The Gang's Prized Possession

By YouNique09

1M 29K 3.9K

There are three silent rules in Bridgeway High when it comes to the Black Blade. First Rule: Everyone owns th... More

The Gangs Prized Possession
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter A
Chapter C
Chapter D
Chapter E
Chapter F
Chapter G
Chapter H
Chapter I
Chapter J
Chapter K

Chapter B

21.2K 546 71
By YouNique09

(Unedited)

Chapter B

"You'll make it out alive baby, don't worry" Logan laughed as we both stared at San Antonio University's main gate.

"I will be a zombie...I'm sure of it." Pagkatapos kong pagdaanan ang sandamakmak na Orientation, I came to a conclusion na magiging zombie talaga ako sa daming gagawin. But then, kapag gusto ko hindi naman ako mahihirapan diba? Still, hello eye bags. First day please be good to me.

"You're going to be a pretty zombie," Logan said, rubbing my back. "And he will still love you."

"Oh shut up"

"What? I'm telling the truth."

"I know but it's not helping the situation."

Logan shook his head before laughing again. Nag park na kami kanina pa pero hindi ko parin magawang pumasok at makipag sabayan sa ibang students.

Everything is so different. Not that hindi ko pa iyon napansin, orientation palang kasi feeling ko nasa ibang mundo ako.

Life just gave me a reality check that day.

"There are a lot of things waiting for you not just this," Logan said. "For god's sake it's the first day of class, wag mo kong tignan na parang magkaka nervous breakdown ka sa gitna ng daan. Papatayin ako nung nasa France!"

"Oo na!" Pagtataray nalang talaga ang naging defense mechanism ko.

Inhale. Exhale. You've been in and out of the SAU last week Calliope, hindi ka na mawawala. You can do this.

Funny how a girl like me with overflowing confidence ay kakabahan ng ganito. College can do that to you. Sabi nila ay makakakita ako ng iba't ibang klase ng tao dito and I already saw a glimpes of that noong orientation. Iyong iba ay matitino naman dahil halos lahat ay galing sa mga Elite families and scholars. But then kakaonti palang ang nakikita ko non.

"Come on, hatid na kita sa first class mo."

Pumasok na kami. I'm wearing something comfortable today, di katulad nung iba na parang may fashion show na pupuntahan. For heaven's sake this is a University not New York! May dress code rin naman dito but the students neglect it dahil may maibubuga naman sila. They know they can bend the rules with money kaya ganon. Sa mga University na katulad nito, Money speaks. Buy despite of that, the quality of education speaks too.

"Sa Buenaventura rin yung sa'yo diba?" tanong ko kay Logan, pansin ko ay pinagtitinginan na siya. Ganito rin yung nangyari nung orientation, buti nalang ay sabay yung schedule ng course namin. I know he'll be an instant heartthrob, paano pa kaya kung mag laro na siya sa U-games?

"Yep, just two floors higher than yours," he answered, casually showing his hands in his pockets. He seemed oblivous to the stares. Sabagay, kahit nung nasa Bridgeway kami pili lang ang mga babaeng binibigyan niya ng atensyon. Siguro ay nagbubunyi na yung mga taga Dela Merced Uni. ngayon dahil sa kanila napunta ang dalawang playboy. Tood bad for them. It will be a new environment for the two monkeys and girl hunting will be first on their agenda instead of learning. Ang hinihiling ko lang ay sana makahanap doon ng girlfriend si Josh. He deserves a girl.

"Pag walang prof kita tayo?"

Tumango ako. "Yes, sigurado akong wala. Out of all my three classes today siguro iisa lang ang prof na papasok."

He chuckles. "We'll eat at Hemlock's and meet with the others."

"I almost forgot na nagkalat ang Black Blade dito"

"And they'll be watching you, don't forget that"

"I won't," tumawa ako. Leo, X, Blue, Ivan, KT, and Jett are studying here. May iba pa kaso nakalimutan ko na. Nalaman at nakilala ko sila dahil sa madalas kong pag punta sa Olympus, not to party but to hang out. Madalas kasing tumatambay ang Black Blade roon pag hapon. Ang branch na iyon ng Delevinge Hotel ang nagsilbing hideout nila dahil hindi lang naman ang Olympus ang nakatayo roon. Their kingdom ranges to the bottom.

