"Are you hungry?" Tanong ni Radon habang kalmadong nagdadrive palayo sa bahay ng mga Williams.
Nakatuon lang ang atensyon ko sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga gusali, bahay at kotseng nadadaanan namin. Mabuti nalang at di siya gaanong mabilis magpatakbo ng sasakyan ngayon.
Nakonsensya agad ako sa ginawa namin ni Radon. Alam kong mas malala lang tong lalaking to dahil prangkahan niyang binunyag ang sekreto ni Patrixia, di lang sa ama nito kundi pati narin sa harap ng maraming mga bisita. Kawawa naman siya, birthday na birthday pinagalitan at napahiya pa. Masyado yatang naging harsh si Radon na to the point nahiya ang nacallouse kong paa. Hehe.
"Bakit kailangan nating magpanggap kanina?" Wala sa wisyo kong tanong habang nasa labas parin ang atensyon.
Narinig ko pa siyang napatikhim. Nagpaputok siya, may plema pa ata siya sa lalamunan. Kadirdir ah. Idura niya kaya yan. tsk.~
Kidding!
"I can't answer that. Its a personal question." Aniya.
Tumango na lang ako bilang pag-intindi. Tama nga naman siya. Di ko na dapat yun tinanong. Nakalagay kasi yun sa contrata. As far as I remember, (chos! Umenglish) nakasulat yun sa number 2. No asking personal questions.
Kung ano man ang dahilan niya, sana makatarungan yun kahit papaano. Tinaya ko kaya ang konsensya ko dito. Dagdag pa natin na ilang gabi akong di makakatulog ng maayos dahil sa ginawa. Hayy..
"So, are you hungry? Where do you wanna eat?" Pagtatanong uli niya.
Sumagi agad sa isip ko na di pa pala ako kumakain. Kaya naman, automatic na tumunog ang aking tiyan. Letse, kahiya naman. Pero, teka. Tinatanong niya ba talaga ako kung saan kami kakain? Really? Sandaling nawala ang iniisip ko kanina kung pagkain lang din naman ang pinag-uusapan, dapat may sapat akong energy'ng lumamon.
Kumikislap ang aking mga mata na napabaling sakanya na kalmanteng nagdadrive.
"Bakit, libre mo?" Pagpapakyut ko habang ginagaya ko ngayon ang isang pabebe act ni Savannah. Ang 'puppy eyes'.
Napansin niyo ba? Napansin niyo ba na di na ako masyadong nanginginig sa takot pagmalapit sa akin si Radon simula noong pagbantaan niya ako? Kahit din ako eh, di ko rin napansin. Pakapalan na siguro yan ng mukha at pagkakaroon ng fighting spirit na maging matapang.
Naniniwala parin naman kase ako kahit paano sa 'gaano pa kasama ang isang tao, may maliit pading tyansa na may kabutihan sa kanilang kalooban.'
Ganda ng line ko no? Alam niyo ba kung saan ko yan nakuha? Malamang hindi pero sasabihin ko pa din. Well, sa Nathaniel ko lang naman siya nakuha. Si nanay kasi eh, mahilig mag telebabad gabi gabi. Kaya minsan sinasabihan siya ni Tatay na matulog din ng maaga. Kung si Nanay matagal matulog pero maaga nagigising, ako naman ay kabaliktaran. Maaga ngang natutulog, matagal naman nagigising. That's life.
"Yeah. It's my treat. Where do you want to eat? In a French Restaurant? Or in a Chinese? But you know, I prefer Taiwanese too. " Aniya habang nililiko ang sasakyan.
Napasimangot tuloy ako. Galante ah? Perks of being rich. Gusto ko lang naman kahit sa isang fast food. Tsaka wala naman akong alam na pwedeng kainin sa mga restaurant niyang binanggit. At ang pinaka ayaw ko pa, mahal na nga maliit at konti pa ang serve. Ayaw kong mabitin men~ Kahit alokin pa ako ni Radon ng libre para paorderin ulit, wag nalang no. Maraming pera pa ang maiwawaldas niya.
