Mysterious Soulmate

By -Babin-

1M 11.4K 1.4K

A story of a guy who finds his perfect match in the imperfect world of corporate industry. More

Note:
Stanly's Profile
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 {part 1}
Chapter 3 {part 2}
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10 (under construction)
Chapter 11 (under construction)
Chapter 12 (under construction)
Chapter 13 (under construction)
Chapter 14 (under construction)
Chapter 15 (under construction)
Chapter 16 (under construction)
Chapter 17 (under construction)
Chapter 18 (under construction)
Chapter 19 (under construction)
Chapter 20 (under construction)
Chapter 21 (under construction)
Chapter 22 (under construction)
Chapter 23 (under construction)
Chapter 24 (under construction)
Chapter 25 (under construction)
Chapter 26 (under construction)
Chapter 27 (under construction)
Chapter 28 (under construction)
Chapter 29 (under construction)
Chapter 30 (under construction)
Chapter 31 (under construction)
Chapter 32 (under construction)
Chapter 33 (under construction)
Chapter 34 (under construction)
Chapter 35 (part 1) (under construction)
Chapter 35 (part 2) (under construction)
Chapter 36 (under construction)
Chapter 37 (under construction)
Chapter 38 (under construction)
Chapter 39 (under construction)
Chapter 40 (under construction)
Author's Note
MMS Special
SC - The Wedding
SC - The Reception

Chapter 9

24.5K 237 13
By -Babin-

Angelie's POV

Naalimpungatan ako sa pangalawang pagkakataon sa kakaibang kwarto, ano ba'to! nasasanay akong matulog sa malamig na lugar baka hanaphanapin ko na kasi eh.

Dahan dahan akong dumilat, nasa unit nga pala ako ni Slate ngayon.

Bumangon ako at nagunat unat at biglang natigilan.

Nasa unit ako ni Slate ngayon???

Hala sa ibang kwarto nanaman pala ako nakatulog!!!

Pag nalaman pa ni Tanya na nakikitulog ako sa mga kuya niya baka iba pa isipin niya nakakahiya.

Nag face palm ako sa kahihiyan, paano nga ba'ko napadpad sa kwarto niya?

The only thing na naaalala ko ay nanonood ako at nasa lap ko ang ulo ni Slate.

Hihi nakatulugan ko na pala, malamang kinarga niya ko papunta dito nakakahiya naman.

Sa salas siya natulog, paglabas ko ng kwarto niya siya agad ang bumungad sa'kin. Nakapulupot siya sa sofa niya at nakaka awa siya sobra, malamang nahirapan siyang makatulog kagabi.

Bakit ba kasi hindi niya ko ginising kagabi? sana ako nalang ang natulog sa sofa diba? tsk tsk isang Ramirez? alam kong hindi sanay matulog sa masikip yan.

Bakit nga ba hindi nalang siya natulog sa kwarto niya? king size naman ang bed niya kahit lima pa kami matulog dun kasyang kasya kami.

My suddenly turned red and my whole body chills...

Hala anong klaseng pag iisip yan!!!?

Bakit naman kami magtatabi matulog???? No way! mag tiis siya diyan sa makipot niyang sofa! wahahahahaaha!

Hay makapagluto na nga lang ng masukliaan ko naman ang pagiging gentleman niya.

Ang tanging laman ng ref niya pagbukas ko ay tubig! Waaah saan siya nag bebreakfast?

I opened his freezer at may frozen hotdog dun at sa chiller niya ay may nagiisang egg buti naman...

Nakita ko rin yung soup na ready cook sa kitchen cabinet niya.

Ngayon makakapagluto na'ko hihi...

After ko magluto, agad ko siyang pinuntahan para ayain kumain.

"Nakahain na yung breakfast kumain na tayo."

"Umm... Susunod na'ko." he said dati naririnig ko lang sa iba na the sexiest thing in a man is his sleepy voice.

I got goosebumps when finally here one, sexy nga... But anyway breakfast time.

Titimplahan ko sana siya ng coffee kahit siya man lang sana makatikim ng timpla ko di kagaya ng kuya niyang walang tiwala sa kape ko hayyy.

"Ano ba yan kulang kulang yung gamit sa bahay ng lalakeng to!" sabi ko sa sarili ko ng malaman kong wala siyang coffee.

Juice nalang ang tinimpla ko instead.

