Torn between ex-lovers (EDITI...

Door LoveAnarchist

17.1K 135 82

A love triangle like no other. LoveAnarchist © Meer

Blurb/ Intro
Prologue
ATTENTION!

C1: Pulang Sombrero

1K 35 6
Door LoveAnarchist

Nakita ko siyang muli sa plaza kaninang umaga. Nakasuot siya ng pulang sombrero na siyang lalong nakadagdag sa pagiging misteryosa niya.

Noong ako'y pumasok sa Casa Alegria para magminindal kasama si Rosa ay nagkataong nasa kabilang mesa lang siya at ang mga kasama niya sa teatro. Nakaharap ako sa kaniya kung kaya ay kitang-kita ko kung gaano kaganda ang kaniyang buhok nung tanggalin niya ang kaniyang pulang sombrero. Humalimuyak ang amoy ng rosas noong gawin niya iyon. Sa palagay ko'y gumagamit siya ng pabango na gawa sa katas ng rosas kung kaya ay ganoon na lamang iyon kabango.

Habang kami ay kumakain, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanilang gawi. Napakaganda ng mga ngiti niya. Nabato-balani ako sa kaniyang ganda. Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil simula noong una ko siyang makitang magtanghal sa teatro ay talagang hindi na siya maalis sa isipan ko. Maaaring ito ay paghanga lamang dahil sa angkin niyang galing sa pagarte. Ngunit ako ay talagang nahihiwagaan sa babaeng iyon at sa damdaming ngayon ko lang naramdaman mula noong una ko siyang nakita.

Nagugulumihanan,
Maria

------------------------------

Chapter 1:
Pulang Sombrero

"Uy beb! Trending ka na naman ah?" Bungad ni Ara sa akin. Nasa top ten trending list kasi sa forums at groups ng Wattpad yung bagong update ko. Hashtag: I love the fandom.

"Sshh! Somebody might hear you." Singhal ko sa kanya.

"Oops! Sorry naman." Sabi niya at naupo na sa tabi ko. We're here in our school's library.

"So? Anong balak mo? Balita ko APC's been asking Poging Pinay to be their exclusive writer ah?" Usisa niya.

"Well, tama ang nabalitaan mo. And my plan is.. To think a hundred times bago ko kunin yung offer." Sagot ko sa kanya. Sa totoo lang, gusto ko yung offer. Pero natatakot akong malaman ng lahat, maging ng parents ko, na ako si Poging_Pinay. Mahirap na.

"Bakit naman? Akala ko ba gusto mo nito?" She asked. Patagong sumusubo na naman ng chips galing sa bag niya.

"You know why." Tipid kong sagot.

"I see." Sumubo na naman siya ng chips. Naiirita ako sa crunchiness nito na nage-echo sa side ng library kung nasaan kami.

"Tigilan mo yan. Akala ko ba magda-diet ka na?" Tinitigan ko siya ng masama.

"Cheat day." Ngiti niya at sumubo ulit ng chips.

"Cheat day? Eh kahapon yun di ba?" Singhal ko ulit sa kanya.

Sumubo pa siya ulit ng chips bago sumagot, "Sa Monday ko na sisimulan mag-diet." Natatawa pa siya. Umiling-iling na lang ako.

Nanahimik na rin siya pagkatapos nun. Pero syempre, naririnig pa rin yung crunch sa bawat kagat niya ng chips. Nagbasa na lang ako ng libro. Tutal wala naman na kaming ginagawa. Tapos na ang practice for graduation at ayos na ang lahat. Last day of school na namin at sa Monday na ang senior high graduation.

"Let's go to the grad ball beb." Oops! Sabi ko na nga ba eh. Eto na naman po kami.

"Ayaw ko." Tipid na sagot ko without looking at her.

"Sige na beb! Last na party na natin 'to bago tayo mag college." Pilit niya.

"Beb naman, alam mo naman di ako mahilig. Saka isa pa, magde-dress na naman ako. Ayaw ko na."

I remembered senior prom night and it was horrible. Pinagsuot ba naman ako ng babaeng ito ng very uncomfortable dress at heels. I didn't even enjoyed the night dahil sa dami na rin ng nakakairitang gustong magsayaw sa akin. Sa totoo lang, I'm really looking forward to graduation day. To avoid those boys that goof around me. Okay, sorry naman pero di sa pagyayabang ah.. May mga nanliligaw kasi sakin sa school kahit na di naman ako nagpapaligaw. Ganun ako ka-pogi mga tsong!

"Hi Minerva.." Bati ni Julio, ang number one na pinaka makulit na manliligaw ko raw kahit na ilang beses ko na siyang tinanggihan o binasted.

"Hi Juls!" Bati ni Ara sa kanya with a dreamy look. Lagi yang ganyan eh. Well, gwapo naman si Julio. Actually maraming nagkakagusto dito eh. Di nga lang talaga siya yung tipo ko.

"Ito oh para sayo Minerva." Akmang ia-abot na niya sakin yung box ng chocolates pero agad na inagaw yun ni Ara.

"Ay hindi mahilig si beb dito. Akin na lang ha?"

Wala ng nagawa si Julio. Deadma pa rin ako.

"Ah.. Mine.." Pakamot-kamot pa sa ulo na sabi ni Julio.

"Ano?" Tanong ko.

"P..pwede ka ba sa ano.. Sa.." Nauutal niyang tanong.

"Sa grad ball?" Singit ni Ara.

"Ah eh.. O..Oo sana.." Nauutal na sagot niya.

"Hindi pwede. I'm not going to the grad ball. Better ask anyone else. Ask Ara instead." Seryosong sagot ko. Sumambakol naman yung mukha niya. Sinenyasan ko naman si Ara.

"Oo nga. Ako na lang i-date mo." Ngiti niya kay Julio.

"Si..sige." Sagot naman niya. Hindi naman mukhang napilitan.

"Di ka napilitan niyan ha?" Tanong ni Ara.

"Ah eh.. Hindi naman naisip ko na rin na tatanggihan ako ni Minerva." Nahihiyang sagot ni Julio sa kanya. Siguro para di na rin hassle.

"Yey! Sige na. Busy yan si beb." Simpleng pagtaboy ni Ara sa kanya. Pero halatang kinikilig din 'tong si Beb.

Nung nakaalis na si Julio ay saktong natapos ko na rin ang binabasa kong libro.

"Tapos ka na? Let's eat meryenda." Aya sa akin ni Beb nung akmang isasauli ko na yung libro.

"Sige. Nagutom ako bigla." Sabi ko na lang. Paano kasi, itong kasama kong nagyayaya ng meryenda, eh kanina pa kumakain. Nakakaloka rin 'to eh.

We headed straight to ate's coffee shop. At himalang konti lang ang tao ngayon dito.

Si Beb na ang nag-order ng meryenda namin, alam naman na niya ang gusto ko. Iniabot ko sa kanya yung pera ko pero tinanggihan niya. Libre niya daw.

Wednesday ngayon, at wala dito si ate kaya di na ako nag-abalang hanapin pa siya kay Jill, yung manager nitong coffee shop. Best friend siya ni ate, na siyang kapatid ng girl friend niyang si Jack, Jackielyn. Kulit nga eh, Jack and Jill pero baliktad. Si Jill, o Jilliem ay lalaki at si Jack naman, o Jackielyn ay babae. Ang gara di ba?

"Beb! Wala si ate Venus dito?" Tanong ni beb na dala ang tray na may lamang slice ng cheesecake at isang cinnamon roll.

"Wala. Wednesday is J and V day di ba?" Sagot ko.

"Oo nga pala. Sweet talaga nila 'no?" Biglang naging dreamy si beb Ara at parang nag-iimagine ng kung ano habang sumusubo ng cheesecake.

"Si Julio siguro iniisip mo?" Kantiyaw ko sa kanya.

"Ha?! Hi..hindi ah!" Gulat na gulat yung reaksiyon niya.

"Oy Ara Katherine Mendoza! Kung yang bilbil mo nga, ang hirap na itago. Yung feelings mo pa kaya?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Mocha frappe for miss Ara and caramel machiatto for miss Mine!" Tawag nung barista, na bago lang kaya di ko alam ang pangalan. Agad-agad na tumayo si beb at kinuha yung order namin.

"Ito sayo oh." Nahihiya niyang sabi pagkabalik niya sa table namin.

"Sa akin ka pa nahiya beb? Tagal-tagal na natin mag-bisprin!" Pagpapatawa ko sa kanya. Natutuwa kasi talaga siya sa accent ni nanay Let.

Natawa naman siya. "Beb naman eh. Crush ko lang naman si Juls. Kaso ikaw yung bet kaya crush lang." Paliwanag niya.

"Alam ko naman. And I'm happy for you. At least kahit papano naka-move on ka na.." Ngiti ko sa kanya.

Alam ko naman kasi yung pinagdaanan nitong best friend ko. At kung nagsisimula na siya ulit na magkaroon ng crush, ibig sabihin nun ay unti-unti na ang tuluyan niyang pagmo-move on sa mga nangyari sa kanya in the past.

Isa na lang talaga ang kailangan naming ayusin para tuluyan na siyang makahanap ng bago, at maging masaya na siya. Ang kanyang diet. Nag-stress eating kasi 'to nung na-depressed siya. Though dahil na rin sa medications niya na may steroids para sa kanyang asthma, lumakas talaga siyang kumain nung na-heartbroken siya sa huli niyang girlfriend. At hanggang ngayon, malakas pa rin siya kumain, kaya tumaba siya. Ang sexy rin kaya nito dati.

Isa rin si Ara sa mga inspirasyon ko sa pagsusulat. Bukod sa LGBT themed ang stories ko, I empower womens rights and feelings sa mga akda ko. Yes, I write with feminism. Simula kasi ng naging aware ako sa lesbians, naging aware na rin ako sa mga kwento nila. Sa mundong mas dominante ang mga lalaki, hindi na rin iba sa atin na mas mababa ang tingin ng ilan sa mga babae. Though that was ages ago, may ilan pa rin na ganun ang mentality. At lalong mas mababa ang tingin ng iba sa mga lesbians o gays. Dahil iba sila, mas maraming masaklap na kwento tungkol sa mga katulad nila. But by writing empowering stories about them, gives me hope na magkakaron ang mga katulad nila ng faith in humanity. Na hindi puro negative and hateful stories lang ang pwede nilang mabasa. Na merong mga kwento na makakapag-pagaan sa pang araw-araw nilang buhay. Though romance ang karaniwang genre ng stories na sinusulat ko ngayon, para naman may kilig silang maramdaman, nilalagyan ko naman ito ng makukulay na background stories mula sa mga taong nakakasalamuha ko, mga taong pinahahalagahan ko. Kasing kulay ng bahaghari ang bawat kwento na siyang nagre-representa sa kanila.

"What are you thinking?" Tanong ni beb.

"Kung anong diet plan ang babagay sayo." Palusot ko.

"You'll help me?"

"Yes of course. Ikaw lang naman kasi ang di sumusunod eh." I smirked at her. Totoo naman kasi. Siguro naging habit na kasi talaga niya ang pagkain. Plus, she doesn't exercise.

"Sige sabi mo yan ah?" She said and ate her cake.

"Yes, and we'll start with this cake." Hinati ko yung cake at kinain.

"What? Favorite ko yan beb!" Maktol niya.

"I know. Kaya kailangan umpisahan na natin dito sa favorite food mo." Ngiti ko sa kanya.

Nakabusangot lang siya habang kinakain ko yung kalahati ng cake niya. Favorite niya 'to at kayang-kaya niyang umubos ng isang buong cheesecake kaya naman medyo nagi-guilty ako.

"Daya mo naman beb eh." Maktol niya ulit. Natatawa naman ako sa reaksyon niya.

Matapos kong kainin ang kalahati ng cake niya ay tumunog ang phone ko. Nung chineck ko ay e-mail from APC.

"Ano yan beb?" Usisa ni Ara habang binabasa ko yung e-mail. As usual, gusto pa rin nilang malaman kung anong sagot ko sa offer nila. Pangatlong e-mail na nila ito sakin.

"E-mail from APC." Mahinang sagot ko sa kanya.

"So.. Tatanggapin mo na yung offer?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko pa alam. Gagawa pa ako ng conditions ko bago ko tanggapin yung offer." Bumuntong-hininga ako pagtapos. Ito na yun eh. The biggest publishing company in the country wants me to be their exclusive writer. Pero natatakot akong mabunyag ang identity ko sa lahat, at ayokong mangyari yun.

Kinuha ko yung notebook at pen ko sa bag saka nagsimulang isulat ang ipapadagdag kong conditions sa kontrata kung sakaling tanggapin ko nga yung offer. Mamaya ko na lang ie-encode 'to sa laptop paguwi saka ko ie-e mail sa APC.

"Oh em gee! Beb!" Tawag sa akin ni Ara.

"Oh?" Di ko pa rin inaangat ang paningin ko sa kanya kaya di ko alam kung ano ba yung kinaeexcite niya.

From my peripheral view, nakita kong may taong nasa tapat ng table namin. Naka-pink kicks ito at ang puti ng binti. Nung nag-angat ako ng paningin, halos malaglag yung panga ko.

"Hi." She said and smiled so angelic I have to catch my breath.

"Oh em gee beb!" Excited na tawag sakin ni Ara.

"He..hello po." Utal kong sabi. Tapos ay tumayo ako para ma-meet ang gaze ng diyosang nasa harap ko. Na nakasuot ng pulang sumbrero.

Teka? Akin yun ah? Yan yung naiwan kong snapback nung isang araw.

"This is your cap right?" Tanong niya. Tumango naman ako syempre. Nakita ko kasi yung MS initials sa gilid, meaning akin nga yun. Paano ba naman, si nanay Let binuburdahan yung mga gamit namin ni ate dati. Siguro past time na niya yun kaya kahit wala na si ate sa bahay, ginagawa niya pa rin. Dati kasi nagkakapalit kami ni ate ng mga gamit dahil kadalasan ay pareho lang kami ng binibiling damit and jeans, iisa lang din kasi ang walk in closet namin. Kaya para di magkapalit yung mga gamit namin, nilalagyan niya ng initials namin. Kay ate VS, sa akin naman ay MS.

"I'll return this to you if, you'll let me share the table with you." Kumindat pa siya sakin. May dala siyang tray na may laman na isang cup ng cappucino at isang cinnamon roll.

"Sure miss S!" Excited na excited na sagot ni beb na para bang siya yung tinanong.

Ngumiti ulit yung diyosa. Tumango naman ako at inoffer ung seat sa tabi ko. Tinanggal niya yung snapback ko at dahil dun ay nalaglag ang nakapalumpon niyang buhok. Ang bango-bango niya, amoy raspberries. Perfect ang pagbagsak ng alun-alon niyang buhok, na para bang nasa commercial siya ng shampoo and conditioner. At kung ano mang shampoo at conditioner yun ay maeengganyo talaga akong bilhin dahil sa ganda ng buhok niya.

"Here. Thanks to your cap. I got here alive." Abot niya sa cap ko. May kinuha siya sa bag niya at isa itong mask. Sinuot niya yun at bibig na lang niya ang kita.

"Sorry, I have to wear this so that I can enjoy my coffee." Sabi niya habang tinatanggal niya yung suot niyang jacket. Ngayon, naka-tank top na pink at shorts na itim na lang siya. Mas lalo siyang sumexy dahil dito. Plus yung mysterious effect pa ng mask.

"Grabe beb! You didn't tell me kilala mo si miss S!" Medyo pabulong pero excited na sabi ni Ara.

Hindi ko rin alam. Ang bilis naman yata niya makaalala ng mukha ng tao? Lalo na at marami siyang nakakasalamuhang tao sa araw-araw. How come na naalala niya pa ang mukha ko?

Isang beses pa lang kami nagkita. At sobrang saglit lang nun.

So how in the world did she recognized me that easily?

"I know you. Di ba kapatid mo si V?" Ngiti niya sa akin.

"Kilala mo po si ate V?" Inunahan ako ni beb magtanong.

"Yes. She's a friend of mine." Polite na sagot ni miss S.

"Napaka-secretive ni ate. Wala po siyang kinekwento samin." Nahihiya kong sabi. Grabe yun si ate. May kaibigan pala siyang diyosa tapos wala man lang siyang kinekwento?

"Well, I know her. She won't brag about having a friend like me. Saka wag niyo na akong pino-po. Hindi naman nalalayo mga edad natin. Just call me Solenn or Sol for short." Ngiti niya samin.

"I can't believe this!" Bulalas ni beb. Eksaherada man, ganun din ang reaksiyon ko sa isip ko. Hindi rin ako makapaniwalang nakikipag-usap sa amin si miss S.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa natapos na namin ang meryenda namin.

"I have to go girls. Sa susunod na lang ulit." Paalam ni miss S sa amin. Pero bago siya tuluyang lumabas ng pinto, inangat niya yung mask niya at kinindatan ako.

-------------------------------

A/N: Chapter dedication to muzika24 for letting me use her name for Mine's bestfriend, Ara. :)

Edited and updated: March 3, 2018.
LoveAnarchist ©

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

2M 72.1K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
1.7M 78.9K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...