QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧...

By Gamatoki

2.2M 56.1K 8.4K

| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-p... More

Story Description
Author's Note
QBMNG - CAST
CHAPTER 1 - Two Worlds Collide
CHAPTER 2 - The Clash Pt. 1
CHAPTER 3 - The Clash Pt. 2
CHAPTER 4 - Spoonful Of Hell
CHAPTER 5 - Not Obsessed
CHAPTER 6 - Backfired
CHAPTER 7 - Quality Time
CHAPTER 8 - Taste Of Your Own Medicine
CHAPTER 9 - She Strikes Again
CHAPTER 10 - Evil Plan
CHAPTER 11 - Won The Battle, Lost The War
CHAPTER 12 - Best Friends? More Like Sisters
CHAPTER 13 - When Life Is Playing Tricks With You
CHAPTER 14 - The Game Of Cat And Mouse
CHAPTER 15 - Shit Happens
CHAPTER 16 - A Truce, Maybe?
CHAPTER 17 - The Start Of Something Beautiful
CHAPTER 18 - I'm So Sick
CHAPTER 19 - Late Night Rendezvous
CHAPTER 20 - Food For The Soul
CHAPTER 21 - Uncommon Emotion
CHAPTER 22 - Apology Accepted Part 1
CHAPTER 23 - Apology Accepted Part 2
CHAPTER 24 - Missing In Action
CHAPTER 25 - Please Stay
CHAPTER 26 - Fiel Jansen
CHAPTER 27 - Meeting The Cousin
CHAPTER 28 - Curiosities
CHAPTER 29 - Late Night Phone Call
CHAPTER 29.1 - Meanwhile ..
CHAPTER 30 - Curing A Headache
CHAPTER 31 - Santillan Household
CHAPTER 32 - Trouble With The Best Friend
CHAPTER 33 - Payback
CHAPTER 34 - Kiss And Make Up
CHAPTER 35 - Overwhelmed
CHAPTER 36 - Lesbi-Honest
CHAPTER 37 - Terrible Liar
CHAPTER 38 - Confessions
CHAPTER 39 - Royal Bitch [1/3]
CHAPTER 40 - Royal Bitch [2/3]
CHAPTER 41.1 - Tease
CHAPTER 42 - Valentine's Day [1/4]
CHAPTER 43 - Valentine's Day [2/4]
CHAPTER 44 - Valentine's Day [3/4]
CHAPTER 45 - Valentine's Day [4/4] PT. 1
CHAPTER 46 - Valentine's Day [4/4] PT. 2
CHAPTER 46.1 - Clarence
CHAPTER 47 - Just say it
CHAPTER 48 - The Other Side
CHAPTER 49 - Lonely Hearts
CHAPTER 50 - Missing You
CHAPTER 51 - Operation: Fixing A Lonely Heart
CHAPTER 52 - Turning Point

CHAPTER 41 - Royal Bitch [3/3]

34.4K 887 116
By Gamatoki



Lorenzo



"Wohooo! Nice one! Go Coyotes! GO, GO, GO!" sigaw ng eskandalosang si Bethany right after makapuntos ng isa sa mga player ng Men's Basketball team namin. A jump shot na wala naman kakwenta-kwenta.



Kanina pa nauubos ang pasensiya ko dahil sa kaingayan niya. Seriously? Hindi ba pwede mag-cheer without getting the attention of almost half of the people here in the gym? Nakakahiya.

Kada buka ng bibig niya, napapalingon ang mga tao. I think naapektuhan na nga din yung mga players. Distracted sila kaya tambak ang score. First game at against pa sa Blue Eagles pero mukhang magkakalat lang sila. Ugh. Unang game, unang talo. Kulelat pa. Eww. Dapat mai-front page 'tong bwisit na game nila na 'to sa student publication ng matauhan naman sila. Mag practice din kasi. Home court pa naman. Pinapahiya nila ang school.


"Relax. This was your idea, remember?" says Steph. I don't need to look at her direction para malaman kung ano ginagawa niya. Nagtetext na naman yan.

Tinapik ko na sa balikat si Bethany, ayaw pa din papigil. "I should've brought duct tape or something.." Dapat plasteran bibig niya eh. Nakakarindi na. Ang ingay ingay na nga ng crowd, dumadagdag pa. Noise pollution!

Coming here to watch this sorry excuse of a game is a bad idea. Bringing Bethany with me is even worse. Nasaan na nga ba yung dahilan kung bakit ako nandito? Yung Chase na yun, nakakainis na talaga! Napaka pa-importante! Binabaan na nga ako ng phone, ngayon pinag hihintay naman ako. Ilang lame three-point attempts nalang ni De Guzman tapos na yung game pero, wala pa rin siya hanggang ngayon. Ang lakas naman kasi ng loob nung lalaking yun na yayain si Chase na manuod ng game eh SOBRANG PANGIT naman ng performance niya. 


"Oh yeah!! NICE ONE, GUYS!! Galing niyo! Go Coyotes!" Sigaw na naman ni Beth ng maka score si ... oh si De Guzman pala yung naka-shoot. Ngayon niya pa naisipan magkasilbi eh fourth quarter na. Kung maka 'Galing niyo!' naman itong si Beth. Lamang ang kalaban ng 20 points, anong magaling doon?


"Damn it. Keep it down, Bethany! Nakakahiya ka!" I hissed. Pinigil ko na din yung braso niyang kanina pa kaway ng kaway at super agaw eksena. Nag mumukha kaming jologs dito.


"Oh c'mon, Rhei. They need our moral support kaya. Let's go cheer for them." maarte niya pang sagot.



"Ilang minutes nalang, okay?! Twenty points pa ang advantage ng kalaban. Mag-isip ka nga! Kahit mag lupasay ka pa diyan wala na magagawa 'yang moral support mo!"

Nag pout lang siya sakin in response. Imbis pati na makinig, she kept on cheering pa din. Sumasakit na yung ulo ko sa ingay. Buti pa si Jimenez chill na chill habang naka earphone at walang pakialam sa mga nangyayari. Tumayo na ako. I've had enough. Baka masampal ko ni Beth kung hindi pa ako aalis dito.



"Wait, where are you going?" Steph asked.


"Outside. I need a breath of fresh air." Feeling ko nababawasan yung life span ko habang naririnig ko yung sigaw ni Bethany at nakikita yung pagkakalat ni De Guzman eh.


"Oh, good. Sama na ako." she said, now gathering her things.



"What about Beth?"




"Since when did you care about Beth?" tanong niya pa. I glared at her. Bwisit na'to! Tinatanong ng maayos! "Just kidding. I'll wait for her outside. Diretso uwi ka na ba?"



"Yeah. Hinihintay ko lang si Chase." With that I saw her smirked. "What?"





"Oh, nothing. It's just .. usually naman you don't wait for anybody. Guess you've changed, huh?"




"Eh may tutorial kami ngayon. Of course I had to wait for her. Ayoko naman mag commute pa siya papunta sa bahay.. You know, matagal yun."


"Right." sabi niya pa, looking as if she's not convinced. I ignored her. I don't need to explain to anybody. Kung ayaw niya maniwala, eh di huwag. 


After informing Beth na hindi na kami makatagal sa mga atungal niya, lumabas na kami ng gymnasium ni Steph. She said she needed to retouch her makeup kaya naiwan ako dito. I'm hundred and one percent sure na I still look fresh pa rin naman eh kaya hindi na ako sumama. Umupo nalang ako sa bench then sent paimportanteng Chase a text message. Minutes passed pero walang reply. Wala pa rin si Steph. I'm bored AF.



Mabuti nalang maya-maya lang din.




"Andy!" sigaw ni ... well, sino pa ba? I immediately look at her direction. Napansin ko kaagad yung patakbo niyang paglapit sa akin. I've also noticed the books she's carrying. Ang kakapal. Hirap na hirap siya sa pagdadala. Finally, my antidepressant is here.


"Sorry ... late ako ... ha?" Hingal na hingal siya kaya paputol-putol kung magsalita. Nilagay niya muna yung books na dala-dala niya sa kabilang bench, bago bumalik at tumabi sa akin.



"If sorry could fix everything---" May atraso siya sa akin, I have all the right na makabawi man lang but she immediately stopped me. Tse!


