman pala ito sa pamumuno ng mga amerikano? Ano nga ba ang rason na nakatago sa likod nang unti-unting paglisan ng ibang pari na matagal ring nangaral sa simbahan?" paglilinaw pa ni Padre Silang sa naguguluhan kong isipan. Sinusubok ang aking kakayahang umintindi sa mga bagay-bagay.

"Kagaya ng iyong ama ay naging matalik ko ring kaibigan si Padre Federino. Sa aming dalawa, ako ang mas kinikilalang malupit na pari sa simbahan dahil sa pamamaraan ng aking pagsasalita at pangangaral. Prangka, harap-harapan at walang ginagamit na salitang matatamis..."

"Subalit ang pagkakaibigan ay hindi nababatay sa katayuan at antas ng buhay ng isang tao. Hindi lahat ng pagkakataon ay mananatili kang nagbubulag-bulagan sa mga maling gawa at adhikain dahil lamang malapit ang iyong loob sa taong iyon. Hindi kailan man maitatama ng isang mali ang isa pang pagkakamali. At hindi paghihiganti ang magiging susi upang tuluyan mong makamit ang tunay na hustisya na nais mong makamtan."

"Tandaan mo. Katotohanan ang magpapalaya sa'yo gaano man kasilimuot ang iyong nakaraan. Subalit sa katayuan ni Padre Federino, nagpabulag siya sa kanyang sariling galit at adhikaing makapaghiganti. Itinaya niya sa ibabaw ng kamay ng mga dayuhan ang kasarinlan at kalayaan ng ating bayan. Kapalit nito ay ang hustisyang kanyang hinahangad."

"Hindi dayuhan at hindi kapwa Pilipino ang tunay niyang kalaban sa bayang ito. Hindi isang prayle at hindi amerikano. Hindi ang mga taong nakapalibot sa kanya, kundi ang kanyang sarili mismo..." pagtatapos ni Padre Silang sa kanyang mahabang pahayag.

Marami pang sinabi si Padre Silang na mas lalong nagpalinaw sa aking isipan tungkol sa mga bagay na nagaganap sa aming paligid. Mga katanungan na noon ko pa gustong mahanapan ng kasagutan, at ngayon ay unti-unti na ngang nagkakaroon ng linaw.

Wala ni isang salita ang namutawi sa aking labi hanggang sa igiya ako ni Senyora Midena sa isang silid na may iisang katre sa gitna. Tahimik akong naupo doon at tila wala sa sarili na tumulala sa kawalan.

Ano pa ba ang dapat kong malaman dahil sobrang bigat na nang aking nararamdaman!

Kakayanin ko pa ba? O baka tuluyan na akong mawala sa aking katinuan!

"Mira..." marahang tawag sa akin ni Senyora Midena. Parang kinurot naman ang puso ko.

Sa ilang beses kong narinig na tinawag niya ako sa pangalang iyon, bakit ngayon lang ako nasaktan? Bakit ngayon lang parang bulak na pinipiga ang aking puso?

Sa kabila nang lahat, naisip ko kung hanggang ngayon ay wala pa rin siyang alam sa aking tunay na pagkatao. Kung bakit hindi sinabi ni Mikaela sa kanya na hindi ako ang totoo niyang anak na si Mira. Halo-halong kaisipan ang muling nagtatalo sa aking isipan.

"Anong nangyari sayo, hija? Bakit ganito ang iyong hitsura?" nagtatakang tanong sa akin ni Senyora Midena sabay haplos ng aking buhok na ilang araw nang hindi nakakatikim ng tubig. Tsaka ko lang naalala na wala pa pala akong ligo simula nang bumaba kami ng Tirad hanggang sa lisanin ko ang Ilawod. Hindi na kasi sumagi pa sa isipan ko ang mga bagay na iyon dahil mas mahalaga ang kaligtasan ko kaysa isipin ang paglilinis sa sarili.

"M-Mabaho na po ba a-ako?" naiiyak kong tanong sa kabila nang pagiging kuryoso.

Napangiti naman si Senyora Midena dahil sa tanong ko. Hindi pa rin niya ako nilulubayan ng tingin na para bang kinikilatis ang aking hitsura. Kanina ko pa napapansin ang mga titig niya sa akin ngunit pinili ko na lamang na balewalain.

Umalis ang senyora sa aking harapan at lumapit sa isang maliit na aparador. Binuksan niya iyon at kumuha ng isang bestida na kulay asul. Pagbalik niya ay marahan niya iyon na inilahad sa akin.

"Maglinis ka ng iyong katawan at palitan mo iyang damit mo. Hindi magandang makita na madungis ang mukha ng isang dalaga. Dapat ay inaalagaan mo ang iyong sarili at panatilihing malinis araw-araw..." mahinahong saad niya sa akin habang inaayos ang ilang hibla nang buhok na tumatabon sa aking mukha.

"S-Senyora..." utal kong tawag sa kanya.

Tumango-tango siya sa akin at agad na gumuhit ang malungkot na ngiti sa kanyang labi. Hindi ko alam kung para saan iyon kaya naman naghintay ako subalit nanatiling tikom ang kanyang bibig.

Doon ko lang naalala ang kulay gintong ipit na ipinapabigay sa kanya ni Mikaela. Agad-agad ko iyon na dinukot sa bulsa nang aking bestidang suot at inilahad kay Senyora Midena. "N-Nakalimutan ko po. I-Ipinapaabot nga pala ito ni Mikaela sa iyo..." paliwanag ko.

