The Geek's Whore [Completed]

By miss_gracci

978K 17.5K 687

"A man is lucky if he is the first love of a woman. A woman is lucky if she is the last love of a man" - Char... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 8
A/N
Chapter 10
Chapter 11 (R-18)
Chapter 12
Chapter 13 (R-18)
Chapter 14
Chapter 15 (R-18)
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 (R-18)
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
A/N
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29 (R-18)
Chapter 30
Chapter 31 (R-18)
Chapter 31 (Reposted)
Epilogue
A/N

Chapter 24

17.1K 390 22
By miss_gracci

Chapter 24

"Sino si Bianca?"

Iyon agad ang tanong ko pagkapasok namin ng unit.

Wala ng paligoy-ligoy pa.

Nakatayo ako sa likod ng sofa. Nakatukod ang isang kamay ko sa sandalan ng sofa habang ang isang kamay ay nasa baywang ko. Gusto kong linawin sa kanya kung dapat ko bang ikabahala si Bianca sa relasyon namin.

Katulad din ba ang fairy tale namin sa iba na hindi nawawala ang kontrabida?

Kumunot ang noo ni Christian sa tanong ko. "Huh?"

Hindi ko alam kung na-confuse siya sa tanong ko o sadyang hindi niya narinig iyon. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko saka iginiya sa sofa. Relax na relax ang itsura niya samantalang halos lumitaw na ang litid ko sa sobrang pagpipigil ng inis ko lalo na pag naaalala ko ang mukha ng babaeng 'yon.

"Come, baby. Sit down." Tinapik niya ang bakanteng espasyo sa tabi niya saka nag-indian sit. "We'll talk whatever you want to talk about."

Padabog akong naupo at ginaya siya para magkaharap kami.

"Bianca." Sabi ko in a flat voice.

"Oh ok...Bianca is my boss' daughter." Kalmadong sabi niya.

"Ano 'yung sinasabi niyang 'arranged to be married' kayo?"

Bahagya itong natahimik sandali bago bumuntong-hininga. "Yeah, about that...uh...yes, we were--"

"So, totoo---"

"Baby, listen to me first." Putol niya sa sasabihin ko. "Yes, we were arranged to get married but it changed when I met you. Matalik na magkaibigan ang mga ama namin at napagkasunduan nilang ipakasal kaming dalawa. I agreed to it at that time because I thought it was all about business. Before I requested you, I already talked to Bianca that I'm backing out of the agreement and she was okay with it...and I don't know why she brought it out to you all of a sudden."

"Dahil gusto ka niya."

Hindi siya umimik. Silence means yes.

Pinatong niya ang kanyang kamay sa kamay ko at matamang tinitigan ako. "Pero ikaw ang gusto ko."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Kaya ka ba agad nag-propose sa akin ay dahil iniiwasan mong magpakasal sa kanya?"

Parang sinuportahan pa ang tanong ko sa reyalisasyon na pumasok sa isip ko.

Sino nga ba ang loko-lokong magpo-propose sa isang babae na kailan lang nakilala at sa isang bayarang babae pa? Kaya ba niya ako b-in-ook ng dalawang linggo ay para maisagawa niya agad ang plano niya?

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin?" Halos pabulong niyang tanong.

"Sabi niya sabay sa pagpapakilala sa'yo bilang boss ang announcement ng kasal n'yo."

"Yes--"

Biglang tumaas ang dugo ko kaya di ko na siya pinagsalita pa. Tama pala lahat ng sinabi ni Bianca.

"Kaya ba minadali mong mag-propose sa akin ay para makaiwas dun?!" Nagtatagis ang bagang na tanong ko.

Parang sasabog ang dibdib ko.

"Baby--"

"Eh di sana pinagpanggap mo na lang ako para hindi na tayo umabot sa ganito! May nalalaman ka pang propose-propose! So tama din ang sinabi niyang plaything mo lang ako habang hindi pa kayo kasal, ha?!"

"Listen, baby..."

"No! don't 'baby' me! Ako ba ang plan A mo para hindi iyon matuloy?!"

Sarado na ang utak ko sa anumang paliwanag dahil iisa lang naman ang suma-total nito. Ginagamit niya lang ako.

"Fuck!"

Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Christian at sinipa ang center table. Natumba iyon kasama ang flower vase at nabasag.

"Fuck!" Sigaw uli nito.

Medyo nahimasmasan ako dahil ngayon ko lang ito nakitang ganito kagalit. Nakita ko na lahat ng side niya, ito pa lang ang hindi.

Sinuklay ng mga daliri nito ang buhok saka marahas na bumuntong hininga. "Bakit ba nakikinig ka sa babaeng 'yon?! Kanina mo lang siya nakita and you instantly believed her?! How can you say you love me when you don't even trust me?" Halos pasigaw niyang sabi sa akin.

Hindi agad ako nakahuma.

Uhm...yeah, he was right. Gusto kong suntukin ang sarili ko kung bakit ba pabugso-bugso ako at hindi ko muna siya hinayaang magpaliwanag.

"You know what? I've been in love with you for a very long time, only God knows how long. But I was afraid to tell you 'cause I know you'll hate me for it. For what I've done to you before..." Umiling ito. "Never mind. It's all useless if I tell you now dahil sarado pa ang isip mo sa mga paliwanag ko. Let's just talk when you are ready to trust and listen to me."

Tumayo ako para lumapit sa kanya pero nag-alangan ako.

Magsasalita sana ako para humingi ng sorry kaso hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinungo na nito ang pinto saka lumabas at pabagsak iyong sinara. Naiwan akong natulala sa pinto kung saan siya lumabas.

Tila nauupos na kandilang napaupo akong muli at napasabunot sa buhok ko. Gusto ko sana siyang sundan kaso baka lalo lang siyang magalit sa akin. Hahayaan ko na lang muna siyang magpalamig ng ulo.

Bukas na bukas din magso-sorry ako sa kanya.

Bakit ba kasi ganito ako? Hindi muna nag-iisip bago magsalita. Hinayaan ko muna sana siyang magpaliwanag at hindi pinairal ang kakitiran ng utak ko.

Gusto kong sampal-sampalin ang sarili ko sa katangahan ko.

Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na baka tuluyang mawala si Christian sa akin at hindi na siya bumalik dahil sa kawalan ko ng tiwala. Bigla akong na-paranoid. Bumuhos ang mga negatibong ideya sa isip ko.

"Ahhhhhhhh!" Napasigaw na lang ako sa sobrang frustration.

Ano ka ngayon, Sabrina? Nganga ka!

Pero bigla akong natigilan ng maalala ko ang sinabi niya.

Matagal na niya akong mahal at natatakot siyang sabihin sa akin dahil baka kamuhian ko siya? Ano bang ginawa niya sa akin na pawede kong kamuhian?

Pilit kong inalala kong nagkita na ba kami dati pero wala talaga akong matandaan.

Hindi kaya mistaken identity lang ako?

Bukas tatanungin ko siya tungkol dito pagkatapos kong mag-sorry sa kanya.

***

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto. Napabalikwas ako ng bangon. Sa sofa pala ako nakatulog kagabi. Tumingin ako sa orasan. 1pm na pala. Actually, halos umaga na ako nakatulog dahil sa kakaisip kung nasaan si Christian. Nag-alala ako kung baka napa'no na ito.

Napalingon ako sa pinto ng kumatok uli kung sino man ang nasa labas. Imposibleng si Christian 'yon dahil hindi na nito kailangang kumatok pa. Saka may doorbell naman ah.

Iinot-inot akong tumayo at binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Daniel. "Hi, Bree!"

Gusto ko sana siyang patuluyin kaso baka magalit si Christian pag nadatnan niya ito. Sinabi pa naman niyang wala siyang tiwala kay Daniel. Ayoko ng madagdagan pa ang inis niya sa akin.

"Hey?" Patanong kong bati.

"It's my birthday today!" Excited niyang sabi.

Oo nga pala, sinabi niya sa akin dati. "Oh..happy birthday...sorry, medyo nakalimutan ko."

"I hate you na." Nag-sad face pa ito. "But....pwede kang bumawi!"

"Pa'no naman?"

"Come to my house now!"

"Uhmm...."

"Please?" Nag-puppy face pa ito.

Nag-aalangan akong umalis dahil baka biglang dumating si Christian. Gusto kong makapag-usap kami ngayon.

"Hintayin ko muna si Christian---"

"Sige na, Bree...kahit saglit lang!"

Persistent si Daniel kaya napilitan na lang ako. Pagbibigyan ko lang siya ngayon pero hindi ako magtatagal.

"Ok sige, pero sandali lang ako ha?"

"Yes!" Pumalakpak pa ito. "Thanks, Bree!"

"Maliligo lang ako then pupuntahan na lang kita sa house mo, okay?"

"Alright! See yah!"

Napailing na lang ako nang umalis itong sumasayaw-sayaw pa.

Naligo muna ako saka nagbihis. Paalis na ako ng maalala ko na kailangan kong tawagan si Christian. Sobra na kasi akong nag-aalala. Kinuha ko ang cellphone na nasa sofa at dinial ang number nito pero unattended ang cellphone niya. It's either pinatay niya o lowbatt ito. Tinext ko na lang siya just in case mag-open na siya ng phone niya.

Baby, nasaan ka? I'm sorry na. Come back home, please? I love you.

Tinitigan ko muna ang screen bago ko s-in-end. Alam kong ako ang mali kaya ibinaba ko na ang pride ko. Gusto kong maging maayos na uli kami. Mabigat ang loob ko lalo na alam kong galit siya sa akin.

Lumabas na ako at pumunta sa unit ni Daniel. 30 minutes lang ang in-allot kong oras para mag-stay dito. Nag-doorbell ako. Nakaisang pindot pa lang ako ay agad ng bumukas ang pinto.

"Omg, Bree! Come in, please." Bineso-beso pa niya ako.

"Sorry wala akong gift ha, happy birthday uli."

"'Wag mong intindihin 'yon, ano ka ba?"

Napansin kong ako pa lang ang bisita. "Napaaga yata ang punta ko, wala pa ang iba mong mga bisita."

"Mamaya pa darating ang mga 'yon. 'Lika, upo ka muna."

Pinaupo niya muna ako saka umalis papuntang kusina.

Hindi ko alam kung bakit uneasy ang pakiramdam ko. May nangyari kaya kay Christian? Napailing ako. Ayokong mag-isip ng ganun.

Masyado ka lang napa-paranoid, Sabrina.

Pagbalik ni Daniel ay may dala na itong dalawang basong juice at dalawang platitong slice ng cake at binigay sa akin.

"Salamat!"

"Cheers to me!" Itinaas nito ang baso ng juice na akala mo'y alak. "Cheers to us!"

Natatawang itinaas ko na lang din ang baso ko at nakipag-cheers sa kanya.

"Cheers to the birthday boy!" Tumatawang sabi ko at sabay kaming lumagok ng juice.

"Mamaya pang gabi darating ang mga kaibigan ko dahil manggaling pa sila sa mga trabaho nila. Wala ba si papa Chris diyan sa house n'yo?"

Umiling ako. "Wala eh, may pinuntahan." Ayoko ng ikwento pa sa kanya na meron kaming hindi pagkakaintindihan ni Christian.

Tumango-tango siya.

Tinikman ko ang cake. "Ikaw lang ba ang nakatira dito?" Tanong ko saka uminom uli ng juice.

"Yup, pero minsan dito natutulog ang boyfriend ko. Do you want anything else?" Kapagkuwa'y tanong niya. "Meron akong fruit salad sa ref."

"No, hindi na. Salamat! Pwedeng makigamit ng banyo?" Bahagya kasi akong nakaramdam ng pagkahilo.

"Sure. Go ahead." Tinuro niya ang direksiyon ng banyo.

Pagkapasok ko sa banyo ay agad akong naghilamos ng mukha at pagkatapos ay kumuha ako ng tissue para pahiran iyon. Hindi ko alam kung bakit parang bibigay ang talukap ng mga mata ko. Tiningnan ko muna ang sarili ko bago lumabas.

Hindi pa man ako nakakahakbang ay bumigay na ang katawan ko at napakapit sa doorknob ng banyo. At bago tuluyang mawala ang ulirat ko, nahagip ng paningin ko ang mukha ng babaeng pamilyar na pamilyar sa akin.

Oh, shit! Anong ginagawa niya dito?

Then everything went black.

***
A/N:
Nauuta na ba kayo sa authors note ko? Haha
Please, bear with it 'coz I won't stop doing it. It's the only way I can thank you, guys.
Soo, let me know what you think 'bout this chap, ayt?
Give some love by giving me that precious little star :)

Votes are truly, truly appreciated :)
Graciously yours, miss_gracci

Continue Reading

You'll Also Like

55.6K 2.9K 61
Naging: #1 Crushstory #1 Apartment #1 myromance #1 richkids Ano ba dapat ang isang kaibigan sa buhay pag-ibig mo? San ba dapat lulugar ang isang ka...
24.2K 793 39
I know it breaks your heart Moved to the city in a broke-down car And four years, no calls Now you're lookin' pretty in a hotel bar And I-I-I can't s...
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
819K 19.6K 21
Ang tipo ng babae ni Shark ay yung mabait, palangiti, may magiliw na pag uugali, pinong kumilos, hindi makabasag pinggan at mahiyain. In short, ang t...