My First Love. My Last Love...

By embeelicious

3.9K 76 21

More

Dear, Readers:
Chapter 2. "to my ONE and ONLY Riri"
Chapter 3. Gio's Letter.
Chapter 4. Her Secret Admirer.
Chapter 5. New Found Friend
Chapter 6. Perfect Change.
Chapter 7. First Time
Chapter 8. Girlfriend and Girl Friend
Chapter 9. Eavesdropping
Chapter 10. Holy F*CK!
Chapter 11. Leah's POV
Chapter 12. Caught red-handed
Author's Note. :)
Chapter 13. After 5 Years.
Chapter 14. The Plan (Part 1)
Chapter 15. The Plan (Part 2)
Chapter 16. He's Back!
Chapter 17. Gio's POV
Chapter 18.
Chapter 19. Our new beginning?
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23. Mr. HotArrogant.
Chapter 24. Family Day.
Chapter 25. Mystery Place.
Chapter 26. Mystery Man.
Chapter 27. Quit Playing Games with My heart Mr.
Chapter 28. Mr. MM's POV
Chapter 29. Class first.
Chapter 30. Lo-ooong Monday.
Chapter 31. Memories (Part 1)
Author's Note Part 2! :)
Chapter 32. Memories (Part 2)
Chapter 33. Memories (Part 3)
Chapter 34. What a day!
Chapter 35. Mr. MM is.....?

Chapter 1. EVERYTHING starts here..

305 8 2
By embeelicious

Clarisse Ponce here! YooHoo!!

21 years old, single and ready to mingle. yay!

..if im 21 now, let's change it to 12.  

"balikan ang mga nakaraan"

yan ang iniisip ko ngayon habang nakatingin sa madilim na kalangitan sa tabi ng bintana.

why 12 years old??

simply because that's the time when i met my "first love" [cheesy huh?]

BECAUSE OF HIM! kaya ako naging ganito.  

[ First Year H.S ]

June 13, 2003 first day of my highschool life. new set of friends, new classmates and mga bagong tao din na sa tingin ko ay makakaaway ko balang araw :)) , bagong teacher, bagong libro, new sets of uniform, and this f*cking feeling.

 that f*cking feeling!

F*CK!

Pakiramdam na para bang nasa alapaap ako at hinaharana ng mga kerubin gamit ang harp when i first saw him. [12 years old pero kumekerengkeng na.]

Maputi, tirik ang mga buhok na kapag nahulugan ng butiki.. deads. Kung merun man akong ihahantulad sa itsura niya.. kamukha niya si.. Chace Crawford. hihi gwapo di ba?? [tingin sa kanan, kung gusto mong matunaw..]

he's name is Gio. [very cute name.] lahat na lang cute pagdating sa kanya.

our first day of school and our first time to exchange our hands.

"Hello! I'm Gio.. and you are...?"  agad kong inabot ang aking kamay at sabay sumagot ng "Clarisse... Clarisse Ponce."

"Nice Meeting You, Clarisse!" ang huli niyang nasabi bago dumating si Ms. Natalie, our adviser.

"GOOD MORNING CLASS!!!" ang mataray na pagbati ni Ms. Natalie.

[pero ang totoo, hindi naman talaga siya mataray... mmmm...  o sige na nga mataray na nga... medyo, she's kind and also kikay and talempot like me.]

"Class! some of you are my students when i was in elementary dept.. and because of that kilala ko kung sino ang makulit at maingay for short 'PASAWAY'.. kaya iaarrange ko na agad ang mga seat niyo.. lalong lalo ka na...MR!"

sabay turo kay..... Gio??

"Uy! ako na naman Miss? mabait na ako ngayon Miss. Promise!" ang pabirong sabi ni Gio.

agad kaming nagsitayuan sa mga kinauupuan namin bitbit ang mga bag namin at kung anu-ano pa ng biglang lumapit sa akin si Gio at sabay bulong ng...

"Sayang! ikaw sana tatabihan ko kung hindi lang umentra tong si Miss Natnat.."

na out of balance ako sa sinabi ni Gio at tila namumula ako na parang kamatis kasabay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

 oh gawd!!

~~~~~~~~~~

1 week na ang nakalipas at hindi ko pa din makalimutan yung sinabi niya sa akin pagkatapos  ng arrangement ng seat namin..

nakakatuwa kasi.... after all ako pa din at siya ang magkatabi. naks!

"Ang saya ko dahil ikaw ang katabi ko..

Ang saya ko dahil ikaw ang katabi ko..

Ang saya ko dahil ikaw ang katabi ko..

Ang saya ko dahil ikaw ang katabi ko.."

"F*CK!! stop it na Risse! please. oh gawd Gio, your making me insane.. haay" ang sabi ko sa sarili. [nababaliw na siguro ako no? hahaha nakaramdam ka din naman siguro nito.. hindi lang ako. :))]

 pero eto ako feeler.

feeling ko may meaning yung mga sinabi niya. pero i dunno. feeler nga ee

days... weeks... and months na ang nakalipas pero daig pa namin ang magGF-slash-BF kung magaway at mag asaran..

kopyahan kapag hindi kaya ng isa.

aawayin kung sino ang umaway sa isa.

share pag tinamad magbaon ng lunch ang isa.

gagawa ng project sa bahay namin kasama siya kahit di ko naman kagroup.

nangaasar pa kapag umiiyak ang isa. lalo na siya, ang sakit niya sa bones kapag nang aasar. kung di ko lang siya gusto nakoo!! nagpalipat na ko ng upuan.. at worst baka ng section pa.

para nga kaming kambal. pareho ang mga gusto namin. kilala na agad namin ang isa't isa. gamay na namin kung mainit ba ang ulo ng isa at tatahimik na lang yung isa.

'isa' AKO at yung 'isa' SIYA. 

kaya sobrang okay kapag nagsama. para bang pinagbiak na buko.

 -------------------------------------------------------------

"Does he like me too?" ang laging nasa isip ko.. iniisip kapag gusto pero naiisip ko padin kahit ayokong isipin. parang drugs lang. [shabu pa!]

ganito pala ang pakiramdam ng magkagusto no? ang galing. parang sa mga pelikula lang na napapanuod ko... pero ayoko nung ibang story kasi hindi happy ending. may namamatay, may nakukulong, may naghihiwalay kahit mahal nila isa't isa. ayoko ng ganun. gusto ko happy. :)

-------------------------------------------------------------------

 Akala ko naman, may mamumuong special 'thing' sa amin ni Gio. petiks na ko kasi akala ko magiging kami.. 

pero... mali ako. Akala ko lang pala. T_T

'AKALA KO'

akala ko lang pala. 

SH*T! yan word na "akala ko", parang baril yan kapag natamaan ka, DEADS.

madami ng biktima ng salitang yon! kasama na ako.. kasama sa listahan ng mga tanga. pinaasa at iniwan.

Pinaasa?? mm. sobra naman ata akong nagexpect. ayan kasi.. engot ko lang. ni wala nga ako narining sa kanya na "I Like You" mas lalo na ang "I Love You" .. 

feeler talaga ako. feeling ko we love each other.. e one sided love lang pala. AKO PA yun minalas na yon! tsk

--------------------------------------------------------------

matapos ang 7 months, napansin kong madalas na siyang hindi regular pumasok. Bakit?? hindi ko din alam.. di pa naman kasi masyadong uso ang cellphone kaya mahirap ang communication.. pero may isa pa naman way para makausap ko siya... ni hindi ko nga alam bahay niya e.. buti na lang at meron akong number ng landline niya.

kasi 2 weeks pa lang ng pasukan kinuha ko na agad agad lahat ng landline number ng mga classmate ko. [may phone book ako no, di lang cellphone ang merun nun.]

agad akong umuwi at kumain ng miryenda sabay hawak sa telephone at dinial ko ang number niya. 2 ring lang at may sumagot na agad..

"Hello? Sino to?" ang sagot sa kabilang linya.

"He-hello po. Good Afternoon po pwede po bang makausap si Gio?" ang sabi ko naman sa lalaking mahinahon lamang magsalita. Siguro kapatid niya.

"Saglit lang" sabi niya sabay sigaw ng "GIO! TELEPONO! si Clarisse mo siguro to!" aww ang sakit sa tenga. Hello! nasa tapat lang ng bibig mo yung phone nung sumigaw ka. natanggal ata eardrums ko. 

"...pero bakit alam nila pangalan ko? ni hindi nga ako napunta o natawag pa sa kanila.. at sakto namang ako nga talaga yung tumawag. Clarisse niya daw?? tama ba narinig ko??? f*ck." sinasabi ko sa sarili ko habang hinihintay si Gio sa kabilang linya.

"Hello? Sino to? Ako na to si Gio." ang sabi sa kabilang linya.

"Gi---Gio! ako to.. si Cla-clarisse." ang utal kong sagot.

"Alam ko naman ikaw yan e. Bakit napatawag ka? Miss mo na ako no?" ang pabirong sabi ni Gio.

"Oo naman. tagal mo na kasi hindi napasok.. hindi ka pa ba magaling?? ano bang sakit mo kasi? ang daya daya mo naman sa iba ko pa malalaman na may sakit ka.. " ang patampo kong sabi.

"Sorry na. Ano kasi... ano..." ang utal niya din sabi.

"anong ano? puro ano na lang.. anu ba kasi?? may problema ka ba? may nambubully ba sayo sa school kaya di ka napasok?? LBM??? hindi siguro kasi 1 week ka na hindi napasok sobrang LBM naman yun o baka naman.... 'katam' lang yan??" ang madaldal at walang katapusan na mga tanong.

"Clarisse.. makinig ka lang ha, wag mo kong sisigawan o pagbabagsakan ng telepono. Swear?"

nag 'oo' na lang ako kahit nanlalambot at kinakabahan ako sa sasabihin niya..

"Swear?" ang ulit na tanong niya.

"Oo nga. Swear!" ang sagot ko naman.

"Clarisse. wala akong sakit.." ang mahinahong pagkakasabi niya.

"O! yun naman pala e. sabi na nga ba katam lang yan.. pasok ka na ha??" ang sabi ko na may halong lambing at pangaasar ng biglang naibagsak ko ang telepono sa sahig sa sunod niyang mga sinabi..

ang sakit.. totoo ba talaga? o panaginip lang?? natauhan lang ako nung nagalit si mama nung narinig niyang nalaglag ang telepono sa sahig.

"Hello? Hello? Clarisse??" pinapakinggan ko lang siya habang sinasabi niya ang pangalan ko ng paulit ulit.

"Riri! wag ka naman ganyan.. kausapin mo ko.. di ba nagswear ka kanina lang..? diba?? HELLO??"

'Riri' tawag niya sa akin samantalang ako.. 'Gigi' tawag ko sa kanya.. parang galunggong lang.

"Nagbibiro ka lang diba?" ang sabi ko na tila iiyak na ko.. gumigilid na yung mga luha sa mata ko. kaya agad akong pumasok sa kwarto at iniangat ang extension na telepono sa kwarto at ibinaba naman ang nasa salas.

"Bakit di mo agad sinabi sa akin? bakit tinago mo?? sasabihin mo lang kung kelan nagtanong lang ako?? e paano na lang kung di ako nagtanong?? di mo na lang sasabihin tapos iiwan mo na lang ako?? alam ko hindi mo ko girlfriend para magsalita ng ganito pero ano mo ba ako?? besfriend mo ako diba?? bakit ganun?" ang sabi ko sa kanya habang umiiyak na ako.. hindi ko na kasi mapigilan. shit.

para bang.. dinudurog puso ko. mali ako.. Happy Ending??? f*ck ang nagpauso ng salitang yan. di din pala totoo talaga. alam kong bata pa kami.. pero anong magagawa ko kung nakaset na yung utak ko sa salitang iyon?? kahit ba hindi niya sinasabi sa akin na gusto niya din ako.. ako sa tingin ko kasi.. mahal ko na talaga siya.

 MAHAL?? isa pang word na kapag tinamaan ka at umasa ka na mahal ka din ng taong sinabihan mo nyan, para ka lang naman daw nasipa ng kabayo or mas worst pa don e ang mahulog sa kumukulong putik ng bulkan. [OA ba? yan kasi feeling ko e. :( ]

"Sorry Riri.. biglaan ang pagmimigrate namin sa London. kaya hindi ako pumapasok kasi inaasikaso na namin yung mga papers na kailangan namin.. at sabi din naman ni mama na sayang lang ang oras kung papasok pa daw ako.. hindi ko din naman daw pa maitutuloy yun." ang sabi niya..

 oh gawd! am i dreaming???? i mean hindi siya good dream kung hindi nightmare.

"hindi mo ba naisip yung mga taong nagaalala sayo? na akala kung ano ng nangyari sayo? ako?? di mo man lang ba naisip na sabihan agad ako?? para naman nakapagready na ako.."

"...mahirap." ang maiksing sagot niya.

"ako hindi ba ako mahihirapan sa ginawa mo?? alam mong nasanay na ako na lagi kang nasa tabi ko.. na laging naka 'Gio'.. paano na ko??" ang pagalit pero mahinahon kong sinabi sa kanya..

hindi ko na natiis kaya nasabi ko ang di ko dapat sinabi. tanga lang. nadala ng emosyon kaya pati iyon nasabi.

"Mahal na kita Gio."

BOOM! lalong pinalala ko lang.

tumahimik lamang siya na para bang ayaw niya ang sinabi ko.. umiyak na ako ng umiyak.. kaya nagpaalam na lang ako sa kanya.

"Kung di ganon yung feelings mo sa akin. okay lang naman.. pero wag mo na lang sana kalimutan yung mga pinagsamahan natin kahit na ba 8 buwan lang yon. Sige, ibababa ko na to, bubye Gio."

bababa ko pa lang ang telepono pero parang narinig ko pa siyang nagsalita pero di ko na lang pinansin baka mas lalong masakit lang ang mga sasabihin niya.

isang linggo na naman ang lumipas. di na talaga siya pumasok. sa Feb 3 daw ang alis nila. Anong petsa na ba...

 Feb 2 na.. so meaning... bukas na.

nakapalumbaba ako habang nagkaklase. para kasing buhat ko yung mundo sa bigat. 

ang bigat bigat. feeling ko nakaupo si santa claus sa likod ko bitbit ang mga regalo na pamimigay sa mga bata.

kinulbit ako ng nasa kabila kong katabi.. si Girlie Padua. Girlie pero lalaki kung gumalaw. kapag tinawag mo siya sa pangalan niya tiyak na matatakot ka sa malalaki niyang mata dahil talagang pandidilatan ka niya sa galit. kaya 'Phadz' ang tawag namin sa kanya.

"Clarisse! bukas na aalis si Gio.. nabalitaan ko kasi sa kapatid ko.. bestfriend kasi ng utol ko yung utol ni Gio." ang mahinang sabi niya sa akin habang nagkaklase.

"Ms. Padua!!" ang sigaw ng teacher namin ng Math.

"Sorry po Miss Castillo"

bumulong uli ito sa akin "mamaya punta tayo kela Gio" at agad naman akong tumungo.. half ng sarili ko tumututol sa gagawin namin pero half din naman ng sarili ko ay gusto at sabik makita si Gio.. for the last time.. maybe.

--------------------------------------------------------------------------

After ng class ay nasa may main gate ako at iniintay lumabas si Phadz kasi cleaner siya kaya matagal siya bago nakababa.

"Clarisse! sasabay ka ba sa service?" ang tanong ni Kuya Goryo. ang driver ng service namin.

"hindi po. Magcocommute na lang po ako may iniintay pa po kasi ako tsaka may project po kami. Tumawag na po ako sa bahay at nagsabi na po ako kay mama. Thank You po!" ang sabi ko sa kanya sabay alis ng maingay na jeep.

kinakabahan ako.. hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi pero no choice. bukas na alis niya.. baka hindi ko na talaga siya makita kapag hindi pa ako pumunta.. nananakit ang tiyan ko. ganito kasi ako kapag kabado at natetense.

maya maya ay dumating na si Phadz.. 

"Tara??" ang tanong niya sa akin sabay turo niya sa blue na car.. Kuya niya sumusundo sa kanya kapag cleaner siya kasi hindi din siya nakakasabay sa service niya e ang layo pa naman ng bahay niya sa school.

agad kaming sumakay at tumungo kung saan nakatira si Gio. alam niya daw ang bahay ni Gio kasi sumasama siya kapag sinusundo ang kapatid niya kela Gio kapag may project ang mga ito.

"teka... parang alam ko itong street na to Phadz?" ang takang sabi ko sa kanya.

"talaga?? bakit taga dito ka din ba?" ang tanong niya sa akin

"hindi. sa kabilang street yung bahay namin.. pero...." nagulat ako kung saan kami tumigil.

bahay ni Gio.... tapos katabi lang ng..... dati kong school noong elementary pa lang ako.. F*CK!!

nakatayo lang ako ng matagal kasi inaabsorb ko pa talaga yung pangyayari e. 

"nakita ko na kaya siya dati?" ang tanong ko sa sarili ko 

"Anong sinasabi mo dyan Clarisse?" ang tanong ni Phadz

"Ah! Wala. kasi eto yung school ko nung elementary pa ko. haha nakakatawa no. nasakto pa."

"ah talaga? ang galing naman." ang sabi ni Phadz.

Kumatok si Phadz sa may gate.

*tok tok*

"tao po??" ang sigaw ni Phadz.

May lumabas sa gate.. babaeng nasa 40's na siguro. maganda.. maputi.. lahi nila talaga ng mapuputi. nakakainggit.. kung si Gio gatas... ako Kape o pwede din namang Milo para cool. :)

"Good Afternoon po Tita! Andyan po ba si Gio?" ang bati ni Phadz sa Tita pala ni Gio.

"HA? naku! hindi niyo ba alam? namove ng mas maaga yung flight nila.. kasi kailangan na agad magreport nung daddy niya sa bagong work na papasukan niya" ang sabi niya 

nanlambot ako... talagang nanlambot ako at nagdilim ang paningin ko...

di ko alam na nawalan na pala ako ng malay.

--------------------------------------

masyado bang maaga ang first heartbreak ni Ms. Risse? oh well. sabi nga nila weather weather lang kasi yan.

So... ano sa tingin mo? nagstuhan mo ba??

kung Oo. VOTE, LIKE at COMMENT naman dyan. :)

sabay derecho sa next chapter. wooooooooosh!

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features