Lost In Paradise (HSS: Diones...

By HerScentSeries

67.2K 891 101

Lost In Paradise by nightly001 Minsang minalas si Dionesia o Dionne Monteroso dahil napag-iwanan siya ng mga... More

Warning | Copyright
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Epilogue
Special Chapter
HSS: Dionesia's Playlist and Q and A

Chapter Ten

3.2K 52 5
By HerScentSeries

NAG-AAYOS ng sarili ngayon si Dionne. Pupunta siya ngayon sa provincial hospital para dalawin ang binata. Ilang araw pa lang ang lumipas kaya gusto niya na pagkamalay na pagkamalay no'n, ay siya agad ang makita nito. Naglagay siya ng kaunting pulbo sa sarili at nagpabango. Gamit pa niya ang pabango ni Panyeng na blackwater ambitious. Nag-aamoy lalaki siya tuloy pero hindi na bale iyon sa kanya. Agad na niyang sinuklay ang buhok at inayos ang damit niyang floral dress na mayroong manipis na belt sa baywang niya.

Huminga siya ng malalim. Sana ako agad ang makita mo 'pag nagkamalay ka, Sean. Aniya't lumabas na ng silid. Nagtungo siya sa living room at hinanap si Steve ngunit hindi niya ito nakita. Nakita niya na lamang iyon sa garahe at nagpapa-soundtrip. Nilapitan niya iyon at nagpahatid sa binata. Pinagbuksan siya nito para papasok sa loob ng sasakyan ngunit nahagip ng paningin niya si Mrs. Balbuena. Nakatayo ito sa labas ng pinto ng mansyon habang nakatitig sa kanya ng makahulugan. Hindi na lamang niya pinagtuunang pansin iyon sa halip ay pumasok na siya ng kotse at agad nang pinaandar ni Steve iyong sasakyan.

Habang nasa biyahe sila, ay nanatiling tahimik ang dalawa. Animo'y bumalik sila sa pagiging estranghero sa isa't isa. Inawat naman bigla ni Steve ang tahimik na bumabalot sa kanilang dalawa.

"Mahal mo nga naman talaga si Sean. Tingnan mo, nag-effort ka pang magpaganda para sa kanya. Napakasuwerte naman no'n." He smirked while holding the steering wheel of the car. Bahagyang napangiti na lamang si Dionne sa sinabi ng binata. Nang malapit na sila sa destinasyon ay agad nang ipinarada ni Steve ang sasakyan. Bumaba na rin si Dionne.

"Salamat, Steve." Aniya sa binata na siyang nakasandal sa sasakyan nito. Ngumiti naman si Steve at tumango na lamang bilang pagsagot sa kanya.

"Pasok ka na, baka sakaling magkamalay na si Sean." Anito at tumango na lamang si Dionne bilang pagsang-ayon. She composed herself as she walked inside the hospital. Alam niya naman ang ward na kung saan naka-confine si Sean, eh. She was confident while walking off to his ward. Nang matunton niya iyon, ay sinilip niya muna ang binata. Gano'n pa rin, wala pa rin itong malay. Nakita niya rin sina Manang Cora at Panyeng na halatang nagpuyat pa para sa binata. Pinihit na niya ang seradura at pumasok na sa loob.

Dahan-dahan siyang lumapit sa dalawa. Kinalabit niya si Panyeng kaya nagising ito. Kinusot-kusot pa nito ang mga mata.

"Dionne, ang aga mo naman," anito na halatang bagong gising lang. Napangiti si Dionne at tinapik niya ito sa balikat.

"Umuwi na muna kayo ni Manang Cora, ako na ang bahala kay Sean dito."

"Sigurado ka?" Nag-aalangang tanong nito. "Si Nanang na lang," anito sabay baling sa matandang natutulog. "Puyat na puyat na kasi siya sa kakabantay kay Kuya."

Tumango na lamang si Dionne at ginising nila si Manang Cora. Nagising naman agad iyong matanda at nagpaalam muna saglit si Panyeng sa kanya dahil ihahatid nito si Manang Cora. Tumango na lamang si Dionne at naiwan na siya sa loob ng ward. Napatitig siya muli sa binata. Hinawakan niya ang kamay nito at hinimas. Napabuga siya ng hangin kasabay ng pagtulo ng mumunting luha sa mga mata.

"Nandito na ako, Sean. Sana kung magkakamalay ka, ako agad iyong masilayan mo. Sana gumising ka na, Sean. Miss na kita. Iyong pagiging arogante mo sa 'kin, iyong mga bagay na ginagawa mo mapakilig lang ako. Sana magkakamalay ka na." At hinalikan niya ang kamay nito. Ipinilig niya ang ulo sa espasyo ng kama nito at doon dinama na parang gising lang si Sean.

