Behind The Happy Mask

By writerkuno

16K 344 48

Si Marie Crisp, simpleng babae, matalino, palakaibigan at masayahin. Pero sa kabila ng magiging masaya, nakat... More

BHM: Introduction
BHM: Characters of the Story
BHM: I hate you!
BHM: I left alone
BHM: I Survive
BHM: Life goes on
BHM: New Family?
BHM: Bad
BHM: Runaway
BHM: New journey of my life
BHM: Another challenges
I can't take it anymore
Painful chapter of my life (last chapter)
My life 7 years after

BHM: They have good heart

740 20 2
By writerkuno

Simula nung nangyari sa tabing dagat, bigla akong naging mailap sa lahat ng tao. Lalong-lalo na ng malaman ko na ang pinsan ko pala ang lalaking iyon. Nakita niya siguro ako na papunta doon kahapon kaya sinamantala niya.

Nagagalit ako sa kanya. Wala siyang puso! Napakahayop niya! Ngayon, naglalako na naman ako ng gulay, para may ipangbili ng gamit sa school. Tatlong araw nalang at magsisimula na ang klase. Pero kahit isang gamit wala ako. Kung di lang kasi pinakialaman ng walang kwenta kong ama ang pera ko e di sana wala na akong problema ngayon.

"Marie! Ano yang nilalako mong gulay?" tanong ng isang kapitbahay naming tsimosa.

"Ah talbos ng kamote po!" magalang kong sagot.

"Magkano ba yan ha?" tanong niya ulit.

Ibinababa ko naman ang dala kong bilao saka inilapat sa mesang kawayan na nandoon.

"Limang piso po isang supot!" sagot ko.

"Sige bibili ako ng dalawang supot, itong sampung piso" sabi niya saka kumuha na ng dalawang supot ng talbos ng kamote.

"Salamat po! Alis na po ako!" sabi ko saka inilagay ulit ang bilao sa ulo ko.

Tumango lang siya kaya nagsimula na naman akong maglakad at sumigaw. Marami din naman ang bumili ng gulay na nilako ko at dalawang supot nalang ang natira.

Malapit na ako sa may plaza ng matanaw ko ang hayop kong pinsan na nakangising papalapit sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng takot at nanginginig akong mabilis na tumalikod at bumalik sa pinaggalingan ko. Medyo malayo pa naman ang kabahayan sa kinaroroonan ko.

"Marie! Teka lang! Bibilhin ko yang tinda mong gulay!" sigaw niya sa akin. Dahil nanginginig na talaga ako sa sobrang takot, binitawan ko nalang ang dala kong bilao saka kumaripas ng takbo. Narinig ko pang tinatawag niya ako, pero di ako tumigil para lingonin siya.

Pagdating ko sa bahay hinihingal akong napaupo higaan ko.

Nang umayos na ang paghinga ko, binilang ko agad ang perang kinita ko ngayon. Naka 50 pesos pala ako. Tamang-tama may pangbili na ako ng isang kilong bigas at ang natira pagkasyahin ko lang sa gamit ng school.

Nanguha nalang ulit ako ng gulay sa garden ni inay, dahil yun nalang ang uulamin ko. Kahit walang sahog okay lang. At pagkatapos pumunta ako sa malapit na tindahan para bumili ng bigas. Pagkabili, umuwi na ako agad at nagluto na.

Bago ako matuloy, sinigurado ko muna ang pinto at binta ko kong nakagapos ng maigi. Mahirap na, baka pasukin ako dito ng demonyo kong pinsan.

================================================

Lunes na, at ngayon ang start ng klase. Nakabili narin ako ng isang lapis, papel at apat na pirasong notebook. Hati-hatiin ko nalang sa subject ko, habang pinagiiponan ko ang pagbili ng panibago. Naglalakad na ako papuntang school. Sa ibang daan ako dumaan dahil kapag doon ako dadaan sa dati kong dinadaanan, siguradong makikita ako ng demonyo kong pinsan. Kahit medyo may kalayuan itong dinadaanan ko, okay lang keysa naman doon.

"Marie!" tawag sa akin ng bestfriend ko dito sa school. Siya lang ang nag-iisang hindi naniniwala na malas ako. Maliban sa mga teacher syempre. Naaawa narin nga ang mga teacher ko sa akin, dahil sa sitwasyon ko kaya nga ginawan nila ng paraan para mapasama ako sa mga scholar ng school.

"Tara pasok na tayo!" yaya ko sa kanya. Tumango lang siya saka hinawakan ang kamay ko at sabay na kaming pumasok sa school.

"Bakit wala kang bag?" takang tanong niya. Napayuko nalang ako, dahil nahihiya ako plastic bag lang kasi ang pinaglagyan ko ng gamit ko sa school.

"Wala kasi akong pambili e! Yung lumang bag ko kasi, punit na! Di naman ako marunong tumahi!" sagot ko.

"Yaan mo, sasabihin ko kay mama na ibigay ko sayo ang isang bag ko!" nakangiting sabi niya.

"Naku wag na! Baka mamaya niyan palalayoin karin ng mama mo sa akin!" maagap kong sagot.

"Ano kaba! Naaawa nga si mama sayo e! Sinasadya niya ngang damihan ang baon ko, para ibigay ko sayo!" sabi niya. Napayuko nalang ulit ako. Awang-awa naman ako sa sarili ko.

Pagpasok namin sa loob ng classroom. Tulad ng dati, binubully na naman ako ng mga kaklase ko.

"Oi ang malas andito na!" sabi ng babaeng classmate ko. Sa lahat siya ang pinakamaldita at lagi akong sinasaktan. Palibhasa anak ng kapitan nitong barangay namin.

"Malas! Malas!" sabay-sabay namang sabi ng mga classmates ko.

Nakayuko nalang akong pumunta sa upuan ko na nasa pinakalikod. Wala kasing gustong tumabi sa akin, dahil malas daw ako. Kahit nga dumikit lang ang balat ko sa kanila, nandidiri na sila na parang may nakakahawa akong sakit.

"Tumigil nga kayo! Di na kayo naawa kay Marie!" sigaw ng bestfriend ko. Lagi niya nalang akong pinagtatanggol.

"Bakit ka ba dumidikit sa malas na yan! Baka mahawa ka pa ng kamalasan niya!" sagot ng malditang classmate ko.

"Hindi siya malas!" sabi ng bestfriend ko.

"Lina! Tama na yan! Please!" pagmamakaawa ko. Ayaw na ayaw ko talagang may ibang tao ang nasasaktan ng dahil sa akin.

Tumigil nalang ang bestfriend ko saka lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.

"Bakit mo ba ako pinigilan?" nakasimangot niyang tanong. Ginagap ko lang ang kamay niya saka siya nginitian.

Maya-maya lang ay pumasok na ang teacher namin. Tapos nagpapakilala na kami isa-isa. At ibinigay na ang mga kakailanganin naming requirements. Nanlumo naman ako, ng makita kong ang dami-dami pala.

Lunch break na pero andito lang ako sa loob ng classroom. Wala naman kasi akong baon e! Bumili lang ako ng biscuit saka tubig kanina nung recess.

"Marie! Di kapa ba kakain?" tanong ng teacher namin ng mapansin niya ako.

"Ah! Busog pa po ako ma'am" sagot ko naman.

Napailing nalang siya saka tumayo at iniabot sa akin ang isang sandwich at softdrinks na ibinigay sa kanya kanina ng kapwa guro niya.

"Naku bata ka! Masama ang malipasan ng gutom. Oh ito, sayo na!" sabi niya at inilapag sa desk ko ang pagkain.

"Ma'am! Wag na po! Sa inyo po yan eh!" tanggi ko.

"Okay lang ako! Sa iyo na yan! Sige na kainin mo na!" pagpupumilit niya. Sa totoo lang kanina pa kumakalam ang sikmura ko kaya nahihiya man, tinanggap ko nalang saka sinimulang kainin. Nakangiti naman si Ma'am na bumalik sa mesa niya.

"Syanga pala! May mga gamit kana ba?" tanong niya ulit pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Napayuko nalang ako sabay iling.

"Punta ka mamaya sa principal's office! May ibibigay sayo ang principal!" sabi niya. Kaya napaangat ako ng ulo sabay tingin sa kanya.

"Y-yes ma'am!" sagot ko nalang. Maya-maya lang ay tumunog na ang bell. Tapos na ang lunch break kaya nagsipasokan na ang mga classmates ko.

"Marie! bakit di ka naglunch?" tanong agad ni Lina pagka upo.

"Dito nalang ako kumain" sagot ko. Tumango nalang siya saka tumingin na kay ma'am na nag lelesson.

Uwian na, pero dadaan pa ako sa principal office kaya pinauna ko na ang bestfriend ko. Saka ako pumunta ng principal's office. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Good afternoon po ma'am! Pinapunta po ako dito ni Ms. Quichon" sabi ko pagkapasok.

"Ah ikaw pala marie! Halika may ibibigay ako sayo!" sabi niya. Lumapit ako sa table niya at pagkatapos inabot niya sa akin ang isang blue backpack at punong -puno ng laman.

"Ano po to?" takang-taka kong tanong.

"Dinonate yan dito sa school! At kabilang ka sa napiling pagbigyan!" sagot niya.

"Maraming salamat po!" sagot ko. Tinapik niya lang ako sa balikat.

"Walang anuman! Ipagpatuloy mo lang ginagawa mo! Mag-aral kang mabuti!" sabi niya. Tumango nalang ako sa kanya saka nagpaalam na. Tinanong niya ako kong kaya ko bang buhatin ang bag na dala ko. Tumango lang ako sa kanya kahit medyo may kabigatan pero okay lang kaya ko naman e.

Masaya akong umuwi sa bahay. Pagdating ko doon, agad akong nagluto ng pagkain ko at pagkatapos kumain na ako kahit maaga pa. Pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan ko, sinimulan ko nang buksan ang bag na bigay ni principal.

Halos magtatalon ako sa tuwa na ang lahat ng requirements na kailangan ko ay nandoon na at sobra-sobra pa.

Inayos ko nalang ang dapat na dalhin ko sa school bukas at pagkatapos sinigurado ko na ulit ang pintoan at bintana at nakangiting natulog na.

Salamat sa mga taong tumulong sa akin. They have good heart. :-)

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 24 32
Masungit kung tawagin ng iba pero ang totoo ay hindi naman talaga, hindi nanamansin, walang kaibigan, gustong mapag-isa, ilan lang yan sa mga nakikit...
3.2K 337 91
5 King fall inlove with 5 transferie Magbago kaya ang lahat dahil sa pagdating nilang magkakaibigan? --- Isa lamang siyang simpleng babae na gusto la...
3.4K 149 29
Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" ...
346K 2.3K 16
[Part 1] A boyish girl with secrets tucked into every corner of her soul, some even she had yet to discover. Isang babae na kung umasta ay daig pa a...
Wattpad App - Unlock exclusive features