Jeron's POV
"pre, may bago daw tayong classmates. apat na babae daw" sabi ni gerard ang chickboy samin. psssh puro babae ang nasa isip..
"pake ko naman dun! may mapapala ba ako sa mga pagmumukha nila? makakabili ba ako ng kotse gamit ang pagmumukha nila? di naman diba?"
"ang sungit mo nanaman pre. menopause mo ba ngayon? gusto bilhan kita ng napkin?" sabi ni kevin, ang pinaka maingay at makulet samin.
"di niya kailangan ng napkin! kailangan niya ng diaper! yung xl daw ah. " sabi ni jacob, ang campus hearthrob.
"aalis ba kayo sa harap ko o lalagyan ko kayo ng diaper sa ulo? ako pa ang pinagdiskitahan niyo ah!"
"hahahahhahahaha. di ka na mabiro pre ehh! joke lang! " sabi ni derick, ang loverboy samin. hahahha.
"tigilan niyo na nga yang si jeron. ang aga aga eh." si kuya louis, ang pinakamatanda samin at pinakamature magisip
"si kuya kj nandyan nanaman. hahahahahah! " si gerard.
"pag nagalit yan sainyo patay kayo! hahahahaha" eh kase mabilis din yan magalit minsan. ayaw niya din na may nagaaway samin.
"ayaaaan na yung apat na new students" si ate microphone. grabe yan. pati pag darating kami may special sigaw muna siya sa classroom. akala mo naman artista ang darating porket sikat kami sa school.
dumating na nga yung apat na students.
"ang chix nila pre oh!" si gerard. ayyyy nako napaka daldal naman nito. di na nahiya. -.-
umupo yung apat dun sa vacant sits sa harap namin. -.-
"pre. hingin ko kaya number?" si gerard nanaman malamang.
"edi hingin mo! nagtatanong ka pa eh! pake ko naman kung hihingin mo diba?" parang baliw talaga tong lalaking toh. pabulong kami magusap syempre baka marinig at akalain pa nilang may interes ako sakanila,
wala akong interes sa mga babae noh.
"wag na nga lang. nakakahiya pala" sabi ni gerard
"wow! alam mo pala yung salitang hiya? akala ko wala sa dictionary mo eh"
biglang dumating si mam. millares
"goodmorning class, meron nga pala tayong apat na students from ***school.please do introduce yourselves ladies."
pumunta na yung apat sa harap.
"hello im jane louise nam. you can call me jane or jl" sabay upo. cute siya , yun lang ang masasabi ko.
"hi im samantha kwon. you can call me sam. " blahblah....
"jaime jeon. jai for short." ang taray naman nito..
"guilia(julia) lorraine heo. call me g" wala akong masabi sa itsura niya.
at yung huli na.
" anyeong! i'm hyuna marie kim. you can call me hyuna. i hope we can all be friends" tapos nagbow siya.feel na feel ang pagiging koreana! kami nga kahit may lahi kami di kami naggaganyan sa school eh! -.- pasikat eh. pero there's something in her eyes. parang anlamig nung mata niya kung titignan mo.
she's...she's mysterious..
natapos ang lahat ng klase nmin sa umaga. wala namang ginawa masyado. kaya ayaw ko pumapasok ng first day eh..
papunta na kami sa canteen.
"pre, ang ganda nung hyuna noh? ganda ng mga mata niya." si gerard nanaman.
"puro ka nalang chicks pre. aral-aral din pag may time ah. kaya ka nabagsak eh" si kevi, ang lakas manginis eh. hahahahah.
napansin ko lang si kevin kanina pa nagiisip. ano kaya iniisip nito?
"ahhhh! naalala ko na kung san ko siya nakita!"- derick
"ayyy may panget na bakla!"
"hahahahhahahaahahhaha panget na bakla daw!" si evin. ang babaw ng kaligayahan eh.
