Hey!! DAYDREAMER

By sarangheboy08ae

165K 3.3K 1K

PROLOGUE It started with a F L A M E S followed by H O P E and end up with C A M E L More

Hey!! DAYDREAMER
Day Dreamer 1>> 1st day
Day Dreamer 2>> lil DEVIL Ivy
day dreamer 3 >> meeting with the SC Officer
day dreamer 4 >>Smile City Restaurant
Day Dreamer 6>> pasta for lunch
Day dreamer 7>> research paper
Day dreamer 8>> The Challenge
Day Dreamer 9>> mashed potato cravings
Day dreamer 10 >>One rainy night
Day Dreamer 11>> bukingan na
Day dreamer 12>>the super bowl
Day Dreamer 13>> the sleeping beauty SAM
Day dreamer 14>>when Ivy go Gaga
Day dreamer 15>> Ang prinsipe at ang palakang kokak
Day Dreamer 16>> students sickness
Day dreamer 17>> cooking lesson with Nathan
Day dreamer 18>> ng si James ang magselos, lahat damay
Day dreamer 19>> The Show

Day Dreamer 5 >> Sitting Arangement

6.7K 132 23
By sarangheboy08ae

Day Dreamer 5 >> Sitting Arangement

sa school

SAMs pov

Feeling ko nakakapagod ngayong week na ito. Laging madami ngayon customer sa resto siguro dahil pasukan na din.

"Bestie may prob ka?" si Steph andito kami sa SC Office may meeting kami. kulang pa kami sina Mon at Noime.

"Wala naman."

"Bakit mukha kang biyernes santo.?"

"Kulang sa tulog lang siguro."

Tapos hindi na niya ako kinulit.

inaantok naman ako. Lagi nalang ako kulang sa tulog. Laging madaling araw nalang kasi kung umuwi ako eh. Madami kasi iyong customer. Kahit pinapauwi na kami ni Mina nahihiya naman akong unang umuwi. Kaya tinutulungan ko na sila para sabay sabay nalang kami lahat umuwi.

Ano ba iyong mabangong iyon..... siningut singut ko agad. naamoy ku na dati iyon parang candy.

Nakapatong kasi kamay ko sa mesa at ang ang ulo ko naman nakapatong sa mga kamay ko. At nakapikit ako.

singut pa din ako ng singut. Sino kaya may pabango ng ganon. Hindi naman si bestie parang panlalaki naman iyong amoy.

"Sam gising na. Andito na silang lahat." si bestie habang bumubulong sa may left side ko. Sa right side kasi ako nakaharap eh.

Tinatamad pa ako gusto ko pa matulog eh.

"Bestie" bumubulong pa din si Steph tapos kinakalabit ako sa pisngi. Weird naman nasa may left side si steph ah paano niya ako nakakalabit sa pisngi.

"Bestie" kulit naman oh. 1 min lang naman eh.

"Bestie"

"Kulit naman." pagbukas ko ng mata ko. Kitang kita ko si Lee. Naka smile sa akin at pareho kami ng posisyon. Hay kaloka

Bigla akong napatayo.

"Gulat ka Sam." si Lee kinakausap ako. Tumingin ako sa kanya at nag nod.

"Sorry" nag peace sign at nag smile pa siya. Hay gwapo.

"Sam start na natin meeting." si James. at bakit nandito nga pala si James? Pati si singkit.

"Makikipag meeting ka din?" tanong ko kay James.

"Oo sinundo ako ng tatlong ito sa bahay [Nathan, Lee at Mon]. At kinulit na makipag meeting."

"Paano naghahanap ng kakampi si Choco Mucho." side comment naman ni Steph.

"hindi kaya. Gusto lang nila sumayaw sa New Students Welcome. nagpriprisinta lang sila." si Mon

"sino ba may pakana non? Siguradong ikaw din para magpasikat sa mga girls out there."

"Tigil na nga kayo. Ang aga oh time out muna kayo sa away niyo. Mamaya na ulit. Mag mi meeting muna tayo."

So nag meeting na kami. At itong si Lee talagang sa tabi ko pa umupo. Ay kainis naman. Nabubulol tuloy ako.

