Knowledge Or Lust Fulfiller C...

By nicielaviel

1.7M 13.7K 526

A love story with some Restricted Chapters due to some detailed bed scenes. First requirement for this is an... More

Prologue
Chapter 1: Unlucky Week
Chapter 2: Bitchy Daphne
Chapter 3: ONLY MINE!
Chapter 4: MMK Life
Chapter 5: The Extra Income
Chapter 6: Meeting Mrs. Garcia
Chapter 7: Mr. Pogi
Chapter 8: He's Different
Chapter 9: I learn yet I feel awkward
Chapter 10: I'm still a Virgin, Baby!
Chapter 11: Wet Dreams
Chapter 12: Valerie Villavicer
Chapter 13: First Sleep with Him
Chapter 14: My new group of friends
Chapter 15: Shopping spree with Make-over
Chapter 16: Bitches are all around
Chapter 18: Ang effort naman beh!
Chapter 19: The Kissmark
Chapter 20: Suitor
Chapter 21: Waiting for Nothing
Chapter 23: To be with you again
Chapter 24: The Past
Chapter 25: Ang Pasa. BOW!
Chapter 26: First Night in Laguna I
Chapter 27:First Night in Laguna II
Chapter 28: First Night in Laguna III
Chapter 29: He loves her?!
Chapter 30: It really hurts T.T
Chapter 31: Liquor's Spirit
BS Chapter: Liquor's Spirit
Chapter 32: The Revelation I
Chapter 33: Childhood Memories
Chapter 34: MOO :*
Chapter 35: Meet His Family Again :)
Chapter 36: I love you
Chapter 37: Revelation II
Chapter 38: Teamwork Part I
Chapter 40: Revelation III
Chapter 41: Untitled I
Chapter 42: Untitled II
Chapter 43: Happy New Year!
BS CHAPTER: Happy New Year!
Chapter 44: Why?
Chapter 45: His Reasons
Chapter 46: Partey partey!
Chapter 47: Happy Valentine's Day I
Chapter 48: Happy Valentine's Day II
Chapter 49: Graduation Day
Chapter 50: She's Back!
Chapter 51: Happy Birthday Ela!
Chapter 52: Groom Roast/Bridal Shower
Chapter 53: Married Life
Chapter 54: Daphne's Pregnancy
Chapter 55: Daphne's Labor
Chapter 56: Maternity Bills
Chapter 57: Mr. and Mrs. Javier
Chapter 58: 1st Wedding Anniversary
Chapter 59: Girl Bonding
Chapter 60: The good news and the bad news
Chapter 61: Bright Vanessa Martinez
Chapter 62: Kristoff
Chapter 63: First birthday
Chapter 64: Birthday Surprise
Chapter 65: Twinnie
Chapter 66: Revelation
Chapter 67: The Letter
Chapter 68: The Necklace
Epilogue
PASASALAMAT!!!

Chapter 39: Teamwork II

16.4K 144 22
By nicielaviel

NV’s Note:

 

Pabasa nung AN sa last part. Thank you! :)

 

 

Ganun pala talaga ung feeling nun? Hansaya ko naman talaga. Abot langit! :)

Kasi ilang oras palang ung lumilipas, like kanina nasa 4,900+ palang ung reads, about 2 hrs ago ata? Tapos ngayon, nasa 5,600+ na! Horaaaay!

Time check: 1:06 am. Pang chapter 39 na itey. Part 2 nung kanina. Try ko lang tapusin :)

Pinapasaya nyo ako e. Alam nyo un? Tapos kanina din, 70 palang ung followers. Ngayon 80 na. Ansarap sa feeling talaga :)

Tas katext ko din kasi ngayon si Perfectlover, sabi nya naka recommend daw ung KOLF. Kaya siguro andaming bumabasa ngayon. Salamat naman talaga :)

Dedicated to: AnaNatividad

 

 

Enjoy!

__________________________________________________________________

Chapter 39: Teamwork II

 

Andrew’s POV

 

“San ka galing?” –Johann

“CR lang.” –Ako

“Tagal mo naman.” –Johann

“Andito na nga e. Wag kana maarte. Um-order naba kayo?” –Ako

“Ito na iyo oh!” Sabay inabutan ako ni Johann ng isang beer.

Valerie’s POV

 

 

Medyo kanina pa kami dito, Madami naring naiinom si Ela ngayon. Masyado na syang nagiging emotional. Kanina pa iyak ng iyak. Paulit ulit lang naman ang sinasabi.

Mahal na mahal daw si Johann. E grabe naman Johann! Ano bang nagawang mali ni Ela sayo bat ganyan ka?

Now I realized how dumb am I with letting Billy to be with other woman. Masyado ko kasing inintindi ung ego ko even I really still love him.

But it’s been 2 years. Nakamove on naman nako e. Bakit ba ngayon parang bumabalik ung feelings ko sakanya? It’s just beacause ngayon ko lang sya ulit nakita? Diba dapat hindi na? Pinili na nya ung babae nya. Hinayaan ko na silang maging masaya bakit ba affected parin ako?

Ugh! It’s not my issue this time. It’s Ela’s. Kawawa naman talaga ang kaibigan ko. Ganun siguro talaga. Kahit gano ka katalino at kawais sa buhay o sa pag-aaral, pagdating talaga sa love nagiging bobo at tanga ka. O baka naman talaga lahat nagiging tanga sa pag-ibig? Kasi wala ka ng ibang iisipin kundi ung maging masaya kayo.

Pero sa paanong paraan nga ba talaga? O baka naman kasi hindi pa ito ung tamang panahon para maging masaya. Ganun ba talaga? O talagang hindi kayo magiging matatag kung walang problemang haharapin.

Bakit naman ganun? Matagal ko rin namang inalagaan ung relationship namin ni Billy ha? Bakit parang kulang parin? Ano bang nagawa kong mali? Na hindi ko naibigay ung katawan ko sakanya, kaya sya naghanap ng iba? Yun ba un?

E eto ngang si Ela, hindi palang sila naibigay na nya ung pagkababae nya kay Johann, hindi parin nakuntento tong si Johann.

Pero tama nga talaga si Megan, hindi lahat natatapos sa pagbibigay lang. Dapat pinaninindigan din. So ako? Hindi ko ba pinanindigan ung tiwalang ibinigay ko kay Billy? Meaning, nagbigay lang ako ng nagbigay and go with the flow? Immature paba ko that time kasi ngayon ko lang naiisip lahat ng to?

Pero baka naman hindi talaga nagsstay as mature being ang tao? Hindi kaya continuous ito? Na hangga’t may nangyayari sayo, hangga’t may dumadating na problema, mas minomold kapa para magmature? Siguro nga oo. Siguro akala ko lang immature pako nun, kase that time akala ko mature nako nun. Magulo ba? Intindihin nyo nalang. :)

Ayan nanaman ako, maisali lang ang sarili kong issue.

“Val, ikaw? Kelan ka magmamahal ulit? Kapag ba nagmahal kana ulit ibibigay mo na ung sarili mo? Wag muna. Pero siguro pwede na, matapang ka naman e. Siguro hindi ka magkakaganito kagaya ko no? Kaya mo lahat e. Sa tingin mo? Susuko naba ko?” Nawala ako sa kondisyon ng biglang magtanong ng sunod sunod sakin si Ela.

Bakit nga hindi ko ibinigay ang sarili ko kay Billy nun? Ibinigay ko naman ung tiwala ko sakanya diba? With that, dapat ibinigay ko narin ung sarili ko. But it’s not like that! Ang tiwala pwedeng ibigay kahit kanino, so dapat ibigay ko rin ung sarili ko sakanila? Uh-oh! Natamaan narin ata ako ng alak. Kung ano ano ng mga sinasabi ko e.

“Hindi naman siguro lahat ng tao pag nakita mo na matapang kaya na lahat. Meron din kasing ipinapakita lang yun although sa loob nila sobrang nasasaktan na sila. Minsan mas matapang pa sa matapang ung taong umiiyak sa harap ng iba.” Oh it’s Megan’s patama lines again. Tamang-tama ako dun ha? Tama nanaman sya. Mas matapang pa sa matapang ang umiiyak sa harap ng iba.

“Pero kasi nabibigyan lang ng meaning un ng iba. Kasi hindi nila kaya.” –Ako

“Kaya ba tinatago mo nalang ung sakit sa sarili mo, Val?” –Ela

“Kasi ayokong mandamay ng iba…” –Ako

“So meaning, dinadamay ko pa kayo sa sarili naming problema?” –Ela

“No. no no. It’s not that way honey.” Hinawi ko ang buhok ni Ela at pinunasan ang mga luha nya. Mali nanaman ako ng nasabi.

