The Accidental Love Wrecker (...

By QueMaLdita

89.3K 1.5K 47

Pag na-inlove ka sa bestfriend mo at feeling mo walang pag-asang maging kayo, anong gagawin mo? Pag nalasing... More

The Accidental Love Wrecker
CHAPTER 1: THE REUNION
CHAPTER 3: THE WEDDING REHEARSAL
CHAPTER 4: SCATTERED THOUGHTS
CHAPTER 5: FAIL
CHAPTER 6: THAT NIGHT
CHAPTER 7: TITA EVA'S BIRTHDAY Part 1
CHAPTER 8: TITA EVA'S BIRTHDAY Part 2
CHAPTER 9: WEDDING
CHAPTER 10: FIASCO
CHAPTER 11: TO LIVE OR TO DIE?
CHAPTER 12: FORBIDDEN
CHAPTER 13: REVELATIONS
CHAPTER 14: RECONCILIATION
CHAPTER 15: BESTFRIENDS WITH BENEFITS(?)
CHAPTER 16: MAYBE THIS TIME
CHAPTER 17: BONDING
CHAPTER 18: STORMY NIGHTS AND DAYS
CHAPTER 19: PUZZLEMENT
CHAPTER 20: ANSWERS
CHAPTER 21: ON THIS DAY (FINAL CHAPTER)
SPECIAL CHAPTER: A REV DYLAN POV
ANNOUNCEMENT

Chapter 2: MEMORY LANE

4.5K 69 0
By QueMaLdita

Chapter 2:  MEMORY LANE

Natagpuan ko ang mga kaibigan ko sa parehong lugar sa graduate section ng library.Finding them is never really a problem. There are only few places frequented by our group: Library, canteen, o ang lumang stage sa open ground.

                Masyado pang matindi ang init ng araw para tumambay sa stage, at sa mga oras na ito, I’m sure hindi pa sila gutom. Kaya hundred percent ako,nasa library sila. At pag sinabing library, there’s only one particular place.

                “Where were you?” nakataas ang kilay na salubong ni Noelle sa akin. “Hay naku, bakit pa nga ba ako nagtatanong, di pa ako nasanay sa pagiging late ng babaeng ito.”

                Tinawanan ko lang siya saka umupo sa isang bakanteng upuan. “Hindi pa dumating si Rev?” tanong ko. Umiling lang si Noelle. Tahimik kong kinuha ang isang malinis na worksheet sa mesa at sinimulang gumawa ng assignment.

                “May hindi pa kami nasasagutan.Di namin makuha eh.” Nilinga ko ang nagsalita. Si Alexandra.

                “Let me see. Anong number?” binalingan ko ang aklat na inilatag nila sa aking harapan. Alam na alam ng mga ito na nagkakainteres lang akong mag-solve kapag mahirap ang question.

                Nasa kalagitnaan na ako ng seryosong pagko-compute nang dumating si Rev. Ilang sandali ko siyang tinitigan habang papalapit. Perpekto ang hugis ng mukha nito, may mga matang tila laging naka-ngiti. May maliit na dimple sa gilid ng labi. Medyo tabingi ang ilong ng binata, subalit tila nakadagdag lang iyon sa angkin nitong karisma.

                Napabuntung-hininga ako at saka ngumiti ng masigla sa itinuturing kong bestfriend.

                “Pare..” tinapik ni Rev ang balikat ng kaklase naming nasa kanan ko, si Daniel. Tila pinaaalis nito iyon sa upuan.

                “Hayan oh, may upuan sa kabilang side,” tugon ng tinapik at itinuro pa ang silya sa kabilang side ng table.

                “Tol, huwag ka nang humirit, alam mong pwesto ko ang tabi ni Rein.”

                Tuminging tila nagpapasaklolo sa akin si Daniel. Ngumisi lang ako. Kakamot-kamot sa ulo na lumipat ito ng pwesto.

                “Alam na kasi na dun ang pwesto ni Rev, sisingit pa dun, naabala ka pa tuloy. Bleh!”Pinagtawanan pa ito ng iba naming kaibigan.

                “Tapos ka na?” tanong ni Rev na ang tinutukoy ay ang assignment ko.

                “Hindi pa. Nagsisimula pa lang ako. Yung sayo, gawin mo na rin. Malapit na mag-time.”

                “Teka lang,” tinapik niya ako sa balikat. Nang lingunin ko siya, naglalakad na siya palayo sa akin. Natanaw ko si Jean na sinalubong nito. Kumaway pa sa akin si Jean. Nginitian ko naman siya.

                Mabait si Jean.Hindi namin siya ka-tropa dahil iba ang course niya. Pero okay naman siya sa amin dahil mabait naman siya. Simple lang manamit at pumorma, pero maganda. Hugis puso ang mukha at maganda ang hugis ng labi.Mapungay ang mga mata at malimit ngumiti. Sapat lang ang tangos ng ilong at proportioned ang hugis ng katawan.

                I looked away from them. Awts! Hirap naman ma-inlove sa bestfriend..Palihim akong napabuntong-hininga.

                “Hey, hey!”Dumating si Krystel.May dala itong isang haba ng chikito at isang balot ng sampalok candy.

                Mabilis na na-distribute ang merchandise sa ilalim ng mesa. Modus operandi na namin iyon. Yung assigned na library staff kasi sa Accounting Section, may binebentang chikito. Basta ang usapan, wag lang maingay pag kinain namin. At lalong dapat wag kami pahuhuli sa librarian na naka-assign sa graduate section.

                Kaya naman palihim lang ang ginagawa naming pagsubo hanggang sa maubos namin lahat ng dala ni Krystel. Nagkakatawanan pa kami at ilang beses kaming nasaway ng librarian.

                “Tapon nyo na yung balat,” pabulong na wika ni Noelle.

                Kinuyumos ni Daniel sa palad ang cellophane na pinagbalutan ng sampalok. At dahil tahimik sa library, dinig na dinig iyon.

                “Maingay na nga kayo, kumakain pa kayo sa loob ng library. Sana kinain nyo na rin yung balat.”

                Sabay-sabay kaming yumupyop sa mga braso namin na nakapatong sa mesa upang itago ang mga pigil na tawa.

                Matapang yung librarian, pero dahil araw-araw nya kaming customer sa section niya, kilala nya na kami. At alam namin, hindi nya naman kami isusumbong sa guidance.

                Tiwala lang. Hahaha! Kung nagkataong ma-guidance kami, ewan ko na lang kung ano mangyayari sa amin. Karamihan sa amin, government scholar. Baka mawala pa scholarship dahil lang sa kalokohan.

                Bumalik na si Rev sa tabi ko.

                “San na si Jean?”

                “May klase na sya. Nasan chikito ko?”

                “Eh? May nakita ka bang chikito?”

                “Ako kaya nagbigay kay Krystel ng pambili!”

                “So ikaw pala ang promotor, Mr.Montenegro?” nakapameywang na hinarap ito ng librarian.

                La-la-la-la-laaaaa!

                “Ah, Mam.. Eh..”

                Biglang nag-bell.

                “Oopps! Tara na, tara na. Baka mauna sa atin si Bull- este si Sir.”

                Operation eskapo kay Ms. Librarian na masungit. Nagtawanan kami nang makalabas ng library.

                “Pochak, wala pa akong assignment sa Auditing Theory!” nagrereklamong kumamot ako sa ulo.

                “Kopyahin mo na lang yung sa akin habang nagka-klase mag-isa si Bulldog. Tutal magpapakopya lang naman yun sa blackboard, hindi nya na mapapansin na iba kinokopya mo.”

                Inakbayan ako ni Rev. Palihim na kinikilig ko namang inihilig ang ulo ko sa balikat niya at hinayaan siyang akayin ako hanggang sa loob ng classroom.

                Define normal. Yun ang normal. Para lang kaming mag-syota kung umasta pero walang pumupuna kasi alam ng lahat na mag-bestfriend lang kami at may girlfriend syang iba. Lagi niya akong nililibre ng lunch, meryenda, pamasahe, load, worksheet, ballpen, kendi, chikito, coupon bond, assignment, pati kung ano-anong kuning-kuning na nagustuhan ko pag naglalakad kami sa tabing bangketa.

                May kaya kasi ang pamilya ni Rev. Nag-iisa pa siyang anak. At ka-close ko ang Mama niya. Hehe, boto yata sa akin si Tita Eva para maging girlfriend ni Rev. Ewan ko ba kung bakit ang engot nun, hindi na lang ako ang niligawan.

                Joke lang. Mas maganda naman ng milya-milya si Jean sa akin. Very feminine pa. Hindi daw ako pang-syota material nung minsang tinanong ko si Rev kung bakit sa palagay nya walang nanliligaw sa akin. Di ba naman, awts!

                Bilang bestfriend ni Rev, mapalad ako. Para akong naka-kita ng kapatid na handang mag-protect sa akin, handang sumalo pag may problema ako, handang sumuporta, handang ipag-gawa ako ng project at assignment hindi dahil hindi ko kaya kundi dahil tinatamad lang talaga ako. Sya yung tipong sasamahan akong mag-puyat pag trip kong magpuyat, kesehodang magkangle-late sya sa date nila ni Jean kinabukasan. (Uuy! Di ko sinadya yun!)

                Oo, ilang beses na silang nag-away dahil sa akin. Wahehe! Pero pag may problema sila, tinutulungan ko rin naman siyang ayusin yung gusot nila. Tapos pag mag-isa na lang ako sa kwarto, iuumpog ko yung ulo ko sa pader. Exag lang, pero totoo, ansakit. Yung tipong habang tinutulungan ko syang mag-set up ng surprise romantic garden dinner eh pinapanalangin ko na sana bumagyo at hindi mag-work out yung plano.

                Pochak yan, bakit ba ang masokista ko. Eh kung nilalayuan ko na lang ang kumag na ito. Yung tipong magpapa-transfer na lang ako..ng upuan. Dun sa kabilang sulok ng classroom.

                Anliit kasi ng mundo namin. Wala akong ibang pwedeng ikutan na wala siya.

                “Earth to Reina!”

                Oops! Natapos na pala ang klase. Wala pa rin akong nagawang assignment para sa Auditing Theory. Next subject na yun.

                “Ipinagkopya na kita.” Ibinigay ni Rev yung katatapos nya lang gawin na assignment ko.

                “Waaah! Thank you, thank you! I love you so much! Mwah!” hinalikan ko sya sa hangin.

                “Engot ka.”Binatukan nya ako ng aklat. Awts ha, ang kapal nun.

                “Uy! Lord of the Rings Trilogy yan ah. Peram!”

                “Di ko pa nabasa.”

                “Eh ambagal mo naman. Ako muna, daliii!”

                “Tss. Namimihasa porke alam na mahal na mahal ko sya.”

                Nginisihan ko lang siya.

                “Halika na, tayo na lang naiwan dito. Male-late tayo.Sa kabilang building pa po yung sunod nating subject.”

                Sumunod na ako sa kanya. Bitbit nya ang gamit ko. Bitbit ko ang LOTR. Harhar!

                “Ms. Romualdez, Mr. Montenegro, late kayo.”

                Yun ang bungad samin ni Mam Adela. Kung nagkataon na hindi ako kasama ni Rev, malamang hindi nya ito pupunahin. Pero dahil crush nya si Rev at naiinis sya sa akin, nabwisit sya na makitang magkasama na naman kami.

                “Sorry Mam, naubusan po kasi ako ng tinta ng ballpen, nagpasama pa ako kay Rein. Di na po mauulit.” Palusot dot com ang buknoy na ito. Corny.

                “Okay, don’t be late next time.”

                Woooow! Tinanggap talaga niya ang obvious na obvious na ka-engotang alibi ni Rev?? Seriously??

                Ipinasa ko na ang assignments namin.

                “Kelan pa naging pareho ang sulat nyong dalawa??” salubong ang kilay na tanong ni Ms. Adela sa akin.

                Patay. Palusot dot com, nasan ka?

                “Mam.. Sor-“

                “Mam, pasensya na po ulit. Na-sprain po kasi sa pagbabasketball yung kamay ko kaya hindi po ako makapag-sulat ng mahaba. Kay Rein ko po pinasulat yung assignment ko kaya pareho ang sulat-kamay dyan. Pero ako naman po ang nag-dictate ng isusulat. Kahit tingnan nyo pa Mam, magkaiba naman po kami ng sagot.” Si Rev ulit. He’s really cashing in on his charm.

                Nag-skim nga naman ako ng assignment namin kanina habang nasa daan. At iniba nito ang wordings ng sagot. Although the substance of the answers are the same, but they are delivered in different ways. Style namin magkaka-tropa. Iisa ang sagot, kanya-kanya ng wordings.

                Hindi na nagsalita si Ms. Adela. She may and can verify kung kanino talagang sulat kamay iyon. But she won’t do that to Rev.

                “Thank you ulit. Mwuah!” pabulong kong sabi. Kinindatan lang nya ako.

                Haay.. Lusaw ang puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
62.9K 1.1K 12
Allyna Martinada is not your ordinary girl. She's a girl who has a hobby. A hobby of wrecking anyone's marriage. Gerard Voux is a multi-billionaire...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
58.9M 1M 105
[Published under Summit Pop Fiction and TV Adaptation under TV5 Wattpad Presents] Si Zandra ay isang babaeng halos perpekto na pero para sa kanya, ma...