School Trip

By Kuya_Soju

2.7M 53.6K 15.6K

A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Oliv... More

Teaser
Author's Note + Video Trailer
LESSON 1- How to Welcome A Newbie
LESSON 2- Knowing Yoseif's Real Identity in A Glimpse
LESSON 3- Remember: Teachers Are Not Perfect!
LESSON 4- Meeting New Friend
LESSON 5- When The Bully Gets Bullied
LESSON 6- The Suspension
LESSON 7- Where is Ysabelle?
LESSON 8- The Visitors in Red
LESSON 9- Run Devil, Run
Surprise Quiz
LESSON 10- Hell Again
LESSON 11- When Everything Falls Apart
LESSON 12- Fooled
LESSON 13- Jump! Jump! Jump!
Assignment #001
LESSON 14- Behind Those Evil Smiles
LESSON 15- Smoking Kills!
LESSON 16- I Saw Her
Teacher Noah's Announcement About the School Tour
LESSON 17- School Trip
LESSON 18- Big Bang Bus
LESSON 19- Go With The Flow
LESSON 20- Handcuffed
LESSON 21- Knitted Together
LESSON 22- One By One
LESSON 23- Caught!
LESSON 24- A Mother's Tears
LESSON 25- Unveiled
LESSON 26- The Hell They Made
LESSON 28- Killing Spree
LESSON 29- Forgive Me For I Have Sinned
Last Author's Note
LESSON 30- Final Exam

LESSON 27- Chasing Death

43.9K 1K 214
By Kuya_Soju

"ANONG gagawin natin Steven?"

"May naiisip akong plano pero mapanganib ito." Kinuha ni Steven ang kanyang bag na nakasukbit sa kanyang likod at may hinalughog sa loob noon.

Nagtataka naman na pinanood siya ni Emma. "Anong hinahanap mo diyan?"

"Eto," sabay labas niya ng kuwarenta y singko na baril.

"Oh my God...Paano ka nagkaroon ng ganyan?" gulat na tanong ni Emma.

"Wag ka ng maraming tanong Emma. Ito ang magliligtas sa ating dalawa laban kay Teacher Noah!"

"Eh pano si Olivia? Hindi ba't di naman tinatablan ng baril ang multo."

"Alam ko iyon. Don't bother Olivia. Wala siyang magagawa kundi ang takutin lang tayo. Si Teacher Noah...Siya lang ang kalaban natin dito. Isipin mo, imagination lang natin si Olivia. Huwag tayong magpapatakot sa kanya! OK?" Mabilis na tango ang isinagot sa kanya ni Emma. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Don't worry Emma, we will get through with this."

"I know. Makakabalik pa tayo sa Wellington. At pagkatapos noon, magbabago na tayo. Hindi na tayo mambubully, diba?" ani Emma.

Mariin niyang hinalikan sa noo si Emma. "Oo naman." Pagkasabi niya noon ay tumayo na siya.

"Saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Emma.

"Hahanapin ko si Teacher Noah. Tayo naman ang hahabol sa kanya. We'll chase him katulad ng ginagawa niya sa atin!" matapang na sagot niya.

"Pero--"

"Emma, ito lang ang paraan, OK?"

Tumingin sa kanya si Emma at tumango. "Mag-iingat ka Steven. Huwag mong sayangin ang effort ko sa pag-agaw ko sa iyo kay Bridgette."

Ngiti lamang ang isinagot niya. Lumabas na siya ng naturang silid hawak ang baril na magliligtas sa kanilang buhay.






PAGKAALIS ni Steven ay hindi mapakali si Emma. Paroo't parito siya habang pinagkikiskis ang dalawang palad. Sa grupo nila siya ang tinaguriang war-freak pero nawala yatang lahat ng tapang niya ng mga oras na iyon. Takot na takot siya lalo na at maaaring anumang oras ay matulad na siya sa mga kaibigan niya. Natigilan siya ng makita niya ang bag ni Steven na naroon sa isang sulok. Pinakatitigan niya iyon. Naalala niyang bigla ang naipuslit na cellphone nito sa field trip. Naroon pa kaya sa loob ng bag na iyon ang cellphone?

Nilapitan niya ang bag at binuksan iyon. Doon niya nakita ang school vest ni Steven na punung-puno ng dugo. Nangunot ang kanyang noo. Bakit may dugo ang vest nito? Wala siyang maalala na pangyayari na maaaring naging dahilan ng pagkakaroon ng dugo doon.

Ipinagpawalang bahala na lamang niya iyon.

Sa pinakailaliman ng bag ay nakita niya ang hinahanap. Kinuha niya iyon. Nag-dial pero wala na iyong load. Nanlulumo na napaupo siya. Paano na sila makakaalis dito? Tinignan niya ang cellphone at naisipan ni Emma na kalikutin na lamang iyon habang hinihintay ang pagdating ni Steven.

Napangiti si Emma ng makita ang ilang pictures ni Steven. Meron ding ilang pictures nilang magkakabarkada na masayang-masaya silang lahat roon. Awtomatikong lumaglag ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na siya nag-abalang pahirin pa iyon. Alam niyang kahit kailang ay hindi na mabubuong muli ang grupo nila. Isa pa, nagsama-sama lang naman sila dahil sa mga pansarili nilang interes.

Muli siyang nagbrowse ng mga pictures at natigilan siya ng may nakita siyng pictures doon ni Thea habang sweet na sweet ito sa isang may edad ng lalaki. Stolen shots ang mga iyon. Zinoom niya ang litrato. Tama, si Thea nga at kung hindi siya nagkakamali ay ang daddy ni Steven ang kasama nito!

Gumana agad ang isip ni Emma.

May relasyon si Thea at ang daddy ni Steven?

Muli niyang tinignan ang duguang vest ni Steven at natigilan siya.

Hindi kaya...

Hindi!

Biglang bumalik sa alaala niya iyong usapan nina Bridgette at Teacher Noah kanina lamang...

"How about Thea? Ikaw din ba ang pumatay sa kanya?"

"Hindi ko alam. Wala akong alam sa pagkamatay niya. Basta nakita ko na lang sa ilog ang bangkay ni Thea..."

Ipinilig ni Emma ang ulo matapos. Imposible naman na itanggi pa ni Teacher Noah ang pagpatay nito kay Thea kung ito nga ang pumatay dito dahil inamin na rin nitong hindi siya ang pumatay kay Thea. Sigurado siya. Hindi si Teacher Noah ang pumatay kay Thea.

Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat.

Ang duguang vest ni Steven.

Ang ebidensiyang litrato sa cellphone ni Steven na may relasyon ang daddy nito at si Thea.

Si Steven...Ito ang pumatay kay Thea! Biglang naputol ang kanyang pag-iisip ng makadinig siya ng isang putok ng baril!






"NOAH!" sigaw ni Steven ng makita niya si Teacher Noah na nakatayo at nakatalikod habang pinapanood nito ang isang naglalagablab na drum. Humarap ito sa kanya. Ngumisi pa ito. Sa hitsura nito ay sa tingin niya ay wala na talaga ito sa katinuan.

"Nakikita mo ba ang drum na iyan Steven? Si Charina ang nasa loob niyan!"

"Hayop ka Noah!" galit na sigaw ni Steven sabay labas niya ng baril at itinutok iyon sa kanilang guro. "Papatayin kita! Pagsasamahin ko na kayo sa impyerno ni Olivia at ng siraulo mong nanay!"

Humakbang si Teacher Noah. "Kayo ang dadalhin ko sa impyerno Steven! Hahahaha!!!"

"Huwag kang lalapit dahil papuputukin ko ito!" aniya.

Pero hindi nakinig sa kanya si Teacher Noah. Bagkus ay patakbo pa itong lumapit sa kanya. Napaatras si Steven at agad na pinaputok ang baril.

Napatigil sa paglapit sa kanya si Teacher Noah.

Tinignan nito ang tiyan nito na tinamaan ng bala ng baril na kanyang pinakawalan. Tumingin itong muli sa kanya at tuluyan na itong lumugmok at walang malay na humalik sa sahig.

Nakahinga ng maluwag si Steven.

Pagharap niya sa kanyang likod ay nakita niyang nakatayo roon si Emma. Ngumiti siya rito. "Wala na si Noah, Emma. Ligtas na tayo! Makakaalis na tayo dito."

Lumapit sa kanya si Emma at yumakap. Hindi ito nagsasalita.

"May problema ba Emma?"

"Ikaw ba ang pumatay kay Thea?" diretsong tanong nito na labis niyang ikinabigla.






"ANO bang pinagsasasabi mo Emma? Siyempre hindi ko gagawin iyon kay Thea!" Iyon ang narinig ni Emma na sagot sa kanya ni Steven.

Umiling si Emma. "May relasyon si Thea ang daddy mo diba?"

"Hindi ko alam-- "

"You killed her kasi si Thea ang reason kung bakit wasak ang pamilya mo at kung bakit laging nag-aaway ang parents mo, right? Alam ko na ang lahat Steven. Iyong duguan mong vest at iyong pictures nina Thea at daddy mo sa cellphone mo. Sila ang nagsabi sa akin. At secretly ay tiniktikan mo sila and take stolen shots of them together, diba?!"

Masamang tinignan siya ni Steven at mariin siyang sinakal nito. "Masyado kang maraming sinasabi Emma! Ngayong alam mo na ang lahat, isusunod na kita kay Thea!" At lalo pa nitong diniinan ang pagkakasakal sa kanya.

"S...te...v-ven...N-nasasaktan ak...ko..." hirapang sabi ni Emma.

"Papatayin kita Emma! Papatayin kita!!!" gigil na sabi pa ni Steven.

Hinawakan ni Emma ang kamay ni Steven na nakapulupot sa kanyang leeg. Pilit niya itong inaalis pero masyadong mahigpit ang pagkakasakal nito. Parang sa isang kisapmata ay biglang nagbago si Steven.

Nanlaki bigla ang mata ni Emma ng makita niyang mula sa likod ni Steven ay bumangon ang nakalugmok na si Teacher Noah!

"S...te...ven...S-si...Ugh!" Mas lalo pang hinigpitan ni Steven ang pagpiga sa kanyang leeg.

Kitang-kita ni Emma ang nakakatakot na ngiti ni Teacher Noah. Walang kaalam-alam si Steven na hindi pala talaga nito napatay ang kanilang guro. Tuluyan ng nakatayo si Teacher Noah. Tahimik nitong kinuha ang palakol sa paanan nito at dahan-dahan na lumapit sa kinaroroonan nila.

Itinaas nito ang hawak na palakol at malakas na pinalakol sa balikat si Steven.

"Ahhhhhh!!!" sigaw ni Steven ng maukab ang kanyang balikat at makita nito ang pagsirit ng dugo mula roon.

Nabitawan siya nito. Kaya naman agad siyang nakawala. Uubo-ubo si Emma. Kailangan niyang makaalis agad doon pero nanghihina pa siya.

"Akala mo siguro mapapatay mo ako Steven? Kayo ang papatayin ko! Hahaha!"

Nakita ni Emma na gumapang si Steven para abutin ang baril nito na nabitiwan nito kanina pero inunahan na agad ito ni Teacher Noah. Ito na ang umunang kumuha ng baril at inihagis iyon sa malayo.

Tumingin sa kanya si Teacher Noah. Parang nakikini-kinita ni Emma si Olivia sa mukha nito. Kahit na wala pang lakas ay agad na tumayo si Emma at tumakbo palayo. Paglingon niya ay nakita niyang hinihila ni Teacher Noah si Steven. Kung saan nito iyon dadalhin at kung anong gagawin nito kay Steven ay wala siyang alam.

Continue Reading

You'll Also Like

152K 4K 32
Behind those sweet little faces and sweet little praises, lies a demon behind them. A reunion that will change their lives. Prepare to scream, to run...
660K 47K 72
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
1.2M 24.4K 31
(NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIB) Sasama ka ba sa LAST trip? Muling damhin ang IMPYERNO sa huling pagkakataon... Class resumes!!!
39.9K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...