DESTINED

By forbiDDen30

97.2K 4.1K 661

Nagkalat ang mga pamahiin sa Academic Fantasy University (AFU), karamihan nito'y tungkol sa paraan kung pa'no... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two: 1st Ending
Chapter 23 Part 2: 2nd Ending
Chapter Twenty-Four: Finale
EPILOGUE

Chapter 23 PART 1: 2nd Ending

2.6K 122 30
By forbiDDen30

Pilit kong idinidilat ang aking mga mata nang malaki upang mas makakita ako ng malinaw, pero kusang lumiliit ang mga ito na para bang gusto na nitong matulog at hindi na magising pa. Pagod na pagod na kasi ako sa kakaiyak at kahit gusto ko mang pigilan ang sarili ko sa pagbuhos ng isa na namang balde ng mga luha, hindi ko magawa. Para kasing gripong sira ‘tong mga mata ko, hindi ko maisara-sara.

Hindi pa nakatulong ang mga sandaling napapatingin ako sa kamang pinaghihigaan ni Kester. It hurts me even more. Seeing him lie down there, not breathing.

And it felt like seeing him in front of me with no sign of life at all, bursted the balloon of tears I tried to bury within me for the past years. Naisip ko nga, nangyayari kaya ito ngayon dahil hindi ko hinayaan ang sarili kong umiyak noon? Na dahil hindi ko ginamit ang mga luha ko noon kaya dumating ang araw na ‘to kung sa’n kakailanganin ko ng maraming luha na ilabas? Sh*t! If only I knew I was holding back my tears just to use it for the worst scenario, then I would have allowed myself to drain all these tears before.

“Kes?” isang nanginginig ngunit pamilyar na boses ang aking narinig at sa pag-angat ko ng aking ulo ay may nakita akong malabong pigura na pumasok sa pinto.

Pinahid ko ang mga luha na bumabasa sa mga mata ko gamit ang aking braso at naging malinaw na nga kahit papa’no ang aking paningin. At hindi nga ako nagkamaling pamilyar nga ang boses na narinig ko. Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses ‘yon. Si Ginny Madrigal.

“Kes? Kes? Buhay ka, diba? They just made a mistake right? ... Kes!!!”

Ang pag-iyak ni Ginny naman ngayon ang pumalit sa mga hikbi ko. Ang pagsigaw niya habang niyuyugyog ang walang buhay na katawan ni Kester ang tanging umaalingaw-ngaw sa apat na sulok ng kuwarto.

Para kong pinapanood ang replay ng reaksyon ko kanina nang malamang wala na si Kester. Isang babaeng binawian ng taong mahal niya at hindi matanggap ang pagkawala nito ngunit ang tanging magagawa lang niya ay ang iiyak lahat ng sakit na nararamdaman niya.

I can feel her pain, her sorrow as she carresed his face. Dahil sa unang pagkakataon, naging pareho kami ni Ginny. Nasasaktan dahil nawalan.

Pinagmasdan ko lang si Ginny sa mga sandaling iyon.

Kanina akala ko ako lang ang iniwan ni Kester at ako lang ang umiiyak kasi wala na siya ngunit ngayong nandito na si Ginny sa harapan ko, pakiramdam ko ‘yong sakit na naramramdaman ko, hinding-hindi maikukumpara sa pagdadalamhati niya. Because even before I came into their life, they had always been together. And she loved him first.

Ginny’s eyes suddenly wandered around the room and it halted at my sight.

Nagbago ang ekspresyon niya. It became dark and vengeful. Napayakap ako lalo sa aking mga tuhod habang nakaupo dito sa isang sulok at pilit na iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil napagtanto kong sa kabila nang pareho naming nararamdaman ay may pagkakaiba pa rin kami.

It was the fact that she wasn’t guilty for anything and I was.

I was guilty for Kester’s death.

And I indirectly caused Ginny’s pain and sorrow.

“Ikaw...” Nanginginig pa ang buong braso niya pati ang mga kamay at daliri niya nang itaas ito upang ituro ako. “Ikaw ang may kasalanan nito. Ikaw ang dahilan kung bakit wala na si Kes! IKAW!” Sigaw niya at pakiramdam ko yumanig ang buong kuwarto sa sobrang lakas ng boses niya.

Susugurin pa nga sana niya ako subalit kaagad siyang napigilan ng mga natirang staff dito sa kuwarto. They held her tight for her not to be able to move any closer to me.

“Bitawan niyo ko! Papatayin ko ‘yang babaeng ‘yan!” sigaw niya ulit habang kumakawala sa mahihigpit na hawak ng mga nars.

Nanggagalaiti siya sa galit at naiintindihan ko ang poot niya para sa’kin. I felt the same way for myself too. I loathe myself for still breathing. It serves as a reminder to me that in exchange for this second life, I have to take away the life of not just any person, but the person I love the most.

Bakit mo pa kasi sinalo ‘yong bala Kester? It was meant for me, wasn’t it? You should have allowed me to take it. Because it was suppose to be my end, not yours!

“Sana hindi nalang kayo nagkita. Sana hindi ka nalang niya pinuntahan!”

Ang mga salitang binitawan niya ang tuluyang pumukaw sa akin.

Sana. Sana hindi...

Pero hanggang sana nalang ‘yan Ginny dahil nangyari na, eh. It was like a movie. Each scene directed to be that way. Nagkita kami. Napagmasdan ko ang pagbabago na nangyari sa kanya simula nang iwan ko siya. Tinanong niya ako. Sinagot ko siya. Nagalit siya. Nagtanong siya ulit. Pero hindi na ako nakasagot. Dahil may namaril. And it was supposed to be me. Ako dapat ang matatamaan. Pero siya ang sumalo ng bala at namatay.

But unlike movies, I could have acted according to my own will. Because I’m in reality! Wala akong script na sinusunod at ako ang direktor ng sarili kong buhay. I could have done something different to change the ending. Kaso nang mga panahong ‘yon, nawala ako sa isipan ko.

Kung sana nga lang naiintindihan ako ang mga nangyayari ng mga oras na ‘yon habang nakatitig ako sa kanya... Kung alam ko lang na rin na may kung anong mangyayari sa’kin... O kahit sana nakinig man lang ako sa mga salitang isinigaw niya... buhay pa sana siya ngayon.

Tinitigan ko si Ginny na may nag-aakusang tingin sa’kin at sa ‘di inaasahan, narinig ko nalang ang sarili ko na nagsabing, “Sorry, Ginny.”

Ginny’s eyes widened for a split second but her brows slowly formed a creased and I heard her shout at me again. “Mababalik ba niyang sorry mo ang buhay ni Kester? Ha Chenee?!”

Binalot ako ng hiya nang marinig ang tanong niya. Maibabalik nga ba? Siyempre hindi. Kahit ilang sorry pa ang sambitin ko, hinding-hindi ko na siya maibabalik. Hindi na ulit siya hihinga pa. Hindi na muling titibok ang puso niya.

“Ano, Chenee? Hindi, diba?” Her tone was mocking me. And I suddenly felt so small under her gaze. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag alam mong kasalanan mo ang lahat?

“Sumagot ka Chenee! Maibabalik ba ng walang kwenta mong sorry si Kester?!”

I locked up my gaze on her as I slowly uttered my answer, trying to find the right words to explain to her how I feel for this lost. “Hindi. Hindi maibabalik ng sorry ko si Kester, Ginny pero...”

“Pero ano Chenee?”

And realization hit me! Parang sa isang gabing sobrang dilim tulad ngayon ay biglang sumikat ang araw at binigyan ulit ako ng pag-asa. I know it sounds like a miracle because it is actually a miracle! A miracle that is yet to be witness by me.

Mabilis akong napatayo at napatingin sa matigas katawan ni Kester na nasa kama pa rin.

I could still make him breathe the same air as I do. I could make his heart beat once again. I could still bring him to life... because I could start all over again!

“At sa’n ka pupunta?!” Bago ko pa siya tuluyang malagpasan ay nahawakan ako ni Ginny sa braso.

I abruptly turned to her and said these words in one breath, “Pwede ko pa siyang buhayin. Mabubuhay ulit si Kester.”

Her brows turned into a knot but I used her confusion to get away from her grip. Atsaka ako tuluyang tumakbo palabas. Narinig ko pa ang pagtawag ni Ginny sa’kin pero hindi ko na siya nilingon.

Ginamit ko nalang ang lahat ng natitira kong enerhiya para madaling makalabas ng ospital at makauwi sa dormitory.

