Sweetest Lie #Wattys2016 Winn...

By Imbaaaaah

2.3M 6.6K 410

Wattys 2016 Winner -- Nangako si Victor sa kanyang sarili na hindi na siya iibig pang muli. Hindi na niya ibi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4

Chapter 3

62.2K 1.1K 44
By Imbaaaaah

Maaga akong nagising kinabukasan, kahit na late na akong nakauwi. Kailangan ko pa kasing maghanap ng pangalawang trabaho. Kahit na ano. Basta ayos sa schedule ko. Kailangan ko ng pera para naman mabawasan na ang mga utang ko. Dalawang buwan na din akong hindi nakakabayad sa renta ng apartment. Baka palayasin na ako ni Aling Betty pag hindi ako nagbayad sa susunod na linggo.

Naghilamos na muna ako at lumabas para bumili ng almusal. Paglabas ko pa lang ay nakita ko na si Diego na palabas din sa kanilang apartment.

"Oh, Ria? Ang aga mong nagising, ah. Aalis ka?" Tanong niya habang hinahawi pataas ang kanyang buhok.

"Oo, eh." Tango ko. "Maghahanap ako ng isa pang trabaho."

Pinauna niya akong maglakad. Naamoy ko ang matapang na pabango niya nang malampasan ko siya.

"Kaya pa ba ng katawan mo? Diba, madaling araw ng natatapos yang trabaho mo? Kaya mo pa bang magtrabaho pag umaga?" Tanong niya habang naglalakad na kami.

"Oo naman, no... tsaka kailangan ko talaga ng pera dahil ang dami ko ng utang. Tapos yung bayad pa sa renta, sa kuryente, sa tubig."

Inakbayan niya ako. "Ikaw talaga! Ang sipag mo.." Ngiti niya. "Ako nga, isa lang trabaho ko pero napapagod na ako. Yung day off ko, kulang pa. Pero, ikaw? Wala ka atang kapaguran!" Natawa na lang ako sa kanyang sinabi.

Mabuti nga siya, natanggap siya sa isang call center. Sabay kaming nag apply dun pero hindi naman ako natanggap. Siya lang. Siguro ay hindi talaga para sa akin ang trabahong yun.

Paglabas namin sa maliit na eskinitang pinanggalingan namin ay may dumating ng jeep para masakyan ni Diego. Nagpaalam na siya sa akin bago tuluyang umalis.

Ako naman ay tumungo na muna sa bakery ni Mang Cesar. Bibili na lang siguro ako limang pirasong pandesal. Sampung piso lang yun, mabubusog na ako.

"Mang Cesar, pabili nga ho. Limang pandesal." Sabi ko pagdating sa bakery. Naamoy ko kaagad ang bango ng mga pandesal at iba pang tinapay. Nagutom tuloy ako dahil sa aking naamoy.

"Ang konti naman ng binili mo, Ria. Mabubusog ka ba dyan?" Tanong ni Mang Cesar habang inaabot sa akin ang supot ng pandesal. Inabot ko na din sa kanya ang bayad ko.

"Oo naman po!" Ngiti ko. "Isawsaw ko lang 'to sa kape, mabubusog na ko!"

Natawa siya sa aking sinabi. "Bakit nga pala ang aga mong nagising ngayon
May lakad ka ba?"

"Opo.." Kumuha ako ng isang pirasong pandesal at kinagat ito. "Maghahanap kasi ang ng trabaho."

"Diba, may trabaho ka na? Bat ka pa maghahanap? Natanggal ka ba sa trabaho mo?" Usisa niya.

Umilang agad ako. "Hindi po. Kailangan ko lang ng extrang mapagkakakitaan. Para naman po mabawasan ang mga utang ko.."

"Naku, ang sipag mo talagang bata ka! Sana ganyan din ang mga anak ko.." Lumingon siya sa likod para patamaan ang mga anak niya sa loob ng bakery. Natawa na lang ako sa kanyang ginawa. "Kung gusto mo ng trabaho, subukan mo sa carinderia ni Sita. Kailangan ata niya ng tindera.. pero alam mo naman yun.. baka hindi lang tindera ang kailangan. Baka all around.."

"Huh? Diba po ay kakapalit lang niya ng tindera last week?" Nagtatakang tanong ko.

"Alam mo namang yung si Sita! Masyadong inaaway ang mga tindera niya, kaya sumusuko agad.." Aniya. "Oh, sige na. Umuwi ka na para agad ka ng makaalis.."

"Sige po. Salamat.."