"So ano nalang.. uh sa Kentucky. Doon malapit sa dadaanan nating Park." Nahihiya kong sabi.
Duh, first libre niya to mga tsong! Dapat hiya muna bago lamon. Lol
"Kentucky? What's that? Fast food?" Nagtataka niyang sabi. Binalingan niya pa ako saglit na naka kunot ng bahagya ang noo.
"Oo, fast food. Di mo alam? Kentucky Fried Chicken, ba." Sagot ko.
Di niya alam ang KFC? Ngee. Burn baby boy! Lol Sisihin niya ang sarili niya kung bakit mayaman siya at di niya alam ang KFC. Kahit sa mga advertisements lang, di ba niya nakita? Naku tong lalaking to, galante kasi.
"Alright." Sagot niya nalang.
Pinark niya agad ang sasakyan malapit sa park na malapit din sa KFC na kalaban ng Jollibee na kalaban rin ng Mcdonalds.
"Here's your order Maam. " abot saakin nung lalake at ngumite sabay kindat pa.
Kinuha ko naman yun sa kamay niya at ngumiti pabalik sa sobrang takam ko sa pagkain, kaya naman binaliwala ko na ang pagkindat niya sa akin na ikinahiya ng mga bituin sa langit.
Tatalikod na sana ako para balikan ang inuupuan ni Radon, ngunit siya na pala ang mismong nakalapit saakin. Sa sobrang lapit, muntik pa akong mabangga sakanyang matitipunong dibdib pagkaharap.
Tiningala ko siya upang tignan ang naging reaksyon niya sa nangyare. Ang tangkad, letse. Edi ako na maliit.
Nadatnan kong masama ang tingin niya doon sa lalaking nag-abot ng order ko. Problema nito?
"Uhh Radon?"
Tinignan niya rin ako ngunit naka kunot na ang kanyang noo. Napalunok pa tuloy ako ng isang beses.
"Tss." Yan lang ang naisagot niya.
Nauna na siya lumakad palabas sa KFC. Kibit balikat kong binitbit ang tinake-out kong order tsaka sinundan siya palabas. Sinumpong nanaman ang mokong. Ano na naman kaya ang problema niya this time?
Lumapit siya sa kanyang sasakyan, akala ko nung una aalis na kami sa lugar , yun pala inilock lang niya ito.
Since nandito narin lang kami sa Park, naglakad ako patungo sa isa sa mga bench dito. Pasadong alas otso narin ng gabi kaya wala ng masyadong mga taong namamasyal dito. Maliban nalang sa mga late na nagdedate.
Buti nalang at masarap ang simoy ng malamig na hangin para maenjoy akong kumain kahit papaano. Since ayaw akong sabayan ni Radon at wala daw syang gana kaya di ko na siya ipinag-order kahit anong pilit ko ayaw niya talaga, no thanks nalang daw.
May napapadaan pa nga na tinitignan ako na parang baliw. Sino ba naman ang matinong tao na nasa park na nakaupo na naka long gown na lumalamon ng pagkain na mula pa sa KFC sa tapat na mula pa sa pera ni Radon na mula pa sa Bangko Sentral na mula pa sa-- Okay, tama na.
"Hey. Are you fine with here? Di ka ba nahihirapang kumain?" Sabi naman ni Radon habang tumatabi saakin sa bench.
"Di naman." Habang umiling iling pa.
As long as may pagkain, nakakahinga ako, may sinusuot na damit, may tinitirhan, may nagmahahal at may nanlilibre, oks na oks na ako sa life. Chars. Basta masaya na ako sa ganun.
"You did well." Aniya.
Yun ba? Sus. Nasa contrata yun eh.
Madaldal yata ang prinsepe ng bayan ngayon? Tignan niyo. Kung ano ano na ang pinagsasabi niya. May topic pa.
