QBMNG (Book 1) π—–π—’π— π—£π—Ÿπ—˜π—§...

By Gamatoki

2.2M 56.1K 8.4K

| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-p... More

Story Description
Author's Note
QBMNG - CAST
CHAPTER 1 - Two Worlds Collide
CHAPTER 2 - The Clash Pt. 1
CHAPTER 3 - The Clash Pt. 2
CHAPTER 4 - Spoonful Of Hell
CHAPTER 5 - Not Obsessed
CHAPTER 6 - Backfired
CHAPTER 7 - Quality Time
CHAPTER 8 - Taste Of Your Own Medicine
CHAPTER 9 - She Strikes Again
CHAPTER 10 - Evil Plan
CHAPTER 11 - Won The Battle, Lost The War
CHAPTER 12 - Best Friends? More Like Sisters
CHAPTER 13 - When Life Is Playing Tricks With You
CHAPTER 14 - The Game Of Cat And Mouse
CHAPTER 15 - Shit Happens
CHAPTER 16 - A Truce, Maybe?
CHAPTER 17 - The Start Of Something Beautiful
CHAPTER 18 - I'm So Sick
CHAPTER 19 - Late Night Rendezvous
CHAPTER 20 - Food For The Soul
CHAPTER 21 - Uncommon Emotion
CHAPTER 22 - Apology Accepted Part 1
CHAPTER 23 - Apology Accepted Part 2
CHAPTER 24 - Missing In Action
CHAPTER 25 - Please Stay
CHAPTER 26 - Fiel Jansen
CHAPTER 27 - Meeting The Cousin
CHAPTER 28 - Curiosities
CHAPTER 29 - Late Night Phone Call
CHAPTER 29.1 - Meanwhile ..
CHAPTER 30 - Curing A Headache
CHAPTER 31 - Santillan Household
CHAPTER 32 - Trouble With The Best Friend
CHAPTER 33 - Payback
CHAPTER 34 - Kiss And Make Up
CHAPTER 35 - Overwhelmed
CHAPTER 36 - Lesbi-Honest
CHAPTER 37 - Terrible Liar
CHAPTER 38 - Confessions
CHAPTER 39 - Royal Bitch [1/3]
CHAPTER 40 - Royal Bitch [2/3]
CHAPTER 41 - Royal Bitch [3/3]
CHAPTER 41.1 - Tease
CHAPTER 43 - Valentine's Day [2/4]
CHAPTER 44 - Valentine's Day [3/4]
CHAPTER 45 - Valentine's Day [4/4] PT. 1
CHAPTER 46 - Valentine's Day [4/4] PT. 2
CHAPTER 46.1 - Clarence
CHAPTER 47 - Just say it
CHAPTER 48 - The Other Side
CHAPTER 49 - Lonely Hearts
CHAPTER 50 - Missing You
CHAPTER 51 - Operation: Fixing A Lonely Heart
CHAPTER 52 - Turning Point

CHAPTER 42 - Valentine's Day [1/4]

34.6K 804 77
By Gamatoki

Santillan


"Ate Chase, pautang." Si Maicy. Kagagaling ko lang sa kwarto ko para kunin yung dadalhin kong gitara at kabababa pa nga lamang nang ibungad niya yan sa akin. "Mag babayad ako, Ate. Promise." dagdag niya pa. Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa kapatid ko.

"Bunso, hindi mo naman kailangan mangutang kay Ate." Lumapit ako at pinisil pisil ang kaniyang mga pisngi dahilan para mapangiti siya. Ang cute cute talaga nitong kapatid ko. "Bakit Mae, may kailangan ka bang bilhin? Sabihin mo sa akin para ako nalang bibili."

Medyo tight na rin ako sa budget ngayon. Weekend na kasi. Lingguhan ako kumuha ng sweldo sa Scholar's Office at dahil sabado ngayon, mamaya palang ako sasahod. Yung kinita ko naman last week, ang kalahati ay ibinigay ko kay Tatay para sa panggastos namin dito sa bahay. Yung natira, pinambili ko ng maintenance na gamot ni Tatay.

