Contract Girlfriend Of Mr. Ma...

By YourVoluptuousBabe

87.1K 1.8K 208

Sa susunod, wag nang makibirthday kung ayaw mong maging Contract Girlfriend sa isang iglap ng isang Mafia Bos... More

Simula
CG#1
CG#2
CG#3
CG#4
CG#5
CG#6
CG#7
CG#8
CG#9
CG#10
CG#11
CG#12
CG#13
CG#14
CG#16
CG#17
CG#18
CG#19
CG#20
CG#21
CG#22
CG#23
CG#24
CG#25
CG#26
This Is Not An Update
CG#27
CG#28
CG#29
CG#30
CG#31
CG#32
CG#33
CG#34
CG#35

CG#15

2.3K 47 2
By YourVoluptuousBabe

(Beware sa bad words! Sorry. Hehe. And pasensya na kay Patrixia J.C sa isang scene!~ Maagang mian~ sayo ateng!)

"Jia bebeh!~ Idilat muna mga mata mo. Jusko babaita ka. Tinulugan ba naman ako? Kahurt sa feyling!"

Naalimpungatan ako sa isang matinis na boses ng isang bakla. Muntik ko na naman makalimutang , nasa Parlor pa pala ako. Kaurat ang pagiging makalimutin ko no? Sisihin niyo sila Nanay. Joke.

Dahan dahan akong napadilat at bumungad sa akin ang repleksyon ng bago kong itsura sa salamin. Teka, ako ba talaga yan? Weh? Matry nga at baka nabudol lang yata ako.

Kinurap kurap ko ang aking mga mata ng ilang beses at gayun din ang ginawa ng aking repleksyon sa salamin. At dahil sa siraulo ako, sinampal ko ng pagkalakas lakas ang mukha ko at napangiwi agad sa sakit.

"Santissima!" Napatayo ako at tinuro ang aking repleksyon sa salamin. Halatang sobra ang pagkakagulat ko sa pagbabago na nangyare sa akin. Paano bang hindi, laki ng naayos sa akin oh! Nagmukha tuloy akong mayaman at elegante. So ganun na talaga ako kapangit at pati ako ay nagimbal din sa transformation sa feslak ko? Dont blame me guys, ngayon lang kasi nakapag-ayos ng bongga ang lola niyo kaya abot sa kabilang bundok ang pagkaignorante.

I stare at my reflection again in the mirror at hinampas doon ang aking ulo ng paulit ulit hanggang sa nabasag ito at dumugo ang aking noo. Tsaka nahospital at nagkaamnesia.

Pero sympre joke lang. Siraulo ako pero di naman ako ganun ka tanga para gawin yun. Back to serious mode ulit.

Ganun nga, as I said earlier malaki nga ang ipinagbago ko. Dahil sa GGSS ako, aaminin kong MAS GUMANDA nga ako ngayon. Nagmukhang mayaman, nagmukhang demure kapag hindi nagsasalita o tahimik lang at nagmukha pa akong mature.

Naimprove nga ang itsura ko dahil sa make up na inilagay sa mukha at sa pag-ayos ng aking mahahabang buhok pero what more on kung susuotin ko na ang ipinapapasuot ni Radon diba? Pero ang tanong, ano nga ba ang inilalaman nun?

Pinapasok ako ni Charlie at ipinagbihis sa dressing room nila sabay bigay sa akin ng dalawang brown na paper bag.

Hinubad ko ang aking uniporme at agad na sinuot ang red na long gown na nasa loob ng unang brown paper bag na kung saan medyo kita ang ipinagmamalaki kong cleavage na di naman masyadong kalakihan pero mind you, di rin ako flat! Di lang yun, parang sadyang ipinagawa ang damit na ito para saakin dahil sa perpektong sukat at hapit na hapit nito ang hubog ng aking katawan. Seriously?

Pagkatapos, ang pangalawang brown na paper bag naman ang binuksan ko at bumungad sa akin ang isang halatang mamahalin na sapatos. Hinubad ko naman ang aking school shoes at medyas upang maisuot na ang sapatos na binigay ni Radon. Bigay ba talaga?