"Where did you get the hotdog?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko siya, hindi ko akalaing babangon na agad siya at kakatapos niya lang maligo.

"You shocked me, how did you took a bath so fast? Is Flash on you." Pabiro kong sabi.

He just smirked and God he's so damn greek god hot! with his tapis and topless outfit haha outfit talaga.

Ay nako umagang umaga binubuhay niya ang katawang lupa ko.

"I said where did you get the hotdog?"

Magsasalita na sana ako pero inunahan niya ko.

"Saglit magbibihis lang muna ako..."

Pumasok na siya sa room niya para magbihis ihhh so gentleman naman, talagang magbibihis muna siya para hindi ako mawindang sa kanya habang nakikipagusap.

Don't get me wrong ah! I still do not like him.

Paglabas niya ay diretsong umupo na siya sa kainan...

"Game answer me now."

"Sa freezer mo." sagot ko.

Tiningnan niya ko na parang may inaalala..

"Apat na buwan na ata yan sa loob ng freezer ko Anj."

Hala!!!

"Ganun ba? o sige magsoup ka nalang."

He rolled his eyes.

"Angelie, kelan mo pa ginawang breakfast ang soup? At isa pa bat hinaluan mo ng itlog? hindi ba weird yun?"

Bakit nga ba ako nagluto ng light food? dapat nga hard meal ang breakfast diba? Hayy nako Angelie...

At somepoint in my life haha, nalungkot ako pano wala man lang siyanh nagustuhan sa niluto ko nakakahiya tuloy.

"Tara na kain na tayo." Biglang sabi niya na ikipinagtaka ko naman.

"Akala ko ba sira na yung hotdog?"

He sighed at tumusok na ng hotdog

"Pwede pa yan tara na."

"Sige magsu-soup nalang ako para hindi masayang."

Hindi na niya ko pinansin at kumain na siya na halatang napipilitan lang.

Bawat subo niya ng kinakain niya nagiiba talaga ang itsura niya.

For sure sira na talaga yung hotdog ayaw niya lang aminin.

"Hayy naku kung sira na hwag na pilitin." I rolled my eyes

"Pwede pa masarap pa nga eh." Sabi niya habang ngumunguya haha,

"O sige patikim nga."

Hinarang niya ang kamay niya sa hotdog at sinabi.

"Akin to! mag susoup ka lang sabi mo diba?"

Tinitigan ko siya ng masama sabay tayo para maabot yung hotdog.

"Eh patikim lang naman eh..."

"ah... u... Angelie wag na!" sabi niya habang binabakuran niya yung hotdog hayyy!

Hindi ako nagpatinag at nakatusok din ako ng isa.

Nanlisik ang mata ko sa kanya..

"Sabi ko na eh!"

"Sabi ko kasi wag mo na tikman eh pwede pa nga eh..." pangangatwiran niya pa.

"Hinde! wag mo kakainin yan sinasabi ko sayo Slater Ramirez!!!" and I sighed "Fine let me just treat you nalang ng breakfast before goong to work."

Sabay bitaw niya ng hawak niya utensills.

"Tsk, ngayon mo pa sinabi kung kelan muubos na."

"Pacute ka kasi eh kung sinabi mo pa kanina edi sana hindi ka na nagpakahirap ikaw kasi eh. Maliligo lang ako tapos alis na tayo." Naglakad nako papasok ng bathroom. "Wag mo na kainin yan ah!"

Psss pacute kasi, sira na nga pipilitin pa! ang ayoko pa naman sa lalake eh yung pa feeling good, hayy pa impress sapakin ko siya ng frozen hotdog eh.

Pero kahit papano naawa parin ako sa kanya...

Para kasing sa buong buhay niya ngayon lang siya nakakakain ng sirang pagkain eh...

Pero diba mas kawawa ako? Pangatlong araw ko ng susuotin yung damit kong 'to...

Buti nalang at pinalaundry siya ni Slate kahapon.

Use your imagination nalang kung ano ang suot ko after ko magswimming haha.

Hayy sige na nga naka basketball ako na shorts na halos maging pajama na sa sobrang haba at plain navy blue shirt na mukha ng bestida.

Psss never imagined in my entire life na makikihiram ako ng damit sa lalake and not so coincidence naman diba na sa magkapatid na Ramirez pako nanghihiram, isipin pa ng iba malantutay ako.

Dumeretso na kami sa office ayaw na daw niya mag breakfast nawalan na ata ng gana.

Pagpasok namin sa office ni boss Stanly, siya na agad ang bumungad samin...

"Bakit kayo magkasama!?" He said trying to keep his temper.

"Saglit kuya pagamit muna ng restroom di ko na kaya pigilan!" Sabi naman ni Slate na tumatakbo habang hawak ang tiyan.

Naku 'di kaya nafood poison ko si Slate? Hala! nakitulog na nga ako nanglason pa'ko...

"San kayo galing?" Tanong ni Stanly... Mahina pero madiin

At dahil wala si Slate, sa'kin ibinuntong ni Stanly ang masamang tingin niya... Hmmp akala niya ba matitinag ako? Matapos niyang sirain yung umaga ko kahapon tatanong tanungin niya pa'ko kung saan ako galing.

Tinitigan ko lang siya mula ulo hanggang paa... Mataray na tingin as in feeling ako ang may ari ng kunpanya.

Hahaha medyo na intimidate ko naman ata at nanahimik, tss ayoko siyang kausapin kaya minabuti kong lumabas at bilhan nalang siya ng kape niya.

Nakakainis kaya siya promise! Hindi ko alam kung bakit naiinis ako pero nanggigigil talaga ako sa tuwing nakikita ko yung pagmumukha niya.

Namula ang mukha sa thought...

Hoy! don't get me wrong gigil yun as in nanggagalaiti ah hindi nanggigigil dahil ang gwapo niya.

Hayy ano nanaman ba ang nasa takbo ng isip ko nababaliw nanaman ata ako.

I bought him 2 grande sa starbucks tingnan ko lang kung makatulog pa siya mamaya.

Pag akyat ko finally nandoon na si Slate at naguusap sila ni Stanly ng masinsinan.

Intense ang kaganapan sa loob ng office pano pareho ba namang Ramirez ang naguusap ng seryoso...

Biglang nagbago ang mga pagmumukha nila at medyo gumaan ang ambiance nang makita nila ako.

I sighed... "Are you fighting?" Tanong ko.

"No we're just talking about business." Sagot ni Stanly

I rolled my eyes...

"Oh kape mo!" Pabalang na sabi ko hihihi medyo nasasanay na'kong kausapin siya in that way pano ba naman ang cute kasi diba? ang sama na nga ng secretary niya pero hindi parin siya umaangal.

"Anj sa tulog ka ulit sa unit ko?" asked Slate.

I sighed and said...

"No thanks miss ko narin yung apartment ko at yung damit ko kaya, pangatlong araw ko ng suot suot."

He just chuckled

"Fine basta dinner mamaya ah?"

"Oh sure basta treat ko bilang ako ang dahilan kung bakit nasira ang mamahalin mong sikmura."

Natawa siya even Stanly I know natatawa...

"Mamahalin!?" pagtatakang tanong ni Slate.

"Huh? Oo ang yaman yaman niyo eh sigurado naman ako ngayon kalang nakakain ng panis no..."

"Haha ikaw talaga... sige nga saan mo ako ililibre? Dapat sa mamahalin din ah..." He said teasing me.

"Hmmp as if namang afford ko yung hinahanap ng mamahaling sikmura mo Mcdo lang ang kaya ko hwag ka na maselan."

He smirked and sighed "Yeah that's fine but give me the privilege to order anything I want..."

Kumontra pa rin ako dahil ayoko gumastos ng sobra...

"Sige hanggang tatlong order lang..."

"Then that's settled."

"Whoever making that annoying sound, will you quiet down!!?" Singit nanaman ni Boss Spoon.

Hmm walang araw talaga na hindi sumali to sa usapan, wala kasi makausap kung hindi yung mga papeles niyang walang katapusan eh tapos ngayon papansin hayy...

Bwiset kang Boss Steinly ka sinisira mo ang maganda kong umaga...

"Kuya sa monday na no?" tanong ni Slate.

Napatayo si Stanly sa office chair niya at lumapit samin.

"Pack the things you'll bring to Bukidnon, its on monday better the both of you get ready..."

Pss tas ngayon bigla bigla nalang lalapit at uutusan kami... che!!!

"Ayoko kayo nalang hindi ako sasama." I said.

Napatigil si Stanly at napatingin ang magkapatid sa'kin.

"Bakit naman?" Malungkot na tanong ni Slate.