Para nga makatipid, nagbabaon nalang ako ng pagkain. Masyadong mahal ang mga pagkain sa cafeteria namin. May kasama atang ginto yung ingredients ng mga pagkain doon. Yung tipong uurong pabalik yung gutom mo kapag nakita mo yung price. Kung sa labas ka naman kakain, halos ganun din. Mapapagastos ka pa rin.


"Wala ako bibilhin, Ate. Si titser kasi. Nagagalit na. Hindi pa din ako bayad sa mga fees sa school po. May ticket pa po na babayaran." Napabuntong-hininga ako. Oo nga pala, muntik ko na makalimutan yung ambagan nilang yun. Umuusok na naman siguro ang ilong adviser ng kapatid ko.


"O, sige. Pupunta nalang ako sa school mo sa Monday. Ako nalang mag babayad. Yung ticket ba magkano?"


"Wampipti." natawa ako sa pagbigkas niya. "Ang mahal naman pala niyan, Mae. Para saan ba 'yang ticket na' yan?" tanong ko pa. Mula sa kusina, nakita ko si Tatay na may dalang baunan ng pagkain. Lumapit siya kung nasaan yung bag ko at tsaka ito inilagay doon. Nginitian ko si Tatay.

"Pupunta kasi kami doon sa science museum, Ate. Sabi ni titser dapat daw may kasama kaming gwardiya. Ate, isasama ko nalang si Kuya gwardiya. Yung taga bantay ng school."

Bigla ako nalito sa sinabi na iyon ni Maicy. Gwardiya? Bakit kailangan ng gwardiya?


"Bakit kailangan mag sama ng gwardiya? Sa museum lang naman ang punta niyo." Medyo nakakaloka. Ano bang ibig sabihin niya sa gwardiya?


"Para daw kasi may kasama kami Ate."


Nagkatinginan kami ni Tatay at tsaka nagtawanan. Hindi naman gwardiya eh. I think GUARDIAN yung ibig niyang sabihin. 

"Bakit kayo tumatawa?" tanong pa ng kapatid ko. Pinalobo niya pa yung mga pisngi niya at magkasalubong pa ang mga kilay.


"Guardian ang tawag dun, Mae. Hindi gwardiya. Pwede mo  isama si Tatay o kaya ako."




"Para?"

"Anong para?" 



"Para saan, Ate? Bakit sasama pa kayo ni Tatay?" 




"Syempre, kasi bata ka pa. Kailangan mayroon mag babantay sa'yo." sagot ko naman. 


Saglit pa napaisip yung kapatid kong makulit. "Ate ano ba ginagawa ni Kuya gwardiya sa labas ng school namin? Bakit lagi siya nakatayo dun?" 


Ang dami niyang tanong ah. "Nag babantay syempre."




"Oh, tingnan mo. Same lang yun, Ate. Gwardiya. Guardian. Taga-bantay. Sus." sagot niya pa. Nagka-tinginan na naman kami ni Tatay sabay tawanan ulit. Hindi talaga nag papatalo itong bunso namin eh. Magaling sa kalokohan.


"Magkaiba sila. Next time, papaliwanag ko sa'yo ha. Male-late na kasi si Ate eh." Kumuha na ako ng pera sa wallet tsaka ko inabot sa kaniya. "Tabi mo 'to ah. Huwag mo ipang-dota 'to. Bayad mo kaagad kay Titser. Okay?"


"Bibili ko' to ng skin ni Moskov." kunyari ay sinamaan ko siya ng tingin. Sa game na naman ata yung tinutukoy niya. "Joke lang, Ate. Thank you. I love you." Yumakap siya at humalik sa pisngi ko.


"I love you din, bunso." Humalik din ako sa pisngi niya. Pagkatapos noon, kinuha ko na yung bag ko para maka-pasok na. Madaming activities sa Campus mamaya. Tapos may gig pa ang grupo. Late na naman ako makakauwi nito.

