ZBS 4: Green Bee's Longing To...

By iamyourlovelywriter

2.1M 49.3K 2.5K

Teaser Masaya na si Diana sa buhay niya, she's free at walang lalaki sa buhay niya. May phobia kasi siya sa... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight-A
Chapter Eight-B
Chapter Eight-C
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C (spg)
Chapter Ten-A (spg)
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Chapter Ten-D
EPILOGUE (END)
Extra #1: MasterH's letter to Green Bee

Extra#2: A man who wants her as his woman

146K 2.7K 128
By iamyourlovelywriter

Extra#2: A Man Who Wants Her as His Woman


Kanina pa siya tipa ng tipa sa kanyang laptop, ka-chat niya ngayon ang bagong boss niya na developer ng mga online games and apps na kilala sa buong bansa. Being pregnant do have its luck you know, habang bored siya sa bahay dahil sa natapos na niya ang website para sa business ng kapatid niya ay pinagkaabalahan naman niya ang paggawa ng mga simple applications para sa mga bata.

Being a soon to be mother excites her the most, ganito pala iyon sa isip niya she wants the best for her child. And since she already know what technology can bring to her baby in the future kaya gusto niya kapag maexpose man ang anak niya ay hindi agad iyong brutal na brutal na mga laro ang mamumulatan nito. She want to make child friendly applications for her baby to enjoy, like nursery song na may mga cute and colorful background video. And soon, ipinost niya iyon sa kanyang Instagram account and before she knew it ay may tumawag na sa kanya. Isang game developer company, it's a small company though because the owner decided to make it small and not really huge. Yelena Kite Imperial-Andrada is her boss now, hindi siya nito pinipressure sinabi lang nito hanggang sa saan ang kaya niyang gawin at dahil wala naman siyang ginagawa kaya nagkaroon siya ng instant na trabaho.

Wala din namang problema si Warren sa desisyon niya, sinabi nitong as long as she is happy with it handa naman nitong tanggapin iyon. At sa tingin niya ay kung anong sabihin niya ay susundin nito, minsan ay gusto na niya itong batuhin. He is spoiling her and it's not that she doesn't like it hindi lang siguro siya sanay na masyado siyang pinagbibigyan.

"Wifey." Sinulyapan niya si Warren na kakapasok sa silid nila, he is wearing his pink apron again at wala namang pang-itaas. Swear, kapag nagkasakit si Warren wala siyang ibang sisisihin kundi ang pagiging exhibitionist nito. "Gusto mong dito kumain?"

"Bababa na ako." Inilapag niya ang laptop niya sa kama at saka dahan-dahan na tumayo. Medyo hirap siya sa pagtayo dahil nga sa papalaki na rin ang tiyan niya pero mas malaki pa rin ang tiyan ni Chloe because she's having twins. Noong umalis kasi ito ay buntis na ito at ng ikasal na ay limang buwang buntis na ang gaga and she's two months pregnant that time too.

And now she's four months habang si Chloe naman ay seven months, magkasabay pa nga sila minsan kapag nagpupunta sa hospital. Zyrene is pregnant too pati na rin si Karylle, kaya lang si Karylle ay nakunan sa first baby nito kaya medyo naging maingat na rin ang kaibigan niya. Ito na mismo ang nagpahinga sa pagiging pulis nito, Colton loves Karylle kaya alam niyang kahit na anumang mangyari ay aalagaan nito ang kaibigan niya.

"Kung sino man iyang nasa isip mo isasama ko sila sa lulutuin ko." Agad siyang napatingin kay Warren na biglang nagmaktol. Tinaasan lang niya ito ng kilay lalo na ng mapansin ang pagsimangot nito. "I promise isasama ko sila sa pagkain at ipapakain ko sa mga aso."

Hinampas niya ito habang pababa sila. "Para kang sira mga kaibigan ko lang naman ang nasa isip ko." Hindi pa man siya nakakatapak ng isang baitang ay nasa unahan na niya si Warren at mabilis siyang inalalayan na para bang bata na nagsisimula pa lang maglakad at muntik-muntikan ng mahulog. Napapabuntong-hininga nalang siya dahil alam niyang kabaliwan mang isipin pero natutuwa siya sa pagiging protective nito. Lalo na noong nalaman nito na nakunan si Karylle ay mas lalo itong naging OA sa pagbabantay sa kanya. "Hindi ako papayag na isasangkap mo sila sa pagkain."

"Huwag mo silang masyadong isipin kapag ako ang kasama mo nagseselos ako." Pinandilatan niya ito.

"Pati ba naman sila pinagseselosan mo?" hindi makapaniwalang usal niya dito.

"Ang kay Juan ay kay Juan, ang kay Pedro ay kay Pedro ang kay Warren ay kay Warren and I don't share." Ingos nito.

"Para kang bata." Angil niya.

"Basta ako lang ang isipin mo." Kinurot niya ito sa pisngi.

"Hindi pwede."

"Bakit?!"

Tumawa siya dito. "Kapag ikaw lang iisipin ko I swear kapag titingnan kita sa paningin ko nakahubad ka lang talaga."