Natanaw na namin ang building kung saan naroon ang first class namin. The thing I like about SAU is that ramdam mo talaga ang nature dahil sa dami ng puno, lalo na ang pine trees. Super fresh and clean. Kumpleto talaga ang lahat ng facilities, they also have an art gallery which is nice. Sabi nila ay madalas daw na may ibang students na pumupunta dito just to check it out.

Malaki rin ang parking space dito but Logan and I chose not to park here sa loob. Mas maganda nang sure kaysa makipag agawan pa ng parking space. Halos lahat kasi ay may sasakyan talaga, yung iba ay hinahatid lang kaya palaging may traffic sa main gate dahil sa mga sasakyang nasisipasukan.

Malayo kasi ang distansya ng bawat building dito sa isa't isa kaya kung trip mong mag lakad pwede naman, pwede ring mag jeep, but mostly students prefer to drive.

May mga chain of restaurants din dito but mahal ang bilihin, keri naman but others prefer Hemlock's, ang resto na tatak SAU dahil puro SAU students ang customer nito. Balita ko nga ay ilang beses nang nagpa expand ang Hemlock's to accompany more customers. Doon kami kumain ni Logan after ng orientation and nung erollment.

Siguro ngayon lunch ay doon rin kami. Sabay kami ng time every monday and wednesday.Magkaiba naman kami ng rest day.

I hugged Logan before entering my first class, he give me a thumbs up at hinintay muna akong makapasok bago umalis.

I took a deep breath before entering. Hindi ako late, in fact I'm 10 minutes early. Halos kalahati ng room ay occupied na. Nilibot ko ang mata ko find some familiar faces pero wala. Sana pala ay tinignan ko ang schedule ng ibang boys, baka sakaling kasama ko sila sa isag klase. Wala naman kasing regular student sa kanila eh. Puro irreg. Sabi ni X ay mas busy sila sa sports, yung iba ay bulakbol lang talaga.

Nalaman ko na part sila ng Football team ng SAU, kasama niya si KT. Naka schedule na nga sa'kin ang first game nila, Logan and I promised to be there to support our co-Black Blade.

Umupo ako sa bandang gitna. Halos babae ang narito, inasahan ko na iyon sa course na kinuha ko. Mas marami talagang babae.

I don't really plan on making friends, I can manage alone naman eh. But I'm not restricting myself from being acquianted with other people. I need that. Kahit naman noong high school palang. Si Bommie lang ang kaibigan ko, pinapasin ko lang ang iba tuwing may group works o kaya reporting. Hindi naman pwedeng wala nalang akong sabihin and I sure hell won't let others dictate what I should and shouldn't do.

I don't like to be surrounded by a big group na puro plastikan lang naman ang nangyayari. O kaya ay isang pagsubok palang ng friendship ay bibitaw na agad. Better hang out with the people I know nalang. I suddenly wished na sana andito si Bommie. Kahit na naka pasa siya dito, mas gusto parin ni Lance na sa ibang bansa siya pag aralin.

Halos ganon naman eh. Balita ko sa ibang schoolmates ko ay nasa ibang bansa na rin. Palaging updated ang mga social media accounts eh.

Inilabas ko muna ang phone ko habang wala pang prof. I have a few text messages from the boys wishing me goodluck on the first day. Nireplyan ko sila, telling them goodluck too. Alam kong kayang kaya nila iyon.  My three boys are going to dominate DMU.

I smiled at the last text message. Nang umalis ako ng condo wala pa 'to.

From: Devil's spawn

Goodluck on your first day baby, wish I was there with you.

"Laki ng ngiti ah, may boyprend ka na kalyop?"

"Ethan?" Nagulat ako nang mag appear siya sa tabi ko, actually naka silip na siya sa screen ng phone ko. Half of his body is leaning towards mine. Tsismoso ang loko.

"Namali ka ata ng room," nangunot na ang noo ko ngayon. Hindi naman kami parehas ng course nito.

Ngiting-ngiti niyang hinugot ang schedule niya sa binder na nakalapag sa lamesa. "Sabi dito room 407, 2nd floor, Buenaventura building! Tama naman tong pinasukan ko!"

"Hindi naman tayo parehas ng course eh!"

"Irregular ako, busy kasi eh" he shrugged. "Ito lang yung kinuha ko kasi ito lang yung klaseng fit sa gen. psyc. ko. Tsaka andito rin si Kia ko, ayun oh!"

Itinuro niya ang isang babae na naka upo sa unahan at naka earphones lang, ignoring everyone around her.

"Hindi pa kayo diba?"

"Oo!" Proud pa ang loko.

"Why naman? Sa gwapo mong yan?" Tinapik ko ang balikat niya.

Kilala ko si Kia sa mukha dahil nakilala ko na siya noon, pero hindi ko pa siya nakakausap ko ano. She's Chloe's best friend.

"Wala eh," Ethan just smiled, gazing at Kia. "Kung ayaw pa niya, okay lang sa'kin. Hindi naman ako nagmamadali."

"Aww you sound so mushy!" I gushed before looking at Kia. "1-A rin siya?"

"Oo, kabisado ko na schedule niyan."

"Stalker ka."

"Bakit ba? Kung andito si Vini, ganon rin gagawin non sa'yo eh. Siya yung ka text mo kanina 'no? Miss mo na?"

Inirapan ko siya. "Kailan ka pa dumaldal?"

"Napadalas kasi pag sama ko kay Ean dahil sa kakabuntot kay Kia. Nahawaan na yata ako" Napa kamot siya ng ulo before laughing. "Isang klase lang tayo magkasama, sayang!"

"Edi isang klase lang kayo magkasama si Kia?"

"Sayang again."

Hindi pa naman sila ganon katagal ni Kia. Hindi pa nga sila eh pero alam ko talaga nangliligaw itong si Ethan. Tinamaan ng bongga ang loko. Ignorante nga lang itong si Kia. Chloe's said ganon talaga iyon.

"Diba ex ni Kia si Drake?"

Ethan just smirked. "Mas gwapo pa ko 'don!"

"Wala naman akong tinanong kung sino ang mas gwapo eh,"

Nagkibit balikat nalang siya. "Oo pero matagal na 'yon. Si Barbie ba nakita mo na?"

Ang bilis mag change topic nito.

"Hindi pa. Kahit yung ibang members, hindi pa rin."

"Mamaya mo makikita yon! Puro higher year ang mga Black Blade na narito ano?"

"Oo, it still feels weird seeing them outside Olympus."

"You hang out in Olympus often?"

"Three times this past two weeks, why?"

He just shook his head and smiled. "You really are one of them"

   "Bye ganda!" Ethan waved habang naglalakad na sila palayo ni Kia. Our conversation went on hanggang sa kung saan na ito napunta, hindi na nga namin napansin na wala palang prof.  Buong oras ng klase ay napasin ko ang pag ignore ni Kia sa lahat. Wala talaga siyang kinausap, nakatungo lang siya sa desk. Ethan said may oras talaga na galit iyon sa tao, madamdamin daw kasi. He said mahirap siyang espilingin. Whatever that means.

Kitang kita ko pa ang pag sunod ng mata ng ilang students kay Ethan. Alam kong immune na ang mga tao dito sa gwapo, Ethan is just an addition.

Hindi naman malayo ang second class ko dito, pag pasok ko doon ay nag hintay lang ako ng 30 at wala paring prof na dumating. Lumabas na rin ako when the others started leaving. Nakasalubong ko pa nga si Kia pag labas. Blockmates kami, I'll be seeing more of her than Ethan.

I texted Logan na wala kaming prof and it's already my break time. Parehas kami ng oras, sana ay wala rin silang prof para may kasabay ako.

Naupo muna ako sa bench habang nag hihintay ng reply.

My phone vibrated after a few minutes.

From: Logan

Sorry baby may prof kami eh :/ enjoy your free time without me

I sighed. I still have an hour para sa dapat ay klase ko ngayon and two more sa break.
Tatayo na sana ako when my phone vibrates again.

From: Logan

Break time nila X ngayon, sama ka nalang sa kanila. I already texted him. Just tell him where you are.

Right on cue, nag vibrate ulit ang phone ko at galing kay X ang text, tinatanong kung nasaan ako.

Sinabi ko ay nasa labas lang ako ng Buenaventura Building, sa benches malapit sa parking lot.

Hindi na muna ako umalis dahil hihintayin ko pa sila. Ilang minuto pa ay natanaw ko na ang grupo ng mga lalaki na palapit sa'kin.

"Uy payungan mo yung reyna, mainit kaya!" X nudged KT's shoulder kaya napa irap ako. Sila lang dalawa ang kilala ko. There were four of them. The other two weren't familiar. Well yung isa lang pala. Yung lalaking mukhang wala paki alam ay nakikita ko sa Delevinge Tower. Habang yung isa naman ay ang lapad ng ngiti sa'kin.

"Gago hindi nakakamatay ang init!" Inis na tugon ni KT kay X.

"Oo kaya! Marami nang namatay sa Heat stroke pati aso!"

Ang laki talaga ng ngiti sa'kin nitong isang kaya nailang akong mag salita.

Napansin naman iyon si KT kaya binatukan niya yung lalaki.

"Wag mong pagnasaan Tom, may boyfriend na yan. Baka gusto mong umuwi pa iyon sa pilipinas at bugbugin ka"

"Sumbong kita kay Sasha, binatukan mo ko!" Tom said, rubbing the spot where KT hit.

"Mag sumbong ka! Babatukan ulit kita sa harapan niya!"

"Ignore them, Hera." Calixx laughed before winking at me.

"I thought her name was Cara," nangunot naman ang noo ni poging Archi student na taga 16th floor. Sure akong siya iyon. Ito yung kinababaliwan ni Chloe eh kaya inis na inis si Seth.

"Wala ka don pre," Calixx dismissed. "Tara kain na tayo. Baka hambalusin ako ni Master ng Eiffel Tower pag ginutom kita"

I rolled my eyes. Ni hindi man lang ako naka tyempo ng bati. Sila na lahat nagdala ng usapan.

"We have a rule," bulong ko kay Calixx. Referring to our codename rule. Bawal tawagin ang members by codename sa labas ng Olympus. Nasanay na nga akong tawagin sila by codename.

"Rules are made to be broken, our queen." Calixx winked.

We hung out in Olympus later that day. It wasn't so bad naman pala eh. May nag approach rin sa'kin and I chose to be nice to them than to ignore them. But I don't see myself hanging out with them. Halos puro girls naman kami sa section. Bilang lang ang lalaki. Isa professor nga lang ang pumasok at last class pa, akala ko nga hindi na uso sa college ang introduce yourself. Nagkamali pala ako.

Wala naman akong homeworks dahil iisa lang naman ang prof na pumasok kaya wala akong gagawin. Logan chose to so his homework here to be with me at dito na rin mag dinner. Hinihintay lang namin ang take out ngayon. We're in the game room, the other boys were either playing pool, air hockey, or darts. Himala nga at walang gumagamit ng x-box.

"Heraaaaa! Sali ka dito!" tawag ni Jett sa'kin. Natalo ko silang lahat sa Air Hockey last time, alam kong ito na ang hinihiling nilang rematch. Lalo na ito si Jett, I think I bruised his ego.

"Hindi ka na ba nadala, Jetthro?" binigyang diin ko ang pangalan niya, he hates his full name, bago agawin ang disk kay Blue.

"I'm telling you dude, she's the queen of air hockey" natatawang sambit ni Blue before stepping aside.

X laughed, katabi lang naman ng air hockey table ang pool table kaya narinig niya siguro. "She's the queen of everything!"

"Jett, pag natalo ka dyan ikaw magbabayad ng take out natin!"

"Oy putangina nyo unfair!" Angal agad ni Jett at mabilis na umiling.

"Life is unfair, live with it bruh!" X retorts with a loud laugh.

"If I lose then ako ang magbabayad," I smirked. Ang dami pa naman namin ngayon. First day of class, hanggang first week ay hindi pa stressful. May orientation nga para sa mga org. bukas and I'm planning to attend some.

"Magpatalo ka pre," Blue said. "Baka mapatay tayo ni Zeus pag nalaman niyang si Hera ang nagbayad ng pagkain natin"

"You guys are so afraid him, wala na nga siya dito" I said. It just came out. Walang araw na hindi na me-mention ang pangalan ni Vini kapag kasama ko ang mga 'to. They probably miss their Master. I miss him too.

I made a mental note to call him later.

"You're not a true member if you're not afraid of him," KT said. "Even though he's younger than us, bilib ako sa kanya."

I only smiled at KT's words. I remember how Vini announced na aalis na siya and he's going to pass the throne to the second best. Una palang, the four wanted him to stay. Halos lahat rin ay ayaw tanggalin sa kanya ang title ng pagiging Gang Leader. So he chose to stat because the members wanted him to.

"Simulan niyo na para pag dating ng pagkain may magbabayad na!" X yelled.

Binato ko ang disk kay Jett at nagsimula na kami.

In the middle of playing, with me winning, nag vibrate ang phone ko. I fished it out of my pocket and slide answer without checking the caller ID.

"Hey baby," A wide grin touched my lips nang marining ko ang boses niya.

"Hey!" I mentally cursed nang maka score si Jett so my casual 'hey' came out as a yell.

"What's with the tone?" nagtatakang tanong ni Vini.

"I'm currently playing air hockey with Jett with one hand," I laughed when I scored again. I stucky my tongue at Jett and he rolled his eyes at me.

"Air hockey? You're in Olympus?"

"Yep, wait a sec!" Inilayo ko muna ang phone sa tenga ko. "I won!"

"Woooo! Jett! Handa mo na pera mo!" The others cheered.

Inilapit ko ulit ang phone. The others gave me knowing looks nang bumalik na ako sa sofa kung nasaan si Logan.

"Facetime nalang tayo," request ko.

He groaned, "Mang e-epal lang yung iba pag nag facetime pa tayo!"

"Ayaw mo ba silang makita?"

"Ayaw."

"Ang sama mo! Miss ka na kaya ang mga alagad mo!"

Ni-loudspeaker ko na at inilayo ang phone. Alam ko namang nakikinig ang mga kupal na 'to sa usapan namin.

"Oo nga Master! We miss youuuu! Sa mga ganitong araw nililibre mo kami!"

In-end ko ang call at ako na ang nag request ng facetime. He accepted it at agad namang nagsilapitan ang mga kupal sa likod ng sofa para maki epal.

I was in the middle at halos palibutan na nila ako, iyon ang eksenang bumungad kay Vini.

"Puta magsilayas kayo dyan!"

"Master naman! Gusto ka lang namin makita!" Blue laughed. "Mukhang pumupogi tayo ngayon ah! Ganda ng epekto ng hangin ng Paris sa'yo!"

"Pag umuwi ka dito pre alam mo na kung ano yung pasalubong ha! I like 'em tall!"

"Bigyan kita ng poste gago ka" bagot na sagot ni Vini.

Halos nagsi-siksikan na sila para magkasya lang at makita sa camera.

"So babe, how was work?" casual na tanong ni X.

"Tangina mo"

"I love you too pre. Miss na miss na kita, miss ka na rin ng kama natin"

"Oyyyy! Tama lang yung dating namin!" Tumawa ako nang makisiksik rin si Jace at Rix.

"Masterrrrrr! Fuck you pre umuwi ka na!"

"Sabi sa'kin ni Logan kanina may nangliligaw na daw kay Cara dun sa SAU" napa 'tsk' naman si Rix bago umiling.

They will never let this moment pass talaga. Ang hilig mang inis.

"It's true!" sabat naman ni Logan.

"So not true!" I yelled at pinitik ang tenga ng pinsan ko na halos idikit na ang mukha sa'kin.

"Baka gusto mong lunurin kita sa ilog Rixon,"

"Hehe joke lang Master!" Rix chuckled and made a peace sign.

Vini rolled his eyes at everyone. I know he misses his boys. Masyado nga lang silang foul kapag mag express ng feelings and there will always be gay jokes. But I'm used to it.

"Boys! Food's here!" Sigaw ni Josh.

"Ander ko!!! Hulog ka ng langit!" Jett cried before hugging the life out of Josh dahil ito na ang nagbayad ng pagkain namin and they brought extra pa.

Dinumog na rin iba ang pagkain so I took the chance to escape at pumunta sa private room.

"So how was my baby's day?" he gave me a dazzling smile as I settled on the swivel chair before telling him how my day went.

   "Hey," tawag agad ni Logan sa'kin nang makalabas ako ng private room.

I gave him a small smile before sitting on the high stool.

"Don't worry, you'll get used to it" KT said before munching on his burger.

"Get used to what?" X asked in confusion.

"Get used to Master not being around," KT shurgged.

"But I don't want to get used to it." I whispered under my breath.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...