"Eh... ayoko ng mga ganyan ganyan napapagod ako."

"Hindi nalang rin ako sasama ikaw nalang kuya tutal gusto mo naman lagi mag isa eh..." Pang aasar pa lalo ni Slate na ikinatutuwa ko.

Naningkit ang mata ni Stanly at humarap samin ni Slate.

"Did somebody asked for your opinions? Did someone told you I will let you both left in here and do something terrible? Then not!!Both of you will come with me in Bukidnon and that's final!"

At ayun parang bubwit na mabilis naglaho ang Steinless Spoon na yun.

ahsosdmpskshaja!!!

Ang drama talaga ng buhay niya nakakagigil!!!

"Pano ba yan? Mukhang wala tayong magagawa, pack your things ok?" Cool cool lang na sabi ni Slate na parang alam niya ang magiging reaksyon ni Stanly kapag sinabi niyang hindi na rin siya sasama.

Ang bilis talaga gumawa ng paraan ng Slate at Stanly na'to.

Itong magkapatid na to binabaliw ako ng sobra!!!

"Ang bilis naman magbago ng isip mo? Kanina lang ayaw mo sumama ngayon gusto mo na ulit?"

"Sige na Anj balik nako sa office ko."

At ayun iniwan akong bigla hayy...

O sha sha ano pa nga ba magahawa ko? isa lang naman akong hamak na sekretarya ng mahanging Steinless Spoon na to.

Hindi ko nalang siya papansin hanggat hindi siya nag aapologize, hindi ako galit gusto ko lang ulit marinig ang salitang sorry na mula sa kanya kaya

Utusan niya ko ng utusan pero magdusa siya, hindi ko siya kakausapin.

Slate's POV

Now everything went back to normal, pagdating na pagdating ni Angelie sa office pinarinig ko agad kay kuya kung saan galing si Angelie kahapon.

Gusto ko siyang magselos at mainis pero nagseselos nga ba siya? Hindi ko kasi maramdaman eh ang manhid na talaga ni kuya.

Bato na ata sa trabaho laging nakatuon ang sarili parang hindi mabubuhay kapag hindi nagbabasa ng mga papeles.

Ang dami ng meetings ko ngayon tinambakan ako bigla ni kuya, ako ang pinag handle sa ibang paper works dahil bukod sa mga meetings eh marami pa siyang appointments. Bilib na talaga ako sa kanya, paano niya kaya napagsasabay-sabay ang mga to dati? Pinanganak ata talaga siya para sa ganitong bagay eh.

Sa sobrang katambakan sa trabaho nakaligtaan ko na mag lunch. Medyo wala rin kasi akong gana dahil sa kinain ko kaninang umaga. Di bale na basta mamaya kakain ako hehe.

Matapos ang ilang oras natapos ko din ang kalbaryo ko haha sakto nakaramdam narin ako ng gutom.

Dumeretso ako sa office ni kuya after ko mag unat ng kamay habang naka upo sa office chair ko.

"Hey tara na." said I.

Napatingin sa gawi ko si Anj.

"Wala pa kuya mo, di pa ko nagpapaalam."

"He has a date tonight, nakalimutan mo na ba? hindi na babalik yun kaya tara na."

Nagisip isip siya saglit mayamaya lang nagliligpit narin ng gamit.

"Oo nga sige gutom narin ako."

---------------

Siya ang umorder at pinag hanap niya nalang ako ng bakanteng table.

Sa kasalukuyan ngayon nakaupo nako at kinakabahan na baka isipin ng mga makakakita sa akin eh kalalaki kong tao babae pa ang nagbayad sa kakainin ko.

Pero okay narin ... mukha naman akong nag nenetworking eh hehe naka tux sa loob ng isang fastfood. Kapag may nagtanong edi sabihin ko nag nenegotiate kami.

Oh ito na pala.... Apat na large fries, dalawang tig- 2 pieces na chicken, large cokes at extra rice very cool..

"Ayan ahh alam ko namang gutom ka na kanina pa eh."

"Tara na let's eat." I said.

Umupo na si Angelie

"Kwento mo naman yung mga nangyari kanina." Angelie asked me about the meetings.

"Pinag-usapan lang yung monthly allowance."

"Teka diba dapat si Stanly dapat ang nag pepresent noon?"

"May appointment kasi siya kaya ako nalang ang pinag present niya."