Biglang nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya at namula ang teynga. "Sige- sige, isipin mo lang ako now na."

Nang-iinis na tumawa siya dito ng bigla nitong ibababa sana ang suot nitong shorts na naging dahilan kung bakit siya naman ang biglang nagulat.

"Warren!"

"Bakit ba?"

"Baliw ka talaga huwag mo nga demonyohin ang utak ka pambihira alam mo naman na masyadong weak ang katawan ko ngayon dahil sa hormones ko." Sita na niya dito.

"I hate you why don't you give in with your cravings with my body I am willing to give it to you." napalunok siya sa sinabi nito dahil nangseseduce na naman ito. Pinaparusahan pa rin niya ito, hindi siya pumapayag na ito ang unang lalapit sa kanya dahil alam niyang mamanyakin lang siya nito. In fairness kay Warren for two months now hindi talaga ito nagtangkang galawin siya kahit na ang totoo ay alam niyang nagpipigil lang ito. He respects her decision, kaya nga minsan ay nang-aasar lang talaga siya. Kapag lalabas siya sa banyo mula sa paliligo ay patay malisyang magbibihis siya sa harap nito and the next thing she knew nasa banyo na uli ito kahit na katatapos lang nitong maligo. Two months din itong tigang sinabi nga niyang pwede naman itong maghanap ng iba pero eexpect din nito na wala na naman siya sa bahay nito and all she get from him is a big NO!

"Sinuswerte ka ako pa rin ang boss dito no kaya ako pa rin ang masusunod at kapag sinabi kong bawal ay bawal talaga."

"Kahit hawak?"

Sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi pwede kahit hawak dahil alam mong wala akong immunity sa hawak mo."

"We can try."

"Stop seducing will you?"

"Natatakot ka lang." talagang sinusubukan nito ang pasensya niya pero hindi talagang ayaw niya.

"No thanks I am hungry." Hinawakan niya ang kanyang tiyan, sabi nga ng doctor ay maliit daw siyang magbuntis kaya hindi pa ganoon kalaki ang tiyan niya kahit na pang-apat na buwan na iyon.

Nakarating sila sa komedor at inalalayan siya nitong maupo, marami ng pagkain ang nakahanda doon at naghihintay na ubusin niya. Sinabi niya kay Warren na kapag tumaba siya ay makikipaghiwalay na talaga siya dito ang sarap kasi talaga nito... nitong magluto.

"Naduduwag lang yata ang wifey ko."

"Shadappp!" inis na pakli niya.

"We can try if you are really immune to my touch, kapag immune ka nga hindi na kita kukulitin hanggang sa makapanganak ka na pero kapag hindi ka immune I'll have your body anytime I want."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ayoko." Matigas na tanggi niya. She knew to herself na hindi talaga siya immune dito dahil kapag hahawakan siya nito ay hihiga lang talaga siya at maghih\intay sa susunod na gagawin nito. "Warren naman eh buntis ko." Reklamo niya dito. "And still sexy as hell just like the first time I saw you in the bar, you are still as gorgeous as before. Mas lalo ka ngang gumanda ngayon."

Namula siya sa papuri nito. "Hindi mo ako madadala sa mga salita mo na iyan." Pakli niya dito. Lumapit ito sa kanya at saka binuhat para maupo siya sa lap nito, sinusubuan siya nito ng pagkain and swear to God she could feel him getting too excited below her. "Warren."

"Kumain ka lang don't mind me." Paanong hindi niya ito ima-mind samantalang gumagapang ang mga labi nito sa ibabaw ng balikat niya dahil ang strap ng suot niyang pantulog ay unti-unti nitong ibinaba sa kanyang balikat. Nararamdaman niya ang mga labi nito sa kanyang batok na naging dahilan kung bakit nanindig lahat ng mga balahibo nito sa katawan.

"Shit!" mahinang usal niya habang itinigil ang pagkain dahil mabubulunan siya kapag kumain pa siya tapos ay nilalandi siya nito. Napakagat nalang siya ng labi, a part of her brain wants to have him but a big part of her brain said she doesn't want to but her body is responding to his touch.

Nanginginig na ang kanyang labi dahil hindi niya alam kung paano ito pipigilan, as a wife she do have her responsibilities to her husband kahit na sinabi na niyang ayaw niya muna. Nirespeto nito ang desisyon niya pero alam niyang may pangangailangan din ito. Napapikit nalang siya ng maramdaman niya ang pahalik nito sa gilid ng kanyang mga labi niya.

"Relax Diana." Bulong nito sa kanya. "I can wait until you are okay and ready for me." Napatingin siya dito hindi niya alam kung makakahinga ba ng maluwang or maguguilty dahil sa alam niyang hindi niya napupunan ang pangangailangan nito.

"It's okay Warren-."

"Ssshh... it's okay. I can wait, mas mahalaga ka keysa sa akin at mas makakaya kong wala iyon basta nandito ka lang. You are enough... more than enough for me Diana Rose." Napaiyak siya sa sinabi nito.

"I love you." bulong niya.