Tinitigan muna iyon ni Senyora Midena bago marahan na umiling sa akin. "Sa'yo iyan. Sa anak kong si M-Mira ang ipit na iyan," pahayag niya na mas nagpagulat sa akin.

Hindi dahil sa nalaman kundi sa sinabi niya tungkol kay Mira.

Sa anak kong si Mira. Ibig sabihin...

"S-Senyora—"

"A-Alam ko. H-Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang paniwalaan, subalit alam ko..." nasasaktang wika niya kapagkuwan ay pumikit ng mariin na para bang pinipigilan ang kanyang sarili. "M-Masakit, subalit hindi ko alam kung bakit masaya pa rin ako kahit hindi ikaw ang tunay na Mirabella..."

"Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Kung paano naging magkakamukha kayo ng aking anak na si Mira. Gusto kong magalit. Gusto kong kwestyunin ang Panginoon kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Gusto kong alamin kung nasaan ang totoong anak ko. Subalit kapag naiisip kita, nawawala lahat ng iyon at naiibsan ang pangungulila sa aking puso. Ikaw man ang anak ko o hindi, para sa akin ay ikaw pa rin si Mirabella Nataliena ko. Ikaw pa rin ang aking panganay..."

Muli niyang inabot ang aking kanang pisngi sabay punas ng luhang hindi ko namalayan na naglandas na pala mula sa aking mata.

"M-Mahal na mahal ka ni Mamá..."

Tahimik kaming nag-iyakan. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya hinayaan ko na lamang si Senyora Midena. Wala na si Mirkucio at maging si Mikaela ay wala rin dito.

Nang muli siyang umalis sa aking harapan at lumapit sa aparador ay nanatili lamang akong nakaupo nang tuwid sa paanan ng katre. Tahimik kong pinagmasdan ang mga kilos ni Senyora Midena kahit paulit-ulit na tinutusok ang aking dibdib.

Nasasaktan ako para sa kanya. Kung paanong gano'n niya na lamang kabilis na tinanggap ang katotohanang hindi ako ang totoo niyang anak ay hindi ko alam.

Naisip ko tuloy si Mama. Kung siya ba ang nasa kalagayan ng senyora, gano'n rin ba ang mararamdaman at gagawin niya? Hindi ko alam kung ilang buwan o taon akong nawawala sa kasalukuyang panahon, subalit naisip ko, susuko rin ba siya sa paghahanap sa akin?

Nagtaka naman ako nang i-abot sa akin ni Senyora Midena ang isang parihabang kahon na yari sa sinelakan na kahoy. May nakaukit pang pangalan ni Mirabella sa ibabaw niyon kaya mas lalo akong nagtaka.

Bakit niya ibibigay sa akin ang bagay na ito, gayong alam niya namang hindi ako ang tunay niyang anak na si Mira?

"H-Hindi... Bakit—"

"Buksan mo. Nasa loob niyan ang mga personal na gamit ni Mirabella," pagputol ni Senyora sa sasabihin ko. Napayuko naman ako at nahihiyang umiling sa ginang. "Hindi ko po kayang gawin iyon. H-Hindi po ako si Mira—"

"Magtiwala ka. Marahil ay nasa loob ng kahong iyan ang mga nais mong malaman. Masakit mang isipin subalit ayokong ikulong ka sa nakaraan ng aking anak na si Mira..." malungkot niyang saad.

"Pero, Senyora —"

"Sige na. Lalabas na muna ako. Gamitin mong pambukas ang ipit na ibinigay sa iyo ni Mikaela. Hindi iyon pangkaraniwang ipit lamang, dahil pinasadya iyan na pangsusi nitong kahon na ito..."

Hanggang sa makalabas si Senyora Midena ay nanatili lamang akong nakatitig sa parihabang kahon na nakapatong sa kandungan ko. Ayoko pa sanang buksan, subalit may kung anong nagtutulak sa akin na alamin ang laman nito. Marahil ay tama si Senyora Midena. Nasa loob ng kahon na ito ang mga kasagutang matagal ko nang gustong malaman.

Kaya naman dahan-dahan kong isinilid sa maliit na butas ang dulo ng ipit hanggang sa tuluyan ko nang nabuksan ang kahon. Dahan-dahan rin ang ginawa kong pagbukas. Unang bumungad sa akin ang ilang tuyong rosas na naroon. Subalit ang mas umagaw sa atensiyon ko ay ang medyo may kalakihang libro. Kinuha ko iyon at marahang binuklat ang unang pahina.

"Para sa aking mga minamahal..." mahinang basa ko sa nakasulat.

"Ako ho si Mirabella. At ito ang aking talaarawan..."










Pasensiya na kung ngayon lang ulit nakapag-update! Sobrang busy lang kasi sa school. Sana po magustuhan niyo ang kabanatang ito. Maligayang pagbabasa!






Continue Reading

You'll Also Like

952K 32.4K 59
(The Reapers Series #1) A troublemaker who wants to get the attention of her brothers. After making another trouble from her previous school, she was...
173K 6.2K 59
To be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage until she realized she was more than just a...
33.2K 2.3K 53
Midnight Hunters, a group of criminals that are being chase by the government. They are still unknown by the public, this mysterious group has been t...
MELANCHOLIC✓ By Prim_rose7

Mystery / Thriller

2.2K 86 27
Blood, Blood, Blood. For some people, seeing blood is horrific, yet for me, it is..... addictive. MELANCHOLIC- is a gloomy state of mind. In my sta...
Wattpad App - Unlock exclusive features