⌛22nd Hunt: Lost One, Gained One
♕ Payne's POV ♕
Napahigpit ang hawak ko kay Meeka nang idiniin ni Cilver sa sugat ko yung cotton na may gamot. Nasugatan kasi ako kahapon nung nadapa ako.
"Aaawwww..." Mahina kong taghoy. Ang hapdi!
"Tiisin mo muna, Prinsesa." Mahinahong sabi ni Cilver na nakatutok lang sa sugat ko.
I nodded habang nakangiwi. Gasgas lang naman pero mahapdi lang kasi talaga.
"Cilver..." Imik ko.
"Yes?"
"Paano ka naging Sawbones? Diba Fourth Year Highschool ka pa lang?"
"Oo." He faced me with a smile. "Sa kaharian kasi namin, maaga pa'kong tinuruan ng healing practices."
"Really? Why?"
"You know, Elvendra is well-known for being the main source of medicines and stuff." Humarap na ulit siya sa sugat ko at tinakpan niya iyon ng gauze bandage. "Kaya bilang Prinsipe ng Elvendra, kailangan kong magkaroon ng kakayahang magpapakita sa kung saan kilala ang kaharian namin. Kaya ako naging Young Doctor." He smiled genuinely.
"Aahhh..." Napanganga na lang ako. "It's so cool..."
"Thanks." Tumayo na siya. "So, pano? Babalik na muna ako sa Seriun. May kailangan pa kasi kaming gawin dun." Nakangiti niyang paalam.
"Okay. Thank you, Cilver. Take care." Nakangiti ko ring sagot. He nodded and left...
Dahan-dahan kong nilingon si Terrence na nakahiga sa hospital bed. Wala pa rin siyang malay habang may mga nakakabit na apparatuses sa katawan niya at nakasuot din siya ng oxygen mask. Dahil sa mga aparatong nakakabit sa kanya, nakatopless siya ngayon.
(Check Multimedia Photo to see Terrence)
Bakit kaya hindi pa rin siya nadadalaw ng mga magulang niya? Hindi pa ba nila alam?
Malungkot at marahan kong hinawakan yung kamay ni Terrence. Sa kabilang kamay niya nakakabit yung IV.
"Terrence..." Ngumuso ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. He looks so peaceful but I know he's hurt... "Sorry ha..? It's all because of me..." I sighed bilang pagpigil sa pag-iyak ko. Nagi-guilty kasi talaga ako eh... "Kung hindi ako nagdrama, siguro hindi ka pa natamaan ng lalaking yun..." Ang drama ko naman kasi eh! Umiyak-iyak pa'ko sa gitna ng laban kaya nadistract tuloy si Terrence!
Inihiga ko yung kaliwang pisngi ko sa tabi niya.
Dahil sa mga plano ko, andami nang nadamay.
Dahil sa kagustuhan kong tanggalin sa buhay ko yung ASSASSIN na yun, andami nang nasaktan.
That Maskman... I have a great feeling he's the one my prophecy says...
Dahil sa kanya, nagkakagulo na ang lahat.
It's all so complicated...and sad...
And frustrating...
Gusto ko lang namang matupad ang pangako namin ni Khai sa isa't isa eh... I just want to be his Queen...
I just want to be with Khai...
Napasinghot ako.
Aaahhh, I'm such a crybaby!
"Terrence..." I sniffed again and I stared at Terrence's hand... "Gumaling ka lang, I promise I'll go back to our Kingdom and stop all these." Umiiyak kong pangako sa kanya. Dahil makasarili ako, mas gumulo ang buhay ko. Kung hindi ako pumayag na mag-aral sa Seriun hindi naman sana mangyayari 'to eh. Hindi sana lalayo ang loob namin ni Khai sa isa't isa. Hindi rin sana magkakaroon ng chance na magkatuluyan kami ng Maskman na yun.
Pero dahil sa katigasan ng ulo ko, mas lalong naging komplikado.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya bahagya akong napatitig sa pumasok.
And to my surprise, I saw Maxim, staring at me with a blank face.
Napalunok ako at napabangon.
I've said bad things to Maxim yesterday...
Dahil sa sobrang stress ko, siya ang nasisi ko.
"M-Max—"
"Sorry sa istorbo." Mahina niyang imik at nag-akma siyang umalis pero tumayo ako at tumakbo papunta sa kanya.
"Maxim, I'm sorry..." Guilty kong sabi sa kanya. What I said... I shouldn't have said it.
"Okay na ba siya?" Pag-iiba niya sa topic. I gave him a sad face. He's not even looking at me...
"Oo daw... Pero hindi pa rin siya gumigising..."
Hindi na sumagot si Maxim. Nagbuntong-hininga lang siya at itinuro niya si Terrence.
Kumunot noo ko at napalingon ako.
I gasped and ran towards Terrence!
He's awake!
"TERRENCE!" Nakangiti kong sigaw sabay hawak sa balikat niya! Yeeeyyyy! "You're awake!" Napakalaki ng ngiti ko.
Dinig ko pa ang paghinga niya dahil sa oxygen mask. Kinurap-kurap niya yung mga mata niya at napatitig siya sa'kin.
I sat beside him. Nakangiti pa rin ako sa kanya.
"Are you okay, already? Saan masakit??? Gusto mo tawagin ko yung nurse? Or doctor?? Or si Cilver—"
Napahinto ako nang bigla siyang tumawa nang mahina.
Nag-aalala akong tumitig sa mga mata niya.
"You...okay..?" Mahina kong tanong.
He did not respond. Instead, he slowly raised his right hand...until it landed on my left cheek.
Nabigla ako.
Ang lamig ng kamay niya!
"Ang lamig mo!" Concerned kong sigaw sabay hawak sa kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. I'll give it some warmth...
Tinanggal niya yung suot niyang oxygen mask gamit yung left hand niya.
"Uy! Mamaya hindi ka makahinga niyan!"
Huminga siya nang malalim and a smile was formed on his face.
"Princess..." Mahina niyang imik and he slightly pressed his right thumb on my cheek. "I'm fine..."
The moment he said that, napangiti na din ulit ako.
"Yeehheyyy!" Itinaas ko mga kamay ko! That's all I wanted to hear!
Naudlot ang pagsasaya namin nang biglang pumasok ang isang lalaking naka-all white. He smiled to us and bowed down.
"Good noon, Prince Terrence and Princess Yuri." Bati niya sa'min at inilapag niya sa maliit na mesa ang isang tray ng pagkain. "Hatid ko lang yung pagkain ni Prince Terrence."
"Okay! Thank you!"
He smiled and bowed down again, and he went out.
"A-Arayy—Aray..." Dinig kong daing ni Terrence. Sinusubukan pala niyang bumangon.
"Hey hey!" Puna ko sa kanya at pinahiga ko ulit siya. "Hindi ka pa pwedeng bumangon, no no no."
"Pero kakain ako." Umismid siya.
I gave him a bright smile and I stood. Nagcurtsy ako, a Princess' bow.
"May I have the permission to do it for you?" Gusto ko kasing may sinusubuan eh! Nakakaaliw! Hahaha!
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at umiling siya.
"N-No, ayoko. Prinsesa ka kaya!"
"Pero Terreeennncccee—"
"Ah basta ayoko." Pagmamatigas niya.
"Pumili ka, susubuan kita o gugutumin ka??" Pangungulit ko naman. Hihihi!
Tumingin siya sa kisame, saglit na nag-isip, at malakas na nagbuntong-hininga.
"Haay, sige na nga! Mamamatay na'ko sa gutom eh!"
"Yeeeyyy! I win!" Agad kong kinuha yung tray ng pagkain and I started feeding him.
Uwaaah! Ang cute-cute niyang kumain! Hihihi!
He's like a living doll!
Note: Terrence, Cilver, Maxim, and Payne is in the multimedia gif! ^___^
[A/N: TERRAYNE shippers comment below! HAHAHAHA!
Ano naman ang masasabi niyo sa nangyayari? Please share your thoughts! I would gladly read and consider your comments. *^___^*
Anyway, sorry po sa typos at salamat sa pagbabasa!
Sana po magpatuloy kayo sa pagsubaybay! ^__^]
☬Oh_Encantada