Lumapad ang ngiti nito. "That's the first time you said those words first and I guess everything is really worth it. You are worth it," hinaplos nito ang tiyan niya. "Worth it." Bulong pa uli nito sa kanya. "I love you Diana will you marry me again?"

Napasinghap siya sa tanong nito sa kanya, kasabay kasi niyon ay ang pagsuot nito ng singsing sa daliri niya. She is already wearing a wedding ring na isinuot nito sa kanya noong araw ng kanilang kasal. Tinanggal nito ang singsing na iyon at saka ipinalit ang isang diamond studded engagement ring.

"Itatapon na natin ito because I don't want you to wear something that doesn't resemble love. We are going to exchange wedding rings with love. Mahal na mahal kita Diana at si baby Denzel natin."

"Hanggang ngayon Denzel ka pa rin ng Denzel." Natatawang pinunasan niya ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata. Tears of joys.

"Of course it's our baby's name, if our baby will be a girl she will be named Denzel Rose."

"And if he is a boy?"

"He will Denzel Ross, just like your brother's name."

Napayakap siya dito. "Thank you for understanding Warren."

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko, will you marry me?"

Sunod-sunod na tumango siya. "Yes, I will marry you." at siya na mismo ang humalik sa mga labi nito na mabilis naman nitong tinugon.





"KAILAN ba ang kasal mo?" tanong ni Crischel sa kanya ng nasa Little Devil's siya. Kausap ni Warren si Heinz kaya naiwan siya na kasama si Crischel sa loob ng studio nito habang abala ito sa paglalagay ng frosting sa mga cupcakes na ididisplay nito sa little Devils. Nag-eenjoy siyang tingnan si Crischel gandang-ganda kasi talaga siya dito, para itong iyong mga Koreana na nakikita niyang sumasayaw sa Korean channels na paborito niyang panoorin ngayon. "Nakikinig ka ba sa akin?"

"Crischel, pwede ka bang sumayaw iyong pag-Kpop?" Pinandilatan siya nito at mas lalo siyang natuwa ng biglang namula ang pisngi nito. Ito iyong pinakaiinggitan niya sa kaibigan niya, she had this natural rosy cheeks at pink lips na hindi na kailangan ng make-up.

"Baliw ka nagbuntis ka lang kung anu-ano na ang gusto mo baka gusto mo ng cupcakes?"

"Nge, ayoko niyan. Sige sayaw ka na."

"Sasayawan kita ng pang-club na sayaw."

Humagalpak siya ng tawa sa sinabi nito. "Alam kong magaling kang sumayaw nakikita kaya kita kapag nagpapractice ka sa dance studio. May abs ka pa nga eh." Turo niya sa tiyan nito.

"Shut up, pwede ba balikan mon a iyong asawa mong siyang nakakaintindi sa iyo."

Hindi niya pinansin ang pananaboy nito sa kanya. "May boyfriend ka na?" hindi na siya nito pinansin. "Or may lover ka na-." bigla nitong nahulog ang bitbit na pang-frosting sa sahig.

"Ano ba iyang pinagsasabi mo?" namumulang tanong nito sa kanya and then from her reaction which is something off kaya bigla siyang nagtaka.

"May lover ka?"

"Wa-wala no!"

"Wehhhh... so virgin ka pa?"

Napakurap ito, "That's something personal." Iwas nito sa kanya.

"Hindi nga?"

Hindi pa man ito nakakasagot ay may kumatok na sa studio nito na naging dahilan kung bakit bigla itong nataranta. Bumukas ang pintuan at iniluwa ang gwapo at nakangiting kakambal ni Chloe na si Caleb.

"Uy, Caleb." She motioned him to come closer. Sinulyapan niya si Crischel na parang hindi na alam kung ano ang gagawin, marami pa ang mga cupcakes na wala pang frosting pero tila nakalimutan na nito iyon sa halip ay nagsimula na nitong ligpitin ang mga gamit nito. "Anong atin?" magiliw na usisa niya. Kapag buntis pala ay nagiging mas malakas ang instinct sa mga bagay-bagay.

"Hinahanap ka ni Warren."

"Halika nga dito Caleb." Lumapit naman ito sa kanya at saka pinisil ang pisngi nito. "Ang gwapo-gwapo mo talaga."

"Don't tell me pinaglilihian mo ako?" biro nito.

"Nah, si Crischel ang pinaglilihian ko. I think I am having a girl gusto ko nga siyang pasayawin ng ala-Kpop kaso ayaw niya."

Sinulyapan naman nito ang kaibigan niya na abala pa rin sa pagkakalat sa halip na ayusin ang mga gamit nito.

"Hmn, si Crischel talaga?" may himig ang boses nito na hindi niya maintindihan. "Are you sure you want you child to be like Crischel?"

"Yup." Mabilis na sagot niya.

"Masyado mong tinataas sa pedestal ang kaibigan mo Diana Rose, baka-." Sinadya nitong bitinin ang sinabi nito.

"Anong baka?"

Anong meron? At bakit ganito ang pakikitungo ni Caleb kay C na para bang may alam itong hindi nila alam. Nakatalikod sa kanila si Crischel dahil may hinuhugasan ito sa sink.

"Baka gusto mong mamana din ng baby mo ang pagiging masungit niya mahirap na."

"Ahhh." Pinatulan nalang niya ang sinabi nito pero hindi naalis sa kanya ang malalagkit na tingin na pinupukol nito sa kaibigan niya. "Aalis na muna ako pupuntahan ko muna ang asawa ko."

"Samahan na kita!" biglang singit ni Crischel. "Lalabas din ako." Anitong tila pinipigilan na hindi mataranta.

"Eh? May pag-uusapan pa yata kayo ni Caleb." Mabilis itong umiling.

"No! I mean hindi, wala kaming pag-uusapan. Lalabas na ako dito."

"Okay." Nagtatakang tumayo siya at saka lumabas kaya lang ay ng nasal abas na siya ay wala ng Crischel na nakasunod sa kanya sa halip ay saradong pintuan ng studio nito ang nalingunan niya. napapailing nalang siya, it seems like love is indeed a virus. Kapag nahawa na ang isa ay unti-unting nanghahawa iyon. The ZBS girls were slowly... slowly working on their love stories.

"Are you ready?" salubong sa kanya ni Warren.

"Yup, I am ready- ready to go home."

Ngumisi ito sa kanya. "Hindi pa tayo uuwi Diana may pupuntahan muna tayo."

"Saan?"

"A surprise." Sumakay na sila sa kotse nito at saka dinala siya sa pamilyar na daan papunta sa bahay ng mga magulang nito.

"Teyka lang nandiyan ang daddy mo?"

"Yup, he wants to talk to you."

Umiling siya. "Ayoko! I mean I am not ready-." Pinatahimik siya nito gamit ang mga labi nito kaya napaungol nalang siya. "Warren-." And another kiss making her more relax.

"Don't worry kapag inaway ka ni daddy susuntukin ko siya."

Nag-isang linya ang mga labi niya sa sinabi nito hanggang ngayon ay iniiwasan pa rin niyang makaharap ang landas ng tatay nito dahil ayaw niyang magalit na naman dito. Pagdating nila sa harap ng bahay ay mahigpit ang naging kapit niya sa braso ni Warren.

"After this pupunta pa tayo sa pictorial."

"Anong pictorial?"

"Pictorial, pre-nuptial photos natin bago ang kasal."

"Teyka lang bakit may pre-nuptial photos samantalang wala pang date ang kasal natin." Ngumiti lang ito sa kanya at hinalikan ang tungki ng kanyang ilong.

"They are here!!!!!!!!" isang maliit pero matinis na boses ang narinig niya ng buksan nito ang pintuan ng bahay. Muntik na siyang matumba ng bigla siyang dinamba ni Thad mabuti nalang at nasa likod niya si Warren.

"Tita pretty I wab you." natawa siya sa sinabi nito at mabilis niya itong kinarga. Nakapagtatakang hindi na nagreklamo si Warren sa halip ay nakangiti lnag itong tumingin sa kanya as if he had seen something wonderful.

"Love you too Thad." Aniya at pinaghahalikan ang pisngi ng bata na nagiggle lang.

"They are here." Napangiti ang mama ni Warren ng makita siya, kasunod naman nito si Kristine na agad na kinuha si Thad mula sa kanya para mayakap siya ng mommy nito. "Glad to see you again Diana Rose, masyado ka ng pinagdadamot ng anak namin hindi ka na tuloy namin na-enjoy." Sinamaan pa nito ng tingin ang anak nito.

"I want some quality time with my family mom alam kong kapag dinala ko na siya dito for sure sosolohin niyo si Diana. Ayokong mapagod siya she's pregnant."

"Anong tingin mo sa akin walang alam?" kinurot nito teynga ng asawa niya na ikinatawa niya. Tumingin naman sa kanya si Kristine habang si Thad ay inaabot siya.

"Welcome to the family Diana Rose."

Tipid na ngiti ang ibinigay niya dito kasi hangga't hindi pa siya tanggap ng daddy ni Warren ay alam niyang hindi pa talaga siya welcome sa family nito.

"Oh, my sister-in-law." Hindi agad siya nakakilos ng bigla siyang yakapin ni Almiro, medyo napangiwi siya ng maramdaman ang sakit na dulot ng pagkakadikit ng balat nito sa balat niya. Agad siyang hinila ni Warren na mukhang nakita ang reaksyon niya hindi naman nakahalata si Almiro.

"Are you okay?" bulong nito. tumango lang siya at ngumiti dito kasi medyo naguluhan siya ng marealized na hindi na siya nahimatay pero nakaramdam pa rin siya ng sakit. But the pain is bearable already unlike before. Parang iyong unang beses lang nahawakan siya ni Warren at para sa kanya isang malaking achievement na iyon. It's like she's really healing.

"Eherm." Napapitlag siya ng marinig ang tikhim ng daddy nito as reflex ay mabilis siyang nakapagtago sa likod ng asawa niya. Maagap naman siya nitong nahawakan para hindi siya makatakbo. "Sa tingin ko kailangan naming mag-usap ng asawa mo Warren." Napalunok siya, gusto niyang umiling dahil ayaw niya itong kausap. Baka kasi bigla siya nitong itulak pababa ng hagdan sag alit nito dahil pinili pa rin siya ng anak nitong makasama.