Tumango lang ako habang busy na nilalapa ngayon ang fried chicken. Di narin siya nagsalita sa tabi ko kaya nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"Ano babe?! Magtatanan tayo?! Paano sila Mama?" Rinig kong pag-uusap sa aking likuran. Ang tsismosa ko talaga kahit papaano.
Teka, parang pamilyar yata ang boses na yun ah.
"Basta, aalis tayo mamaya. Tutol naman sila sa atin diba? Doon nalang tayo sa probinsya. Mamumuhay tayo dung dalawa." Porsigido namang sabi ng isang boses ng lalaki.
Sumisipsip muna ako sa baso ng aking coke. Tsaka kumain habang nakikinig sa usapan nila. Dahil naumpisahan ko na rin naman, edi lubos lubusin ko na.
"Natatakot ako Banting! Paano pag mahuli tayo mamaya? Di ko na alam ang gagawin ko!"
Dahil sa curious at kating kati na ako na makita ang may ari ng pamilyar na boses ng babaeng yun, nilingon ko na ang pwesto nila. At tama nga ang hinala ko. Pamilyar ito at nakilala ko agad dahil sa taglay nyang mahabang buhok. Walang iba kundi si... Tentenenentenen, si Kesh Banticado. Kasama niya ata ngayon ang kanyang nobyo na parang pinagsukluban ng langit at lupa ang pagmumukha di dahil sa problema, kundi yun na talaga ang mukha. Bakit yata uso ang love is blind ngayon?
The eff?! Di ko aakalaing niyayaya si Kesh ngayon ng isang lalaking hipoppotamus in disguise niyang nobyo. Kaklase at kaibigan ko rin si Kesh. Kilalang kilala ko pa siya bilang isa sa mga may matataas na standard pagdating sa mga lalaki. Ang ipinagtataka ko lang ay kung ano ang nakain at nangyayare sakanya at parang bumaliktad ang kanyang mundo. Nagkanobyo pa siya na may pinaka ayaw niyang katangiang pisikal. To the point na nagdedate sila kahit gabi na at niyayaya na itong magtanan.
"Pakibantay muna saglit. Thanks!"
Nilagay ko muna ang pagkain sa gilid tiyaka tumayo upang tuluyan ng makaharap si Kesh.
Nang mapansin yata niya akong nakatayo at nanonuod, napabaling naman ang atensyon niya saakin. Ganun nalang siya kung makahawak sa kanyang dibdib at nanlalaking mata na tinignan ako.
"Gulat ka no?" Tanong ko.
Para dagdag effect ulit, humalukipkip ako papalapit sa harap niya.
Naramdaman ko naman ang tingin ni Radon saakin.
Tumikhim si Kesh ng isang beses at umayos ng tayo.
"Di ako nagulat no. Nagtataka lang ako kung bakit naka long gown ka dito sa Park." Binalewala ko ang naging sagot niya sa sinabi ko.
Napatingin naman ako sa nobyo niyang naka kunot ang noo. Ano naman ang pinuputok ng butsi nito? Subukan niya lang umepal sa usapan namin at baka mapepektusan ko siya ng dis-oras. Malimutan ko pa ang kasabihan na, "Be Kind To Animals.".
"So, ano. Totoo yung narinig ko kanina?" Tanong ko sakanya.
"A-Alin? " maang niya.
Tinignan ko siya mata sa mata ngunit di niya matagalan ang bawat titig ko sakanya. Alam niya ang tinutukoy ko.
Siya na mismo ang umiiwas.
"Alam kong alam mo ang tinutukoy ko, Kesh. Spill it." Napa english tuloy ako ng konti.
"Oo. Totoo yun." Aniya.
"Wag mong sabihin na, ipagsasabi mo nga ang plano natin mamaya Kesh? Baka isumbong at mabisto tayo niyan!" Pag eepal na ng Nobyo niya.
Agad ko itong dinuro.
"Wag ka munang sumabat dito, unggoy ka este lalaki ka. Umalis ka muna at mag-uusap muna kami ni Kesh! Hala, tsupi na! " Pagtataboy ko sakanya at umalis nga agad ito. Magtetext nalang daw sila ni Kesh para mamaya. Napailing iling nalang ako sa pandidiri sa nobyo niya. Corny eh.
