FooIish Heart [COMPLETE]

By AKOSICRAZYGIRL

44.8K 1.1K 159

[NO SOFT COPIES] "Don't hold on to the past too tight, the future may never come." Lagi nakatatak sa isip ko... More

Prologue:
Foolish Heart [1]
Foolish Heart [2]
Foolish Heart [3]
Foolish Heart [4]
Foolish Heart [5]
Foolish Heart [6]
Foolish Heart [7]
Foolish Heart [8]
Foolish Heart [9]
Foolish Heart [10]
Foolish Heart [12]
Foolish Heart [13]
Foolish Heart [14]
Foolish Heart [15]
Foolish Heart [16]
Foolish Heart [17]
Foolish Heart [18]
Foolish Heart [19]
Foolish Heart [20]
Foolish Heart [21]
Foolish Heart [22]
Foolish Heart [23]
Foolish Heart [24]
Foolish Heart [25]
Foolish Heart [26]
Foolish Heart [27]
Foolish Heart [28]
Foolish Heart [29]
Foolish Heart [30]
"Jerome Cruz: Prinsesa Ko."
Foolish Heart [31]
Foolish Heart [32]
Foolish Heart [33]
Foolish Heart [34]
Foolish Heart [35]
"Zen Reyes: One last chance.."
Foolish Heart [36]
Foolish Heart [37]
Foolish Heart [38]
Foolish Heart [39]
Foolish Heart [40]
EPILOGUE:
Special Chapter : Ash & Dez
Special Chapter: Jerome & Mikaela
[PROMOTE!!!] MY NAME IS HEARTBREAKER * Teaser *
[PROMOTE!!!] ANG BOYFRIEND KONG BADING
[PROMOTE!!!] BLACK & WHITE UNIVERSITY
[PROMOTE] MY BOYFRIEND IS GAY ON DREAME

Foolish Heart [11]

869 26 1
By AKOSICRAZYGIRL



Foolish Heart [11]



         Nasaaan na ba si Jerome? Tapos na ang klase namin ha, sabi niya hintayin ko siya sa labas ng gate ng eskwelahan pagkalipas ng sampung minuto pero lagpas 30 mins na wala pa rin siya. Hinanap ko siya sa football field at gym wala rin naman siya.Hindi kaya di niya ako sisiputin? Pinaasa niya lang ba ako?



"Oi maga."  Napatingin ako kay Zen.


"Oh bakit nandito ka sa school?May band practice ba?"


"Wala naman, susunduin ko sana si Suzy kaso may gagawin pa daw siya kaya bibilhan ko sana siya ng pagkain pero nakita kita dito."


"Ganun ba, nakita mo ba si Jerome?"


"Hindi, akala ko ba may date kayo?" Napabuntong hininga ako.


"Oo nga, e kanina pa kasi ako naghihintay sa gate kaya hinanap ko na siya. "


"Baka mamaya magkasalisi kayo."


"Sigea, alis na ako." 


"Okay, ingat ka ha. Wag ka masyado magpagabi, kung gagabihin ka magpahatid kay Jerome, mahirap na. Tapos kwentuhan mo ko sa date niyo ha." Napangiti naman ako sa sinabi niya.


"Naks, parang may kuya na ako ha." Ngumiti siya sa sinabi ko.


"Parang gusto ko yun ha? Kuya mo ako, tutal wala naman akong kapatid."


"Sige, kuya Zen salamat." Tapos tumawa siya at pinisil niya yung pisngi ko.


"Mag-ingat ka." Hinawakan ko ang pisngi ko ang sakit niya talaga mamisil ng pisngi, kainis.


"Ikaw mag-ingat baka tangayin ka ng hangin sa sobrang payat mo." Tinawanan niya lang ako.


"Hanapin mo na si Jerome ulit, wag ka na sumatsat dyan." Tiningnan ko lang siya ng masama.


