Don't Look Back (A Depression...

By thepuremaknae

64K 1.7K 225

[ ๐™ผ๐šŽ๐š—๐š๐šŠ๐š• ๐™ท๐šŽ๐šŠ๐š•๐š๐š‘ ๐™ฐ๐š ๐šŠ๐š›๐šŽ๐š—๐šŽ๐šœ๐šœ ๐šœ๐š๐š˜๐š›๐šข #๐Ÿท ] ๐†๐„๐๐‘๐„: ๐˜›๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜๐˜ช๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐‹๐€๏ฟฝ... More

๐’Ÿ๐‘œ๐“ƒ'๐“‰ ๐ฟ๐‘œ๐‘œ๐“€ ๐ต๐’ถ๐’ธ๐“€
๐”“๐”ฏ๐”ฌ๐”ฉ๐”ฌ๐”ค๐”ฒ๐”ข
๐•บ๐–“๐–Š
๐–™๐–œ๐–”
๐–™๐–๐–—๐–Š๐–Š
๐–‹๐–”๐–š๐–—
๐–‹๐–Ž๐–›๐–Š
๐–˜๐–Ž๐–
๐–˜๐–Š๐–›๐–Š๐–“
๐–Š๐–Ž๐–Œ๐–๐–™
๐–“๐–Ž๐–“๐–Š
๐–™๐–Š๐–“
๐–Š๐–‘๐–Š๐–›๐–Š๐–“
๐–™๐–๐–Ž๐–—๐–™๐–Š๐–Š๐–“
๐–‹๐–”๐–š๐–—๐–™๐–Š๐–Š๐–“
๐–‹๐–Ž๐–‹๐–™๐–Š๐–Š๐–“
๐–˜๐–Ž๐–๐–™๐–Š๐–Š๐–“
๐–˜๐–Š๐–›๐–Š๐–“๐–™๐–Š๐–Š๐–“
๐–Š๐–Ž๐–Œ๐–๐–™๐–Š๐–Š๐–“
๐–“๐–Ž๐–“๐–Š๐–™๐–Š๐–Š๐–“
๐–™๐–œ๐–Š๐–“๐–™๐–ž
๐–™๐–œ๐–Š๐–“๐–™๐–ž-๐–”๐–“๐–Š
๐–™๐–œ๐–Š๐–“๐–™๐–ž-๐–™๐–œ๐–”
๐–™๐–œ๐–Š๐–“๐–™๐–ž-๐–™๐–๐–—๐–Š๐–Š
๐–™๐–œ๐–Š๐–“๐–™๐–ž-๐–‹๐–”๐–š๐–—
๐–™๐–œ๐–Š๐–“๐–™๐–ž-๐–‹๐–Ž๐–›๐–Š
๐–™๐–œ๐–Š๐–“๐–™๐–ž-๐–˜๐–Ž๐–
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Epilogue
Special Chapter
Ten Reasons Why
t h a n k y o u
Happy New Year: A Message From Me to You

๐–™๐–œ๐–Š๐–‘๐–›๐–Š

1K 35 1
By thepuremaknae



c h a p t e r      t w e l v e  ] 


"Denden!" Napaungol ako nang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Agad akong nagtalukbong ng kumot at humarap sa kabilang side. "Come on, Den! It's 10:00! Wake up, you sleepyhead!" Rinig kong sambit ng isang boses na alam kong kay Lindsey bago niya ako biglang tinalunan sa kama at pilit na tinanggal ang kumot sa ulo ko. 



"Ugh. Lindsey, ano ba 'yan!" Inis akong napabangon at tinignan nang masama si Lindsey na ngayo'y nakatayo na sa paanan ng kama at tinutupi ang kumot na nagawa niyang hilain mula sa'kin. 



My god. Ang sarap-sarap ng tulog ko tapos biglang mang-iistorbo itong bruhang 'to at tsaka hindi niya ba alam yung salitang mag-text muna bago mambulabog ng taong mahimbing na natutulog?!



"Bumangon ka na kasi! Hurry up!"



Hindi ko sinunod ang kanyang sinabi at nanatili lang na nakahiga. Napaungol ako sa inis. Ang sarap pa ng tulog ko eh! "Ano bang ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok?!"



"That's not important. Just get up and take a bath." Naramdaman ko siyang lumapit sa'kin at maya-maya'y bigla akong hinila patayo. Binigay niya sa'kin yung twalya ko na hindi ko alam kung saan niya nahanap at tinulak ako papasok ng CR. kahit na paulit-ulit akong nagrereklamo na inaantok pa ako. Wala pa rin akong ideya kung bakit nandito si Lindsey sa kwarto ko at kinakaladkad ako papasok ng banyo na para bang may importante kaming gagawin. "Ulyanin ka na talaga 'no, Denden?" I watch her as she puts toothpaste on my toothbrush before handing it to me. Maybe I should consider this: Lindsey would make a great caretaker. Siya nalang ang ihi-hire ko kapag dumating ang panahon na baldado na ako.



"Lindsey, ano bang meron ngayon?" Ungol ko habang nagto-toothbrush.



Tumigil siya saglit sa paghahanda ng bathtub para tumingin sa'kin. "Duh. Today is December 15." Pairap niyang sagot.



"And?" Anong kinalaman ng date ngayon sa pambubulabog niya? 



"Four days nalang before ang Christmas Party natin and as far as I can remember, we agreed that this day will be our Christmas shopping day. Nakalimutan mo na ba?" Nang matapos akong mag-toothbrush ay agad niya itong kinuha mula sa'kin at siya na ang nagbalik sa lalagyanan. Tinulak niya ako papunta sa bathtub pagkatapos. "Maligo ka na. Ako na ang maghahanda ng susuotin mo. Bilisan mo at kanina pa naghihintay ang barkada sa'tin." At tuluyan na niyang sinarado ang pintuan ng banyo.



Napabuntong hininga na lamang ako. Kanina pa naghihintay? 10:00 pa bumubukas ang mga mall dito. Bakit ba ang aga maghanda ng mga 'yon? Langya.



~*~

"Late kayo ng isang oras!" Bungad na bati ni Kei nang makarating kami sa Starbucks kung saan sila naghihintay. Kumpleto na ang barkada bukod sa'min ni Lindsey at nang makita ko 'yung mga pagkain nila sa lamesa ay tsaka ko naalala 'yung mga alaga ko sa tiyan na kanina pa ako iniiyakan.



"Blame Denden. Parang pagong siya gumalaw. Seriously." Lindsey says, rolling her eyes. Tinabihan niya si Keisha na tahimik na umiinom ng Matcha Latte habang nagsusulat sa isang notebook.



Tinignan ko ng masama si Lindsey at inirapan. "Ako pa may kasalanan?" Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Gino at Clark. Habang nauupo ay napansin ko na para bang nakatitig sa'kin yung katabi ko kaya naman nilingon ko siya at tama nga ako. Gino's looking at me as if may malaki akong atraso sa kanya. "What?" Iritado kong tanong. Wala ako sa mood ngayon dahil bukod pa sa kulang ang tulog ko dahil madaling araw na ako natulog kagabi, hindi pa ako nakakakain ng breakfast. Talk about being hungry and sleep-deprived.



He scans me from head to toe. "What the heck are you wearing?" Tanong niya na para bang may halong inis ang tono.



"Clothes, duh." Sarkastiko kong sagot. Ang aga-aga magtatanong ng obvious ang sagot.



"Denise," matalim na sambit ni Gino at pinandilatan ako. "Nagtatanong ako nang maayos."



"Oo, pero 'yung tanong mo hindi maayos." Bulong ko at mula sa gilid ay narinig ko ang mahinang pag-ubo ni Yexel. Nang lingunin ko siya ay patago siyang umiling na para bang sinasabi sa'kin na 'wag nang pumatol pa sa boyfriend kong mukhang mainit din ang ulo ngayon. 



It's December and the weather outside is cold. I guess masyado pa ngang maaga para ma-badtrip ako at ayoko rin naman na mag-away kami ni Gino dahil lang sa parehas kaming bad mood―although I'm sure it's probably just me. Badtrip lang ang mokong na 'to dahil ang ikli ng shorts na suot ko. Kakain nalang muna ako para matahimik na 'tong mga alaga sa tiyan ko. "Si Lindsey ang pumili ng damit ko. Okay?" I tell him with a sigh.



Nakita kong lumingon si Gino kay Lindsey na ngumiti lang nang abot-tenga bago nag-peace sign. Maya-maya'y napabuntong hininga nalang din siya at pinigilan ako nang sana'y maglalakad na ako papunta ng counter. Hinubad niya ang suot na jacket at inabot sa'kin. "Itali mo sa bewang mo."



Tahimik ko lang itong kinuha at sinunod ang kanyang sinabi at tsaka na naglakad paalis. Inasahan ko na naman itong reaksiyon na 'to mula kay Gino kaya pinilit ko talaga si Lindsey na palitan 'yung shorts pero makulit din 'yung isang 'yon. Ayos lang naman sa'kin na ganito siya protective dahil hindi rin naman ito over the line. He still lets me wear whatever I want, lalo na kapag magkasama kami. May mga pagkakataon lang talaga na totopakin siya at magagalit sa suot ko. 



Since maaga pa at kabubukas lang ng mall, walang pila sa Starbucks kaya naman mabilis akong naka-order. I just ordered a Caramel Macchiato and waffle. Hindi naman ako matakaw sa breakfast. Pagkakuha ng pagkain ko ay bumalik na ako sa table namin. Si Gino, na isa ring patay-gutom, ay naki-share pa sa'kin kahit naman nakakain na siya ng dalawang tinapay.



"So, what's the plan?" Tanong ni Keisha nang ako nalang mag-isa ang natirang kumakain. "Maghihiwa-hiwalay tayo? Since bawal naman natin sabihin kung sino ang nabunot natin and kailangan din natin bumili ng separate gifts para sa isa't-isa."



Tumango lang kaming lahat.  They proceeded sa pag-uusap kung saan sila pupunta para bumili ng mga gifts habang ako ay tahimik na kumain at doon itinuon ang buong atensiyon ko. 



"Magsimula na tayo ngayon para maaga tayo makauwi. May pasok pa bukas." Suggest ni Clark kaya naman pagkatapos ko kumain ay lumabas na agad kami ng Starbucks.



Sa may fountain sa center ng mall kami naghiwa-hiwalay at napag-usapan na doon ulit magkikita pagdating ng 1:00. The mall is huge, good enough for christmas shopping since madaming mga gift shops at boutiques na perfect bilhan ng mga pang-regalo. Inuna kong bilhin yung gift na ibibigay ko sa nabunot ko sa exchange gift, which is si Yexel.



That guy has always been a fan of boy bands. Nag-explore ako once sa kanyang iTunes library at puno ito ng mga kanta ng old bands like Nirvana, Green Day, Arctic Monkeys, etc. Luckily, may shop sa fourth floor ng mall kung saan nagbebenta sila ng mga old stuff like CDs of old bands, posters, etc. Madalas magpunta dito si Yexel―minsan ay kasama pa ako. He never bought anything dahil karamihan sa binebenta ay may kamahalan. Hindi naman sa namumulubi 'yung kolokoy na 'yon. Ayaw niya lang gumastos dahil nags-save siya ng pera pambili ng VIP ticket sa concert ng The 1975 sa January kaya nga freeloader muna siya sa'min kapag kumakain kami sa labas. 



As soon as I entered the shop, I was immediately greeted by Kurt Cobain's voice blaring from the shop's speakers. Konti lang ang tao sa loob--majority are girls wearing army boots with this hipster-like fashion. Not that I'm stereotyping or anything.



Dumiretso ako sa malaking box sa gitna kung saan may mga albums ng iba't-ibang boy bands―The Beatles, Fall Out Boy, Bastille, Twenty-One Pilots. Indie, obviously. Wala ako masyadong alam sa mga boy bands na ito kaya naman pumili ako ng tatlong album na sa tingin ko ay magugustuhan ni Yexel. Kumuha na rin ako ng album ng Arctic Monkeys para sigurado, since isa 'yon sa mga paborito niya.



Medyo napagastos ako dahil ang mahal ng albums, pero ayos lang naman. Last year pa ako nags-save ng allowance para sa christmas shopping na ito and Yexel's my friend, ok lang sa'kin gumastos kahit magkano if it's for something he likes.



Paglabas ng shop ay dumiretso ako sa pagbili ng gifts para sa iba pa sa barkada. Sinama ko na rin yung mga kaibigan ko sa football team. It was around 12:15 nang matapos ako. I still have 45 minutes at ayoko naman mag-ikot sa mall nang may dalang napakaraming shopping bags kaya naman napagpasyahan kong tumambay sa pastry shop na nakita ko sa third floor at uminom ng beverage doon habang naghihintay ng text mula sa barkada.



Habang naglalakad papunta doon ay nadaanan ko yung FullyBooked and I immediately stopped walking. Minutes later, I found myself inside, searching for a good classic novel. Nang binabayaran ko na yung libro ay tsaka ko lang pinagsisihan ang ginawa ko.



What's wrong with me? Bakit bumili pa rin ako ng libro kahit naman alam kong hindi ko rin 'to mabibigay sa taong balak kong pagbigyan? Aya and I aren't friends anymore. What's the use of this Christmas gift?



"Ma'am, ito na po yung binili niyo." Tinignan ko 'yung babae sa cash register na nakangiting inaabot sa'kin 'yung paper bag.



'Pwede ba mag-refund?' I wanted to say, but decided against it. Kinuha ko na lamang ito at nginitian siya pabalik. "Thank you." I left FullyBooked feeling as if my stomach is twisting.



Now, what am I supposed to do with this book?



~ * ~

Fifteen minutes after one o'clock, dumating ang barkada sa Larcy's at naabutan ako na nakaupo sa isang booth sa dulo, umiinom ng isang baso ng macchiato habang binabasa ang classical novel na binili ko.



Apparently, they spent those fifteen minutes looking for me since hindi nila ako ma-contact dahil hindi ko daw sinasagot ang mga tawag nila. I was so focused on what I'm reading that I didn't notice my phone ringing inside my pocket. Nang tignan ko ito, puro miscalls galing sa kanila ang bumungad sa'kin. "Ano ba 'yang binabasa mo?" Tanong ni Keisha na pinausog ako para magkasya silang dalawa ni Clark sa inuupuan kong side. Sinara ko yung libro at pinakita sa kanya ang front cover. "Hamlet? 'Yung kay William Shakespeare?" Nagtataka niyang tanong.



"Yeah."



"Buti naintindihan mo?" Tanong niya ulit. 



Binalik ko sa paper bag 'yung libro at napakamot ng ulo. "Dumudugo na nga ilong ko eh." 



"Bakit kasi bumili ka pa niyan?" Tanong ni Yexel.



Because the person I was supposed to give it to loves classical novels. "Wala. Gusto ko lang subukan maging intellectual, baka sakaling gumana."



Surprisingly, though, kahit na 80% ng salita ay hindi ko naintindihan, nagandahan pa rin ako sa flow ng story. Macbeth palang ang nababasa ko na gawa ni William Shakespeare, but Hamlet turns out to be a promising one as well. I'm pretty sure tatapusin ko ito mamaya sa bahay.



"So, what? Kain na tayo ng lunch? Nagugutom na ako." Saad ni Clark habang hinihimas ang kanyang tiyan.



Nagtaka ako nang biglang tinignan ni Gino yung lamesa kung saan may plato at baso na pinaglagyan ng kinain ko kanina bago nilipat ang tingin sa'kin nang may ngisi sa mukha. "Tayo nalang ang kumain since tapos na si Denden. Baka lumobo na siya niyan." Pang-aasar niya kaya naman agad na nag-tawanan ang barkada.



Tinignan ko siya nang masama at hinampas nang malakas sa braso. Pasalamat siya't mahal ko siya! "Ewan ko sa'yo." Nauna akong lumabas ng Larcy's pero agad din naman sumunod ang barkada. Sa Shakey's nila napagpasyahang kumain at dahil walang may gustong manlibre, wala silang choice kun'di ang mag-ambag ambag. Dahil kumain na ako sa Larcy's, ginamit ko 'yon na excuse para hindi na nila ako pasamahin sa ambag pero pagdating ng pagkain ay nakikain pa rin ako kahit na ilang beses na nagreklamo 'yung tatlong patay-gutom na may pinakamalaking ambag.



Hindi na rin kami masyadong nagtagal sa mall. Pagtapos kumain at mag-ikot-ikot saglit ay nagkayayaan na rin kaming umuwi. Nag-offer si Gino na ihatid ako kaya naman kami na ang naunang humiwalay sa barkada. Nakatanggap pa kami ng reklamo dahil balak pa sana nilang makisabay sa sasakyan ni Gino pero ayaw pumayag ng mokong kaya wala silang nagawa kun'di ang mag-Grab. "Matulog ka nang maaga, ha?" Bilin niya pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.



Hindi ko naiwasang matawa. "Opo, boss." Sagot ko habang tinatanggal ang seatbelt ko. "Text me once you get home."



"Yes, boss." Panggagaya niya sa sagot ko kanina kaya naman muli akong natawa. "Sige na. I'll see you tomorrow. I love you." Tapos ay hinalikan niya ako sa noo. 






Nginitian ko siya. "I love you, too." Hinalikan ko rin siya sa pisngi bago bumaba ng sasakyan. Dahil nasa tapat na naman ako ng bahay namin, hinintay ko na muna siyang makaalis at nang tuluyang mawala sa paningin ko ang kanyang kotse ay tsaka na ako tumalikod. Papasok na sana ako sa loob nang may mahagilap ang paningin ko sa gilid. Walking towards the opposite street is Aya, wearing a short tube dress na halos ipakita na ang buong kaluluwa niya. Hindi niya ako napansin dahil mabilis siyang naglalakad na para bang nagmamadali. Ayos na ayos siya na para bang may pupuntahan. She's probably going to one of those college parties that I tried to warn her about.



On she went until she eventually disappeared from my sight. Napabuntong hininga na lamang ako bago tuluyang pumasok sa loob at sinara ang gate. Binati ko yung gardener namin nang makita ko siya sa labas bago naglakad papasok sa loob ng bahay. Wala si Manang at hindi na rin ako nag-abalang hanapin pa siya. Tulog siguro.



Umakyat ako sa kwarto at ni-lock ang pintuan. Nilabas ko yung libro sa bag ko at tinuloy itong basahin kung saan ako natapos kanina. I read until there was no more lights in my room―until my eyes hurt; until the stars and moon replaced the bright sun in the sky. Tumigil lang ako saglit sa pagbabasa para maligo at kumuha ng snacks sa baba pero pagkatapos ay nahiga ako sa kama, binuksan ang lampshade, at muling nagbasa.



I was so drawn to the book pero hindi ko alam kung bakit kahit na focused na focused ako sa libro ay palaging sumasagi sa isip ko si Aya. It's not like may relation siya sa Hamlet since it's the story of Prince Hamlet's revenge on his uncle for killing his father and seizing the throne. Pero hindi ko alam kung bakit naiisip ko pa rin si Aya.



Maybe because of this one quote I stumbled upon while reading the book―a quote that immediately made me think of her even though I didn't know why.



We know what we are, but not what we may be.

Continue Reading

You'll Also Like

147K 3.7K 47
SIYA ang pinakamanhid at pinaka slow na babaeng kilala ko. -SHAWN VILLANUEVA SIYA ang pinaka masungit na lalaking kilala ko. -NATHALIE ANNE ME...
223K 6.7K 51
Cara Valeria is not the typical school girl you know. Because behind her school uniform is a girl with horn. Devil horn, rather. Wala siyang inaatras...
9.3K 463 54
Status:Completed Genre:Teen fiction and Romance. Posted:January 18,2020-May 6,2020 Disclaimer:If there are any grammatical errors and childish writin...
282K 3.4K 29
PERIODIC TABLE OF CASANOVAS: Krypton Iron Corpuz, 4th generation - Chemical Element Corpuz. Kr gets to meet Diana Maureen Navarro, a model agent who...