The Prequel of Everything

By zirlocke

10 0 0

A slice of school life, and a slice of school romance! A little bit action and a little bit of drama! Does th... More

Chapter 2A - The Runaway Prince and the Heartless Angel
Chapter 2B - Trouble (This also happens during Chapter 2A,2C)
Chapter 2C-Black and White (This also happens during Chapter 2A &2B)

Chapter 1 - Just another School Year. (Erio's Point of View)

4 0 0
By zirlocke

Madilim, mainit at walang patutunguhan yan ang kasalukuyan kong nararamdaman na tila ako'y nababagabag sa kadahilanang wala akong makita. Nagpatuloy ako sa paglalakad at napansin kong may babaeng naglalakad din. Natuwa ako dahil nakakakita din ako ng makakasama. Dali-dali akong tumakbo para puntahan siya. Nagtatataka ako dahil kahit sinadya ko na tumakbo eh tila di nya ako napapansin. So wala akong choice kundi tawagin siya. Sinigawan ko na sya ngunit di niya talaga ako naririnig. Ako'y naiirita na kaya nung inabutan ko siya ay hinawakan ko siya sa balikat at pinalingon ko siya sakin. Laking gulat ko na ang babaeng ito ay walang muka ngunit duguan ang ulo, unti unti siyang natutunaw at nagsimula na kong mag freakout. Biglang nagkaroon ng ilaw sa taas at may bumagsak na mabigat na bagay at bigla akong nawalan ng malay. Pag gising ko.........

Panaginip lang pala -.-

Tumayo na ko sa aking hinihigaan at tinignan ko ang larawan sa gilid ng aking lamesa. Larawan ng isang bata at isang babae. Ang ate ko ang babae sa larawan. Ang ate ko ay isang High Officer Knight dito saterritory ng Sephilia. Hanggang ngayon ay may alitan parin sa dalawang territory kung sino ang mamumuno sa bansang ito. Ang dalawang territoryo ay ang Sephilia at ang Filentia. Hanggang ngayon ay may alitan pading nagaganap sa dalawang campo pero may lugar lang na pinaglalabanan para kumonti ang casualties. Hanggang ngayon hindi padin nakikita ng mga higher ranks ang ate ko after ito ideploy sa isang mission. She's a strong woman so I don't worry too much but still kapatid ako at akong lang talaga mag-isa.

Nagbihis na ko, inayos ang bag, Cellphone etc. Nagtataka akodahil medyo maliwanag na sa labas ng apartment na tinitirhan ko at malaman laman ko nalang na 7:15 na ng umaga. "Bullshit!". Di ko na naisipan kumain at nagmadali na ko umalis. Tumatakbo ako habang tinitignan ko ang oras... 15 minutes pa, aabot pa kaya ako?Usually ang paglalakad mula bahay namin hanggang school ay inaabot ng 30- 45mins dipende kung neutral, malamig o mainit ang panahon. Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo dahil desperado na kong umabot on time. Hiningal ako pero binaliwala ko na iyon at sa kabutihang palad naman ay umabot ako sa oras.Umupo muna ako sa may bench at naghabol ng hininga sabay deretso sa aking locker para ayusin ang aking mga gamit. First day nga pala ngayon at tinignan ko ang room ko bulletin board sa may lobby, nasa 2-A ako.Pumunta na ko sa aking destination at nung paliko na ko ay may nakasalubong ako bigla. Medyo matagal kami nagkatitigan nung taong ito. Medyo nairita ako sa aking nakita dahil eto nanamang babaeng to ang una kong makakasalamuha sa araw na to.

"E-ERIEL?"

"EEEEEERIO!?"

Halatang annoying tone ang boses ko nung sinabi ko ang pangalan niya. We're not in goodterms last year pa at naglakad na ko papuntang room. Bakit pa kasi sa lahat ng una kong makikita si Eriel pa. Umakyat na ko para puntahan ang room ko sabay sabi pa naman:

"WAG MO KONG SUNDAN ERIO! STALKER KA BA?" Reklamo niya

"EH DITO DIN DIREKSYON NG ROOM KO EH" sagot ko.

Nauna siya pumasok sa room at narealize ko na kaklase ko pala siya. Ang saklap nga naman ng araw na to MALAS! Pag pasok ko sa kwarto ay sa unahan ako umupo dahil alam ko sa gitna uupo tong bruhang flat-chested na to. Butaw ang sitting arrangement at para akong napagkaisahan dahil nung pagpasok ko ay ang available lang na upuan ayyungnasa unahan. Pag tingin ko sa kanan at kaliwa ay tila bang wala tao. Sabagay first time ko napunta sa first section at ibig sabihin lang nun ay tumalino ako HEHEH. May pumunta sa harapan ko at biglang nagdabog pagtanggal ko ng headphones at paglingon ko... Si Eriel pala..

"DITO KA?"Mukhang di siya makapaniwala sa nakikita niya?

"OO bakit?" Kalmado kong sagot.

"SIGURADO KA? baka nagkakamali ka" mayabang na pag tatanong.

"EH WALA EH FIRST SECTION EH DI KA LANG MAKAPANIWALA NA TUMALINO AKO HAHAHAHAHA"

Bago pa siya makasagot ay pumasok na ang aming adviser. Umalis si Eriel sa aking harapan sabay "HMPH!". Pagkatingin ko sa adviser...

"Yare na si Ms. Villeta" - Sya lang naman yung adviser ko last year na sobrang higpit pero lahat ng sinasabi niya kapag kakuwentuhan mo siya ay malaman ang kanyang mga sinasabi pwede mo na siya itulad sa isang preacher.

"abaaaa same faces" angelic face siya pero two face siya promise.(You must not see her dark side!)

May nag taas ng kamay "Ms!" si Eriel

"Yes Ms Eriel?" tugon niya

sabay turo sakin "Bakit nandito si erio?" nakakapagtakang tanong nya

"Ah nag randomize kasi ng students tapos diyo siya napunta kaya pansin mo yung iba nawala din kasi ang patakaran ngayong year na to ay irandomize ang mga students para magkaroon ng balanse" - deretsong sagot ni Mam

"Kala ko matalino na ko sheesh" - sabi ko sa sarili ko.

"Oh game! First Activity" - sabe ni Villeta

Tila nagulat ang lahat dahil ang first day na akala nila na freeday ay naging hell.

"Activity 1 ay Sitting Arrangement" sabay naglabas ng kahon si Mam Villeta

Nagbunutan na ang lahat ang nakuha ko ay number 25 dun ako sa pinaka likod sa may bintana

ganda ng pwesto ko whew.

"Ok kung nakabunot na ang lahat tumayo kayo at lumipat na kayo."

Nagsilipatan na ang lahat pumunta na ko sa pwesto ko. Inaabangan ko ang katabi ko at inaasahan kong si Ai ang magiging katabi ko pero lahat ng pangarap ko ay gumuho ng may ibang umupo sa tabi at sa lahat lahat pa ng umupo ay yung taong kinababanasan ko sa lahat. Sino pa ba kundi si Eriel. Nasa harapan ko ay si Vel ang pinakasikat na lalaki sa school na to. Lagi siyang dinudumog ng mga kababaihan at pwede na siya mag collect and select. Wala akong kamalay malay na nakatingin na din siya sakin at sinabing "May problema ba?" Seryoso at kakaiba ang tono. Nanlamig ako at sinabing "wala wala." Sa Tabi ni Eriel sa kanan ay si Azrine, laging straight face ang expression niya at akalain mong mag bestfriend sila ni Eriel sabagay pareho silang weirdo. Sa likod nila ay isang bakanteng upuan at si Ai.

Lumipas ang mga ilang oras at ang naging class representative namin sa classroom ay si Eriel. Hindi mo maitatanggi na siya ay matalino, responsibilidad at malakas ang personality, pero still lagi kaming nagaaway at kelanman ay hindi nagkasundo.

Dito nagsimula ang panibagong yugto ng aking pagaaral sa akademyang ito.

Continue Reading

You'll Also Like

92K 1.9K 22
Laurice Cuanco a famous model who reincarnated in another world. She was killed and woke up with someone's body--in a villain's body. ...
446 60 20
a new girl came in a town where she's solely in, just for her college degree but then a guy living just beside her apartment shake her purpose and sh...
188 9 8
Ayi Llanes, a half Filipina and half Mexican girl, transfers to a new school. Within the very first day in her new school, she meets a nice, yet real...
222 8 15
CAMPUS HEARTS SERIES #1 •| Highschool love story |• Hi! Ako si Aremaiah Jay Camero, "Arem" for short - maganda, mabait, masipag, at... Medyo makulit...
Wattpad App - Unlock exclusive features