"Tse!" Sabay alis ko na lang at hinanap na lang ulit si Jerome. Waa, nakakawindang toh ha! Nasaan ka na ba kasi Jerome? Ang laki-laki nitong school oh. Magpakita ka na sa akin! Tinawagan ko cellphone number niya pero di niya naman sinasagot ito. Bumalik ako sa classroom namin at nagbabakasali ako baka nandun siya.


"Jerome!" Sakto nandito siya sa room pero nagulat ako nung kasama niya si Deziree at mukhang naistorbo ko yata ang pag-uusap nila ng seryoso.


"Ahhm. Mukhang naging istorbo ako? Alis muna ako."  Pangiti kong sabi, hindi sila sumagot sa sinabi ko at nakatingin lang sila sa akin kaya umalis na lang ako sa classroom. So ano yun? Ganun lang? Bwisit. Naghintay lang pala ako sa wala!


"Teka lang Mikaela!" Hindi ko nilingon si Jerome, patuloy lang ako sa paglalakad pero hinawakan niya agad ang balikat ko at dahilan yun para mapatigil ako sa paglalakad tsaka siya humarap.


"Sorry pero pwede sa susunod na lang tayo magdate?"  Tiningnan ko lang siya.


"Okay." Sabay iwas ko sakanya pero hinawakan niya ang kamay ko.


"Mikaela, may problema ba?"


"Ayoko na Jerome, pagod na ako." Tumawa siya bigla.


"Bakit ka mapapagod?Hindi naman tayo ha." 


"Paasa ka." Inis kong sabi sakanya.


"Umasa ka naman?" Napakunot noo ko sa sinabi niya.


"Sino bang hindi aasa sa ginagawa mo sa akin?!" Natahimik siya pero nagulat ako nung bigla dumating si Zen at sinuntok si Jerome.


"Gago ka Jerome!T*ng ina mo, nakuha mo pang pagpustahan si Mikaela!" Teka? Ano sabi ni Zen? Tinulungan kong makatayo si Jerome kahit medyo naiinis ako sakanya susuntukin pa sana siya ni Zen pero humarang ako.



"Zen, ano ba yung sinasabi mo?"


"Sinabi sa akin ni Suzy ang lahat kanina, pinagpustahan ka nila Ash na lokohin ka at mainlove ka ng tuluyan kay Jerome. Ginamit ka lang nila Mikaela, hindi mo sila tunay na kaibigan." Napatingin ako kay Jerome na ngayon nakayuko, lumabas na din si Deziree sa room at nakatingin lang sa akin.


"Mika-mika, magpapaliwanag ako."


"Tinuring ko kayo nila Ash na kaibigan pero di ko aakalain na lolokohin niyo lang pala ako? Naging mabait naman ako sainyo, pinagmamalaki ko pa kayo kay mama pero ito lang pala ang mapapala ko sainyo. Wala naman akong ginagawang masama sainyo! Porke't patay na patay ako kay Jerome gaganituhin niyo na ako? Ginawa niyo akong tanga!" Lumapit ako kay Deziree.


"Masaya ka ba?" Tanong ko.


"Mika-mika." 


"Wag mo kong matawag na ganyan dahil mag mula ngayon hindi ko na kayo kilala." Pagkatapos nun ay lumapit ako kay Jerome at tinitigan ko siya.


"Salamat na lang sa date at sa susunod wag mo na akong ipagtanggol kasi mas lalo lang ako umaasa." Sasampalin ko sana siya pero hinawakan ni Zen ang kamay ko.


"Tama na Mikaela sapat na masaktan mo sila sa salita." Tumingin ako kay Zen at napayuko na lang.


"Masama ba ako?" Tinakpan ni Zen ang mata ko.


"Sinamantala lang nila ang kahinaan mo Mikaela." Hinila niya na ako palayo kila Jerome at nung makalayo layo na kami, doon ko na ako umiyak ng malakas. Wala na akong pake kung may mga estudyante pang tumingin sa akin, masakit lang sa akin ang ginawa nila Deziree.


"Mikaela." Tumingin ako sa tumawag sa akin at yumakap agad ako sakanya.


"S-suzy." Hinaplos niya ang likod ko para patahanin ako.


"Shhh. Tahan na Mikaela, tahan na."  Patuloy parin ako sa pag-iyak pero ramdam ko na nag-aalala sa akin si Suzy, kahit hindi ko siya ganun kakilala siya pa yung tao nag-alala sa akin.



*************



"Sigurado ka na ba sa desisyon mo baby girl?"


"Opo ma, mag-aaral na lang po ako sa ibang bansa."


"Wala ng bawian yan baby girl ha? Ipapaasikaso ko na iyon." Tumango na lang ako, simula ng mangyari iyon isang linggo ako hindi pumasok at hindi ko rin kinakausap si Zen kahit minsan naririnig ko siyang tinatawag niya ako. Nalaman ko kay Suzy na hindi niya sinasadyang marinig ang pustahan nila Deziree sa isang classroom noon at nalaman ko din na yung panahong nasa field trip kami narinig din ni Suzy na sinadya din akong awayin nila Rhea at Fia dahil sa utos ni Deziree. At dahil doon nawala na ako ng tiwala sakanila, sinira na nila.


"Baby girl." Yumakap sa akin si mama pero inalis ko din ito at dumerecho na lang ako sa kwarto, ayaw ko umiyak sa harap ni mama, ayaw ko siyang mag-alala ng dahil sa akin.Binuksan ko ang FB ko at nakita ko may mga pm sila Deziree sa akin pero hindi ko ito binasa at nagpasya na lang ako na ideactivate ito, ini-off ko din ang cellphone ko para di nila ako makausap.


"MAGA! LUMABAS KA DYAN!" 

"MAGA! MAGA! LUMABAS KA DYAN SA LUNGGA MO!"

"OY MAGA, LALONG MAMAGA YUNG PISNGI MO DYAN." 

"MAGA , MAGPAKITA KA SA AKIN!"

"PAG HINDI KA LUMABAS DYAN , PUPUNTA AKO DYAN"   Ang ingay naman nitong payatot na toh, kaya lumabas ako sa terrace at tiningnan siya ng masama pero siya nakangiti lang nakuha pang magpeace sign.


"Hindi lang pisngi namamaga sayo, maski mata mo din pala." Sabay tawa niya pa.


"Hindi ako nakikipagbiro sayo."


"WOAH! ang sungit mo naman maga, ilang araw kang hindi lumabas dyan sa kwarto ganito mo ba mamiss ang kuya Zen mo?"


"Yack, hindi kita namiss noh." Tumawa lang siya.


"Oi Maga, hindi ka na pumupunta sa band practice natin ha. Balita ko din kay Suzy hindi ka pumapasok,tsaka balitaan lang kita ha. Nagfile ng violation si Suzy kila Ash para sa pangbubully nila sayo, kaya pumasok ka na ulit panigurado natauhan na sila." Ano? Nagfile ng violation si Suzy, teka bakit ako nag-aalala sakanila? Dapat nga matuwa pa ako sa ginawa ni Suzy para sa akin.


"Ganun ba, pakisabi kay Suzy salamat."


"Ayoko, ikaw dapat magpasalamat sakanya matutuwa pa siya."


"Hindi na ako papasok sa Stateland." Napakunot yung noo sa sinabi ko.


"Lilipat ka na?"


"Mag-aaral na ako sa ibang bansa."


"WOW! PASALUBONG HA, KAHIT T-SHIRT LANG." Napatawa ako sa reaksyon, loko talaga toh si payatot.


"Imbes na pigilan akong umalis humingi pa ng pasalubong."


"Ganun talaga, tsaka bakit naman kita pipigilan di ba? Ikaw may gusto niyan, mas pinili mong takasan ang katotohanan." Natahimik ako sa sinabi niya.


"Sabi ko na sayo dati pa maga, minsan kailangan natin makita ang katotohanan kahit masakit pa ito pero kung tatakasan mo yung ganitong problema paano pa kaya sa susunod?" 


"Ano ba dapat kong gawin Zen?"


