School Trip

By Kuya_Soju

2.7M 53.6K 15.6K

A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Oliv... More

Teaser
Author's Note + Video Trailer
LESSON 1- How to Welcome A Newbie
LESSON 2- Knowing Yoseif's Real Identity in A Glimpse
LESSON 3- Remember: Teachers Are Not Perfect!
LESSON 4- Meeting New Friend
LESSON 5- When The Bully Gets Bullied
LESSON 6- The Suspension
LESSON 7- Where is Ysabelle?
LESSON 8- The Visitors in Red
LESSON 9- Run Devil, Run
Surprise Quiz
LESSON 10- Hell Again
LESSON 11- When Everything Falls Apart
LESSON 12- Fooled
LESSON 13- Jump! Jump! Jump!
Assignment #001
LESSON 14- Behind Those Evil Smiles
LESSON 15- Smoking Kills!
LESSON 16- I Saw Her
Teacher Noah's Announcement About the School Tour
LESSON 17- School Trip
LESSON 18- Big Bang Bus
LESSON 19- Go With The Flow
LESSON 20- Handcuffed
LESSON 21- Knitted Together
LESSON 22- One By One
LESSON 23- Caught!
LESSON 24- A Mother's Tears
LESSON 25- Unveiled
LESSON 27- Chasing Death
LESSON 28- Killing Spree
LESSON 29- Forgive Me For I Have Sinned
Last Author's Note
LESSON 30- Final Exam

LESSON 26- The Hell They Made

45.3K 1K 217
By Kuya_Soju

NAPATINGIN si Bridgette kay Charina ng bigla na lamang itong humagulhol ng iyak. "Huhuhu...Ayoko­ na! Uuwi na ako! Mommy kooo...Huhuhu!"

"Whats our plan?" tanong ni Steven sa kanya.

Tinignan niya ito ng masama. "The hell! Wala akong pakialam sa inyo. I have my own plans! Kung mapapatay kayo ng baliw na Noah na iyon, mas mabuti! Makaganti man lang ako sa pagtatraydor niyo sa akin!"

Galit na galit na sabi ni Bridgette.







HINDI makapaniwala ang multo ni Olivia sa nakita nito. Yakap-yakap ni Teacher Noah ang wala ng buhay na katawan ng kanyang inay.

"I-inay...Inaaayyy!!!" Naglalagablab sa galit si Olivia.

Tumingin sa kanya si Teacher Noah. "Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko silaaa!!!" sigaw din nito.

Nagkatinginan sina Olivia at Teacher Noah. Kailangan nilang maging isa. Ibubuhos na nilang dalawa lahat ng galit nila kina Bridgette, Steven, Emma at Charina. Dadalhin nila ang mga ito sa impyernong ang mga ito rin ang lumikha!






LALAKAD na sana palayo si Bridgette ng tawagin siya ni Charina. Umiiyak pa rin ito.

"Bridgette...P-pwede bang...Sa iyo na lang ako sumama? N-natatakot ako..."

Inirapan lang niya ito at iniwan na niya ang mga ito. Patuloy sa pagsunod sa kanya si Charina.

Kailangan niyang magtago. Alam niya na anumang oras ay mahahanap din ni Teacher Noah ang kinaroroonan nila.

"Pwede ba Charina, dun ka na lang kina Steven!" bulyaw niya dito.

"Ayoko. Natatakot ako!"

"The hell I care!"

"Saan ka ba kasi pupunta?"

"Ewan! Magtatago. Kahit saan!" litong sagot niya.

"Sasama ako!"

Tumigil sa paglalakad si Bridgette at hinarap ang makulit na si Charina. "Gusto mo talagang sumama?"

"Oo. Siyempre!" mabilis nitong sagot.

"Pwes, halika!" at mahigpit na hinawakan ni Bridgette sa braso si Charina at hinigit ito.

Wala namang magawa si Charina kundi ang sumunod na lamang sa kanya. "Bridgette ano ba? N-nasasaktan ako!"

"Talagang masasaktan ka sa akin Charina! How dare you to betray me! Ang lakas ng loob niyo." Gigil na si Bridgette.

Nang makakita si Bridgette ng isang malaking drum ay lumapit sila doon ni Charina. "Pumasok ka sa loob niyan!" utos niya.

"Diyan ba tayo magtatago?"

"Stupid! This is what a traitor like you deserve! Pumasok ka sa loob ng drum!"

Umiling si Charina. "Dapat pala di na lang ako sumama sa iyo! I hate you Bridgette. I hate you!"

Malakas itong sinampal ni Bridgette. Kanina pa niya gustong ilabas ang galit na kinikimkim niya. Ah hindi pala-- galit na matagal na niyang gustong ilabas. Galit sa kanyang pamilya. Sa kanyang mommy na walang amor sa kanya dahil bunga siya ng panghahalay dito. At sa kanyang ama na wala ring pagmamahal sa kanya dahil hindi naman siya tunay na anak nito. Galit siya sa lahat higit sa kanyang sarili.

"Matagal mo na akong kilala Charina. I am evil!" At ngumisi siya.

"Whatever! Like...Duh?!" At tinalikuran na siya ni Charina.

Hindi pa man nakakalayo si Charina ng makakita ng tubo na bakal si Bridgette. Madali niya iyong kinuha at hinampas sa ulo si Charina. Walang itong malay na bumagsak sa sahig.

"Iyan ang nararapat sa mga taong kumakalaban sa akin!" aniya pa at hinila na niya ang katawan ni Charina sa loob ng drum.






"WHERE is Charina? Anong ginagawa mo dito?" Iyon agad ang tanong ni Emma pagbalik niya sa kinaroroonan ng mga ito. Nakahalukipkip lang ang kanyang dalawang braso na lumapit siya sa mga ito. "Inilagay ko siya sa dapat niyang kalagyan."

Lumapit sa kanya si Steven at mariin siyang hinawakan nito sa braso. Nasasaktan siya sa hawak nito pero hindi niya ipinakitang nasasaktan siya. "Anong ginawa mo kay Charina?!"

"Wow! Pati rin ba kay Charina concern ka Steven? Lahat ba kaming magkakaibigan ay tinuhog mo?" nang-uuyam niyang sagot na sinuklian nito ng isang malutong na sampal. "Brute! How dare you!" galit na sigaw niya habang sapo ang pisnging nasaktan.

Tumalikod na sa kanya sina Emma at Steven.

"Saan kayo pupunta?!" aniya.

"Aalis na kami dito. We better have parted ways Bridgette. Besides your on your own now!" Nakakalokong sabi ni Emma.

Pagbukas nina Steven at Emma ng pinto ng warehouse ay napaatras sila ng makita nila na nakatayo sa harapan nila si Teacher Noah. Nakakapangilabot ang anyo nito. Madumi ang damit at nakayuko habang may hawak na palakol.

"T-teacher Noah!" gulat na bulalas nilang tatlo.

Hinarap sila nito. "Saan kayo pupunta?" May nakakatakot na ngisi sa mukha nito. "Uuwi na agad kayo? Hindi pa tapos ang klase! Walang pwedeng umuwi!" Tila baliw na talaga ito.

Napaatras muli sila ng pumasok na sa loob ang kanilang guro. Madilim ang kanilang kinaroroonan pero dahil sa sinag ng bilog na buwan sa labas ay kitang-kita nila na may babaeng kasabay na pumasok si Teacher Noah. Si Olivia! Nakasampa ito sa likuran ng kanilang guro.

"Mag-uumpisa pa lang tayo sa ating klase! At ang una kong ituturo sa inyo ay kung paano tumakbo ng mabilis!!!" Napatakbo silang tatlo ng biglang ihampas ni Teacher Noah ang hawak na palakol sa nakita nitong kahoy. Agad na nagtago si Bridgette sa isang kwartong kanysng nakita. Inilock niya iyon at hinarangan pa ng mga lamesa na nakita niya.Takot na takot na umupo siya sa isang sulok. Malikot ang kanyang mga mata. Nanginginig siya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sana ay panaginip lang ang lahat ng ito. Hiling niya.






KADILIMAN ang sumalubong kay Charina ng imulat niya ang kanyang mata. Ang huli niyang naaalala ay ng hampasin siya ng kung ano ni Bridgette sa ulo. Igagalaw niya sana ang kanyang katawan pero hindi niya nagawa. Masyadong masikip ang kinaroroonan niya. Oo nga pala. Isinilid siya ng walanghiyang si Bridgette sa drum. Mabuti na lamang at may mga butas ang drum kung hindi ay baka namatay na siya sanhi ng suffocation.

Kailangan niyang humingi ng saklolo. "May tao ba diyan? Emma? Steven?!" aniya.

Pagsilip niya sa butas ay malakas siyang napasigaw ng makita niya na papalapit sa kinaroroonan niya ang multo ni Olivia! Nakangiti ito at puro kulay puti ang mata. Maputla ang balat at may malaking sugat sa leeg nito. Duguan ang suot nitong school uniform.

Inilayo niya ang paningin sa butas. Itinakip ang mga kamay sa bibig para hindi siya makasigaw. Ilang sandali pa ay sumilip siyang muli. Wala na si Olivia. Nakahinga si Charina ng maluwag. Nakakatakot talaga si Olivia!

Bigla na naman siyang natigilan ng makadinig na naman siya ng mga yabag ng paa. Pawisan na si Charina. Konting-konti na lang ay baka maihi na siya sa sobrang takot. Muli siyang sumilip sa butas at ngayon ay mas nakakatakot ang kanyang nakita. Sobrang lapit na sa kanya ni Olivia pero ang mas nakakagimbal ay pugot na ang ulo nito. Bitbit ng katawan nitong pugot ang ulo ang ulo nito!

"Eeeeeeeeee!!!!" Nagwawala na sa loob ng drum si Charina. Pilit siyang nagsisipa. "Help meee!!! Somebody!!!"

Pakiramdam niya ay malapit na sa kanya si Olivia. Sumilip siyang muli. Wala na si Olivia pero nakita niyang papalapit sa kanya si Teacher Noah na may dalang galon na hindi niya alam ang laman.

Hindi siya gumalaw sa loob ng drum. Nakiramdam muli si Charina. Hanggang sa may maramdaman siyang parang tubig na pumapatak sa kanyang ulunan. Inamoy niya ang tubig na pumapatak.

Gasolina!

agsilip niya ay nakita niyang may hawak na posporo na may sindi si Teacher Noah.

Binuhusan pala nito ng gasolina ang drum!

"Teacher Noah! No! Wag po....Pleaseee!!!" sigaw na pakiusap niya.

Hanggang sa makita niyang itinapon nito ang may sinding posporo sa drum. Agad na nagliyab ang labas ng drum ng madilaan iyon ng apoy. Mabilis na uminit ang kinaroroonan ni Charina. Parang impyerno. Nakakaluto ng balat! Nakakapaso ng laman!

Sobrang init! Para siyang iniihaw na baboy!

"Aaaahhhhhrrgg!!!" Hindi maintindihan ni Charina kung anong sakit ang kanyang nararamdaman.

Dumikit na sa gilid ng drum ang balat niya dahil sa sobrang init. Para siyang nasa loob ng kaldero habang pinapakuluan sa tubig! Sa sobrang init ay lumubo ang eyeballs ni Charina hanggang sa pumutok iyon at lumabas ang mayapot at kumukulong dugo.

Bago tuluyang mawalan ng buhay ay narinig pa ni Charina ang sabay na paghalakhak nina Teacher Noah at Olivia!






WALA namang pagsidlan ng kasiyahan sina Teacher Noah at Olivia habang pinapanood nila ang naglalagablab na drum. Tila isang magandang musika sa kanila ang pagsigaw sa sakit ni Charina. Sa wakas ay nakakahanti na rin sila sa mga ito.

"Malapit ng matapos Olivia!" turan ni Teacher Noah.

"Alam ko Noah! Tatlo na lang sila..."

Naglakad silang dalawa. Nakakangilo ang tunog ng hinihilang palakol ni Teacher Noah.

Sino nga ba ang isusunod nila ni Olivia?

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 18
Every school has its own creepy tales...
1.6M 23.7K 31
Evil students. Bullied teacher. Hell yes, this is a one of a kind school experience! Class resumes...
329K 10.1K 25
PUBLISHED UNDER LIB (DARK). GRAB YOUR COPIES NOW AT YOUR NEAREST PRECIOUS PAGES CORP. STORES [08-02-19]. • BOOK 1 • Horror • Mystery • Thriller • P...
32.8K 1.9K 43
"Shit? They are going to eat us! Alive!" When Astraea woke up after a huge incident. Everything feels so weird for her. She knows something is wrong...