Tiniklop ko na ng maayos ang aking uniporme at niligay ito sa paper bag. Sinali ko narin ang aking school shoes ngunit sa pangalawang paper bag nga lang. Takot ko lang na mamantsahan ang uniporme ko no!

Binuksan ko ang curtina ng fitting room. Para may karagdagang effect, dahan dahan akong naglakad palabas at feel na feel ang temporaring sobrang kagandahan.

Saktong sakto naman na pagkalabas ko ang pagpasok naman ni Radon sa Parlor, wearing his black tux. Nagkatinginan kami at alam kong mas malala nga lang ako tumitig sakanya. Napatulala na siguro ang tamang term. Sad to say at masakit sa damdamin na sabihin na, oo mas gumwapo nga siya. Bigla tuloy akong nacurious ulit sa akin itsura, paano ba naman? Seryoso lang siyang nakatingin habang nakakahalukipkip.

At dahil naintimidate ang gaga niyong lola, di na niya napansin ang sunod na katangahang nangyare. Natapilok lang naman siya sa wire na naka saksak, malapit sa may fitting room. Luh, wala pa naman to kanina ah? Nasira tuloy ang poise ko dun. Letse.

"Uhm~ Sirlalu! Ano masasabe niyo ditey? Diba gumanda si ateng?" Medyo nainsulto pa ako sa tanong ng bakla kay Radon. So panget nga talaga ako kanina? Dibale na nga lang. Baka masapak ko din to eh. Pigilan niyo ko!

"Pwede na." Sagot naman nito.

Hmmp!

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko habang papaandar na ang kotse.

"Just wait and you'll see."

Hay nako pathrill pa to eh. Sarap hambalusin eh no? Kating kati na talaga akong malaman kung saan ba talaga kami gagala. Chos.

Habang nasa biyahe, nasa labas lang ng bintana ang atensyon ko. Leche, boring talaga siya kasama guys. Feeling ko papanis ang laway ko sa lalaking to. Di pala salita, walang topic na pwedeng pag-usapan, at higit sa lahat snob ang prinsepe ng bayan kaya anla din syang kwenta. For me. Hehe. Akin akin nalang yun.

Di ko namalayang huminto kami sa isang napakalaking bahay, mansyon pala to be exact. Halatang ingrande ang okasyon na nasa loob dahil sobrang liwanag ng paligid ng bahay particularly sa may garden at abot dito sa labas ang malakas na classic music. Dito sa may parking lot, halos ubusan nadin ng space dahil narin sa rami ng dumalong bisita.

Anong meron? Ano tong event na pinuntahan namin ni Radon? Ano kaya ang gagawin namin rito? Marami bang pagkain? Uso ba ang BH? Hehe.

"Jia." Kalmadong tawag ni Radon sa pangalan ko. Nandito parin kasi kami sa loob ng sasakyan niya kaya obviously, di parin kami nakababa.

Napatingin ako sakanya.

"We will do the Step 7." Aniya.

Step 7? Ano yun?

"Ha?"

Bahagyang napakunot ang kanyang noo.

"Dont tell me you already forgot it? Stupid girl." Sabay kuha niya ng kung ano sa dashboard , papel pala to be specific at hinagis sa aking pagmumukha. Bastos to ah!

Kinuha ko ito at binasa. Ay letse, ang contrata pala. Agad kong binasa ang tinutukoy niyang step7 at napangiwi pagkatapos. As in? Now na? Anak ng?! Di ako ready! My god

"7. We will pretend as a 'couple' if needed."

"Pero di ako handa!" Pagpoprotesta ko.

"You will just act, okay?! Nothing to worry about."

"Pero paano kung magka-"

"No buts. End of discussion. Lets go."

Aakmang hahawakan at bubuksan na niya ang sasakyan, ngunit agad ko siyang hinawakan sa braso upang pigilan.

Binawi ko rin di kalaunan ang aking kamay mula sa pagkahawak nang pukawan niya ito ng masamang tingin. Kulang nalang mapaso ako sa init ng intensidad nito.