"Ikaw ang mag-isip kung ano ba ang dapat mong gawin." Sabay ngiti niya sa akin, natahimik lang ako nag-isip, ano nga ba ang dapat kong gawin? Makikipag-ayos ba ako sakanila pero kahit ganun alam kong di ko maibabalik ang tiwala ko sakanila.


"Nga pala maga, pagkagraduate natin susunod ako kay Suzy sa California." Nagulat ako sa sinabi ni Zen.


"Sigurado ka? Ganun mo talaga kamahal siya?" Tumango-tango siya.


"Tutal nandun naman si papa sa California at hinihintay ko na lang ang visa ko."


"Ang swerte naman ni Suzy sayo."


"Ha! Talagang swerte siya sa akin, saan pa siyang makakakita ng kasing gwapo ko di ba?" Tiningnan ko siya ng masama.


"Payatot ka na nga ang yabang mo pa."


"Pag ako naging macho, who you ka sa akin! Baka mamaya pagnakita mo kong macho ma-inlove ka sa akin."


"Wow ha, ang feeler mo. Hindi ako maiinlove sayo kapal mo!"


"Tandaan mo yang sinabi mo baka mamaya pagsisihan mo yan."


"Kapal ng mukha mo, hindi ko pagsisihan ang sinabi ko." Sabay tawa naming dalawa at nakatitigan kami sabay ngiti.


"Buti naman napatawa kita." Masayang sabi ni Zen.


"Salamat ha."


"Basta nandito lang ako para maging tagapakinig mo."


"Naks, tagapakinig ang lalim naman nun."


"Ganun talaga, kailangan maging makata ako paminsan-minsan." Tumawa na lang ako ulit at tinitigan ko lang siya ulit.


"Oy kung makatingin ka sa akin maga, baka mamaya mainlove ka na sa akin niyan."


"Feeler mo talaga." Sabay iwas ko ng tingin.


"Pero paano kung tayo kaya?" Nagulat ako sa sinabi niya pero mukhang seryoso naman siya sa tanong niya.


"Hindi ka ba nandidiri sa tanong mo?" Tumawa siya sinabi ko.


"Bakit naman ako mandidiri?"


"Magkapatid ang turingan natin, ano ba!"


"Alam ko yun pero, paano nga lang di ba?"


"Hindi ko maimagine na magiging tayo Zen."


"Onga hindi ko rin maimagine, nakakadiri nga isipin."


"Sabi ko sayo e, wag mo ng tanungin ulit yun ha." Sabay tawa niya.


"Oo na, pero  kung magiging kayo Jerome naiimagine mo?" Napangiti ako pero hindi yung ngiti na pang masaya.


"Dati, pero sa nalaman ko para hindi ko na maisip."


"Okay lang yan maga, highschool pa lang tayo. Madami pa tayo makikilala!"


"Kaya pagdating ko sa college, hindi na ako makakapayag na mabully ulit at lokohin pa." Tumango-tango si Zen.


"Tama yan Maga, matuto ka nang bumangon."


"Oo, magiging kilala ako sa college na papasukan ko at lagi ko gagalingan sa klase!"


"Tatandaan ko yan Maga ha!"


"Oo tandaan mo yan, itaga mo yan sa utak mo." 


"edi ibig sabihin niyan papasok ka na ulit sa Stateland?" Sabay ngiti niya pa sa akin pero bigla ako napaisip sa sinabi niya ha.


"Hindi ko alam."


"Pumasok ka na, hindi ka pa naman aalis di ba?"


"Hindi pa nga."


"Ayun naman pala eh, edi sulitin mo muna ang ilang araw mo sa Stateland pagkatapos nun magpaalam ka na lang sakanila at magpasalamat."


"Ha? Bakit ko pa gagawin yun?"


"Maga, kahit hindi naging maganda ang nangyari sayo doon sila naman ang magiging dahilan para maging malakas ka at natuto ka na ng dahil sakanila. "


"Galing mo talaga Kuya Zen!" Sabay nag-okay sign ako sakanya tapos siya naman ay kumindat sa akin at inayos pa ang buhok niya.


"Well, gwapo na magaling pa magpayo. Saan ka pa?" Tumawa ako sa sinabi niya.