Habang naglalakad ako ay napaisip ako sa sinabi ni Mang Cesar. Kilalang strikta dito sa lugar namin si Aling Sita. Nakakatakot nga yun dahil sobrang bagsik naman talaga niya sa kanyang mga empleyado. Pero, kaya ko naman sigurong pagtyagaan yun? Okay na din naman, dahil part time ko lang naman yun. Tsaka malapit ito sa apartment, kung sakali. Hindi ko na kailangan pang bumyahe.

Dumaan na ako sa carinderia ni Aling Sita. Nakita ko agad siya sa labas na nakakunot ang noo. Umagang umaga ay mukhang wala na siya sa mood. Lumapit ako sa kanya.

"Uhh, Aling Sita-"

Hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla na siyang nagsalita. "Ano kakain ka?! Pumasok ka na sa loob!" Sabay turo niya sa loob ng carinderia niya.

"Hindi po.." Iling ko. "Ano po kasi, eh... uhmm.. may tindera na po ba kayo?"

"Wala!" Pagalit niyang sabi. Matalim ang tingin niya sa akin. Yumuko ako at pinaglaruan ang supot ng pandesal. "Mag a apply ka ba?"

"Uhm, opo sana... kung pwede." Tango ko.

"Oo! Pwede!" Aniya. "Pumasok ka na dun para makapag umpisa na!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Magsisimula na po ako? Ngayon?"

"Hindi! Bukas na sige! Mag day off ka muna ngayon! Nakakahiya naman sayong bata ka, eh!" Inis niyang sabi. "Natural, ngayon ka na mag uumpisa! Kaya nga pinapapasok na kita sa loob, diba?"

Tumango na lang ako at agad ng pumasok sa kanyang carinderia. Ganun na lang ba yun? Mag uumpisa na agad ako? Hindi man lang ba namin pag uusapan ang tungkol sa oras ng pagtatrabaho at sweldo ko?

Wala man lang ni isang tao sa loob ng carinderia niya. Ako lang din mag isa. Wala ba talaga siya na kahit isa man lang na trabahador? Ibig sabihin ay tama talaga si Mang Cesar na minsan ay all around ang empleyado ni Aling Sita?

"Oh, nakatayo ka dyan? Ayusin mo na yang mga mesa at upuan!" Kantyaw niya pagpasok sa loob. Agad naman akong tumango. Tinabi ko na muna ang supot ng pandesal na hawak ko. Si Aling siya naman ay umupo. Pinagmamasdan niya ang aking ginagawa.

"Ikaw bang bata ka ay masipag?" Tanong niya.

"Uhm, opo.." Tango ko habang binababa ang isang upuan na nakapatong sa mesa. "Kahit na ano po kaya kong gawin.."

"Mabuti yan. Kunin mo yung walis! Mag walis ka.." Sinunod ko naman ang utos niya. Kahit na konti lang ang dumi ay nagwalis pa rin ako.

"Tungkol nga po pala sa... uhm, schedule.. hanggang anong oras po?"

"Alas tres ng hapon ay nagsasara na ako.." Biglang lumambot ang kanyang boses dahil sa kanyang sinabi. Ang aga naman pala niyang magsara? Hindi siya inaabot ng gabi? Bakit kaya? Gusto ko mang magtanong, ay hindi ko na lang itinuloy. Baka may personal siyang pinagkaka abalahan pagsapit ng alas tres. "Tungkol naman sa sweldo mo, kada sampung araw ay bibigyan kita ng 1,500. Pwede na ba yun?"

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Hindi na masama. Malaking tulong na ito sa akin. Kahit papaano ay makakapag ipon na din ako. Tumigil ako sa pagwawalis at nilingon siya.

"Opo, pwede na.." Tango ko.

"Oh sige na, ikaw ng bahala dyan. Tawagin mo na lang ako pag mag customer na.."

"Sige po.."

Umakyat na siya sa hagdan. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagwawalis. Ibinaba ko na din ang mga upuan na nakapatong sa mesa. Nang matapos ko na ang aking mga ginagawa ay inubos ko na ang pandesal na binili ko.

Ilang oras pa ang lumipas. Alas dose na ata, pero ni isang customer ay walang pumapasok dito. Lumamig na ang mga ulam. Sayang naman. Gusto kong tikman ang mga ito, kaso ay baka magalit si Aling Sita.

Pagsapit ng alas tres ay bumaba na siya. "Walang customer?" Tanong niya. Kinukusot niya ang namumula niyang mga mata.

"Wala po.." Iling ko.

