Married to a Mafia Boss - COM...

By VYouthiful

3.5M 85.2K 5.1K

Pupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay par... More

Married to a Mafia Boss
Chapter 1: Katherine
Chapter 2: Near
Chapter 3: Alexander
Chapter 4: Threatened
Chapter 5: They want Marriage
Chapter 6: Meeting
Chapter 7: New Home
Chapter 8: Married
Chapter 9: Angry
Chapter 10: Avoid
Chapter 11: Bloody Shower
Chapter 12: Marked
Chapter 13: Attached
Chapter 14: Invisible Man
Chapter 15: I'm His Wife
Chapter 16: Attacked
Chapter 17: Getting Closer
Chapter 18: Kill (part I)
Chapter 19: Kill (part II)
Chapter 20: Setting Goal
Chapter 21: Date (part I)
Chapter 22: Date (part II)
Chapter 23: Family
Chapter 24: Run
Chapter 25: Caught
Chapter 26: Lies
Chapter 27: Stay Away
Chapter 28: Hurt
Chapter 29: His Turn
Chapter 30: Revelation
Chapter 31: Aftermath
Chapter 32: What is Love?
Chapter 33: Addictive
Chapter 34: Fear
Chapter 35: De Javu
Chapter 36: Red Alert
Chapter 37: Unknown
Chapter 38: All My Life
Chapter 40: Changes
Chapter 41: Memories of the past (Part I)
Chapter 42: Memories of the past (Part II)
Chapter 43: Memories of the past (Part III)
Chapter 44: Something's Strange
Chapter 45: Tryst
Chapter 46: Game Plan (part I)
Chapter 47: Game Plan (part II)
Chapter 48: One Blood
Chapter 49: Escape
Chapter 50: Bulletproof
Chapter 51: Make it Fair
Chapter 52: Now and Forever
Epilogue

Chapter 39: Her Other Side

55.8K 1.2K 98
By VYouthiful

Naisip kong mas maganda kung sa 3rd person ang POV para mas dama! Hihi enjoyyy :)

----------
----------

Third Person's POV

Aburidong bumaba si Alexander ng hagdan habang sinusubukang i-contact ang asawa. Sobra ang pagkainis na naramdaman niya nang makitang wala ito sa kwarto nito at maagang umalis para sa foundation day ng school nila. Makailang-ulit na niya itong tinatawagan pero hindi naman sumasagot kayo lalong umiinit ang ulo niya.

"Hi boss!"

"Good morning bossing!"

"Boss!"

"Sir boss!"

"Boss!"

"Mr. Cordova"

He tuned them down and kept himself busy calling his wife. And she's not answering! What the hell!? Just what the fvcking hell!??

He felt his throat dried so he went to the kitchen to get some water and cool himself down, still dialing his wife's number. He was about to drink the water in his glass but a vibrating phone in the kitchen counter caught his eyes.

She left her phone??

But what confused him the most was the fact that his wife's phone is on silent and vibrate mode. He knows how much she loves her ringtone to the point that she'll wait for the song to end before answering. Or maybe she'd been so busy this past few days for the preparation that she wanted to be on focus?

He picked up the phone and went back to the assholes. "Prepare" they all went to the basement and gathered all the weapons they need. Mabilis ang naging kilos nila sa paga-assemble ng iba't ibang klase ng mga baril. Nakuha na rin nila ang blueprint ng school kaya alam na nila kung saan sila pupwesto.

"Let's go" with that, they all hopped in to their own cars, way to his wife. He'll never let anyone hurt his wife. She didn't know how to fight yet and she's scared! Why did he let his guard down anyway? Ahh.. His busy with his wife, staring at her, smelling her.. How could he be so fvcking useless!?

'A good day to kill your beautiful wife'

Damn it! I swear if I saw any scratches on her body, they'll be in hell!

