Contract Girlfriend Of Mr. Ma...

By YourVoluptuousBabe

87.1K 1.8K 208

Sa susunod, wag nang makibirthday kung ayaw mong maging Contract Girlfriend sa isang iglap ng isang Mafia Bos... More

Simula
CG#1
CG#2
CG#3
CG#4
CG#5
CG#6
CG#7
CG#8
CG#9
CG#10
CG#11
CG#12
CG#14
CG#15
CG#16
CG#17
CG#18
CG#19
CG#20
CG#21
CG#22
CG#23
CG#24
CG#25
CG#26
This Is Not An Update
CG#27
CG#28
CG#29
CG#30
CG#31
CG#32
CG#33
CG#34
CG#35

CG#13

2.1K 44 9
By YourVoluptuousBabe


A/N: Sorry for the delayed update guyseu!~ Im just being busy in school and some personal matters. And here comes this 'freaking person' na nagpa-confuse saakin ng tatlong araw. Dagdag problema, haist!~ Pero back to the topic, sorry ulit sa delay! Lalo na yung nag-PPM saakin na 'UD na', alam mo kung sino ka. HAHAHA!~

Enjoy!~

Unedited :)





Kasalukuyan akong naglalakad sa Hallway patungo sa aking silid-aralan. Same as always padin naman. Balik uli sa dati ang lahat ng mga estudyante sa normal, matapos ang naganap na karumal dumal na krimen ni Reynald Batumbakal. Siguro may iilan pa ding di nakakarecover at pinag-uusapan ang walang awang pagka paslang sakanya , pero nakakasigurado akong kakaunti nalang ang mga yun.


Speaking of pagpatay, may nabuo agad akong ideya dahil dito. Alam kong masamang magbintang pero ang una kong naiisip na suspect ay sya. Siya lang kasi ang kilala kong may kakayahang gumawa ng ganun at pumatay. Di ako nakakasigurado dun dahil wala naman akong sapat na ebidensya, malay natin maling akala ko lang pala. Mas lalo pang tumibay ang hinala ko nang maalala na nagkataon pang absent siya ng isang period sa klase namin. Mga isang oras bago nalaman ng lahat ang balita at tsaka siya nagpakita. Possible kaya? Di ko imemention ang pangalan niya hanggat di pa ako sigurado. Mapapahiya lang ako kapag sinabi ko kung sino tapos hindi pala. Masisira ang reputasyon ko niyan. Chars.

Sa kalagitnaan ng aking malalim na pag-iisip, di ko na namalayan na nakarating na ako mismo sa tapat ng room namin. Nandyan na kaya siya? I sighed.

Dahan dahan kong pinihit ang pintuan. At bumungad sa akin ang mga di pamilyar na pagmumukha. Dapaq!

Napatigil silang lahat sa kani-kanilang ginagawa at napatingin saakin.

"Ay sorry, wrong number! Ay e-este, wrong enter! Sige tuloy niyo na lang ang ginagawa niyo. Wag niyo na akong pansinin. Hehe." Nahihiya kong sabi sa buong klase ng kabilang room at ngumiti ng peke. Naku naman! Geez!

Agad kong sinarado ang pintuan at napatingin sa taas nito. Kung saan nakalagay ang name plate ng bawat room. Letse, mali nga ako ng napasukan!

"Oh, Jia. Anong ginagawa mo dyan?"

Napatingin ako sa may-ari ng boses na walang iba kundi si Krisostomo sa umaga at Krystal sa gabi. Nakatayo lang siya mismo sa pintuan ng aming classroom at maarteng nakapameywang. Aba't himala, buhay pa pala ang isang to.

"Ah, wala naman." Sagot ko. Ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay at tila pinipilit akong magsalita. Bahala siya diyan.

Naglakad ako palapit sakanya na nakatayo lang sa may pintuan na kung saan sinabi ko na kani-kanina pa lang. Nilagpasan ko siya tsaka dumiretso sa naka-assign sa aking upuan. Sumunod lang siya sakin at nilagay din ang kanyang bag sa katabi kong upuan.

Hinarap ko ang nag-iisang baklita sa Klase. Ewan ko lang kung nag-iisa lang ba talaga siya o may nagtatago pa. Pero wala na akong pakialam dun.

"Bakit umabsent ka nung Biyernes, bakla? At di mo man lang tinext o ininformed? Alam mo bang naabala mo ako habang wala ka ha? " Litanya ko. Now its my turn.

Ako naman ngayon ang nakapameywang sakanya.

Lumapit siya saakin kaya napaatras ako. What is he doing? Pag-eenglish ko sa isip. Well, sa isip lang naman. Wag kayong ano sakin. Hehe.

"May ibubulong ako, gaga! Kung maka-atras  ka diyan, kala mo gagahasain kita! Di tayo talo uy!" Maarte niyang sabi at umirap. Psh. Arte.

Napasimangot ako. Asa naman sya na papatulan ko rin sya no.

"Dami mo namang satsat! Sige na! Ibulong mo na!"

Lumapit siya ulit saakin at bumulong sa tenga ko. Fudge! Nakakakiliti!

"Nagka-LBM ako. " aniya at lumayo saakin pagkatapos. Well, personal space indeed.

Seryoso ang pagkakasabi niya kaya muntik pa akong mapahagalpak sa tawa.

"Seryoso? Pfft."

Tumango lang siya at umupo. Okey? Wala sa mood yata ang bekla niyo!~ Anyare?








Ilang minuto lang, pumasok na ang Prof.namin at nagsimula ng magdiscuss sa klase. Habang ako'y tahimik na nakaupo lamang, napansin ko na may kulang sa buong klase. Walang iba kundi sila Boy KwekKwek at si Boy Sungit. Absent yata ang dalawa kaya mabuti naman kahit papaano, makakahinga pa ako ng mas mahaba at maluwag. Lalo nang magkikita kami ni Radon after class daw. Saan naman kaya niya ako dadalhin? Iniisip ko pa lang ang mga lugar na posibleng pagdalhan niya saakin, ay kinakabahan na ako. Malay niyo, baka dalhin niya pa ako sa Slaughter House at ipapakatay! Diyos ko! Wag naman talaga sana! O di kaya ikulong sa banyo na puno ng ipis at di man lang nalilinisan na anidoro na may ihi at tae pa!



Kainis talaga pagiging praning ko no? Pero dibale na, maganda parin naman SIGURO ako. Hehe.




Buong klase akong okyupado sa pag-iisip ng kung ano-ano. Katulad nalang ng paano ko nakayanan na di magpanty buong araw noong grade 2 ako, ano ang apelyido ni Moises at sino ang nag-imbento ng apelyido, naiisip ko din kung bakit laging lugi ang lalaki na may 'Bente Pesos' sa advertisement ng Cornetto, bakit maraming pabebe ngayon na sarap hambalusin, bakit panot si Boy Abunda?. Di lang yun, naiisip ko din na kailan kaya ako mapapansin ni Bias na nasa Korea? Kelan din kaya makikita ni Loglog ang anak niyang si Beau kay Portia? Bakit kaya babaero ang asawa ng kapitbahay namin? Bakit kaya di nagpapautang si aling Sharrah na may labindalawang anak? Bakit din kaya maalat at minsan sobrang tabang ng niluluto ni Manang Shaiken na nakikipagkompetensya din sa bilang ng anak ni Aling Sharrah? Bakit kaya sobrang ganda ko?



Pero sympre, di na kasali ang panghuli niyan. Alam niyo na ang kasagutan, diba? Pero kung hindi niyo pa alam, aba ewan ko nalang kung saang planeta ka galing at di mo alam ang kasagutan diyan. Problema mo na yan.

Naistorbo ako sa aking malalim na pag-iisip ng maka-amoy ako ng di kaaya aya. Letse, ambaho!

Narinig ko na napabulong ang bakla sa aking tabi na tila parang naiipit ang pagmumukha at sobrang pula na nito. Anong nangyayare sakanya?

"Ay ghed. Lumusot pa. Kahiya. Ugh."  Huh?

Ewan ko ba kung bulong yun o hindi pero rinig ko naman. Buhay nga naman, parang life.

Mukhang di lang ata ako ang nakaamoy sa mabahong yun dahil nga sa AIRCON ang buong classroom namin, agad na kumalat ang di kaaya-ayang amoy sa buong silid kaya agad naming tinakip ang aming mga kamay sa aming mga ilong. Pati yata si Sir ay napahinto sa pagtuturo at nakisabay din sa uso este sa pagtatakip din ng ilong.

"Shit, Jia! Umutot ka na naman ba?!" Naiinis na tanong ng aking kaklase na nakaupo sa harap habang nakatakip pa din ang kamay sa ilong.

Bigla ako naiinis sa sinabi niya.

"Porket umutot ako last week, ako na naman ulit?! Aba't namumuro ka ata?" Sabi ko sabay irap.

Di porket ako yung may nakakahiyang experience, ako nalang ulit?! Kasalanan ko ba na nakapwesto ako malapit sa may aircon?! Kasalanan ko ganun? Ano, upukan nalang? Sabihin niya lang sakin, at di ko siya uurungan! Ay wag nalang pala,  at baka di niya pa ako isali sa groupings. Naku, leader pa naman namin tong walanghiyang babaita.

Napatingin ako sa aking tabi, si Krisostomo lang ang nagmumukod tanging di nakatakip ng ilong sa buong klase. Hanggang ngayon kase, di pa nawawala ang baho. Nakagawa agad ako ng konklusyon sa nangyayare sa isang to.

"Hoy, bakla! Ikaw yung suspect ano?" Tanong ko sakanya ngunit pabulong.

Tinignan ko siya na nahihirapang magpigil. I feel him, guys. Ganyan din ako noong una ko dito, na unang nangyare saakin ang sinasabi kong 'nakakahiyang experience'.

Nahihiya siyang tumango.


Sabi ko na nga ba!

Inexcuse ko si Krystal at sinamahan siyang magpalabas dahil sa tawag ng kalikasan. Ano kayang nakain ng isang yun, at hanggang ngayon ay nagka LBM parin?

Lumabas kami sa klassroom. Rinig ko pa nga ang mga bulungan na matalik na magkaibigan nga daw kami at pati yata lugar na pinasabugan namin ay iisa lang din. Paki ba nila? Eh sa doon sumabog, wala nga kaming nagawa upang pigilan, sila pa kaya? Arte talaga, haist. Mabuti pang singhutin nalang nila ang baho at nang mawala agad ang baho. Boplaks din sila, eh no?


Inalalayan ko si Krystal papasok sa walang kataong taong CR ng mga lalake. Since class hours pa lamang, wala munang estudyante ang paggala gala sa buong campus. Tiyak na madedetention sila, lalo na't ang mga estudyante na walang excuse slip.

Hinintay ko sa labas si Krystal na kasalukuyang nagpapalabas sa tawag ni Mother Earth. Letse, tagal matapos ah!


Ilang ORAS pa, sa wakas at natapos na ang bakla. Maaliwalas na ulit ang pagmumukha nito na parang ready to landi ulit ang peg. Dahil sa isang oras na ang nakalipas, natapos ang klase at recess na. Good timing! Salamat din pala kahit papaano sa isang to.

Pero ang isa din sa pinasasalamat ko sa school na ito, na kahit College students ay may recess din! When will your faves? Oha!

Continue Reading

You'll Also Like

118K 4.5K 66
Highest Rank #202 in Fanfiction Highest Rank #2 in ExoShidae **Fanfiction** -- May siyam na babae na GUSTONG-GUSTO NG LAHAT GUSTONG GUSTO na mamatay...
243K 4.3K 46
When you meet the 4 gangster king who are ruthless, cold hearted and the heart rob of the school university park and if they meet the nerds of the s...
9.6K 212 8
What if kung umpisa palang ng pagpasok mo sa isang university ay may issue na tungkol sayo na isa kang gangster na hindi naman totoo at masaklap pa d...
Wattpad App - Unlock exclusive features