Sweetest Lie #Wattys2016 Winn...

By Imbaaaaah

2.3M 6.6K 410

Wattys 2016 Winner -- Nangako si Victor sa kanyang sarili na hindi na siya iibig pang muli. Hindi na niya ibi... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 1

72.3K 1.4K 133
By Imbaaaaah

Napaupo agad ako nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Nilingon ko ang aking katabi, mahimbing ang kanyang tulog. Sinilip ko ang aking katawan mula sa ilalim ng kumot. Napapikit ako nang makita kong wala kong ni isang saplot. Totoo ang mga nangyari kagabi! Hindi panaginip!

Mabilis kong hinagilap ang mga damit ko. Nagbihis agad ako at umalis na sa condo ni Victor. Wala naman siguro siyang maaalala sa mga nangyari kagabi. Ang akala niya ay ako si Aaliyah. Malamang ay hindi na niya natatandaan ang mga nangyari.

Ang layo pa man din ng apartment na tinitirahan ko sa building ng kanyang condominium. Kinailangan ko pang mag taxi. Di bale na nga, ang importante ang natakasan ko na siya bago pa siya magising. Baka ipagtabuyan lang niya ako pag nakita niya na may katabi siya sa kanyang kama na hindi naman niya kilala.

"Manong, dyan na lang ho." Sabi ko sa driver nang makadating na ito sa tapat ng masikip na eskinita patungong apartment na tinitirahan ko. Kinapa ko ang aking bulsa, wala akong pera sa bulsa. Patay! Nasa bag ko nga pala ang wallet ko. Naiwan ko yun sa condo ni Victor. Sa sobrang pagmamadali ko kanina ay hindi ko na yun naalala.

"Miss, ano ba? Magbabayad ka ba?" Sita ng driver sa akin nang matagalan ako sa mpaghahanap ng pera.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Uhm, manong... magkano po ba?"

"220 miss. Ayan oh!" Iritadong sabi niya habang tinuturo ang metro. Ang mahal naman ng bayad. Kung bakit ba naman kasi tumaas ang presyo ng gasolina ngayon.

Lumingon ako sa labas. Nakita ko si Diego na papasok sa maliit na eskinita. May buhat siyang dalawang timba na puno ng tubig sa kanyang magkabilang kamay.

"Manong saglit lang.." Bumaba agad ako ng taxi.

Nakakahiya naman itong gagawin ko, pero bahala na nga! "Diego!" Tawag ko. Agad naman siyang lumingon sa akin.

"Oh, Ria!" Ngiti niya. Ibinaba niya ang mga timbang hawak niya para lumapit sa akin. "Inumaga ka ata ng uwi ngayon?" Nagtatakang tanong niya habang pinupunasan ang kamay siya sa twalyang nakasabit sa kaliwang balikat niya.

"Uhm, ano eh, madaming ginawa.. Tsaka rumaket pa ko." Nag iwas ako ng tingin. Kailan pa ako natutong magsinungaling?

"Miss, ano ba? Magbabayad ka ba?" Sita sa akin ng driver mula sa bintana. Nilingon naman agad ni Diego ang driver ng taxi. Kumunot ang kanyang noo.

"Diego.." Tikhim ko. "May pera ka ba dyan? Ano kasi, eh... pwedeng mangutang?" Nahihiyang tanong ko.

"Miss ano ba!" Sita na naman ng driver.

"Manong teka lang, ha! Kung makasigaw ka dyan." Naiinis na sumbat ni Diego. "Magkano ba yang singil mo sa kanya?" Lumapit siya sa bintana ng driver.

"220.."

"Ang mahal naman!" Ani Diego. May hinugot siya sa bulsa ng kanyang kulay itim niyang maong shorts. "Ayan oh, 180 na lang! Pwede na yan. Discount mo na lang yung kwarenta. Maganda naman ang naging pasahero mo." Inabot niya ang pera sa driver.

"Ano ba naman yan! Umagang umaga perwisyo!" Kinuha na lang niya ang pera kay Diego. "Sa susunod Miss, wag ka ng mag taxi kung wala ka naman palang pambayad! Akong lugi sayo, eh!" Sermon sa aking ng driver bago siya tuluyang umalis.

"Sus! Hayaan mo na yung matandang yun, Ria. Tara na nga." Hinila na niya ako paalis ng kalsada. Binuhat niya ulit ang dalawang timbang dala niya.

"Diego, salamat. Babayaran na lang kita sa sweldo ko." Sabi ko habang naglalakad na kami sa loob ng maliit na eskinita. Nasa dulo pa ng eskinitang ito ang apartment na tinutuluyan ko. Nakatira sila sa tabi ng unit ko.

"Saan ka ba kasi nanggaling bakit nagtaxi ka? Tsaka yung bag mo saan?" Sunud sunod na tanong niya. Nasa unahan ko siya. Pawis na pawis na ang kanyang katawan. Wala kasi siyang suot na pang itaas.

"Uhh, wala. Rumaket kasi ako kagabi para dagdag pera.." Dahilan ko. "Tapos, yung bag ko... hindi ko alam saan ko naiwan. Nandun din yung wallet ko." Wala na akong maisip na ibang dahilan. Ano naman kasi ang sasabihin ko sa kanya? Na sumama ako sa isang lalaki na hindi naman ako kilala tapos ay may nangyari sa amin? Hindi. Hindi niya pwedeng malaman yun.

"Saan ka naman rumaket? Sinong kasama mo? Tsaka paano na yan wala kang allowance?" Sunud sunod na naman na tanong niya.

Tumigil na kami sa paglalakad. Binuksan niya ang maliit na gate papasok ng apartment. Pinauna na niya akong pumasok. "Ewan, bahala na." Sabi ko na lang. Naglakad na lang ako papunta sa pinto ng aking unit.

Bahala na nga. Mag iisp na lang ako kung paano ako makakasurvive sa susunod na limang araw. Hihintayin ko na lang ang sweldo namin. Oh kaya manghihiram na lang muna ako kay Fin.

Nakakalungkot naman. Hindi na nga nababawasan ang mga utang ko, tapos madadagdagan na naman ang mga ito. Sumasakit ang ulo ko.

Sumunod sa akin si Diego. Ibinaba na niya ang mga timbang dala niya. "Pahiram kita, gusto mo? May sobra pa ako dyan.." Alok niya.

Nilingon ko siya at agad na umiling. "Naku, wag na. Ayos lang naman. Baka manghiram na lang ako kay Fin mamaya." Tanggi ko. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Alam ko naman na may mga pinagkakagastusan din siya. Tsaka siya lang ang nagpapa aral sa dalawa nyang kapatid. Pinapagamot pa niya si Aling Nita, ang mama niya. Ang alam ko kasi, nagkasakit siya simula nang iwan sila ng tatay ni Diego.

"Ria.." Iling niya. "Papahiramin kita, okay? Di naman kita matitiis, eh." Ngiti niya. Nag iwas agad ako ng tingin sa kanyang sinabi. Nakakahiya, ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kanyang kabaitan.

"Uhm, babayaran na lang kita agad." Sabi ko. Kinuha ko na ang susi ng pinto sa likuran ng bintana. Mabuti na lang pala ay iniiwan ko ito. Kung nilagay ko ito sa bag, baka hindi na din ako makakapasok sa unit ko. Kaya naman, baka gibain pa ni Diego ang pintuan para lang makapasok ako. Perwisyo na naman ako, sigurado.

"Sige." Ngiti niya. "Magpahinga ka na muna. Hahatiran kita ng pagkain mamaya." Muli niyang binuhat ang mga dala niyang timba at pumasok na sa kanilang unit.

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na din sa loob. Nagbihis na muna ako pagkatapos ay agad na humiga para ipahinga ang aking isip at katawan. Bukas na lang ako hahanap bg pangalawang trabaho. Hindi na kaya ng katawan ko ngayon. Kailangan kong magpahinga.

Masakit pa rin ang katawan ko. Lalo na ang pagitan ng aking mga hita. Mabuti na lang ay hindi napansin ni Diego ang paglalakad ko kanina. Pinilit ko talagang ayusin para hindi siya makahalata na may kakaiba sa akin.

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga palad. Naalala ko na naman ang mga nangyari. Hindi tama yun, alam ko. Sobrang mali ako. May karapatan ako para tumanggi pero hindi ko ginawa. Pakiramdam ko tuloy ay sinamantala ko ang kanyang kalasingan. Hinihiling ko na lang ngayon na sana ay hindi niya ako makilala. Lalo na, naiwan ko pa ang bag ko sa kanyang condo. Makikita niya ang ID ko dun. Malalaman niya na may kasama siya kagabi.

Kahit na pagod ako, hindi ko na nagawang makatulog pa. Ang dami dami ko kasing iniisip. Mababaliw na ata ako sa pinagpatung patong na problema. Kung nandito lang sana si Mama at Papa, siguro ay hindi ko mararanasan ang ganito. Hindi naman kami mayaman, pero sigurado ako na magiging masaya ako pag nandyan sila. Ang gusto ko lang naman kasi ay may kasama sa buhay. Nakakalungkot ng mag isa.

Pagdating ng tanghali ay pinagdala na ako ng pagkain ni Diego. Hindi ko na ito tinanggihan. Bukod sa wala kasi akong pagkain dito ay gutom na din ako.

"Akong nagluto nyan!" Masayang sabi niya habang inilalagay sa mesa ang kanin at ulam na dala nya.

"Talaga?" Ngiti ko. Umupo na ako. Naghila na din siya ng upuan para makaupo da tabi ko.

"Oo! Sige kain ka na."

Tumayo muna ulit ako para maghugas ng kamay. Pagbalik ko, nakatingin lang sa akin si Diego habang nakangiti. Naiilang ako sa kanyang tingin. Kumain na lang ako para maiwasan ang kanyang mga mata.

"Hmm, sarap." Sabi ko na lang nang matikman na ang niluto niyang tinola.

Nakapatong ang kanyang siko sa mesa habang sinasalo naman ng kanyang palad ang kanyang pisngi. Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin. Hindi naman siya nagsalita. Naiilang talaga ako. Binilisan ko na lang ang pagkain ko hanggang sa matapos na ako.

Umalis na din naman agad si Diego pagkatapos kong kumain. Inabot na din niya sa akin ang perang pinapahiram niya. Titipirin ko na lang ito para may matira ako hanggang sweldo. Babayaran ko agad siya.

Kinagabihan, maaga akong pumunta sa trabaho. Nagtataka nga sa akin si Kara, eh. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi niya dahil ayokong makipag away. Hindi ko na lang pinapatulan ang kanyang mga sinasabi.

"Aga mo, ah?" Tanong niya. Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko na lang ang uniform ko sa locker para magbihis na. Papasok na sana ako ng CR kaso ay hinawakan niya ng mariin ang aking braso. "Hoy, Ria! Kinakausap kita. Bastos ka!"

Nilingon ko lang ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Bitawan mo ko." Malamig na sabi ko.

"Matapang ka na? Kayo ng bakla mong kaibigan matapang na? Aba! Gusto mong ireport kita kay boss para matanggal ka na sa trabaho?" Banta niya.

Nagkatinginan kami. "Okay lang." Sabi ko. "Mas ayos ng matanggal sa trabaho kaysa maging sipsip." Binawi ko ang braso ko sa kanya at tumungo na sa CR. Ang lakas ng loob magbanta, alam ko naman na hindi naman niya kayang gawin.

Wala na si Kara paglabas ko ng banyo. Lumabas na lang ako para tulungan ang ibang kasamahan namin na nag aayos ng mga upuan at mesa.

"Ria, tulungan na kita!" Ngiti sa akin ni Billy nang makita niya akong inaayos ang mga upuan sa may counter.

"Salamat.." Sabi ko.

Mabait din itong si Billy. Isa siya sa mga kaibigan namin ni Fin dito sa trabaho. Naiinis din siya kay Kara dahil sa pagiging maldita nito. Ang totoo nyan, si Fin at Billy ay magkalahi. Hindi lang masyadong halata ang kay Billy dahil lalaki pa rin siya kung manamit at kumilos. Hindi katulad ni Fin na naglalagay ng make up sa mukha at nagsusuot ng damit na pambabae.

Paglipas ng dalawang oras ay nag umpisa ng magsidatingan ang mga tao dito sa bar. Nandito na din si Fin. Nag umpusa ng magpatugtog ang DJ ng mga musikang nakakabingi. Sa sobrang lakas nito, pati ang dibdib ko minsan ay kumakabog na din. Nasasanay na lang ako.

"Oy girl, si Papa V oh.." Bulong sa akin ni Fin.

Muntik ko ng mabitawan ang tray na dala ko dahil sa sinabi niya. Umikot agad ako patalikod nang makita ko si Victor na naghahanap ng mauupuan. Maayos siya ngayon, mukhang hindi pa siya nakainom. Dati kasi, pag pumupunta siya dito ay mukhang wasted na siya.

Ngayon, maayos siya. Naka puting v-neck at faded jeans siya na may punit bandang tuhod. Ang gwapo pa niya sa buhok niya na parang hindi nasusuklayan.

"Oh, bat ka tumalikod? Iniiwasan mo?" Kumunot ang noo ni Fin.

"Hindi, ah!" Inabot ko sa kanya ang tray na dala ko. "Sandali lang. Ikaw muna dyan. Punta lang akong CR." Sabi ko. Nang kinuha na niya ang tray ay iniwan ko na sya at nagtungo na sa CR.

Mabuti na lang ay walang masyadong tao dito sa loob ngayon. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Napasandal ako sa nakasarang pinto at hinawakan ang aking dibdib.

Bakit ba ako nagkakaganito. Parang lalabas ang puso ko sa aking katawan dahil sa sobrang kaba. Natatakot akong magpakita kay Victor dahil baka maalala niya ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ilang malalalim na paghinga pa ang pinakawalan ko bago lumabas ng CR. Bahala na nga. Bahala na talaga!

Nilingon ko ang paligid. Walang Victor! Mabilis akong lumabas pero parang napako ang mga paa ko nang may marinig akong boses na nagsalita mula sa aking likuran.

"You're here..." Kasing lamig ng yelo ang kanyang boses.

Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko siya hinarap. Humakbang na lang ulit ako, kaso ay mabilis niyang nahawakan ang aking braso. Hinila niya ako papasok sa CR ng mga lalaki. Nilock niya agad ang pinto pagkatapos ay marahas niya akong isinandal sa likuran nito. Napadaing ako ng mauntog ang aking ulo.

Nagkatinginan kami ni Victor. Ang mga mata niya at tuwid na nakatingin sa akin. Nakaawang ng kaunti ang kanyang bibig. May butil ng pawis ang kanyang noo. Nag iwas ako ng tingin ng mapasulyap ako sa kulay pula niyang lanbi. Bakit ko ba iniisp ang kanyang halik?

Nag mura muna siya bago tuluyang magsalita. "Umalis ka.. bakit? Hindi mo ako hinintay magising." Gigil niyang tanong. Nakakulong ako sa magkabilang braso niya.

"Sir... hindi ko po.." Napalunok ako. "Hindi ko po alam ang.... sinasabi niyo."

"Oh, damn it, Aria Villegas! Alam kong kilala mo ako at alam ko na alam mo ang mga nangyari kagabi!" Napapikit ako nang sumigaw siya sa aking mukha. Natakot ako bigla. Para bang kaya niya akong saktan ano mang oras.

Pinilit kong pigilan ang aking mga luha. "Naiwan mo pa ang bag mo sa unit ko. Sa tingin mo hindi kita makikilala, huh, Aria Villegas?"

"Sir..." Napayuko ako, kinagat ko ang aking labi.

"You're a virgin.. fuck, Aria Villegas. Virgin ka nung may mangyari sa atin..." Humina na ang kanyang boses ngunit may kasama pa din itong diin.

"Sir, wala naman-"

"Sinong matinong babae ang gagawa ng ganung bagay? Huh? Ikaw lang, Aria Villegas..." Bulong niya sa aking tainga. Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang init ng kanyang hininga. "Bakit? Bakit sa akin mo ibinigay?"

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang mga bagay na yun. Naguguluhan ako. Oo, nagkamali ako na sumama ako sa kanya. Pero may mali din naman siya! Inakala niya na ako si Aaliyah.

"Sir... nakita ko kayo sa kalsada. Lasing na lasing. Tinulungan ko-"

Idinikit niya sa akin ang kanyang katawan. Hinarang ko ang mga kamay ko sa kanyang dibdib. May nararamdaman akong kakaiba lalo na sa bandang tyan ko.

"I don't care. Ang gusto kong malaman ay... bakit mo binigay sa akin yun? Bakit? Gagawin mo din ba yun sa ibang lalake?" Hinalikan niya ang aking tainga. "Minarkahan mo ng dugo ang bedsheet ko, Aria Villegas.." Napaiwas ako dahil sa kakaibang kiliti na aking naramdaman. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Ano mang oras ay mapapaluhod na ako.

"Sir..."

"What do you want, huh?" Bumaba ang halik niya sa aking leeg. Ang mga kamay kong nakaharang sa kanyang dibdib ay unti unti ng nanghina. "Do you want me in your bed? To warm you every night, huh, Aria Villegas?" Suminghap siya sa aking leeg.

"Sir.... please.." Nalaglag na ang aking mga kamay. Hindi ko na alam kung ano pa nga ba ang sasabihin ko! Ano ba dapat? Wala na akong alam! Itim na ang lahat ng nasa utak ko. Wala na akong maisip ngayon kundi ang labi niya na tinutukso ang aking leeg.

"I want you, Aria Villegas. Do you want me, too?" Marahang tanong niya. Kinagat ng labi niya ang sensitibong parte ng aking leeg. "I want you... so bad. Fuck, Aria Villegas, be my fuck buddy... be my Aaliyah.."

**
-Kerbs

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 34.9K 45
Gaya ng isang kanta, parang isang linggong pag-ibig kita. Lunes ng unang magtagpo ang ating mga mata, Martes ng mapadalas ang lingon ko upang masilay...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
1.9M 46.6K 52
(blame me once side story) si Luke Castro na inlove din sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ........handa n...
10.9K 451 14
Despite those cold eyes, her sharp tongue and a bitchy attitude, Radella is a soft-hearted person. She's one of those women who believes that chivalr...