"Okay ano namang reaksyon ng mga stock holders?"

"Ok naman , natuwa nga sila dahil malaki ang tinaas ng kita compared last month. Pero si Mr. Salvador nagrereklamo dapat daw mas malaki pa ang tinaas ngayon kasi daw mas dumami ang nag invest sa kumpanya natin."

"Hayy naku ang hirap naman pala ng trabaho niyo."

"Maiba naman tayo, bakit ka nga pala pumayag maging scretary ni kuya? ok ka naman sa trabaho mo dati di ba?" Ditetsong tanong ko para malayo na ang topic sa stressful na trabaho.

Tumahimik siya bigla at nagisip ng malalim.

"Hay basta hwag mo na alamin, tungkol lang yun sa pangarap ko. Atska di na rin naman masyadong nag momodel ngayon si Tanya eh kaya di na niya ako kailangan."

Nag kwentuhan kami ng nag kwentuhan. kinuwento ko ang childhood ko tawa siya ng tawa sa mga kalokohan naming magkakapatid. Noong dati si kuya umakyat ng puno at nalalag dahil sa mga langgam na kumagat sa kanya, si Tanya na palaging umuutot at ako na palaging nasesementohan ng kamay dahil sa skate board at extreme childhood sports game pero pag nagsama kaming tatlo panigurado sira ang mga gamit sa bahay haha. Iniisip namin na kami ang three musketeers at ang mga katulong at guwardiya ang mga kalaban.

Grabe nakaka miss din pala ang bonding naming tatlo.... matagal na matagal na ang panahon na yun di na kami nag ka kasamang tatlo palagi na kami-kami lang.

May sari-sarili na talaga kaming buhay ngayon.

Pero sa tuwing maaalala mo lahat matutuwa ka talaga.

Bigla kong napagtanto sa sarili ko... ako lang pala ang nag kukwento magmula kanina ...

Di namin namamalayan na kami nalang pala ang customer doon haha ginabi na pala kami, buti nalang at may 24/7 na mcdo.

Hahatid ko na si Angelie sa apartment niya.

Pinipilit niya ko na ibaba nalang siya sa sakayan ng taxi pero hindi ako pumayag.

Gabing-gabi na baka may mangyari pa sa kanya lalo na at babae pa siya, ihahatid ko siya sa apartment niya kahit anong pang sabihin niya.

Pag dating namin ginilid ko na ang sasakyan ko at sinabi ko sa kanya na nandito na kami pero wala siyang kibo doon ko nalamang naka tulog na pala siya.

Napangiti ako sa itsura niya, kahit pala tulog na siya ang ganda niya parin at ang amo.

Nilapit ko pa ang sarili ko sa kanya para mapagmasdan ko pa siya ng maigi pero naalimpungatan kaya agad akong umayos baka matakot sakin.

"Umm nasaan na tayo?"

"Nasa tapat ng apartment mo."

"Ay nakatulog na pala ako naku sorry."

"Hehe bumaba ka na nga at dumeretso ka ng matulog sa loob."

'Teka paano mo nga ba nalaman kung saan ako nakatira?"

"Huh? sinabi mo ang address mo sa akin remember?"

"Ayy oo nga haha sige na goodnight na ui mag ingat ka ahh baka mamaya antukin ka sa daan."

"OPO."

Pumasok na siya sa loob kaya umalis na'ko.

Tumitibok ng malakas ang puso ko ngayon.

May halong kaba at saya, pano muntik niya nako mahuli na tinititigan siya eh tapos pinag iingat niya pako sa daan.

Na iinlove na nga ata talaga ako sa kanya? ewan ang lakas na ng tama ko sa kanya.

Bigla nalang may naalala ako at ikinalungkot ko yun.

Hindi pala pwede...

Continue Reading

You'll Also Like

471K 14.2K 37
Akala ni Mara dahil nawala na si Minami at Keisuke sa buhay nila ni Ryu, mapapanatag na ang kanyang kalooban. Pero mas masahol pa pala ang kasasadlak...
195K 3.9K 53
Seirra is always longing for her freedom. She's like an angel trapped in the bars. Her life is just like an open jail. Bata pa lamang siya ay naging...
925K 31.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
38.2K 569 33
Paano muling magmamahal ang isang taong nasaktan dulot ng maling pagmamahal? Kailan mabubuo ang pagkataong minsang winaksak? Kilalanin si Jane Mariz...