Stuck with my Forever (Stuck...

By NerdyIrel

1.6M 44.6K 12.5K

Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Author's Note

Chapter 3

70.1K 1.8K 411
By NerdyIrel

Chapter 3


Alexandra's POV


*knock knock*


"Bukas yan" Sigaw ko, knowing na si Nathan lang naman yung kumakatok.


"Galit ka?" Malungkot na tanong niya habang nakasandal sa may gilid ng pintuan. Bagong ligo na siya at nakapagpalit na ng damit.


I raised an eyebrow at him before I stood up. "We just got engaged and you're seriously asking me that question?"


Hinawakan niya yung mga kamay ko at tumango. "Everything was supposed to be perfect kaso pesteng weather yan, di nakisama"


Umulan kasi ng sobrang lakas bago kami lumabas ng bahay kaya yung niready niyang romantic lunch date sana namin ay nasira. Basang-basa yung table at syempre, maputik na rin yung lupa sa labas.

Ni-wrap ko yung arms ko around his neck and then I kissed the tip of his nose.


"I don't want it to be perfect. I only want you"

His face lightened up instantly. "Ang sweet naman ng strawberry bunch ko"

"Bumabawi lang" Pag-amin ko.


Nagpromise kasi ako sa kanya na gagawin ko ang lahat para makalimutan niya yung kasalanang nagawa ko kaya naman papangitiin ko siya buong araw. Hindi ako mapipikon sa mga pangaasar niya at mage-enjoy lang kaming dalawa sa maikling vacation namin.

After all, yun rin naman talaga ang reason kung bakit kami pumunta dito sa Tagaytay.


"Gutom na ko, di pa ba tayo kakain ng lunch?" Tatawa-tawang tanong ko.

"Kaya nga kita sinundo dito di'ba? Alanga namang pumunta ako dito para lang makipagkwentuhan sayo? Isip isip din. Utak monggo talaga 'to"


Sira ulo talaga itong si Nathan.

Minsan parang nakakalimutan na niya yatang girlfriend niya ako eh.


Oh well, sa apat na taong pagsasama namin, wala namang nagbago sa kanya.

Baliw pa rin siya.


"Anong niluto mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa dining room na magkaholding hands.


"Fried Bittergourd and Boiled Intestines of Human Stool"

O_____O


"Ano?"

"Oh sige tagalugin ko. Mahina nga pala utak mo. Prinitong Ampalaya at Nilagang Bituka ng Tae"


Pumasok agad sa utak ko ang unwelcomed pictures ng mga sinabi ni Nate.

YUCK! KADIRI!!!


"Ewww Nathan! Ano ba yan!" Pinalo ko yung braso niya at tumawa lang naman siya.

"HAHAHA Wala naman akong nilutong espesyal. Mga laman luob lang ng mga kalahi mong aliens"


I rolled my eyes at him.

Corny kasi niya eh hahaha.


It turned out na nilagang baboy at lumpia pala ang niluto niya. Guess what? Ang kunat ng baboy at walang lasa yung lumpia. Ano pa nga bang inasahan ko? Di nga pala marunong magluto itong mokong na ito.


At first, nagpanggap akong masarap yung niluto niya. Syempre ayoko namang saktan ang feelings ng blueberry babe ko. Nageffort siya para pasayahin ako kaya naman ayokong madisappoint ko siya.


Kaso nung nakakalimang subo na ko, bigla na lang nagsalita si Nate.

"Ugh, magorder na nga lang tayo" Nayayamot na sabi niya.


"Huh? Bakit naman?"


"Don't even try to say nice things about this food. Alam ko namang nakakakasuka lasa, kahit yung dila ko sumusuko na"


Natawa na lang ako at nagprisintang magluto. It's a good thing na narealize niya ring hindi masarap yung luto niya, atleast hindi ako mafi-feel bad na hindi ko kinain yung mga yun.


Naisip kong magluto ng steak dahil parang nagke-crave ako don.

Naghugas muna akong kamay tapos nagstart na kong magluto.


Habang nilalagyan ko ng asin at paminta yung steak, sumilip ako kay Nate. Tahimik lang siya na nanunuod at nakatitig sa ginagawa ko. Gusto yatang matuto.


"Ikaw na magluto" Biro ko.

"Gusto mo ba talagang maging kulay itim yang steak na yan?" Inis na sagot niya.

"Hindi nga, seryoso ako"

"Seryoso pero natawa ka?"


Ang totoo kasi niyan, ayoko lang matalsikan ng mantika kaya siya yung paglulutuin ko HAHAHA.

Kinuha ko na yung frying pan since wala namang grill pan dito tapos nilagay ko sa kamay niya yung bote ng mantika.


"Pag mainit na yung pan, lagyan mo ng kaunting mantika"

"Potek, ikaw na magluto!"

"Buset ka noh, Nathan? Tinuturuan nga kita eh!"

"Di ko naman kasi kailangan matuto, strawberry bunch. Pag nagpakasal na tayo, magtatrabaho lang ako tapos ikaw, maiiwan ka sa bahay para ipagluto ako"


Inirapan ko siya pagkatapos ay nag-cross ako ng arms ko.

"Aba! Hindi naman yata pwede yan! Ano ko? Magiging katulong mo lang?"

"Parang ganun na nga. Tsaka bagay naman sayo yun e. Mukha ka naman talagang katulong he he he"


Pinatay ko muna yung apoy sa kalan kasi umuusok na yung frying pan.

"Ay hindi! Magtatrabaho din ako noh! Gusto ko rin naman ma-experience magka-work. Tsaka hindi ako nagaral ng ilang taon para lang maging may bahay mo!"

"Tsk tsk. Kung kinakailangang itali kita sa kama para di ka makapagtrabaho, gagawin ko. Ano ka ba alex, Delikado yan. Baka mamaya, landiin ka pa ng boss mo. Basta ang gusto ko sa bahay ka lang"

"Wag na lang kaya tayo magpakasal kasi nakikita ko na yung mangyayari. Magyayaya din agad ako ng hiwalayan kasi sobrang bossy mo po at papahirapan mo lang ako"


Sumimangot siya at tinignan ako ng masama.

"Subukan mo lang wag akong siputin sa harap ng altar, nako Alex. Sinasabi ko sayo"

"Oh bakit? Anong gagawin mo?"


"Magpapakasal ako sa iba" Sabay binuksan niya ulit yung kalan at nilagyan na ng mantika yung frying pan. "Papakasalan ko yung unang babaeng makikita ko sa labas ng simbahan. Kahit na pulubi pa yon, papagandahin ko yun at gagawin kong sosyal"


Tumahimik ako at umupo sa may gilid. Nakakainis toh!

Tingin niya ba talaga nakakatuwa yung mga ganung jokes?


"Wag mong sunugin ha" Sabi ko na lang bago ako pumunta sa may sala. Tapat lang din naman yun ng dining room kaya kitang-kita niya pa rin naman pinaggagagawa ko.


Lumapit ako sa may pintuan dito sa gilid at sinarado ko iyon. Sobrang lakas na kasi ng ulan kaya ang hangin hangin na.


"Alexandra Shay" Tawag niya.

"What?" Naiiritang sagot ko.

"I love you"


I stared at him and my anger vanished.

Kung hindi ka lang sweet, siguro nagaway na naman tayo.

Lumapit na lang din ulit ako sa kanya para bantayan yung pagluluto niya. Ang lakas lakas ng apoy kaya talsik ng talsik sa kanya yung mantika.


"Kasi naman nate eh! Hinaan mo kaya yung apoy!"

"EH HINDI NGA KO MAKALAPIT OH!"

"Patayin mo na lang muna! Masusunog na yung steak! UGH!"

"Ikaw kaya lumapit! Makapagutos toh!"

"SINO BA SATIN YUNG NAGLULUTO? IKAW DI'BA?"

"Sino ba kasi yung nagsabing magluto ako?! AWWW! BAKIT BA KASI TUMATALSIK YUNG MANTIKA! MASAKIT!"


Di ko napigilang tumawa sa pagiinarte niya. Ako na yung lumapit at naglakas patayin yung apoy.

"Awww" Paggaya ko sa kanya sabay tawa ng malakas.

"You think that was funny?!" He even growled at me.

"Awwwwwwww" Paggaya ko ulit sabay suntok ng mahina sa tiyan niya.


Ako na yung nagluto habang reklamo ng reklamo si Nathan tungkol sa makinis niyang balat na nasaktan daw. Asar na asar siya hahaha.


"Stop doing that" I looked up and bit my lower lip to stop myself from laughing. Nahuli niya kasi akong nagmemake face at ginagaya yung mga sinasabi niya.

"Oops HAHAHAHA"

"Ikaw ah!! Kanina ka pa ha!!!" Niyakap niya ko from behind tapos pinaggigilan niya ko.

"Cut it out Nate! Nagluluto ako!"

"Gutom na ko, ikaw na lang kakainin ko" sabay kinagat niya yung leeg ko.