"Ano kase, Radon.. May isa pa tayong problema."

"What?!" Halata sa boses niya ang pagkainis sa akin. Patay! Init talaga ng ulo ng lolo niyo.

Bahagya pa akong napakamot sa batok. Na wari'y nahihiya.

"Paano tayo lalabas k-kung lock ang pinto?" Sagot ko.

"Bullshit!" Malutong niyang mura.

Naku naman. May igaganda paba itong araw na'to?

"Good Evening Maam and Sir, let me guide you to your seats." Magalang na sabi ng isang waiter.

Naglakad kami ni Radon patungo sa malapit na table na iginiya sa amin nung tao at ipinaupo tsaka iniwan. Dami talagang arte ng mga mayayaman, pwede naman kasi nila ituro sa bisita ang table nila. Hinatid pa talaga.

Guess what? Simula ng pumasok kami sa loob ay mas naging seryoso ang aura ni Radon. Buong minuto na paglalakad papasok sa loob, ay wala siyang ibang ginawa kundi ilagay ang kanyang braso sa aking bewang. Hanggang nga dito sa pag-upo namin eh, ganun parin. Mukha na siguro akong naiihi o natatae dahil sa kaba at akwardness . At dahil may lahing supersayan ang prinsipe ng bayan, pati ito ay nasesense niya. Kaya ang ginawa niya, lumapit siya sakin o mas tamang sabihin na MAS dumikit siya saakin malapit sa may tenga tsaka bumulong rito.

"Just act normal." Aniya.

Na nakapagpakiliti sa akin. Leche talaga tong lalaking to. Kung di palang niya ako binlackmail at lalong lalo na di pa ako natatakot sakanya, siguro dati ko pato binatukan at sinapak. Kaimbyerna.

Marahan lang akong tumango tsaka umayos ng upo para mag mukhang pormal tignan at inaliw ang sarili sa pagtingin at pagmasid sa paligid.

Una akong napatingin sa unahan na may mini stage. Na kung saan may nakalagay pa na malaking '18th' sa ding ding nito. Uh, debut siguro tong dinaluhan namin. I think? Pero di naman siguro anniversary, diba? Edi sana nagdikit narin sila ng word doon sa dingding ng mini stage. Kaya ang hula ko ay debut talaga. Tiyaka hula lang naman eh. Wala naman sigurong mawawala. Kung tatanungin ko naman si Radon, di naman yan sasagot ng maayos at lalong lalo na baka di pa magsalita. Maaaksaya lang ang laway ko pagnagkataon. Dibale nalang talaga no. Pero nakapagtataka lang ha kung ano nga ba talaga ang gagawin namin dito at kung bakit kelangan namin umarte ng biglaan ngayon? May kinalaman ba ang party'ng to sa gagawin namin o ang mga tao mismo? Natetense tuloy talaga ako na ewan.

Sunod kong sinuri ang mga bisita. Katulad ko rin ang mga babae na naka long gown ngunit may iba't ibang kulay at disenyo. Katulad lang din ng mga lalake ang suot rin ni Radon na tux, at kagaya nga ng sabi ko kanina na may iba't iba rin itong kulay at desenyo ang suot ng mga bisita.

Tsaka ko lang napansin ang mga body guards na nakapaligid sa venue at nakashades pa. Where is the sun, eh? Ala sais kwarenta na kaya at malamang lubog na ang araw sa oras na yun. Jusko, ano kayang nakain nilang lahat? Sa dami ba naman nila kaya mapapansin mo agad. Di ko tuloy maiwasang maisip na nakakakita pa kaya sila gayong gabi at madilim ang paligid? Pasalamat sila at maraming lights dito sa Venue para di masyadong mahiya ang shades nila. Sino kaya ang boss o leader at nang mapagtawanan ko. Hehe joke.

Napatanong ulit ako sa isipan, anak ba ng presidente ang magdedebut ngayon? Dami niya kasing weirdong guards eh.

Napabaling ako kay Radon na nakahalukipkip na ngayon at may kausap na isang medyo may katandaang lalaki. Mabuti naman at tinanggal niya rin sa wakas ang kanyang braso sa aking bewang. Di ako komportable sa posisyon na yun eh.

