Winnie (Anabelle)
Natatakam akong nakatingin sa mga candies at chichirya, wala naman sigurong masama kung titikman ko isa isa 'no?
Ako kasi ang nagbabantay ng tindahan na sobrang liit lang kasi pinabili ko si Savena ng gamot, yes pinabili ko siya ng gamot using my money. ayaw pa nga niya tanggapin pero sabi ko uunahin pa ba niya yung hiya kaysa sa kapatid niya.
Parang bata akong kumuha ng chichirya at ka agad binuksan. napa wow naman ako sa lasa dahil ang sarap, ngayon lang ako nakatikim ng ganito.
Isa isa kong tinikman ang pwedeng makain sa loob ng tindahan kaya napahawak nalang ako sa tyan ko.
"Who are you?"
Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko dahil sa nagsalita, pero ang nagpagulat sakin ay ito pala yung babaeng umaagaw ng obligasyon ko sa kapatid ko.
"Ikaw na naman." May accent niyang saad ng makaharap ako sa kanya.
Maarte niyang tinanggal ang sunglasses na suot at tinignan ang mga kalat ko.
"Where is she?"
"Bumili ng gamot." Sagot ko dahil alam ko naman na si Savena ang tinutukoy niya.
Iba yung aura niya pero hindi ako natutuwa sa kanya, ikaw ba naman kasi agawan ng obligasyon sa kapatid mo.
"Are you judging me?" May bahid na pagkairita niyang tanong.
Pinasadahan ko kasi siya ng tingin at parang hinuhusgahan ang pagkatao niya, I can't deny the fact that she's beautiful, pero hindi ko siya type.
Kay ma'am lang babaliko.
"Maybe, siguro, ata, oo?" Patanong kong sabi.
Umirap lamang siya at printeng umupo sa malambot na sofa, ang sama ng tingin niya sakin ngayon pero sinusuklian ko lang ng mapang asar na ngiti.
"Can you stop smiling? Nagmumukha kang adik na manyakis."
Na offend ako sa sinabi niya kaya winagsi ko ang mapaglaro kong ngiti, sa ganda kong ito pagkakamalan niya akong adik na manyakis?
"Finally! you're here."
Napatingin ako kay Savena na bagong dating lang, gumuhit sa mukha niya ang gulat ng makita ang babaeng nakaupo sa sofa.
"May bwisita ka." Sabi ko sa kanya at nginuso ang babaeng kanina pa masama ang tingin sakin.
"Pardon?"
"Pardon mo mukha mo."
"Ehem." Napatingin kami kay Savena ng tumikhim ito "Sa labas nalang ho kayo mag away kung pwede lang."
Matapos masabi 'yon ay pumasok na siya sa maliit na silid, lalo naman sumama ang tingin sakin ng isa kaya binilatan ko siya.
Bago pa man bumukas ang bastos niyang bibig ay tinalikuran ko na siya at iniligpit ang mga pinagkalatan ko dahil uuwi na ako mamaya.
Nang matapos ay kinuha ko ang sling bag na dala ko, kumuha ako ng iilang libo at inilagay sa lalagyan ng pera sa tindahan. ayaw ko nalang din sabihin kay Savena dahil alam kong hindi na naman niya tatanggapin.
Nag paalam nako kay Savena na kailangan ko ng umuwi, ang totoo nyan ay gusto ko pang manatili dito pero nakakahiya naman dun sa maarteng babae na bisita niya.
Naiinip na naghihintay ako sa susundo sa akin, kanina ko pa tinext yung isang bodyguard na naghatid sa akin dito kanina pero hanggang ngayon wala pa siya
Ang hirap talaga kapag lumaki kang taong bahay lang
"Ang malas naman oh!" Bulalas ko ng bumuhos ang malakas na ulan.
Isang mamahaling sasakyan ang huminto sa harap ko, bumukas ang salamin sa passenger seat at binungad nito yung babaeng kanina lang ay kaasaran ko sa bahay nila Savena.
"Ayaw mong sumakay?" May kalakasan na saad niya dahil sa malakas na ulan.
Ayoko mag inarte ngayon kaya sumakay nalang ako kaagad sa passenger seat, pero muntik ng lumabas ang kaluluwa ko dahil hindi pa ako nakapag seat belt ay pinaharurot na niya ang sasakyan.
"Kung may balak kang magpakamatay wag moko idamay, pwede?" Sabi ko ng makabawi
Imbes na magsalita ay mas lalo pa niyang pinaharurot kaya napadasal nalang ako. mukhang nagkamali ako na sakanya pa ako sumakay.
"Are you related to her?" Napatingin ako sa kanya dahil sa biglaan niyang tanong.
Kumpara kanina ay hindi na ganon kabilis ang pagmamaneho niya.
