Adam's Verdict PHR (COMPLETE)

By greciareine

126K 2.4K 134

"If I'm going to give myself a verdict right now, I'm definitely guilty. Guilty of loving you then and even n... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER ONE

26.6K 344 12
By greciareine

ISANG kuntentong ngiti ang gumuhit sa labi ni Jenna habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa full length mirror na nasa kanyang harapan. She looked perfect wearing her wedding dress. There were Swarovski crystals flaunting in her gown plus it vividly shows her curves. It was exclusively designed by her friend Vera who is a well known fashion designer in Europe.

"Are you ready? Your groom is waiting." Nakangiting wika ng kanyang maid of honor na si Anne. Ito ang kanyang bestfriend mula pa noong nagtransfer siya ng college sa Connecticut. Agad silang nagkasundo dahil sila lang ang Pilipina na magkaklase nang kumuha sila ng kanilang degree sa Fine Arts sa Yale University sa New Haven.

"I've been waiting for this day!" she bursted out with excitement. Halatang kinikilig. Bakit hindi siya kikiligin? Ikakasal siya sa isang sikat na car racer at napakaguwapo pa. Nagkakilala sila sa isang family gathering at doon na ito nagsimulang magparamdam sa kanya. Nagustuhan naman niya ito dahil sobrang gentleman, maalalahanin at hindi ito nagreklamo sa kanyang pagiging spoiled brat. Higit sa lahat ay kasundo ito ng kanyang mga magulang. Para sa katulad niyang unica hija ay mahirap makahanap ng lalaking papasa sa panlasa ng mga ito.

Nang makarating siya sa simbahan ng San Antonio de Padua, maingat siyang bumaba sa kayang bridal car at awtomatiko ang ngiti sa kanyang mga labi habang hawak ang kanyang bouquet. Nakaalalay sa kanyang likuran si Anne at hawak nito ang laylayan ng kanyang traje de boda. Agad na hinanap ng kanyang mata si Nick--- ang kanyang groom. Baka nasa loob na ito ng simbahan at naghihintay na sa kanya.

Natigilan siya sa paghakbang dahil nahagip ng kanyang mata ang nag-aalalang mukha ng kanyang mga magulang. Nakatayo ang mga ito malapit sa may pinto.

Agad na lumapit sa kanya ang ina bago pa niya naihakbang ang mga paa.

"Nick is not yet here." nag-aalalang wika nito.

"What's going on? Where is Nick?" naguguluhang tanong niya. Muli niyang inilinga ang paningin sa paligid. Halos lahat ng mga bisita ay naroon na.

"Baka nalate lang, hija. Don't worry he'll be here in few minutes." Mahinahong wika ng kanyang ina. Pinipilit nitong maging pormal bagama't halata sa mukha nito na hindi rin ito mapanatag.

"Nick doesn't have a habit of coming late." Agad niyang kinuha sa sasakyan ang kanyang cellphone at tinawagan ang lalaki. Baka kung napano na ito sa daan. What if he met a car accident? Paano na ang kasal nila?

Nakailang tawag na siya ngunit walang sumasagot. Lalo lang nadagdagan ang kanyang pag-aalala.

"Hija, can we talk?" may pag-aalinlangang wika ng ina ni Nick nang makalapit sa kanya. Tila hindi ito mapakali. Bakas ang nerbyos sa mukha nito.

"Yes tita, what happened to Nick? Bakit hanggang ngayon wala pa siya?"

"I don't know how to say this, but Nick just called and... he said he's not coming." Halos pabulong na wika ng ginang. Bumuka ang bibig niya pero walang katagang lumabas. She stared at her in disbelief. Ilang segundo siyang napakurap bago pumasok sa kanyang isip ang mga katagang binitawan nito.

"But why?" pakiramdam niya ay nagbibiro lang ang Mother-in-law to be niya. Bakit naman hindi makakarating ang groom niya? It's their wedding day for crying out loud!

"I'm so sorry hija. Hindi ko alam na magagawa ito ng anak ko." Hinawakan nito ang kanyang balikat. Huminga siya ng malalim at mariing umiling.

"This can't be happening to me." Naghangilid ang luha sa kanyang mga mata. Inilibot niya niya ang paningin sa buong paligid. Puno ng simpatya ang nasa mukha ng mga bisitang naroroon. Mabilis siyang pumasok sa bridal car at tuluyan ng nanlabo ang kanyang paningin. Wala sa loob na hinila niya ang kanyang mahabang gown dahilan upang mabitawan iyon ni Anne.

"Let's go back home." Utos niya sa kanyang driver. Mabilis naman itong tumalima. Narinig pa niya ang pagtawag ng kanyang daddy ngunit hindi na siya nag-abalang bigyan ito ng pansin. Hinding-hindi na siya babalik sa lugar na iyon.

'Damn you Nick! You're going to pay for this.' Nagtangis ang kanyang mga bagang at pakiramdam niya ay nanginginig siya habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang bouquet. Napakaganda pa naman sana niyon, it was a combination of different roses dyed as blue, violet, and orange.

She couldn't believe that her groom jilted her! Wala siyang ideya na kayang gawin iyon sa kanyang fiancé. Alam niyang nagmamahalan sila at imposibleng ngayon lang nito narealized na hindi pa ito handang matali sa kanya. He could have told her that he wasn't ready pero di ba ito pa nga ang nagpropose sa kanya? Tapos ngayon hindi ito magpapakita sa simbahan? Lalong bumangon ang galit sa kanyang dibdib habang malayang bumubuhos ang luha sa kayang mata.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili at sinikap na makapag-isip ng matino nang makapasok siya sa sariling kuwarto. Agad niyang hinubad ang kanyang wedding gown at pigil niya ang sariling magwala. Ilang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan at pinahid niya ang luha sa kanyang mata.

Naisip niya ang mahigit anim na buwan na pinagsamahan nila ni Nick. Everything was okay and she never had a hint that Nick was a jerk!

'I'll file a case.' Isang desisyon ang nabuo sa kanyang isip. Hinding-hindi siya makakapayag na palampasin na lang ang nangyari. Labis na kahihiyan ang sinapit ng kanyang pamilya dahil sa kagagawan ng lalaking iyon. Sisiguraduhin niyang magbabayad si Nick sa ginawa nito sa kanya.

"Hija, open the door!" narinig niya ang boses ng kanyang ama mula sa kanyang pintuan. Sunod-sunod ang pagkatok nito.

Wala sa loob na pinagbuksan niya ito ng pinto. Agad siya nitong niyakap nang makita siya.

"We are so worried about you! Akala namin kung napano ka na." nag-aalalang saad nito. Tila naman naiiyak ang kanyang ina sa nakitang hitsura niya. Nagkalat ang mascara sa kanyang mukha dahil sa kakaiyak.

"I'll be fine dad." Yumakap siya sa ama.

"That bastard is going to pay for this! I'm going to kill that moron." Nagtangis ang bagang ng kanyang ama. Galit na galit ito. Alam niyang hindi ito nagbibiro dahil kilalang tao ang kanyang ama at marami itong impluwensya. Kayang-kaya nitong gantihan si Nick oras na sabihin lang niya.

"Killing him won't change the fact that he jilted me dad. I want him to pay in a way that he will suffer the pain that is much worse than I am feeling right now. Leave this to me dad, I can survive." Muling nanubig ang kanyang mata. Hindi pa rin siya makapaniwalang nangyayari ang lahat ng ito sa kanya. Akala pa naman niya ay makukuha na niya ang kanyang happy ending.

"Nandito lang kami hija ng daddy mo." anang kanyang ina na hinaplos ang kanyang magulong buhok.

"Don't worry about me. I'm strong enough to get over with this. I am not the suicidal type and you know that." She cracked a joke but her parents were looking at her as if she was the most fragile thing in the world.

"That guy clearly had no intention of committing. I'm gonna kill him when I see that bastard." Galit na saad pa ng kanyang daddy. Panay ang pagkuyom nito ng kamao.

"Enrico, naririnig mo ba ang sinasabi mo?" saway naman ng kanyang mommy.

"We shouldn't waste our time with that man. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito." Determinado siyang gantihan si Nick.

"Ako na ang bahala sa lalaking iyon hija." Hinagod ng kanyang ama ang kanyang likod.

"No dad, leave it to me. Just promise me you'll not meddle with this. It's my fight; I'm not a kid anymore and I can handle everything."

"Just tell me if you need help." Tumango ang kanyang ama.

"I will, but for now I want to be alone." Napabuntong hininga siya at wala sa loob na napaupo sa gilid ng kama.

"Okay, magpahinga ka na muna. Let's go sweetheart." Inakay nito ang nagpoprotestang asawa palabas.

Matagal ng nakalabas ang kanyang mga magulang subalit nanatiling nakatuon ang mata niya sa pintuan. Parang isang malaking biro lang ang lahat. She heard herself sobbed again. She had no choice but to feel the pain para sa mga susunod na araw maging maayos na ang pakiramdam niya.

HINDI makapaniwala si Anne sa kanyang mga plano nang mag-usap sila ilang araw matapos ang dapat ay kasal niya. Dinalaw siya nito sa kanilang mansion. They were having a glass of juice while she was carefully telling her plans.

"Seriously?!" nanlalaki ang mata nito.

"Yes, and that is just the start." Uminom siya ng juice at wala sa loob na tumingin sa malawak na hardin. Sa gilid niyon ay may isang fountain na lumalabas sa isang malaking banga na hawak ng babaeng estatwa. Malakas ang dausdos ng tubig kaya masarap sa tainga.

"Mag-move on ka na lang kaya? Filing a lawsuit will just drag your family into another scandal." Nag-aalalang wika ng kaibigan.

"Hindi na magbabago ang desisyon ko. Magtatanong na lang ako kay daddy kung sino ang kilala niyang magaling na abogado. Besides, matagal na akong sanay sa iskandalo." Marahan siyang napailing. Teenager pa lang siya maituturing na niya ang sariling prinsesa ng isakandalo kaya sanay na siya roon.

"Sabagay desisyon mo naman iyan. Anyways, about your lawyer may kilala akong magaling na abogado." Parang biglang kumislap ang mata ng kaibigan.

"Sino naman?" nagdududang tanong niya.

"Tawagan ko muna siya baka kasi maraming kaso ang hinahawakan niya ngayon. Let's meet him tomorrow kung free siya."

"How good is he?"

"Not just good but he is the best! He was topnotcher in Bar Exam during his time at malalaking tao ang mga nagiging kliyente niya."

Napatango-tango siya. May tiwala naman siya sa kaibigan. Tiyak na hindi naman siya nito ipapahamak, "Okay then, let's meet him tomorrow."

"Alright. How are you now?" nag-aalalang tanong nito.

She sighed. "I'm trying to move on as fast as I can. Kung puwede lang ba na i-fast forward ang buhay ginawa ko na." marahan siyang umiling. Aminado siyang nahihirapan pa siyang kalimutan ang nangyari. Halos hindi siya makatulog sa gabi at kahit ayaw niyang umiyak ay kusang lumuluha ang kanyang mata. Mabuti na lang at nangingibabaw ang galit sa puso niya kaya napipigilan niya ang sariling umiyak at sinisikap na kalimutan si Nick sa lalong madaling panahon. Wala siyang balita sa lalaki at ayaw muna niyang makibalita kung sakali man. Baka makagawa na naman siya ng bagay na hindi niya napag-isipan.

"You'll move on eventually. The process might not be easy but you'll get there."

"Thanks friend. I know I can."

"You have a good heart and you deserved the best. Nick is definitely not the one for you, mabuti na yung nakita na natin kung ano talaga siya bago pa kayo ikasal. He is a total jerk!"

"You're right. Masyado ko lang pinaniwala ang sarili ko na mahal namin ang isa't-isa. Isn't my karma? What you think?" wala sa loob na tanong niya. Hindi naman niya ikakaila ang pagiging sakit sa ulo sa ibang tao. Lalo pa at aminado siyang may ilan din siyang nasagasaan dahil sa pagiging spoiled brat niya.

Namilog ang mata ng kaibigan. "Hindi mo naman kasalanan na maraming lalaking naghahabol saiyo at ayaw mo sa kanila. You are just being honest."

"You are really my friend." Natawa siya. Simula kasi ng magdalaga siya kapansin-pansin ang angkin niyang ganda bukod sa nag-iisang anak siya ng isang kilalang negosyante na si Enrico Sanvictores. Isa ang daddy niya sa may-ari ng isang kilalang Unibersidad at pamilya naman nila ang may-ari ng pinakamalaking bangko sa probinsya.

She was a perfect target of any man. Maraming nanligaw sa kanya at kilala siya bilang isang spoiled brat. Nakukuha niya ang anumang bagay na gustuhin, at kahit tao kapag gusto niyang makuha ay gumagawa siya ng paraan. She even had bittersweet memories of her teens and she had to suffer the consequences of being a spoiled brat.

And then she met Nick seven months ago. She thought he was her Prince Charming dahil kakaiba ito sa mga nanligaw sa kanya. Ito lang ang nagtiyaga sa kanyang mga tantrums at nagpasensya sa kanyang pagiging immature kung minsan. Tinanggap rin nito ang kanyang mga flaws at wala siyang narinig na reklamo mula rito. May kaya din ang pamilyang pinanggalingan nito kaya batid niyang hindi lang pera ang habol nito sa kanya. But everything turned out differently. Si Nick lang ang tanging nakakuha ng puso niya sa dinami-dami ng mga nanliligaw sa kanya. Maybe because she's not getting any younger kaya nagdesisyon na siyang magsettle down at si Nick ang lalaking napili niya.

"Papuntahin ko lang dito si Adam bukas o magkita na lang tayo sa isang restaurant?" tanong ni Anne.

"Sino?" parang may kung anong kakaiba sa pangalang binigkas nito. Sabagay napakarami namang magkakaparehong pangalan.

"I mean the lawyer. I think it's better if we came here na lang siguro para hindi ka na mastressed out sa biyahe."

"I think so. I'll wait you guys here tomorrow morning. Gusto ko na rin naman siyang makausap tungkol sa kasong isasampa ko laban kay Nick."

"Don't worry, everything will be fine."

"Sigurado ka bang makakapunta yang abogadong sinasabi mo? Baka busy rin siya. Just tell me and I'll ask dad to get me another lawyer." Paninigurado niya.

"Don't worry. Tiyak na hindi iyon makakatanggi sa akin." She winked at her. Nagkibit na lamang siya ng mga balikat.

"I'll be expecting you here tomorrow."

"Sure. Ako na ang bahala!" tumago si Anne.

"I'm going to trust you on this." aniya na bahagyang may pagdududa.

"You better be. Mukha bang ipapahamak kita?" umismid ang kaibigan niya.

"I just have this odd feeling. Oh, nevermind." Umiling na lang siya. Para kasing kumikislap ang mata nito kapag nababanggit ang sinasabi nitong abogado.

LIHIM na nagpasalamat si Jenna dahil hindi na halata ang pamumugto ng kanyang mga mata. Mabuti na lang at maayos siyang nakatulog ng nakaraang gabi. Mabilis siyang nag-ayos at nagpahid ng manipis na make-up sa mukha. Ayaw naman niyang magmukhang losyang sa harap ng abogadong kakilala ni Anne. Isang simpleng bulaklaking bestida ang napili niyang isuot. Katulong lang ang mga kasama niya sa bahay dahil nag out of town ang kanyang mga magulang. Mula ng iwan ng kanyang ama ang pamamahala sa paaralan ay sa bangko na lang na pag-aari ng pamilya nito itinuon ang atensyon.

Gusto sana siya ng mga ito na isama dahil nag-aalala pa ito sa kalagayan niya. Subalit hindi siya napilit ng mga ito. Katwiran niya ay matanda na siya at kaya na niya ang sarili niya. Hindi matatapos ang buhay niya dahil lang hindi sumipot ang kanyang husband-to-be sa araw ng kanilang kasal sa simbahan.

"Hello friend! We're here!" masiglang bati ni Anne nang makapasok ito sa kanilang living room. May kasama itong matangkad na lalaki at sa unang tingin mukha itong modelo kesa sa abogado. Isang simpleng poloshirt na kulay brown na hapit sa katawan ang suot nito at binagayan ng maong na pantalon at rubber shoes. Wala man lang itong dalang kahit na ano.

"You?!" halos magkapanabay nilang wika ng lalaking kasama ni Anne. Maliit nga talaga ang mundo. Ang mukhang iyon ang natatanging hinding-hindi niya makakalimutan.

HINDI makapaniwala si Adam na ang magiging kliyente niya ang babaeng kaharap niya ngayon. Ilang appointments ang ikinansela niya dahil sa pangungulit ni Anne na tulungan ang kaibigan nito. Hindi man siya nagduda nang papunta sila sa bahay nito.

"Adam Escudero?" gulat na bulalas ng babae nang makita nito ang kanyang mukha. Bahagya siyang napangiti. So this brat still remembers his name. She was a college freshman when she became his student in Political Science class. Isa ito sa pinakamagaling ngunit ito rin ang pinakapasaway. She was an architecture student back then while he was in his law proper. He was teaching some subjects in that University.

"Magkakilala kayo?" Si Anne halatang nagulat. Isang marahang tango ang isinagot ng binata.

"Please have a seat." Kaswal na wika nito. Sabay silang naupo ng kaibigan sa mahabang sofa.

Lihim niyang pinag-aralan ang mukha ng babaeng nasa harapan niya. How long has it been? It's almost eight years. She became a woman now at mas lalo itong gumanda sa paglipas ng maraming taon. Noon ay slim ang pangangatawan nito but now she got a curves, her skin is still fair as ivory, and her face still looks angelic. Parang nangungusap pa rin ang mata nito, prominente ang tangos ng ilong, at ang labi nitong natural na mapupula. Well, she grown matured kung physical na anyo ang pagbabasehan. Sana naman pati ugali nito ay nagmature na din.

"Something wrong?" nakahalata yata itong pinag-aaralan niya ang hitsura nito.

"I heard what happened." Pormal na wika ng binata. Pahapyaw na naikuwento ni Anne sa kanya ang nangyari sa kaibigan nito. Hindi lang niya akalain na ang tinutukoy nito ay ang nag-iisang spoiled brat ng mga Sanvictores na si Jenna.

"Yes, and I like to sue my ex-fiancé." Deretsong sabi ni Jenna. Gusto niyang mailing ngunit pinigilan lang niya ang sarili. Hindi pa rin ito nagbabago, gagawin nito ang lahat ng naisin. Baka naman hindi nakatiis sa ugali nito ang fiancé nito kaya nagdesisyon itong hindi ito pakasalan?

"May problema ba attorney?" anang dalaga na nakaangat ang isang kilay.

He cleared his throat. "I think you and your ex-fiancé should have a compromise agreement if you want him to pay for the damages."

"Compromise agreement? Huh, over my dead body. I want him to rot in jail! How about the shame and humiliation I felt during that day?" galit na wika ni Jenna.

"It's not that easy. This is a rare case and most of it go through a settlement in court. We'll let him pay for the damages." mahinahong saad ni Adam.

"Excuse me, how can we determine the damages?" sabat ni Anne.

"Well, in some jurisdictions, emotional distress, loss of social standing, and..." tumingin muna ang binata sa galit na si Jenna bago muling nagsalita, "And loss of virginity were also possible sources of damages."

"Walang nangyari sa amin ni Nick!" nanlalaki ang mata ni Jenna sa narinig.

"I am just stating facts Miss Sanvictores." Nagkibit ng mga balikat si Adam. Halatang hindi ito naniniwala sa sinabi ng dalaga.

"Hey, take it easy guys. Nandito tayo para pag-usapan ang mga dapat gawin." saway ni Anne. Mukhang nararamdaman rin nito ang silent war sa pagitan ng dalawa.

"Tell me what I have to do." Bumalik ang composure ng dalaga.

"Your case will fall under the Breach of Promise, and it is subject to litigation for damages." anang binata.

"Is it possible that he'll be imprisoned?" deretsong tumingin ang dalaga sa mata ng binata.

Adam slightly shook his head. "Your ex-fiancé came from a well known family and I'm sure he can afford to pay the damages anytime. Just name the price." prangkang wika ng lalaki.

"No way! Kung pera din lang marami ako niyan. I don't need money." Naikuyom ni Jenna ang kamao.

"Don't worry, if ever the settlement has been reached, I think the court is not letting go of the case of a jilted bride and a runaway groom." Bahagyang ngumiti ang binata na ikinainis ni Jenna.

"Are you making fun of me? Kung hindi mo kayang masolusyunan ang kasong ito. I can find another lawyer!" halos umuusok ang ilong ng dalaga.

"Sure, you may." si Adam. Hindi apektado.

"Ginagantihan mo ba ako dahil sa ginawa ko saiyo eight years ago?"

"Bakit ano ba ang ginawa mo sa akin eight years ago?" may panghahamon sa tinig ng binata.

"Hey guys! Stop it. Calm down okay?" maagap na saway ni Anne.

"I'll find another lawyer." determinadong saad ng dalaga.

"Then fine, find another one. I'm sure pareho lang naman ang sasabihin niya saiyo." Tumayo ang binata, "I have to go. Marami pa akong appointment." Tuluyan na itong lumabas ng pinto.

Naiwang nagpupuyos si Jenna samantalang hindi naman makapaniwala si Anne sa naging takbo ng kanilang usapan.

Continue Reading

You'll Also Like

142K 2.5K 11
Kahit ilang beses na habol-habulin niya ito, walang problema sa kanya. What was important was that they were going to be together in the end. Louis...
98.8K 1.5K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
131K 2.8K 15
"Gusto mo ako? Gusto rin kita. Mas gusto kita. Nandito ako para bawiin ka at protektahan laban sa lahat ng mananakit sa 'yo." Na-curious siya sa ini...
165K 2.6K 10
Minsan sa buhay ni Celine ay nagmahal siya ng isang Ethan Agoncillo. Guwapo, matalino, mayaman at higit sa lahat, palaging nasa tabi niya kapag kaila...