CHAPTER 1
Kylie’s POV
* ring!! *
I hate waking up early in the morning! I turn off the alarm clock and I try to sleep again. I’ve been doing these for almost two months but Im still not used to it. And Im sure my mom will come here and she’ll wake me up. Kung patay na ang alarm clock, siya naman ang papalit..
" Hey Mei! wake up! "and now my mom starts tapping my shoulders
" mom, give me 5 minutes more! "I said and then I hug my pillow
" you’re gonna be late so stand up! At gisingin mo na din ang kuya mo. " good thing she stop tapping my shoulders.
Oh well his not totally my kuya, I mean his my brother but he’s just 5 minutes older than me. Were obviously twins. Still, he’s my kuya coz he’s older than me!
So ano pa nga ba magagawa ko? edi gisingin yung mokong na kapatid ko. His room is next to mine. I went there and then I knocked to his door.
" Hey Ren!! wake up!! "I shout coz Im still infront of his door.
" 5 minutes!! " kambal nga kami.
" 5 minutes ka diyan! bubuksan ko na itong pinto in 5..4.. "
" 321!! okay tara.. " nagulat ako nang biglang bumukas yung pinto at kaharap ko na ang kambal kong topless
" are you insane? mag suot ka nga kahit sando lang!! baka ipalapa ko sa aso yang mga pandesal mo! " I said. sanay naman na akong makita ang katawan ng kuya ko pero hindi naman tama yung lumalabas sya ng topless.
" haha yeah ate.. " ganyan ako dapat ang ate di ka mukhang kuya!!
sabay kaming bumaba para pumunta sa dining room namin to eat our breakfast
" by the way, Kylie are you ready for your marriage interview? "daddy asked.
Kapag si daddy talaga, Kylie ang tawag sakin. pano sinununod sa name niya.. and Marriage Interview? di pa ko handa sa ganyan. Im 18, well yeah pwede na nga pero ayoko noh.
" hindi pa daddy.. " I said then I start eating my breakfast
" now be ready." what?!
" bakit ako pa? bakit di si Ren? tutal siya naman yung mas matanda samin.. " katwiran ko kay daddy
" lalaki ang anak nun, anong gusto mo? pakasal ko siya sa kuya mo? " ugh! Oo nga. isip sip nga Mei
" mommy it's unfair!! " baling ko kay mommy
" daddy is the founder of this house.. sorry mei.. " mom said.
" haha.. wawa si baby.. " baby ka diyan tandyakan ko mukha mo ANDREW REN!!
***
Nang nasa school na kami, ano pa nga ba aasahan ko? edi pinagtitinginan si Ren! pogi daw eh psh! ako naman nasa likod niya lang, loner ako.. no friends eh. Puro libro lang ang kasama ko at naka focus lang ako sa studies.
Then nasa likod namin yung bandang MINT, siyempre vocalist yung mas tinitilian nila. Di naman masyadong pogi pero tingin ko mayayabang eh. Habang papasok kami sa hallway binangga ba naman ako ng vocalist nila! ewan ko kung sino yun, di man lang nag sorry. Ang gentleman di ba?
Ewan ko ba bakit nagkakandarapa yung mga babae diyan, boses niya lang naman yung maganda di kasama yung ugali.. tinulungan ako ng babae mukhang koreana na parang french at ang ganda talaga. kasing ganda ko ganun hehe..
" Are you ok? " nilapitan nya ako
" Sa-salamat miss.. " tinulungan nya akong tumayo
" Rie nga pala, Mae Rie Kim ikaw? " tapos nakipag shake hand siya..
" Ako si Mei.. Kylie Mei Smith. Teka, kaklase kita ah.. " nakipag shake hands din ako.
" Ah Oo kaso lagi ka kasing nasa sulok eh." Sabi nya.
Eh sa loner ako ee haha. kaso bwisit si Ren di man lang ako tinulungan. Hmmp! kaklase ko din yun eh..
" Kaklase din natin yung bandang MINT di ba? " tanong niya
"Uhh.. ewan eeh di naman kasi ako nakikipag socialize. Ikaw pa nga lang kaibigan ko eh—kung gusto mo lang naman. Si Kuya lang kasi nakakasama ko dito” hindi ko naman masabing friends na kami noh. Kahit mukhang okay naman syang maging friend
"Ahm sino ba kuya mo? "seriously? Haha I wanna laugh! Di nya kilala si Ren?
" Di mo ba kilala? si Andrew.. "
" Ay sya pala. Akala ko kasi magpinsan kayo, mag kapatid pala.. di naman niya nabanggit sakin " nagtaka ako sa sinabi nya
" At bakit kailangan naman niya ikwento sayo? " tanong ko.
" bestfriend ko kasi siya.. "huh? may bestfriend pala kuya ko?..
Hmmm..sabagay mukha naman siyang tibo, slight lang hmm 5% haha. Pero kung magbestfriend sila ni Kuya, bakit hindi nya alam na kambal kami? seriously.. magbestfriend ba talaga sila? haha
Pumasok na kami sa room, wala namang nagbago maingay parin sila.. pinakilala ako ni Rie sa kaibigan niya na si Mariz.
Akala ko talaga forever loner na ako.. Akalain nyo yun? May magiging kaibigan din pala ako? hehe.
" Alam mo ang simple naman ng buhok mo.. " sabi ni Mariz.
Hinawakan nya yung buhok ko.
" Eh anong gusto mo gawin ko dito? " tanong ko..
" Pagupit mo tapos ipakulot mo, bagay sayo yun. Tignan mo ko, ang cute ko sa hair style ko o’diba may bangs :) " sabi ni Rie . Sabi na 5% lang. May concern pa sa ganda niya eh
" Okay na ‘to.. maganda pa rin naman ee.. " ayoko na mag inarte o magpaganda. Okay na ‘tong simple..
Mamaya maya pa, andyan na yung MINT tch ang yabang talaga..
" Excuse, may iaanounce lang kami. Anyway pumunta kayo mamaya sa club Jam may gig kami dun see ya! "nagtilian naman yung mga malalandi kong classmate pati tong bagong mga kaibigan ko .. at teka bar din namin yun ah!
" kinikilig kayo diyan? " tanong ko
" Si Mariz lang, nakikiingay lang ako.. WOHOO!! " sabi ni Rie tapos nakikalampog din ng desk
" Bakit? gusto ba ni Mariz yung vocalist? " bulong ko sakanya
" Hindi noh, ang gusto niya yung gitaristang si MJ " tumango tango ako. hmm pwede pa yun, mukhang mabait..
Hay nako, mabuti pang magbasa ng libro. May quiz pa kami mamaya sa Math
" Tara review nalang tayo, may quiz tayo sa Math diba? "
" oo nga pala sige.. " Rie
" Ok! buti pinaalala mo muntik ko ng makalimutan.. " sabi ni Mariz tapos naglabas na sya ng libro
pero kahit maingay sa classroom pinilit ko intindihin tong mga notes ko..pero di ko napigilan.. nag aalburoto na ko, nakalimutan ko vice president ako pero mas pinili ko manahimik.. nako naman!! baka pagalitan kami ng adviser.. nagrereview pa man din kami.. kaya..
" CLASSMATES!! MINIMIZE YOUR NOISE!! " ayun nagsitahimik sila maliban dun sa bandang MINT na sa school lang naman namin sikat ..
" Tara don't mind her.. " sabi ng vocalist nila at tumuloy sila sa pagtugtug ng pesteng gitarang yan.. GRR!! nakakaines manahimik!! nako ngayun lang talaga ako nag-ingay ng ganto..
" Excuse me lang mga MINT HA, pwede bang manahimik kayo please lang?? "
" so? how dare you to command us.. " sabi nung vocalist.
Hello? ako vice president dito noh! Kainis na president yan, absent pa kasi!!
" Excuse me again, well Im the class vice president kaya may rights ako para magcommand sa inyo.."tapos pumalakpak ang sira ulo kong kapatid..
" Kaya mo yan go! Vice!! cut muna ko ha? " mokong talaga yun! sinundan naman ni Rie
" So? bakit ganun ka na ba talaga kataas? Sabi mo nga VICE president ka. VICE ka lang." pinigilan na siya ng mga kaband mates niya ..
" Rayn tama na yan.. " so Rayn pala ( Rain po ang pronounce.. ) should i need to sing Rayn Rayn go away??
" letche naman kasi ‘to, di ba pwedeng pagusapan to ha? baby? "tapos hinawakan niya yung bewang ko at nilapit nya yung mukha ko sa pagmumukha niya, nagtilian naman ang mga kaklase ko..
" kapal ng mukha mo JERK! let go of me.. nandidiri ako! " Yuck lang ha. Alam kong ang iba sakanila iniisip na ang arte ko, ayan na oh. Si Rayn na yan. Pero shucks lang ha, di ako katulad nila.
" di ka ba nadadaan sa pogi ko ha miss VICE? "
" hindi! dahil anti-fan niyo ako, so please let GO OF ME! " tapos binagsak ko yung pagkakahawak niya sakin at sinuntok ang pagmumukha niya. Ayan ano pogi ka pa ba kung nabangasan ko na mukha mo?
Kapal niya ha.. Rayn huh?! Rayn Rayn go away!!
Ren’s POV
Lumabas muna ako, haha ingay dun sa classroom. Nangangamoy away. Si Rayn kasi sinabihan ko na wag na masyadong mayabang eh.. tsaka kabarkada ko mga yan, ako nga nagpapatrabaho sa kanila sa club namin eh.. well sinasali nila ako sa banda nila, maganda naman boses ko pero.. sa sayaw talaga ako magaling at sa pag-arte.. pogi ko talaga..
" Ren!! " sumulpot nanaman ang aking best pal..
" o Rie!! " tapos nag-apir kami ni tibo.
Well di naman talaga siya matatawag na tibo pero, maganda naman siya kaso lalake lang kumilos..
" magkacut ka nanaman? may nililigawan ka noh? haha kilala na kita.. " sabi nya
Oo totoo yun, may liligawan sana ako sa Section B. Crsytal ang name nung liligawan ko
" sino ba yan ha? " tanong nya
" Si Crystal.. "
" Haha si Crystal? astig yan ah! ang ganda nun! Teka, lakad kita gusto mo? close kami nun kasi nung nakaraang taon, kasama ko siya sa Ms. Foundation ng school at isa pa kasama din namin yan ni Mei sa Cheering squad " Bigla akong nabuhayan ng dugo sa sinabi nya
Oo, di man nakikipag socialize ang tahimik kong kapatid.. pero buti naman sumasali pa sa cheering squad. Hilig nya yun eh ang sumayaw
" ganun ba? ge sabi mo yan ha! " paninigurado ko saknya
" Oo naman.. " nginitian nya ako
Nagtaka ako nang may mga teachers na nagtatakbuhan at students papunta sa.. Classroom namin?? anong meron??
Pumunta kami ni Rie doon. Hinila ko siya para tignan kung anong nangyari at naabutan namin sina Rayn at ang KAPATID KO. Yung kapatid ko sinabunutan si Rayn habang nagsasagutan sila. Nako naman, ang pabaya ko ba? kaya na niya sarili niya. Black belter naman siya..
" Ms. Smith and Mr. Flores, bring you parents in guidance office now! call them immediately!" sabi ng adviser naming sakanilang dalawa
Nako, patay na. Bring Father na.
" pero mamnauna siya " sabay na sabi nila at nagturuan kaya lalong naginit ang ulo ng adviser namin
"Go to the guidance office now!! "sabi ni Mam tapos umalis na.
Hay grabe ‘to. Vice President pa man din si Mei. Napatingin ako sa kamay ko. nakng! ngayun ko lang napansin na nakahawak pa pala ako sa kamay ni Rie. tsk! bumitaw naman siya kaagad kasi napansin na din niya..
Patay si Mei kay daddy nako!!