Fourth monthsary na namin bukas. Ang bilis noh? Kahit maraming may ayaw sa relasyon namin di rin naman sila ang nagdedesisyon para samin. Ano kayang magandang gawin para bukas? Itong ang unang Friday na wala sya. Gusto daw kasi syang makasama ng parents nya. Ano naman kayang nakain ng parents nya at parang bumait?
“ano bang magandang surprise?” nag-iisip lang ako habang nakahiga sa kama ko. Tsss! Ang hirap ata ah. Nung third monthsary namin sinupresa ko sya sa kanila. Oo nga pala at alam na ng parents nya na ako ang boyfriend nya. Kapag umuwi sina mommy at daddy papakilala ko rin sya as my girlfriend. Panahon na rin para naman kahit papano they’ll allow us. Para legal na kami.
Sa kakaisip ko nakatulog na ko.
KINAUMAGAHAN:
Nagising ako. Napasarap ata tulog ko. Pagtingin ko sa bintana ang taas na ng sikat ng araw. Napatingin ako sa orasan
“shit!” napabangon ako bigla, 3PM na. Ano ba naman kasi yan, nakatulog ako ng wala pa kong naiisip para sa babe ko.
Flowers and chocolates na lang kaya muna? O kaya yayain ko na lang syang magdate kami. Tama, ganun na lang basta ang importante makasama ko sya tska ma-celebrate namin ang monthsary namin. Miss ko na nga sya. Parang isang linggo ang katumbas ng isang araw na di ko sya nakasama. Nasanay na rin kasi akong dito sya natutulog.
Oo, tama kayo, dito nga sya natutulog. Wala naman kasi yung parents nya sa bahay. Laging nasa trabaho, can you believe that? Laging nasa trabaho? Tsss..
Nagligo na ko at lahat lahat. Bumili muna ako ng bouquet of flowers. Red roses sila. Tapos pumunta na ako sa bahay nila.
5PM na din. Simpleng supresa lang to pero sana magustuhan nya.
Malapit na ko sa bahay nila. Eto na, makikita ko na din sya.
Biglang bumukas yung pinto. May lumabas na lalake.
Teka sino to?
Nagtago ako sa may poste habang nakasilip. Sino kaya yun? pagkalabas niya kasunod niya si Nancy and he’s holding her hands.
Ano naman to? Sino ba ang g*gong yun!?
Then he kissed her. Nanlaki ang mata ko. P*tangna! Sa labi nya hinalikan!
Lumabas ako sa pinagtataguan ko
*BOOOOGS*
Sinutok ko yung lalake
“SIRA*LO KA! GIRLFRIEND KO TONG HINALIKAN MO”
Inaawat lang ako ni Nancy. Dapat susuntukin ko pa tong t*rantadong to eh.
Tumayo yung lalake. Natumba kasi sa suntok ko. Pinunasan nya yung bibig nya na may dugo. Humarap sya samin ni Nancy tapos ngumisi saakin.
“so you’re the EX. I’m Nathan” nag-offer sya ng hand shake pero di ko tinanggap.
“ano naman ngayon?” magkasalubong ang dalawang kilay ko. Ngumisi na naman. Nakakairita ang pagmumukha nya!
“as I’ve said, I’m Nathan. Nancy’s soon to be husband”
Nagulat ako. Sino ba naman di nagugulat dun? Tumingin ako kay Nancy. Nakayuko lang sya. Bakit totoo ba? Hindi naman di ba? Please sana naman hindi totoo to.
“babe….. totoo ba?” tanong ko sakanya. Tinaas ko yung ulo nya. She’s crying. Hindi sya makatingin ng diretso sakin
“totoo ba?!” pagalit na tanong ko.
“I’m sorry” natulala ako. Nagsosorry sya kasi ano? Kasi totoo?
“nagbibiro ka lang di ba?” hindi pa rin ako naniniwala. Hinding hindi ako maniniwala
“totoo yun. sorry. Umalis ka na”
“NO! HINDI TO TOTOO! NANCY!” hinawakan ko sya sa magkabilang braso nya.
“umalis ka na please! Ayaw na kitang makita!” taboy nya sakin. Pilit nyang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya
“babe… I love you.. please wag mo naman gawin sakin to. Kung joke to tapusin mo na” nagmamakaawa na ang itsura ko. Ayoko ng ganitong klaseng biro
“can’t you see?! I’m enganged! Umalis ka na!” tsaka nya ko pinagtulakan palayo
“why are you doing this to me?! Ano bang ginawa kong mali?!”
“pare, umalis ka na. wag mo na syang guluhin pwede ba?” sabi nung lalake.
“hindi ikaw ang kinakausap ko kaya WAG KANG MAGKIKIALAM DITO!” sinasabi ko yan habang tinuturo ko yung t*rantadong lalakeng yun
“JIO! STOP IT! ANO BA! UMALIS KA NA! UMALIS KA NA PLEASE LANG AYOKO NA MAKITA KA PA! AYOKO NA SA’YO! HINDI NAMAN TALAGA KITA MINAHAL KAYA UMALIS KA NA!”
Dahil sa sinabi nyang yun nadurog ang puso ko. Tumakbo ako palayo. Palayo sa kanilang dalawa. Palayo sa babeng magpatibok ng puso ko na bumago ng buhay ko at ngayon sya na rin ang dumurog sa puso ko.
Pumunta ako sa isang bar. Ayoko namang umuwi, sigurado akong maiinggit lang ako sa dalawang lovers na nasa bahay.
Magpapakalasing ako ngayon. Minor palang ako pero ano bang pakialam nila? Hindi rin naman nila malalaman pa. uminom ako hanggang sa mahilo ako. Pagtingin ko sa cellphone ko ang daming misscalls pati messages. Ginagawa nila akong parang bata. Ang kapatid ko, si Ian, Carlo, Luis, Adrian pati si Gino. puro galing sa kanila. Hindi naman sila ang gusto kong tumawag sakin. Di rin sila ang gusto kong magtext. Si Nancy, sana man lang tumawag sya. Sana man lang nagtext sya. Pero wala. Ni isa walang galing sa kanya.
Wala na talaga.
Lumabas na ko ng bar. Pagtingin ko sa relo ko 2AM na pala.
“ang bilis naman ng oras” bulong ko sa sarili.
Naglalakad lakad ako ngayon.
“wala na pala akong pera. G*go ko rin. Inubos ko sa bulaklak pati dun sa pinareserve kong restaurant, di rin pala matutuloy. Walang kwenta” sinipa ko yung bato sa may paanan ko
“ARAY! T*rantado yun ah!”
“nakng! Wrong timing ang kamalasan”
“IKAW!” turo sakin nung isang lalake. Ano ba naman to “ikaw yung nagtampon ng bato sa ulo ko noh!”
“hindi ko tinapon” sabi ko
“g*go ka pala eh! Sa tingin mo ba may iba pang gagawa sakin nun?! Ha?!” sabi nya
Kung mamalasin ka nga talaga 5 pa sila.
“bakit di ka nagsasalita dyan! Napipi ka ba?!”
“hindi ko sinabi binato.. sinipa ko”
“ang lakas din ng loob mo!” sabay suntok sa akin. Gaganti sana ako pero wala na. nakahawak sa dalawang braso ko yung dalawang kasama nya.
Pinagsusuntok ako. Hanggang pagtulakan na ko. Hindi na ko makabangon. Hindi ko kayang lumaban sakanilang lima. Wala na kong lakas pa. wala na, ubos na. wala ng natira pa. hindi pa sila nakuntento. Para lang akong laruan na pinagpapasapasahan nila.
“sa susunod aalamin mo muna kung sinong binabangga mo” sabay suntok sakin nung lalake. Tinulak ako sa isa pa nilang kasama.
“at sa susunod wag kang maangas!” sinuntok na naman ako. Hanggang sa tinulak ako ng malakas.
*BOOOGS*
“naku pare malaking problema to”
May mga naririnig akong boses. Ang sasakit ng buong katawan ko.
“takbo na!”
Nahihilo ako. At tuluyan ng nawalan ng malay.