"Huwag ka na humugot, please? Napagod ako eh. Ang layo kasi nitong gym. Tinakbo ko pa kamo. Ang sarap. Kanina ka pa ba? Shit, yung game pa nga pala!"


Tatayo na sana siya para siguro pumasok ng gym pero pinigilan ko na siya kaagad.


"Don't bother. Patapos na yun at huwag ka mag-alala, you didn't miss anything. Ang pangit ng performance ng Coyotes. Nagkalat lang sila."


"Bakit? Talo sila? Harsh mo. Huwag ganun." Nakita ko yung pawis niya sa noo kaya hinatak ko siya palapit sa akin. Kumuha ako ng tissue sa bag. I was about to wipe her sweat but she wouldn't let me.




"Huwag na. May panyo ako sa bag. Ako na."





"Manahimik ka nalang at huwag ka malikot." I said. Lalo kong hinigpitan yung hawak ko sa braso niya.





"Hindi. Ako nalang, Andy. Ako nala—"



Ang kulit! Sinamaan ko na siya ng tingin. "Sabi na ako na nga eh. Tumahimik ka na nga lang diyan Santillan. Kanina pa sumasakit yung ulo ko ha."


And stay quiet, she did. Good girl. Hindi na rin siya malikot kaya napunasan ko yung noo niya ng maayos. BUT, she was staring at me. Like, really staring. Titig na titig. Pero maya-maya lang din, naramdaman ko nalang yung kamay niya, slightly pinching the bridge of my nose.


Nagulat ako.




"What was that for?" I asked. Parang nag init yung mukha ko sa ginawa niya.



"Ang sweet mo kasi ngayon. Okay ka lang ba?"



I felt a small smile creeping upon my cheeks dahil sa sinabi niya kaya pa simpleng napatakip kaagad ako ng mukha. "W-whatever. Bakit ngayon ka lang, ha?" I asked pa, stuttering. Ugh, this is so pathetic!


Pero imbis na sumagot, tinawanan niya pa ako. 



"Nag blush ka, Andy. Ang cute mo pala kapag nag blu-blush ka." Shit, sabi na nga ba. At tawanan daw talaga ako? Kahit kailan talaga itong Chase na'to! I glared at her para tigilan niya na ako. " Sorry, sorry. Ano nga ulit yung tanong mo?"



"Tinatanong kita kung bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay."



"Ah. Bakit Andy, may iba na bang laman yang puso mo? Sayang naman."


Errr.. what? 


Ano daw?


"I don't get it .." I'm confused habang siya naman tumatawa. Pinag tritripan niya talaga ako.


"Wala. Yung sa kanta yun. Ang slow mo.."



Ah ganun? Sinusubukan mo ba talaga ako ha, Santillan?! At anong kanta ba yung sinasa—Ah! Bigla akong nag ka idea sa kung ano yung tinutukoy niya.

"Ang korni mo!" Babawian ko pa sana siya sa pang-aasar niya sa akin nang may bigla kaming narinig na pagtikhim, interrupting me from my plan. Napalingon ako. It's Steph na nakataas ang mga kilay. Nakabalik na pala siya. Natapos din sa pag papaganda pero wala naman nagbago sa itsura.


"Uh.. Am I interrupting something?" she asked. I shook my head. Tumayo na din kaagad si Chase. Istorbong Jimenez!


"Hi, Stephanie." Bati niya dito. Tumango yung isa.


"Hello. Buti nandito ka na. Kanina pa mainit ulo niyan." sabi niya pa sabay turo sa akin. "Oh well.. What's new, right?" she added, chuckling. I rolled my eyes at her but she just smirked at me.


"Oo nga eh. Ang tagal kasi ng meeting with the Student Council. Tapos, separate pa yung meeting ng mga scholar. Kaya ayun, late natapos."


"Oh. Para saan daw yung meeting?" tanong pa ni Steph. Chismosa lang. Nagsimula na maglabasan yung mga tao sa gymnasium. Tapos na din sa wakas ang walang kwentang game. I bet paos na yung Bethany na yun sa kaka cheer niya.


"Para daw sa program sa Valentine's. May ganun ganun pala dito.."


Oh hell no. It's that time of the year na naman nga pala. Mag lilipana na naman ang mga mag jowa na naka-couple shirt dito sa campus. Gandang-ganda pa nga sila sa ganun. Yung mga may design na 'She's mine, He's mine'. Kaartehan. Bakit kailangan pa ipangalandakan? I don't get it. Masyado silang proud sa isa't-isa. Mag hihiwalay din naman.


"Oh, eh ano namang kinalaman ng Scholar's Office dun?" tanong ko. Trabaho kasi ng Student Council yan. Sila talaga yung nag-oorganize ng mga school activities, events, and whatnot. Mga pa event nila, walang sense.


"I think it has something to do with what happened last year. Diba nga nagkaroon ng problem sa scheduling ng programs noon." 

Madami kasing kaartehan dito sa campus during Valentine's. Well, parang tradition na rin kasi. Ever since kasi ginagawa na kaya nasanay na yung mga students. Parang Foundation day lang kapag araw ng mga puso dito. The school is open for the public too during that time of the year. Dadagsa na naman ang mga mag jowa na walang pang date para manuod ng mini concert, plays, at makikain sa libreng buffet.




"So, ano daw gagawin ng mga scholars this year, Chase?" 




"Wedding booth daw at tsaka yung harana."


I can't help but rolled my eyes because of what she said. Seriously? Matatanggap ko pa yung harana eh pero wedding booth? Kasal-kasalan? OMG! Parang tanga lang!



"Interesting. Sa scholars naman pala naka-assign 'yang wedding booth na yan. Saan ka naman magparticipate?"



"Sa harana. Taga-gitara nalang. Hindi ko kasi kinaya yung concept nung wedding booth eh. Tsaka, hindi ako magaling mag-design so sa harana nalang ako nag pa-assign."



Don't worry Chase for you're not the only one. Kung bakit kasi hindi pa nila tanggalin 'yang wedding booth na yan na idea pa ata ng isang alumni na masyadong atat lang sa buhay niya.


"Bago yang harana ha. What about the kissing booth? Tinanggal na ba nila?" tanong pa ni Steph.




"Hindi ko lang alam. May kissing booth pala dati?"


Sumabat na ako sa usapan nila. "Last year meron. Pinatanggal ko. It's so unsanitary. Like, seriously diba? Kissing booth? Eww."



I heard the both of them chuckled after kong magsalita. Aba, anong nakakatawa?!




"Don't mind her, Chase. Bitter lang yan. Maybe you can.. you know.. do something about that. Para hindi siya bitter this year."



Maka bitter naman tong bwisit na 'to! And help me with what? The hell. Anong pinagsasasabi niya?!


"Uh-- Ha?" asked Chase, confused.



Tiningnan pa muna kami ni Stephanie bago nag-salita at pailing-iling pa ng ulo. Sarap sabunutan!




"Nevermind. Tell me about the harana. Paano ba yun?"



"Ah, madali lang naman. Kung may gusto ka ipa-harana pwede na mag palista sa Scholar's Office bukas. Hanggang fifteen requests lang ang kaya i-accommodate kaya paunahan nalang daw. May bayad siya syempre tapos ikaw na bahala kung anong song ang gusto mo. May maliit na form ata na ibibigay na ifi-fill up. Ikaw na din bahala kung gusto mo kasama ka sa pang haharana or kung gusto mong yung mga taga scholar's lang. Sulat mo nalang kung para kanino tapos anong department siya."



Steph gave me a knowing look. Di ko gets kung anong trip niya. "Ah. That's nice. Hanggang kailan ang deadline niyan and pwede ba pumili kung sinong mang haharana?"


Bakit ang dami niyang tanong? Don't tell me may gusto siyang ipaharana ha.. Pathetic!



"Pwede ata. Sulat mo nalang dun sa form kung sinong gusto mong kumanta para sa'yo. Tapos, pwede rin pala pasamahan ng flowers or ng chocolates. Meron ding teddy bear if you like. Extra bayad nga lang."

Well, I'm sure bebenta yan kahit papaano. Harana, huh? What a way to tell your crush that you actually exist. 


"Okay. Kailan ang deadline?" 



Holy shit. May ipapaharana talaga siya! I better make a reminder on my phone na hindi ko kilala itong babaeng 'to pag patak ng February 14. Nakakahiya siya. 




"Hanggang thursday lang. Kapag napuno ng maaga yung slots, hindi na sila tatanggap ng requests. Para may time yung mga kakanta na pag-aralan yung song at tsaka yung chords."


"Oh, okay. I'll keep that in mind." Sabi pa ni Steph sabay .. sabay tingin sa direksiyon ko then winks at me! Para saan yun?


Maya-maya pa, lumabas na din yung mga players. Nakita ata ni Chase si De Guzman kaya bigla siyang lumapit dito. Nainis naman ako bigla. Bakit kailangan niya pang lumapit?  Lalo pa akong na bwisit nung nakita kong ginulo-gulo nung lalaking yun ang buhok ni Chase. I told him to stay the hell away from her! Hindi siya marunong makinig! Lintik!


"Don't worry, I bet he's just a friend." narinig kong sinabi ni Steph.




"Who's worrying? And who gives a shit if they're friends?"




Napa-iling na naman siya ng ulo dahil sa sinabi ko. 




"Right. You totally missed my point. Anyway, mauuna na ako. Isasabay ko nalang si Bethany."




Yeah, mabuti pa nga ng mabawasan naman ang mga nagpapainit ng ulo ko.




"K. Take care." I heard her chuckled in response. "What?"





"Nothing. You really have changed. Anyway, I'll go ahead na. You take care too and please try not to kill anybody." With that, umalis na siya.


Tumingin ulit ako sa direksiyon nila Chase at nung bwisit na De Guzman. They're still talking. Anong oras na! Lumapit na ako. Sakto naman umalis si De Guzman. Natakot siguro. Aba dapat lang.


"Chase, can we go? Ginagabi na tayo."


"Wait lang, Andy. Hintayin ko lang si Greg. Pinahawak niya kasi sa akin itong cellpone niya eh. Saglit lang daw." Sabi niya pa. Nakita ko nga yung tinutukoy niyang phone. Napa-irap ako.


"Ano ba yan! You're not his nanny, okay?! Iwanan mo nalang 'yan diyan para makaalis na tayo." Pesteng lalaking yun! Bakit hindi niya ibulsa yang pesteng phone niya ng hindi siya nakakapeste ng iba! Peste!



"Hayaan mo na. Okay lang yun. Buti pa Andy, pahawak nalang din nitong cellphone niya. Magpapalit lang ako ng damit. Promise hindi ako magtatagal."


Hindi na ako naka tanggi nung bigla niyang ilagay sa kamay ko yung phone sabay takbo palayo. Gusto ko sanang ibato sa trash can eh kaya lang sigurado magagalit sa akin si bubwit. So ano pang magagawa ko? Damn it! Gawin daw akong taga-hawak? Bwisit!

I-delete ko kaya yung mga contacts niya? Diba? Para maka-bawi naman. Eh kung i-factory reset ko para mas awesome? Yep, that's it. Great idea.


Pero bago ko pa man ma-isagawa yung plano, biglang nag-init ang ulo ko ng makita ko yung wallpaper ni De Guzman. Picture niya with Chase. Tapos naka hand heart gesture pa sila.

WHAT THE FUCK!


Letse talaga! I'm sure walang malisya yung picture na yun kay Chase, ewan ko nalang dun sa De Guzman na yun. Asa pa siya ha.. Chase is into girls at kung pwede ko lang talaga siyang i-out gagawin ko eh para tantanan na siya nung lalaking yun. Pero hindi ko pwedeng gawin yun. So what the hell am I supposed to do??!

I sighed.

Hindi pwedeng ma-stress. Binuksan ko nalang yung camera ng phone ni De Guzman. Buti hindi uso sa kanya ang paglalagay ng password. Nilapitan ko yung trash can. I took a snapshot of what is inside of it then bam! I set it as wallpaper. Nice. Then pinuntahan ko yung contacts niya. Hinanap ko yung name ni Chase pero hindi ko makita. Kaya naman pala wala sa 'C' kasi iba yung name na nakalagay. Ayoko ng sabihin dahil nakakainit lang talaga ng ulo!

Minutes later, nakabalik na ang pesteng lalake. Padabog kong inabot sa kanya yung cheap niyang phone. Tatanungin niya pa siguro kung nasaan si Chase pero inunahan ko na siya sa pagsasalita.


"I know you like Chase pero sorry ka nalang, may gusto na siyang iba eh. So back the hell off!"


Yun lang at tumalikod na ako. I didn't wait for his reply for I'm not the least bit interested to what he has to say. Bumalik na ako dun sa bench at kinuha ko na yung mga libro ni bubwit. Ang bigat! Buti nalang nakasalubong ko na siya.


"Oh, mabigat yan. Ako na magdadala. Nasaan pala yung phone ni Greg? Nakabalik na ba siya?" tanong niya pa sabay kuha nung mga books.



"Oo. Binalik ko na. Umalis na siya. Let's go, anong oras na."





"Ah, okay sige."




Naglalakad na kami pero hindi naman ako mapakali dahil sa mga dala niya.




"Bakit ba kasi may dala-dala ka niyan?? Ang liit mo na nga, ang hilig mo pang mag bitbit ng mabibigat."




Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko. Bakit totoo naman ah?




"Wow. Kung maka liit ka naman diyan. Eto lang naman po ang resulta ng pag tawag tawag mo sa akin sa oras ng klase."




"Whatever. Hindi ko kasalanan yun. Akin na nga yung isa niyan. Ako na mag dadala."




Ayaw niya pa sana ibigay kaya inagaw ko na at tsaka kami pumunta sa parking lot. Nangalay yung braso ko sa bwisit na libro pero finally, makakauwi na rin.


...


Bago kami dumiretso sa bahay, nag aya na ako mag dinner. Nakakagutom naman kasi  mag hintay at anong oras na. Sinabihan ko na rin si Yaya Miling na huwag na mag abala magluto.


Pagdating naman namin sa gate ng bahay, napakwento pa si Chase sa guard ko. Something about their unfinished match sa larong chess. Kung hindi ko pa siguro sila sinamaan ng tingin baka hanggang ngayon nag-uusap pa rin sila. Grabe talaga.



"Andy, yung pagkain pala na binili mo. Yung para kela Kuya." paalala pa ni Chase. Oo nga pala. I ordered a takeout kasi para kay Yaya. Syempre, binilhan ko na din yung mga guard ko at si Mang Robert. Paminsan-minsan kasi hindi naman masama maging mabait.


Kinuha ko na yung mga paper bags sabay abot kay Chase.



"Oh. Pakibigay nalang sa kanila."




"Bakit ako? Ikaw magbigay, ikaw bumili niyan eh." tanggi niya pa at hindi niya talaga tinanggap yung  inaabot kong paper bags.



"No, you do it." I insist.





"Ayoko nga. Ikaw na. Pagod ako, diba? Ikaw na." sabi niya pa at pangiti-ngiti pa. Ugh!



"Chase naman eh! Ikaw na kasi. Ang tamad tamad mo!"




"Ako pa tamad ngayon? Ikaw na. Kaya mo na yan."


"Okay, never mind then. Hayaan nalang natin mapanis to." Maglalakad na sana ako pero pinigilan niya ako.



"Oo na, ako na magbibigay. Tsk. Nahihiya ka lang eh." Kinuha niya na sa akin yung mga paper bags at tsaka niya inabot sa guard ko. Tinawag niya na din si Mang Robert. Nag kwentuhan pa sila saglit. Tapos nakita ko na may parang ibinubulong si Chase sa kanila. After noon nagulat nalang ako ng bigla silang humarap sa direksiyon ko at sabay sabay na nag thank you sa akin.




"W-whatever." sabay lakad ako palayo. Kainis ka Chase!






"Nag blush ka na naman." sabi niya pa.






"Shut up!" pero tinawanan niya lang ako. 








Ang dami niya na talagang atraso sa akin. She'll pay for this.













Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 47K 72
"Yasmine Zehra Marquez" She's lovely and sweet She's intelligent and very passionate She's beyond beautiful She's rich and elegant She's my neighbo...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
686K 18.6K 45
Diana Margarette Sandoval is an avid fan of Jameson Fajardo who happens to be the most popular and well known basketball player in the field of baske...
621K 13.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...