Di na ako nag-aksaya makinig sa usapan nila. Duh, Op naman ang lola niyo dahil puro ito bussiness. At pawang estudyante palang ako na di pa nakapagtapos o gumraduate. Ewan ko ba at pano nasasagutan ni Radon ang tanong nung lalake na kausap niya tungkol sa bussiness chuchu at kaya pa niyang makipagsabayan. Pareho lang din naman kami estudyante at di pa gumagraduate pero parang ang dami niya nang nalalaman at mukha pa siyang may experience sa ganung larangan. Psh, mukha akong insecure pakinggan. Isearch ko kaya si Radon sa google bukas sa pisonet? Malay niyo sikat si Radon at may account pa siya sa mga social networking sites na pwedeng makunan o may makalapan man lang na impormasyon tungkol sakanya. Sorreh ah, di ko kase masyadong kilala itong unggoy na katabi ko na bastang nambablackmail at nagbabanta ng buhay sa iba, tsk. Gwapong unggoy, maybe?

Nagsimula ang party at tama nga ang hinala ko. Isa nga itong bonggang birthday party pagkatungtong sa legal age ng isang babae na tinatawag na debut. Napagmasdan ko din ang mismong celebrant na nakaupo sa kanyang trono doon sa harap naming mga bisita habang suot ang kanyang matamis na ngiti. Napag-alaman ko din na Patrixia Julianne Williams ang buong pangalan ng babaeng nasa unahan. Dahil narin sa dakilang pagkatsismosa ko na naging sanhi sa sitwasyon ko ngayon, rinig ko sa kabilang table na pinag-uusapan ang kanilang family back ground. Isang tanyag na entrepreneur ang kanyang ama at isang sikat na designer naman ang kanyang ina habang siya ay running for Magna Cumlaude. Galing!~

May lumapit sa aming table ni Radon na lalake ulit na nasa around Mid 30's ang edad. LECHE, DI BA SIYA NAWAWALAN NG KAUSAP? HABANG AKO AY HALOS MAPAPANISAN NA NG LAWAY SA SOBRANG TAHIMIK?!

Di kalaunan, nagsimula ng kumain ang mga bisita. Kaya si ako naman, kumulo ang tyan senyales na gutom narin ang mga alaga kong dragon lalo na ang amo nila na walang iba kundi ako.

May ibang nagpapawaiter na lang dahil sa katamaran at ayaw makipagsiksikan at may iba namang nagseself service (mainly ang reason ay : 1. Ayaw magpakuha sa waiter at baka maparami ang lagay ng pagkain. 2. Maraming weight conscious.) . Kaya mas prefer ko ang pangalawang option na kung saan mas makakarami ako at mabubusog pa ng bongga. Katulad nga ng sinabi ng mga pabebe girls, WALA KAYONG PAKE. At walang makakapagpigil sa akin ngayon. /insert evil laugh\

Tumayo ako mula sa pagkakaupo na nakapagpaagaw sa atensyon nila ni Radon at nung lalake niyang kausap tsaka napabaling saakin. Akward.

"Where are you going?" Tanong niya na nakatingala saakin. Nakaupo kasi siya habang ako nakatayo okeh?

"Kakain?" Sagot ko. Parang di sure lang eh no? Lalamon naman kasi ako.

"Alright." Aniya at marahan lang na tumango bago nagpatuloy ulit sila sa pag-uusap.

Nagkibit balikat nalang ako at nagsimulang maglakad patungo sa kinaroroonan ng buffet table.

Kasalukuyan akong nagsasandok ng kanin nang biglang may nakasiko sa braso ko na may hawak na plato ng pagkain. Muntik na sana itong matapon sa sahig at buti nalang may mabilis na reflexes na humawak sa plato ko kaya di ito tuluyang nasayang ang pagkain.

"Thanks." Nahihiya kong sabi. Habang balik sandok ulit.

"Walang anuman, Jia." Sagot naman nito.

Kaya wala sa oras na napalingon ako sa taong tumulong saakin.

At bumungad saakin ang pagmumukha ng taong hallow man sa klase na ngising ngisi sa pagtingin ng mga pagkain, walang iba kundi si Van Miller na kumukuha din ng pagkain sa buffet table. Kumuha pa talaga siya kahit halos maghugis bundok na ang pagkain sa kanyang plato sa sobrang rami ng nilalagay nito. Wag na kayong magtaka, wala din yata to sa bundok nila. Ang nakakapagtaka lang, ano rin ang ginagawa niya dito?

"Van? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Nakasuot din siya ng grey tux, na nababagay din naman sakanya. Masakit ding sabihin na gwapo ngayon ang unggoy na to.

Sumulyap siya saakin saglit bago sumagot.

"Nakiparty? Imbitado ako eh. Tsaka kasama ko din si Mr.- este si Radon. Gumanda ka ngayon ah? Galing talaga pumili ni Radon no? Galing pumili ng Salon at nagmukhang tao ka naman kahit papaano." Normal niyang sabi habang nagsasandok narin ng kanin.

Tumigil ako sa pagsandok at sumimangot sakanya. Leche talaga rin tong lalaking to eh no? NakakaBV agad. Di nalang talaga diretsuhin na MAS gumanda ako ngayon, kelangan pa talagang insultuhin? Tsk.

Kasama ni Radon? Ako kaya yung dinala ni Radon dito. Kaloka tong hinayupak na to, kanina pa. Naiintindihan ko naman na imbitado rin siya dahil kaibigan niya ata si Radon (base sa observation ko sa school) at tsaka maaring kilala din siya ng celebrant.

Di na ako sumagot sakanya, kaya bumalik na ako sa table namin ni Radon. Di naako nag-atubiling magpaalam dahil nasa pagkain lang naman ang atensyon niya. May lahing baboy yata ang lalaking yun. Pero mind you, ganun din ako. Lol

Pagkabalik ko sa table namin, ganun parin naman si Radon. May kausap ngunit iba na ngayon this time. Kaharap niya si Patrixia at ang ama nito na may suot na malalaking ngiti sa labi. Ito talagang si Radon, ang daldal sa iba. Pero pag ako yung kausap niya, lagi naman siyang naiirita, nagsusungit at nawawalan sa mood. Unfair!

Biglang lumihis ang kanilang atensyon mag-ama nang nilapag ko ang aking plato sa mesa at umupo sa tabi ni Radon. Ngumiti ako sa kanilang dalawa bilang pagrerespeto, ngunit nakuha ko lang na sagot ay ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Patrixia at ang pagkunot ng noo ng ama nito. Okay? May nagawa ba ako?

"Im glad you to meet, Jia Yamamoto. My girlfriend." Pagpapakilala saakin ni Radon sa kaharap naming dalawa. Bahagya pang nanlaki ang mata ko ngunit lumiit din dahil napagtanto ko kung ano ang nangyayare. Kelangan na namin magpanggap. Letse, di niya man lang ako pinaalalahanan! At lalong lalo na sa debutant at sa harap ng ama nito pala kami magpapanggap! Wala talagang tawad tong si Radon. Di man lang ako winarningan.

"Your what?!" Tila bingi at di makapaniwalang tanong ni Patrixia kay Radon.

"My girlfriend." Kalmang sagot lang nito at inakbayan ako.

"But I thought your in a relationship with my daughter?!" Matigas na ingles naman ng ama nito. Patay, mukhang magkakagulo yata rito ah.

Di ko mapigilang sumambat. Since ako ang 'so called girlfriend' dito, may parte parin ako sa pagpapanggap nato no. Tsaka nakasulat rin naman sa kontrata na kelangang magpanggap 'if needed' at nakapagpirma pa ako diba? Ito na ang oras nayun para kumilos. Lets try my acting skills, baby! For the sake of my family and to my self!~

"Im sorry, Mr. Williams. But you thought wrong. Im the one whose in a relationship with Radon Rousseau. " pormal kong sabi. Ngayon unti unti ko ng naiintindihan ang sitwasyon kung bakit kami nagpapanggap ngayon. May sakit pala ang mag-ama. Sakit na pinakamalala at maliit na porsyento lang na maaagapan. Sakit na tinatawag na 'Pagka-assuming'. Tsk. I therefore conclude na gusto ni Radon na malinawan ang mag-ama. Di kaya sobrang harsh naman? Di nalang ipinagprivate ang usapan, dito pa talaga sa labas na kung saan maraming tao.

Tinanggal naman ni Radon ang pagkakaakbay sa akin at hinawakan ang aking kamay na nakapatong lang sa table. Nakalimutan ko tuloy na gutom pala ako kanina.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kanyang ginawa. Dala na siguro yun sa kaba, yun lang yun. Wala akong sakit sa puso okay? Wala talaga. Pramis!

Napansin kong sinundan ito ng tingin ni Mr. Williams.

"You shut up here, bitch!" Sigaw ni Patrixia at dinuro ako.

Dahil sakanyang sigaw, nakaagaw agad ito ng pansin ng mga bisita. Naku naman.

"Dont you dare, point a finger at her! Stop accusing, alright? As far as I know, you fucked some random guy at the Madison Hotel yesterday and moan as if there's no tomorrow? Look who's bitch now, huh? " Prangkang sagot ni Radon na ikinasinghap ng mga taong nakikinig. Oh gosh! Naawa tuloy ako kay Patrixia na naiiyak at umiiling iling. Siguradong masisira ang pangalan at inaalagaang reputasyon niya.

He's heartless.

A heartless beast.

Pero di niya mapapantayan si Rozen bae. Hehe

Biglang hinampas ni Mr. Williams ang mesa ng aming inuupuan. Ay may mali yata sa description ko no?

"You've got to be kidding me!" Sigaw nito at napatayo.

Napatayo narin kami ni Radon at pinantayan niya ang matatalim na titig ni Mr. Williams. Loko talaga tong lalaking to, nakapoker face lang naman siya habang ang kaharap niya ay parang bulkan na konti nalang ay sasabog na sa galit.

"No, Im not. Why not ask your daughter and figure it out?"

Napabaling si Mr. Williams sa anak niyang tuluyan nang humagulgol. At napaupo sa sobrang panghihina.

"N-no dad! I-Its not what you t-think!"

"Its not what you think?! Dammit! Julianne! We need to fucking talk about this, alone!" Aniya ng tatay niya at nagwalk-out. Sumunod naman si Patrixia pero bago yun, binalingan niya kami sa huling pagkakataon at tinignan niya kami or particularly saakin ng masama.

"You'll gonna regret this."

At tuluyan na siyang lumakad papasok sa bahay nila.

ME? Bakit ako? Si Radon kaya ang nagpahiya sakanya. Naku naman oh. Baka baka baka moomoomoo joke. Binantaan na naman ako. Letseng buhay to oh.

"She will never harm you, I will not let her. I promise. So dont worry now, we need to go. Let's go." Tugon ni Radon at hinila ako papalabas sa bahay ng mga WILLIAMS.

NA DI MAN LANG KUMAKAIN! HUHU

/Continuation Next Chap.\

Continue Reading

You'll Also Like

204K 4.5K 36
Isang dalaga na nagngangalang Riana Nathalie Santiago na nag-aaral sa Maxwell University. Isa lang siyang simpleng babae na nabuhay sa mundo. Sa Univ...
418K 8.6K 43
Paano kung isang araw ipakasal ka nalang nang iyong mga magulang sa isang lalaki na hindi mo naman pala kilala. Dahil sa utang nang iyong magulang s...
598K 14.3K 32
MAFIA'S SERIES #1 Alexis Madrigal ay isang ordinaryong babae, mabait, mapagmahal sa pamilya at kaibigan, masipag sa kanyang trabaho sa isang sikat n...
503K 15.7K 77
Sa Labanan Walang pinipiling Kasarian Mababae ka man o Malalaki Basta't marunong ka Ika'y pasado na Tunghayan ang Maaksyon Na Pag-ibig! Rank #26 a...
Wattpad App - Unlock exclusive features