Naunang nagising ang prinsesa, masusi nitong pinagmamasdan ang natutulog pang si dos, basi sa ayos nito ay tila sumabak ito sa matinding labanan.
Nang makitang may mga sugat din ito ay agad na tumayo ang prinsesa at tumungo dito.
Dahan-dahang lumapit at hinawakan ang brasong may sugat at dinampian ng gamot sa magaang paraan, nang sa gayon ay hindi maalimpungatan sa mahimbing na pagtulog ang berdugo.
Patuloy lang sa paggagamot ang dalaga na di alintana na kanina pa ito pinagmamasdan ng berdugo.
Nang sa may bandang mukha na nya ito gagamutin ay nagulat ang dalaga, dahil sa nagkasalubong ang kanilang titig, Hindi akalin nito na gising na ang berdugo.
Sya ring dahilan para mapaupo ito sa lupa.
Agad namang napatayo si dos para alalayan ang dalaga na makatayo.
”Ayos ka lamang ba?”agad na tanong ng berdugo.
”Oo, nagulat lamang ako. Bakit kasi hindi ka man lang nagsabi na gising kana pala.”
”Pasensya na! Hindi ko sinasadya na magulat ka mahal na prinsesa. Ngunit Hindi mo naman kailangan na pagtuunan ng pansin ang aking mga sugat, mababaw lamang ang mga ito.”
”Hindi porket sanay kayo sa pakikipaglaban ay hindi na kayo nasasaktan o nakakaramdam ng sakit! Mga tao din naman kayo, at kailangan n’yo din pag-ingatan ang inyong mga sarili, dahil may mga pamilya pa din naman kayong nag-aantay sa pagbabalik n’yo.”
”Wala ng pamilya ang nag-aantay sa bawat isa sa amin, dahil lahat ng mga taong nakapisan ngayon sa tribong kinalalagyan mo ay mga ulilang lubos na, lahat kaming mga kawal at alipin ay wala ng pamilya, kinupkop lamang kami ng Mahal na Datu at sinanay namin ang aming mga sarili kapalit ng pagkupkop n’ya sa amin, bukal sa aming kalooban ang pagtatalaga ng aming mga sarili sa tahanan ng Datu. Ang paglingkuran at protektahan ang Datu ang aming pangunahing tungkulin. Maging ang kanyang mga kabiyak ay aming poprotektahan.”
Matagal bago nakapagsalita ang dalaga.
”Ang Datu ang pamilya n’yo, kaya nararapat lamang na pag-ingatan n’yo ang inyong mga sarili, dahil tiyak na mag-aalala ang datu, kung marunong itong magpahalaga na para sa akin ay malabo.”
Napapalatak nalang sa ere si dos dahil sa tinuran ng dalaga.
”Magkaganun pa man, nagpapasalamat ako at maganda ang turing mo sa iyong mga kawal at dama, sana hindi namin naipagkamali ang lahat.”
”Huh? Ano ang ibig mong sabihin?”
”Wala, sadyang minsan kakaiba ka manulas ng kataga, mahal na prinsesa.
’Dahil hindi naman kasi ako taga-dito, iba ang mundo ko kaysa sa mundo n’yo, pinipilit ko lang na gayahin kung paano kayo magsalita.’ mahinang bulong ng dalaga.
”May sinasabi kaba?mahal na prinsesa?”
”Wala”
”Kung ganun ay iiwan muna kita at ako ay papanaog sa labas ng makakuha ng makakain, nang tayo ay makauwi na pagkakain ng agahang prutas.”
Marahan namang tumango ang dalaga at bumalik sa kinahihigaan kanina.
Muling nahiga ang dalaga sa lapag, at di nito namalayan na s’ya ay nahimbing muli.
Masyado pa namang maaga kung tutuusin sapagkat hindi pa sumisilay ang haring araw sa labas ng kweba.
Maya-maya pa ay dumating na ang berdugo tangan ang mga iba’t ibang prutas, na s’ya nilang magiging agahan ng prinsesa, napansin nitong nakatulog ulit ang prinsesa.
Walang maririnig na tunog sa anumang kilos ng berdugo, matapos lagyan ng mga dahon sa lapag ay buong pag-iingat na inilapag ang mga prutas.
Kumuha na din ng ilang piraso ng prutas ang berdugo para kainin, umupo sa may di kalayuan at matamang nag-isip.
Iniisip nito kung sino ang may pakana ng lahat ng naganap.
Sumulyap sa prinsesang natutulog at napapangiti.
Ngunit dagli ring napalis nang maalala muli ang nangyari.
Sino nga ba sa tribo ang may kakayahang gawin ang ganitong pangyayari?
Ang unang asawa ba ng Datu?
