This Way To Tadhana

By Wintermoonie

85.1K 4.4K 1.8K

Published: 11-August 2015 «« COMPLETE »»Isang runaway bride at isang bagong kapitbahay na guapo. Forever na n... More

Prologue
Runaway Bride
Siluriformes
Ang Prinsesa Naging Isang Yaya
Welcome To Calle Serie
LipTunes
One Phone Call
One Cinderella Gown, Please
Cinde-yaya
The Exception
Thinking Out Loud
Chasing Midnight
Ang Suplado At Ang Utal
Ang Pagdating Ni Lola
Payong
1 Message Received
Yaya At The BAEkery
Si Yaya At Si BAEker
Dear Diary
His Painful Past
Lost & Found
Uncertainty
Muling Pagtakas
To The Rescue
With You
ALDUB
Confrontation
A Twist Of Fate
Lost Memories
Letting Go
The Abduction
Stranded
Breaking Free
Sa Tamang Panahon
Set You Free
A New Beginning

AlexDenver_02

2.1K 128 18
By Wintermoonie

Author's Note: Salamat sa kaibigan kong si ceijhey14 (author of "When Mr. Suplado Meets Ms. Popular At The Wrong Time") sa pag-e-encourage saken at sa tips on how to improve my writing skills.

To everyone, if you have any suggestions or kung may moments kayo na gusto niyong isali sa story ko, just leave a comment po and I will gladly include it sa story ko. :-D

Sa lahat ng naghihintay kay Alden, the wait is over. ;-)

ENJOY READING. ALDUB❤KILIGPAMORE

________________________

◀ Chapter 6: AlexDenver_02 ▶

Sa bawat love story, may isang leading man. At para sa leading man, may isang nakalaang prinsesa para makasama at mahalin nya magpakailanman.

Pero malupit yata ang tadhana sa kanya dahil ang nag-iisang prinsesa ng buhay nya ay iniwan sya. And everyone he knew could only imagine how painful it was for him for losing the only woman he loved. Ever since then, nawala na rin ang sigla nya.

Karampot lang ang ngiti na iginagawad nito, mahina lang kung tumawa, at tila nawalan na rin ito ng oras para sa social life nya. Ibinuhos na lang nya lahat ng panahon sa business nila.

"Nasan ka na?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Nandito na ako sa subdivision, Pao." he answered through his bluetooth powered headset habang nagda-drive. "Malapit na ako sa gate ng compound." dagdag pa nito.

"Okay then. I'll tell everyone na lang." and with that, Paolo ended the call. Nagpatuloy lang sya sa pagmamaneho hanggang marating nito ang gate ng B.A.E. Compound.

Ipinarada nya ang kanyang puting sasakyan sa harap ng napakalaking mansyon. Nakahilera na rin ang apat na maid sa hagdan upang salubungin sya.

"Good morning, señorito." bati ng mga ito sa kanya. Matipid naman itong ngumiti sa kanilang lahat bilang tugon at nagsimula ng umakyat patungo sa loob ng mansyon nila.

Tumambad sa harap nya ang floor to ceiling nilang aquarium. Napatingin ito rito at inaalala kung kailan pa nagkaroon ng aquarium dito sa receiving area nila.

"Do you like it?" Napalingon sya sa may ari ng boses na iyon. Kasalukuyang pababa ito sa hagdanan. She was wearing a simple white dress at mamahaling mga alahas. Nakangiti ito sa kanya.

"Tita Ruby!" bati nya rito at sinalubong ang tiya nya ng yakap. "I've missed you, tita." malambing na saad nito bago kumawala.

Nakangiti rito ang tita nya. "Namiss din kita, hijo." sagot nito at hinaplos nito ang mukha ng binata. "It's good to have you back home. Kamusta ang states?" tanong nito at nagsimula na silang maglakad.

"Ayun... states pa rin." matipid na sagot nya. Parang wala itong ganang mag-kwento sa kung ano ang nangyari sa kanya sa ibang bansa kaya hindi naman na nagtanong pang muli ang tita nya. "Kayo? Kayo ang kamusta dito sa mansyon?" pag-iiba nito ng topic. "Kelan pa nagkaroon ng aquarium dito sa bahay?"

Napatawa ang Tita Ruby nya habang inaalala kung paanong nagkaroon ng aquarium sa bahay nila. "It was your mamita's idea." panimula nito at tuloy-tuloy na ang kwento ng tita nya hanggang sa makarating sila sa garden.

Sa gitna ng kanilang napakalawak na garden ay isang dining area na pina-customize din ng mamita nya. Naroon na rin ang iba pang mga kamag-anak nila.

Mukhang nagkakasiyahan na ang lahat dahil malakas ang music at nagtatawanan ang mga pinsan nito. Ni hindi nga ata nila namalayan na nakarating na pala sya.

"KUYA POGIIIIIII!" tawag sa kanya ng pinaka-bata nitong pinsan na si Ryzza. Tumatakbo ito papunta sa kanya at napaupo naman ang binata para salubungin ito. Niyakap sya ng bata at kinarga nya ito. "May chocolates ba ako, kuya pogi?" tanong nito.

"Oo naman. Nasa bagahe ko." sagot nito.

"Anak, baba na at baka mabali ang kuya mo sa katabaan mo." suway ng mommy Ruby nito at bumaba naman ang bata habang sinasabing "mana-mana lang, ma."

"PINSAAAAAAAN!" bati ng mga ito sa kanya at isa isa silang lumapit rito. Huli nyang nilapitan ang pinsang si Paolo na may hawak na orange juice.

"Welcome back, bro!"

"Salamat." matipid na sagot nya.

"Eherm!" napatigil ang magpipinsan sa kanilang mga pagsasalita ng narinig nila ang pagtikhim na iyon. Napalingon ang lahat, pati na rin sina Tita Ruby na hawak hawak si Ryzza. "Paparating na si Mamita. Go to your places na."

Agad namang umayos ng upo ang magpipinsan, sa right side ng kabisera sya naupo. "By the way, welcome home." pahabol nito na nakahawak sa magkabilang braso nito.

"Thanks, ate Julia."

Ilang minuto pa sila naghintay na dumating na rin ang hinihintay nila para maupo sa kabisera. Isang may edad na babae ang dumating. Maiksi lamang ang buhok nito at halata sa pananamit nito kung gaano ito kayaman at kasosyal. Malalaki ang bato sa singsing nito.

"Good noon." nakangiting bati nito sa lahat.

"Good noon, mamita Celia." sabay-sabay na bati ng mga ito habang umuupo naman siya sa kabisera at nagsimula ng ihanda ang kanilang pananghalian.

Tinignan nya isa-isa ang lahat ng naroon. Masasaya silang lahat na nagsasalo-salo sa hapagkainan. Looking to her left side ay ang mag-inang Ruby at Ryzza, sunod sa upuan ay ang mga binata nitong apo na sina Jayvee, Micheal at Jay. To her right sat Julia, Paolo and the closest to her ayn yung apo nyang kadarating lang galing ng Amerika. Hinawakan nya ang kamay nito. Napatingin sa kanya ang apo at ngumiti sya rito. "It's good to have you back home, Alden."

Napatingin ang lahat sa gawi nila. "Oo nga, kuya. Namiss ka naming lahat. Ang dami naming kwento sayo ngayon." sabad ni Jay.

"That's right. You actually missed a lot of happenings here." sabi naman ng half-australian cousin nitong si Micheal.

Halos lahat ng mga pinsan nyang narito ay nasa abroad ang mga magulang kaya lahat sila ay dito sa mansion nakatira. Except for Paolo and Julia who has their own condo units sa Makati at Taguig dahil mas malapit ang mga trabaho nila doon and pumupunta sila dito tuwing weekends at kapag may gatherings.

Everyone in this family loves him. They are all very supportive of each other at iyon ang sobra nitong namiss dahil sa pamamalagi nya sa Amerika nitong nakaraang walong buwan.

Kinagabihan, all the boys decided to have a party at the same spot. Ang dami nilang kwento sa kanya while he was away. Napag-alaman nitong sumali sa isang school competition ang tatlo nyang mga nakababatang pinsan kaya ngayon ay pinpa-"practice" daw nila ang sasayawin nila, pero ang totoo nagkakatuwaan lang yung tatlo para sa Video Blog nila sa YouTube.

Si Paolo naman kinwento ang plano nitong vacation sa Thailand. Meron din itong binanggit tungkol sa kakambal nya pero nakalimutan na ni Alden kung ano iyon ng sandaling napatingin sya sa gawi ng mansion kung saan naaninag nya na nag-uusap ang tita Ruby at ate Julia nya.

"As I was saying," saad ni Paolo na nagpabalik sa kanyang presensya kasama sila. Umakbay ito at ininom ang alak na nasa shot glass bago nito ituloy ang sasabihin. "I got you an account. Halika, I'll show you." at hinila sya nito papunta sa isang coffee table sa sulok kung saan nakapatong doon ang isang laptop.

Paolo reached for a piece of paper on his pocket and started typing something on the keyboard. They both waited for the screen to load and when it finally does, Paolo smiled widely. "This application is called LipTunes, bro. May mobile version din ito pero medyo may lags pa kaya dito muna sa laptop ko dinownload. Tester kumbaga."

Alden merely looked at it showing no interest. "I don't have time for that. Facebook ko nga hindi ko na ina-update, yan pa kaya?"

Aalis na sana sya ng pigilan sya ng pinsan nya. "You don't have to update it naman." He looked confused sa sinabi ng pinsan nya. "Isa itong social media wherein puede kang gumawa ng videos pero lip sync ito, OR..." Alden waited for his cousin to finish his sentence with one eyebrow raised. "Puedeng panoorin mo yung mga video ng ibang tao."

Magsasalita pa sana si Alden para sabihin sa pinsan na kung gusto nyang manood ng videos, may YouTube naman na available. Pero huli na.

"Katulad nito, tamang tama may nag-broadcast ng video. Ibig sabihin live nilang ginagawa ito ngayon. Tignan mo!"

At wala na nga itong nagawa kundi tignan ang video na yun. It was a video of obviously two young ladies lip singing and making faces to the tune of Mr. Kupido.

Hindi nila maaninag ang muka ng dalawang babae dahil naglagay sila distorted effect. Yung isa sa kanina malaki ang mata sa screen at yung isa naman yung labi nya ang pinapakita.

Pero nakakatuwa naman yung pinapanood nila. Hindi ito yung tipo ng video na maiinis ka dahil may babaeng gandang ganda sa sarili, hindi rin yung tipo ng video na mababadtrip ka dahil papansin yung gumawa nito. Ito yung tipo ng video na kapag pinanood mo, matatawa ka, maaaliw ka, at gusto mong ulit-ulitin pa. Kaya lang, dahil live broadcast nga, wala itong replay option.

Napangiti ito ng bahagya.

"YEEEEES!" sigaw ni Paolo sa tabi nito with his fist on mid-air na akala mo may napanalunang kung ano.

"Kuya Pao, ano meron dyan?" Jay asked and everyone went to their direction.

Tumingin ito kay Alden, nagtaka tuloy ang isa. "I somehow managed to make this guy smile." buong yabang nitong saad at namangha naman yung tatlo.

Masyado na bang matagal simula nung huling ngumiti ako? Alden asked himself habang ang mga pinsan nya ay umaapir sa kanilang kuya Paolo.

"Sakto, online pa yung gumawa ng video oh." turo ni Paolo sa laptop. "Chat mo na, para naman kahit sa virtual world man lang may social life ka. If ever you need the username and password, eto yung papel oh." saad nito saka tumayo para pumunta sa bar counter leaving the piece of paper to Alden's hand.

User ID: AlexDenver_02
Password: Hello1234

Sumunod naman yung tatlo kay Paolo at nagpagawa sila ng kanilang inumin habang naiwan sya sa area na yun.

Alden was hesitating kung papatulan nya yung suggestion ng pinsan nya or just ignore it and join the party. For a split second, he was ready to get up from his seat and get a shot of tequilla when his hands suddenly decided to have a mind of its own and found himself staring at the notification box that reads:

You have requested divina_ubs to be your friend.

Continue Reading

You'll Also Like

31.9K 1.1K 44
"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is...
253K 3.1K 57
magkaka anak si glaiza sa bf nyang si Denis dahil sa hirap ng buhay at namatay ang kanyang ina iiwan nya ito sa isang malaking bahay at aamponin it...
14.9K 167 90
"Hindi sapat na dahilan na nagmahal ka lang kaya ka nang-agaw,sana naisip mo rin na may ibang tao kang masasaktan.Hindi masama ang magmahal kung wala...
35.7K 963 30
The Continuation of [My Cousin Slash Fiancé] Book 2 (A/N: Yung dati ko pong ipinublish na book 2 is a disaster. Kaya po nirewrite ko po siya. Yun lan...