"Oh sige na, umalis ka na. Ako ng mag aayos dito.."

"Uhm, sige po.."

Lalabas na sana ako, kaso ay bigla niya akong tinawag. "Hoy, ano.. ano na nga bang pangalan mo?" Lumingon ulit ako sa kanya. Naglalagay siya ng ulam at kanin sa dalawang plastic.

"Ria po.." Sagot ko sa kanyang tanong.

Lumapit siya sa akin at inabot ang mga plastic na may ulam at kanin. "Oh! Kunin mo na yan. Mapapanis lang.."

Ngumiti ako at kinuha na ang kanyang bigay. "Salamat po!"

Nag iwas siya ng tingin sa akin. "Sige na! Umalis ka na. Magsasara na ako!" Pagsusungit niya.

Pag uwi ko ay agad ko ng kinain ang binigay ni Aling Sita. Masarap ang kanyang luto. Nakakapagtaka naman kung bakit walang kumakain sa kanyang carinderia.

Kinagabihan, maaga ulit akong dumating sa bar. Hindi na kasi ako nakatulog kaninang hapon pag uwi ko galing sa trabaho kay Aling Sita. Kaya naman agad na lang akong pumunta ng bar. Friday ngayon, sigurado ako na maraming customer. Maagang dumadating ang iba.

Kahit na konti ang tulog ko ngayong araw, pakiramdam ko ay ang lakas lakas ko pa rin. Siguro dahil tinanggap ako sa trabaho ni Aling Sita. Hindi naman pala siya ganun kasungit, eh. Baka masyado lang takot ang iba sa kanya kaya agad silang sumusuko.

"Hi Ria!" Nagulat ako nang may biglang kumalabit sa balikat ko. Tinignan ko kung sino ang may gawa nun. Yung chinito kagabi. Si King!

"Sir.." Pormal na sabi ko na lang. "Order po kayo?"

Pinitik naman niya ng marahan ang aking noo. "Yan na lang ba lagi ang sasabihin mo pag nagkikita tayo?" Tawa niya. "Hindi ba pwedeng 'hi King'?"

Lumayo ako ng konti sa kanya. Baka makita pa kami ni Kara. Magsusumbong yun sa boss namin. "Uh, customer po kasi kayo.."

"Well... pwede ba kitang maging kaibigan? Uhm, customer na tapos kaibigan pa." Ngumisi siya. Lumitaw na naman tuloy ang kanyang dimples.

"Bawal po-"

"Walang bawal sa mundo. Lahat pwede!" Inakbayan niya ako.

Kasabay ng pag akbay niya sa akin ay ang pagtama ng mga mata namin ni Victor. Kakapasok lang niya sa loob ng bar. Dumilim agad ang paningin niya nang makita ako. Agad kong itinulak palayo si King.

"Sir, excuse me po.." Nagmamadali akong umalis. Hindi ko siya binalingan ng tingin. Nakatuon ang mga mata ko kay Victor. Nakakatakot ang titig niya sa akin. Parang may gagawin siya na hindi ko magugustuhan. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Okay ka lang, te? Para kang nakakita ng multo, ah?" Puna sa akin ni Fin ng makalapit ako sa kanya. Nag iwas ako ng tingin kay Victor. Nandun pa rin siya sa may entrance. Batid ko ang bawat titig niya sa akin. Kahit na hindi pa niya ako hinahawakan, pakiramdam ko ay napapaso na ako.

Bumaling ako kay Fin. "Okay lang ako no! Anong multong sinasabi mo?" Tawa ko para pagtakpan ang kabang nararamdaman.

"Weh? Bat parang mahihimatay na yang mukha mo?"

"Hindi kaya!" Depensa ko. "Magtrabaho ka na nga dyan."

Ilang sandali pa ay may customer na tumawag kay Fin, kaya naman naiwan akong mag isa dito.

"Aria..." Nanlamig ako sa aking narinig mula sa likuran. Boses ni Victor! Paano siya nakapunta dito? Bakit hindi ko napansin?

Lalayo sana ako sa kanya, kaso ay hingit niya ako papunta sa CR ng mga babae. walang nakapansin sa kanyang ginawa. Walang tao sa loob ng CR. Hinila niya ako papasok sa pinaka dulong cubicle.

"Sir..." Kinagat ko ang aking labi.

"Shh..." Marahan niyang bulong. Pinatalikod niya ako at agad na niyakap. Naramdadam ko agad ang init ng kanyang katawan nang lumapat ang aking likod sa kanyang dibdib. Kahit na may damit kami, tumatagos pa rin ang init niya sa akin.