Nilingon ko uli si Radon na nakaupo parin sa bench at kinakalikot ang phone niyang mamahalin na ikinahihiya naman ng phone ko na nakalagay malapit sakanya. Letse.
"Radon! Usap lang kami!" Sigaw ko.
Paalam muna ako, baka kasi aalis siya ng di ko namamalayan at iwan pa ako dito sa Park na nakaheels at long gown pa. Mahirap na, wala pa naman akong perang dala at baka maglalakad lang ako buong gabi pauwi sa bahay. At baka mapano rin ako sa daan, marami pa namang lasenggerong pakalat kalat sa buong syudad at maisipan pang gahasain ang walang kamuwang muwang kong katawan sa mga makamundong pagnanasa nila. Naku!
Nilingon niya lang ako at tumango bilang sagot tsaka niya kinalikot uli ang phone niya.
Hinila ko si Kesh, sa mas tahimik at pribadong parte ng Park nato.
"So ano magtatanan talaga kayo? Ganun na lang ba? Paano na ang kolehiyo mo dito?"
Napayuko siya.
"Oo, magtatanan kami. Di ko alam, Jia. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan na ako sa sitwasyong to."
Naawa ako sakanya. Naawa ako dahil masasayang ang ganda niya kung tatanan lang din naman siya sa lalaking mukhang hippopotamus. Kidding! Aside from that, marami siyang maiiwan dito kung aalis siya. Pag-aaral, kaibigan, bahay at lalong lalo na ang pamilya niya.
"Kesh, mali ang gagawin niyo. Wake up, girl! Anong nangyare sa dating Kesh na may mataas na standard sa mga lalaki? Marami namang lalaki diyan na mas babagay sayo. Mas deserving at MAS GWAPO."
" Pero mahal ko siya–"
"Hindi, nabulag ka lang siguro sa ipinapakita niya sayo. Gumising ka girl, kung matino nga siyang lalaki hindi pagtatanan ang magiging option niya. Masosolusyunan pa yata yan, pero mukhang pinalala niya lang ata ang nangyayare. Tsaka bata ka pa naman at marami pang dadaan sayo. " hinawakan ko ang magkabila niyang balikat bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Sinasabi ko na to sayo, WALANG FOREVER! Maaring infatuation lang yan, at hindi pagmamahal tulad ng sabi mo."
Tumunghay siya mula sa pagkakayuko at tinapatan ang aking titig.
"Nasasabi mo lang yan, kasi di mo pa nararanasang sumabak sa isang relasyon."
Kung alam mo lang girl.
"Oo, maaring ganun nga pero base narin sa mga napapanuod at nababasa ko baka uuwi ka lang din dito na luhaan. Kaya habang maaga pa at may nagagawa pa ako, pilit kong ipapaintindi sayo. Sa huli, nasayo parin ang desisyon kung sasama ka ba sakanya o hindi."
Seryoso kong sabi. Ewan ko ba kung ano ang nakita niya sa lalaking yun. Hay.
Tsaka binitiwan ko ang kanyang mga balikat mula sa pagkakahawak.
Nag-aalala ako para sakanya, para sa pamilya niya at para narin sa kinabukasan niya. Na mawawasak na lang basta basta dahil sa isang lalaki na di naman masyadong uhh kagwapuhan kahit hindi naman talaga.
"Ang boyfriend, maaaring iiwanan ka nila sa kahit anong oras nila gustuhin. Tapos ikaw, napabayaang nasasaktan, umiiyak at nalulungkot. Pero ang pamilya, hindi. Nandyan lang sila pag kelangan mo ng tulong, kaagapay at higit sa lahat mabibigyan ka pa nila ng pang habang buhay na pagmamahal with instant pag-aaruga. Kaya sana pag-isipan mo ng mabuti ang sinabi ko. Sige aalis nako. Paalam. Sana maging masaya ka sa magiging desisyon mo."