Ngunit wala naman itong kakayahang umupa ng mga tulisan sapagkat hindi ito nakakalabas ng tribo, Lalo pa at walang pahintulot ng Datu, maliban nalang kung nasa nasasakupan pa ito ng kanilang kalupaan, maaari silang lumabas ngunit mayroong mga kawal na kasama.
Kaya ganun lamang ang pagtataka ng berdugo kung sino ang may matinding poot sa prinsesa para lahat ng kanyang kawal at alipin ay madadamay sa kanyang pagkawala.
Mga alalahanin na naglalakbay ngayon sa isipan ng berdugo.
Halos madurog na nga nito ang hawak na prutas dahil sa matinding inis na tila hindi naman nito namamalayan.
[Raskreia]
Kanina pa ako gising at dahil sa sobrang ukopado ng isip ni dos ay hindi n’ya ako napapansin.
Nakatalilis sa akin si dos habang kumakain ng prutas na hindi ko alam kung anong pangalan,
Inalis muna nito ang kanyang antipas, may ilang hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang mukha, gusto ko sanang masilayan ang kanyang wangis, dahil wala akong ideya sa kanilang tunay na itsura.
Kahit nasa ganitong anggulo lamang nasisiguro kong malaadonis ang ang kanyang mukha, matangos ang kanyang ilong, maputi din at makinis ang kanyang pisngi.
Hay! Raskreia magtigil ka nga, kung ano ano na naman ang pumapasok sa utak ko, pero tama naman kasi ang sinasabi ko, ang problema nga lang ay itong puso ko.
Magkakasala pa ako nito, at may mapapahamak pang ibang tao.
Hayst!
Pero...
Maging si uno ay nakasuot din ng antipas, ganun din kaya ang itsura ni uno? Matipuno din kaya at malaadonis din ang mukha?
Halos ganun din ang Datu, ngunit ang Datu ay nagsusuot lamang nito kapag aalis o kaya ay may pagtitipon sa loob ng tribo na may ibang Datu ang dadalo.
Saka hindi ko pa naman napagmamasdan ng mabuti ang mukha ng Datu, laging taplis lang ang titig ko sa kanya kahit na nag uusap kami.
Ayaw ko syang titigan, Hindi ko alam kung bakit.
Bumalik ang pansin ko kay dos ng makitang halos madurog na nito ang prutas sa kanyang kamay.
”Hindi ka naman galit sa lagay na yan?”
Bati ko sa kanya.
Hindi ito nakahuma agad, alam kong nagulat ko ito, kaya tumalikod muna at agad nitong ibinalik ang kanyang antipas sa mukha, bago humarap sa akin.
”Kanina ka pa ba gising?”
”Oo, at kanina pa kita pinagmamasdan. Masyado kasing malalim ang iniisip mo at di mo namamalayan.”
”Pasensya na po mahal na prinsesa!”
”Ayos lang,”
”Kumain kana nang makaalis na tayo,”
Tumango ako at kumuha ng ilang prutas para kainin.
”Alam mo bang maihahalintulad sa isang maharlika ang iyong wangis?”
Napaubo naman ito ng wala sa oras dahil sa sinabi ko.
”May mali ba sa tinuran ko? O napasama lang ang paglunok mo ng prutas dahilan para masamid ka at napaubo pa?”
”Hindi, ayos lamang ako mahal na prinsesa, diyata’t madaldal ka na rin ngayon?”
”Wala kasi akong maaring kausapin ngayon at ikaw lang ang andito,”
”Ah, Wala kang pagpipilian kung ganun?”
May narinig ba akong himig na galit sa kanyang tinig?
”Hindi naman sa ganun, madalang lang kasi tayong makapag-usap, Lalo pa at may kanya-kanya tayong prayoridad.”
Tango naman ang kanyang sagot.
”Tapos na akong kumain, halika na!”
Turan ko.
”Ngunit, dalawang prutas lang ang nakain mo, nabusog kana ba sa mga iyon?”sagot nito sa akin.
”Oo, baonin nalang natin ang iba, para habang nagpapahinga ay may makakain tayo nang sa gayon ay hindi kana aalis at maghahanap pa ng prutas na ating kakainin.”
Walang kibo naman itong lumakad papunta sa akin.
”Bakit?”
Umupo itong nakatalikod sa akin.
”Sakay na!”
”Huh?”
Nalilito akong pinagmamasdan ang kilos n’ya.
”Ah, pasensya na binibini, hihingin ko sana ang pahintulot mo na hawakan ka at sumakay sa likod ko, dahil aalis na tayo.”
”Pero, kaya ko pa namang maglakad eh!”
”May sugat pa ang mga paa mo mahal na prinsesa, at mapapagod ka sapagkat ilang milya pa mula dito ang tatahakin natin bago makarating sa bukana ng ating tribo.”
"Ngunit, Ikaw naman ang mapapagod!”
Napatitig naman si dos sa akin dahil sa sinabi ko, nakakahiya!
Diyata’t nag aalala ako sa kalagayan n’ya.
Matagal akong napatitig sa kanya,
Huh, ngumiti s’ya!
Hindi ako maaaring magkamali, tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.
Napayuko ako agad,
Ang puso ko!.....
Tang ina!
Mali ito!
”Halika na mahal na prinsesa., huwag ka ng mahiya, ayos lang kahit mabigat ka, kaya ko naman.”
Aba’t lokong to ah!,
Naipagkamali ko lang pala.
Buset!
Akala ko natuwa s’ya sa sinabi ko dahil mukhang nag aalala ako, Hindi pala.
Pareho nga kayo ng hulmahan ng amo mo.
Asar!
.....
Hindi ako pumasan sa kanyang likod gawa ng pagkapahiya ko sa aking sarili.
Sige pa Raskreia tumalon kapa ng konklusyon, sira ulo talaga.
Sanay naman akong maglakad kahit na nakayapak, papanong hindi? Halos maglakad lagi ako na walang sapin sa paa simula bata pa ako, Hindi kapa ba masasanay.
Kahit na doon pa mismo sa mundong pinanggalingan ko, di ko kasi alintana na may karamdaman ako noon, ginagawa ko kung ano ang nais ko.
Pero mahapdi talaga sa paa lalo pa at may sugat nga ako hehehe!
Nagulat na lamang ako ng bigla akong hawakan ni dos at ipasan sa kanyang likod na parang humawak lang ng isang unan.
”Matigas talaga ang ulo mo!”
Back to ice mode na naman uli si dos.
Ilang oras na din kaming naglalakad, ay s’ya lang pala dahil hanggang ngayon ay pasan n’ya pa din ako.
”Maaari na ba tayong magpahinga?”
Wala akong nakuhang sagot, ngunit ibinaba nya naman ako nang dahan-dahan.
Humanap ng magandang pwesto at ibinigay sa akin para maupuan ko.
Nagutom ako sa totoo lang, ang layo na namin mula sa kweba ngunit hindi man ito nagreklamo sa bigat ko.
Grabeng estamina mga lodi!
Nauuhaw na din ako, kaso nahihiya akong humingi sa kanya ng maiinom, meron sanang puno ng buko akong nakikita,pero pano naman namin iyon makukuha?
”Dos!”
Nagpapalinga-linga ako ngunit walang dos akong nakita.
San nagpunta iyon?
”Dos!”muling tawag ko.
Ngunit wala pa rin akong makuhang sagot mula sa kanya.
Baka nag ikot ikot at humanap ng madaling daan.
Wala akong nararamdamang panganib sa paligid, kaya kalmado lang akong kumakain ng dala naming prutas.
Halos maubos ko na ang mga prutas nang may maramdaman ako sa aking bandang likurang bahagi kaya alerto akong kumilos.
Hawak ang patalim na binigay ni Dos kanina bago kami umalis ay dahan dahan akong tumayo, isang kamay ang humawak sa balikat ko na agad ko namang hinila ng malakas papunta sa harapan ko at malakas na sinipa, saktong pagbagsak n’ya sa lupa ay agad ko itong sinakyan sa may bandang tyan at iniumang ang patalim sa kanyang leeg, isang maling kilos at tatarak ito sa kanya.
”Prinsesa!”
Ganun na lamang ang pagkakagulat ko ng si Dos pala ang taong akala ko ay kalaban.
Pareho kaming hindi nakahuma sa nangyari.
Unti-unting akong kumilos at umalis sa kanyang ibabaw.
”Pasensya na, Akala ko isa na namang tulisan.”
”Ayos lang, malakas pala talaga ang iyong pakiramdam mahal na prinsesa, walang kaloskos akong lumapit sayo ngunit nakuha mo pang malaman na may tao sa may likuran mo at palapit sayo, at malakas ka ding sumipa, nakakabigla ang ganitong mga galawan!” habang tumatayo ay kanyang turan.
”Uminom ka muna,Buti hindi nabasag gawa ng pagkakasipa mo sa akin,”
Kinuha ko naman ito, at nagpasalamat.
Ah, ito pala ang dahilan kaya pala nawala ito sa aking paningin kanina, dahil kumuha ng buko para may mainom kami.
Ngunit nag iisa lamang ang bukong ito,
”Hati na lamang tayo sa tubig, Dos.”
”Ayos lang ako mahal na prinsesa.”
Matapos kong uminom ay ibinigay ko naman ito sa kanya.
”Kung hindi ka naman maarte ay papayag kang inumin ang laman nitong buko, saka wala namang akong nakakahawang sakit., Isa pa hinugasan ko naman iyong parte kung saan ako uminom kaya malinis yan.”
Alam kong nauuhaw na din s’ya at iisang buko lang na bunga ang nakita ko kanina, Wala kaming nadadaanang batis simula pa kanina.
Siguro naman malapit na kami.
****
Kinjoe👊