"Who's that guy, huh?" Bulong niya sa aking kaliwang tainga. Ang mga kamay niya ay nasa aking tiyan. Hindi ko naman maigalaw ang mga kamay ko dahil nakakulong ako sa kanyang yakap. "Bakit siya naka akbay sayo? Ha? Bakit Aria?" Sobrang init ng kanyang hininga.

"Sir.. wala-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pumasok ang isang kamay niya sa aking damit. Naglakbay ito pataas, patungo sa aking dibdib. "Hinawakan nya ba ito?" Pinisil niya ng marahan.

"Hindi.. hindi po.." Kinagat ko ang aking labi. Ito na lang ata ang kaya kong gawin sa ganitong pagkakataon!

"Hmmm... hinalikan ka ba niya dito?" Idinampi niya ang kanyang labi sa aking batok. Gusto kong dumaing dahil sa kiliting ginagawa niya. Nakakabaliw. Bawat galaw ng kanyang labi ay nagsisindi ng pananabik.

Nagulat ako nang bigla niyang ipasok ang isa pang kamay niya sa loob ng aking pantalon at underwear. Ni hindi ko namalayang nabuksan na pala niya ang butones at zipper nito.

"Eh, ito? Hinawakan ba niya?" Ginalaw niya ang kanyang kamay sa aking ibaba.

"Hindi... hindi..." Ungol ko. Hindi ko na alam kung boses ko pa ba ang lumalabas sa aking bibig. Kilala ko pa ba ang sarili ko? Bakit parang nawawala na ako sa katinuan?

"You're so wet.. hmmm.." Kinagat niya ng marahan ang aking balikat. "Ganito ba kabilis ang epekto ko sayo, Aria?" Gumalaw na din ang kamay niya sa aking dibdib.

Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang aking atensyon. Kung sa ibaba ba, kung sa dibdib, o kung sa labi niyang kumikiliti sa aking batok at leeg. Ang mga kamay ko ay nawawalan na ng lakas dahil sa ginagawa niya. Maging ang tuhod ko ay malapit na ding bumigay dahil sa panginginig.

Unti unti ay ipinasok niya ang  kanyang daliri sa akin. Nakaramdam ako ng kaunting hapdi dahil sa kanyang ginawa. Nagdagdag pa siya ng isa na siyang ikinagulat ko. Kakaiba. Ibang iba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang sensasyong bumabalot sa aking katawan. Inalis niya ang kanyang kamay sa aking dibdib para takpan ang aking bibig.

Nagsimulang gumalaw ang mga daliri niya. Napapikit ako at napasandal na ng tuluyan sa dibdib niya dahil sa kanyang ginagawa. Kinuyom ko ang mga kamay ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa aking sarili. Mas bumilis pa ang galaw ng kanyang daliri.

"Daliri pa lang ito, Aria..." Bulong niya. Kinilabutan ako sa salitang inilabas ng kanyang bibig. Nakakapanibago. Hindi ako sanay na nakakarinig ng ganitong salita

Hindi ko na nagawang sumagot dahil unti unti ay nanghina na ang aking tuhod. Naramdaman ko na din ang pagtulo ng pawis sa gilid ng aking ulo dahil sa pag abot ko sa kung ano. Naging mabagal na ang galaw ng kanyang mga daliri hanggang sa tumigil na ito. Tinanggal na din niya ang kamay niyang  nakatakip sa aking bibig. Mas nakahinga ako ng mabilis.

"Akin ka lang... naiintindihan mo. Akin ka lang, Aria.." Diin niya. Wala na akong lakas para mag isip pa. Tumango na lang ako at pagod na sumandal sa kanyang katawan.

**
-Kerbs

Continue Reading

You'll Also Like

865K 5.6K 7
Parehong kababata ni Hannah ang mag-pinsang Tristan at Troy. Kung papipiliin siya sa dalawa ay si Tristan ang mas gusto niya. Kahit medyo tahimik ito...
1.2M 34.9K 45
Gaya ng isang kanta, parang isang linggong pag-ibig kita. Lunes ng unang magtagpo ang ating mga mata, Martes ng mapadalas ang lingon ko upang masilay...
465K 3.2K 10
The bar was filling up. It was Friday night and the band was blaring. It was my classic routine after a long brain surgery. When a gorgeous woman app...
18.6M 350K 47
[Now available in bookstores nationwide for Php175.] "Ang hirap sa 'yo akala mo ikaw lang ang nahihirapan! Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng iniwa...