Napangiti na lamang siya habang may iniisip. Mahal na niya ito, puwede na niyang palayain si Jaye sa puso niya dahil pinalitan na iyon ng isang Sean Delarmente na nakilala niya sa isla ng Guimaras. Inangat niya muli ang ulo at tinitigan pa rin ang walang malay na binata. Hinaplos niya ang pisngi nito hanggang sa huminto ang daliri niya sa mapupulang labi nito.

"'Pag magkamalay ka na, at 'pag mahanap ko na si Jaye, ipapakilala kita sa kanya. Kung puwede nga rin ipagmalaki kita sa kanya. Na sabihin kong... you're better than him." Napangiti na lamang si Dionne na parang baliw sa loob ng ward. Wala naman kasi ibang mga pasyente roon kundi si Sean lang.

"Kaya sana, magkamalay ka na, para makapagsimula tayo sa panibago." Ngumiti siya at inilapit niya ang mukha niya rito. Doon ay hinalikan niya ito sa labi. Hindi naman naging matagal iyon. She gave him only a smack. "Maghihintay ako kung kailan ka magkakamalay, Sean."

Sumandal siya sa silya habang nakatitig lang sa binata. Muli ay ipinatong niya ang ulo sa espasyo ng kama nito at doon hinila ng antok.

BIGLANG nagising si Dionne sa isang kalabit. Si Panyeng pala ang gumising sa kanya. Tinanggal niya ang mga muta sa mata at humikab. Muli ay sumulyap siya kay Sean. Hindi pa rin ito nagkakamalay. Uminat-inat muna siya at tumayo. Binilhan siya ng pagkain ni Panyeng.

"Nag-abala ka pang bumili, Panyeng. Hindi naman ako gutom. Ano ba'ng binili mo?" Tanong niya. Inilapag na lamang ni Panyeng ang dalang pagkain. Lutong bahay ito, kare-kare at dalawang kanin.

"Kain muna tayo habang hinihintay nating magkamalay si Kuya Sean." Anito at binuksan ang styro na naglalaman ng kanin at pagkain. Wala namang nagawa si Dionne kundi sabayan na lamang si Panyeng. Doon sila kumain sa isang maliit na mesa sa tabi ng hospital bed na kung saan nakahiga si Sean.

Hindi naman marami ang nakain ni Dionne dahil agad niyang narinig na umungol ang binata. Napatingin silang dalawa ni Panyeng sa gawi nito. Nagkatinginan din silang dalawa at napangiti naman si Dionne doon. Gumalaw-galaw na ito at bumalikwas ng higa. Umungol muli ito at muling natulog.

"Mukhang nagkakamalay na si Kuya." Nakangiting untag ni Panyeng at pinagpatuloy nito ang pagkain. Tumayo naman si Dionne upang lapitan ang binata. Napangiti siya habang nakatitig kay Sean. Salamat at nagkamalay ka na rin, Sean. Inayos niya ang kumot sa katawan nito at hinalikan niya ito sa pisngi.

"Naku, Dionne, nagseselos ako sa inyo ni Kuya Sean, ah? Pero joke lang, tawagin ko na ang nurse siguro, 'no?" Tumango naman si Dionne. Iniligpit naman ni Panyeng ang kinainan at tinapon na sa basurahan. Tuwang-tuwa si Dionne dahil sa wakas, ay nagkamalay na si Sean. Hinawakan niya kaagad ang kamay nito at ngiti-ngiting tinitigan ito. Ilang araw din naman ang hinintay niya para magkamalay ang binata.

"Dionne," bigla siyang napalingon sa gawi ni Panyeng at nagulat. Kasama nito si Mrs. Balbuena. Matalim ang titig nito sa kanya habang dala-dala ang kahon. Nangunot ang noo niya at lumapit siya sa ginang. Umalis naman panandalian si Panyeng kaya sila na lamang dalawa ang naiwan. Ngumisi naman si Amanda at dahan-dahang lumapit kay Sean pero agad naman itong pinigilan ni Dionne.

"Huwag kang lumapit sa kanya." Malamig na turan nito sa ginang. Ngumisi naman muli si Amanda at tinaasan nito ng kilay ang dalaga.

"Aba? Pasalamat ka at wala ka sa pamamahay ko ngayon, Dionne. At baka nakakalimutan mo, kung hindi dahil sa kayamanan ko ay patay na sana si Sean. Malaki ang utang loob ni Sean sa akin."

Biglang bumigat ang pakiramdam ng dalaga nang maalala na niya naman ang nangyari sa bodega sa may hardin. Akala niya nakalimutan na niya iyon—pero sariwa pa rin pala ito sa isip niya. Para ba namang tinutusok ang puso niya sa sakit. Balak niyang umiwas ng tingin ngunit tumulo na ang luha niya. Tahimik lang siyang nakayukom ang palad niya at parang gusto niyang sampalin ang ginang. Dahan-dahan naman itong lumapit sa gawi niya. Mataray nitong tinaasan siya ng kilay at tinitigan ang pananamit niya.

"I have a question to you, hija. Kung magkamalay na kaya si Sean, si Sean pa rin ba siya?" Sa tanong nito doon kumunot ang noo ng dalaga na tila naguguluhan. Nais pa niya sanang tanungin iyon ngunit agad nang pumasok ang isang doktor at nurse. Nakita niya na lamang na lumabas na kaagad ang ginang na ngumiti sa kanya na may halong pang-aasar. Ano'ng ibig sabihin ng tanong no'n sa kanya? Labis siyang naguguluhan. Kaya sa halip na isipin niya iyon ay si Sean na lamang ang inisip niya.

Ch-in-eck ng doktor ang kalagayan ni Sean at agad na itong lumabas. Balak sanang niyang habulin ang doktor ngunit hindi na niya ito maabutan. Nabaling naman ang tingin niya kay Sean. Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito. Tahimik niyang hinawakan muli ang kamay nito at bigla itong gumalaw! Labis na tuwa ang kanyang naramdaman nang unti-unting bumukas ang mata ng binata. Napangiti siya. Luminga-linga ang paningin ng binata sa paligid. Tinawag naman niya si Panyeng sa labas kaya agad naman itong pumasok.

"Nagkamalay na si Kuya!" Tuwang-tuwa na sabi nito. Tuwang-tuwa rin si Dionne dahil nagkamalay na nga ang binata.

"Sa wakas, nagkamalay ka na." Nakangiti niyang turan sa binata. Huminto ang titig nito sa kanya at biglang kumunot ang noo nito. Muli ay luminga pa rin ito sa paligid at napabangon ito ng 'di oras. Napalingon na lamang sina Dionne at Panyeng sa pintong bumukas. Doon pumasok si Amanda na nakangiti sa kanya habang dala-dala ang kahon. Ano'ng mayroon sa loob ng kahon na dala-dala nito?

"Umalis ka na rito!" Asar na untag ni Dionne sa ginang. Tumawa naman ito sa kanya.

"I will stay here to witness your hmm... your ending?" Makahulugang tingin ang pinukol nito sa kanya. Nakahawak pa rin siya sa kamay ni Sean at binaling niya ang tingin sa binata.

"Sean, 'di ba—"

"Dionesia?!" Gulantang na tanong ng binata sa kanya. Doon ay nangunot ang noo ni Dionne sa turan ng binata. Dionesia? Sa pagkakaalam niya ay hindi niya sinabi ang buong pangalan niya kay Sean. Alam niyang ayaw niya sa pangalang iyon pero—paano nalaman ng binata iyon?!

"Paanong..."

"Why am I here? Who the fuck are you?!" Kunot noong tanong ng binata sa kanila. Napakamot ng ulo si Dionne na tila naguguluhan sa mga nangyayari.

"Sean ba—"

"Dionesia, stay away from me!" Galit na turan nito. Napatutop na lamang ng bibig si Dionne nang bigla nitong pinagtatanggal ang dextrose sa kamay nito. Umayos ito ng upo at nasapo nito ang noo. Nakikita ni Dionne na gulong-gulo ang binata sa mga nangyayari. Bigla namang tumawa si Amanda.

"What a nice scene! I love this! Ha-ha-ha!" At pumalakpak ito. Biglang uminit ang ilalim ng mata ni Dionne sa sensaryong nagaganap. Nagbabadya namang tumulo ang mga luha niya.

"Bakit ako nandito? I supposed to be on Australia right now!" Inis na sigaw nito.

"Ano'ng nangyari sa iyo, Sean?!" Gulong-gulo na tanong ni Dionne sa binata. He glared at her.

"Sean? I'm not Sean, Dionne! So you shut up! And who the heck are they?" He shouted as he brushed his hair using his hands. Tuluyan nang tumulo ang luha ni Dionne sa mga nangyayari. Maging siya ay gulong-gulo na ngayon. Bakit pa ba kasi gano'n ang nangyari? Kung hindi si Sean iyong binata imposibleng si... Jaye? Agad namang inayos ng binata ang sarili at tumayo. Kinuha nito ang mga damit na nakapatong sa side table ng ward at dire-diretsong lumabas.

Dionne left dumbfounded.

Hindi niya alam, hindi niya masiyadong ma-sink in ang nangyari. Parang ang bilis ng pangyayari. Muli ay ngumisi naman si Amanda at lumapit sa dalaga. Nagtagis naman ang bagang ni Dionne na sa anumang oras ay masasampal na niya ito. Wala siyang pakialam kung amo niya ito. Sobra-sobra na kasi ang pang-aasar sa kanya. Ngumiti ito sa kanya sabay lahad ng kahong hawak-hawak nito.

"You wanna see your happy ending? Here, Dionne Monteroso." Agad nitong inilagay sa kamay niya at tumalikod ito habang tumatawa. Napatingin siya sa gawi ni Panyeng na halatang nalungkot sa nangyari. Pinunasan ni Dionne ang luhang dumaloy sa pisngi niya at doon binuksan ang laman ng kahon.

Oh my god! Nagulat na lamang siya na naglalaman ito ng passport, cellphone, wallet, at kuwintas. Isang locket necklace na sa pagkaalala niya ay regalo niya kay Jaye n'ong first monthsary nila. Napatutop na lamang siya ng bibig at doon bumuhos ang luha niya. Ang sakit no'n sa parte niya. Para siyang tanga kakahanap sa ex niya sapagkat nakakausap na niya pala ang ex niya. Binuksan niya ang pitaka at doon nakita niya ang ID nito.

Shaun Jaye D. Preciado. Damn! Labis na iyak ang binuhos niya sa mga oras na iyon. Lumapit sa kanya si Panyeng at hinagod-hagod nito ang likod niya. Hindi labis matanggap ni Dionne ang nangyari kanina. Napamahal na siya... napamahal na pala siya muli sa taong matagal na niyang hinahanap. Si Sean at Jaye ay iisa. Napatingin naman siya sa bandang pintuan. Nakatayo si Jaye na seryosong nakatitig sa kanya. Lumapit ito sa gawi niya. Nagkatitigan silang dalawa ng mga ilang segundo.

"J-Jaye..." aniya't nanghihina na sa kakaiyak. Walang kibo pa rin ang binata sa kanya. Huminga siya ng malalim at pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa mata niya. "I'm sorry," dugtong niya.

Hindi na nakapagsalita si Jaye at kinuha na nito ang mga gamit na nasa kahon na hawak-hawak ni Dionne. Tumalikod na ito at umalis na sa kinaroroonan nila. Humagulhol ng iyak si Dionne at labis na sakit ang kanyang naramdaman sa mga oras na iyon. Akala niya, totoo na si Sean. Akala niya, makakapagsimula na siya sa panibago. Iyon pala, akala niya lang iyon.

"Dionne sorry," biglang sabi ni Panyeng sa kanya. Napatingin naman siya rito. Yumuko ito na tila nagsisisi.

"Sorry kung tinago namin sa iyo. Sorry kung alam namin na hindi totoo si Sean Delarmente. Binilinan kasi kami ni Madam dati dahil," she paused. "Mahabang kuwento ito."

Napalunok na lamang si Dionne at pinakinggan niya ang kuwento nito.

May nangyaring plane crash sa isla ng Guimaras ilang buwan ang nakakalipas. Maraming mga namatay at ang ilan sa mga pasaherong sakay ay hindi na nakita pa ang mga katawan. Natagpuan ni Amanda si Jaye habang nagmamaneho papunta sa opisina ng asawa. Huminto siya at natigilan. Isang buhay na tao ang nakita niya. Jaye is the survivor of the plane crash incident way back months ago. Tinulungan ni Amanda si Jaye. Nang malaman niya ang mga impormasyon ng binata. Agad niya namang tinago iyon. Doon ay pinakupkop niya ito sa dati nilang katiwala. Siya rin ang nagbigay ng pekeng pangalan na Sean Delarmente.

Simula n'ong lumipad papuntang ibang bansa ang asawa ni Amanda ay napansin niyang makisig itong si Jaye. Kaya nagawa niya iyong akitin. Maraming beses na ang nangyari sa kanilang dalawa at nagkaroon din sila ng relasyon dati. Nagtapos na lamang iyon nang lumayas na si Jaye sa mga Balbuena. Doon nagpakalayo-layo at napadpad sa isang resort.

Natahimik na lamang si Dionne sa kuwento ni Panyeng sa kanya. Pero kahit magalit man siya rito, ay hindi naman niya maibabalik ang oras na magkasama sila ni Sean o Jaye. Tama nga naman pala ang hinala niya dati. Iyong lalaking nagnakaw ng halik sa kanya sa resort na iyon, ay iyong taong matagal na niyang iniisip, at minamahal.

Damn I loved him when he was having an amnesia.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
1.9M 48.9K 164
Frankie (Epistolary with narration)
208K 4.3K 46
Sabi nga ni Sarah G kay Coco M, "There was never an us." E paano kapag sinabi niya rin sayo yon? Malala nga lang, mas mahaba pa. "There was never an...
1.1M 23.2K 29
Thunder Devaux is a 27-year-old dominant businessman who owns the Devaux company. He is good-looking and has tantalizing green eyes. He's an irresist...