The Gang's Prized Possession

By YouNique09

1M 29K 3.9K

There are three silent rules in Bridgeway High when it comes to the Black Blade. First Rule: Everyone owns th... More

The Gangs Prized Possession
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter A
Chapter B
Chapter C
Chapter D
Chapter E
Chapter G
Chapter H
Chapter I
Chapter J
Chapter K

Chapter F

18.7K 479 42
By YouNique09

Chapter F

"The devil wanted an angel"

I remembered what he said months ago. Hindi malayong mahalin niya ako. I'm lovable, I know, but it takes patience pag dating sa ugali ko.

Una palang siya na yung pinagbibigyan ako sa lahat ng kapritso ko. He can handle me at my best and worst. We both have an evil streak that's why sinusuportahan niya ako sa mga naiisip ko. But then, I hated him to bits dahil sa mga kalokohan niya. Truth is, I was afraid na baka dahil doon wala siya, mawala siya sa'kin.

I don't really tell Vini how thank I am of his existence that much. Maybe I should say it now...

Sometimes you really have to take advantage of the moment.

"And then the devil wanted to keep the angel forever because he has grown to love her..."

Now or never Calliope Rain.

"The angel loves the devil too"

Humigpit ang yakap niya sa'kin. After a few seconds of comfortable silence, narinig ko siyang tumawa.

"Sabi na e, kailangan ko lang talaga magpa miss para umamin ka."

Trust him to ruin the moment. "Naman eh!"

He palms my face at kinurot ang pisngi ko. "So cute baby..." bago niya hinalikan ang ilong ko. "Wala nang bawian yan"

I only smiled. He already knows what I feel, he just needed a confirmation. It's so easy for him to read me, alam niyang hindi rin ako mag e-effort ng ganon kung wala lang but I want to say it to him directly. I feel like I owe him that. My words and feelings.

I placed my finger on his lips and smiled. "May sasabihin pa ako"

"Thank you for always being there, kahit na ang layo na natin sa isa't isa sinisiguro mo paring okay ako. Sometimes actions aren't enough, words are needed too. Sometimes others liked it vice versa..." hinaplos ko ang pisngi niya. I'm on the verge of crying but I fought the tears back. "I love you... so much. I know I've loved you even then but I was too dumb to notice. I only realized it nung na experience ko na wala ka na sa tabi ko palagi. You really do appreciate what you have when you live without it for a while"

I took a deep breath. It's refreshing rin pala when I finally get to admit it hindi lang sa kanya but sakin din.

I tilted my head, still smiling. "I missed you calling me baby"

I know the effect I have on him and I pretty much know how to use it.

"Stop that," sumimangot siya sa sinabi ko kaya natawa ako. "Hindi na ko makakabalik ng Paris nito"

Tumawa ako ulit at niyakap siya. "You don't know how long I've waited for this..."

"What I'd to repeat the airport scene right now..." he said after a beat. "I love you too"

I wanted to laugh upon remembering it. You caught me off guard there baby but I'm glad I lost my first kiss to you.

***

"Ang gago talaga nito ni Reigan! Tinulugan tayo! Sabi ko pumunta dito eh" Humagalpak sa tawa si Calixx habang dinial muli ang number ni Reigan.

Hindi pa ako inaantok kahit anong oras na. Tapos na ang birthday ko dahil madaling araw na. They just moved the party here to bond. Ang mga Black Blade at si Seth nalang ang natitira, nag iinuman pa sila eh. Walang paawat. Mukhang wala pa ngang mga tama.

Since Seth and Keanu's here, andito rin si Chloe at Sasha. Si Sasha nakikisama sa mga boys, mukhang alam na alam na niya kung paano maki sakay sa mga trip nila while Chloe's busy with her phone. Naka hilig lang siya sa balikat ni Seth.

They booked their own executive suites para dito na matulog. Umuwi na ang parents ko, pinadala ko nalang muna yung gifts sa bahay. Pag umuwi kami bukas tsaka ko nalang bubuksan. Si Mom pa ang nag suggest na we stay here dahil halatang na miss daw namin ang isa't isa. Excited lang sila dahil kanina pa nila gusto mag inuman.

"Hindi na 'yan sasagot!" Sinapok ni Sasha ang katabing si Calixx. "Kung gustong matulog nung tao hayaan mo!"

"Nag aalala lang naman ako! Wala nang buhay si Reigan!"

"Humihinga pa siya kaya wag kang OA d'yan" Irap ni Sasha sabay kuha ng Nova na malapit sa kanya. Tumatawa naman si Keanu sa tabi niya. Obviously proud of his girlfriend.

Nasa gitna ako ni Vini at Josh. Kanina pa sila pa iba-iba ng topic, si Calixx at Jace ang pasimuno palagi. Inaasar pa nila si Rix.

"Sinong walang love life taas kamay!" Biglang hiyaw ni Jace sabay hila pataas ng kamay ni Rix at Calixx na nasa tabi lang niya.

"Excuse me lang, may love life ako" Calixx said before taking his shot. Ang mga boys lang naman ang umiinom ngayon dahil sila ang may kaya ng mga alak na binili nila.

"Love life ka d'yan, sex life gago!" Mabilis na tugon ni Keanu sabay bato sa kanya ng unan.

Inisa-isa ko naman sila habang patuloy sila sa pang aasar kay Calixx. Si Leon at Josh lang ang tahimik, nakikitawa lang.

"Speaking of love life," Vini said. "Josh how's yours?"

Sinapak ko agad ang braso niya dahil sa tanong niyang iyon. He gave me an innocent look before turning to Josh with a smirk.

Napa ubo naman si Jace bago nilagok ang shot ng smirnoff.

"Leave him alone" I rolled my eyes. Alam naman nila si Josh pag dating sa ganon, baka mapikon ng wala sa oras.

"The topic will get awkward so let's talk about something else," mukhang tipsy na si Calixx. Papikit pikit na rin ang mata niya but doesn't want to give in.

And then they started talking about football dahil malapit na magsimula ang season nila Calixx. Wala akong alam sa sport na 'yon. Basketball pa meron, Football? Nah. American football ang nilalaro nila eh, yung daganan, kaya ang lalaki ng katawan. I bet these boys are monsters in the field while my boys dominated the court.

"You sleepy?" Vini whispered.

Umiling ako. Hindi pa naman ako inaantok but Rix is giving me the stink eyes kaya napatango na rin ako. Hindi siya makulit ngayon. Ang serious niya kaya hindi ako sanay.

"I think Rix will burst kapag hindi pa ako tumayo" I whispered back amused.

"C'mon," hinila na niya ako patayo pagkatapos tumawa.

"Oohhh sexy time na ba?" Calixx immediately whistled nang tumayo kami.

"Shut up Calixx, you're drunk" Vini smoothly answered him. But his comment earned him a punch from Logan. Kasi eh.

"Am not! Just tipsy..."

"He's drunk," Sasha nodded at Keanu. Sila na ang bahala kay Calixx.

"Ubusin nalang natin 'to then matulog na tayo" said Logan. Ginulo ko pa ang buhok niya nang dumaan ko.

"Bumalik ka" Rix reminded Vini. Tumango lang siya sa sinabi ng pinsan ko.

I already expected that from hin, yung madadagdagan yung protectiveness niya. He was like that sa ex-boyfriend ni Mai. It's all in the cousin code.

Kaya nga si Rix ang kasama ko ngayon sa kwarto. Mamaya pa naman ata sila matutulog. Uubusin pa nila yung alak.

"Seth, can you sing me to sleep?" Narinig kong request ni Calixx kaya ang lakas ng tawa ko nang pumasok ng kwarto.

"Calixx's crazy when he drunk," napailing si Vini at binuksan ang lamp sa bedside table.

"I can tell" I chuckled. I bet Chloe's laughing her ass off too dahil sa reaction ni Seth. Kikilabutan yon for sure.

"Inasahan ko na yon from Rix, he already warned me. Pag lapag palang ng plane alam na niya ang mangyayari kaya nang dumating kami sa Gang house he gave me 'the talk' and all of them followed."

"What did they say to you?" I asked nang mahiga na ako sa kama. Good thing naka jammies na ako kanina pa.

"Long story short, 'Break her heart and I'll break your bones'" he laughed. Umupo siya sa tabi ko and played with my hair. "Logan's words were scary though. Don't tell him na sinabi ko iyon"

"Anong sabi niya?"

"Gave me a reality check then after that bombarded me with questions and then told me what will happen pag iniwan kita... I didn't like it."

"Of course you didn't," I smiled. "Pano na yung buhay mo pag wala ako diba?"

"You're talking like me now, bad influence na ako sa'yo"

"You've always been a bad influence to me. Wala nang bago don"

He stayed for a few minutes dahil nga hindi pa talaga ako inaantok. We were up talking, it was our time to catch up kahit na palagi naman kaming nag uusap.

Talagang nilabanan ko ang urge to touch his face. I think it's my new habit na. Bawat minuto kasi gusto ko talagang siguraduhin na narito talaga siya sa tabi so I'll randomly touch cheek or any part of his face. I think napansin na rin niya kaya nilimitahan ko na but then I flicked his ear kaya natatawa niyang hinawakan ang kamay ko and kissed it.

"I'm real. I'm here baby. You don't need to do that"

I only blinked back. Wala naman akong dapat sabihin. He already got what I wanted to say sa pag hawak ko palang sa mukha niya.

He lowered his face to kiss my forehead, giving me assurance. "I'd still be here when you wake up. Go to sleep, baby"

I didn't argue with him dahil inaantok na rin ako. He kissed my forehead once again bago patayin ang lamp, alam kong hihintayin niya munang maka tulog ako bago lumabas ng kwarto.

Madilim parin sa kwarto nang magising ako. I had a light sleep, pakiramdam ko ang ikli at ang babaw lang ng tulog ko. Tinatakpan ng makakapal na kurtina ang malaking bintana kaya hindi ko alam kung anong oras na. I rubbed my eyes before jumping out of bed. Kung maaga pa talaga then pwede akong mag jogging but yung mga damit ko ay nasa unit. Pajamas at damit pang uwi lang sa Cavite ang pinabaon sakin ni Mom.

Naka patay ang ilaw sa sitting room nang lumabas ako, naaninag ko naman ang ilaw sa kitchen so I guessed Rix is there.

Naabutan ko siyang umiinom ng kape sa breakfast bar, tahimik at tulala. Inaasahan ko na mas late siyang magigising sa'kin dahil sa hangover.

"You're up early," puna ko at kumuha na rin ng mug.

"So are you," he shot back back with a lazy smile. "It's 6 am, pwede ka pang matulog"

Umiling ako at kumuha ng pack ng swiss miss na binili nila kagabi kasabay ng alak. Alam kong bababa rin kami mayaya for breakfast, plano pa nilang mag swimming bago mag check-out.

"Sanay na rin naman akong gumising ng maaga tsaka mamaya may kakatok na d'yan"

Tumawa siya. "They're too drunk to even wake up"

Ilang minuto kaming natahimik. Hinahalo ko ang hot choco at naupo sa harap niya. I held my hand out in front of him at tinaasan niya ako ng kilay dahil doon.

"Give me your phone"

"Why?"

"C'mon smartass, you're not an artist for nothing. Akin na yung phone mo at titignan ko ang drawing nung babaeng gusto mo"

I can see through him, he's my cousin after all. Totoong may gusto siyang babae at alam ko ring may dahilan siya kung bakit ayaw niya sabihin ang pangalan. It's either hindi niya talaga kilala or pinipigilan niyang kilalanin. Ano namang mahirap sa simpleng pag tanong ng pangalan diba? Kahit na sa ibang tao mo pa tanungin. Kayang kaya niyang gawin iyon. Umaapaw ata ang self-confidence sa sa katawan ng pinsan ko no!

Tumawa muna siya ng malakas bago inabot sa'kin ang cellphone. He's laughing dahil tama ako.

I searched his gallery at nakita ko doon ang mga gawa niya. He likes taking pictures of his works but hindi naman niya pinagmamayabang, unlike Jace na proud na proud sa mga shots niya. Rix is silent when it comes to his talent, napilitan lang naman siyang sumali sa mga contest noong high school para mahila ang mga grades niya and they also let him join despite of his failing grades dahil magaling siya.

Inisa-isa ko ang mga pictures ng sketches niya till I noticed a drawing of a girl na naka uniform at nasa tabi ng isang locker. She has a serious face on at naka half pony tail ang buhok habang yakap ang isang libro.

"I lied," he suddenly blurted. "Hindi ko siya sa DMU unang nakita. I saw her in Olympus noon, mukhang nagmamadali siya kaya hindi ko masyadong natandaan yung itsura niya but I remembered her dahil mukha siyang may susugudin nung gabing yon. Then I saw her in DMU, it clicked to me na siya nga 'yon."

"Why not ask for her name? It's not that hard naman diba?" Klarong klaro ang pagkaka detalye ni Rix. Ultimo keychain nung bag ni girl na drawing pa niya.

The boys were right, tinamaan talaga si gago.

