Contract Girlfriend Of Mr. Ma...

By YourVoluptuousBabe

87.1K 1.8K 208

Sa susunod, wag nang makibirthday kung ayaw mong maging Contract Girlfriend sa isang iglap ng isang Mafia Bos... More

Simula
CG#1
CG#2
CG#3
CG#4
CG#5
CG#6
CG#7
CG#8
CG#9
CG#10
CG#11
CG#12
CG#13
CG#14
CG#15
CG#16
CG#17
CG#18
CG#19
CG#20
CG#22
CG#23
CG#24
CG#25
CG#26
This Is Not An Update
CG#27
CG#28
CG#29
CG#30
CG#31
CG#32
CG#33
CG#34
CG#35

CG#21

1.7K 43 5
By YourVoluptuousBabe

"Bhe, paano mo babanggitin ang fandom name ng Girls' Generation?" Tanong ng isang lalaki na naka Fandom shirt ng BTS sa nobya niya atang katabi.

Kasalukuyan akong nasa jeep papuntang school. Dahil maaga pa naman, kami pa lang tatlo ang pasahero dito. Bored na bored ako kaya tinatiyagaan ko na lang tong dalawa na makinig sa pinag-uusapan nila na puro tungkol sa Kpop.

Medyo naaaliw na rin naman ako sa topic nila ng konti dahil isa rin naman ako sakanila. Isa din akong kpop fan. Di lang halata. So di na ako masyadong nauumay.

Pareho silang nakafandom shirt ngunit V.I.P nga lang yung kay babae.

"Ahhm, So-ny bhe, bakit?" Sagot nito na muntik ko ng ikatawa. Sony pala ah?

Sige, baka di fan kaya di niya alam kung paano ipronounce. Consider na muna natin. May ganun talaga.

Inantay ko ang sagot nung lalaki.

"Akala ko ba, three years kana sa pagstan sa So Nyeo Shi Dae? Sown yung tamang pagpronounce bhe." Ani ni Lalake.

Mas lalo akong nagpipigil ng tawa. Isa pa to eh. Mangongorection na nga lang mali din pala pfft. And the heck, three years? Seriously? Konti nalang pagkakamalan ko ng mga jeje ang mga to.

"Hindi kaya! So-ny yun! Tsaka Girls' Generation ang iniistan ko, hindi So Nyeo Shi Dae!"

Napaface palm ako. Alam na this. Three years na pala siya pagstan sa GG, tapos di niya alam na sila at ang SNSD ay iisa? Ngeks. When I was bago in KPOP, nagalit ako sa SNSD dahil malalandi sila at nilalandi nila ang SuJu. Gusto ko lang kasi noon na ang GG lang ang babagay sakanila. Pero di kalaunan, nalaman ko din ang katotohanan na sila ay iisa nang magresearch ako sa profile ng kanilang grupo. Pahiya ako eh. Fandom ko, nilait ko. Lol

Kaya nagtataka ako sa babaeng to. Three years ba talaga? Ganun ka tagal tapos di niya marealize yun? Grabe. Bigyan ng jacket yan.

"Sown nga yun, gaga!" Turan ng lalaki na may halong pagtataas na ng boses.

Hala.

"Sony yun, mas gago ka!"

"Sown, sabi eh. Bobo mo."

"Sony nga diba? Tangina ka! "

"Nakakainis ka na ah!"

"Kung naiinis ka, edi mas mabuti nalang na magbreak tayo! " turan ni babae.

Ay grabe. Mas OA pa pala to kesa kay Radon. Lol

"Mabuti pa nga!" Sang ayon naman nung lalake.

Tsk. Tsk. Tsk. Wala talagang forever.

"Manong para po!" Sigaw nung babae. Agad na tumalima si Manong at sinunod niya ang sinabi nung babae.

Huminto ang jeep. Teary eyed na bumaba yung babae.

Siya yung nakipagbreak tapos siya yung iiyak? Pwede naman kasi idaan sa matinong usapan eh. Tsaka be careful what you are wishing for. Baka sa isang iglap, mangyayare ang di mo inaasahan at pagsisisihan mo naman sa huli.

"Manong para po!" Sigaw ko. Nandito na ako sa mismong tapat ng school.

Pero bago ako tuluyang bumaba sa jeep, binalingan ko yung lalake.

"Kuya, mali po kayong dalawa ng binaggit. Sowon po. " sabi ko tsaka bumelat.

Hehe edi ako na masama.

Patalon talon akong naglalakad patungo sa aking room.  Wala eh, happy lang. Tsaka di na masakit ang mga kasu-kasuan ko kaya malaya na akong makapagsegway. Jk.

"Ano kaya yung pinagkakaabalahan ng mga sangkatauhan dun?"

Bulong ko.

Napahinto ako ng makitang busy ang ibang estudyante sa pagtingin sa bulletin board ng school. Ano kayang meron? At halos magtulakan na yung iba especially girls. May ibang gustong maiyak, nanlumo, parang biyernes santo ang mukha at parang namatayan. Teka. Nakakacurious na ha.

Malapitan nga at ng malaman.

Ganun nalang kung makapang laki ang mata ko kung anong meron at pinagkakaguluhan nila. What the fuck?

"Who's that girl?!"

"Oh my god! This is not happening!"

"No way! Sa park?! She's cheap!"

Samot saring reaction ang narinig ko.

Kahit mismo ako nagulat. Well, sino ba namang matinong tao ang di magugulat na nakabalandra ang picture niya sa bulletin board? Di naman yan scandal or something. Di rin naman ako nakahubad dyan. Good thing at nakayuko lang ako sa picture.

Ang picture na naka post kasi ay yung kaming dalawa ni Radon mula pa sa party at huminto sa park para kumain at umupo kami sa isang bench habang ako, nakayuko at kumakain.  At ang caption? 'Radon's Dating A Girl.'

Muntik pa nga akong matawa eh. Talagang babae ang idedate niya kasi lalaki naman siya. Unless nalang kung beki diba?  Boplaks rin naglagay nito eh.

Dahan dahan akong umatras para umalis sa siksikan. Parang di na ako makahinga sa sobrang sikip. At naghahalo halo na ang mga samo't saring amoy ng mga pambabaeng perfume.

Wews. Buti nalang talaga na di ako mahahalata diyan sa picture. Paniguradong pag nalaman ng mga babaeng to na ako yang nasa picture, malamang goodbye earth na. Mukha silang mga uhaw sa mga kalalakihan, to the point pinag-aagawan na nila ito. Tsk.




"Rousseau?"

Tawag ni Sir Williams sa apelyido ni Radon.

Kasalukuyang nag-aattendance si Sir. At ako'y inaantok na. Ewan ko ba. Naboboring kase ako.

Tinignan ko lang ang katabi ko na malamig na tinignan si Sir. At napansin kong napangisi si Sir sa inasta ni Radon kani-kanina lang. What was that?

Nagkibit balikat na lamang ako.

"Psst. Radon!" Bulong ko. Mapagbuntungan nga to si Radon. Nababagot na talaga ako. Susubukan ko lang siyang kausapin, atleast may nagawa rin ako kahit papaano diba?. Matagal tagal pa naman bago mag-ring ang bell, kaya matagal tagal rin bago ako makapunta sa cafeteria, at dun lumamon non stop.

"What?"

"Nakita muna ba yung nasa bulletin board?"

"Nope."

Hay mabuti naman. At sana wag na niyang tangkain noh.

"Di ka ba magtatanong kung bakit hubad ang mga bebe pag pinapanganak?" Tanong ni bakla.

Napakunot ang noo namin ni Savannah. Paano nasali ang mga bata sa usapan namin? Change topic talaga to eh. Akalain niyo, mula sa pagkain napunta sa mga bata ang pinag-uusapan namin.

Nasa garden na naman kami ngayon tumatambay. Lunch time na at ang laki talaga ng pasamalat ko dun at nakaalis ako. Bored na kung bored. Nakakaantok pa.

"Osige nga! Bakit naman aber?" Pagtatanong ni Savannah kay Krystal.

At labag sa kanilang kaalaman na dahan dahan ko ng kinakapa ang french fries nilang dalawa sabay mabilis na sinubo.

Umakto agad ako na parang walang nangyare.

"Kasi, hubad din yung gumawa! Huakhuak." Sagot naman nito at napakaweirdong tumawa.

Umiling-iling ako sa joke nito. Maliban sa corny, medyo nakakaberde din.

Tumagal pa kami sa Garden ng dalawam'put anim na minuto tsaka napagdesisyunang bumalik na sa kani-kanilang klassroom. At sa subject na ito, sa kasamaang palad wala akong classmate sa kanilang dalawa. Kahit isa.

"Sino kaya yung babae na dinidate ni Radon?" Pagtataka ni Savannah.