And inside my room, the solution lies.

*~*~*

Nang nasa guard house na ako ay inaasahan ko na ang tanong ni Manong na “May boyfriend ka na, iha?” At tulad nang ginawa ko kanina ay nginitian ko lang siya bago tuluyang tumapak sa labas ng school premises.

And everything felt like deja vu. Mula sa pagdaan ng mga parehong jeep sa harapan ko hanggang sa pag-alok ng Ale ng upuan sa’kin para ako’y maupo. Hindi ko alam pero tumaas lahat ng balahibo ko nang tinanggihan ko siyang muli. Hindi kaya dahil alam kong parating na si Kester ilang minuto mula ngayon? O dahil alam kong ginugulo kong muli ang oras?

Sh*t, wala naman sigurong ibang pwedeng mangyari ngayon, diba? I mean, I was given a chance and what else will I do with it? Edi gagamitin ko para maitama ang lahat ng nangyari. Hindi ba’t tama naman itong gagawin ko?

Pero bago ko pa masagot ang sarili kong tanong ay narinig ko na ang boses niya. Kaparehong-kapareho sa narinig ko kanina, “Chenee?”

And everything slow down once again. Naramdaman kong muli ang pagbagal ng oras na tila may kung sino mang gumalaw rito. Halos hindi ko na rin maigalaw ang katawan ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hearing his voice once again, calling my name was just so overwhelming that tears started to form in my eyes.

Nang tuluyan na akong napaharap sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumakbo ako at niyakap siya nang mahigpit na mahigpit. I know it has just been hours since he I saw him dead but I couldn’t help but cry seeing him breathing, looking at me in the eye, and feeling his warm body against mine.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at palipat-lipat ang tingin ko sa bawat bahagi ng mukha niya. May kulay pa siya. Gumagalaw ang mga mata niya. At humihinga siya.

Pinisil ko rin ang pisngi niya at hindi ko mapigilang matawa habang umiiyak nang dumaing siya sa sobrang lakas nito. Sh*t, hindi siya imahinasyon. Totoo siya!

“Nabuhay ka ulit. Hindi ako makapaniwala, Kester!” Muling bumuhos ang luha ko mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa mukha niya. I don’t think I ‘d want to let him go.

“Chenee, anong ibig mong sabihin?” naguguluhan niyang tanong habang titig na titig sa’kin.

I wiped my tears away and tried to talk normal. “I can’t say it right now. Can we find a more suitable place to talk?”

Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid upang makapaghanap nang magandang lugar na pag-uusapan pero muling nabalik ang atensyon ko kay Kester nang sumagot siya.

“Pwede namang dito nalang.”

“Hindi pwede!” halos pasigaw kong sagot sa kanya nang maalala ang nangyari kanina. Mukha siyang nagulat sa inasta ko dahil namilog ang mga mata niya kaya kaagad akong napahigpit ng hawak sa damit ko sabay baba ng boses ko upang bawasan ang tensyon na nararamdaman ko. “Please Kester. We really need to get out from this place. Trust me. I don’t want to lose you for the second time.”

Napatitig siya sa’kin at sa bawat segundong lumilipas na hindi siya sumasagot ay mas lalo akong kinakabahan. Naisip ko na ring kaladkarin nalang siya kapag hindi siya pumayag pero sobrang pasasalamat ko na sumama siya sa’kin na wala ng kahit ano mang tanong pa. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagmamakaawa ko kaya siya pumayag, basta ang mahalaga mailayo ko siya rito sa harap ng AFU.

Naglakad na kami palayo sa University. At ang ingay lang sa kalsada ang tanging pumapagitna sa’min. Hindi kasi siya nagsasalita habang ako naman ay abala sa paghila sa kanya upang mas mabilis kaming makalayo.

Ngunit, hindi na yata kinaya ng kuryosidad niya ang katahimikan. He blurted those same sentences he said to me earlier.

“You did not change.” Yes, I did not.

“Kahit konti man lang, walang nagbago sa’yo.” He used that same gentle voice as he said these words, making me feel sick. Alam ko na kasi ang susunod niyang sasabihin matapos nito.

“Hindi ka tumanda, Chenee.” Sinabayan ko pa siya nang sabihin niya ito at kahit hindi ko siya nililingon ay alam kong nagulat siya na alam ko ang sasabihin niya.