"Kanino?"
"Cecil."
Biglang nag flashback sa isipan ko nong tinawag niyang Cecil si Savena kaya sa malamang sa malamang ay si Savena ang tinutukoy niya.
"Nope, getting to know each other lang. why did you ask?"
Ewan pero bigla nalang pumasok sa isipan ko yan, i smell something fishy kasi dito sa taong to. sa pagkakaalam ko naman ay kaibigan lang niya si Savena pero sa nakikita ko ngayon she's acting weird.
"You like her?" Tanong niya ulit.
Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela kaya napatawa ako sa isipan ko
"Oo, hindi kasi siya mahirap gustohin kasi nakikita ko sa kanya lahat." Nagpipigil ng tawa kong saad sa kanya.
Muntik na akong masubsob ng biglang huminto ang sasakyan.
"Pwede kana bumaba."
Napatingin ako sa labas, ito yung lugar kong saan kami kumain ni Victor at kong saan ko unang nakilala si Ma'am.
"Okay, salamat."
Walang pasabi akong bumaba ng sasakyan niya, hindi nako magrereklamo kasi siya na mismo ang naghatid sakin sa sugar plum plum ko.
Akala ko aalis na siya pero bumaba rin siya ng sasakyan niya at hinarap ako.
"Stay away from her."
"Wala akong pake kung getting to know each other pa kayo, just stay away from her if you don't want me to dispatch you."
Muli siyang sumakay ng sasakyan niya at pinaharurot ito.
Naiwan akong hindi makapaniwala, ano kaya magiging reaction niya kapag nalaman niyang kapatid ko pala yung binabakod niya? at balak pa ata akong patayin ah.
Mukhang nasa lahi na ata namin ang pagiging bading, pero sa iisang tao lang naman ako bumabaliko.
Natatawang naglakad ako papasok sa kinainan namin noon ni Victor, andito kaya siya? may pasok kasi ngayon kaya posible na nasa university pa siya ngayon.
Naupo nalang ako sa may kaharap ng lamesa, ayoko na kumain dito kasi may trauma na ako sa mga pagkain nila rito. lalo na yung pinakbet na may buong sili.
Napayakap ako sa sarili ko dahil sa malakas na hangin, basa rin pala ang suot ko dahil sa malakas na ulan kanina. pero yung damit ko lang naman ang nabasa ng sobra
"You're here again."
Wala pa sa alas kwatro ay napatingin ako sa likuran ko dahil sa familiar niyang boses, i didn't expect na makikita ko siya ngayon sa ganitong oras.
Wala na siguro siyang klase sa time na 'to.
"Hi. Ma'am, good afternoon." Nakangiti kong bati sa kanya.
"Nagawa mong magpunta rito pero hindi mo nagawang pumasok sa oras ng klase."
Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya, ano nalang kaya idadahilan ko ngayon?
"A-ah eh, nagbantay po kasi ako sa hospital kanina e. tsaka saksi kana rin po na andon talaga ako kasi nagkita tayo do'n." Dahilan ko
"Nagbantay sa hospital?" Tumango naman ako.
"Hindi ko alam na isa ka pa lang bodyguard sa isang hospital, Vergara."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa huli niyang sinabi o maooffend.
Kanina napagkamalan akong adik at manyakis, ngayon napagkamalan naman akong bodyguard sa hospital.
Hindi ko na matatanggap ito.
"Mukha po ba akong bodyguard sa paningin niyo?"
"Yes, pero sa paningin nila isa kang masarap na pagkain."
Napatingin ako sa ibang tao dito ngayon, halos sa mga kalalakihan ay nakatingin sa akin, napayakap ako sa sarili dahil manipis pala ang suot kong damit kaya nakikita ang panloob ko dahil na rin sa basa ang damit ko.
Nagulat ako ng ilagay ni Miss Soriano yung suot niyang blazer sa likuran ko.
"Thank you po."
"Go home now, Vergara."
"Sabay nalang po ako sa inyo."
Tumayo ako at tuloyang sinuot yung blazer niya, feel ko tuloy nakayakap siya sakin ngayon dahil amoy na amoy ko yung pabango niya sa blazer.
Hindi ko na 'to ibabalik sa kanya at gagawin kong unan.
"Hindi kaba susundoin ng boyfriend mo?"
Nagtataka akong tumingin sa kanya dahil sa tanong niya, iniisip ba niyang may boyfriend ako?
"Luh NBSB ako Ma'am." Gumuhit sa mukha nito ang pagtataka dahil sa sinabi ko.
"Akala mo po ba boyfriend ko si Victor? Ma'am ha masamang bumabase ka lang sa nakikita mo o naririnig sa ibang tao."
Kaya pala sinabihan akong cheater nung nagkita kami sa mall dahil ang akala niya ay ka date ko si Savena.
Gosh, kapatid ko pa talaga.
"Are you trying to say that i'm judgemental?"
"Hindi po ah." Mabilis kong sagot dahil baka isipin niya na pinaparatangan ko siya.
Kaya ko lang din naman nasabi yun kasi lagi kaming magkasama ni Victor at sinasabi pa ng iba na magjowa kami kaya niya naisip na boyfriend ko nga si Victor.
"Umuwi kana, sinasayang mo lang oras ko." Sabi niya at tinalikuran ako
Napasimangot nalang ako ng mawala na siya sa paningin ko, siya unang lumapit sakin tapos sasabihin niyang sinasayang ko oras niya.
That's hurt men.
Pinagsiklop ko nalang ang magkabilang kamay at ginawa kong unan, ramdam ko pa rin ang tingin sakin ng mga tao rito ngayon pero hinayaan ko nalang.
Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin sa isang dyosa na gaya ko diba?
Joke lang, tinitignan lang talaga nila ako kasi minamanyak nila ako sa isipan nila. pero sorry nalang kasi hanggang tingin lang sila.
Ilang minuto ang lumipas ng makaramdam ako ng antok kaya hinayaan ko nalang na kusang pumikit mga mata ko.
Nagising lang ako dahil sa mahihinang pagtapik sa mukha ko, bumungad sakin si Miss Soriano na mukhang naiinis na.
Umupo ako ng maayos at humarap sa kanya na parang bata, sandali ko pang pinikit ang mata ko dahil inaantok pa ako.
"Oh c'mon, Vergara. open your damn eyes."
Pinitik niya ang magkabila kong mata kaya napamulat ako ng wala sa oras, need ba talagang mamitik ng mata?
"Inaantok po ako." Medyo paos kong saad.
"Stand up, sumabay kana sa akin pauwi."
Pilit akong tumayo kahit inaantok pa buong pagkatao ko, muntik pa ako ma out balance pero buti nalang nahawakan agad ni Ma'am ang braso ko.
Parang nag slow motion yung pangyayare at hindi ko man lang namalayan na nakasandal na ako sa dibdib niya.
Rinig na rinig ko tibok ng puso niya.
Malinaw na hindi ako ang tinitibok.
"Ang baho mo." Mabilis siyang humiwalay sakin at iniwan akong tulala.
The heck? okay na sana kasi parang huminto mundo ko, pero sinabihan naman niya akong mabaho sira na ata pang amoy niya.
Bago lumabas ay inamoy ko pa ang sarili, itinaas ko pa isa isa ang kili kili ko para amoyin pero hindi ko naman naamoy yung mabaho na sabi niya.
Mas nangingibabaw pa nga yung amoy ng pabango niya sakin dahil sa blazer, wag niyang sabihin na mabaho pabango niya?
Tahimik lang akong nakasunod kay Miss Soriano sa paglalakad, kanina pa kami walang imikan kasi wala man lang sumusubok na putolin ang katahimikan.
Ayoko nalang magsalita kasi baka ano na naman masabi niya, ang harsh pa naman niya pagdating sakin. parang hindi professor e.
Nang makarating kami sa terminal ay sumakay kami sa isang jeepney, ipagdadasal ko nalang na hindi ako makaupo sa pinakaunahan dahil baka may butas na naman.
Pero mukhang malas ako dahil sa may pinakaunahan lang may bakante, dalawa yung bakante kaso nga lang magkabilaan. inshort hindi ko makakatabi si Miss Soriano.
No choice akong naupo, ganon rin ang ginawa ni Ma'am at ipinatong sa hita niya yung dala niyang gamit. ang expensive pa rin niyang tignan kahit saang anggulo.
Pati ibang nakasakay sa jeep ay napapatingin sa kanya, pero parang wala lang din naman sa kanya kasi printe lang itong nakaupo at parang may sariling mundo.
"Sana ganyan din sakin tumingin boyfriend ko." Natauhan lang ako ng magsalita yung katabi kong babae.
"Baka iba na tinitignan nun." Baling ko sa katabi ko.
"Baka nga, pero ayos lang kasi madali lang naman siyang palitan."
Napatawa ako dahil sa sinabi niya, kunware pa 'to si ateng stranger. rurupok din naman kapag binigyan ng matatamis na salita.
"Vergara." Napatingin ako kay Ma'am ng tawagin niya ako. "Come here, sit with me." Ewan pero naging malambing yung boses niya sa pandinig ko.
Parang aso akong napasunod sa sinabi niya, damn siya lang nakakagawa sakin ng ganito.
Even my parents and grandpa hindi ako napapasunod na parang tuta kasi I'm hard headed person.
But never mind, siya naman yan e. gagawin ko nalang siya only exception ko.
Sounds good right?
*****