"OUCH!" Tinulak ko siya ng malakas. "Masakit ah!"


He smirked at me, his eyes staring at my neck. "It's called a love bite"

"PUNYETA NATHAN!" Nilagay ko na sa plato yung mga steak pagkatapos ay pinatay ko na yung kalan.


Tumakbo agad ako sa CR para tignan yung kagat sa leeg ko.

Namumula na agad yun.


"Bakit ka nagagalit?" Tatawa-tawang tanong ni Nate na sumunod pa talaga dito para lang galitin ako. "Si Elena nga ng Vampire Diaries, nagpapakagat din kay Stefan at Damon tapos si Bella din ng twilight, ganun kay Edward"


"SIRA ULO! BAKIT? BAMPIRA KA BA? HA?"

"A boy can dream" He even smiled at me.


"ARGH! NAKAKAINIS KA TALAGA! May pasok tayo sa Monday! Isang linggo pa toh bago mawala! Ano na lang sasabihin ng mga classmates ko pati na nila Mama? Do you really want my Kuya's to kill me?!"


"Of course not. Di'ba sabi mo, gusto mo ng excitement sa relationship natin? Oh ayan"

Tumalikod na siya at bumalik sa dining room.

"GINAGANTIHAN MO BA KO SA GINAWA KO SAYO? Hindi naman ganito yung klase ng excitement na sinasabi ko! I never said I wanted a hickey!"


Hindi siya sumagot. Ang tagal lang naming nagtitigan bago ako nagdecide na i-explain sa kanya kung bakit ako naasar.


"Nathan, pag nakita ito nila Kuya o ni Mama, malamang hindi na tayo makakaulit. Hindi na tayo makakapag out of town ulit na tayong dalawa lang. Alam mo bang sobrang tagal naming nagusap kagabi para lang payagan nila ako pumunta dito sa Tagaytay? Ayoko lang sirain yung tiwalang binigay nila sakin"


Unexpected na tumulo yung luha ko. Pinunasan ko agad yun.

"Nate, minsan, wag ka naman sanang maging sobrang immature. Hindi naman kasi all the time, nakikipaglaro ako sayo"


He was just staring at me. For a moment, akala ko nga hindi niya narinig yung mga sinabi ko pero lumapit siya at tinignan yung leeg ko.

"I'm sorry"


Kita ko sa mga mata niyang nire-regret niya na yung ginawa niya. I hope hindi ko siya nasaktan sa mga sinabi ko.

"Let's just eat" I said.


Kung kanina, tawanan ng tawanan kami, ngayon parang namatayan kami sa sobrang tahimik namin.

Kung hindi naulan sa labas, malamang wala kaming ibang maririnig na ingay kundi yung mga kutsara at tinidor.


"Forget it. Pasensya na rin kung nakapagsalita ako ng ganon" I told him nung malapit na kaming matapos kumain.

"You don't have to apologize for my mistake" He said. "Wala ka namang sinabing hindi totoo"


Naguilty naman ako kasi alam kong nafeel bad si Nate. Ugh, minsan ang OA ko rin eh. Matatakpan naman ng buhok ko itong leeg ko. Nakakakaba lang kasi dahil baka mamaya, may makapansin. Mahaba-habang explanation pa yun ng di oras.


Nagprisinta si Nathan na siya na daw maghugas ng plato. I wanted to help him pero ayoko namang makipagtalo pa. Halata namang wala na siya sa mood.


Umakyat na lang ako sa taas at umupo sa may kama.

Bakit ba ganun kami ni Nathan?


Lagi kaming nagtatalo sa mga maliliit na bagay.

Naaalala ko tuloy si Sasha at Ryan. Ganitong-ganito silang dalawa.

Natural nga talaga siguro yun sa mga magsyota.


Sabi nga nila, hindi naman all the time, maayos yung relationship niyo.

I'm still glad na hindi big fights yung nangyayari samin.


Ganyan lang naman yan, mamaya okay na kami ni Nate.

Sanay na rin ako.


Minsan nga, ako gumagawa ng dahilan para magaway kami.

Hinahanap-hanap ko kasi yung pagtatalo namin dahil pagkatapos nun ay mas nagiging malambing siya sakin.

HAHAHA utak monggo nga talaga siguro ako.


Halos mapatalon ako nung biglang nawalan ng kuryente. Tumakbo agad ako pababa. Buti na lang may flashlight yung cellphone ko.


"Alex?" Sigaw niya.

"I'm here!" Sigaw ko nung nasa hagdanan pa lang ako. "What happened?" Tanong ko paglapit niya sakin.

"I don't know. Teka, tatawagan ko si Miguel"

"Sino yun?"

"Yung caretaker"


Nagflinch ako nung naalala ko yung mga pagarte nung joe na yun kanina. Natatakot pa rin ako sa kanya kahit na acting lang pala yung ginawa niyang pagkidnap sakin. Feeling ko kasi, gusto niya talaga akong itakbo palayo.


"Ano? Aba ayusin niyo yan. Hayop naman! Huh? Oh bilisan mo"

Umupo ako dito sa may hagdan habang nakikinig lang ako kay Nathan at sa usapan nila ni Joe.

"Brownout daw dahil sa sobrang lakas ng ulan. Baka mamaya pa daw gabi bumalik yung kuryente. Magdadala na lang daw ng mga kahoy dito si Miguel para may apoy yung fireplace"


Tumango lang ako at hinawakan ang kamay niya. Ayokong iwanan niya ko dahil baka mamaya, makalingat lang siya ay lapitan na naman ako ni Miguel. I'm really scared at that guy. Nakaka-trauma yung ginawa niya sakin.


"Bakit?" He asked. Kilala niya ko. Alam niyang may problema.

Hinila ko ang kamay niya kaya umupo siya sa tabi ko. Ni-rest ko na lang yung ulo ko sa shoulder niya para di na siya magtanong ng magtanong.


"Alex, may problema ba?"

I sighed. Di talaga ako makakalusot sa kanya.

"Kailan mo pa ko binilhan nitong singsing?" Pagbabago ko ng topic para makalimutan niya yung tanong niya.


"About a month ago. Na-delay lang kasi nga...nanlamig ka sakin. Nawalan ka ng gana kaya di ko tinuloy. Syempre ayokong masaktan pag niyaya kitang magpakasal tapos ang sagot mo, ayaw mo"


Umayos ako ng upo at hinawakan ko yung mukha niya.

"Kalimutan mo na yun, please. I told you, I will never do it again"

He looked down and I knew na kahit gustuhin niya ay hindi niya mapapromise sakin na makakalimutan nga talaga niya yun.


Siguro nga sinapian ako or maybe it was just because of the moment kaya ko siya hinalikan. It's not my forte to kiss him first but right now, all I wanted is to make him feel how much I love him.

Kahit na hindi niya sabihin, alam kong may part sa kanya na nasasaktan pa rin dahil sa maling nagawa ko.

He returned my kiss with a loud moan.

I didn't expect na magtu-turn into a make out yung halik ko sa kanya but it did. We were both caught up in the moment na kahit ako, ayokong tumigil agad.

I was distracted when he suddenly pulled me up and made me sit on his lap. Lalayo na sana ako but with the way he kissed me, I'm pretty sure he's pleading me to stay.

Nadala na rin ako nung hinalikan niya yung jaw at yung leeg ko. Ghad, he's very good at this!

Napapikit na lang ako at hinayaan siya.


"Take your shirt off" Kanta niya sa tenga ko. Napamulat ako at nagtaka.

Narinig ko na yun somewhere. I'm just not sure where.


Bigla ko namang naramdamang iniaangat niya yung damit ko habang hinahalikan niya yung collarbone ko.


"Nate..."

"Hmmmm?" He kissed me again even more tenderly.

"Wait---" Hinawakan ko na yung kamay niya dahil muntik-muntikan na talaga niyang matanggal yung t-shirt ko.


"What is it?" He said in his husky voice. He was about to kiss me again pero inalayo ko yung mukha ko.

"Tama na. Baka parehas tayong hindi makapagpigil"

"Eh di masaya. 9 months project na ituuu"


Natawa ako at sinampal siya ng mahina.

"Wala pa kong balak sundan si senior at junior"

"Ako bahala" Hindi na ko nakapagreact nung tinanggal niya yung t-shirt ko at pinigilan ako magsalita sa pamamagitan ng paghalik sakin.


He also took his shirt off and at the moment, hindi na ko umangal pa dahil gusto ko rin naman yung nangyayari. And then, I felt his hands on my back.

Whoah, what the hell is he trying to do?? OHMYGOSH!!!!


"Take your bra off" Kinanta niya pa kaya nanlaki ang mga mata ko.


"Ma'am?! Sir?!!"

Nagkatitigan kami ni Nate at liningon niya agad yung lalakeng nagsalita sa likuran ko.


"Fuck! MIGUEL TURN AROUND! Tangna!"

"Ay sorry po! Sorry po!"


Sinuotan agad ako ng t-shirt ni Nathan pagkatapos ay inalalayan niya kong tumayo para makatayo na rin siya.