“I’m sorry. Mahina bako? Kasi hindi ko kayang harapin to ng mag-isa?” –Ela

“Hindi.” –Megan

Napatingin kaming dalawa ni Ela ng sabay kay Megan sa sagot nya. Nag-aantay lang kami ng sunod na sasabihin nya habang nakatingin sya sa kawalaan.

“Hindi ka mahina Ela. Naninigurado ka lang… Naninigurado ka lang kung anong pwedeng gawin? Kasi pag hinarap mo ng mag-isa baka magkamali ka lang ulit. Para mawala ung sakit. Kasi kapag sinarili mo, mababaliw ka. Alam mo at alam din namin na kahit anong marinig mo mula samin, yan… point sa dibdib ni Ela Yang puso mo parin ang masusunod. Nandito lang kami para makinig sa sakit, pumunas sa luha mo, yumakap sayo pag nahihirapan kana, maghahatid sayo kapag hindi mo na kaya, mag-aalalay sayo kapag nahihirapan ka ng lumakad. Yun ang kaibigan Ela. Yun kami ni Valerie.” Napangiti naman ako sa mahabang speech ni Megan. Pagkatapos nyang sabihin lahat ng yun. Tumayo sya sa kinauupuan nya at niyakap si Ela. Kaya naman lumapit narin ako sakanila at yumakap din.

“Thank you. Thank you kasi nakilala ko kayo. Swerte parin naman talaga si Johann sakin kahit papano…” Pagkatapos ng yakapan ngumiti si Ela at sinabi yan.

“Kasi kung hindi dahil sakanya… Wala akong Valerie at Megan ngayon.” Sabay niyakap nya nanaman kami ulit.

“So ano ng plano mo nyan?” Out of the blue, naitanong ko yan sakanya.

“Kausapin sya. Ung dapat ginawa ko instead nagtago ako sakanya. Na dapat inalam ko kung bat nya ginagawa un. Malay mo? Ako ung may mali? Minsan naman kasi hindi porket okay kayo, wala ng nangyayaring hindi maganda. Minsan kasi magaling lang talaga tayong magtago ng totoong nararamdaman natin. Lahat ng bagay dinadaan sa usapan. Hindi ung dahil lang sa for a while na nararamdaman mo e makagawa ka ng for a lifetime na desisyong alam mong pagsisisihan mo.” Hemeyged! Tamang-tama nanaman ako dun. Ngayon lang kasi kami nagkaroon ng heart-to-heart talk kaya siguro ganito.

“That’s good. Pero magpapalipas ka muna ng kalasingan ha? Hindi ung ganyan ka. Pathetic.” Si Megan.

“Diba ganun naman talaga?” –Ela

“Ang alin?” –Megan

“Ang pagmamahal parang isang lasing sa inuman. Natutumba, nagsusuka, umiiyak, nahihirapan. Pero tatayo yan at sasabihing KAYA KO PA!” That girl power! Ibang klase talaga.

Andrew’s POV

 

“Pare wait lang. Sagutin ko lang to.” Pagpapaalam ko sa dalawa. Si Megan kasi tumatawag.

Paglabas ko ng bar, sinagot ko agad ung tawag.

Yes babe?

 

Babe, iuuwi na muna namin si Ela ha? Sa unit ko na muna sya mag-sstay.

 

Oh? Akala ko ba pag-aayusin pa natin ung dalawa.

 

Lasing na e. Wag na muna ngayon. Pareho silang nakainom. Baka sa kung saan lang dalhin ung usapan. Mas maganda ung pareho silang matino.

 

Osige.

 

Si Johann, kumusta na?

 

Di ko pa natatanong e. Mamaya na pag medyo okay na. Baka magtaka kung bakit e.

 

Ganun ba? Alamin mo kung bakit sya lumandi kahapon. Yun ung issue kay Ela.

 

Un ba? Osige. Aalamin ko nalang mamaya pag balik ko. Hindi pa kami nagkakausap ng seryoso e.

 

Ah. Osige. Bukas nalang tayo magkita. I love you. Ingat kayo jan ha.

 

Okay babe. I love you more. Ingat sa pagdadrive ha?

 

Okay. Bye.

 

End call

 

 

Pagkatapos nun, bumalik na ulit ako kila Matt at Johann.

“Pare, pinapauwi nako ngayon ni Mommy e. May kailangan lang asikasuhin. Iwan ko na muna kayo ha?” –Matt

“Osige pare. Ingat.” –Johann

Tumango nalang ako nang tapikin ako ni Matt sa balikat.

Hindi naman kasi talaga sya involve dito. Sinama ko lang siya para kung sakaling umalis ako at puntahan sila Megan e may magbabantay kay Johann. Pero ngayon naman na umuwi na sila hindi ko na kailangan iwan to.

Iisip nalang ako ngayon kung paano ko sisimulan ang usapan namin nang hindi masyadong pa-obvious.

Kanina pa, namamahay ang katahimikan samin ni Johann. Pareho lang kaming nakatingin sa mga tao sa dance floor kanina. Pero ngayon nakayuko nalang sya at nakayukom ang kamao.

“Pare, masama ba kong tao? Kasi kung kelan ako nagseryoso saka naman ako magagago!” Naisuntok nya pa ung kamao nya sa mesa.

Nagulat naman ako sa sinabi nyang un. Hindi ko na pala kailangang magsimula ng usapan kasi ayan palang masisimulan na kung bakit.

“Bakit Pare? Ano bang nangyari?” –Ako

“Kaya ayoko ng nagseseryoso e. Ayoko kasi ng nasasaktan.” –Johann

“Pare, pag pinili mo ng magmahal. Pinili mo naring masaktan. Laging magkasama ung dalawang un. Hindi lahat natatapos sa sarap.” –Ako

“Ano bang pwede kong gawin Pare, mahal ko na si Ela.” –Johann

“Wag mong hayaang mawala sya sayo. Mahal mo naman na pala e. Kahit anong dumaang problema sainyo… Dapat handa kang harapin un kasama sya. Hindi ung dahil nahirapan kana, susuko kana.” –Ako

“P*tangina naman! Pano ko magagawa un?” Nasuntok nanaman ni Johann ung mesa. Ano ba kasing problema nila?

“Walang murahan Pare. Mag-usap tayo ng maayos.” Pagpapakalma ko sakanya.

“Mahal ko na sya noon palang. Hindi ko magawa kasi ayokong masaktan. Gusto ko lang ng laro! Pero ngayong hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko para sakanya. Malalaman laman ko na nagkakasala na pala kami.” Huh? Anong nagkakasala? Hindi ko maintindihan si Johann.

“Anong pinagsasabi mo Pare?” –Ako

 

“Hindi ko sya pwedeng mahalin dahil kapatid ko sya! This is bullshit!” Pagkatapos sabihin ni Johann un. Dali-dali na syang tumayo at umalis palabas ng bar.

Sinubukan ko syang habulin pero masyado syang mabilis kaya paglabas ko ng bar napaandar na nya ang sasakyan nya.

Masyado akong naguluhan sa sinabi nya. Pano sila magiging magkapatid ni Ela?

___________________________________________________________________

Lame ba? Sa tingin ko hindi, kasi lahat ng niuUD ko at sinasali ko dito, connected sa kwento. Tama o tama? Hahaha.

Yung mga teaser ko sa NDSW nasabi na lahat dito. Except for dun sa unang sinabi ni Ela kasi nasabi na un matagal na. :)

Maraming salamat sainyong mga sumusuporta sa kwentong to! :)

Ayy. May gusto pala akong ipagame sainyo. Kung anong prize? Advance dedication. Saka isang kahit anong request.

Ang game, madali lang. Hulaan lang…

Huhulaan nyo kung pano i-pronounce ung username ko. NICIELAVIEL. Icocomment nyo sa comment box ung sagot nyo. In syllabic way. Parang ganito. AR-NOLD SWA-SHE-NE-GER, gets?

Hint, Niciela Viel :)

Sana may makapansin nito. Ayun lang :)

Revelation is next :)

Vote. Comment. Be a fan! :)

 

 

-nicielaviel

 

 

 

 

 

 

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

84.9K 2K 47
Dark Series 2: He's wicked and cunning man when its comes for what he wants. But aside from making out and night out with his own bar, TYTHUM VIRKS...
633K 3.4K 7
Georgia Almer ay isang makulit na dalagang palaging iniinis ang isang binatang Doktor na nagngangalang Vince Santino. Kahit anong taboy sa kanya ng b...
379K 5.9K 24
Rated SPG!! Yes, Rated SPG po ito! AHAHAHAHA "How can you hurt me like this Jeanna? How can you do this to me?" tanong nya sa akin iyan. Makalipas an...
1.1M 6K 8
Twi different story in 1 book Book 1: THE NEW BOSS BOOK2: MY STRANGER GIRL