Tumalikod na ako at dahan dahang naglakad pabalik at palayo sakanya.
Yun lage ang napapanuod ko sa mga Korean Movies. Pagkatapos mag-iwan ng bonggang mga salita, magwowalk-out.
"What happened?" Bungad na tanong saakin ni Radon.
Umupo ulit ako sa bench at kinandong ang mga pagkain at kumain ulit. Di pa ako tapos eh.
Sumubo muna ako at tinignan siya.
"No asking personal questions." Seryoso kong sabi at sumubo ng fries.
"Ay leche! " batukan ba raw ako? Muntik kaya akong mabilaukan dito.
Sinamaan ko siya ng tingin pero di rin nagtagal dahil MAS sinamaan rin niya ako ng tingin. Letse.
"Tss."
Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa. Di ko tuloy maiwasang maisip kung kumain na ba sila Nanay sa bahay. Ay letsugas! Di nga pala ako nakapagpaalam na gagabihin ako! Naku naman oh!
Sa kalagitnaan ng aking pagkain part2, nagulat nalang ako na may lumipad na bulalakaw sa harapan ko. Joke.
Nagulat ako ng may isang itim na kasing laki at hugis ng isang holen na lumanding sa kandungan ko. Buti nga at di na shumoy sa mga pagkain kundi magsusupersayan talaga ako dito. Napatingin ako sa paligid kung sino ang naghagis ngunit wala namang katao tao sa paligid.
"Uy, Radon. Tignan mo tong hawak kong bato, ang kyut no?" Dahil ako naman tong si Gaga at natuwa sa bato. Agad ko itong ipinakita kay Radon.
Nagulat na naman ako part2 ng hablutin niya ito sa mga kamay ko tsaka tumayo at pagkalayo-layong hinagis palayo sa kinaroroonan namin habang nagmumura pa.
"Uy, bakit mo hinagis palayo? Ang kyut kaya—"
"Fuck! That's not a rock! Its a—" Di na niya natapos ang sasabihin ng biglang nagkaroon ng malakas na pagsabog mula sa pwesto na kung saan inihagis ni Radon yung bato. Nagkagulo agad ang mga tao dahil dun.
What was that? Napasapo ko pa ang aking dibdib.
"That was not a rock, Jia. Its a small bomb that will cause your early death. " seryoso niyang sabi.
Napatulala ako at napatango. Kung hindi niya pala inihagis palayo sa amin ang bagay na yun, malamang patay na kami. Ang bilis talaga ng pangyayare.
Paano kaya nagkaroon ng ganyan dito? Sinadya ba itong ihagis din saakin? Sino kaya ang may pakana?
Maraming tanong ang gumugulo sa aking utak.
Nagring ang phone ni Radon. Lumakad muna siya palayo ng konti saakin.
"What is it now, Miller?!" rinig ko parin ang kanyang boses mula sa kinauupuan ko.
Tsismosa alert. Tsismosa alert.
Miller daw? Baka si Van lamunero yan, panigurado.
Kinuha ko ang aking cp ng mag-ingay rin ito ng bongga. Akala ko naman may tumatawag, yun pala alarm. Kaurat din to eh, tumutunog lang ang alarm pagkagabi imbes sa umaga. Sorry na, tinatamad talaga akong magkalikot diyan sa 'not so branded' kong phone. Psh
"What?! Fuck! But how? " rinig kong pagsasalita ni Radon sa Phone.
"And now they're taking a revenge, because I canceled it?! Track us. Tell others to prepare." Aniya at binaba ang tawag.
Naglakad siya papalapit uli saakin.
"We need to get out of here. This place is not anylonger safe, we better hurry." Aniya at hinila ako patayo para bumalik ulit sa sasakyan. Nagpatangay nalang ako sa hila niya. Wala naman akong magagawa, siya lang din naman ang masusunod eh.
Buti nalang tapos na akong kumain.
(Continuation ulit next chap. Sorrey ^_^v)