“There’s nothing to be surprised of Kester. Alam mo na ‘yong sagot kung bakit ganito pa rin ang itsura ko. Ayaw mo lang maniwala.” sabi ko habang patuloy na naglalakad patungo sa... Hay. Hindi ko rin alam. Basta malayo sa AFU.

“Wala akong alam, Chenee.” narinig kong inosente niyang sabi sa akin.

“Meron.”

“Pa’no mo naman alam eh hindi naman ikaw ako?”

“Because you said it yourself!” sigaw ko nang tuluyan na nga kaming mahinto sa isang children’s park. Hinarap ko siya at bakas sa mukha niya ang pinaghalong gulat at pagtataka nang titigan ako.

Napatitig ako sa distansyang nakapagitna sa’min at naalala ko ang nangyari kanina. “If I step forward, what will you do?” tanong ko sa kanya at bago pa niya masagot ito ay inunahan ko na siya. “You’d make a step backward to keep the distance between us... Right? Bakit? It’s either natatakot ka sa’kin, naguguluhan, o ayaw mo na talagang mapalapit sa babaeng nang iwan sa’yo. But no matter what the reason is, the thing I know is that you’ll keep a safe distance whenever I try to get near you.”

“Pa-”

Bago pa niya maituloy ang tanong niya ay itinaas ko na ang kanang kamay ko sa harap niya. I don’t want to hear it.

“How old am I when we met?” tanong ko.

“Seventeen? Eighteen?”

“Seventeen.” sabi ko at tinitigan siya sa kanyang mga mata. “If I told you, I’m still seventeen today, what will you say?” Lumaki ang mga mata niya at halatang pailing na siya sa kanyang ulo nang inunahan ko siyang muli. “Sasabihin mong imposible. Pero kapag sinabi kong ‘yon ang totoo, iisipin mong bampira ako. Tama ako, Kester?”

Tila tumigil siya sa paghinga nang igalaw niya ang kanyang ulo, taas-baba. “Paano?” Halos hindi ko na marinig ang boses niya, buti nalang at kahit papano’y tahimik sa lugar na kinatatayuan namin.

“Isipin mo. Or shall I say, alalalahanin mo ang mga nabasa mo sa notebook ni Ginny.”

Then, he held his breath and I knew that on that moment, he already understood what I meant.

His stared at me and I knew that sooner he’ll burst into fury so before it happens, I turned my back against him.

“Magagalit ka na. Alam ko. Kasi hindi ko sinabi sa’yo pero alam ni Kervin. You can now have the floor. But please, allow me not to look at you. Dahil hindi ako sanay na nakikita kang galit sa’kin.”

Huminga ako ng malalim habang hinihintay ang pagsigaw niya sa’kin. Pero nang magsalita na siya ay hindi ito pasigaw. Ramdam kong nagpipigil lang siya sa galit niya marahil na rin sa nauna kong sinabi. “Alam mo na pala ang ikinagagalit ko, hindi ko nalang uulitin. Pero sagutin mo pa rin kung bakit.”

“Kasi bawal. Hindi ka taga AFU and we’re not allowed to directly divulge anything about the happenings in the school with those who aren’t part of our community. ”

“Ah.” That was his only reponse and I heard a stone rolling on the ground. Sinipa na naman yata niya ito. “Can I ask you a question?”

“Yes.”

“Kanina nang makita mo ako... sabi mo nabuhay ako ulit. Ibig sabihin ba non namatay ako Chenee?”

Ako naman ang natigilan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I know I could just answer him with a Yes but what will he say when I answer him so? Hindi naman niya ito naitanong noong una naming pagkikita.

At naging parang deja vu na ulit. Bago ko pa masagot ang tanong niya ang nag-beep na ang relo ko, senyales na alas sais na.

I thought nothing’s gonna happen now that were far away from AFU. Pero nalaman kong nagkamali ako nang may marinig akong mabigat na bumagsak. At sa paglingon ko, nakita ko nalang na nakabulagta na si Kester sa lupa. “Kes? Sh*t! Anong nangyari sa’yo? Kes!”

*~*~*

The long wait outside the emergency room was driving me mad. Naririnig ko ng malakas ang tunog ng bawat galaw ng kamay ng orasan na para bang may orasan satabi ng tenga ko. Hindi ko na rin maintindihan ang nakikita ko. Minsan klaro lang ang mga mukha ng mga taong nagdaraan sa harap ko pero kadalasan biglang silang lumalabo hanggang sa para na silang nabubura sa harap ko. Tulad nalang nitong ER. Hindi ko na nga inisip na umalis sa gilid nito sa takot na hindi ko na ito muling makita kapag nanlabo na naman ang paningin ko.

My anxiety worsened as I remembered that this was the same hospital, the same room they’ve brought Kester in. At kung tama man ang pagkakaalala ko sa isang doctor na pumasok kanina, siya rin iyong naghatid sa’kin sa masamang balita.

Natatakot ako. Sobrang natatakot ako. Paano kung maging pareho lang ang resulta ngayon? Pa’no kung mawala ulit si Kester sa buhay ko sa ikalawang pagkakataon?

I felt my tears warming up my cheeks and I leaned against the wall as my knees started to feel weak.

Hindi ko kakayaning mawala siyang muli. At hindi pwedeng bawian siya ng buhay ng ganon na lang. I time travelled not to see the same ending but to save him. Ano pang silbi ng ginawa ko kung mawawala rin siya sa buhay ko ulit?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at mas lalo akong nalumo nang masiguradong parehong doctor nga ang nag-asikaso kay Kester.

“Ikaw ba ang pamilya ng pasyente?”

Bago pa niya matapos ang tanong ay kaagad akong tumango. He asked me the same question last time.

His face was impassive as he assessed me and when he was about to tell me something, I almost instantly raised my hand to stop him. Hindi ko na masyadong napansin ang ekspresyon ng mukha niya dahil biglang nanlabo na naman ang paningin ko. “Please. Huwag niyo pong sabihin sa’kin na patay na siya. Please Doc.” Pagmamakaawa ko sa kanya sabay hawak sa suot niyang puting coat.

I couldn’t clearly see his face anymore. Distorted na ang imaheng nakikita ko marahil na rin sa tumutulo kong mga luha.

“Miss, huwag kang umiyak. Hindi siya patay. Buhay siya.”

I immediately wiped my tears with my arms. “Talaga Doc? Humihinga pa siya? Hindi siya-”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at napangiti na nga nang tumango siya. Pinat pa niya ang ulo ko bago ilipat ang kamay niya sa balikat ko. “Oo Miss, buhay siya. Subalit...” Kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang salitang iyon. Bakit meron pang ‘subalit’?

Tinitigan ko siya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

“I have to tell you something.” Bumuntong-hininga siya. “May brain tumor si Mr. Sebastian. Malaki ang area ng nasabaing tumor. It affects the region where the functions are memory and locomotor. Dahil nga sa malala na ito ay kailangan natin itong alisin sa madaling panahon to save his life.”

“How much is the success rate?”

“70 percent.”

“Then, do it!” pasigaw kong sabi dito dahilan para magsitinginan ang ibang nagdaraan na mga tao.

“We will but the patient has to agree with it. Aside from that, as I’ve told you since we will be operating on the regions that affects the functions I mentioned earlier, there’s a big possibility that he may live but he’ll lost all his memory and be paralyzed. I know it’s a disadvantage but I believe his life is much more important than that.”

*~*~*

I gripped on the hem of my dress as I stared blankly out of the window. Ang dilim na sa labas. Sa sobrang dilim nito’y tila kinakain nito lahat ng liwanag sa buong siyudad o baka naman hindi ko makita ang liwanag sa buong siyudad dahil nawawalan na rin ng liwanag ang buhay ko?

“Chenee, ayoko talaga. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mawala lahat ng alaala ko.”

“Posibilidad lang naman ‘yon, Kester!” naiinis kong sabi dito sabay gulo ng buhok ko.

“I won’t risk.” pagmamatigas nito at ibinaling ang tingin sa tv dito sa loob ng kuwarto niya.

“Kester naman, itigil mo nga ‘yang katigasan ng ulo mo. Memory can be created again pero ‘yong buhay mo... hindi na iyon maibabalik.” I pleaded but all he did was ignore me. Nakatuon lang lahat ng pansin niya sa telebisyon kaya kaagad kong hinanap ang remote at pinatay ito.

Mabilis namang nalipat ang atensyon niya sa akin matapos ko iyong gawin.