After ko magpaalam kay Maicy, dumiretso na ako sa pinto. Hinatid naman ako ni Tatay. 


"Anak, pasensiya ka na, ha? Yung ibinigay mo kasi nung isang-linggo, naubos na eh. Nabawasan pa tuloy allowance mo." Humalik na din ako sa pisngi ng Tatay ko. "Hayaan mo Chase, sasabihin ko kay Kumareng Sandra ituloy na namin yung pinaplano niyang karinderya."


Matagal na nila plano 'yan. Magtayo ng karinderya. Yung maliit lang at taga luto si Tatay. Chef kasi siya dati sa barko kaya masarap siyang mag luto. Kulang lang talaga sa puhunan kaya hindi nila maituloy eh.

"Tatay naman. Wala po problema. May pera pa naman po ako tsaka susweldo na po ako mamaya."

Kulang din naman kasi yung ibinibigay ko sa kaniya. Sa panahon ba naman ngayon eh ang hirap hirap kaya mag budget ng pera. Lahat nalang ng presyo ng bilihin, tumataas. Isama mo pa yung bayad sa tubig at kuryente. Masakit lang sa ulo eh. May mga sideline si Tatay pero hindi naman yun palagi. Ayoko na mag fulltime work pa siya. Mahina ang puso ni Tatay. Mabilis din siya mapagod, tulad ko. Nag tatrabaho pa sana siya sa barko ngayon kung hindi lang siya nagkasakit.

"Salamat, anak. Anong oras ka uuwi mamaya? Huwag ka masyado mag pagabi, ha?"



"Opo. Hindi po ako masyado mag papagabi. Uuwi po agad ako pagkatapos ng gig."



"O, siya sige. Mag-ingat ka."



Dumiretso na ako agad sa terminal ng jeep. Sakto, isa nalang hinihintay kaya nakaalis din kami agad. Hindi ako male-late.




...

Quarter to nine ako ng umaga nakarating sa school. Sakto at may time pa ako tawagan sila Clarence. Aalamin ko sana kung ano oras yung gig. Text lang kasi ni Nic yung nakarating sa akin kagabi. Ang siste, hindi kumpleto yung info. Hindi man lang inilagay yung oras. Gawin daw ba akong manghuhula?  Basta may gig daw tapos mag suot ng black na t-shirt. Hindi ko pa nga maintindihan kong bakit black. Hindi kaya burol ang pupuntahan namin? De joke. Araw naman kasi ng mga puso tapos naka black. 

Anyway,  eto na nga at naka-ilang beses na ako nag text kay Clarence, pero wala pa rin reply. Yung babaeng yun, busy nanaman siguro sa Stephen niya. Tsk. Gusto ko sana tawagan pero wala nga pala akong load para diyan. Naka unli tingi lang ako ngayon at mae-expired na siya in less than fifteen minutes. Pero, mukhang mauuna pa mamatay yung baterya ng cp ko. Nakalimutan ko na naman kasi mag charge.

Tinry ko nalang i-text si Rizza, pero wala rin. Ano ba yan! Habang papasok ako sa main gate ng University,  may nakita akong landline sa lamesa ni Kuya Ramon, Chief ng security. Walang no choice. Lumapit na ako sa kaniya para makitawag. Sakto kasi may landline sa bahay nung kambal. 

"Chief, pwedeng makitawag? Saglit lang, promise." Tumango siya sa akin kaya dial naman agad ako. Buti naman at ilang ring lang at may sumagot na. "Hello? Si Chase po ito. Pwede po kay---" Todo 'po' ako kasi baka sila Tita yung maka-sagot eh.



'MABUHAY! This is the Gallado residence ...'

Kumunot ang noo ko. Kilalang-kilala ko yang maarteng boses na yan. Yung boses na sobrang tinis na kapag narinig mo para kang pinipitik sa sentido. Kay Franz yan eh. Anong ginagawa niya kela Rizza? Ang aga-aga pa ah.

"Si Cha---" tinry kong sumingit sa sinasabi niya pero useless lang. 




'If your fez is oily, PRESSED POWDER.' 





Ano na naman ba yan. Daming alam ah. Tsk.



'If you are relijus, PRESS THE LORD ..'




Sinubukan ko ulit sumingit.

"Hoy bak—" 



Pero wala eh. Nangingibabaw talaga yung boses niya.


'If you're Daniel Padilla, PRESS ME!' tili niya pa. As in tili na sobrang sakit sa tenga. Naimbyerna na ako pero pinatapos ko nalang din. Nung sa tingin ko eh okay na siya, tsaka palang ako umimik. 


"Oh, ano Francisco? Okay na? Tapos na?"


Ilang Segundo pa yung lumipas bago siya nakasagot. 


'Eneveh.. Bebs ikaw lang pala 'yan.'



Tsk.



"Oo nga, kanina ko pa nga sinasabi eh. Itatanong ko lang sana kung anong oras--"


Bigla na naman kumunot yung noo ko dahil sa narinig kong bulung-bulungan. Hindi ko maintindihan yung sinasabi pero I'm sure si Rizza yung kausap niya.



"Hoy, ano yan, ha?" 



'Ah eh, wiz becks. Wiz! Don't mind na si atashi. Ano bang bet mong italak at napa calling ka ditey sa fonilet ng mga Gallado? Uso magtext, Te. Kalurkey ka."



Okay ang gulo niya kausap. "Di kita naintindihan and nag text po ako, wala ni isa nag rereply sa inyo. Anyway, gusto ko lang itanong kung ano oras ung gig mamaya? Di ko kasi ma contact si Clarence."


Imbis na sumagot, bulung bulungan na naman yung narinig ko mula sa kabilang linya. 




"Hoy! Bakit ba kayo nag bubulungan?"



Sa halip na si Franz, si Rizza na yung sumagot. 


'Ah. Wala Chase. 7:30 yung start. Tayo yung unang tutugtog kaya medyo maaga. Okay lang naman diba? Maaga din tayo makakauwi.'



"Ah, okay sige. Oo nga pala, bakit hindi ma contact si Clarence?" tanong ko pa na sinuklian niya lang ito ng katahimikan. Iba na yung pakiramdam ko dito. Parang may itinatago sila. "Ui Riz? Andyan ka pa?" 

'Ah, oo andito pa. Hindi ko alam, Chase. Hindi ko kasi ka text si Clarence. B-baka nasa school na kaya hindi mo ma-contact. May .. may ano. may..  exam.. oo, may exam kasi sila. Nakapatay phone nun.' sagot niya naman. Pautal-utal. Hindi convincing. Pero pinalampas ko nalang. Ang sama na kasi ng tingin sa akin ni Kuya Ramon. 



"Ah okay, sige sige. Kitakits nalang mama-- ay oo nga pala. Saan pala tayo magkikita?" Muntik ko pa makalimutan yung place. Hindi rin kasi nabanggit ni Nic. Yung lalaki na yun talaga.



'Sa labas nalang ng compound ng school mo. Daanan ka nalang namin, Chase.'




"Sige, kitakits nalang." 


Pagkababa ko ng phone, nagpasalamat na ako kay Chief na naka arko na pala ang mga kilay sa mga oras na ito. Ilang minutes din naman kasi yung inabot ng usapan, thanks to Franz.

Palakad na sana ako ng bigla ko matanaw yung shirt na suot ng isang student. Kaparehas na kaparehas nung suot ni Chief. Usually kasi naka long sleeve na puti yan pero naka casual kasi siya ngayon. Anyway, yung suot nila same ng kulay at nang design na pangalan ng school sa likod. Nagtaka ako. Wala kasi ako maalala na ganyang org shirt dito at kung meron man, bakit pati Chief ng Security nakiki org shirt? 

Napansin ata ni Chief na palipat lipat yung tingin ko sa damit niya at doon sa student kaya nag ka ideya siya na medyo clueless ako.  

"Color coded tayo. Nakita mo yung nakaharang na lamesa na yun?" sabi niya pa sabay turo dun sa ... sa nakaharang nga na lamesa. As in nakaharang nga kasi dahil nasa gitna. May tape pa sa magkabilang gilid. Tipong hindi ka makakapasok ng main school building without their approval. Ano ba meron? Hindi naman ito nabanggit sa meeting eh.

 "Diyan ka bibili ng t-shirt. Stop light party ata eh. Tugs tugs! Oh diba? Bongga!" dagdag niya pa. Napangiwi ako dun sa huli niyang sinabi. May kasama kasing pilantik yung tono. May lambot. May arte. Napalingon tuloy ako sa kaniya. Pero, hindi na ako nag comment syempre. Wala nalang basagan ng trip. Si Chief naman patay malisya lang. Parang walang nangyari. Hinayaan ko na nga.


"Anong stop-light party, Chief?" tanong ko. Ngayon ko lang narinig 'yang ganyang klase ng party. 


"Gimik ng Student Council. Color coded ang t-shirt na suot base sa iyong relationship status. O diba? Bongga-- I mean, bili ka nalang dun kay JD. Required lahat eh. May ibang colors silang dinagdag this year." 


Tumango nalang ako kay Chief Ramon. Diretso lakad ako habang nag e-echo yung salitang 'bili' sa isip ko. Tsk. Gastos na naman at sino pala si JD?

Paglapit ko dun sa lamesa, sinalubong agad ako ng isang babae na naka baseball cap. Naka upo siya kanina pero nung nakita niya ako na palapit, bigla siyang tumayo. Bigla din ako nagulat sa height niya. Hindi ko alam yung eksaktong measurement kaya sabihin nalang natin na hiyang hiya yung stature ko kung ikukumpara sa kaniya. As in, hiyang hiya talaga. 

"Yo!" sabi niya sa akin sabay akbay. Nangalay tuloy bigla yung balikat ko. "Single? In a relationship? It's complicated? Reserved? or forever alone?" sunod sunod niya pang tanong. 

"Uh---Single po. Bakit po--?" Hindi na ako pinatapos ni Ate kasi sa isang iglap kumuha siya ng kulay green na shirt mula sa isang box na nakalagay sa ilalim ng lamesa. After niya ata i-check yung size, bigla niya ito ibinigay sa akin. 



"Oh, murang mura lang. 450 Pesos." 


Nakangiti si Ate habang ako naman nakanganga. Grabe naman kasi. 450 talaga? Hindi ko matanggap. Wala akong pambili niyan. 

"Oh? Ayaw pa? O sige sige, mabait ako eh. Huling tawad--Aray!!" 


Nagulat ako sa palahaw ni Ate. Hindi niya na din naituloy yung gusto niyang sabihin.  May humampas kasi sa ulo niya. Napalingon tuloy kami bigla. Nakita namin ang isang nakapamewang na babae. Kilala ko siya. Si Ate Debbie. Vice President ng Student Council. Pol-Sci major 'to. Siya yung umattend nung meeting last week. Nag ka-diarrhea daw kasi yung Student Council President. 



"Punyeta ka talaga Justine! Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap, letse ka!" 



Umismid si Ate JD. "Namimiss mo na naman ako? Grabe naman, Debbie Ann. Wala pang isang oras na hindi tayo nagkikita ah. Napaka clingy mo! Give me some spa--" Hinampas ulit siya sa ulo ni VP kaya hindi na naman naituloy ni Ateng Justine pala ang pangalan yung emote niya. "ARAY NAMAN!" palahaw niya pa. 



"Ako'y tigil-tigilan mo ha, Justine Dimagiba. Kanina pa nag-iinit itong ulo ko sa'yo. Ang dami pa dapat asikasuhin sa loob dito mo pa napiling pumwestong, letse ka! Sinabi ko ng si---" This time si VP naman ngayon ang natigilan sa pagsasalita. Sinundot kasi ni Ate Justine yung labi niya sabay


"Deb, barya ka ba?" Pipick up line pa ata. Ayos.

Hinampas naman ni VP yung daliri ni Ate Justine bago nagsalita. 



"Bakit?" 



"Kasi umaga pa lang, kailangan na kita. Ahihi." hirit pa ni Ate JD.



"Ahihi mo yang mukha mong letse ka. Bumalik ka na dun sa office at baka hindi kita matantiya eh. Nag didilim na ang paningin ko sa'yo."



Para namang batang nalugi si Ate Justine na lumakad palayo. Pakamot kamot pa ng ulo. 


"Chase, diba?" tanong ni VP. May introduction kasing naganap nung meeting. Natandaan niya pala yung pangalan ko kahit madami dami din kaming mga scholar. Tumango ako. "Pasensiya ka na. Medyo pasaway kasi ang Student Council President natin." 


Ahh.. so si Ate Justine pala ang President. Siya din siguro yung JD na tinutukoy ni Chief. Justine Dimagiba. Siya din yung nag diarrhea.



"Ah, okay lang po. About nga po pala sa shirt--" 



"Three hundred lang para sa'yo. Kapag kasi large and extra large, 450. Since tingin ko ang kasya sa'yo eh extra small, 300 lang." paliwanag pa ni VP. Kahit naman two hundred nalang yan wala pa rin akong pambayad. Nakaka insulto din yung extra small ha. Ano ba yan. 


"Ate, wala pa po akong pera dito. Pwede po ba mamaya nalang ako bumili niyan?" 




"Ah ganun ba? Sure, no prob. Anyway, may sarili naman kayong shirt sa Scholar's. Pero sana bili ka pa rin nito ha? Yung proceeds kasi na makokolekta dito diretso sa charity na sinusuportahan ng University natin." 


Ahh.. ayun naman pala. 



"Sige po. After po ng program ng Scholar's bibili ako." 



Ngumiti lang si VP. Diretso lakad na ulit ako.




...


After ng NSTP class ko bumalik na ako sa Main Building. Mag start na kasi ang 'Harana4Hire' ng Scholar's. After naman noon, wedding booth na. Wala na din afternoon classes kaya super saya ng lahat.

Ibang-iba na naman ang aura ng campus namin. Parang piyesta lang eh. Ganito pala dito. Big deal ang Valentine's. 

Pagdating ko ng Scholar's Office, sakto at mag uumpisa palang sa pag-aabot ng t-shirt yung President namin. Royal blue na may nakasulat na 'FREE HUGS' sa harap at likod.  Ang laki nung font at kitang kita talaga. 

Ilang saglit pa at tinanong na kami ni Pres. kung okay na daw yung mga na-assign sa amin. Wala naman sa aking problema dahil taga gitara lang naman ako. Napag aralan ko na yung chords. Nag research pa nga ako sa internet dahil yung iba hindi ko alam.


Dalawang request yung nakuha ko na kakailanganin kong kumanta then the rest taga tipa nalang ng gitara. Yung isa dun para sa isang lalaki sa College of Arts and Sciences. 

Pero yung isa pang request yung kakaiba eh. Specific kasi naka request yung pangalan ko. Tapos wala daw akong isasamang ibang taga Scholar's. Ako lang daw sapat na. Wala pang binigay na name ng song. Tanungin ko nalang daw yung haharanahin ko kung anong gusto niya. Kinakabahan tuloy ako. Paano kung hindi ko alam yung gusto niya? Tsk.



After ma-locate yung pinaka una sa list ng request, binigyan na kami ng go signal ng President namin.






Start na ang program.


















---------------------




Continue Reading

You'll Also Like

31.9K 1.2K 31
There is always a goodbye in their hellos. Lagi silang pinag tatagpo pero pinag hihiwalay ng tadhana. All they ever wanted in this life is to be happ...
69.5K 1.3K 20
Krull is a hopeless romantic girl na makikita ang tunay na pag ibig sa kanyang OCD boss called Janhae Tan.
47.3K 2.8K 16
Tulak ng bibig. Kabig ng dibdib.
9.8K 688 6
They hate each other most of the time . . . but they are also capable of existing together in harmony.