The gate is freaking wide open and the outsiders are allowed to go in. Ipinark niya ang kotse ilang metro ang layo mula sa school kasama ang mga tauhan niya. Sa likod sila dumaan at pinatulog ang dalawang gwardiyang nakabantay. Naglakad na siya palayo ng nakapamulsa kasama sina Darren, Drake, Gino at Edward habang nagpaiwan naman sina Grey at Zach para kunin ang uniform ng dalawang gwardiya.

Naghiwa-hiwalay na sila para makapaghanda pero siya, well, wala naman siyang ibang balak gawin kundi hanapin ang asawa niya. Pero kanina pa siya nagpapaikot-ikot ay wala siyang Katherine na nakita. Hindi rin niya makita ang mga kaibigan nito.

Where the hell is she!??

He's always composed and calm, pero pagdating sa asawa niya, laging buhay ang lahat ng cells niya sa katawan. That explains why he is about to explode now! Pakiramdam niya ay umaakyat na lahat ng dugo sa ulo niya at gusto nalang niyang sagasaan ng limampung ten wheeled truck ang lahat ng tao dito para makita na niya yung asawa niya. And he is damn serious.

Everyone around him is happy. Smiling and laughing. While he? Well he's far beyond pissed! Kung bakit ba naman kasi iniwan pa ang phone nito?? Hindi tuloy niya matawagan at mapuntahan! Sobra na! Pero kung gagawa naman kasi siya ng eksena ay baka mapasama naman sa mga magtatakbuhan ang asawa niya! This is fvcking irritating!

--

"Mga bwiset talaga yung mga yun! Ang sabi ko 7 dapat nandito na! Alas-otso na! Punyeta!"

Gigil na gigil si June at gusto ng manghampas ng kahit na sino sa sobrang inis. Lumapit sa kanya ang treasurer ng student council pero hindi naman siya mahawakan sa sobrang takot. "Sec. kalma.. baka ano.. traffic. ganun." lalo namang uminit ang ulo niya sa narinig. "Ganun? ganun!? Kilala ko ang mga 'yon at baka nakahilata pa sa higaan ang mga 'yon!" nakakaimbiyerna talaga! Hindi pa sinasagot ng mga gaga ang tawag niya! Kahit naman kasi traffic ay sasagot ang mga 'yon kaya mas kumbinsido siyang baka tulog pa ang mga ito.

"Arghh!" sinipa niya yung isang steel chair saka nagmartsa palabas SC room. Wala na siyang pakialam sa mga matang nakatutok sa kanya dahil sa suot niyang maid costume para sa maid café ng student council. Hinakot niya yung tatlong gaga para hindi siya mag-isa sa kamiserablehan ng araw na 'to. Ang kaso nga lang ay mukhang in-indian naman siya!

Pakaunti na ng pakaunti yung mga tao sa dinaraanan niyang hallway. Mabuti nalang at nakasalubong niya si Kate na naka-costume na. "Hoy babae! Dumiretso ka na sa SC room! Dalian mo!" sabi niya saka mabilis itong nilagpasan "Saan ka pupunta??" agad na tanong nito sa kanya na sinagot naman niya ng gasgas na linyang: "Sa impiyerno! Sasama ka?" pero isang bulong sa hangin ang hindi alam kung papaanong nakaabot sa mga tenga niya.

Mabilis siyang lumingon pero wala na si Kate sa kinatatayuan nito kanina. Nawala agad? Well, she's a runner. Baka nga nagmamadali ng pumunta sa SC room 'yon.

Nagpaikot-ikot siya kung saan-saan para mahanap yung dalawa kaso wala talaga. At naiihi na siya! Peste! Lagot talaga ang dalawang yun sa kanya pag nakita niya. Lumiko na siya papunta sa ladies room. Walang mga tao at nagpapakabusy pa sa paghahanda ng mga kanya-kanyang booth. Nyeta. High school lang ang peg. Naiirita siya sa mga ganitong gathering na paulit-ulit na pinaranas sa kanila mula high school hanggang ngayon! Nakakainis lang na mukhang siya lang ang may ganitong problema sa kanilang lahat! Hindi ba nila alam na nakakasawa at nakakabwisit na!? Ewan din ba niya kung bakit siya naiinis eh-

SHIT!!

--

"Twelve"

Nakaka-labindalawang kalabit na ng gatilyo si Grey at pang-dose na rin yung lalaking bumagsak. Hinila niya yun papunta sa medyo tagong lugar para hindi makita ng mga ordinaryong sibilyan. Kinakabahan siya sa hindi niya malaman na dahilan. Usually kapag ganitong alam naman nilang may kalaban ay chill lang siya.

Pero iba ngayon. At alam niyang hindi sa dami, strategy o galing ng kalaban siya kinakabahan. "May mangyayari dude" rinig niyang sabi ni Zach sa gilid niya habang lumilinga-linga sa napakaraming tao. "Tingin ko nga" alam niyang hindi lang siya ang nakakaramdam 'non. Lahat sila. Sila kasi yung mga tipong instinct ang laging pinapagana at kapag sinabi niyang lahat, their boss is included on the list. Nakakapagtaka lang na wala pang sini-signal ito ngayon.

Nahanap na kaya niya si Miss Kate?

--

"Hi! Hihi you're so pogi naman kuya~ anong name mo?"

Bungad kay Gino ng isa sa mga estudyante na nagpapacute pa sa kanya. At nag-uumpisa na siyang mairita! Kanina pa kasi siya paikot-ikot at nahihilo na din kakahanap sa taong 'di naman niya makita! 'Di ba dito naman rin nag-aaral yun? Bakit wala?? Baka mamaya nakipagkita na pala sa kung sinong mukhang engkanto 'yon! Tss. Sana lang may taste din yun tutal napaka-arte naman.

"Uyy.. wanna hang out? I'm free tonight." sabi sa kanya ng isang babae na maputi, sexy, kissable ang lips, at.. mukhang clown. Pustahan pag walang make-up 'to mukha 'tong bisugo! Wala naman siyang interes kaya magtatanong nalang siya "Do you know April Daelman?" the woman's face suddenly held anger. "So you're looking for the Queen Bitch?? Ha! She's gross!"

Bigla niyang naikuyom ang kamao niya. Nabubwisit siya ginawang panlalait ng isang clown sa isang diwata! Tangna! Kung makalait feeling niya malinis siya! Pusta kotse maluwag na 'to! Tangina nakakabadtrip! "Hey hey dude halika na baka hinahanap ka na ng girlfriend mong si APRIL" sabi ni Ed matapos siyang akbayan at napangiti siya sa sinabi nito "Yeah. The Queen Bitch deserves my time a hundred times more than a worthless bitch." umalis na sila pagkatapos ng linyang yun at walang sabi-sabing binigwasan siya ni Ed "Fvck! What was that for!??"

"Muntik ka ng mabaril gago! Pwede ba trabaho muna? Ha??" sus! Kung makapagsalita naman 'to akala mo hindi aligaga kanina sa paghahanap kay May. Alam naman niya ang nangyayari sa dalawang ito. Chismoso kaya siya! "Nakita mo ba sila?" mabilis itong umiling na lalong nakapagpakaba sa kanya. Kanina pa niya nararamdaman 'yon. Hindi naman kasi kalakihan ang university na 'to at mahigit isang oras na silang naghahanap pero wala pa rin.

Ang pinaka-nakakapagtaka ay bukod sa pakalat-kalat na mga kalaban ay wala pang nangyayaring kakaiba. Pero sigurado siyang may hindi tama dito.

--

Kanina pa parang tangang sumusunod si Drake kay Darren at kitang kita niya kung paano nito hagurin ng tingin ang mga makukulay at pambabaeng booths. Sinasabi ko na nga ba't may maitim na sikreto 'to eh. Front lang talaga si Sam!

Nagtataka kasi siya kung bakit pa easy easy lang ito samantalang andaming nagkalat na mga kalaban sa paligid. Kanina nga muntik na itong mabaril. Buti nalang naunahan niya dahil mas mabilis siya. Inuuna pa kasi ang kabaklaan ng gago! Nakita niya itong pumasok sa isang maid café kaya sumunod pa rin siya. Malapit na siyang makapasok nang- "Shit! Bulag ka ba!?" nakasumbrero ang lalaking bumangga sa kanya at nakasuot ng leather jacket. Like seriously?? Siya nga naiinitan na sa white shirt na suot niya tapos ito nag jacket pa! Sumakit tuloy ang mata niya.

Nakayuko na umalis yung lalaki sa harapan niya at naglakad palayo. Tuluyan na rin siyang pumasok sa maid café at pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid. Pero ni anino ng pakay ay di na niya makita. Anakanang! Bwiset! Nabaliwala ang matagal na pagsunod niya sa gagong Darren at baka sa mga booth naman ng kalalakihan nagsuot yun! Tangna! Kung kanina ko pa vinideohan eh di sana maganda!

At dahil mukhang wala naman siyang ibang choice ay mag iikot-ikot nanaman siya para magligpit ng iba pang mga 'kalat'. Aalis na siya para matapos na 'to at ng--
























*BOOOOOMMM!!!*

--

Tarantang nagtakbuhan ang mga sibilyan palayo sa pagsabog na naganap naman sa open field. Nakakarinig na rin sila ng mga putok ng baril at ang ilan ay tinamaan pa ng ligaw na bala. Kasalukuyang nakikipag palitan ng nga bala ang mga tauhan ni Alexander sa mga kalaban habang siya ay abala sa pagtulak ng kung sino para lang mahanap ang asawa niya.

"KATHERINE!!" paulit-ulit ang pagsigaw niya sa pag-asang maririnig siya nito at pupunta sa kanya. Pero wala. Sina Zach, Gino, Grey, Drake at Ed ay bahagyang lumapit sa kanya para i-cover siya dahil deretsahan na siyang pinupuntirya ng mga kalaban. Gigil na gigil naman sila habang nakikipag palitan ng putok sa mga kalaban na gustong patayin ang boss nila. Hindi sila papayag. Pagagapangin muna nila sa nagbabagang apoy ang mga ito bago magawa ang plano.

Paulit-ulit lang ang ginawang pagsigaw ni Alexander at wala siyang pakialam sa paligid niya kung mistulan ng world war ang background niya. Kailangan niyang mahanap ang asawa niya dahil kung hindi.. mas malala pa ang mangyayari sa paligid niya. Medyo nag uumpisa na nga. Nababaril na niya ang mga tauhan niya at natutuwa na siya. Nanginginig na ang mga kamay niya at nanggigigil na siya. Kulang pa ang bala. Gusto niya ng bomba.

Natigilan siya ng makita ang isang pigurang tumatakbo palayo. Wala sa sariling sumunod siya dito dahil hindi siya pwedeng magkamali. Sumunod siya dito papuntang garden habang nakasunod ang mga tauhan niya. Nakita niyang sinalubong ito ng kapatid niya na kasama si Darren. 'Anong ginagawa ni Arianni dito?'

"Katherine!" sigaw niya sa pangalan ng asawang nanatili lang na nakatalikod sa kanya. Humarap sa kanya ang kapatid na naka doctor's coat pa at may hawak na baril. "Nagsidatingan ang mga ambulansya dito kuya kaya sumama ako. Are you ok??" bakas ang pag-aalala sa mukha nito pero hindi niya iyon pinansin dahil nakatingin lang siya sa likod ng asawa niya at hinihiling na sana ay humarap ito sa kanya.

Nakamasid lang ang lahat at walang kumikibo. Nakangiti naman si Alexander habang nakatingin sa likod ng asawang kanina pa niya hinahanap. Ngunit agad nawala iyon nang makita ang hindi inaasahan na gagawin ng asawa niya.

Nanlaki ang mga mata at nagulat ang lahat nang ipinalibot ni Katherine ang isang braso sa leeg ni Arianni at malakas ang pwersang sinipa ang likod ni Darren, dahilan para masubsob ito sa paanan ni Alexander. Uminda ito ng sakit sa likod at dahan-dahan tumayo. Naagaw na ni Katherine ang baril na hawak ni Arianni at itinutok ito sa ulo ng kapatid niya. Naka-nganga naman si Alexander at di makapaniwala sa ginawa na asawa niya. Or at least that's what he thought. Dahil habang nakatingin ngayon sa babaeng nasa harap niya, hindi niya makita ang masayang kislap sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. There's nothing but hatred in her eyes.

Hindi ito ang asawa niya. Ito ang babaeng matagal niyang di nakita dahil iyon ang pinili niya. Para maprotektahan silang dalawa sa kung anong masama na maaaring mangyari. Ngunit habang nakatingin siya ngayon sa mga mata nitong walang buhay at puno ng galit, parang biglang dinaganan ng tone-toneladang truck ang puso niya. Nanginginig ang buong katawan niya 'di dahil sa kagustuhang pumatay kundi dahil sa takot na mawala ang babaeng pinakamamahal niya. Hindi siya papayag! Mamamatay muna siya bago pa maisipan nitong iwan siya!

Humakbang siya palapit dito at sa pangatlong hakbang ay nakarinig sila ng mga kaluskos at kasa ng baril. Lalong nakadagdag sa pagkabigla nila ang pagdating ng mga kalaban na nakalimutan nila dahil sa mga pangyayari.

"P*tang*na! Sabi ko na nga ba eh! Hayup ka!!" nanggagalaiting sigaw ni Gino habang nagpipigil bumigay sa galit yung iba. Pero mayamaya lang ay halos sabay-sabay na itinutok nila ang mga baril kay Seth na nakatayo na sa tabi ni Katherine. Handa itong makipag barilan sa kanila at nang kakalabitin na nila ang gatilyo ay nakarinig sila ng galit na boses.

"Ituloy niyo 'yan at ididilig ko ang dugo ng babaeng 'to sa mga bulaklak dito." nanigas sila sa narinig at 'di malaman kung magpapadala ba sa galit na boses ni Katherine o papatayin ang lalaking kinagagalitan nila ngayon. Hindi nila ibinaba ang mga hawak na baril at tinitigan ng masama si Seth. "Katherine.. we'll talk. Just put that gun-"

"At sino naman nagsabing makikipag usap ako sa'yo? Tingin mo maniniwala ako sa mga kasinungalingan mo?" her eyes held pure hatred as she glare back at him. "Pinatay mo ang pamilya ko. Kaya uubusin ko rin ang sa'yo.." she took a sideway glance at Arianni bago nagpatuloy "..sa tamang panahon." saka malakas na inihampas ang baril sa batok ni Arianni at itinulak pahiga sa damuhan. Tinitigan ni Katherine ng maigi ang mga mata ni Alexander na mamasa-masa nabsa luha, saka taas noong tumalikod at naglakad palayo.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Alexander at mabilis na humakbang para habulin si Katherine ngunit may biglang nanuot na sakit sa balikat niya dahil sa bala. Nakita niyang tumigil sa paglalakad si Katherine. Maaabutan pa niya! Konting lakad pa at-



*bang!*



"Boss!" agad pinaulanan ng bala nina Ed, Grey at Gino ang mga kalaban na nakapaligid sa kanila. Sina Darren at Drake naman ay nakaalalay kay Alexander and at the same time ay bulletproof dahil may tama na rin ng bala ang binti niya. Si Zach naman ay dali-daling binuhat si Arianni at pumwesto sa likod nila para hindi matamaan ng bala ang kapatid ni Alexander.

Marahas na tinabig ni Alexander ang mga braso bila Darren at Drake. "K-Katherine.." mabilis nilang nahawakan ito nang akmang tutumba na ito. "Katherine.." Alam ni Darren na hindi lang dahil sa tama ng bala nanghihina si Alexander. Emotional pain. Sa lahat ng taong kilala niya ay si Alexander ang may pinakamalakas na will power. Kahit ilang beses na nabugbog at natamaan ng bala ito noon ay ni minsan hindi ito nagpakita ng kahinaan. Di tulad ngayon na mahigpit na ang kapit sa mga balikat nilang namamanhid na sa kirot.

Fortunately ay marami pang mga tauhan nila ang natira kaya na-cover sila ng maayos hanggang sa makalabas sila ng school mula sa likod. Dali-dali nilang idineposito sa sasakyan ang magkapatid na Cordova at pinaandar ang mga kotse kasabay ang huli nanamang pagdating ng mga pulis.

"K-Katherine.." tumingin sa rearview mirror sina Darren at Drake para silipin si Alexander na paulit-ulit binabanggit ang pangalan ng asawa. Pero agad din naman inalis ang tingin nang makita ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata nito. Mahinang napamura si Drake habang si Darren naman ay mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng kotse papuntang ospital.

--

Walang halong emosyon at taas noong naglakad si Katherine papasok sa isang napakalaking mansyon. Napapalibutan ng sandamakmak na bodyguards habang naglalakad siya sa hallway papunta sa pakay na opisina. Hindi siya nilayuan ng mga ito kahit na nakaalis na sila sa school.

Nang makarating sa opisinang pakay ay pinagbuksan siya ng pintuan ng dalawang bodyguard. Tahimik siyang pumasok sa loob. Nakita niya ang isang lalaking nakatalikod at nakaharap sa bintana. Dahan-dahan itong lumingon sa direksiyon niya at kitang kita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito. Ang maganda nitong mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi na minsan rin niyang nakalimutan.

Hindi na nito napigilan at patakbo itong lumapit sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit. Nanginginig ang mga kamay nito pati na rin ang baba nito na nakapatong sa balikat niya. Umiiyak ito. Dahan-dahan niya ring itinaas ang mga braso niya para gumanti ng yakap dito. Pagkalipas ng ilang saglit ay bumitaw ito saka hinahawakan ang magkabilang balikat niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at nagpaulit-ulit pa. Nakatitig lang siya dito habang bakas ang di mapaliwanag na saya sa mukha nito.

"I really can't believe this. Nandito ka na.. sa harap ko." tumawa pa ito habang patuloy na umiiyak sa sobrang saya. "Akala ko.. akala ko.." hindi na nito tinuloy ang sasabihin at muli siyang niyakap ng napakahigpit. "You're finally home, Katherine.. Welcome home."

Hindi niya malaman kung anong dapat niyang maramdaman ng mga oras na 'yon. Puno ng galit ang puso niya. "Yeah. I'm home..

















..Mike."

***

A/N:

DANDANDANNNN!!!

Start na ng mas matinding revelations! What can you say? Comments? Suggestions? Violent reactions? Hahaha xD

-BubblyPrincess10

Continue Reading

You'll Also Like

11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
122K 5.8K 44
Rival Series 3 -Completed- Book cover by: Rosehipstea
483K 13K 30
Story Cover by: IskaChuche Completed "Going somewhere, Ms. Issay Segundo?" Napaatras ako sa pagkabigla ng nasa harap ko ang lalaking kanina ko pa tin...
1.7K 95 24
Mihaela Lavander Sodello is an childish innocent fresh college graduate from her course Bachelor of Arts in Creative Writing when she was dared by on...