“Chenee, hindi mo kasi naiintindihan.”

“I believe I perfectly understood everything.”

Umiling siya at yumuko. “Chenee, malaki ang naging parte mo sa buhay ko. Sa tingin mo, iti-trade ko ang mga alaala ko sa’yo para lang mabuhay ako?”

“Oo! Because that’s the most rational thing to do.”

“But when you’re in love, you become irrational.”

Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko malulusaw ako hindi lang sa mga salitang binitawan niya pero pati na rin sa lalim ng kanyang tingin sa akin.

He beamed at me but it wasn’t the same smile I always received from him.

Tumikhim ako bago muling subukang pilitin siya. “Kester, pwede naman tayong gumawa ng bagong mga alaala.”

Bumuntong hininga siya bago iiwas ang tingin sa akin. Nakita ko ang pagkagat niya sa kanyang labi at ang pagpikit ng mga mata niya na para bang may seryoso siyang iniisip.

“Kester?”

His eyes flicked opened and he feigned a smile. But it didn’t fool me, I know it was fake. Ramdam ko, may kung anong gumugulo sa kanya. Ngunit bago ko pa siya matanong ay inunahan niya ako.

“’yong tanong ko kanina, doon sa park. Anong sagot do’n, Chenee?”

Sa pagkakataong ito ay ako naman ang naguluhan. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang totoo sa kanya. Baka kasi kapag sinabi ko sa kanya ang totoo ay mas lalong gumulo ang takbo ng lahat ng pangyayari.

“Namatay ako, tama?”

I bit my lip but I didn’t answer.

“If your silence means yes, then why am I here? Alive and still kicking?” sunod naman niyang tanong na mas lalong nagpasakit ng ulo ko. Hindi ko siya tiningnan at ibinaling ko ang atensyon ko patay na telebisyon. Bakit ko pa kasi pinatay ‘yon? Ngayon pang kakailanganin ko rin pala ito para ikailang narinig ko ang tanong niya.

Mukhang napansin niyang wala akong balak sagutin siya dahil siya na mismo ang sumagot sa sarili niyang mga katanungan. “Kasi nag time travel ka ulit. Para buhayin akong muli.”

Sa ‘di inaasahan ay nakatama siya at tumango ako na nga ako bilang tugon.

“Chenee, gusto mo ba talaga akong magpa-opera?” tanong nito niya dahilan para ibalik ko muli sa kanya ang tingin ko.

“Oo naman.”

“Kahit na...” Nahinto siya, tila nahihirapan sa mga salitang bibitiwan niya. “kahit na anong mangyari?” dugtong niya at mas naging mahina ang boses niya.

At sa ‘di malamang dahilan ay biglang akong kinabahan sa tanong niya. Pero pilit kong iwinaksi ang takot at kaba ko sa pagsagot ko sa kanya. “Oo, kahit na anong mangyari.”

His lips pressed into a thin line. “You just said yes, which means you just gave me the right to hurt you.”

Kumunot ang noo ko.

What does he mean by that?

Gusto ko mang siyang tanungin ay hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Imbes ay nagtanong ulit siya. “Chenee, can I ask you a favor?”

Walang pagdadalawang isip naman akong tumango.

“Tandaan mo ang dalawang bagay na ito. Una, mahal na mahal kita, Chenee.” Alam kong dapat akong kiligin sa mga salitang binitawan niya ngunit bakit para siyang namamaalam sa paraan ng pagkakasabi niya?

“Ikalawa, sorry.

“Sorry?  For what?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

Isang makahulugang ngiti lang ang isinagot niya sa tanong ko at ipinikit na nga niya ang kanyang mga mata. “Magpapa-opera ako bukas. Para sa’yo. Para hindi maaksaya ang pagbabalik oras mo.”

Continue Reading

You'll Also Like

19.5K 976 36
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
157K 1.3K 6
[COMPLETE] Pano kung si Miss Computer Freak ay mag-clash sila ng landas ni Mister gangster?? ano kaya ang manaig sa kanila?? Is it War? Is it Love? E...
14.5K 187 6
Ang MISTERYO - Hiwaga ng Buhay ay naglalaman ng iba't ibang kuwentong katatakutan at puno ng hiwaga... * Rainbow Girl * So call you maybe... * Iyak *...
66.8K 2.3K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...