"Her keychain's a leaf?" Wala namang kulay dahil sketch lang.

"It's an autumn leaf." Rix nodded. "All white yung uniform niya."

"Wala ba kayong scheds na naka lagay sa labas ng room?" Meron kasi non sa SAU. Malalaman mo kung anong course and section ang gagamit nung room na yon that day at kung kailan vacant yung room.

"Wala eh"

"Madalas mo ba siyang makita?"

Umiling si Rix. Tinignan ko ulit yung drawing.

Naisip ko bigla kung bakit siya ang nagustuhan ng pinsan ko. She's pretty, yes, but narinig na ba niyang mag salita? baka naman masama ugali nito. Alam kong gago si Rix pero as his beloved cousin hindi rin naman ako papayag na may manggago sa kanya.

"What makes her so different?" I slid his phone back to him and started drinking my hot choco.

He shrugged, naka angat naman ang gilid ng labi niya. Obviously hiding his smile.

"Sanay ka naman sa mga magaganda. Palagi mo akong kasama diba? Sanay ka na talaga. Dami mo pa ngang babae eh. Anong pinagkaiba niya?"

"Your boyfriend's words are rubbing off on you" Ngumiwi siya.

Bakit ba? Totoo naman yung sinabi ko! Ano namang kinalaman ng demonyong nasa kabilang suite don?

"Just answer my question, Rixon"

"Ang corny kapag sinabi kong love at first sight" Ngumiwi ulit siya.

Halos maiubo ko na yung iniinom ko dahil sa sinabi niya.

"Love at first sight? Dude, that's bullshit"

"Good morning, Master. Sarap marinig ng mura mo, umagang umaga e" Inikot ni Rix ang high stool para harapin ang intruder na may key card pala ng kwarto namin.

"Cousin to cousin talk going on here" Tinuro ko ang sarili ko at si Rix.

Para bang hindi niya narinig ang sinabi ko dahil dire-diretso siyang nag lakad.

"Good morning, baby" Tumigil siya sa likod ko to kiss my temple bago ipalupot ang braso niya sa leeg ko. "Sasabihin mo rin naman sa'kin 'to mamaya eh" Vini chuckled, referring to our conversation.

"Ano nga bro? Love at first sight ka don?"

"I agree with the love at first sight is bullcrap" I raised my hand na parang nasa recitation.

"Attraction at first sight is the right term" Vini nodded. Hanggang dibdib niya lang ang abot ko dahil naka upo nga ako kaya kailangan ko pa siyang tingalain.

"Wag niyo naman akong pagkaisahan" Reklamo ni Rix at napa kamot ng ulo bago kami ituro. "I still get uncomfortable when you do that"

"You'll get used to it eventually" Ako na ang sumagot. As if naman may nagbago. Vini's already touchy bago pa maging kami.

Kulang lang naman talaga ng label eh. He owned me a long time ago. Ako lang ang nag hintay ng confirmation galing sa sarili to finally let myself own him.

Now he's mine.

Rix made an uninterested sound that's pretty much like 'bleah' bago ubusin ang iniinom niya.

"He's got a sketch" I informed. Tamad namang nilabas ni Rix ang phone niya at pinadulas ito papunta sa'min.

Tinignan ni Vini at picture. After a few seconds, he slid the phone back to Rix without saying anything.

"Narinig mo na bang mag salita? Baka naman masama ugali n'yan"

"Masama rin naman ugali ni Rix" Nang asar pa talaga itong nasa likod ko!

"Mas masama yung sa'yo, gago!"

I resisted the urge to roll my eyes but I did miss this. Vini being here with us. Nakaka miss rin yung mga pointless banters nila.

Hindi na naman nila natuloy ang pang iinsulto sa isa't isa dahil may kumatok sa pinto. Si Rix na ang nag bukas. He went back with Chloe in tow.

"Nagugutom na ko, mangbulabog na tayo!" Aya niya sa'min.

"Asan si Seth?" Tanong ko naman. Inabot ko naman sa kanya ang half empty kong mug because I saw her eyeing it. Siya nalang ang uubos.

"Tulog pa eh, ang cute cute niya kasi kaya hindi ko na ginising."

"Aga mo gumising Vini boy!" Puna niya. "Ang aga mo mang gulo ng buhay"

"Gusto niya namang ginugulo ko buhay niya" At ginulo pa talaga ang buhok ko! Pasalamat siya at di pa ako naliligo.

Jusko. Kanina pa siya yakap ng yakap tapos di pa pala ako naliligo!

"Don't worry, mabango ka naman" Bulong niya sa'kin. Napansin niya siguro na na-conscious ako bigla.

"Respeto naman oh, wala boyfriend ko dito kaya wag kayong mang inggit"

"Akala ko ba hindi pa kayo?" Natatawang tanong sa kanya ni Vini.

"Kami na, hindi lang sya informed" Chloe smirked before winking at us.

Pagkatapos naming maligo, nagsimula na mangbulabog si Rix at Vini sa mga tulog naming kasama. Madali nilang nagising si Keanu at Sasha habang puro mura naman ang natanggap nila sa iba.

They're sporting headaches today dahil sa hangover. Lalo na si Calixx.

Bumaba na kami for breakfast. Itutuloy talaga nila ang balak na mag swimming kaya after naming kumain, nag stay muna kami ng isang oras pa bago pumunta sa pool.

Kami palang ang tao dahil maaga pa. Libreng libre tuloy silang magpaka childish sa pool. Subukan ba namang lunurin si Jace.

"Okay lang ba sa'yo na absent ngayon?" Tanong ko kay Chloe. Naka tambay lang siya sa gilid ng pool while taking a video of the boys' stupidity.

"I'll sell this to your fans!" Sigaw niya kay Seth bago ako hinarap.

"Okay lang naman. Ayoko rin naman ng subjects ko ngayon"

"Where's Miss Perfect?" I feigned shock kaya tinulak niya ang balikat ko pagkatapos tumawa.

Napag usapan na naman kasinh absent kami ngayon dahil sa wee hours activity nila kagabi. As if naman kayanin pa naming pumasok.

"I'm not aiming for anything ngayong college," she said habang naka tanaw sa boys. "Seth told me to live in moment so yun ang gagawin ko. Ako lang naman ang nagpapahirap sa sarili ko noon eh"

"Seth told me about you. Sabi niya you were so different when he got back"

Chloe just smiled.

Inabot naman niya ang phone ni Seth na nasa sun lounger bago tumabi muli sa'kin.

"Andre's calling!"

In the midst of all the chaos, narinig parin ni Seth si Chloe. Medyo maingay sila eh. I don't know kung anong game na ang nilalaro nila ngayon pero mukhang nag re-wrestling sila sa tubig. Si Sasha naman ang tawa ng tawa nang hinila ni Calixx si Keanu sa ilalim na dapat aahon na to join his girlfriend.

Nilangoy ni Seth ang distansya namin. Hindi na siya umahon pa. He even kissed Chloe's knee na naka dip sa pool before taking his phone from her.

"Oh? You don't have to remind me. Oo na. Hahatid mo muna si Cho..."

Mabilis rin niyang tinapos ang tawag. He gave Chloe that heart stopping smile bago bumalik sa kaguluhan. Seth's smile reminded me of Vini. Heart stopping smiles totally runs in the blood.

"Why does he call you Cho?" I asked out of curiosity.

She stares at a laughing Seth before turning to me. "Cho means butterfly in Japanese."

"Eto na! Naamoy ko na ang polluted na hangin ng Cavite!" Hiyaw ni Jace nang nasa Coastal road na kami. Binatukan naman siya ni Josh dahil doon.

"Di nga naka bukas yung bintana! Gago ka ba?"

Naisipan nilang isang sasakyan naman ang gamitin kaya ang Montero sport ni Josh ang ginamit namin. Vini's behind the wheel habang nasa front seat naman si Logan. Kasama ko ang tatlong tukmol dito sa likod.

"We can stay naman sa HQ hanggang mag weekend, mag uwian nalang tayo tuwing papasok. It's that long of a drive naman eh"

Kanina pa ako namimilit. Maganda naman kasi yung idea ko. I want us to stay together hangga't andito si Vini. Bawal naman kami doon sa Delevinge Tower, hindi naman sa hindi kami kasya doon kahit na maarte rin naman tong mga 'to at ayaw matulog sa living room. Kung sa HQ kami then mag e-effort lang kaming gumising ng maaga. Two days lang naman e, absent pa kami ngayon. All for one talaga. Hindi rin naman papasok 'tong mga to ng may hangover kahit na minsan na nilang nagawa 'yon.

I want us to stay in HQ dahil baka maging haunted house na ang bahay naming 'yon dahil wala nang tumutuloy. Pinapalinis namin yon every two weeks at kung may oras then doon kami but that rarely happens now. Hindi naman tugma ang schedule naming lahat. Kung hindi training, may game naman si Logan tuwing sabado kaya minsan ako lang ang umuuwi kahit na hapon. Mas gugustuhin ko parin umuwi every week. Gusto ko sa bahay tuwing weekends.

"Let the girl have what she wants" Logan said, eyeing me through the rearview mirror.

"It's a good idea naman" nodded Vini.

Jace groaned. "Ang layo kaya ng DMU! Mas malapit yung SAU kaya pabor ka Logan tapos ikaw naman," tinuro niya si Vini "You're too whipped para tumanggi"

"Manahimik ka ngang gago ka!" Sabi ni Rix sa kanya. "Ang dali mag drive! Tamad ka lang!"

"And since when did you care na maging on time sa klase? Balita ko palagi ka ngang late" retorted Vini.

Jace's just messing with them. Hindi naman yan tatanggi dahil siya ang pinaka excited sa lahat. Ni-request kaya niya kagabi na sa isang suite nalang kami pero hindi pumayag si Rix.

"If were staying at HQ then we have to go grocery shopping" Josh said.

"Just like the old times..." Napangiti ako. Pumayag naman sila sa sinabi ni Josh kaya instead of going straight pa molino blvd. lumiko kami pa SM Bacoor.

They basically fooled around habang namimili kami. Ginawa pa nilang court ang grocery at ang hoop naman ay yung cart. Buti nga at hindi sila sinita kundi iiwan ko sila doon. We bought food that's good for four days. Fully stocked na naman ang ref nito.

"Bumili ba kayo ng whipped cream?" Tanong ni Rix habang binababa nila ang mga pinamili namin.

"Oo, pinang three points ko kanina yon!" Josh proudly answered.

Napailing naman ako sa kalokohan nila at kinuha na ang susi sa bag. Bubuksan ko na sana ang pinto kaso hinarangan ako ni Jace.

"Hindi magaan 'tong dala ko Jace, baka gusto mong ibalibag ko 'to sa'yo" Sabi ni Vini sa kanya.

"Kulang ka lang sa muscle Master kaya ka nabibigatan"

"Tangina mo"

"Umalis ka na nga dyan bago pa kayo mag murahan fest!" Hinawi ko siya but he wouldn't budge.

"Mas gusto lang akong sabihin..." he took a deep breath. Naka taas ang kilay naming lahat sa kanya. Ano naman kaya ang kalokohang naisip nito?

"Namiss ko kayo! Yun lang! Sige pasok na tayo!"

Let's just say natuloy parin ang murahan fest.

Tuluyan ko nang nabuksan ang pinto, inilapag naman nila ang mga eco bag at pinasadahan namin ng tingin ang HQ.

Halos dalawang linggo na nang huli akong nakapunta dito. The last time I was here nanuod lang ako ng movie at ka skype si Vini.

Kahit na maikling panahon lang yon, feeling ko ang tagal kong hindi naka punta dito. Home para sa'kin ang HQ kapag kumpleto kami. It's kind of nostalgic now.

"Is it too cheesy to ask for a group hug?" Josh chuckled.

Bago pa man may maka angal pinaghihila na kami ni Jace para yakapin ang isa't isa. I was once again sandwiched between gangsters.

Hindi naman ako nga reklamo. I miss their warmth. I'd give anything just to be with my boys.

"I miss you guys"

"We love you baby!" Aamba sana ng halik sa pisngi si Jace buy may humila na sa tenga niya it was none other than Vini.

We were hunched together in a circle na para bang nag di-discuss ng game plan. I can see all of their faces, lahat sila naka ngiti.

"Listen here Black Blade," the leader finally spoke. Pinasadahan niya kami ng tingin hanggang sa tumigil sa'kin. "For the next few days we're going to retrace our steps..."

"We're gonna gate crash a party" Josh smirked.

"Roadtrip sa Tagaytay" Logan lips quirked up.

"Party again sa Olympus" Rix chuckled.

"Movie marathons" Josh laughed.

"That and a lot of other stuff" Vini agreed, matching Jace's smirk.

Habang sinasabi nilang lahat 'yon, nag pa-flash naman sa isip ko ang ginawa namin noong nakaraang taon. All the fun and crazy stuff! Kahit na nakakaloka gusto kong ulitin ang lahat ng 'yon!

"We're going to have the time our lives!"

Mw

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...