100 Days Friends with Benefits

Bởi HanHyeWon

829 14 1

Serena Alison Nichols ay isang babaeng may matagal ng tinatagong feelings para sa kabarkada niyang si Wyatt T... Xem Thêm

Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four

Chapter One

355 4 0
Bởi HanHyeWon

ALISON'S POV:

"Hey girls!" –Ali.

"Ang tagal mo Ali ha?" –Sue.

"Ano ka ba Sue, may bago pa ba kay Ali aside sa pagiging always late niya?" –Amber.

"I'm sorry guys. Late na kasi akong nagising eh!" –Ali.

"Alam niyo tara na kaya. Late na tayo para sa meeting no." –Tris.

"Come on guys. Let's go." –Ali.

Papunta kami sa conference room ng school namin dahil may meeting kami para sa upcoming acquaintance party for the freshmen students of our department –BM department. Lahat ng mga BS in Business Management ay magkakaroon ng acquaintance party next week at kami ang magpaplano para sa event dahil isa kami sa mga officers nina Sue, Amber at Tris.

Since high school friends na kami nina Sue, Amber at Tris at hanggang ngayon na 3rd year college na kami friends parin kami. Pero mas nauna kaming naging friends ni Amber kaya minsan mas naiinitindihan namin yung isa't-isa.

"Wait can I just call Timmy? Dapat kasi magme-meet kami ngayon bago magstart yung class ko, but since may urgent meeting tayo magpapaalam na lang ako sa kanya na hindi mo siya mame-meet." –Sue.

"Ano ba yan Sue puro boyfriend inaatupag mo." –Tris.

"Tris, wag ka kasing bitter." –Sue.

"Excuse me. I'm not bitter, okay?" –Tris.

"Whatever." –Sue.

"Sige na tawagan mo na si Timmy. We'll wait for you inside." –Amber.

Pumasok na kami sa loob ng conference room at nandun na din yung ibang mga officers at execom. At bilang president ng department namin ako ang magsisimula ng meeting namin.

"Good morning guys. Alam kong kanina pa kayo naghihintay, I'm so sorry kung na late ako. Anyway, our meeting for today is about the upcoming acquaintance party and wala pa tayong napipiling theme. Any suggestions guys?" –Ali.

"Why don't we have a mascarade ball tapos yung theme is black and white?"

Halos lahat sila nagbigay na ng kani-kanilang idea para sa theme ng acquaintance party. Pero wala pa rin akong magustuhan na idea. Gusto ko kasi yung bongga yung pag-uusapan ng buong campus para mas maraming ma-encourage na lumipat sa department namin.

"Well, that's a great idea but we need more ideas. Anyone?" –Ali.

"Why don't we make a contest? Pagandahan ng suot for boys and girls?"

"What parang best in costume?" –Tris.

"Parang but we'll call them as lovely prince and princess. Tapos yung ball pang fairytale yung theme para maganda diba?"

"Know what that's a really great idea. A mascarade ball na fairytale yung theme tapos may contest pa for sure all the girls in our department will wear their best dresses." –Sue.

"I like your idea. So lahat ba agree para dun?" –Ali.

Nagtaas ng kamay lahat ng nasa conference room para mag-agree sa theme ng party.

"So ang kailangan na lang natin is yung list ng mga best caterings para sa foods natin. Amber pwede bang ikaw na lang ang bahala dun?" –Ali.

"Sure. I'll ask my mom to help me for that." –Amber.

"Sue ibigay mo sakin yung list para sa budget natin and then Tris ikaw na bahalang maghanap ng hotel para sa event natin." –Ali.

"Mamaya ko na lang ibibigay yung list para sa budget kukunin ko pa kasi sa office ng department head." –Sue.

"Okay. So yung iba kayo na ang bahalang magpost ng details about the party around the campus para malaman ng lahat ng BM students dito sa school natin. That's all, meeting adjourn. Thank you for cooperating guys." –Ali.

Isa-isang naglabasan yung mga co-officers at execom members sa loob ng conference room. Kami na lang nina Sue, Amber at Tris yung natira.

"Excited na ako sa party natin. Sana isa satin yung manalo sa contest no?" –Sue.

"Of course. I'll make sure of that dahil ako yung mananalo." –Tris.

"Wow! Ang taas din ng self-confidence mo Tris ha?" –Amber.

"Of course." –Tris.

"Tigilan niyo na nga yan. Pumasok na tayo."

-----

"Luke, kanina pa ba si Sir?" –Ali.

"Hindi bago lang." –Luke.

Pumasok ako sa loob ng classroom at umupo sa tabi ni Luke. Kabarkada namin siya nina Amber, naging close siya samin dahil bestfriend siya ng boyfriend ni Amber na si Chase.

"Mr. Collins super late ka na naman. Thirty minutes na lang matatapos na yung klase natin at may kiss mark ka pa sa labi." –Sir Jefferson.

"Sorry sir. Yung mommy ko kasi eh sobrang sweet." –Timothy.

Nagtawanan yung mga kaklase namin at dahan-dahang pinunasan ni Timothy ng hankies niya yung lipstick sa labi niya. Siya ang older brother ni Amber, he's one year older than us pero same year level lang siya samin.

Umupo siya sa tabi ko. Si Timothy yung long-time boyfriend ni Sue, since 4th year high school kami mag-on na sila. Ang swerte ni Sue kay Timothy kasi mabait na, caring, sweet at gwapo pa. I admire Timothy kung paano niya dinadala yung relationship nila. Kahit na sobrang mataray at selosa minsan si Sue siya pa rin yung nagpapasensiya at unang nagbababa ng pride niya para lang magkabati sila. Relationship goals diba? Kung ako lang din gusto ko din ng boyfriend na gaya ni Timothy. Pero wala eh! Wala akong mahanap na gaya niya.

"San ka ba galing Timothy?" –Ali.

"Nagkita pa kasi kami ni Sue bago ako pumasok dito eh." –Timothy.

"Kaya pala may lipstick sa labi mo kanina. Hanep bro!" –Luke.

"Sira ulo ka talaga Luke. Bat di mo na lang kasi yayain magdate uli itong si Ali para naman may pagka-abalahan ka. Halata naman na gusto mo pa rin siya." –Timothy.

Ayan na! Uungkatin na naman nila yung past.

"Pwede ba guys, wag niyo nga akong isali diyan sa pinag-uusapan niyo dahil hindi ako bingi." –Ali.

"Sus! Kunwari ka pa Ali. Alam ko na mang mutual eh." –Luke.

"Oh shut up Luke. You know I don't like commitments." –Ali.

Naging kami ni Luke, nung first year college kami pareho. Niligawan niya ako at sinagot ko siya dahil gusto ko sanang e-try yung feeling ng may boyfriend dahil NBSB ako. Kaya lang hindi nagwork yung relationship namin. We always fight for small things at lagi niya rin akong pinagbabawalan na gumimik kahit na sina Amber lang naman yung kasama ko.

Kaya dun ko na realize na ayaw ko ng pinagbabawalan at kino-controll yung buhay ko, kaya nakipag-break ako sa kanya. Nung una he kept on trying to win me back pero siguro nung na-realize na niya na ayaw ko na talaga nag-give up na rin siya. Which is a good thing dahil wala nang nanggugulo sa buhay ko.

Kaya heto kami ngayon friends na lang. At hanggang dun na lang talaga yun.

-----

Pauwi na ako ng makita ko si Luke na naka-abang sa parking lot.

"Anong ginagawa mo dito Luke?" –Ali.

"May hinihintay ako kaya lang mukhang di na siya darating." –Luke.

"Teka? Bagong chicks ba yan? Pakilala mo naman." –Ali.

"Wag na baka awayin mo pa. Hindi mo ba dala yung car mo?" –Luke.

"Hindi eh nagmadali na kasi akong pumasok kanina sa school kaya nagpahatid na lang ako. Akala ko nga nandito na yung sundo ko eh." –Ali.

"Hatid na kita sa inyo." –Luke.

"Wag na okay lang ako baka parating na rin yung sundo ko." –Ali.

"Ano bang meron sa bahay niyo at ayaw mong hinahatid kita?" –Luke.

Tama nga naman si Luke ano bang meron sa bahay namin at sa tuwing may nago-offer sakin na ihatid ako hindi ako pumapayag? Mabibilang pa lang sa daliri yung mga time na nahatid ako ni Luke sa bahay. Hindi ko rin hinahayaan maski yung mga close friends ko na pumasok sa bahay. Kasi natatakot akong ma-reveal sa kanila yung dahilan kung bakit lumaki ako na broken family. Ayokong makita nila yung totoong nararamdaman ko, ang gusto ko nakikita nila yung mas happy at stronger na side ko dahlia ayokong maawa sila sakin.

"Wala, ano ka ba? Sige na nga papaya na ako. Let's go." –Ali.

"Papayag ka rin naman pala eh. Kailangan ko pang makipagtalo. Tara na." –Luke.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

42.5K 1.5K 53
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.
1.5M 34.7K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
66.1K 4.4K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING