Before the Rain Falls

Por SCRIIVEN

70.4K 3.1K 2.6K

Laisrén Allegre admired the school president, whose encouragement motivated her to excel academically to gain... Más

simula
kabanata 1
kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15

Kabanata 5

3.1K 196 170
Por SCRIIVEN

Kabanata 5

˖⁺‧₊˚ ♡ ˚₊‧⁺˖

I sighed, frustrated. Impossible naman na magkagusto ako sa kaniya . . . ito na yung literal na impossible talaga, 'di ba?

Flirty friendship, uso 'yan ngayon. Yung magkakaibigan kayo pero kung makahirit at makaharot, dinaig pa ang may label.

Or maybe nasobrahan na lang ako sa kaka-overthink, kaya iniisip kong hinaharot talaga ako ng babae kahit ang totoo, inaasar lang pala ako.

Or baka naman kilig-deprived lang ako. Oo, tama! Yun nga siguro. Iniisip ko pa lang na iba parang kinikilabutan na ako agad.

"Nakiusap ka raw sa adviser natin na isali ka sa quiz bee?"

"Yup. Halos lahat na ng mga with honors may extra-curricular activities, tapos ano, kaming mga ordinaryong mamamayan, walang chance? Hindi fair!"

Shae chuckled, her eyes glinting with amusement.

"Okay sana kung hindi utak ang labanan, no," pang-aasar niya.

Inirapan ko siya. "Wala ka bang tiwala sa akin? Muntik na nga ako maka-perfect ng last quiz! Saka fair naman, may qualifying test pa naman para sa mga gustong sumali."

"You already have an extra-curricular activity, remember? Sasayaw ka rin mismo sa araw ng quiz bee." Si Yvo, abala sa paglalaro ng Block Blast sa cellphone niya, biglang sumabat nang hindi man lang ako tinignan.

"Talagang gagawin mo lahat para mapansin ka ni Ramiel, ha?" dagdag niya habang titig na titig sa screen, ang score niya nasa seventeen thousand na.

Mukhang bagong kinahuhumalingan niya ito matapos siyang ma-detention nung isang araw. Seryoso siya sa pag-beat ng sariling record. Minsan parang baliw na ngumingisi bigla tuwing na-cocombo niya ang blocks.

"Kaya ng iba pagsabayin ang academics at hobby, bakit ako hindi?" nguso ko.

Tinapik-tapik ni Shae ang balikat ko. "Support kita, bes. Ako nga, tatlo ang pinagsasabay; trabaho, pag-aaral, at landi."

Yvo and I scoffed. Magyayabang na naman siya na may jowa, tapos maya-maya ay magrereklamo ulit tungkol sa pagiging kupal ng syota niya. This girl really romanticizes toxic relationships. Kahit anong gawin namin para magising siya, tulog-tulugan talaga.

"Balik tayo sa akin," sabi ko, trying to steer the conversation away from her never-ending drama. "Kung gusto ko talagang sumali, may masama ba? Malay mo, manalo ako."

"You'll need more than luck, Rain," ani Yvo na hindi man lang tumingin mula sa cellphone niya.

"Eh bakit ba kasi ang supportive n'yo?" I sarcastically replied, rolling my eyes.

"Actually, kung makapasa ka sa qualifying test, magpapakape ako," dagdag ni Yvo, finally glancing at me with a smirk.

Pinanliitan ko siya ng mga mata na sinabayan niya rin. Halata namang hindi siya naniniwala na hindi ko kaya, para talagang hindi kami magkaibigan. Sila yung tipong pag may nakasalubong kayong dog gang, mag-uunahan sa pagtakbo, kanya-kanya na, at iiwanan ka.

"Deal!"

Nagkukulitan kami habang papunta sa annex para mag-practice ng upcoming dance performance namin. Nang mahagip ko ang ilan sa senior high SSG ay nataranta ako.

Last night, inistory ko ang matataas kong scores, and Ramiel hearted it. Hindi lang niya ni-like-nag-reply siya ng congrats. Nag-thank you ako, at halos hindi makatulog sa sobrang tuwa dahil sa wakas ay napansin na niya ako.

Nagtama ang mga mata namin, he casually smiled.

"Hi, Ramiel. Uhm, nabalitaan ko kasali ka sa quiz bee?" I asked, trying to keep my voice steady.

Rinig ko ang higikgikan ng ilan sa mga kasama niya. Halata ang panunukso nila, pero imbes na mahiya, mas lumapad ang ngiti ko. Yes, please. Asarin niyo pa ako. Ganyan naman diba? Sa kakaasar ng mga kaibigan, kahit hindi mo crush, eventually nagiging interesado ka na rin sa tao.

Inayos ni Ramiel ang suot niyang salamin kaya napakurap-kurap ako. Familiar ang galawan na 'yon, ang signature move ng mga taong naka-glasses. Parang mannerism na nila ang mag-adjust ng salamin kahit okay naman ito. At hindi ko alam kung bakit kaakit-akit ang ganoong gawain nila.

Ramiel nodded. "I heard sasali ka rin at may qualifying test sa section niyo? Good luck. Hope to see you on stage, Laisrén"

Parang tumigil ang mundo ko saglit. Shae's jaw dropped, and Yvo finally looked up from her phone, raising an eyebrow. I bit my lower lip, trying to suppress a squeal. Halos pumalakpak ang puso ko sa tuwa dahil updated siya sa buhay ko.

"Para sa'yo, 'yang good luck na 'yan baon ko buong taon," natatawa kong sabi.

Nag-sitawanan ang mga kasama niya, and Ramiel smiled, shaking his head. Pinunasan ko ang pawis sa ilong ko. Sana lang hindi siya ma-cornyhan at hiyang-hiya na ko rito.

"Paano mo nga pala nalaman? Hindi ko pa naman na-broadcast sa soc meds ko," dagdag kong biro.

May ilan sa paligid na napatingin sa amin. They were obviously curious why the president of the Senior High School Student Government was casually chatting with me. Nakakadagdag ng confidence, at ang sarap makita na may naiinggit.

He cleared his throat. "Leya from the second section mentioned it."

Kumunot ang noo ko. At paano naman sinabi ng babaeng 'yon? Siguradong hindi kalmado ang delivery niya, knowing her. Ano siya, voice personnel ko? Hindi naman ako na-inform na may nag-a-update sa mga trip ko.

"Pres, tara na," one of his friends called, snapping me out of my thoughts.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing nakatitig sa akin si Ramiel. He chuckled, noticing my startled reaction, at nag-init ang mukha ko sa hiya.

Rinig ko ang mga kunwaring ubo ng mga kasama ko.

"I know you'll do well, Laisrén. Keep it up," sabi niya bago lumakad palayo.

Naiwan akong nakangiti na parang wala nang bukas. The thought of him rooting for me was enough to make me feel like I could conquer anything.

I giggled, feeling all giddy inside, and slapped Shae's arm. Tumawa siya nang malakas habang si Yvo ay nakangisi lang sa kalokohan ko.

"Grabe, Rain, nagiging kamatis ka!" tukso ni Shae.

"Pasensiya na kayo," mayabang na sabi ko. "Mukhang kanya-kanya na tayo next year. Yung good luck niya? Nakakainspire mapunta sa mataas na section."

Shae raised her hand, her eyebrows wiggling mischievously. "Magta-top din ako next year, pero hindi ko sinasabing academically."

⭑.ᐟ

Nag-simula ang paghanga ko kay Ramiel noong unang nasilayan ko siya sa campaign para sa senior high school officers. Siguro nga, dahil sa kabobohan ko kaya sobrang hanga ako sa katalinuhan niya.

He looked like he stepped right out of a novel-a smart, handsome guy with glasses that somehow made him even more attractive. Add to that his tall frame, and you've got a total package.

At first, it was just simple admiration, pero habang tumatagal, it turned into something deeper. Kung dati ay napapangiti lang ako sa tuwing naaalala ko siya, ngayon, parang laging may kuryente sa buong katawan ko sa tuwing malapit siya.

OA na kung OA, pero hindi talaga maiintindihan agad ng mga hopeless romantic. Namamawis ang ilong ko sa kaba tuwing magkakataon na makakausap ko siya.

I wasn't the type to sit back and let things happen, though. At dahil sa wala sa bokabularyo ko ang hayaan na hindi ako mapansin ng crush ko, sinisugurado ko na alam niya ang existence ko kahit dignidad ko na ang kapalit.

Kaya nagpasiya akong dumaan sa section two na madadaanan bago makarating sa public restroom. Napangiwi ako nang makita kong hindi pa sila na-dismissed ng teacher nila.

Each classroom has big windows with open blinds, kaya kita mo talaga ang loob ng room from the hallway. Since I was curious, I peeked. Nasa tabi lang ako, pasulyap-sulyap para makasilip.

Agad na tumama ang mata ko kay Yancy. She was standing near the front, adjusting her glasses while confidently reciting an answer.

"A political party is an organized group of people or bodies who seek to capture political power through an election in order to run the affairs of a country. It often puts forward candidates for public office . . ."

I was awestruck, and it made my stomach churn. Napabuka ang labi ko dahil ngayon ko lang mismong makikita nang actual ang galing nito.

Yancy looked bored, as if the answer was just another repetitive essay she had to recite.

As if it were some unexplainable habit of mine, my eyes drifted to her uniform again.

Ngayon, nasa loob siya ng classroom, nasa mismong school facility, at maayos ang pagkakasuot niya. Everything was in place; her blouse neatly tucked in, her tie perfectly aligned. Oddly enough, her polished appearance didn't sit well with me.

She looked like the picture-perfect student model.

What lingered in my mind was her image from the back of the school; nakabukas ang long sleeve niya kaya kita ang hapit na puting sando at ang maluwag na necktie na parang basta na lang nakasabit.

It was a mess, sure, but it was the kind of mess that made me stop and take notice. Masarap ayusin . . .

There was something about that casual, almost reckless look of hers that felt so unsettling; like it was a secret meant only for someone. Parang hindi dapat makita ng iba ang ganoong itsura niya. Nakakailang isipin na may iba pang nakakita sa kanya na ganon, as if it was something too personal, too intimate to be shared.

Napakurap-kurap ako, kinakabahan sa direksyon ng iniisip ko.

Grabe, Rain, nagrerecite lang manghang-mangha ka na! Baka naman i-recite lang niya ang multiplication table one to ten, mag-'I do' ka na agad!

I was mid-crisis, spiraling into my own absurd thoughts, when I noticed her shift in her seat. Napansin siguro niya ang mga mata kong nakatutok kaya bigla siyang tumingin sa direksyon ko.

I froze, swallowing hard as I felt the sweat bead at the tip of my nose.

Napatingin siya nang diretso sa akin, at halatang gulat siya nang makita ako.

I gulped and tried to wave casually, kahit ramdam na ramdam ko na parang may marathon sa dibdib ko. I smiled back, hoping it looked genuine and not as awkward as I felt.

She gave a slight nod before looking away, but that small gesture was enough to send me spiraling into a full-on internal meltdown. Pinaypayan ko nang mas mabilis ang sarili gamit ang panyong hawak ko.

Bumuntong-hininga ako nang malalim.

Paminsan-minsan, pinupunas ko rin ito sa pawisang noo ko habang nakatayo sa harap ng classroom nila. Ilang minuto lang ang lumipas bago mag-dismiss ang teacher nila.

Some students walked out, their brows furrowed in confusion as they glanced at me, probably wondering what I was doing there. I ignored them.

Ramdam ko ang lalo pang pamumuo ng pawis sa ilong ko nang makita ko siyang nagliligpit ng gamit niya. Hindi ko maiwasang mapako ang tingin ko sa bawat kilos niya.

"Uy, miss, ikaw yung manliligaw ni Yancy, 'di ba?" tanong ni Owen, loud enough for everyone nearby to hear.

Napatigil ako, feeling confused and caught off guard. Ilang weeks na, pero stuck pa rin sila sa inside joke na 'yan?! Seriously?

I shot Owen a sharp glare, raising an eyebrow.

"What made you think na hindi ako straight?" sarkastikong sagot ko.

Okay, that came out wrong. But I'm getting so confused here, and them teasing me about liking a girl doesn't help at all! Shit lang.

Ang hirap kaya kapag binubugaw ka ng mga kaibigan mo sa isang taong wala ka namang gusto. Pero dahil sa kakulitan nila, parang gumaganda tuloy sa paningin mo ang taong iyon!

Nagkatawanan ang mga kaibigan niya, at ngayon lahat ng atensyon nila ay nakatutok na sa akin. Sinubukan kong maglakad papalapit kay Yancy, pero biglang hinarangan ako ng isang babae mula sa likod.

Napataas din ako ng kilay sa kanya.

The girl chuckled, halatang naaaliw sa reaksyon ko.

"Well, it is Yancy we're talking about," aniya na parang napaka-obvious ng sinasabi niya. "She's a total gender-bender. Sa itsura niya ba naman? Paanong hindi ka mababaliko?"

Now it was my turn to frown, my brows knitting together in annoyance. What the hell was that supposed to mean?

I was about to retort, but then I noticed Yancy approaching.

Tumigil ang usapan ng grupo nang makita nilang naglalakad siya papalapit. Napatuwid ako ng tayo. My breath hitched when she stopped right in front of me, clutching her neatly packed bag.

Halos ma-suffocate ako sa bango ng perfume niya. It wasn't the usual sweet scent most girls wore. It was musky, sophisticated, and perfectly balanced, not too overpowering, at sakto lang ang intensity para hindi nakakasawa amuyin.

Napapikit ako nang bahagya.

"Ulan, kanina ka pa dito?" tanong niya.

I froze, unsure what to say. My mind went blank, at ramdam kong namumula na ang mga pisngi ko. Tumawa ang buong grupo niya, may halong tukso ang hagikhik nila. Nagsikuhan pa na parang mga batang nangupit at kailangan i-sekreto.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo, gusto ko lang sabihin na may qualifying test pa kami bago makasali sa quiz bee."

Nagkatawanan ulit ang mga kaibigan niya. Owen even whistled.

"Ganyan na pala ang mga hokage moves ngayon, maem? Sigurado bang sa academics magpapaturo at hindi sa romansa-"

"Hindi na komportable si Ulan sa biro niyo," sita ni Yancy, kunot ang noo.

Tumigil bigla ang tawa ng grupo, pero ramdam ko pa rin ang asar na mga ngisi nila. Inirapan ko sila. Baka gusto nila ng biography ko na since elementary hanggang ngayon ay puro lalaki lang ginugusto ko.

Wala naman akong problema sa rainbow community, pero ang mga naging crush ko noon puro lalaki. At saka, hindi ko talaga ma-imagine ang sarili ko na magkagusto sa kapwa babae . . .

Napasinghap ako nang mapatingin si Yancy sa akin. Nagkatitigan kami, at nagtatakang tinaasan niya ako ng kilay.

Napako ang tingin ko sa labi niyang binasa niya. I couldn't help but stare.

"Libre naman ako ngayon," she said. "Pwede kitang turuan ngayon, or next time sa preferred date mo. Alin ba ang gusto mo?"

"Ikaw . . ."

Her eyes widened slightly at my answer. Napakurap-kurap ako, suddenly realizing what I just said.

Shit, shit. "I mean, ikaw na bahala," I added hastily, trying to recover. I laughed nervously and waved my hands dismissively. "Pero maraming tao sa library ngayon. Pwede rin sa café, pero nagre-reklamo ka sa ingay."

Umiwas siya ng tingin. Nagpunas ako ng gamit ang panyo agad. Ang daming pawis ko kahit nakatayo lang naman ako. Hindi rin naman mainit ang paligid, malamig pa nga ang pawis ko at para akong kinakabag.

"Walang tao sa bahay namin ngayon . . ." nag-dadalawang isip na sabi niya, as if speaking to herself, but it was loud enough for me to hear.

I unconsciously licked my lips.

"Sa bahay niyo . . . mo ako tuturuan?" halos mautal ako sa tanong.

Pareho kaming nagulat nang maghiyawan ang grupo niya. Nagtawanan sila at ang lakas ng asaran nila! Nandito pa pala sila. Na-overwhelm ako sa kaba kaya hindi ko na halos napansin ang paligid.

Napa-ayieee ang mga kaibigan niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa hiya, at ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko.

Pansin ko rin ang pamumula ni Yancy. She adjusted her glasses and tightened her grip on her backpack, obviously flustered.

"Arts and crafts ba ang subject na pag-aaralan niyo?" biro nung babae, natatawa pa rin.

"Gago ka, Vien," sagot ni Owen habang humahalakhak. "'Yan ba yung meme mo na dalawang babae na nagguguntingan?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig. My jaw dropped as my brain slowly processed the R18 context. Hindi naman ako inosente para hindi mag-gets!

"Stop teasing her. We don't have a thing like that," Yancy said firmly, silencing them.

Napatingin ako sa kanya pero iniwas din agad ang tingin. The awkwardness between us grew heavier.

Saglit siyang nakipag-usap sa mga kaibigan niya. Mukhang hindi pa rin siya tinigilan ng tukso kaya naiiling siyang tumalikod sa kanila. Tahimik ako nag-hintay hanggang sa maglakad na kami sa hallway papunta sa labasan.

Mukhang sa sakayan ng tricycle kami papunta, kaya tahimik akong sumunod sa likod niya. Naiilang akong lumapit o bawasan ang distansiya namin. Nang pumara siya ng tricycle na walang sakay, napaatras ako nang bahagya, nagdadalawang-isip kung dapat ba akong tumabi sa kaniya.

Yancy's jaw tightened, her brows furrowing as she glanced at me. Tinaasan niya ako ng kilay, halatang hinihintay ang kilos ko, almost offended by my hesitation.

Bumuntong-hininga ako.

Napilitan akong sumakay. Umupo ako sa gilid, ingat na ingat na huwag siyang masagi. My heart raced when I felt her skirt brush lightly against mine. Para akong napaso, kaya lalo akong gumilid, kahit sobrang lapit ko na sa gilid ng tricycle. Malaki na ang agwat sa pagitan namin, pero parang kulang pa rin ang distansiya.

I heard her scoff, low and almost mocking.

"Sa Casa Subdivision po, dagdagan ko na lang pamasahe, Kuya, sa looban kami," sabi niya kay manong driver.

I stared straight ahead, pretending to focus on the road, even as her presence loomed beside me. Mabilis ang tibok ng puso ko nang umandar na ang tricycle.

Tahimik na ulit ang paligid namin, maliban sa ingay ng mga sasakyan at sa mga taong sobrang lakas na nag-uusap sa mga gilid, at taimtim akong nagdarasal na hindi niya narinig ang paghinga at ang pagkabog ng dibdib ko.

I was fiddling with my handkerchief when she cleared her throat.

"I'm sorry about them," she said suddenly, breaking the silence. "Naco-conscious ka na ba around me?"

Umangat ang tingin ko sa kaniya, nagulat ako sa sobrang lapit namin. Hindi na ito maiiwasan dahil hindi naman malaki ang espasyo ng tricycle. The space between us seemed even smaller now, and I could feel the warmth radiating from her side.

Bahagya akong tumango, trying to ease the growing tension between us. I tilted my head slightly, searching for a way to cut through the awkwardness.

Ilang hibla ng buhok niya ang malamyang lumilipad sa hangin, pilit kong iniwasan ang tingin doon. Para hindi mapansin ang kaba ko, hinawi ko ang mahaba kong buhok na lagpas-kili-kili at itinali ito nang maayos.

Nahuli ko ang mabilis na paglingon niya sa leeg ko nang ma-expose ito. Her gaze lingered for a moment, making my pulse race faster.

Mas gumaan ang pakiramdam ko sa hangin na dumadampi sa balat ko. Pumungay ang mga mata niya, saka ibinalik ang tingin sa mukha ko.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"So, saang part ka ng rainbow flag?" diretsang tanong ko

She looked surprised yet amazed by my sudden approach, as if she didn't expect me to ask something so direct.

Umangat ang sulok ng labi niya. Hindi niya iniwasan ang matalim na titig ko.

"Gusto ko ng babae, Ulan," pag-amin niya.

Napakurap-kurap ako, pakiramdam ko'y naglaho lahat ng ingay sa paligid. Napalunok ako, biglang natuyo ang lalamunan ko. Matagal akong natulala sa kaniya, hindi alam ang i-sasagot or hindi agad nag-function ang utak sa bigla kahit expected ko naman na siguro?

Then she chuckled, soft and low, breaking the silence.

"Para kang nauutot," pang-aasar niya.

"Excuse me?!" sagot ko agad, pilit tinatago ang pagkataranta. "Nabigla lang ako, okay? Ano ba dapat kong sabihin 'congrats for coming out of the closet'?"

She laughed again, a soft hum of amusement that felt like music to my ears. Hindi siya sumagot kaya kunwari'y inismaran ko siya.

"Inaasar nila ako sa'yo . . . hindi ka naman siguro mahuhulog sa akin, di ba?" paninigurado ko.

Napangisi siya. "Don't worry, hindi naman kita dadakmalin."

"Ano?!"

"Kalma," pilyang sabi niya. "Oo, nagkakagusto ako sa babae . . . pero may taste ako, Ulan."

Napanganga ako sa narinig. Ang sinasabi niya ba ay hindi ako kagusto-gusto? Napipikon ako. Parang ang dating ng sinabi niya ay nakaka-offend! Para naman n'yang sinasabi na kahit ako na lang ang natitirang babae sa buong mundo, hindi niya ako papatulan.

"So, sinasabi mo bang impossible na magustuhan mo ako?" I asked, incredulous. "Iniinsulto mo ba ako?"

Yancy licked her lips, her gaze never leaving mine. Her eyes sparkled with amusement, and the corners of her mouth twitched as if she was holding back a laugh.

"Hindi lang kita type, Ulan. Gano'n lang 'yon," nakangising sabi niya.

"Bakit?" mabilis kong balik, naiirita.

Napipikon na talaga ako. She looked amused, her eyes lingering on my face far too long. Umirap ako sa kaniya.

Sabay kaming napaigtad nang biglang umalog ang tricycle nang dumaan kami sa humps.

"Muntikan na!" sabi ni manong driver, humihingi ng paumanhin, pero wala sa aming nakasagot.

Pareho kaming natigilan sa nangyari, lalo na dahil sa posisyon namin ngayon.

Halos mauntog ako kung hindi lang siya mabilis na kumilos. Nilagay niya ang kamay niya sa likod ng ulo ko, naka-alalay ito nang maingat para hindi ako mauntog. Ang isa pa niyang kamay, bahagyang nakaangat malapit sa bewang ko, parang handang sumalo kung sakali.

The sudden closeness stole the air from my lungs. Her face was inches from mine, so close that I could see her thick eyelashes and how her pupils were big, like a doll's.

Bahagyang umawang ang labi niya sa gulat, and I felt like time slowed down as I stared at her wide, surprised eyes.

Ramdam na ramdam ko ang hininga niyang amoy strawberry, and it only confused me more because of the sensation.

Nervous, I licked my lips, my body reacting on its own. Nahuli ko ang mata niyang bumaba sa labi ko, pansamantalang nagtagal doon, I could feel the shift in her breathing.

I nearly lost my breath when she mirrored my action, moistening her lips too.

My stomach flipped at the sight. Pakiramdam ko, mawawalan ako ng hininga.

"Bakit, Ulan . . . dapat ba kitang maging type?"

Seguir leyendo

También te gustarán

176K 4.1K 56
"Because in this defeat, I found something far greater than any of their victories."
376K 2.9K 15
Achilles Heel Series #2 Status: Completed -- Everything started with a mistake - Jamie accidentally kicked Florence in the face, making him bleed. Fr...
387K 8.2K 48
COMPLETED ‼️ Content: PROFESSORS/ BLACKMAIL / LOVE TRIANGLE 📌
Meet Lucy Por 🪽

Ficción General

61.4K 2K 50
Katrina Angeline Casabueno, the angel in disguise professor, meets Lucy Natsume, a half-Japanese, devil-incarnate new student at Javier Valero Univer...
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas