FooIish Heart [COMPLETE]

بواسطة AKOSICRAZYGIRL

44.8K 1.1K 159

[NO SOFT COPIES] "Don't hold on to the past too tight, the future may never come." Lagi nakatatak sa isip ko... المزيد

Prologue:
Foolish Heart [1]
Foolish Heart [2]
Foolish Heart [3]
Foolish Heart [4]
Foolish Heart [5]
Foolish Heart [7]
Foolish Heart [8]
Foolish Heart [9]
Foolish Heart [10]
Foolish Heart [11]
Foolish Heart [12]
Foolish Heart [13]
Foolish Heart [14]
Foolish Heart [15]
Foolish Heart [16]
Foolish Heart [17]
Foolish Heart [18]
Foolish Heart [19]
Foolish Heart [20]
Foolish Heart [21]
Foolish Heart [22]
Foolish Heart [23]
Foolish Heart [24]
Foolish Heart [25]
Foolish Heart [26]
Foolish Heart [27]
Foolish Heart [28]
Foolish Heart [29]
Foolish Heart [30]
"Jerome Cruz: Prinsesa Ko."
Foolish Heart [31]
Foolish Heart [32]
Foolish Heart [33]
Foolish Heart [34]
Foolish Heart [35]
"Zen Reyes: One last chance.."
Foolish Heart [36]
Foolish Heart [37]
Foolish Heart [38]
Foolish Heart [39]
Foolish Heart [40]
EPILOGUE:
Special Chapter : Ash & Dez
Special Chapter: Jerome & Mikaela
[PROMOTE!!!] MY NAME IS HEARTBREAKER * Teaser *
[PROMOTE!!!] ANG BOYFRIEND KONG BADING
[PROMOTE!!!] BLACK & WHITE UNIVERSITY
[PROMOTE] MY BOYFRIEND IS GAY ON DREAME

Foolish Heart [6]

1K 27 8
بواسطة AKOSICRAZYGIRL

Foolish Heart [6]


Mikaela's POV:


"Kamusta ang field trip baby girl ko?" Yumakap ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi.


"Masaya mama."


"Madami ba kayo naging pictures baby?" 


"Opo ma!" Tapos pinakita ko kay mama yung mga pictures at nakangiti siya habang tinitigan ito.


"Ganda ng kuha niyo ha, pare-parehas pa kayo ng tshirt. Minsan naman yayain mo sila dito sa bahay  gusto ko sila makilala."


"Sige po ma, sabihin ko sakanila yan."


"Ay teka, sino tong kaakbay ni Jerome dito?"


"Si Suzy ma, girlfriend niya." Napatingin sa akin si mama.Napangiti na lang ako sa ginawa niya.


"Nako ma, wag mo na akong alalahin pagdating sa ganyan." Pinisil lang ni mama yung pisngi ko.


"Sige na baby girl, magpahinga ka na sa kwarto mo." 


"Sige po ma."  Kaya umakyat na ako sa taas pero pagpasok ko may naririnig akong nagigitara. Sumilip ako sa may terrace namin at nakita ko si Zen na nakapikit at tumutugtog sa terrace din nila.

Pinakinggan ko lang siya kumanta at tumugtog.


Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo


Ngayon ko lang narinig ang kanta pero ramdam ko kay Zen na damang-dama niya ang kanta niya, di kaya may pinagdadaanan siya? Nakangiti lang ako habang pinapakinggan siya hanggang sa matapos ito kaya pumalakpak ako.


"Nakakagulat ka naman Mikaela." Tumawa ako sakanya.


"Sorry kung nagulat kita." Tapos tinitigan niya ako.


"Bakit parang umitim ka ata?"


"Hmm, kakauwi ko lang kasi galing batangas. Nagfield trip kasi kami e."


"Ganun ba."


"Oo." Tas tahimik kami pagkatapos, uhh. Okay? Kailangan ko mag-isip ng topic para makapag-usap pa kami. 


"Mikaela,gusto mo ba sumali sa banda namin?" Nabigla naman ako sa tanong niya.


"Ha? Sa banda niyo?"


"Oo,wala na kasi yung female vocalist namin. Break na kami" Natahimik naman ako sa sinabi niya.


"Di naman kita pinipilit Mikaela." Sabay ngiti niya sa akin.


"Kung sasali ako, pupunta pa ako sa school niyo para sa band practice di ba?"


"Hindi, sa totoo lang sa school niyo kami nagprapractice kasi ang drummer namin at ang ex ko ay nag-aaral sa school niyo. " 


"TALAGA?" Kaya siguro nakita ko siya sa school noon? Doon pala sila nagprapractice sa school namin ang galing.


"Oo, tsaka pagschool festival niyo tumutugtog kami sainyo."


"Teka, ano ba pangalan ng banda niyo?"


"We Serenade." We Senerade, hmmm. AHHHH! sila yung pinagkaguluhan nung school festival kasi ang ganda ng kinanta nila pero sa pagkakaalala ko ang vocalist nun ay si Suzy.


"Teka? ex mo si Suzy?!" Ngumiti siya sa akin ng mapakla, mukhang di pa siya nakakapagmove on sakanya ha.


"ex ko ang president ng SG niyo." 


"Ibig sabihin  kailan lang kayo nagbreak tapos may bago na siyang boyfriend."


"Ano?? May bago na siyang boyfriend?" 


"Ha. Oo." Grabe naman si Suzy, pinagpalit agad si Zen kay Jerome? Hindi ko akakalain na ganun si Suzy. 


"Si Jerome ba?" Nagulat naman ako sa tanong niya, kilala niya si Jerome.


"Oo." Napangiti na lang siya.


"Kung si Jerome din naman pala ang naging boyfriend, masaya ako para sakanya." Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Zen.


"Bakit?"


"Matagal na siyang may gusto kay Jerome at ako lang naman ang naging handlang sakanilang dalawa." Hindi ko maintindihan si Zen.


"Handlang ka? Paano."


"Pinilit ko ang sarili ko kay Suzy."


"Bakit mo kasi pinilit ang sarili mo sakanya kung alam mo naman may gusto siya kay Jerome?"


"Mahal ko siya Mikaela." Doon ako natahimik sa sinabi niya.


"Mahal..." Tumawa na lang ako.


"Bakit ka tumatawa dyan?" Tiningnan ko siya.


"Alam mo habang nasa fieldtrip ako, ang dami kong tanong sa sarili. Bakit pagnasasaktan tayo ang laging sagot ay nagmahal lang naman tayo at bakit sa tuwing magmamahal tayo mamahalin pa rin natin sila? Pero di ko naman masagot yung tanong ko, ikaw Zen alam mo ba yung mga sagot dun." Natawa  siya sa tanong ko.


" Kasi nga minahal natin sila, hindi sa lahat ng tanong ay may sagot Mikaela. Minsan sapat na ang maramdaman mong mahal niyo ang isa't-isa."


"Pero sa sitwasyon natin tayo ang hindi nila mahal." Sabay ngiti ko sakanya.


"Teka-teka, may gusto ka kay Jerome?" 


"Ganun na nga, since gradeschool pa. Lagi nga ako umaamin sakanya pero laging busted." Tumawa siya, expected ko yun na tatawa siya.


"Bakit ikaw yung umaamin?"


"Bakit ba! Trip ko.Ikaw nga pinilit mo sarili sakanya e, kanyang-kanya trip toh." Tumawa lang siya ulit.


"Grabe naman yang trip mo Mikaela."


"eh kasi nga gusto ko siya."


"Pero hanga ako sayo ah, bihira lang sa babae ang umamin sa isang lalaki." Sabay palakpak niya.


"Well, thank you for your compliment." Sabay bow ko pa kaya tumawa siya.


"May kadamay pala ako sa pagiging heartbroken?" Tumawa ako sa sinabi niya.


"At your service." Sabay saludo ko pa sakanya.


"Ang cute mo, siguro pagkatabi kita dyan kanina ko pa pinisil yang mataba mong pisngi." Hinawakan ko ang pisngi ko at tiningnan ko siya ng masama.


"At pagginawa mo yun, babatukan kita ng malakas."


"Wag, baka matangay ako ng sobrang lakas. Payat na nga ako e!" Tumawa ako ng malakas sa sinabi niya, oo nga payat siya baka maya tangayin ng hangin eh. Loko-loko din pala tong kausap.


"Hahaha. sorry, di ko napansin yun. Hmm, so kailan start ng band practice ng We Serenade." Lumawak ngiti niya sa sinabi ko.


"Sasali ka na?"


"Pag-isipan ko pa pagpumunta ako sa band practice niyo."


"Bukas! May practice kami sa school niyo tuwing after class practice namin." Tumango-tango ako.


"Okay, hintayin ko kayo doon."


"Aasahan ko yan Mikaela ha."


"Pupunta ako Zen, don't worry. Papahinga muna ako ha, napagod kasi ako sa byahe."


"Sige, pahinga ka ng mabuti! See you tomorrow." Nginitian ko siya at pumasok na sa loob ng kwarto ko at nagpahinga.


******************


"Mika-mika~!" Sabay yakap sa akin ni Deziree pagpasok ko ng classroom at syempre nagbulung-bulungan nanaman ang mga klaklase ko.


"Yo! Mikaela." Sabay akbay sa akin ni Ash, anong meron bakit ganito sila kaclose sa akin? Ayan tuloy mas lalo silang nagbulung-bulungan.


"Uy, nahihiya na ako." Mahina kong sabi sakanila pero tumawa lang sila.


"Nahiya ka pa sa ngayon samantalang nung umamin----" Tinakpan ko kaagad yung bibig ni Ash at tinitigan ng masama.


"Subukan mo lang ituloy Ash." Tinaas niya lang yung dalawang kamay niya kaya inalis ko na yung kamay ko sa bibig niya.


"Nga pala Mika-mika, pinagsabihan ko na sila Reah. Hindi na nila ulit gagawin yun sayo, napagsabihan ko na sila. Teka, nasaan ba yung dalawang yun?" Tapos hinanap ni Deziree sabay tinawag niya kila Fia.


"Anong sasabihin niyo kay Mika-mika?" Mataray na sabi ni Deziree.


"Sorry Mikaela." Sabay na sabi nilang dalawa at ramdam ko namang sincere sila kaya nginitian ko sila.


"Gusto sabay tayo magrecess mamaya?" Yaya ko sakanila at napangiti naman silang dalawa.


"Sige." Nginitian ko lang sila.


"Sabay din tayo umuwi mamaya." Sabi ni Ash.


"Ay di pala ako makakasabay sainyo pag-uwi." 


"Bakit may kadate ka ba Mika-mika?" Pang-asar na sabi sa akin ni Deziree.


"Nako, imposible alam naman natin Linta na patay na patay---"


"Tumigil ka Abo, hindi ikaw ang kausap." Tumawa na lang ako sa ginawa ni Deziree.


"Ano, ahmmm. May band practice ako mamaya." Nagulat sila sa sinabi ko, hinawakan pa ni Ash yung noo ko.


"Wala ka namang lagnat." Tapos si Deziree naman hinawakan yung balikat ko at tinitigan ako.


"Sinapian ka ba Mika-mika? Alam namin na heartbroken ka pero wag ka naman magbiro ng ganyan." Napanguso na lang ako sa sinabi nila, hindi ba sila makapaniwala na sasali ako sa band practice?


"Hindi naman ako nagbibiro eh." 


"Oy, oy! Anong ginagawa niyo kay Mikaela?" Biglang singit ni Jerome, gumwapo yata siya ngayon? Bagay sakanya yung bago niyang gupit.


"Hindi sasabay pag-uwi natin mamaya si Mikaela kasi may band practice daw siya." Sabi ni Ash.


"Band practice?! May banda ka Mikaela?" Napabuntong hininga na lang ako.


"O kitams Mika-mika! Maski si Fafa Jerome di makapaniwala, kayo ba Reah?" Napailing din sila Reah, kaya nagbuntong hininga na lang din ako ulit.


"Hindi ko naman sinasabi na maniwala kayo eh, basta ang sabi ko lang may band practice ako mamaya." Iniwan ko na lang sila at umupo sa upuan ko.


"Hala ka Deziree! Lagot!" Pang-asar na sabi ni Ash.


"Hala !Bakit ako?" Hindi ko na lang sila pinakinggan pero biglang may kumalabit sa akin at paglingon ko tumama ang pisngi ko sa hintuturo ni Jerome na nakangiti ngayon.


"Ang cute mo pala mainis." Napakunot noo ako sa sinabi niya at tinaasan siya ng kilay.


"Okay." Umiwas tingin na lang ako sakanya.


"Lagot kayo! Bwinisit niyo si Mikaela!" Parinig ni Jerome kaya biglang lumapit sila Ash sa akin.


"Mika-mika, sorry."


"Uy Mikaela, hindi lang talaga kasi makapaniwala na sumasali ka pala sa ganun." 


"Kasi ang alam niyo lang sa akin ay lagi akong umaamin kay Jerome na gusto ko siya." Natahimik sila sa sinabi ko.


"Mikaela." Mahinang sabi ni Jerome.


"Gusto ko mapag-isa." 


"Mika-mika." Hindi na lang ako umimik kaya umalis na lang sila at pumunta sa upuan nila. Lumipas ang ilang oras na klase hindi ko sila pinapansin hanggang matapos ang klase kaya inaayos ko kaagad ang gamit ko at dumerecho sa music room. 


"Mikaela." Tiningnan ko lang sila Ash, sumunod sila sa akin. Siguro nakokonsensya parin sila sa nangyari kanina. Magsasalita pa sana sila ng biglang dumating si Zen.


"Anong meron?" Nagtatakang tanong ni Zen kaya nginitian ko lang siya.


"Wag mo silang pansinin."  Napatango na lang siya pero nagulat siya ng makita niya si Jerome, binati siya ni Jerome at tumango lang si Zen. Magkaibigan ba sila?


"Woaaaah! Ang daming tao, anong meron dito Zen?" Biglang dating ng ibang lalaki, mukhang kabanda ni Zen yata toh.


"ewan ko dito kay Mikaela? Ay guys, pakilala ko sainyo ang bago kong recruit para sa vocalist natin. Si Mikaela Cervantes." Napa-Hi ako sakanila.


"Mikaela, Meet our Drummer Vince Zy siya yung sinasabi ko sayong dito nag-aaral.Malakas kasi siya principal niyo dito sa school kaya pinayagan kami." Nakipagshake hands sa akin si Vince.


"Welcome to our band."  


"Ha, di pa ako official na kasali sa band niyo. Sabi ko kasi kay Zen pag-iisipan ko pagsumali ako sa band practice niyo." Napatango naman siya sa sinabi ko.


"Okay,kung ganun dapat itest kadin namin kung karapat-dapat ka ba maging vocalist namin. Di ba mga pre?" Sumang-ayon naman yung iba nila kabanda. Waaa, bigla ako kinabahan ah. Tapos nanonood pa sila Jerome dito!


"Sige kung yun ang gusto niyo pero teka muna, Mikaela pakilala ko muna sila sayo. Drummer Vince Zy, Rythm guitarist Reginald Lopez  then sa Bass guitar si Gunder Fruiz at sa Lead guitar , yours truly Zen Reyes." Ngumiti ako sakanila.


"Ano simulan na natin!" Sigaw ni Reginald.


"Ano ba kakantahin mo Mikaela?" Tanong sa akin ni Gunder.


"Uhmm, Pang rock-rockan ba ?" 


"Pwede din." Sabi ni Vince.


"Kung anong sanay mong kantahin Mikaela." Pangiting sabi ni Zen.


"Hmm. try natin yung Misery Business by paramore." Sabay ngiti ko at mukhang nagulat silang lahat sa sinabi ko. 


"Sigurado ka Mikaela?" Sabi ni Ash bigla siyang pinalo ni Deziree.


"Ayan ka nanaman Abo!" 


"Sige, tugtugin na natin ." Pumunta sila sa pwesto nila at pumwesto na din ako. Sinimulan na ni Vince magbilang at sabay sabay silang tumugtog. Waaa! Bigla tuloy ako na excite~


I'm in the business of misery,
Let's take it from the top.
She's got a body like an hourglass, it's ticking like a clock.
It's a matter of time before we all run out,
When I thought he was mine she caught him by the mouth.



Nakita ko reaksyon ng mukha nila nung nag-umpisa akong kumanta, anong akala nila? Wala akong ibubuga. Nagkakamali sila! Kaya nginitian ko lang sila at kumanta lang ako ng kumanta. Ramdam ko naman na gusto nila Zen ang tugtugan, napapahead-bang na nga sila eh hanggang sa matapos ito. Nabigla ako nung inakbayan ako ni Zen.


"Lupit mo Mikaela! Hume-hailey Williams ka ha. Ano, sali ka na kasi sa banda namin!" Sabi ni Zen.


"Onga! Swak na swak sa banda namin." Sabi ni Vince.


"Sasali na yan si Mikaela~" Pakantang sabi ni Reginald.


"Sasali na ako!" Masaya kong sabi sakanila tapos napa-yes sila.


"Practice pa tayo?" Tanong ni Gunder.


"Ay, bukas na lang pwede? Naghihintay kasi sila sa akin eh." Turo ko kila Deziree.


"Sige sige." Sagot ni Gunder.


"Sige, bukas asahan ka namin Mikaela." Sabi ni Reginald, tinaas ko yung right hand ko.


"Promise!" Nag-okay sign sila sa akin. Lumapit na ako kila Ash at nginitian sila.


"Tara uwi na tayo!" Masaya kong yaya sakanila.


"Hindi ka na galit sa amin?" Tanong ni Deziree.


"Hindi na, nailabas ko na sa pagkanta ko eh." Tumawa lang silang dalawa.


"Teka Mikaela." Biglang lumapit si Zen.


"Ano yun Zen?"


"Thank you ha." 


"You're welcome."


"Mamaya ha, usap tayo." 


"Sige, hintayin kita sa bahay ah." Sabay ngiti ko tapos ginulo niya buhok ko at bigla niya pinisil pisngi ko.


"Sige ingat sa pag-uwi niyo magang pisngi." Tas bumalik na siya sa mga ka banda niya, hinawakan ko ang pisngi ko. At ano daw magang pisngi? Bwisit siya ha.


"Oy-oy! Mika-mika, meron ka bang di sinasabi sa amin?"


"Oo nga? Pinagpalit mo na ba agad si Jerome?" Pang-asar na sabi ni Ash, tiningnan ko naman si Jerome, umiwas siya ng tingin sa akin.


"Tara na." Biglang naglakad si Jerome palayo sa amin , nagkatinginan kaming tatlo.


"Problema nun?" Sabay pa naming sabi kaya tumawa kaming tatlo at sumunod kami kay Jerome.


"Grabe, rockers ka pala Mikaela ha." Asar ni Ash.


"Napahead bang kami doon Mika-mika ha." Tumawa lang ako sa sinabi nila.


"Wag ka maging close doon kay Zen." Natahimik sila Deziree sa sinabi ni Jerome , tatanungin sana siya nila Ash pero mas lalo kami nagulat sa sinabi niya.


"Anong sabi mo Jerome?"


"Tss, ayoko si Zen para kay Mikaela."



========================

Vote.Comment.Fan

(c)AKOSICRAZYGIRL ♥ :''> :*

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.3K 466 26
Set in the late nineteenth century Philippines, this classic tale revolves around a fourteen-year-old boy named Nicolas, and his mute, young foster b...
1M 34.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
4.3K 306 28
Sonya Cetera Amarez is a girl who longs to feel God's presence. Kahit na lumaki siya sa isang relihiyosong pamilya, hindi pa rin niya mahanap ang ina...