Bahagyang nanlaki ang mata ko.

"I dont know eh. Sino kaya yung mystery girl na itetch? Maraming dedbols ang heart. Oh, bakit ang tahimik mo dyan Jia?"

Tanong naman ni Krystal sa akin sa tabi habang iniiwasan ang makakabunggo niya sana dito sa hallway.

Nagkibit balikat lang ako at umiwas ng tingin.







"Jia! Bilhin mo nga itong kakailanganin pa natin sa decoration!" Sigaw ni Noemie.

Huminga ako ng malalim para maiwasang singhalan siya. Kahit papaano naging magkaibigan din kami. Ewan ko nga at kung anong nangyare at ginaganito niya ako.

Naging mataray lang naman siya nung gabing di siya sinipot ni Radon sa birthday niya kasi wala ako. (Kung imbitado nga ba ako.) Nung nagninja moves ako,remember?

Kanina pa ako takbo ng takbo at akyat ng akyat dito sa building ng block namin. Okay lang sana kung may elavator eh, PERO WALA BES! TO THINK NA NASA FIFTH FLOOR kami, diba? Hagdan ang ginamit ko at tagaktak na ang aking mga pawis.

At ang ikinagagalit ko naman ay, maraming namang ibang classmates namin ang walang ginagawa diyan sa tabi tabi na walang ibang ginawa kundi tumunganga. Kakarating ko nga lang, utos na naman agad? Saan ang hustisya dun? Di nga ako nagpapautos sa bahay ng basta basta lang tapos dito? Inaalila ako?! Makapagbalat nga ng patatas.

Well, if you are asking na kung anong meron sa araw na to? Golden Anniversary lang naman ng school at busy ang lahat ng mga block sa pagpapaganda sa kani-kanilang mga room. May contest daw kasi. And guess what? Suspend muna ang mga class ngayon! Kung sana'y alam ko lang sa simula palang, edi sana umabsent ako at wala ako dito ngayon na inaalila ng dati kong kaibigan!

"Pero Noemie kase. Kararating ko lang--" di pa ako natatapos, ngunit agad niya na akong pinutol sa pagsasalita.

"Aba't aangal ka? Gusto mo bang isumbong kita?" Pagbabanta niya.

Sipsip na nga sumbungera pa. Ano sya, elementary?

"Di naman sa ganun. Marami namang iba dyan--"

"Umaangal ka nga!--"

This time, ako naman ang pumutol sakanya sa pagsasalita.

"Oo na! Oo na! Akin na yung listahan at pera! Bibili na ako. " sabay lahad ko ng palad sakanya.

Padabog niyang nilapag sa palad ko ang pera at ang isang papel na hula ko ay yung listahan. Siguraduhin niya lang na nandito lahat ng kakailanganin para di naman sana ako magpabalik balik.

Inisnob niya ako pagkatapos at bumalik na sa ginagawa niya.

Tumalikod na ako at umalis para sundin ang ipinag-uutos ng mahal na bwesita.

"Isusumbong ko mukha mo. Kainis!" Pagdadabog ko.

"Kung di ka lang sipsip, edi sana sinabunutan na kita!" Inis kong sabi papalabas sa school gate.

"What are you saying?" Sapaw ng isang boses sa likuran.

Kaya napahawak agad ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Leche din ng isang to. Nanggugulat. Nakakadagdag bad vibes. Tsk.







Ano pala ang pwedeng combination ni Radon at Jia?
CassyDon? Jilver?

Continue Reading

You'll Also Like

394K 7.8K 32
MAFIA'S SERIES #2 Yza Garcia ay isang ordinaryong babae, masayahin, madaldal, masipag sa kanyang pinapasukan na trabaho para lang kumita sa araw-araw...
49.1K 451 41
Isa siyang baliw. Iyon ang tawag sa kanya ng lahat. Ngunit maniwala ka ba kapag sinabi ko na nabaliw ako sa isang baliw na tulad ni Zed Daven Ashford...
203K 4.5K 36
Isang dalaga na nagngangalang Riana Nathalie Santiago na nag-aaral sa Maxwell University. Isa lang siyang simpleng babae na nabuhay sa mundo. Sa Univ...
125K 3.1K 42
Ano ang gagawin mo kung isang araw pag gising mo wala ka namang maalala tungkol sayo,?" Hindi mo alam kung sino ka? Basta ang alam mo lang p...
Wattpad App - Unlock exclusive features