"Ang hangin mo talaga! Kainis."


"Basta pumasok ka na bukas, sayang din yung binayad niyong tuition doon."


"Oo na."


"May band practice pa tayo bukas kaya pumasok ka ha."


"Kulit nito, papasok na nga ako bukas." Tumawa lang siya, pagkatapos nun ay nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano. Para sa akin si Zen Reyes ang pinaka the best na friend ko! Ang swerte ko dahil nakilala ko siya.



********


Katulad ng dati pinagtitinginan pa rin ako ng mga estudyante dito, siguro nagulat sila nung makita nila ako ulit pero di ko na lang sila pinansin at hinanap ko na lang ang seksyon kong IV-ever.


"Pumasok pa siya."

"Lakas ng loob niya."

"Isang linggo na nga siya wala, pumasok pa."

"Hindi naman na siya belong dito sa klase natin."  Hindi ko na lang ulit pinansin ang mga pinagsasabi nila, hinanap ko ang upuan ko pero wala na ito pupunta sana ako sa ibang room para manghiram ng upuan pero hinarangan ako ng klaklase kong lalaki.


"Hinahanap mo ba ang upuan mo?" Tanong niya sa akin.


"Ha, oo."


"Nasa basurahan na yung silya mo kung saan ka rin nababagay." Biglang tawa ng buong klase at ngayon may humawak sa buhok ko na babae.


"Ang kapal ng mukha mo para pumasok dito nang dahil sayo wala na sa  football varsity si Ash at Jerome."


"H-hindi ko a-alam yun." Naiiyak ko ng sabi dahil sobrang sakit ng pagkahawak niya sa buhok ko.


"si Deziree naman ay hindi na siya pinasali para sa Ms. Intramurals , alam mo naman na matagal niya ng pinaghahandaan yun di ba? Tapos ikaw lang makakasira sa mga gusto nila." Napahiga ako sa sahig ng dahil tinulak niya ako ng malakas,pagkatapos nun ay pinaghahagis nila ako ng libro o kahit ano pa pero heto ako wala ako magawa para sa sarili ko kung di umiyak lang ng umiyak sa harap nila.


"TAMA NA YAN!" Hindi ko na kailangan tingnan kung sino pa ang sumigaw dahil sa boses pa lang alam ko na si Jerome nanaman ang tumulong sa akin.


"Mika-mika." Inalalayan akong tumayo ni Deziree at pinagpag niya pa ang damit ko.


"Dadalhin ka namin sa clinic." Sabay hawak sa akin ni Ash pero pinalo ko ito at tiningnan ko sila ng masama.


"Kaya ko ang sarili ko."


"KAYA MO ANG SARILI MO? NI HINDI MO NGA PINAGTANGGOL ANG SARILI MO!" Sigaw ni Jerome sa akin.


"Wala lang naman tong pangbubully nila sa akin."


"Anong wala Mikaela?! Sinasaktan ka na nila." Inis na sabi ni Ash.


"Bakit kayo ba hindi niyo ba ako sinaktan? Kung tutuusin mas malala pa kayo kaysa sakanila. Kaibigan ko kayong tinuring pero tinrato niyo lang akong laruan." Narinig kong nagbulung-bulungan ang mga klaklase ko.


"Mikaela." Hahawakan sana ni Jerome ang kamay ko pero lumayo ako sakanya.


"Tsaka eto na ang huling nating pagkikita dahil pagkatapos nito ay aalis na ako dito.Salamat sa lahat ng ginawa niyo para sa akin, maraming salamat."





========================

Vote.Comment.Fan

(C) AKOSICRAZYGIRL ♥

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 2.2K 62
[C O M P L E T E D] Unlock the door and step inside, This book's journey you cannot hide, Through love and heartbreak, we will ride, Survival, healin...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7K 1K 64
IN THE GAME OF DEATH, THERE ARE ONLY TWO OPTIONS: YOU EITHER KILL OR GET KILLED. In Year 2029, the Earth's population increased ceaselessly. That wa...