"Lee palit nga tayo ng upuan." oh ano problema ni Nathan

"Ayoko nga." hehehe good answer Lee.

JAMES LEONARD CRUZ

Age: 16

Height: 5'11

Talent: making girls go crazy over him in just one wink... [Ivy excepted]

Hobbies: dating girls

super crush ni Ivy. Pero super kinaiinisan niya din dahil masyadong womanizer. Stockholder din ng CCU ang parents niya. Specialty niya ang tumugtog ng guitar. Secret lang ito ha. Nagpapapansin lang yan kay Ivy.

NATHANs pov

kanina pa nagrereklamo si James. Paano sinugod nila ito sa room niya. At kinulit ni Mon na sumama sa kanila.

"Saan ba kasi tayo pupunta ng ganito kaaga?"

"Makiki pag meeting" sabi ni Mon

"Wahhhh ayoko. Boring kaya non."

"Hindi mag eenjoy ka don. kasama mo naman kami ah." si Lee. Talaga nag enjoy siya. Ginugulo niya lang naman si Sam eh.

"nag eenjoy ka kapag ini enterrupt mo si Sam?" tanong ko sa kanya. Bigla pa naman nag smile.

"nag eenjoy ako kapag nagba blush siya. Hehehe ang cute niya kaya."

"o sige na nga makikipag meeting na ako. Bago yon ah si Sam nag bablush. Sungit kaya ng isang yon. Kaya ayaw kong kinakausap." si James

"Hindi naman ah. Bait nga non napaka understanding pa." si Mon tagapagtanggol ni Sam.

pagpasok sa SC Office. Andon na silang lahat [Steph, Noime, Ramon, Maya at Jerome] teka wala nanaman si Sam.

"Si Sam?" si Mon

"Tulog" sabay sabay naman nila at tinuro nga si Sam. Nakayuko sa may mesa.

Itong si Lee ano naman kaya ang naiisip at umupo sa tabi ni Sam.

"Bestie" gising ni Steph dito. Ito namang si Lee kinakalabit sa pisngi si Sam. At ginaya pa ang ayos nito. Nakaharap nga lang siya kay Sam.

"Bestie" si Steph ulit. At kakalabit din si Lee sa pisngi ni Sam.

Ano ba naman ito parang mantika kung matulog.

"Bestie"

"Kulit naman" sa wakas nagising din

"Gulat ka Sam?" bigla kasing tumayo si Sam eh. as ussual namumula na naman siya. Ito namang James biglang napangiti.

"Sorry" sabi ni Lee at nag peace sign pa. Lalo naman nag blush si Sam. Obvious naman nito.

Tinanong niya si James bakit siya nandito at nag paliwanag ito. Ng biglang nag side comments si Steph at sumagot naman si Mon.

"Tigil na nga kayo. Ang aga oh time out muna kayo sa away niyo. Mamaya na ulit. Mag mi meeting muna tayo." si Sam. Isang sabi lang ni Sam tumahimik na ang dalawa.

Nag meeting na kami. About nga sa mga toka sa new students welcome. Nag volunteer nga si James na sasayaw daw kasama kami nina Lee at Mon.

Si Steph naman sasayaw daw kasama ng rest of the SC officer. Eh si Sam ano gagawin.

"Lee palit nga tayo ng upuan." naiinis ako. Paano nagkakanda bulol bulol si Sam kapag magsasalita na si Lee.

"Ayoko nga." aba ayaw niya. Ngumiti sina Mon at James. At pati si Sam ngumiti din. Kinikilig siguro.

"Bakit Nathan gusto mo tabi din kayo ni Sam?" si James sabi ko na eh.

Bigla pa naman nagsitawa ang mga ka meeting ko. Tama ba naman iyon.

"Crazy. Naiinis lang ako dahil nagkakanda bulol siya dahil sumasagot si Lee sa kanya." grrrrr kayo nag umpisa. Si Sam na shock

O.O    ganito kabilog ang mata niya

"Depensive." si James ulit ganito talaga ang isang ito. Nagtawanan na naman sila. Kakainis ah.

"Tama na nga iyan. Malayo na sa meeting pinag uusapan niyo." si Sam biglang naging serious

SA CLASSROOM

 SAMs pov

gusto kong itago ang mukha ko sa ilalim ng lupa. Buysit na Nathan na yon. Grrrr

Nakakahiya kay Lee.

sabay pukpok ng ulo sa arm chair

naririnig ko pa din ang halakhak ni James. At si Lee wahhhh tumatawa din.

Pukpok ulit ng ulo sa arm chair

"Ano ka ba bestie hindi pa katapusan ng mundo." isa pa ito isa din ito sa mga tumatawa kanina eh

pukpok ulit sa ulo

"tama ang ginagawa mong yan Sam" si Nathan nakatayo sa harap ko. Tinignan ko siya.

"pagkatapos mo diyan madami pang pader na nakapila."

hmmmmp. Heto iyong may kasalanan eh. Obvious na ngang may crush ako kay Lee. At nabubulol ako kapag katabi ko siya lalo na kapag ina aprove nya iyong mga sina suggest ko. Hay.

"Bumalik ka nga sa upuan mo singkit."

after a min pumasok na si Miss Punzalan.

"Good morning students" bati niya at may sweet smile para sa amin.

"Good morning Miss Punzalan." bati naman namin

naglakad na siya papunta sa desk niya. Tapos inayos ang gamit at nag check ng attendants.

"Sorry sa late announcement ah. Pero ako muna ang mag aayos ng sitting arrangement niyo." ah bakit may sitting arrangement ngayon.

4 row kami 30 kami sa klase. Nagtawag si Miss Punzalan. 2 row na ang natapos. Sa pag third row  unang natawag si Lee tapos si James tapos  ako tapos si Nathan.

"Miss Punzalan?" si James biglang nagtaas ng kamay.

"Bakit James?" tumayo naman si James

"Pwede po bang sitting arangement namin ganito Lee, Sam, Nathan tpos ako?"

ano daw sabi ni James?

"Bakit may prob ba?"

"ayoko ko po kasi sa may gitna Miss Punzalan."  nag isip muna ito

"Ok. So si Lee, Sam, Nathan tapos si James. Sige ganon nalang."

wahhhhhhh badtrip to. Nakita ko si James at Mon nag appearan pa. Tapos si Lee naman nakikitawa pa.

"So sa last row Mon, Steph, Ramon, Nina."

"Objection" sabi naman ni Mon

"i second the motion" sabay tayo naman ni Steph.

"yes Miss Alarcon"

"Ayoko po makatabi  si Nicdao Miss"

"Same here Miss. Ayoko po makatabi si Alarcon."

"Im glad for the same reaction. ok thats the final sitting arangement ok."

wahahaha buti nga sa inyo.

"ah ayoko ng pumasok." si Mon

toink....

Batok sa kanya ni Steph "OA"

"Ah kawawa ako dito."

"Tumahimik kana diyan Mon. Accept the

fact nalang. Wahahaha" si James. Loko din pala ito akala ko puro babae lang ang napapansin.

 

 

 

SITTING ARANGEMENT 3-ZEUS

right corner kapag nakaharap sa iyo

LEA   ARA   LAILA   DAVID       

MAYA   NOIME  JEROME   LANA    

LEE   SAM   NATHAN   JAMES    

MON   STEPH   RAMON  NINA

left  side kapag nakaharap sa iyo

KING   BARON   VIC   KIT

JOJO   LILY   BRENAN   RICKY

BRENDA   ANA   LISA   NADIA

RHEA   BEN 

ah kailangan ko ng sanayin ang sarili ko. Kailangan ko na ma immune sa presence ni Lee. Wahhhh

"Sam hindi pa katapusan ng mundo. Nag uumpisa pa lang." si James one seat apart na nga layo namin nakukuha pang mag comment.

"Cruz pasasaan ba at ikaw naman ang mapupunta sa kinakalagyan ko ngayon."

nagkibit balikat lang ito.

"Nasa akin pa rin ang huling halakhak Cruz."

"wahahahaha" si james biglang tumawa

"Sige Perez sa iyo na lahat ang halakhak nakakakabag iyon."

 sukat sa sinabing niyang iyon pati si Lee humalakhak din. Hay boys makes me gaga.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...