" kase naman tong si derick biglang sisigaw! nakakagulat kaya. " =_____=
nasa tapat na kami ng napakalaking pinto ng canteen.
bubuksan na namin malamang. at pagbukas namin.
*splaaaash*
"sorry. sorry. di ko sinasadya. sorry talaga" si girl mysterious
"ah. okay lang. di mo naman talaga sinasadya eh." si jacob pala ung natapunan. buti nalang tubig lang yun pero unti lang naman yung nabuhos eh.
" eto panyo oh. atleast manlang matuyo niya unti yang basa. thank you talaga at di mo ko sinigawan or whatsoever kase yung iba talagang magiinarte eh" si miss mysterious/ clumsy
"may sasabihin ka pa ba? masyado ng mahaba ang speech mo. may taong nagugutom na dito."
siniko ako ni gerard.. porket kase type niya eh.. psssh. ang clumsy naman. -.-
"pagpasensyahan mo na tong kaibigan namin. nagmemenopause kase kaya mataray. alam mo na. hahahahhah" si kevin talagaaa! -.-
"hahahahahah. ahh kaya pala. okay lang. di naman ako naoffend eh. tska nga pala. nagdala ka ba ng extra mong napkin o diaper? baka kase matagusan ka. nakakahiya yun." si clumsy
"
"aiiiish! shuut up. you clumsy cat!" sabay walkout ko. nagugutom na talaga kase ako eh. tas inaasar pa nila ako dun! -,-
Clumsy Cat! hahahhahah.. mukha kaseng pusa eh. lalo na yung mata niya :)
umorder ako ng pizza yung may apat na slice
apat, only for myself. *o*
naglakad din ako papunta ng garden ng school. ang ganda kase dun eh.
umupo ako sa ilalim ng puno tas tumigin sa paligid habang kumakain.
naramdaman kong may tumabi sakin.
"uhmmm. sorry pala sa pangaasar ko sayo kanina. ikaw naman kase nanguna eh."
"okay clumsy cat. di ko naman dinamdam yun. talagang gutom na ako eh."
" di nga halata eh. apat na slice ba naman ng pizza eh."
"ganyan talaga ako. gutom nga eh. btw, ang weird ng mata mo. bat ganyan?"
"tanungin mo nanay ko. malay ko ba. pinanganak ako ng ganyan na yan eh. marami nading nabighani dyan sa mata ko. ikaw din noh?"
"libro ka noh?"
"huh?"
"ang kapal mo kase eh! tssss.." feeling naman niya nagagandahan ako sakanya.
di noh. sadyang curious lang ako sa mata niya. alien ata toh eh. xD
"HAHAHAHHA! corny mo kuya payat!"
"what did you just call me?!"
"kuya payat! linis linis din ng tenga pag may time ah. "
aiiish! nakakainis na tong babaeng alien na pusa na ewan. -.-
"for your information miss alien, naglilinis ako ng tenga. and di po ako payat! macho po ako!" -.- may abs toh noh..
"yuck! san banda? feeling mo naman macho ka eh ang payat payat mo nga eh. mas payat ka pa sakin. yuuuck! dream mo siguro maging barbie noh? hahahhahaha"
"aisssh! dyan ka na nga! non sense kausap! alien talking!"
dumiretso na ako sa classroom kahit di pa tapos yung break.
tas biglang sumigaw si ate microphone.
"Half Day lang daw! pwede na daw umuwi!! woooooooo!"
nagtatalon yung mga classmates ko lalo na tong si kevin.
"tara punta na tayo sa studio!" si kuya louis.
"di muna ako pupunta. medyo masama pakiramdam ko eh."
"osige lang. wala pa naman tayong gagawin masyado eh"
"sige una na ako" di naman talaga masama pakiramdam ko. di ko lang talaga feel magpractice.
naaalala ko nanaman kase siya eh...
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's note:
sorry po kung may mga errors :))) pleasee do support my storyy :) di po talaga ako mataray. parang lang! hahahah :)))