Napatigil naman kami nung napansin naming t-shirt niya pala yung sinuot niya sa akin.

Tatanggalin ko sana yun nung tinigilan niya ko.


"Not in front of that guy" He said bago siya bumaba at lumapit kay Miguel.


"Uso kumatok" Pagalit na sabi niya.

"Pasensya na po. Eh bukas po yung pintuan tapos mabigat po itong hawak ko kaya dire-diretso na kong pumasok" He even looked at me kaya naman namula talaga yung mga pisngi ko.

Hindi ko alam kung matagal na ba siya dun. Baka mamaya, nakita niya pa yung pagtanggal ni Nate ng t-shirt ko.


"Oh ilagay mo na yun" Utos ni Nathan.

Nung nagka-apoy na dun sa fireplace ay pinaalis na rin agad ni Nate si Miguel.


"You okay?" He asked me. Tumawa lang ako ngunit tumigil din nung tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa.


"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"You look hot"

"EEEHHH! Walang ganyanan" Nahihiyang sabi ko.


Kinuha ko agad yung phone at yung t-shirt ko na nasa may hagdanan pagkatapos ay tumakbo ako papunta sa taas. Naglock agad ako ng pintuan at nagpalit ng damit.

NAKAKAHIYAAAA! Bakit ba kailangan niyang mangasar pagkatapos may mangyaring ganun samin?


"Knock knock!" Napatingin ako sa may pintuan. "Alex, open up"

"Ayoko" Angal ko.

"Nilalamig na ko, yung t-shirt ko, nasayo"

"Magpalit ka na lang ng ibang damit mo!!!"

"Dalawa na lang yung natitira sa bag ko. Wala akong ipampapalit bukas kung gagamitin ko agad yung isa"

Nagpout ako kahit na hindi niya nakikita yun. "Bakit ba kasi wala kang dinalang extra?!!"


I heard laugh. "Just open up please? Di na kita aasarin, okay?"

"Ayoko nga sabi!"

"Bahala ka. May multo dito"

"As if naman maniniwala ako sayo! Di na ko bata!"


"Did it ever occurred to you na sila Kath at Daniel pa ang unang naglampungan dito? Kaya ang ibig sabihin, ilang dekada na rin po itong nakatayo. Tsaka walang tumitira dito dahil may sariling bahay yung caretaker sa likuran. Bahala ka pag may narinig kang kung ano-ano diyan"


I looked around. Sobrang dilim at nakakatakot nga magisa dito.

Nagtaasan yung mga balahibo sa katawan ko.

Nagtatakbo ako palabas ng pintuan kaya muntikan pa kong maumpog sa dibdib ni Nathan.


"T-shirt ko?" Natatawang tanong niya.

"Oh"

"Suot mo sakin" Nagbaby face pa siya.

"Peste. Ilang taon ka na para di mo magawang isuot ang sarili mong damit? Ano ka, 3 years old?"

"Hindi, 2 years old"


(-_-)

EWAN KO SAYO!


"Diyan ka na nga, landi-landi neto"


Tinawanan niya lang ako at sinundan din naman ako pababa ng hagdan.

"I'll never be able to forget what we did here" Bulong niya sa tenga ko pagkaakbay niya. "Sayang, di na naman natuloy"


Kung hindi lang masama manulak ng tao sa hagdanan, malamang kanina pa nandun sa dulo si Nathan.

"SABI MO DI MO NA KO AASARIN!"

"Sabi ko lang yun HAHAHAHA"


Tumakbo na siya pababa dahil alam niyang gigilitan ko na siya sa leeg.

Hinabol ko siya pero ang bilis bilis niyang tumakbo.

Palibhasa higante. Ang haba ng mga biyas!!!


I was about to shout at him nung may napansin ako.


"Nathan...?"

"Why? You want to lick my abs HAHAHA"


Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya.

Di ko pinansin yung kabalastugang lumalabas sa bibig niya.


"Asan yung singsing mo? Bakit ako lang may engagement ring?"


-------------------------------------


Take your TOOOOT off HAHAHAHAHAHA lmao

Continue Reading

You'll Also Like

11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
627K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
1.8K 130 6
Sobrang sarap ma-in love. Sobrang saya magkaroon ng crush. Pero sobrang corny naman ng mga ideyang iyon para kay Belamare. Wala siyang crush. Wala ri...
1.5K 245 21
In matters of love, defying traditional rules brands one an outlaw. JILLIA finds herself entangled in an unexpected bond with her heartthrob seatmate...