"Okay lang iyan Diana Rose trust me my dad likes you." he assured her. Gusto niyang mapangiwi sa sinabi nitong gusto siya ng tatay nito samantalang kulang nalang ay ilaga na nito ang pera nito para ipakain sa kanya. She doesn't hate him it's just that she doesn't want to hate him kapag inaway pa siya nito. Ngayon na alam na niya ang nararamdaman ni Warren sa kanya walang makapipigil sa kanya para ipaglaban niya ang pagmamahal niya dito.

"In the library." Napatingin siya kay Warren but he just smiled assurely at her. Napakunot ang noo niya feeling kasi niya ay iba ang alam nito sa ginagawa ng ama nito sa kanya.

"Trust me Diana, kapag inaway ka niya hindi na tayo muling babalik dito. At hindi niya makikita si baby Denzel." Nag-isang linya ang mga labi niya at saka sinundan ang daddy nito na pumasok na sa library. Humugot siya ng malalim na hininga upang kalmahin ang sarili niya, kinabahan talaga siya hindi lang para sa sarili niya pero para na rin sa anak niya.

"Congratulations." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito nakaupo na ito sa couch na para bang ito ang hari ng mundo. "You win."

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

Ngumiti ito sa kanya kaya akala niya ay magugunaw na ang mundo. "I do like you for my son, sinabi ko na ito kay Warren. When I first saw you I know you are the best choice, nagtaka nga ako kung paano ka nahanap ng anak ko samantalang walang kwenta naman ang mga babaeng dinedate niya. Knowing my son he gets what he wants easily ng walang paghihirap kagaya ng pagkuha niya sa iyo." Hindi siya sumagot. "He blackmailed you with your house and lot for you to marry him when I asked him to marry someone before I look someone to marry him. And that's when I thought my son doesn't deserve to have someone like you, malaki ang tendency ng anak ko na pwede ka niyang iwanan sa unang problemang kakaharapin niyo." Bumuntong-hininga ito. "He is my son, my youngest and we give him everything he wants. Sa sobrang bilis mabilis din siyang magsawa at ayokong dumating sa point na iyon din ang mangyari sa inyong dalawa. I am sorry Diana Rose kung kinailangan pa kitang pahirapan gusto ko ring maisip mo na baka nagkamali ka sa pagpili sa anak ko and you deserve someone better pero hindi mo siya sinukuan. You fought for him at gaya nga ng inasahan sa unang problemang dumating sa inyo ay umayaw agad siya. But don't worry he already learned his lessons he loves you and I am a living witness to that."

Hindi pa rin siya nagsalita pero sa loob-loob niya ay unti-unting nawawala ang bigat sa puso niya.

"Ibig sabihin tanggap niyo po ako para sa anak niyo?"

"Matagal na hija, wala akong anak na babae kaya nga gustong-gusto ko ng mag-asawa ang mga anak kong lalaki. I want them to settle down and have their own family hindi na sila bumabata, and thanks God they found the right woman whom they can spend their entire life with and I am glad my son found you." hindi niya napigilan ang sariling mag-init ang mga mata, it's just too much for her. Ang init-init ng puso niya para bang mapapaso siya kaya nga hindi na niya rin nautusan ang sariling huwag maiyak.

"K-kung biibiro niyo po ako Sir please don't, okay lang naman po sa akin na magalit pa rin kayo sa akin na ayaw niyo pa ako sa anak niyo. Ipaglalaban ko pa rin si Warren kaya kung technique niyo poi to para ako na ang kusang umalis sa tabi ng anak niyo hindi po mangyayari iyon."

Napasinghot siya at nagpunas ng mga luha sa kanyang mga mata, naramdaman nalang niyang may yumakap sa kanya and this time wala siyang maramdamang sakit o ano man.

"Tahan na anak." Mas lalo siyang napa-iyak sa narinig niyang tinawag nito sa kanya. Ilang taon na rin ba noong huli niyang marinig ang katagang iyon, it feels like her papa calling her when he's home. Masyado pa siyang bata noon at kahit na hindi na niya maalala amg mukha nito at ng kanyang ina ay pamilyar na pamilyar pa rin sa pandinig niya iyon. "Ayokong sabihin ng bunso ko na pinapaiyak ko ang asawa niya." hinaplos nito ang buhok niya.

"Para ka pong papa ko noon." Mahinang bulong niya dito.

"Papa mo na rin ako ngayon Diana, I know what happened. Bata ka pa ng nawala ang mga magulang mo kaya ngayon ako naman ang magiging daddy mo. You have and you already have my wife as your mother. You have us Diana Rose and your brother too." Napahikbi na siya dito.

"Salamat po sir."

"Ano bang sir call me daddy because you are my daughter now at ikaw lang ang asawa ni Warren na kikilalanin ko. Alagaan mo rin ang anak ko."

"I will po, salamat po uli.'

Binitiwan siya nito. "Welcome to the family Diana Rose Rosales-Cuevas."

"Thank you po."

Namamaga pa ang mga mata niya ng lumabas na sila ng library pero ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Para bang may bumalik sa kanya na dati ay naiwala niya, para bang may nakuhang mabigat na bagay na matagal ng naimplant sa loob ng katawan niya. Nang makita siya ni Warren ay agad itong yumakap sa kanya and keep telling her how much he loves her.

She feels like she belong.

She found a home.

She found a family.

She found security.

"SAAN ba tayo pupunta teyka nga dahan-dahan lang." nagdahan-dahan naman si Warren sa pag-alalay sa kanya habang naglalakad siya. "Seriously Warren may balak ka bang maging bodyguard ko twenty four seven?" natatawang tanong niya dito.

"Masama bang samahan ko ang maganda kong asawa kahit saan man siya magpunta?" inirapan niya ito.

"Yeah right don't tell me hindi ka parin nagtatrust sa akin kaya palagi mo akong sinusundan."

Ngumuso ito. "It's not I am not trusting you Diana because I do trust you, ang trust na ayokong gamitin sa iyo ay iyong condom lang dahil wala akong balak na gumamit ng bagay na iyon."

Malakas siyang napasinghap at sinapok ito sa braso. "Ang bastos ng bibig mo."

Malakas itong tumawa sa sinabi niya at saka niyakap siya. "Nakakapagpabago pala ng takbo ng isip ang pagiging buntis." Biro nito. "Dahil naalala ko iyong sinabi you want to use trust to me."

"Uy, hindi kaya trust you sabi ko frenzy kasi iba-iba ang flavor." Napakagat siya ng labi sa sinabi niya. "Saan mo ba uli narinig iyan as far as I remember hindi ko iyan sinabi sa harap mo ah!" aniya.

Humalakhak lang uli ito. "I have my ways wife at alam ko rin na ilang beses mo na akong ginahasa sa isip mo."

"Hindi ah!" pasigaw na sagot niya.

"Namumula ang tungki ng ilong mo kaya alam kong nagsisinungaling ka."

"Hindi nga sabi eh." Panay hampas niya dito.

"And you even said na pakakasalan mo ang lalaking nagluto ng lumpiang kinain mo noong kasal ni Heinz. Masarap talaga ang lumpia ko."

Natawa siya sa sinabi nito, nagiging green minded na naman siya. "Hindi naman lumpia moa ng masarap kundi iyong footlong hotdog."

Mas lalong lumakas ang tawa nito. "Naughty wife, humanda ka talaga sa akin mamaya." Sabay kabig nito sa kanya at hinalikan ng mariin ang kanyang mga labi. Halos mapugto ang hininga niya sa halik nito. "Kakagigil ka talaga." Bulong nito. "Halika na nga para makakain ka uli ng masarap na footlong hotdog." At kumindat pa ito sa kanya

Natawa nalang siya sa sinabi nito at hinayaan nalang siya nitong hilahin sa kung saan man nito gustong pumunta. Napansin nalang niyang huminto sila sa Primero, ang bar kung saan palagi niyang tinatambayan noong dalaga pa siya. Matagal na rin noong huling punta niya dito.

"The last time I was here someone asked me to be his bride." Aniya dito. "Pero bawala ako dito." nag-aalalang paalala niya dito.

"Don't worry it's safe."

"Bakit close ba ang Primero ngayon?" inaalala niya ang araw. "It's still Saturday and Saturdays are the peak days of Primero."

"Alam mo talaga ang schedule nito ano?"

"Naman, palagi kaya ako dito. Hustler na ako sa pagbabar hopping." Proud na wika niya. "Hindi mo naman ako kamumuhian dahil palagi ako dito hindi ba?"

"Silly, why would I? You even amaze me more because no matter how much time you spend here still you've managed to be clean for me."

"Hindi naman ako ganyang klaseng babae, I may be liberated and open-minded dala na rin siguro ng trabaho ko at mga nakakasama ko pero nasa tao pa rin naman iyan kung paano niya alagaan ang sarili niya. At saka kung nalaman mong hindi na ako malinis noong una tayong mag-toot-toot kamumuhian mo ba ako?"

Muli itong tumawa pero napapailing sa sinabi niya. "I am really amazed with your choice of words wife, but to answer your question. Virgin or not ikaw pa rin ang pipiliin ko because you are different, you make me realized things that I didn't even know I know. And besides hindi na rin naman ako virgin noong unang may nangyari sa atin, I won't demand something that I can't even give. Having your first time is a precious gift that I want to treasure."

"Bolero, masarap din ang bola-bola ngayon." Aniya dito pero sa totoo lang ay lobong-lobo na ang atay at puso niya sa pinagsasabi nito. It's just too refreshing to know na tanggap pala siya nito kahit ano pa man ang pwedeng nakaraan niya.

"Masarap talaga ang bola-bola kapag may kasamang hotdog."

Tumango siya. "I know what you mean husband." At siya na mismo ang kumindat dito, medyo gumeywang pa ang takbo ng kotse nito.

"Bad ka muntik na iyon." At ipinarada na sa harap ng primero ang kotse nito. Napansin niyang medyo tahimik ang lugar kahit na maraming kotse na nakaparada sa labas niyon. Pasado alas otso na ng gabi too early para buksan ang club.

"Anong meron?" takang usisa niya ng alalayan siya nitong makababa sa kotse.

"Alam kong namimiss mo na ang pagpunta dito kaya I asked my people to clear and clean everything."

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. "Primero is yours?"

"Ours, it's ours. Kung anong akin ay sa iyo na rin."

Namangha pa rin siya sa nalaman niya hindi niya akalain na ito pala ang may-ari ng club na madalas nilang tambayan. Sino bang mag-aakala na ang tambay sa club at ang may-ari ng club ay pwede palang magkatuluyan. Pagpasok niya ay agad niyang naamoy ang mga sariwang bulaklak sa halip na amoy usok at beer, wala din iyong nakakabinging ingay sa halip ay mga sweet instrumental songs ang naririnig niya.

The door opened and she was surprised to see what's inside the bar, kung kanina ay nagulat siya dahil sa nalaman niyang si Warren ang may-ari ng Primero ngayon mas lalo siyang nagulat ng makita ang loob. Mahigpit ang naging hawak niya kay Warren.

"Warren what's this?" may ideya na siya kung ano ang pwedeng mangyari but she doesn't want to assume dahil mahirap nab aka hindi pala ito para sa kanya.

"We are getting married today here Diana. I want to marry you in the church but your sisters said it's a taboo that's why I decided to marry you here, sa eksaktong lugar kung saan ako nagpropose sa iyo, sa eksaktong lugar kung saan kita unang nakilala, kung saan ko unang nakita ang wild rose nila nakilala ko ang aking Diana Rose. You are my wild rose and I don't mind being pricked with your thorns as long as I can be with you. Now, how about marry me again with our family and friends?"

At nagsulputan ang mga kaibigan niyang nagtatago lang sa isang tabi, Zyrene is with Heinz smiling at her malaki na rin ang tiyan nito. Si Karylle na kahit na nakunan ay muli namang nagkaroon ng panibagong supling ay alam niyang masaya na rin. Nandoon din si Chloe kahit na alam niyang naaadik na ito sa cruise and the rest of the girls are with her.

"I would love to but I am not dress-."

"Dress ba ang problema?" singit ni Chloe na katabi si Rye. "Pinabalik ko pa ang cruise dito dahil sa kasal mo I can't miss it, I wouldn't missed it." At may kinuha itong malaking box sa likod nito. Chloe is seven months pregnant at nakakatakot ang laki ng tiyan nito dahil pakiramdam niya ay puputok iyon sa laki. Twins kasi ang dinadala nito.

"Let me." Alalay na alalay si Rye sa asawa nito, hindi pa man ito nakakahakbang ay lumapit na si Crischel na halatang inis sa mundo at may hawak na ng box.

"Ako na ingatan mo nalang si Chloe." Angil nito kay Rye. First time niyang nakitang nagsuot ito ng jeans. Hindi pa niya ito nakikita minsan na nag-jeans, she wear shorts but she never wear jeans. Bagay naman pala dito, nainggit tuloy siya sa kaibigan niya dahil sa hapit na hapit ang sout nitong sleeveless top kahit na may cardigan itong suot, bagay din dito ang suot nitong skinny jeans at isang pares ng high heels. Mas feminine sa paningin niya ang hitsura ni Crischel ngayon at tila ba may nagbago, the feels lang. She feels like Crischel is now being true to herself.

"Nakawin ko muna itong si Diana papalitan ko muna--."

"Ay ano ba?" tili ni Ainsley ng bigla itong itulak ni Caleb na nasa likod lang. "Ano ba Caleb!"

"Ikaw na ang tumulong kay Diana na magpalit ng damit." At hinila naman nito si Crischel na sa tingin niya ay susuntukin na ni C.

"Fine." At hinila na ni Ainsley si Monique kasama siya, sumama na rin si Georgette. Mabilis ang naging mga kilos nito at mabilis nga siyang naayusan ng mga ito. She's been wondering kung sino ang susunod na ikakasal dahil ng ibigay sa kanya ng mga kaibigan niya ang isang boquet ng green and white tulips and roses ay naisip niyang hindi niya iyon ibabato dahil kilala niya ang mga kaibigan niya ay sa halip na saluhin iyon ay iiwas lang ang mga ito.

Naiwan sila ni Georgette sa loob ng VIP room kung saan siya inaayusan. Agad niyang pinansin ang pagbabago ng hitsura nito. Sa lahat ng mga kaibigan niya si G ang pinakamabait, ito rin ang klase ng taong aawayin mo na yayakapin ka pa.

"I am not getting married kaya huwag mong isipin na ibigay sa akin ang boquet." Natatawang ani nito ng ayusin ang bangs niya.

"Bakit ayaw mong pakasal you deserve to be happy too." Malungkot na ngumiti lang ito sa kanya, those smile didn't even reached her eyes.

"Ang isang tulad ko ay hindi deserving na maging masaya Diana, you deserve to be happy but I don't. I'd rather give my happiness to Crischel, Ainsley, Monique, Monica and Hexel. Huwag nalang sa akin sa kanila nalang."

"Everyone deserves happiness."

"I know but I refused to have mine. Masaya na akong makita ko kayong masaya." Pinisil nito ang baba niya na palagi nitong ginagawa kapag may isa sa kanila ang kinakabahan.

"I want you all to be happy, huwag niyo na akong isipin mas mahalaga kayo sa akin." Tinulungan siya nitong tumayo.

"G-."

"Go Diana Rose, have your happy ending. This is your best day for the year and the start of many more best days with your family." Ngumiti ito sa kanya.

"Georgette." Hinila na siya nito palabas ng vip room at muling dinala sa may dance floor kung saan nakaset-up na ang lahat. Maging si Warren ay nasa ibaba na at nakaayos na rin katulad niya. Her sisters were already holding their bouquets as her bride's maid. Wala siyang maid-of-honor, because the best seat will always be reserved to the person whom they owe their happiness, kay Hexel lang iyon. No one deserves that spot than her, dahil kung may isa man sa kanila na mas deserving na maging masaya walang iba iyon kundi ang kanilang fairygod mother.

Sinulyapan niya si Georgette na tumabi na kay Monica habang ang lahat ay nasa upuan na at hinihintay na ang pagdating niya. Napansin niyang may isang matangkad na pigura na tumabi kay Georgette, sinulyapan lang ito ng kaibigan at tinanguan bago muling ibinalik ang tingin sa harapan. Napangiti siya ng mapansin na hindi nilulubayan ng lalaking katabi nito ng tingin ang kaibigan niya.

Someone do deserve their own happy ending, kahit na anong pigil mo kung oras na talaga, talagang darating na iyon sa buhay mo.

Just like her, she'll have her real happy ending now. Wel, with or without this surprise wedding she believed that she already have something that she deserves more than anyone could. She have something only a brave person with brave heart can have.

Her own man.

Who wants her as his own woman.

She long for a touch that would cure her and finally green bee have it.



<<3 <<3 <<3

a/n: Sorry kung natagalan ang update, alam kong ang kwento ni Diana ang may pinakamaraming clues about sa future stories. At alam ko rin na may tanong pa kayo sa isip niyo, hindi ko sasabihin kung ano para matanong niyo sa sarili niyo kung ano ba ang tanong na tinatanong niyo habang nag-iisip kayo dito. Mwahahahaha (insert evil laugh here). Hindi nga masasagot din ang mga tanong niyo sa tamang panahon hindi pa ngayon, ireserve na natin iyan sa ibang story. 

Finally, ito lang ang masasabi ko natapos ko na rin siya. Nag-enjoy din ako sa couple na ito dahil sa ang cute nila,  para silang tange dahil sa loading na feelings nila. At gusto ko rin ang daddy ni Warren kahit na sinumpa niyo siya, mwahahahaha.. wala eh ang cool kasi niya lalo na kapag nag-uusap silang dalawa ni Warren parang hindi sila mag-ama kundi magbarkada lang. Type ko rin ang mga ganyang tatay eh kaso sa part ko ang tatay ko ay kahit na sino nalang. 

Hayy, kung pwede lang sanang pagka-browse na pagkabrowse ko sa catalogue ng Avon iyon part na may mga lalaking nagsusuot ng brief eh pwede kong sabihin na, pwede bang umorder ng isa? Ay pwede na palang dalawa nalang o kaya naman ay tatlo para isa sa umaga, isa sa tanghali at isa sa gabi, iba din kapag weekends. Oh hindi ba? Kaso hindi naman sila nagbebenta ng ganoon, wala pang price tag na nakalagay kaya ayun hindi talaga siya for sale. Naghihintay lang naman ako po. Kaya hindi na ako kailangang ipa-raffle ng mga magulang ko. 

Sa isip yata nila ako ay tomboy dahil kapag nanonood ako ng tv na kasama sila ay sinasabi ko agad na, ang ganda ng legs niya hindi bagay sa mukha niya sana naging legs nalang siya. ohlala, hahahahaha... may ganoon? Sige mahaba na ang author's note ko bawi-bawi din sa mga araw na hindi ako nakapag-update dahil sa kadahilanang ako ay tinamad na mag-update. Iyon lang pow. Halabyu people! Halabmyself too!

STATUS UPDATE: Finally, ZBS4#: Green Bee's Longing Touch is finally SIGNING OFF.

Continue Reading

You'll Also Like

70.4K 3.5K 25
Porcia Era Hart x Chrisen
233K 3.4K 30
"I was broken and lost, but you've found me. You will always be the best of me." Currently on revision for future publishing. If you want a hard cop...
2.7M 49.1K 20
"You can never hate me Yvonne, you can never hate the one you love. That's my curse and that's the deal. Don't deal with the devil." Yvonne is alread...
4.3K 119 55
Bestfriend series #1 Professorxstudent Started: April 8, 2024 End: